You are on page 1of 6

WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 1|

MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG- AARAL NG WIKANG- FILIPINO

LINGGO 1: Mga Konsepto sa Pag- aaral ng Wikang Filipino

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag- aaral ang sumusunod:

Panimula

MGA GAMIT NG WIKA

Ayon sa Wikipedia, language is a system of communication that enables humans to


cooperate. Ang depinisyong ito ay nagbibigay-diin sa panlipunang tungkulin ng wika at sa
katotohanang ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag at imanipuleyt ang mga bagay sa
kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay maiuugnay sa pag-aaral ng wika sa pangksyonal o
pragmatik na pamamaraan, maging sa sosyo-lingguwistika at lingguwistika-antropolohiya. Sa
pilosopiya ng wika, ang mga pananaw na ito ay kadalasang iniuugnay sa mga akda ni
Wittgenstein at sa mga pilosopo sa wika tulad nina Moore, Grice, Searle at Austin.

Mahalaga ang gampaning-papel ng wika sa ating buhay ngunit dahil lagi na natin itong
ginagamit, hindi natin gaanong naOobserbahan ang tungkulin nito. Natural na lamang sa atin ito,
tulad ng ating paghinga at paglakad. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiba ng
tao sa mga hayop. Totoong ang mga hayop ay may sariling paraan ng komunikasyon sa mga
kapwa hayop, ngunit iba ang wika ng tao. Sa Language, Culture, and Society ni Salzmann (1993),
tinukoy niya ang mga ikinahihigit o ikinalalamang ng wika ng tao kaysa sa hayop. Ilan sa mga
ito'y ang kalawakan ng saklaw ng wika ng tao at ang antas ng kakayahang maituro ito sa iba.
Bukod dito, tinukoy pa ni Salzmann ang gamit ng wika sa mga hayop. Sinabi niya, it is important
to their survival. Sa tao, higit sa survival ang tungkulin ng wika.

Ang wika ng tao ay kakaiba kung ihahambing sa ibang anyo ng komunikasyon tulad nga
ng sa hayop. Ang wika ng tao, ayon nga sa Wikipedia, allows humans to produce an infinite set
of utterances from a finite set of elements, and because the symbols and grammatical rules of
any particular language can only be acquired through social interaction. Samantala, ayon sa mga
siyentista, ang sistema ng komunikasyong ginagamit ng mga hayop ay limitado lamang sa finite
number of utterances at halos lahat sa mga ito ay genetically transmitted. Kakaiba rin ang wika
ng tao dahil sa komplikado nitong estraktura na nag-ebolb upang matugunan ang higit na
malawak na tungkulin kaysa iba pang anyo ng sistemang pangkomunikasyon.
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 2|
MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG- AARAL NG WIKANG- FILIPINO

Sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday (1973, sa Gonzales-


Garcia, 1989), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling
ginagampanan nito sa ating buhay. Ang pitong tungkulin ng wikang tinukoy ni Halliday ay binigyan
ng mga halimbawang madalas na gamitin sa pasalita at pasulat na paraan.

1. Interaksyonal
Ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at
pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan
(social beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito
ang mga pormularyong panlipunan (Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/hello at iba
pa), pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na
halimbawa nito ang liham-pangkaibigan. Ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong
lugar o sa isang bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.

2. Instrumental
Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag- uutos. Ang paggawa ng mga liham-
pangangalakal (business letters) ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang
matugunan ang ating iba't ibang pangangailangan. Halimbawa, kung kailangan mo ng
trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba pang requirements.

3. Regulatori
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng
ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin.
Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga
panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na do's and don't's kung saan-saan ay nasa ilalim ng
tungkuling ito.

4. Personal
Tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito. Samantala, ang
pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo ay mga halimbawa inito sa pasulat
na anyo.

5. Imahinatibo
Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma,
tayutay, sagisag at simbolismo. Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng
tula, nobela at maikling katha.

6 at 7. Hyuristik at Impormatibo
Hyuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng
impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibo, ginagamit sa pagbibigay ng
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 3|
MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG- AARAL NG WIKANG- FILIPINO

impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay hyuristik at ang pagsagot sa tanong ay


impormatibo (maliban kung ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong na kinagawian
na yata ng marami). Ang pagsasarbey ay hyuristik at ang pagsasagot sa survey sheets ay
impormatibo. Ang pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang halimbawa ng tungkuling hyuristik.
Ang pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong-papel naman ay mga haiimbawa
ng tungkuling impormatibo.

Pansinin ang usapan ng dalawang tauhan sa kasunod na diyalogo at ang pag- uuri ng tungkulin
ng wika ng kanilang bawat utterance.

Malou: Emma, kumusta ka na? (Interaksyonal, Hyuristik)

Emma: Uy, Hi, Malou! (Interaksyonal) Mabuti naman ako. (Impormatibo)


llang taon na nga ba nang huli tayong magkita? (Hyuristik)

Malou: Maglilima na yata. Nu'ng graduation natin ang huli nating pagkikita. (Impormatibo)

Emma: Ikaw, kumusta naman? (Interaksyonal, Hyuristik)

Malou: Eto, medyo hindi mabuti. (Impormatibo) Pinagkaitan yata ako ng tadhana eh. Hindi na
nga pinalad na makikilala ang aking prince charming, nagbibilang pa ng poste sa
ngayon! (Imahinatibo)

Emma: Sa palagay ko, sinusubukan ka lang ng kapalaran. Darating din ang suwerte mo.
(Personal)

Malou: Teka, ano na ang trabaho mo ngayon? (Hyuristik). Mukhang big time ka na ah. Ang
ganda ng attire mo eh. Professional na professional! (Personal)

Emma: Naku, hindi naman. (Personal) Personnel officer ako ngayon sa isang kumpanya rito
sa Malabon. (Impormatibo)

Malou: Uy, tulungan mo naman akong makapasok sa kumpanya ninyo. Please! (Instrumental)

Emma: Ay, tamang-tama. Kailangang-kailangan namin ng mga sales representatives ngayon.


(Impormatibo) Sa palagay ko, puwedeng- puwede ka dun! (Personal)

Malou: Naku, Emma, hulog ka ng langit sa akin! Pinagtagpo siguro tayo ng tadhana ngayon!
(Imahinatibo)

Emma: Naks! Ang lalim nun ha. (Personal)


WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 4|
MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG- AARAL NG WIKANG- FILIPINO

Malou: Paano ba ang pagpunta sa kumpanya ninyo? (Hyuristik)

Emma: Madali lang. Sumakay ka lang ng jeep mula rito papuntang McArthur Highway. Sa
Barangay Potrero, bumaba ka sa harap ng Potrero Elementary School, tapos,
sumakay ka ng traysikel. Pahatid ka sa drayber sa Mutya Publishing House. Nasa
third floor ako. (Impormatibo, Regulatori)

Malou: Sige. Sa Lunes ng umaga, asahan mo ako. (Impormatibo)

Emma: Sige, ingat ka ha. (Interaksyonal, Regulatori)

Malou: Salamat ha, Emma. (Interaksyonal)

Samantala sa Uses of Language, binanggit ni Frank Smith (1977) ang kanyang mga sumusunod
na puna:

1. Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa komunikasyon.

2. Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi nangangahulugan ng kasanayan sa iba


pa.

3. Hindi lamang isang tungkulin/gamit pangwika ang nagagamit sa isang pagkakataon. Maaari
ring dalawao higit pa.

4. Kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig at kailangan ng nagsusulat ang mambabasa.

5. Isa lamang alternatibo ang wika (pasalita at pasulat). Madalas upang maging higit na mabisa
ang komunikasyon, kinakailangang gamitin ang kumbinasyon ng wika at ng iba pang alternatibo
tulad ng pagsasakilos, pagkumpas, pagsasalarawan at ekspresyon ng mukha.

Kung gayon, kinakailangang ang isang tao'y may sapat na kakayahang magamit ang
isang wika sa pitong (7) tungkuling nabanggit. Kailangang pagtuunan ng pansin upang sanayin
ang sarili sa bawat isang tungkulin sapagkat may mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang
isang tungkulin sa isang sitwasyon at may mga pagkakataon ding kinakailangang gamitin ang
dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa isang sitwasyon.
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 5|
MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG- AARAL NG WIKANG- FILIPINO

ANTAS NG WIKA

Isang mahalagang katangian ng wika ang pagkakaroon nito ng iba't ibang antas. Ang tao
ay kalimitang nahuhusgahan sa kanyang wika . Wika raw ang mabisang palatandaan ng
pagkatao ng isang indibiduwal. Nauuri ang tao na may pinag-aralan, kulang/walang pinag-aralan,
pormal, palengkera, sa pamamagitan ng kanyang wika. Kung kaya, mahalagang maunawaan ng
tao ang mga antas ng wika nang sa gayon ay maibagay niya ang kanyang wika sa kanyang
katayuan sa buhay, sa hinihingi ng pagkakataon, okasyon at maging ng pook kung saan
ginagamit niya ito.

Nahahati sa dalawang malalaking kategorya ang wika: pormal at di-pormal. Sa bawat


kategorya ay may mga kategorya pa din.

1. Pormal. Tinatawag itong mga salitang estandard dahil ginagamit at kinikilala ng higit na
nakararaming tao lalo na ng mga may-pinag-aralan.

a. Pambansa. Pinakagamiting antas ng wika ang "pambansa" sapagkat nauunawaan ito


sa buong bansa. Madalas na ginagamit ito sa pakikipagtalastasan.Tumutukoy ito sa mga salitang
ginagamit sa pagsulat ng mga aklat pangwika. Ito rin ang wikang ginagamit ng mga tagapagsalita
sa mga pulong o palatuntunan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan. Sa mga tanggapan
ng gobyerno at itinuturo sa mga paaralan.

Halimbawa:

Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.

b. Pampanitikan. Ito ang pinakamataas na uri o antas ng wika. Tumutukoy naman ito sa
mga salitang ginagamit ng mga dalubhasa, mga manunulat, mga mananaliksik at mga makata
sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan o pampaaralan. Ang mga salitang pampanitikan ay
may malalalim/patambis na kahulugan at makulay, gaya ng mga tayutay o idyoma.

Halimbawa:

Nakarating siya sa ikapitong langit nang bigla niyang masilayan ang kanyang
sinisinta.

2. Di-Pormal. Tumutukoy ito sa mga salitang karaniwan o pang-araw-araw. Ito ang wikang
ginagamit sa pakikipag-usap gaya ng ginagawang pag- uusap at pagsusulatan ng mga
magkakaibigan o magkakakilala.

a. Kolokyal. Ito ay mga karaniwang salita na may pagka-di-pormal. Ang kolokyal na salita
ay repinado subalit nagiging magaspang.ayon sa kung sino ang gumagamit nito. Kung kaya ang
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 6|
MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG- AARAL NG WIKANG- FILIPINO

pagiging kolokyal ng mga salita ay nakasalalay sa taong gumagamit ng mga salita. Ang
pagpapaikli sa mga salita ay nauuwi sa ganitong antas ng wika.

Halimbawa:

kelan(kailan), n’ya (niya),’ ika (wika), pa'no(paano), at iba pa.

b. Lalawiganin. Tumutukoy ito sa mga salitang nabibilang sa iba't ibang diyalekto. Ang
diyalekto ay ginagamit sa isang_partikular na pook, bayan o lalawigan. Hindi ito tinatanggap sa
masining na pagpapahayag. Ang wikang ito ay napapansin dahil sa kakaiba nitong punto o
intonasyon at bigkas.

Halimbawa:

Oragon nga ba ang mga Bikolano dahil sa sila ay kumakain ng sili?

C. Balbal. Salitang-kalye, salitang lansangan at salitang kanto ang iba pang termino sa balbal
na salita. Ito ang wika ng mga kabataan, bakla at maging ng mga walang-pinag-aralan. Tinatawag
ito sa Ingles na slang o streetword. Sa iba’t ibang grupo at kung saan-saan ito nanggagaling. Ang
mga balbal na Salita ay unang ginagamit bilang codes ng mga pangkat. Glnagamit ang mga
salitang ito upang hindi malaman ng iba ang nais na sabihin ng mga taong nabibilang sa mga
pangkat na ito. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Ang balbal na salita ay tinatawag din na
teen-age lingo kung ito ay galing sa mga estudyante at swardspeak o gay lingo naman kapag
galing sa mga bakla.

Halimbawa:

Wis ko type na kausapin ang syungak na iyan.

Sanggunian:

Aklat

Komunikasyon book

You might also like