You are on page 1of 9

Gamit ng wika sa lipunang

Pilipino
Isang isntrumento upang lubusang maipahayag ng
isang tao ang kanyang isipan at damdamin ay ang
wika. Hindi maikakaila ang Filipino, ang ating wikang
pambansang nililinang ay patuloy pang nililinang, at
pinagyayaman. Umuunlad ang wika sa dahilang ito ay
tinatanggap at tinatangkilik ng mga mamayan.
Gamit ng wika sa lipunan
*Wika-ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,tunog
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao, gaya ito ng ating
paghingaat paglakad, na natural na dumadaloy gaya ng dugong bumubuhay sa ating
katawan. Samantala, ayon sa mga syentista, ang sistema ng komunikasyong
ginagamit ng mga hayop ay limitado lamang sa “finite number of utterances” at
halos lahat sa mga ito ay genetically transmitted.
Sa “Exploration in the functions of language” ni M.A.K. Holliday (1973, sa Gonzales-
Garcia,1986) binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga
tungkulin ginagampanan nito sa ating buhay.Ang pitong tungkulin ng wika na
tinutukoy ni Halliday ay binigyan ng mga halimbawang madalas na gamitin sa
pasalita at pasulat na paraan.
1. Interaksiyonal
• ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag,
pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa
tao. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan ( social
beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan,
pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormularyong
panlipunan ( Magandang umaga, Maligayang kaarawan ,
Hi/Hello at iba pa), pangungumusta at pagpapalitan ng biro.
Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang
liham-pangkaibigan. Ang pakikipag- chat sa mga kaibigang
nasa malalayong lugar o sa isang bagong kakilala ay
maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.
2. Instrumental
• ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa
pakikiusap o pag-uutos. Ang paggawa ng mga liham-
pangangalakal (business letters) ay isang mahusay na
halimbawa ng pamamaraan upang matugunan ang ating
iba’t ibang pangangailangan. Halimbawa, kung kailangan mo
ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter ,
bukod sa iba pangrequirements .
3. Regulatori
• ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o
paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi,
ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat
gawin. Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang
pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga
panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and
don’t's kung saan-saan ay nasa ilalim ng tungkuling ito.
4. Personal
• naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal
ay gamit na gamit ang tungkuling ito. Samantala, ang pagsulat ng
liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo ay mga halimbawa
nito sa pasulat na anyo.
5. Imahinatibo
• naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo. Gamitin ang
tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela,
maanyong sanaysay at maikling katha.
6. Heuristik
• ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng
impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibo na
ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid, ang
pagtatanong ay heuristik at ang pagsagot sa tanong ay impormatibo
(maliban kung ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong
na kinagawian na yata ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristik at
ang pagsagot sa survey sheets ay impormatibo. Ang pakikipanayam at
pananaliksik ay iba pang halimbawa ng tungkuling heuristik. Ang pag-
uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong-papel naman ay
mga halimbawa ng tungkuling impormatibo.
Pag-aralan ang usapan. Alamin kung paano nagagamit ang tungkulin ng wika.
Sitwasyon:Nagkita si Menil at Emy sa isang mall.
Menil:Emy,ano na musta ka na?(heuristik)
Emy:oy,Menil (nag-aalinlangan)ikaw na ba yan?(interaksyunal)
Menil:Ano ka ba? Oo ako ito! (personal) ikaw kamusta ka naman?
(interraksyunal,heuristik)
Emy:Mabuti kapa seksi na mukhang mayaman pa. (personal)
Ano ba ginawa mo? (interaksyunal)
Menil:hindi naman nakapag asawa lang ng mayaman at responsableng negosyante. (impormatib)
Emy:Talaga? Hanap mo naman ako ng ganyan. (instrumental) Hindi, biro lang (personal)
Menil:ay naku,tamang tama, binate pa rin si mark lacuesta, yung patay na patay sa iyo.Matagal ka nang hinahanap
sa akin (heuristik).Sa office ng mister ko nagtatrabaho bilang manager. (impormatib)
Emy:Naku yung mokong na yon asensado na pala (interaksyunal).Sige ibigay mo number ko sa kanya,ha!(regulator)
Menil:uy… palipot pa ang lola.(personal)
Emy:Oy hindi ha, kasi kala ko torpe yun!(impormatib)
Magustuhan pa kaya ako nun?(imahinatibo)
Menil:sige,ingat ka ha (interaksyunal,regulatori)
Emy:Salamat Menil,”see you!”(interaksyunal)

You might also like