You are on page 1of 2

PANDAIGDIGANG HULWARAN NG KULTURA (UNIVERSAL PATTERN OF

CULTURE)
- Iba-iba ang kultura ng bawat lugar ngunit may mga kulturang komon at makikita sa lahat
ng pangkat sa bawat lipunan. Ang unipormidad na ito ay tinatawag na "universal pattern
of culture".

Halimbawa:
 Wet rice agriculture - kumakatawan sa wet rice pattern ang maraming katangian ng
kultura tulad ng paggamit ng araro, kalabaw, espesyal na paraan ng pagtatanim, etc.
 Pagpapakasal - sa lahat ng pangkat ng lipunan ito makikita ngunit nagkakaiba lang sa
ritwal
 Pagsasayaw - ekspresyon ng pakikihalubilo at pagpapahayag ng spiritwal na damdamin
o paniniwala.

 Winsker - amerikanong antropolohistang nagbigay-kahulugan sa universal pattern of


culture.

Ayon sa kaniya ang lahat ng tao sa mundo ay may:


1. wika at pananalita - lahat ay may wika at pananalita na kumakatawan sa
pagkakakilanlan
2. materyal na kultura - mga bagay o kagamitan na nakikita, nahahawakan at nagagamit
sa pang araw-araw na buhay.

Ang mga tao sa mundo ay may:


1. Kagamitan
2. Pananamit
3. Sandata o Weapon
4. Kinasayang Pag-uugali sa Pagkain
5. Pamamahay
6. Transportasyon
7. Trabaho/Industriya

ALTERNATIBO
- Bawat lipunan ay may mga kaugaliang sinusunod at maroon din namang maaaring hindi
sinusunod kaya ito tinatawag na alternatibo. Ang isang indibidwal ay may opsiyon o
kalayaang mamili ng kung ano ang sa tingin niya ay tama at nakabubuti para sa kanyang
kasiyahan.

Halimbawa: Maaaring mag-asawa at maaaring hindi.

Ang konsepto ng alternatibong kultura ay nag-ugat sa pagbuo ng mga bagong pananaw sa


kabataan noong 1950s sa Kanlurang Europa at Hilagang Amerika. Ang alternatibong kultura ay
isang uri ng kultura na umiiral sa labas o sa gilid ng mainstream o popular na kultura, kadalasan
ay nasa ilalim ng domain ng isa o higit pang mga subculture. Ang alternatibong fashion ay
madalas na itinuturing na isang modernong konsepto ngunit ito, at ang konsepto ng subculture na
madalas itong nauugnay, ay umiral nang maraming siglo. Kabilang sa mga halimbawa ng
subculture ang mga hippie, goth, bikers, at skinheads. Ang konsepto ng subcultures ay binuo sa
sosyolohiya at kultural na pag-aaral. Ang mga subculture ay naiiba sa mga counterculture.

Ang bawat lipunan ay may mga kaugaliang sinusunod at mayroon din namang maaaring
hindi sinusunod na tinatawag na alternatibo. Maaaring mamili ng kung ano ang sa palagay ng
bawat isa ay nakapagdudulot sa kanya ng kabutihan at kasiyahan. Halimbawa, maaaring mamili
ang kahit sino kung anong relihiyon ang gusto niya; sa pagbiyahe ay puwede siyang sumasakay
sa bus, dyip, tren, eroplano, helikopter, barko, bangka, kalesa, o motorsiklo. Pwedeng kumain sa
restawran, sa bahay, sa may tabing dagat o kahit saan. Maaaring mag-asawa at maaaring hindi.
Sa pagpapakasal maaaring sa pari, huwes, pastor, at maging sa mayor. May lipunan na tanggap
ang pag-aasawa ng marami at tanggap ang diborsiyo, samantalang may lipunan naman na hindi
tinatanggap ang mga ito. May lipunan ding sang-ayon sa mercy killing at aborsiyon at mayroon
ding tumitingin sa mga ito bilang napakabigat na kasalanan sa batas ng tao at lalo na ng Diyos.
GRUPO
- binubuo ng mga tao na mayroon isang tiyak na pagkakaugnay o pagkakakilanlan tulad ng
paniniwala, norms, batas na sinusunod, kaasalan na pinapahalagahan, at mga inaasahan
na mayroong interaksyon sa bawat isa.

KULTURA
- Ayon kay Andersen at Taylor (2007), ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng
ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
- Ito ang kabuuan ng mga paraan kung paano ginagawa ng isang pangkat ng mga tao ang
mga bagay-bagay upang mabuhay.

May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura sa isang pangkat


1. Nagpapakita ng biyolohikal na pangangailangan ng grupo upang mabuhay.
2. Magigiging gabay ng bawat kasapi ng pangkat ang kultura upang sila ay matutong
makisalamuha sa mga gawi ng iba at makibagay sa sitwasyon ng kanyang
kinabibilangan.
3. Nagiging midyum ang komon na kultura sa bawat kasapi ng pangkat upang Sila ay
magkaroon ng ugnayan at interaksyon nang sa gayon ay kanilang maiiwasan ang alitan
na maaaring mabuo.

Halimbawa
- May mga grupo tayo tulad ng Yakan, na gumagawa ng ‘weaving’ para sa kanilang
kagamitan tulad ng sa kasuotan.
- Ang mga Badjao ay kilala bilang naninirahan malapit sa dagat kaya’t naging
pangunahing pamumuhay nila ang pangingisda.
- Sa grupo ng Zamboangeno, gumagamit sila ng wikang kriyolo Chavacano na batay sa
Kastila na sinasalita sa Pilipinas. May mga sayaw at festival tulad ng Zamboang Hermosa
Festival at dahil maraming katubigan dito ay mas kilala ang pag-kain ng mga masasarap
at sariwang seafoods sa lugar.

You might also like