You are on page 1of 4

NOTRE DAME SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK

Pitimini Street, Polomolok, South Cotabato


FILIPINO 1B (Komunikasyon sa Akademikong Filipino)
Prelim na Pagsusulit Unang Semestre AY 2014 -2015
Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha ngunit hindi minana.
Dr. Jose P. Rizal
Pangkalahatang Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto ng bawat pagsusulit upang maiwasan ang
pagkakamali. Isulat ang mga kasagutan sa sagutang papel.
I. Tama o Mali. Isulat ang T kung ang kaisipan ng pahayag ay tama at M naman kung walang batayan.
1. Ang mga teorya ay patunay na totoong pinagmulan ito ng mga bagay-bagay.
2. Isa sa mga dahilan kung bakit ang wika ay bahagi ng pakikipagtalastasan sapagkat ginagamit ito tiyak na oras at
panahon.
3. Ginagamit ang wika upang maisakatuparan ang hiling o nais ng mga tao pormal man o di-pormal.
4. Nagsasagawa ng maagham o siyentipikong paraan ng pag-aaral ng wika ang mga dalubwika ngunit isinaalangalang lamang istruktura at anyo nito.
5. Mahalaga ang wika dahil sumasalamin ito sa kultura at panahong kinabibilangan.
6. Ang bawat pormasyon ng mga pangungusap ay tumatalakay sa kaugnayan ng paksa at pinag-uusapan.
7. Binibigkas ang bawat tunog ng salita upang makalikha ng salita.
8. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika samakatuwid itoy dinamiko.
9. Bawat tunog ay may kahulugan at bawat salita ay may pinagmulan.
10. May ibat ibang lenggwahe ang bawat rehiyon na iisa lamang ang kahulugan sa buong kapuluan.
11. Nagkakaroon ng mga estilo sa paggamit ng tao sa kanyang wika.
12. Pinag-aaralan nang maayos ang mga wika sa ibat ibang rehiyon upang mataya ang kaangkupan at kahalagahan
sa paggamit ng wika.
13. Higit na mabisa ang pasalita kaysa pasulat na pakikipagtalastasan.
14. Kailangan ng tao na paunlarin ang wikang kinagisnan para maisakatuparan ang pagiging isang tunay na
dalubwika.
15. Halos lahat ng wika sa buong mundo ay ginagamit ng iisang tao lamang kung sapat ang kanyang kaalaman sa
wika.
16. Nagkaroon ng wikang pambansa ang isang kapuluan dahil ito ang karaniwang ginagamit ng karamihan.
17. Dapat ay isaalang-alang ang pagpapatupad ng batas sa pagkakabuo ng wikang magiging simbolo ng isang lahi.
18. Sinikap ng Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas.
19. Kailangan dumaan sa mahabang proseso sa barangay ang pagsasakatuparan ng isang wika biulang wikang
pambansa.
20. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatalaga ng pamahalaan ng isang
bansa.
21. Magkakapareho ang pambansang wika at ang namamayaning wika sa isang bansa.
22. Ang pinakaunang wika sa Pilipinas ay Pilipino.
23. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay pinangungunahan ng pangulo ng isang bansa.
24. Alinsunod sa Konstitusyon ng 1987, opisyal na wikang pambansa sa Pilipinas ay Filipino.
25. Ang Proklamasyon Blg. 13 ay nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay na ipagdiwang ang Linggo ng Wika.
II. Pag-aagpang. Iakma ang mga pahayag sa Hanay A sa angkop na batas o petsa sa Hanay B.
Hanay A
Hanay B
26. Patuloy na pagpapayabong at pagpapayaman
ng Filipino bilang pambansa at pampamahalaang wika.
27. Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.
28. Ang wikang pambansa ay Tagalog.
29. Nilagdaan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
ang Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling
ng Wikang Filipino.
30. Pagpapalimbag ng Diksyunaryo at isang gramatika
ng wikang pambansa.
31. Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay na ilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wiang pambansa simula ika-13 -19 saklaw sa pagdiriwang ng Ama ng Wikang Pambansa na si Pang.
Quezon.
32. Lahat ng gobernador at aklalde ng Pilipinas ay inatasang isa-Pilipino ang sagisag-opisyal.
33. Iniatas na ang letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at sangay ng pamahalaan ay nakasulat sa

A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 45 s. 2001


B. Batas Tagapagpaganap Blg. 335
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
E. Proklamasyon Blg. 186
F. Kautusang Memorandum Sirkular Blg. 172
G. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304
H. Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976
I. Agosto 6, 1987
J. Memorandum Sirkular Blg.80-68
K. 1969

Pilipino at pati ang panunumpa sa tungkulin ng mga


pinuno at empleyado ng pamahalaan na nilagdaan
ni Pangulong Ferdinand Marcos.
34. Muling binuo at itinakda ni Pangulong Marcos ang
Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa.
35. Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nag-atas
sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya,
instrumentality ng pamahalaan na magsasagawa ng
mga hakbang na kailangan para magamit ang Filipino
sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at
korespondensya.
III. Pagpipili-pili.
A. Piliin ang angkop na antas ng wika sa kahon.
A. Balbal
C. Lalawiganin

B. Kolokyal
D. Pambansa
E. Pampanitikan

36. bebot
37. penge
38. sinsilyo
39. simbahan
40. kaututang dila
41. ermat
42. panaginip
43. magayon
44. kelan
45. maitim ang budhi
46. dangal
47. todas
48. hinigugma

49. pakikihamok
50. bokal
51. buhay
52. cheverloo
53. mapintas
54. makati ang dila
55. wika
56. dekwat
57. ilista sa tubig
58. bansa
59. musta
60. chaka

B. Piliin ang wastong sagot.


61. Kapulungan na kung saan itinagubilin ni Pangulong Manuel L. Quezon ang paglikha ng Surian ng Wikang
Pambansa na gagawa ng mga pag-aaral sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
A.
Asemblea Lokal
C.
Asemblea Kogresyunal
B.
Asemblea Nasyonal
D.
Asemblea Internasyunal
62. Taon, buwan at petsang itinadhana at pinasimulang gamitin ang Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Bariralang
Pilipino.
A.
Hunyo 10,1940
C.
Hunyo 10,1942
B.
Hunyo 10,1941
D.
Hunyo 10,1945
63. Taon, buwan at petsa na pinahintulutan ang paglimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarilang Filipino.
A.
April 1,1940
C.
April 2,1942
B.
April 5,1941
D.
April 2,1943
64. Ang proklamang nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika.
A.
Proklmasyon Blg. 10
C.
Proklamasyon Blg.13
B.
Proklamasyo Blg. 12
D.
Proklamasyon Blg. 14
65. Tungkulin nito ang paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto.
A.
Wikang Pambansa
C.
Surian ng wikang Pambansa
B.
Komisyon ng Wikang Filipino
D.
Linangan ng Wikang Pambansa
66. Ang Sirkular na nag-aatas na ituro at awitin ang pambansang awit sa mga paaralan.
A.
Sirkular 21
C.
Sirkular 23
B.
Sirkular 22
D.
Sirkular 25
67. Artikulo na nagpapatibay ng Wikang Filipino.
A.
Artikulo XII
C.
Artikulo XIV
B.
Artikulo XIII
D.
Artikulo XVI
68. Kalihim na naglagda ng kautusan na nagsasaad na ang Pambansang Wika ay tatawging Pilipino.
A.
Jorge Bagobo
C.
Jose Romero
B.
Jose Cruz
D.
Maria dela Gwardia
69. Alin sa mga sumusunod ang angkop na na formasyon ng pangungusap na Filipino sa Ingles?
Matangkad at maganda ang babae.
A. Tall and beautiful the woman.
C.
The woman is tall and beautiful.
B. Tall and beautiful is the woman.
D.
She is tall and beautiful woman.
70. Bakit mahalagang pag-aralan ang relasyon ng salita sa ibang pang salita sa pangungusap?
A. Sapagkat nararapat lamang na babagay ang salitang ginagamit.
B. Upang malinaw ang nais ipahayag ng iisang salita sa pangungusap.
C. Para magkaroon ng sikwens at istruktura ang mga salita sa pangungusap.
D. Kapag bubuo ng pangungusap kailangang magkaugnay ang gagamiting salita dahil makaapekto ito sa nais
ipakahulugan sa pangungusap.
71. Papaano mo gagamitin sa wastong paraan ang wika?
A. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika nakadaragdag ito ng kaalaman.
B. Kung bibigyan ng pagkakataong makapagpahayag ng damdamin o saloobin.
C. Kapag natuto ng ibat ibang wika na magpapatupad ng isang adhikaing magbubuklod ng pagkalahi.
D. Pagsamasamahin ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita na bubuo sa diwa o angkop
na kahulugan nito.
72. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang angkop na wika sa Pilipinas?
A. Pilipino, sapagkat tayo ay isang Pilipino.
B. Filipino, sapagkat tayo ay isang Filipino.
C. Tagalog dahil ito ang alam ng karamihang mamamayan sa bansa.
D. Filipino dahil sumasalamin ito sa ibat ibang wika sa bawat rehiyon sa bansa.
73. Bakit mahalagang alamin ang kasaysayan ng wikang pambansa?
A. Bilang tugon sa kurikulum na bahagi ng pag-aaralan sa kolehiyo.
B. Ito ay nagbibigay ng sapat na kaalaman para lubusang magamit ang sariling wika.
C. Ang wikang pambansa ang tanging daan ng pagiging maunlad ng isang bansang malaya.
D. Sapagkat isa itong katibayan ng pagiging maunlad ng isang bansang nagtagumpay sa adhikaing magtatag
ng pagkakalinlan.
74. Bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa?
A. Upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan.
B. Makikilala ang bawat lahi saan mang sulok ng mundo.
C. Isang paraan ito na sumasagisag sa pagkalahi ng anumang bansa.
D. Gagamitin ito bilang kasangkapan sa pag-uugnay-ugnay ng mga tao.
75. Paano mapagtitibay ang wikang pambansa?
A. Kapag naisakatuparan ito ng kongreso.
B. Kung ang mga probisyong kaugnay nito ay isinasakatuparan ng mamamayan.
C. Sa paraang itinadhana ng batas na ginagamit sa pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan.
D. Sa pamamagitan ng isang memorandum na nilagdaan ng pangulo at mga taong kasangkot dito.

IV. Pagpapaliwanag. Ilahad ang iyong sagot.


76-80. Bilang mag-aaral sa kolehiyo, bakit kailangang pag-aralan ang asignaturang Filipino?

***katapusan ng pagsusulit ***


Pagpalain nawa kayo ng Maykapal!

Inihanda ni:
BB. MERBEN P. ALMIO
Course Facilitator
Noted:
MARIA RUFINA M. PONO, MIE, MAEd U
Academic Coordinator, SED
Assistant Program Head, TEP
Approved:
SR. GINA M. GALANG, OP Ph. D.
College Dean / President

You might also like