You are on page 1of 20

Ano ang Wika?

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang
magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o
paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na
maaring pagsulat o pasalita.

Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng


pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaat ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang


nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.

Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII – Bilang 1-2 journal
ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang wika.

Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay
salamin ng lahi at kanyang katauhan.
Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahatng wika ay nakabatay sa tunog na
kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang
ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema.
Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag
nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao.

Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong
konektibong kaban ng karanasang mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wiksng nakatala sa mga
aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong
angkinin at ipagmalaki.

Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang
kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-yaman ng mga
tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman itoy
tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang
bansa.

Ang wika ayon kay Chomsky(1957), isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na
abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.
Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na
nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong
gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.

Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, verbal na
pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.

Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tao bagay at
maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o saklaw ang mag
kahulugan.

Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo ay naririnig. Ang
naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na walang nakikita at naririnig.
Ang unang salitang binibigkas ay “bekos”, ang ibig sabihin ay “tinapay”.

Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na amy pamagat na “THE ORIGIN
OF LANGUAGE” ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa kanya uoang
makalikha ng iba’t-ibang wika.
Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao
na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala naman ang mga
siyentipiko na ang wika ay nagmula sa homo sapiens o mg unang tao.

Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop ay
maaring nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ngntao.

May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig ay ang linggwahe ng mga Aramean.
Sila ang sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang
wika. Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan ng Afro-Asiatic sa timog ng Africa at hilagang-
kanluran ng Asya at kasama ang pangkat ng Semitik, ay ang linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at ang
kanyang mga disipulo. Sa wikang ito unang sinulat ang Bibliya. Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8
siglo, ipinalalagay na ang lingwahe’y nagmula sa Herbrew, anong orihinal na wika Bibliya.

Ayon kay Roman Jakobson, isang Ruso-Amerikanong dalubwika,may anim (6) na paraan ng paggamit ng
wika:

Pagpaphayag ng damdamin (Emotive)

Panghihikayat (Connative)

Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)

Paggamit bilang sanggunian (Referential)

Pagbibgay ng kuru-kuro (Metalingual)

Patalinghaga (Poetic)

Ayon kay Michael Halliday, isang British na dalubwika na ipinaganak sa Australya, may pitong (7)
tungkulin ang wika:

Pang-instrumental

Panregulatori
Pang-interaksyon

Pampersonal

Pang-imahinasyon

Pangheuristiko

Pang-impormatibo

Ayon kay Henry Allan Gleason, isang dalubwika at propesor sa Pamantasan ng Toronto sa Estados
Unidos, ang wika ay masistemang balangkas.Lahat ng wika ay nakabatay ng mga Ponema o mga
tunog.Kapag ang mga ponema ay pinagsama-sama ito ay nakakabuo ng isang maliit na yunit na salita na
tinatawag ng Morpema.At ang mga pinagsama-samang morpema ay nakakabuo ng isang Pangngusap.
Habang ang mga pinagsama-samang mga pangungusap ay nakabuo ng isang Talata na bumubuo sa mga
lathain. At ayon rin kay Gleason, may pitong (7) katangian ang wika:

Sinasalitang tunog

Masistemang balangkas

Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo

Kabuhol ng kultura

Ginagamit sa komunikasyon

Nagbabago

Natatangi

Maraming teorya ang nagpapaliwanag ng pinagmumulan ng wika. Bagamat hindi lahat ay may
sapat at kongkretong batayan, nagsisilbi pa rin ang mga ito bilang gabay sa atin para magkaroon ng
kabatiran tungkol sa pinagmulan ng wikang ating ginagamit. May dalawang uri ito — Teoryang Biblikal at
Teoryang Siyentipiko.

Ipinapahayag sa Teoryang Biblikal, ang wika raw ay kaloob ng Diyos sa tao. Hango ito sa mga
pangyayaring nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos upang magkaroon ng kaayusan sa mundo at
maipalaganap ang mabuting salita.

Ayon naman sa Teoryang Siyentipiko, may iba't ibang teoryang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng
wika na may kinalaman sa mga tunog na naririnig ng mga tao sa kanilang kapaligiran, masidhing
damdamin ng mga tao, pagtatrabaho ng mga tao, kumpas ng kamay ng mga tao, at mula sa sinaunang
ritwal at dasal ng mga tao.

May anim (6) na antas sa paggamit ng wika:

Wikang Pambansa

Pampanitikan

Teknikal

Lalawiganin

Balbal

Idyolek

IBA'T IBANG DEPINISYON NG WIKA

Sa mga linggwista, mapapansing binibigyan nila ng pansin and depinisyon ng wika ayon sa estruktura
nito. Dahil siyentipiko ang pag-aaral ng wika ayon sa kanila, hindi nalalayo ang pagtingin sa wika bilang
isang masistemang balangkas na may sinusunod na hakbang o pamamaraan upang ito'y matutuhan at
mapag-aralan.

Ayon kay Henry Allan Gleason, 'ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang makamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa
isang kultura.'

May pagkatulad dito ang pagpapakahulugan ni Caroll (1973) kung saan nabanggit niyang 'ang wika ay
masistemang estruktura ng sinasalitang tunog at pagsasaayos nito sa paraang arbitraryo upang makamit
sa interpersonal na pakikipagkomunikasyon at ang makabuluhang pagsasama-sama ng mga bagay,
pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan.'
Sa mga sosyolinggwista, nakapokus ang pagbibigay nila ng depinisyon sa wika sa kaugnayan nito sa
lipunan. Binibigyan diin nila ang pagbibigay ng katuturan sa kabuluhan ng wika sa panlipunang aspekto at
ang paggamit ng tao ng wika bilang bahagi ng lipunan.

Ayon kay Basil Bernstein, ang wika bilang sistema ng mga tuntunin, ay nagrerepresenta ng mga code. Ang
mga code na ginagamit ay naaayon sa kinabibilangan sa lipunan. Naniniwala siyang nagkakaiba ang
ginagamit na wika dahil sa mga hadlang sa pagkakaiba sa antas ng mga taong nabibilang sa isang lipunan.
Ang pampublikong wika o wikang pangmasa ay tinawag niyang "restricted code" dahil limitado lamang
iito sa mga ekspresyong pangliggwistika. Tinawag niyang "elaborated code" ang pormal na wika o ang
wikang ginagamit sa mga komplikado at ekspresyon ng organisasyong panlinggwistika. Dahil dito, ang
iba't-ibang estilo sa pagsasalita at paggamit ng mga tao ng wika ay nagmula sa iba't-ibang pangkaugalian
at panlipunang karanasan.

Isa rin si Benjamin Lee Whorf na nagbigay ng kahulugan sa wika. Aniya, 'ang wika ay binubuo ng mga
payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang kalikasan ng sistemang
panlinggwistika ng bawat wika ay di lamang instrumento sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kundi
tagahubog din ng mga ideya na nagsisilbing gabay para sa mga gawaing pangkaisipan.' Dahil dito,
nagkakaiba ang wikang nalilikha ng mga tao dahil sa iba't-ibang antas ng pagkalantad sa lipunan.

Sang-ayon naman kay Edward Sapir, 'ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika. Ginagamit
niya ang wika bilang kasangkapan sa sosyalisasyon na kung walang wika, walang iiral na relasyong sosyal.
Gumagamit ang mga tao ng mga simbolismo upang makipag-ugnayan sa iba na nagbubunga ng
pagkakaroon ng solidaridad at pagkakaisa ng mga tagapagsalita ng naturang wika.'

Sa mga transpormasyonal na pananaw, nanguna si Chomsky sa paniniwalang 'ang wika bilang isang
sitema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan'. Dagdag pa niya, ang wika ay isang penomenang
mental kung saan ito ay likas sa tao at dahil sa kalikasan nito, may kakayahan siyang matuto ng wika.

Sa iba pang pananaw sa wika, ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay-kahulugan sa mga
tunog sa tulong ng mga bahagi ng katawan sa pagsasalita upang makamit aang layuning makaunawa at
maunawaan ng iba (Tumangan, 1997).
Sa pangkalahatan, anumang punto de vista ng mga dalubwika sa wika, may mga mahahalagang puntos
na maaaring magkakatulad ang pananaw mula sa iba't-ibang depinisyon. Kasama rito ang:

Ang wika gamit sa pakikipagkomunikasyon

Ang wika ay pantao

Ang wika bilang naisasaayos na sinasalita o binibigkas na mga simbolo, ang mga simbolong ito ay may
taglay na kahulugan

Masistema ang wika

Nabubuo o nagagamit ang wika sa isang lipuna o kultura.

Iba't ibang Kahulugan ng Wika

"Ang wika ang pangunahin at pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag ng tao."

- Archibald Hill

1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong
nakaayos sa isang tiyak na balangkas.

Halimbawa:

nag-aaral Sarah mabuti makapasa eksamin

Mapapansing batay sa mga salitang nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng isang pangungusap tulad
ng:

Si Sarah ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa sa eksamin.


2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog. Subalit
hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog na nilikha natin
ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon. Tanging
sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika. Nilikha ito ng ating aparato sa
pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa pumapalag na bagay na
siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng ilong at bibig (resonador).

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at isaayos
ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat ng
pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.

4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong
magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang
esensya ng wika ay panlipunan.

Halimbawa:

Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang gamitin sa
Pangasinan upang magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang iyong ginagalawan.

Ang pagiging "arbitrary" ng wika ay maari ring maiayon sa konbensyunal na pagpapakahulugan ng


salitang ginagamit. Walang kaugnayan ang salitang ginagamit sa ipinakakahulugan nito. Isang halimbawa
ay ang salitang "aso" sa ingles ang gamiting salita ay "dog", sa Ilokano, ito ay "aso", sa Pangasinan ito ay
"aso" maaaring pareho ang mga salitang ginamit dahil ang mga gumagamit ng wika ay napagkayariang
ito ang gamiting salita kaya't ito ang pangkalahatang gamit sa salitang "aso"

5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay
nawawalan ng saysay.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay makikita
sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga
kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang
Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng "ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas
ng mga iyon sa Filipino? Maaring yelo at niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala,
dahil hindi naman bahagi sa ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.

7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika
ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao,
maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.

8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay
paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap
kung walang salita.

9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat
sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong pamamalakad at
pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang "Uncle Tom's Cabin" na isinulat
ni Stowe. Dahil sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga
karapatang pantao laban sa mga Amerikano. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop
sa mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.

10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin
ang kay hirap ipaliwanag. Pansinin ang mga halimbawa:

a. may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamo)

b. may itlog nga ba sa gulay na "eggplant"?

Ayon muli kay Garcia (2008), mahahati sa tatlong pangkalahatang uri ang mga kahalagahan ng wika, dito
uusbong ang mga detalyadong kahalagahan nito.

1. Kahalagahang PANSARILI. Nakapaloob dito ang individwal na kapakinabangan. Halos lahat ng teorya
ng pinagmulan ng wika ay nag-ugat sa sariling kapakinabangan: pagpapahayag ng damdamin, iniisip at
maging ng mismong pagkatao. Isipin na lamang kung walang wikang natutuhan ang tao! Ang bunga nito
ay kalunos-lunos! Alisin ang wika sa isang individwal at waring inalis na rin ang pagkatao.

2. Kahalagahang PANLIPUNAN. Walang alinlangang ang tao ay hindi namumuhay ng mag-isa. Kailangan
niya ang kanyang kapwa upang bumuo ng isang lipunang sasagisag sa kanilang iisang mithiin, sa kanilang
natatanging kultura. Ito ang dahilan kung bakit may iba't ibang lipunan. Wika ang dahilan kung bakit
minamahal ng sinumang nilalang ang kanyang sariling kultura. Ayon kay San Buenaventura (sa aklat nina
Resuma at Semorlan, 2002):

Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinulat: isang hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng
kaalaman ng isang bansa, isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito. Sa madaling salita, ang
wika ang kaisipan ng isang bansa kaya't kailanman, ito'y tapat sa pangangailangan at mithiin ng
sambayanan. Taglay nito ang mga haka-haka at katiyakan ng isang bansa". Bawat salitang ipinahahayag
sa isang lipunan ay katumbas ng kanilang mga tanging pakahulugan sa buhay.

3. Kahalagahang Global Interaksyunal. Ang kahalagahang ito ay kailan lamang ganap na napag-uukulan
ng pansin. Naging mainit ang isyung ito nang magkaroon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto. Maraming
nagtaas ng kilay sa mga letrang F, J, at Z bilang mga letrang maaari nang gamiting sa pagbaybay ng mga
karaniwang salitang hiram. Malinaw na nakasaad sa Konstituyon ng 1987 na ang Wikang Filipino ay ang
wikang pambansa at ang Ingles ang wikang internasyunal. Dahil sa nangyaring revision, lumilitaw na
"lumalapit" ang baybay ng maraming salitang Filipino sa mga salitang Ingles at iba pang banyagang wika.

"Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang
saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan."

- Thomas Carlyle

"Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao."

- Pamela Constantino at Galileo Zafra


"Ang wika ay isang sistematik na balangkas na may binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitrari upang magamit ng mga taong may iisang kultura."

- FE Dance

"Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao."

- Valentine

Wika

Wika-ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,damdamin at


mithiin.

Katangian ng wika

1.Masistemang Balangkas

2.nagbabatay sa kultura

3.sinasalitang tunog

4.arbitaryo

5.wika ay ginagamit

6.pinipili at isinasaayos

7.pagbabago o dinamiko

Kalikasan ng Wika

1.Pinagsama-sama ng tunog

2.May dalang kahulugan


3.May Ispeling

4.May gramatika/istruktyur

5.Sistemang oral-awral

6.Pagkawala o Ekstinsyon ng wka

7.Iba-iba diversifayd at pagkakatubo o indijenus

Pangunahing gamit

1.Pagpangalan o labeling]

2.Interaksyon

3.Transmisyon

Ang kahalagahan ng wika

1.Ang wika ay behikulo ng kaisipan.

2.Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.

3.Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng


nagsasalita.

4.Ang wika ay kasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng karanasan.

5.Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumamit ng kakaibang mga salitang hindi
laganap.

6.Ang wika ay luklukan ng panitikansa kanyang artistikong gamit.

7.Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi.

8.Ang wika ay tagapagbigkas ng lipunan.

Pag-aralan(Santos et.al)

1.Dayalek

2.Sosyolek
3.Idyolek

4.Varayti at Varyasyon

5.Heyograpikal at Sosyal

6.Rejister

7.Istilo

8.Domeyn

9.Repertwa

10.Ibat-ibang faktor panlipunan na nakakaapekto sa pagpili ng wika varayti ng wika na dapat gamitin.

Depinisyon ng Wikang Filipino

1.Ang Filipino ay pambansang linggwa franka ng plipinas. Ang Filipino bilang linggwa franka ay
tumutulong sa mga taong nagmula sa ibat-ibang rehiyon na magkaunawaan at makipag-ugnayan.

2.Ang Filipino ay wikang pambansa ng Pilipinas dinedevelop at ginagamit ito bilang simbolo ng
pambansang pagkakaisa.

3.Ang Filipino ay wka sa opisyal na komunikasyon.

4.Ang Filipino ay opisyal na wikang panturo at pagkatuto.

Paraan ng Padevelop sa Wikang Filipino

1.Pagsasabatas at pagsunod sa batas tungkol sa wika.

2.Tulong ng iba’t-ibang organisasyong pangwika sa pangunguna ng KWF.

3.Paggamit sa iba’t-ibang domeyn ng wika.

4.Iba pang paraan.

a.)panghihiram ng mga salita

b.)pagrereform ng alpabeto

Tungkulin ng Wikang Filipino


1.Binibigkas ng wikang Filipino ang lipunang Pilipino

2.Tumutulong ito sa pagpapananatili ng kulturang Pilipino

3.Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino

4.Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino

5.Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-pilipino ng mga Pilipino

Kahalagahan ng wika

Ang wika ay mahalaga sa isang pamayanan sa sumusunod na kadahilanan

Ito ay gamit sa pakikipagtalastasan

Ito ay gamit upang maipahayag ang sarili

Ito ay gamit upang magkaroon ng pagkakaunawaan

Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran ang isang lipunan

Gamit sa pakikipagtalastasan

Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon tayo ng pagkakataon na makiusap at makipagtalastasansa ating


mga kapwa mamamayan o mga kababayan. Ang komunikasyong ito ang karaniwang unang hakbang
upang maitaguyod ang kabutihan ng isang lipunan.

Ito ay gamit upang maipahayag ang sarili

Ang wika ang isa sa mga paraaan upang maipahayag natin ang ating sarili sa iba. May mga bagay na
madadaan lamang sa salita at wika ang siyang pumupuno sa pangangailangang ito.

Ito ay gamit upang magkaroon ng pagkakaunawaan

Dahil sa wika, nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga mamamayan. Isipin na lang natin na kung
walang wika, mahihirapan tayong ipahayag ang mga bagay o plano na mayroon tayo para sa ating
lipunang kinabibilangan. Ang wika ang tulay sa pagkakaroon ng pagkakaintindihan sa bawat
mamamayan.

Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran ang isang lipunan

Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao at nagiging produktibo ang mga
mamamayan. Kapag produktibo ang mga tao, gaganahan silang gumawa at kumilos para sa ikabubuti ng
buong pamayanan.

Ang wikang Filipino rin ay may maraming kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa isang bansa ay hindi
lang basta-bastang ginagamit sa pagbibigay kommunikasyon kundi ito’y magagamit rin sa ibang aspekto.
Ang mga aspetong ito ay tinatawag na gamit ng wika na kung saan ay may maraming mga halimbawa
nito.

Pito sa mga halimbawa ng gamit ng wika ay:

· 1. Instrumental

Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng mga tao sa paligid
lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang
mga bagay-bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa
karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba
pa.

Halimbawang pangungusap:

§ Ipinakain ko yung aso ko ng pagkain.

§ Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang bahay ni Joseph.

· 2. Regulatoryo
Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring instruksiyon o ang
pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga regulasyon, direksiyon o proceso sa kung
paano igawa ang isang partikular na bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ “Kailangan inomin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw.”

§ “Magbawas ng bilis kung ika’y nagmamaneho sa mabato na bukid.”

· 3. Interaksyonal

Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng kontak sa iba at bumuo
ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa. Mga halimbawa
wikang Interaksyonal ay tulad ng pagpapaalam, pagbibigay-galang o pagbati, paggawa ng liham para sa
isang tao, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ Kita tayo mamaya!

§ Salamat po!

· 4. Personal

Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin tulad ng pagpapahayag
ng sariling opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay impormal at walang tiyak na balangkas. Halimbawa
sa mga gawaing ito ay ang panglalait o pagmumura, pagsisigaw, pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng
dyaryo at iba pa.

· 5. Heuristiko

Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon at gamit madalas ay mga
impormasyon makakatiwalaan na makamit sa mga propesyonal at akademikong libro o pinanggalingan.
Halimbawa sa mga ito ay ang pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng mga balita
sa telebisyon o dyaryo, at iba pa.

· 6. Imahinatibo

Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na bagay. Madalas
itong kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na produkto. Halimbawa sa wikang ito ay ang
pagtula, pagawit, pagkukwento ng kwento, pagbabasa ng nobela, at iba pa.

· 7. Representasyunal

Ang wikang Representasyunal ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang pagsusulat at


pasalita. Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis, research paper; pagsasaysay o
pag-uulat, pagtuturo, at iba pa.

Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may
batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos.

Mga iba’t ibang mga teorya ng wika

1. Teoryang Bow-wow

Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok,
atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.

2. Teoryang Ding-dong

Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-
tak ng orasan.

3. Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng
emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay

Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na
nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.

5. Teoryang Sing-song

Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.

6. Teoryang Biblikal

Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga
salita,

7. Teoryang Yoo He Yo

Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal.

8. Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam,
siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.

9. Teoryang Mama

Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na
mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.

10. Teoryang Hey you!

Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan
(Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit
(Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

You might also like