You are on page 1of 3

Depinisyon ng Wikang Ayon sa Iba’t-Ibang Manunulat

Ano ang Wika?

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang
magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng
paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o
pasalita.

Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng


pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Ang wika ay kasangkapan ng ating pulitika at ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito ang nagpapakilos sa
tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.

Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII – Bilang 1-2 journal ng
Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang wika.

Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at
kanyang katauhan.

Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na
kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay
pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa
makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng
dalawa o higit pang tao.

Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong
kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at
panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.

Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan,
taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa
medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng
sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.

Ang wika ayon kay Chomsky (1957), isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na
abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.

Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na
nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa
itong kasanayang panlipunan at makatao.

Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, verbal na pagpapahayag,
pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.

Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tao bagay at
maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan.
Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo ay naririnig. Ang
naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na walang nakikita at naririnig. Ang unang
salitang binibigkas ay “bekos”, ang ibig sabihin ay “tinapay”.

Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na amy pamagat na “THE ORIGIN OF
LANGUAGE” ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa kanya uoang makalikha ng iba’t-
ibang wika.

Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na
may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang
wika ay nagmula sa homo sapiens o mg unang tao.

Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop ay maaring
nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ngntao.

May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig ay ang linggwahe ng mga Aramean. Sila
ang sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Ang wikang
Aramaic na nabibilang sa angkan ng Afro-Asiatic sa timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya at kasama ang
pangkat ng Semitik, ay ang linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at ang kanyang mga disipulo. Sa wikang ito unang
sinulat ang Bibliya. Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8 siglo, ipinalalagay na ang lingwahe’y nagmula sa
Herbrew, anong orihinal na wika Bibliya.

Batayang Kaalaman sa Wika

Kahulugan ng wika

Hindi maitatanggi sa mga tao dito sa mundo ang kahalagahan ng wika. Ito ang naging daan upang maibahagi sa
isa’t isa ang kani-kanilang mga ninanais at niloloob. Ayon kina Espina at Borja (1999:1), ang wika ay isang
mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. Ang kakayahan sa
paggamit ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga
ng kanyang karanasan—kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.

Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya at niloloob, anong uri kaya ng lipunan mayroon tayo?
Walang makabuluhang gawaing pantao ang maaaring maganap kung hindi niya maipababatid ang kanyang iniisip
gayon din kung hindi niya mauunawaan ang nais ipahayag ng iba.

Ano nga ba ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may kapangyarihan? Ilan lang ito sa mga
katanungan na hindi karaniwang pinag-iisipan o ipinaliliwanag dahil seguro sa pagiging natural lang sa tao ang
pagkatuto, pagkakaroon at tuluyang paggamit ng kanyang wika mula pagkabata. Ito ay kung wala siyang naging
kapansanan para hindi matuto ng wika o kaya’y para matigil ang kanyang paggamit ng wikang kinagisnan.

Ang mga dalubhasa ay may iba’t ibang pakahulugan sa wika.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdain at mithiin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon,
ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang
wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na
ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat
isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at
simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at kontrolado ng lipunan.

Marami pang mga kahulugan ang mailalahad ng mga dalubhasa tungkol sa wika. At ang mga kahulugang ito ay
maiisa batay sa kahulugang ibinigay ni Gleason tungkol sa wika. Ayon sa kanya, ang wika raw ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.

Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't -ibang
aspekto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang
wika'y nawawala atnamamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika
ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na
gumagamit nito.

Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin a
pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa-tao. Ito ay binubuo ng mgasalita, parirala, at
pangungusap na may kahulugan.

Ayon naman sa isang dalubwikang si Gleason, ang wika ay sistematikong balangkas ng isinatinig na mga
tunog na pinili at isinagawa sa pamamaraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong
nabibilang sa isang kultura. Arbitraryo, na ang ibig sabihin ay hindi na pinagtatalunan at samakatuwid
pinagkasunduan na gamitin na lamang.

Ayon sa isang pilosopong Ingles na si John Locke, ang wika ay arbitaryong walang kahulugan kundi
naglalaman ng ideya sa pagiisip ng tao.

Ano ang mga pangunahing wika sa Pilipinas?

Bilang tugon sa implementasyon ng DepEd Order No. 74, s. 2009 o ang Pagsasainstitusyon ng Edukasyong
Multilingguwal na Batay sa Katutubong Wika, isinapanahon ng Kagawaran ng Edukasyon ang talaan ng mga
pangunahing wika ng Pilipinas (DepEd Order No. 16, s. 2012) na kinabibilangan ng:

Tagalog, Kapampangan, Ilocano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Pangasinan, Waray (Samar-Leyte), Tausug,
Maguindanaoan, Maranao at Chabacano.

Ilan ang kabuuang bilang ng mga wika sa Pilipinas at ano ano ito?

Ang Pilipinas alinsunod sa pinakahuling pag-aaral na isinagawa ng Summer Institute of Linguistics (SIL) ay may 181ng
buhay na wikang sinasalita sa Pilipinas, 171 sa mga ito ang katutubo (indigenous) habang sampu (10) naman ang
itinuturing na hindi katutubo (immigrant) (Lewis, 2009). Kung titingnan ang pagkakaiba-iba ng mga ito batay sa
Greenberg’s diversity index, tinatayang 0.855 ang diversity index ng mga WP o katumbas ng 96% diversity coverage.
Ibig sabihin, sadyang magkakaiba ang mga wikang ito at tinatayang bawat dalawang tao sa populasyon ang
makapagsasabi na mayroon silang magkaibang katutubong wikang sinasalita.

You might also like