You are on page 1of 22

MARIANO MARCOS STATE

UNIVERSITY
Graduate School

Pagsulat

Panimula

Ang pagsulat ay isa rin sa mga mahahalagang kasanayang pangkomunikatibong dapat


nating matutunan sapagkat ito ay isang gawaing hindi natin maiiwasan sa ating buhay.

Maraming pagkakataon na ang ating mga kaisipan, ideya, konsepto o niloloob na


hindi na natin maipahayag sa pamamagitan ng pamamaraang pasalita ay naipaparating natin
sa iba sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang binata halimbawa, na hindi makapagsabi nang
harap-harapan sa dalaga ng kanyang damdamin ay maaring makapagtapat sa kanya sa
pamamagitan ng isang liham. Ang resulta ng mga pananaliksik at mga pag-aaral na isinagawa
ng mga eksperto sa kani-kanilang mga larangan ay naipapaabot naman nila sa
pinatutungkulan nilang mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalathala ng mga ito sa mga
aklat, dyornal at iba pang uri ng babasahin. Ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
iba’t ibang larangan o espesyalisasyon na dapat mabatid at matutunan ng mga mag-aaral ay
ibinibigay naman ng mga manunulat sa pamamagitan ng mga aklat na kanilang inakda. Ang
pananaw ng mga kwentista, nobelista, dramatorgo, mananalaysay, at mga iba pang kauri nila
tungkol sa realidad ng buhay at sa mga kaganapang nangyayari sa lipunang kanilang
ginagalawan ay ipinaabot naman nila sa mga mambabasa sa tulong ng mga akdang kanilang
nilikha.
Sa mga paaralan, ginagamit naman ng mga mag-aaral ang kaalaman nila sa pagsulat
sa pagsagot sa mga tanong sa mga pagsusulit, sa pagtatala ng resulta ng ginawa nilang
eksperimento, sa paglutas ng mga suliraning pangmatematika, sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan, at sa pagsasagawa ng mga iba pa nilang gawaing pang-akademiko.
Anupa’t masasabing mahalaga sa bawat indibidwal ang kasanayan sa pagsulat kung
kaya’t sa unang antas pa lamang ng pag-aaral niya ay sinisimulan nang linangin sa kanya ang
kasanayang ito.

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat

May iba’t ibang kahulugan ang pagsulat na ibinigay ng mga eksperto. Narito ang ilan.
Ayon kina Peck at Buckingham (1976), ang pagsulat ay ekstensyon ng natamong
wika at mga karanasan ng mag-aaral mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Ito’y
nangangahulugan na ang mga karanasan ng mag-aaral at ng kanyang kaalaman sa istruktura,
gramatika at bokabularyo ng isang wika ay nakatutulong nang malaki sa paglinang ng
kanyang kakayahan sa pagsulat.

Nabanggit naman ni Arapoff (1975) na ang pagsulat ay hindi lamang


nangangahulugan ng paggamit ng mga simbolong ortograpik at pagsunod sa mga tuntuning
panggramatika kundi ito’y isang proseso ng pag-iisip na sumasaklaw sa maingat na pagpili at
pagsasaayos ng mga karanasan sang-ayon sa isang tiyak na layunin.
Ito’y nangangahulugan na sa pagsulat, nalilinang ang kakayahan ng isang indibidwal na
ipahayag ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng pagpili ng kung alin ang mahalaga at

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

nauugnay sa kanyang layunin at inilalahad niya ang mga ito sa isang paraang maayos at
lohikal.
Ipinaliwanag naman nina Hughey, et al.. (1983) na ang pagsasalita at pagsulat ay
magkatulad sa maraming bagay. Ang mga gawaing ito ay parehong gumagamit ng mga
simbolong pangwika sa pagpapahayag ng damdamin at mga pangangailangan, at parehong
tinatakdaan ng mga tuntuning pansemantik at pansiktaktik. Idinagdag pa nina Hughey, et al.
na kinakailangang magkaroon pareho ang nagsasalita at nakikinig at ang sumusulat at
mambabasa ng digri ng pagkakaunawan, magkatulad na kaalaman at pagpapalitan ng
ekspektasyon upang matamo nila ang layunin ng kanilang komunikasyon.

Ang Pilosopiya ng Pagsulat

Ayon kay Castro at Taruc (2011), ang pagtuturo ng pagsulat sa kolehiyo ay nakapagsalin ng
mga pilosopiya sa pagsulat:

1. Ang pagsulat ay isang proseso

Upang makabuo ang isang mag-aaral ng sulatin, karaniwan ay gumagawa siya


ng Sistema. Kasama samga sistemang ito ay ang pag-iisip, pagtatanong, pagpaplano,
pagbabalangkas, pagrerebisa at iba pang mga gawain na posibleng makatulong sa
kanya. Ang mga sistemang ito ay maituturing na mga prosesong kanyang
pinagdaraanan.

2. Ang pagsulat ay isang proseso at produkto


Pagkatapos sumailalim sa isang Sistema o proseso, inaashan na magkaroon ng
produkto. Hindi dapat mahinto ang pagsulat sa pagbabalangkas o pagsulat ng unang
burador. Ang mga nabggit na gawain ay maaria pang maulit para sa pagrerebisa
hanggang sa makabuo ng pinal na sulatin. Ang pinal na sulatin ay ang produkto na
nabuo buhat sa masinop na proseso. Kung magkakaroon ng mga bago at kapaki-
pakinabang na mga impormasyon sa papel na isinulat, maaari na itong ibahagi sa
tulong ng paglalathala (internet man o dyornal) o kaya’y pagbabasa ng papel sa
kumperensiya.

3. Ang pagsulat ay pagbuo ng desisyon

Dahil sa mahabang proseso na dinaranas ng manunulat, may mga bagay na


dapat niyang gawan ng desisyon. Halimbawa, ang lawak at saklaw ng paksa laban sa
kanyang kakayahan at limitadong oras, mga kasamahang manunulat at ang kanilang
susulatin o takdang-gawain (totoo ito sa mga pangkatang sulatin), ang pag-iisip kung
paano pa pagagandahin ang presentasyon ng kanyang papel at marami pang iba.
Kung minsan, kaakibat ng pagdedesisyon ang mga dilemma.

4. Ang pagsulat ay pagtuklas

Hindi ka nakukuntento sa limitadong kaalaman sa paksang nais mong isulat


kung kaya’t gumagawa ka ng iba’t ibang paraan upang makalikom ng mga

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

impormasyon na bago at makabuluhan s aiyo lalo na sa iyong mga mambabasa. Sa


ganitong paraan, ikaw ay nakatutuklas ng mga bagong kaalaman at mga ideya, bagong
kakilala at panibagong karanasan.

5. Ang pagsulat ay isang pagtugon.


Sumusulat tayo upang tugunan ang isang tanong o sagutin ang umiiral na
isyu, o kaya ay may nais tayong iparating sa madla. Sa mga mag-aaral sa
kolehiyo, kadalasan ang layunin ng kanilang pagsulat ay nakasalalay sa uri ng
sulatin na ipinagagawa ng kanilang propesor o nakabatay sa hinihingi ng kurso.

6. Ang pagsulat ay sariling-pagkatuto


Hindi mo matutuhan ang pagsulat hangga’t hindi mo ito ginagawa. Hindi
ka rin matuto mula sa pakikinig lamang. Ang pagsulat ay isang kasanayan na
dapat linangin. Gaya ng pagbibisikleta, matutuhan mo lamang ito kung sasakay
ka sa bisikleta at ipipidal ito.

7. Ang pagsulat ay pakikihalubilo


Kung akala mo na ang pagsulat ay isahang gawain, nagkakamali ka. Nag-
iisa ka man nang pisikal, ang iyong isipan at gawain ay nakakawing sa iyong
kapaligiran, kultura at mga tao. Ang pagsulat ay hindi kumpleto hangga’t hindi
nito naaabot nang pisikal at intelektuwal ang iyong mambabasa.

8. Ang pagsulat ay humuhubog ng personalidad


Disiplina, pagkamasinop, pamamahala, pagkamadiskartr, malikhain,
malalim, matiyaga, organisado ay ilan sa mga katangiang nahuhubog sa pagsulat.
habang ikaw ay nawiwili sa pagsulat sabay na nahuhubog ang nabanggit, na mga
katangian. Kung hindi mo tataglayin ang mga katangian. Kung hindi mo
tataglayin ang mga katangiang nabanggit malamang na hindi ka makatapos o may
kakulangan sa iyong ginagawa.

9. Ang pagsulat ay mapaghamon


Sinusubok ng pagsulat ang iyong kakayahan, hanggang sap ag-iisip ng
nilalaman ng iyong susulatin, paghahanap ng mga impormasyon, pagkakaroon ng
sapat na pagkukunan at kung paano tatangkilikin at ipapaabot nang epektibo sa
mga mambabasa ang iyong akda. Isang halimbawa, susulat ka ng isang
dokumentasyon tungkol sa isang tao at hahango ka ng mga impormasyon mula sa
serye ng panayam. Nagkataon, ang taong kakapanayamin ay lubos na abala. Ito
ay nagsisilbing hamon sa iyo kung paano mo siya kakanayamin kahit pisikal
siyang wala nang sa gayon ay matapos mo ang dokumentasyon bago sumapit ang
deadline.

10. Ang pagsulat ay pinaglalaanan ng panahon


Hindi ka makasusulat kung wala kang panahon. Disiplina ang kailangan
upang makapagsimula ka at makatapos ng sulatin o ng pananaliksik. Kung
minsan, may mga bagay na dapat isakripisyo upang makatapos at mahabol ang
panahon ng pagsusumite (o deadline). Ang mga bagay na karaniwang

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

sinsakripisyo ng mga mag-aaral sa paghahabol ng panahon ay ang pagtulog at ang


pakikihalubilo sa iba.

Ang Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalagang maunawaan ng nagsisimulang manunulat ang kahalagahan ng pagsulat.


Nakatutulong ang masteri ng proseso ng pagsulat sa pagtatamo ng mahahalagang kasanayan
sa iba’t ibang larangan tulad ng control ng kapaligiran, pagkilala a sarili, malalim nap ag-
iiisp, paglutas sa sulioranin at kasangkapan sa pagkilatis sa sarili, at sa mundo. Dahilan sa
ugnayan ng mga kasanayang pangwika, ang pagiging mahusay na manunulat ay nakatutulong
sa pagiging mahusay na tagapagsalita. Dahilan din sa ang pagsulat ay nangangailangan ng
pagsasayos ng mga kaisipan at impormasyon nakatutulong ito sa pag-iisip at pagkilos nang
makatwiran sa paghahanap ng solusyon sa mga suliranin. Mahalaga pa rin ang pagsulat sa
pagtatakda ng mga layuning pangkomunikasyon. Napipili rin ng manunulat ang paraan ng
pagpapahayag dahilan sa pwedeng rebisahin ang isinulat.

Bakit nagsusulat ang tao? Maraming dahilan kung bakit nagsusulat ang tao. Ang
pagsulat ay nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng pagtatala o paggamit
ng papel at pluma at mga elektronikong kagamitan. Ginagamit ang mga simbolo ng kaisipan
upang ihayag ng isang may-akda ang kaniyang mga ideya, karanasan at saloobin.
Maikakategorya sa anim ang kahalagahan sa pagsulat.

1. Kahalagahang Panlipunan
Ang pagsulat ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang
kapuwa. Sa pamamagitan ng pagsulat, naipapaabot ng tao ang kaniyang mga
pangangailangan. Naipapahayag niya ang kaniyang mga karaingan sa lipunang
kaniyang ginagalawan. Isang komunikasyon ito na ang mensahe ay isinasatitik. Isa
itong panlipunang gawain sapagkat gamit sa ugnayang panlipunan, pakikipagkapuwa
at pakikipagkaibigan.

2. Kahalagahang Pangkabuhayan
Ang pagsulat ay isa ring uri ng propesyon, isang hanapbuhay. Sa
pamamagitan ng pagsusulat, kumikita ang isang tao na ikabubuhay. Nagagamit ang
pagsulat upang umunlad ang kalagayan at kabuhayan ng isang tao. Maraming
manunulat ang naging matagumpay sa larangan ng malikhaing pagsulat gaya ng
kuwentista, makata at nobelista. Nariyan ang mga sikat na reporter at mga kolumnista
na umunlad ang buhay dahil sa pagsusulat. At kapag ang isang tao ay tanyag sa
larang ng pagsulat, ito’y nangangahulugan ng kabuhayan sapagkat may bayad ang
kaniyang mga isinusulat. Iba’t ibang hanapbuhay ang hatid ng pagiging mahusay na
manunulat. May manunulat sa radio, telebisyon at pelikula. May manunulat sa
advertising, komiks at iba pang anyo ng mass media.

3. Kahalagahang Pangkasaysayan

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

Ang mga nakalipas na pangyayari sa isang bansa ay hindi malalaman ng tao


kung walang nagsulat upang ibahagi ang mga naging karanasan at buhay-bansa sa
mga nakalipas na panahon. Ang mga pangyayari na naganap sa nakalipas na panahon
ay hindi nagkakaroon ng linaw kung walang mga taong nagmamalasakit upang
mailahad ang kanilang karanasan, pangarap, saloobin, mga pinagdadaanan sa buhay at
mga obserbasyon sa mga bagay-bagay sa kanilang lipunan.

4. Kahalagahang Pang-agham
Ang mga eksperimento at imbensyon ay hindi maiintindihan ng mga tao kung
walang nagtala at nagsulat. Naging maunlad ang agham at teknolohiya dahil sa mga
pag-aaral at imbensyong naibahagi ng mga siyentipiko at imbentor. Ang mga
impormasyong pang-agham ay naipapaabot sa mga tao sa pamamagitan ng pagsusulat
at pagpapaliwanag. Nagiging mulat ang mga tao sa mga bagay-bagay na may
kaugnayan sa mga konseptong pang-agham na nauukol sa pamumuhay, kalusugan,
teknolohiya at maging sa agrikultura.

5. Kahalagahang Pang-edukasyon
Sa larang ng edukasyon, napakaimportante ang pagsulat ang isang mag-aaral
ay nasusukat ang lawak ng kaalaman sa kaniyang mga isinusulat at sagot sa mga
pagsusulit at mga gawaing pasulat sa klase. Nalilinang muna ang mga makrong
kasanayan sa wika bago malinang ang kasanayan sa pagsulat. Nagkakatulungan ang
iba’t ibang kasanayan upang mahasa ang kanyang mental ng isang mag-aaral. Ang
iba’t ibang kaalaman ay naisatitik at naipahayag ng isang mag-aaral sa pamamagitan
ng pagsulat.

6. Kahalagahang Terapeutiko

Ang pagsulat ay isang paraan upang mawala ang sama ng loob ng isang tao.
Karaniwang nawawala ang anumang hinanakit sa pamamagitan ng pagsusulat dahil
gumagaan ang pakiramdam. Gamut o lunas ang pagsulat sapagkat naibubuhos mo
ang mga negatibong damdamin sa pamamagitan ng pagsulat. Naihahayag mo ang
iyong galit at nabibigyan ka ng oras upang mag-isip kapag isinulat mo muna ang
iyong nararamdaman. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naiiwasan ang mga bagay-
bagay na nagdudulot ng negatibong epekto sa katawan at isipan.

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT


(Espresiv o Transaksyunal)

Ang anumang bagay na isinusulat ay may tiyak na layunin. Iba-iba nga


lamang ang mga layunin sa pagsulat ng bawat manunulat.

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

May dalawang uri ng layunin sa pagsulat, ang tinatawag na ekspresiv at


transakyunal. Makikita sa talahanayan ang pagkakaiba ng ekspresiv at
transaksyunal na pagsulat.

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

EKSPRESIV TRANSAKSYUNAL
 Isa itong impormal na paraan ng  Ito ay isang pormal na paraan ng
pagsulat. pagsulat na may tiyak na target
na mambabasa, tiyak na layunin
at tiyak na paksa.

* Gumagamit ito ng unang  Karaniwang ginagamit ditto ang


panauhan na ako,ko,akin, at iba ikatlong panauhan na siya, sila,
pa sa pagsasalaysay. niya, nila at iba pa sa paglalahad
ng teksto.

 Sarili ngh manunulat ang target  Ibang tao ang target nitong
nitong mambabasa. mambabasa.

 Naglalarawan ito ng personal na  Hindi ito masining o malikhaing


damdamin, saloobin, ideya at pagsulat bagkus ito’y naglalahad
paniniwala. ng katotohanan na sumusuporta
sa pangunahing ideya.
 Nakapaloob din ditto ang sariling
karanasan ng manunulat at pala-  Nagbibigay ito ng interpretasyon
palagay sa mga bagay-bagay na sa panitikan, nagsusuri,
nangyayari sa paligid. nagbibigay ng impormasyon,
nanghihikayat, nangangatwiran,
nagtuturo o kaya’y nagbibigay ng
mensahe sa iba.
 Malaya ang paraan ng pagsulat
dito at walang sensura. Hindi  Kontrolado ang paraan ng
gaaanong mahalaga rito ang pagsulat dahil may pormat o istilo
gramatika at pagbabaybay ng ng pagsulat na kailangang
mga salita bagkus mahalaga rito sundin.
na mailabas kung ano ang
talagang naiisip at
nararamdaman ng isang tao.

 Halimbawa nito ay dyornal,

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

talaarawan, personal na liham at  Halimbawa nito ay balita, artikulo,


pagtugon sa ilang isyu. talambuhay, patalastas, liham sa
pagangalakal, papel sa
pananaliksik, ulat, rebyu,
sanaysay na pampanitikan,
sanaysay na nanghihikayat,
sanaysay na nangangatwiran,
interbyu, editorial, dokumentaryo
 Layunin nito na maipahayag ang at iba pa.
sariling pananaw, kaisipan at
damdamin sa pangyayari.

Sanggunian: Alejo, Carmelita T, et. al. 2005. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Manila: C & E Publishing , Inc., pp. 133-134.

Pagkakaiba ng Pasalita at Pasulat

ANG PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT

Ang pagsasalita at pagsulat ay magkatulad sa maraming aspekto:

Kapwa sila “social and communicative acts” na:


 gumagamit ng simbolong pangwika sa pagpapahayag ng ninanais na
mensahe.
 Nakadepende sa sasabihin
 Nagsasaalang-alang sa tuntuning pansemantik at pangsintaksis.

Gayun pa man, ang pagsulat ay kaibang-kaiba sa pagsasalita. Ang


pagsulat ay higit na mahirap at masalimuot na diskurso para sa karamihan ng
tao, maging L1 at L2 dahil sa “ceratin psychological, linguistic at cognitive factors”

PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA AT PAGSULAT

Salik Pagsasalita Pagsulat

Sikolohikal A. Gawaing Sosyal A. Gawaing mag-isa


 Walang totoo o buhay
 May kontekstong na “audience”;
sitwasyonal- Nakasalalay sa mga
May tagapakinig o salitang ginamit ng
awdyens; at may may-akda at sa anyong
interaksyong ibinibigay nila sa
nagagaanap. kanilang mga ideya.
(walang nagaganap na

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

 Nakakatugon kaagad interaksyon)


sa “cue” ng
tagapagsalita maging  Isang anyo ng
berbal o di-berbal at pakikipagtalastasan na
nakapagbibigay kaagad ginagawa nang nag-
ng feedback iisa.
(audience); gumagamit
ng mga paralinguistics  Hindi nakakakuha ng
features hal., tigil, “feedback” mula sa
lakas, diin, intonasyon. awdyens. Kaya’t hindi
mababago kung ano
 Gumagamit din ng ang isinulat.
extra linguistic features
katulad ng pagtango,  Nangangailangan ng
pag-iling, ekspresyon patuloy na
ng mukha, kilos ng imahinasyon (mula sa
katawan at iba pa. mambabasa);
maraming ginagawang
 Ito’y anyong tuluy-tuloy pag-aakma ang
(linear); hindi na manunulat upang
mababawi ang nasabi maisaalang-alang ang
ngunit maring baguhin. di nakikitang awdyens
o tagabas; minsan siya
mismo ang
 Nag-eelicit ng ilang gujmaganap na
anyo ng interaksyon o tagabasa ng sulat na
reaksyon sa mga ginagawa;
nakikinig.
 Kailangang panindigan
kung ano ang naisulat

Mga Salik na  Ang nagsasalita at • maingat na binubuo ang


Linggwistik/ tagapakinig ay parehong mga pangungusap nang
Linggwistikal may kontrol kaagad sa tiyak at magkakaugnay
direksyong tinutungo ng upang matiyak ang
komunikasyon. kalinawan ng kahulugan.
(buong pangungusap ang
 Pinapayagan nito ang ginagamit); kailangang
paggamit ng impormal at mahusay ang paglalahad
dinaglat na anyo nang kahit ng kaisipan upang
walang maingat na pag- makatiyak na malinaw
eedit o pagpaplano ang dating sa
(lumalabas ito nang kusa); mambabasa.

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

maaring gumamit ng mga  Kailangang tiyakin ng


impormal at mga pinaikling manunulat na ang
konstruksyon ng mga kanyang mga pahayag
salita. ay magkakaugnay

 Hindi palaging  Gumagamit ng mas


“concerned” sa eksaktong mahabang istruktura
ekspresyon ng ideya. ng pangungusap
(sapat na ang paggamit upang higit na
ng maiikling pahayag) maipaliwanag ang
kahulugan o mensahe;
 Maaaring ulitin, baguhin at may tiyak na
at linawin ang nabitiwang istuktura o hulwaran na
salita ayon sa reaksyon sundin.
ng tagapakinig.

 Napagbibigyan ang pag-


uulit ng mga pahayag.

 Nauulit ang anumang


sinabi lalo na kung sa
palagay ng nagsasalita ay
hindi naririnig ng mga
tagapakinig (Ang salitang
binibigkas ay ephemeral,
panandaliang naririnig
ngayon at sa ilang saglit
ay wala na.)

Kognitibo  Natural at maagang  Natututunan sa


nalilinang sa unang pamamagitan ng
wika pormal na pag-aaral.

 Ang mga kasanayang  Nangangailangan ng


pasalita ay natatamo masusing pag-aaral =
nang walang kahirap- ang kaalaman at
hirap. paggamit ng mga
anyong ortograpik,
 Ang pagsasalita ay leksikon, sintaks,
“ego-building” = morpema at
nangangailangan ng kaalamang kontekstwal
positibong at organisayunal.
“reinforcement” tulad ng
pagngiti, “hug”,  Nangangaialangan ng
pagpupuri na konsentrasyon kapwa
gumaganyak sa mga sa kahulugan at

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

bata upang magsalita pagbuo ng mga ideya


at maghangad na upang matiyak na
mapalawak ang naihahatid ang
kanilang kakayahang mensaheng nais
pangwika. ipaabot.

 Mas mabagal ang


pagpapahayag ng mga
ideya sa papel;
mahirap ang pagbubuo
ng isusulat na mga
ideya kaysa pagsasabi
nito.

 Para sa mga mag-


aaral na nag-aaral
matutong sumulat=
ang pagsusulat ay
“nakakaapekto sa ego’
(ego destructive)
kapag may mga
marking na pula ang
sulatin na
nagpapakilala ng mga
kamalian lalo na kung
ang susulatin ay sa W2
(pangalawang wika)

MGA ADBENTAHE NAMAN NG PAGSULAT SA PAGSASALITA

1. Nagkakaroon ng panahon ang manunulat na pumili ng mga tiyak na salita at


higit na angkop na kayarian ng pangungusap sa paghahatid ng mensaheng
nais niyang ipaabot.

2. Ang manunulat ay nagkakaroon ng pagkakataong magunita ang nakalipas


(restrospective thinking)

3. Ang manunulat ay nabibigyan ng pagakakataong gumamit ng mga mataas na


antas ng pagpapahayag ng kanyang mga ideya sapagkat maari niyang
rebisahin ang kanyang sinulat nang paulit-ulit.

4. Ang pagsulat ay isang kasangkapan sa paglinang ng mga iba pang


kasanayang pangwika = pagbasa, talasalitaan at gramatika.

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

Note; Ang pagsulat ay isang malikhaing proseso ng paghahanap, pagtuklas, paglikha at


paghuhugis. Mahalagang maunawaan ng mga guro ang prosesongng ito upang matulungan nila
ang kanilang mga mag-aaral.

Teorya ng Pagsulat

Ang pagsulat ay isang eksplorasyon - pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma - at


ang manunulat ay nagtatrabaho ng pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan
sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano
niya
Iyon maipapahayag ng episyente.

Ito ay ang malayang pagsulat kung saan ang isang manunulat ay patuloy-tuloy na
sumusulat nang walang pagtatangi sa spelling, grammar, o paksa ng kanyang isinusulat at
hindi gumagawa ng pagwawasto. Ito ay isang paraan upang makaipon ng mga pangunahing
ideya para sa isang paksa. Ito ay tungkol sa paghahanda sa proseso ng pag-iisip.

a. Solitary at Kolaborative

Ang pagsulat ay maaaring maging gawaing pang-isahan. At maraming bagay


ang maaring makagulo sa pagsulat, kaya naman siya ay dapat maging mapag-isa,
walang sagabal, at walang aspeto na makagugulo sa kanyang pag-iisip upang
matapos niya ang isinusulat.

Bilang kolaboratib na gawain, ang kolaboratib na pagsulat ay tumutukoy sa


mga proyekto kung saan sa halip na paisa-isa ay samasamang gumagawa ng likha
ang mga manunulat. Isang halimbawa nito ay ang editorial team.

b. Fisikal at mental

Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng


manunulat. Mental na aktibiti rin ang pagsulat sapagkat ito ay isang ehersisyo ng
pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at patern
ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naaayon sa mga tuntunin ng
wikang ginagamit.

Ito ang kakayahan ng paggamit ng kamay upang maisatitik ang mga


dumadaloy na salita sa ating isipan. Isinasaalang-alang din ang mga kaliwete (left
handed sa pagsulat). Samantalang. Ang pasulat ay humihingi ng mental na gawain

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

sapagkat dito sumusukat ang kakayahan sa pag-iisip na isagawa ang pagpaplano at


paglinang upang magkaroon ng tiyak na sulatin.
Ang pagsulat ay kapwa sang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa
iba’t ibang layunin.

c. Konsyus at Sabkonsyus

Pagsulat bilang isang Konsyus at Sabkonsyus na Gawain Pagsulat bilang isang


Solitari at Kolaboratib na Gawain Bilang isang Sabkonsyus na Gawain:

A good writer is wasteful, ani Murray.

"He saws and shapes and cuts away, discarding wood ends, shavings, saw
dust, bent nail - whatever doesn't fit and doesn't work. The writer cannot build
a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw
material."

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat.


Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano,
pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang
prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo
ang sulatin.

Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel


patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin
kung paano at saan kukuha ng mga kailangang impormasyon na siyang pupuno sa
mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang
ating isusulat. Ang Pagkuha ng Paksa Sa pagsulat, walang taong magtatangkang
sumulat kung walang plano sa dapat isusulat. Dapat isaisip at planuhin ang susulatin
sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga impormasyon kaugnay sa nabuong
ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa
mambabasa. Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang
blankong papel. Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito
ang karaniwang nasusumpungan ng mga manunulat lalo na ang mga baguhan. Ang
isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) iba’t ibang
uri ng babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo,
telebisyon, internet; (c) mga pelikula o dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e)
mga panaginip o alaala; (f) diskusyon at palitang-kuro; (g) pagsasatao at
pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase. Mga Yugto ng Pagsulat

Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

lamang. Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad


mula sa burador hanggang sa pinal na papel. Isang hamon sa mga estudyante ang
mga gawaing pasulat. May mga estudyante na nahihirapan sa gawaing ito sapagkat
hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan  ang pagsulat.
Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa
natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso
at hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan

d. isang prosesong paulit-ulit o rekarsib


Ayon kay Donald Murray ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib o paulit-
ulit. Writing is rewriting, wika niya. Matapos diumanong magsulat, magsisimula na
namang panibago ang buong pagsulat.

Sa pagsusulat, ang mga salita ay maaaring nanggaling mula sa konsyus na


kaisipan. Gayunpaman, sa pagsusulat, ang mga salita ay maaaring patuloy na
lumalabas mula sa iyong kaisipan ngunit sa isang pagkakataon ay daglian itong
mahihinto. At ito ay ang tinatawag na writer’s block. May ay isang paraan para sa
mga manunulat upang magpatuloy sa kanilang mga salita na walang kahit
pagkakaroon upang ihinto.

Isang screenwriting instructor ang nagsabing “ang pagkamalikhain ay


nagmumula sa sabkonsyus na kaisipan”. Ano ang ibig niyang sabihin sa pamamagitan
nito? Kung ikaw ay magninilay-nilay, maaari kang mabigla sa kung ano ang iyong
masisilip sa iyong isip. Maaaring maisalarawan mo ang mga ito ng higit na malinaw.
Ang hindi alam ng karamihan ay halos lahat ng proseso sa pagiisip ay ginagawa ng
ating sabkonsyus na kaisipan. Ang iyong konsyus na kaisipan ay ang tumatanggap ng
mga stimulus, sa pamamagitan ng paningin, panlasa, pandinig, pang-amoy, at
pandama. Pagkatapos ay sisimulan ang proseso sa pamamagitan ng pagpapadala ng
mensahe sa sabkonsyus na kaisipan. Kapag ang isang manunulat ay nagsimulang
sumulat, maaaring iniisip niya na ang lahat ng mga salitang kaniyang isinusulat ay
nagmumula sa konsyus na kaisipan. Ngunit ang totoo, nagmumula ang mga ito sa
sabkonsyus na kaisipan. Ang mga imersyong ito ay kadalasang: "I am a demon on the
subject of revision. I revise, revise, revise, until every word is what I want."

Ang proseso ng Pagsulat

Ang pagsulat ay isang aktibong gawain na kinasasangkutan ng manunulat. Bawat


manunulat ay nagsisikap na makapaglahad ng malinaw at mabisa.

Pag-aralan ang figure na nagpapakita ng proseso sa pagbuo ng isang sulatin.

Ang Pagbuo ng Isang Sulatin

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

Balarila
Proseso ng
Sintaks
manunulat

Pagpili ng
Nilalaman
Salita

Target na
Organisasyon
Babasa

Maliwanag
Layunin
at Mabisang Mekaniks
Paghahatid
ng Mensahe

Mula kayRaimes, Ann. 1983. Techniques in Teaching Writing. Oxford University


Press.

Sa pagbuo ng komposisyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Layunin- dahilan ng pagsulat


2. Pinaglalaanan- target na babasa
3. Nilalaman – kahalagahan, kalinawan, orihinalidad, pagiging makatwiran, at iba pa
4. Proseso ng Manunulat – pagtitipon ng ideya, pagsisimula, pagsulat ng burador,
pagrerebisa
5. Balarila – kaalaman sa tuntunin ng ponolohiya, morpolohiya at sintaks
6. Sintax-kayarian ng pangungusap, istilo sa pagsulat at iba pa
7. Pagpili ng salita – bokabularyo, idyoma, tono ng pananalita
8. Organisayon- pagbuo ng makakaugnay na mga pangungusap at talata, kaisahan
9. Mekaniks- tuntunin sa ortograpiya-kapitalisayonm, bantas at iba pa

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

Pananaw sa Pagsulat:

Pagsulat Bilang Multi-dimensyonal na Proseso

Ayon kay Castillo, et al. (2012) Isng multi-dimensyonal na proseso ang


pagsulat. Ang salitang multi ay nangangahulugan ng iba’t iba samantalang ang
dimensional ay tumutukoy sa saklaw o lawak. Itinuturing na ang pagulat ay isang
multidimensyunal na proseso sapagkat hindi lamang ang proseso ng pag-iiisp ang
kinakailangan dito, sangkot ang damdamin, pagkilos ng mga kamay gayundin ng
mga mata. Ang mga kaisipang nilikha ng utak ay gumagapang sa damadamin na
siyang magpapakilos sa mga kamay upang unti-unting idibuho ang mga titik,
simbulo o mga salita na kakatawan sa nais na sabihin o ipahayag. Susuriin naman
ng mga mata kung ano ang mga simbolong ginamit ay tumbak at angkop na
kumakatawan sa mensahe at muling magtatrabaho ang utak upang ayusin ang
kaugnayan ng mga simbolong ito sa kawastuan ng nais ipabatid.
Ang pagsulat ay multi-dimensyonal dahil sa mga sumsusunod: 1) prosesong
kognitibo, ito ang proseso kung saan ginagamit ng manunulat ang kanyang isip
upang mapagplano at makapagtakda ng kanyang isususlat. Dito matamang pinag-
iisipan ang lalamanin ng kaniyang sulatin na isinaalang-alang ang kanyang
mambabsa o audience; 2) prosesong motibasyon, ang manunulat ang
kukumbinsi sa kaniayng sarili para magsulat. Dito papasok ang kaniang matinding
hangarin, paniniwala at pag-uugali na nakakaimpluwensiya sa kaniang pagsusulat;
3) proseso ng pag-alala, ang kaalamang lilikhain ng manunulat ay mahalag.
Karaniwann itong nagmumula sa naging karanasan, nabasa at napakinggan ng
manunulat sa kaniyang babalikan upang magamit ang materyales sa kaniang
isinusulat; 4) proseso ng pagsasatitik, hindi na lamang isip ang gumagana kundi
ang mga bahagi ng katawan na ginagamit sa pagsusulat. Ito na ang pagsulat ng
bawat diwang prinoseso ng isipan upang matunghayan ng mamababasa.

Ayon kay Ulit (2008) Ang pagsulat ay hindi nangangahulugan ng paglalagay


lamamng sa papel ng mga ideya o kaiispan ng manunulat sa pamamagitan ng mga
simbolo o mga marka. Ito ay isang prosesong multi-dimensyunal na nagsasangkot
sa mga sumusunod na gawain: 1) maingat na pagsusuri sa takdang-gawaing pasulat
upang matiyak kung ano ang hinihingi nito; 2) pagsaalang-alang sa mga
mambabasa upang mabatid kung ano ang kanilang inaasahan o ekspektasyon mula
sa sulatin at kung ano ang lawak ng kanilang nalalaman tungkol sa paksa; 3)
pagtukoy at paglilinaw sa tesis o pangunahing ideya ng sulatin; 4) pagrebisa sa
kabuuan ng sulatin upang matiyak na mayroon itong tamang organisasyon, istilo,
talaan at istruktura ng pangungusap; at 5) pag-eedit sa mekaniks ng wika (Gere,
1985 na binaggit ni Ulit, 2008).
Maraming manunulat ang sumusulat nang walang tiyak na kahingian
(requirement) sapagkat ang kanilang pagsulat y bunga lamang ng kanilang
hangaring magpahayag ng kanilang ideya tungkol sa iang isyu, manghikayat ng

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

mambabasa tungkol sa napapanahong paksa o isyu, magbigay-kasiyahan sa


mambabasa. Gayunpaman, mayroon ding mga manunulat na sumusulat bilang
tugon sa mga itinakdang gawaing pasulat, tulad ng mga sulating ibinibigay ng
mga mag-aaral sa kanilang guro o ng mga ulat ng mga empleyado para sa kanilang
bos.
Matapos masuri ng manunuolat ang hinihingi sa kanya ng itinakdang gawaing
pasulat sa tulong ng mga pahiwatig na salita mahalagang matukoy din niya kung
sino ang kanyang magiging mambabasa. Hindi niya nakikita ng kanyang mga
mambabasa kaya’t mahalagang ma-visualize niya ang mga ito sa pamamagitan ng
pagtatanong sa kanyang sarili kung anong mga balyu ang kanilang
pinanghahawakan; kung ano ang nilalaman nila tungkol sa kanyang paksa, kung
may matibay o matatag na pananaw sila tungkol sa kanyang paksa at kung anong
epekto ang nais niyang mangyari sa isipan ng kanyang mga mambabasa (Gere,
1985)
Ayon kay Gere sadyang mahirap matamo ng manunulat ang kasagutan sa
mga nabanggit na katanungan. Gayunpaman, maari niyang iaply ang mga
katanungang ito sa mga natapos nang sulatin upang magkaroon siya ng ideya jung
paano tiningnan ng mga ibang manunulat ang kanilang mga mambabasa.
Kapag na -visualize na ng manunulat ang kanyang mga mambabasa higit na
magiging mabisa ang kanyang sulatin para sa kanila.
Hindi natatapos ang mabisang pagsulat sa pagsusuri ng itinakdang gawaing
pasulat at pag-visualize sa mga target na mambabasa. Kinakailangan ding maging
malinaw sa manunulat kung ano ang naisniyang sabihin tungkol sa kanyang paksa.
Sa madaling sabi tiyakin niyha kung ano ang tesis ng kanyang sulatin na
ipianpahayag sa pamamagitan ng thesis statement.
Ang tesis ay siyang nagbibigay-pokus tungkol sa paksa. Ito ay ipinakikilala
ng isang pangungusap na nagsasaad ng paksa ng sulatin at ng pananaw o posisyon
ng manunulat tungkol sa paksang ito (Barnwell and Dees, 1999). Tulad ng paksang
pangungusap na nagpapakilala ng pangunahing ideya ng isang talata, ipibnapahayag
ng thesis statement ang pangunahing ideya nan ais sabihin ng manunulat tungkol
sa paksa ng kanyang sulatin. Ito ang kumukontrol sa anyo at nilalaman ng kaniyang
sulatin.
Mahalagang mabatid ng manunulat kung paano jiya ipahayag ang thesis
statement sapagkat ito ang nagpapakilala tungkol sa nilalaman ng kanyang sulatin
at siyang humuhubog sa ekspektasyon ng mga mambabasa kung ano ang dapat
nilang asahan mula sa kaniyang sulatin.
Ang thesis statement ay maaring ilagay sa unang bahagi ng sanaysay
ngunit maari rin namang ipagpaliban ang pagpasok nito pagkatapos ng ikalawa o ng
mga talata at ilagay sa gitna ng talata. (Gere, 1985)
Ang kakayahan sa pagdebelop ng thesis statement at paglalagay nito sa
loob ng sulatin ay bahagi ng mas malawak na proseso na tinatawag na
pagrerebisa. Ang mga kasanayang ito ay bahagi naman ng tinatawag na multi-
dimensyunal na proseso ng pagsulat.
Ang pagrerebisa ay nangangahulugan ng “muling pagtingin” (Gere, 1985).
Bilang manunulat, paulit-ulit niyang tinitingnan ang kabuuan ng kanyang sulatin.

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

Ang pagtinging muli ay maaaring nasasangkot sa: 1) pagbabago ng emphasis,


pagdaragdag o pagbabawas sa una (pangalawa o pangatlong) burador; 2) pag-
oorganisa o paglalagay ng mga impormasyon upang mas madaling maunawaan ng
mga mambabasa; 3) pagsususring muli sa ginamit na istilo upang makatulong sa
pagpapanatili ng pagkakaugnay-ugnayan sa aloob ng sulatin; 4) pagtinging muli sa
anyo ng bawat talata, mga pangungusap at mga salita upang magkaroon ng
kalinawan, barayti at inetres; 5) pagsaaalang-alang sa kawastuhan at sa mga
kumbensyon ng pagsulat na kinabibilangan ng palabaybayan, pagbabantas,
paggamit ng malaking titik, gamit ang wika at pormat.
Ayon kay Gere (1985) higit na maging mabisa ang pagrebisa sa kabuuan ng
sulatin kung isasantabi muna ito nang ilang araw at sakaito muling basahin.
Makatutulong ito sa pagkakaroon ng mga bagong pananaw bago muling tingnan ang
sulatin.
Makatutulong din sa pagrerebisa ang paghingi ng pananaw ngmga ibang tao.
Ang kanilang op-inyon, pananaw o mungkahi ay maaring makapagpabagago sa
paningin ng manunulat sa kanyang unang burador.

Ang Pagsulat: Isang Kompleks na Proseso

Ang pagsulat ay isang kontinwum (continuum) ng mga gawain sa pagitan ng


mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

na gawain ng paglika sa kabilang dulo. Ayon naman kay Rivers (1975) ang pagsulat
ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skill-getting)
hanggang sa ang mga kasanayang ito ay aktuwal na magagamit (skill-using)

PAGSULAT

Pagtamo ng Kasanayan Paggamit ng Kasanayan

Pagsusulat bilang Pagsulat bilang isang


pansuportang kasanayan gawaing komunikatibo

*binibigyang-diin ang *binibigyang-pansin ang paggamit ng


pag-unawa kung paano mga pamantayan sa mabisang
ginagamit ang wika pagpapahayag ng naiisip at nadarama sa
paraang pasulat.

*sa mga gawain sa pagtatamo  Mga gawain sa paggamit ng


ng kasanayan
kasanayan
a. Mekanikal na pagsulat. e.g.
pagtunton, pagsipi ng mga a. Pagpapaunlad ng mga gawain-
bagay na natutunan- pagsulat sa tulong ng mga balangkas,
halimbawa, titik ng mga pagsasanay ng makakaugnay na
alpabeto; pag-alam ng mga pangungusap, pagpapalawak ng
tuntunin sa ortograpiya; pangungusap, atb.
bantas, balarila at mga b. Malikhaing Pagsulat- nagsisimula ito
katuolad nito. sa pinatnubayan patungo sa malayang
b. Pagsulat sa wika mga komposisyon at tumtugon sa ating
kotroladong gawain at
mga layuning sap ag-ulat sa araw-
pagsasanay upang
araw; halimbawa- mga praktikal na
mapagtibay ang mga
kaalaman sa Sistema ng sulatin at mga malikhaing sulatin.

Mga Pananaw sa Pagtuturo ng Pagsulat

a. Ang kontrolado Patungo sa Malayang Pagsulat

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

Doong dekada singkuwenta at sisenta, palasaka ng pananaw na awdio-


linggwal sa pagtuturo ngv pangalawang-wika. Binibigyang-pansin ang
pagsasalita at ang pagsulat ay nalilinang na pantulong sa epektibong
pagsasalita. Ang tuon ng pagtuturo ay nasa masteri ng tuntunin at anyong
panggramatika. Kaya nga nagdebelop ang mga guro ng Teknik ng konsistent
na layuning nabanggit. Isa nga rito ang Teknik ng kontrolado patungo sa
malayang pagsulat.

Ang pananaw na ito ay sikwensyal o may sinusunod na order:


bibigyan muna ng mga mag-aaral ng mga pagsasanay sa mga pangungusap,
pagkatapos ay bibigyan sila ng mga talatang kokopyahin o pagkukunan ng
mga araling panggramatika. Magkakaroon sila ng pagsasanay tulad ng
transpormasyon ng mga pangungusap sa pasalaysay, sa patyanong, pagpapalit
ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto o dili kaya’y pagpapalit ng isahang anyo sa
maramihan. Maaari ring palitan nila ang ilang salita o pangungusap sa talata.
Tiyak at kontrolado ng guro ang bagay na kanilang gagawin.

Sa mahigpit na pagkontrol sa sulatin, madali sa mag-aaral na sumulat


nang kaunti lamang ang kamalian. Kung bibihira ang pagkakamali, madaling
namamarkahan ng guro ang mga papel.

Kapag natantiya ng guro na may sapat na kakayahang pangwika ang


mag-aaral, binibigyan na niya to ng pagkakataong sumulat nang Malaya kung
saan naipahahatag nila ang sariling ideya.

Ang pananaw na ito ay nagbibigay diin sa gramatika, sintaks at


mekaniks. Higit na pinahahalagahan nito ang kawastuan kaysa kaangkupan o
orihinalidad ng komposisyon.

b. Ang Pananaw na Malayang Pagsulat

Ilang mga guro at mananaliksik ang nagbibigay ng higit na diin sa


kwantidad ng sulatin kaysa kwalidad nito. Sa kanilang paningin, mahalagang
makasulat nang Malaya ang mag-aaral sa marami at iba’t ibang paksa nang hindi
gaanong binibigyan-tuon ang pagwawasto ng kamalian. Ang prinsipyo sa panana
na ito ay ang pagpapahalaga sa nilalaman at kaangkupan at hindi gaano sa anyo
ng isinulat. Kapag naisulat na ang mga ideya maari nang pagtuunan ng pansin
ang kawastuang panggramatika, organisasyon, at iba pa.

Sa pagpapasimula ng klase, maraming guro ang nagpapasulat nang


Malaya sa mga mag-aaral sa loob ng lima o sampung minute. Pinapayuhan nila
ang mag-aaral na huwag gaanong mabahala sa gramatika at ispeling.

Sa umpisa ay waring nahihirapan ang mag-aaral subalit sa katagalan,


masasanay na rin silang maging relaks sa pagsulat. Hindi naman winawasto ng
guro ang maiikling sulatin ng mag-aaral. Babasahin lamang niya ang mga ito

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

upang mabigyan ng mga puna tungkol sa mga ideya na ipinapahayag ng mag-


aaral. Kung minsan, ipinababasa nanag malakas sa klase ang mga sulatin.

Ang pagsasaalang-alang sa babasa at sa nilalaman ay mahalaga sa


pananaw na ito lalo na’t iisiping ang mga paksa ay kawili-wili para sa mag-aaral.

c. Ang Hulwarang Talata

Ang pananaw na ito, binibigyang diin ang talata. Pinakokopya ng talata ang
mag-aaral, pinasusuri ang anyo ng modelong talata at ipinagagaya ang modelo.
Iniaayos nila ang mga pangungusapupang makabuo ng isang talata; tinutukoy nila
ang mga paksa at kaugnay na mga pangungusap o di kaya’y bumubuo sila ng
angkop na paksang pangungusap at nagdaragdag o nag-aalis ng mga pangungusap
sa talata.

Ang pananaw naito ay batay sa prinsipyo na ang mga taong kabilang sa iba’t
ibang kultura ay bumubuo at nagsasaayos ng komunukasyon sa iba’t ibang
paraan.

d. Ang Organisasyon ng Grammar-Syntax

Naniniwala ang maraming guro na kailangan ang integrasyon ng iba’t ibang


sangkap ng pagsulat ng komposisyon. Ang pagsulat, para sa kanila, ay hindi
binubuo ng magkakahiwalay na kasanayan na natutuhan nang isa-isa o hiwa-
hiwalay. Kaya nga lumikha sila ng mga gawaing pasulat na tutulong sa mag-aaral
na magbigay pansin sa organisasyon ng isinusulat habang tinutukoy ang
kinakailangang gramatika at sintaks.

Halimbawa, kung suuslat ang mag-aaral ng isang pabuto sa pagsasagawa ng


isang bagay, hindi lamang kaalaman sa pandiwa at pang-abay ang kanyang
kailangan, kundi sa mga pang-ugnay din tulad ng una, ikalawa, pagkatapos, at iba
pa na makatutulong sa maayos at mabisang organisasyon ng ideya. Lahat ng
kaalaman at kasanayang kailangan sa pagbuo ng sulatin ay itinuturo o pinag-
aaralang muli upang makita ng bata ang koneksyon ng kanyang sinisikap sulain at
ng kailangan nilang islat. Samakatwid, ang pananaw na ito ay nag-uugnay sa
layunin ng pagsulat sa mga anyong kailangan upang maipahatid ang mensahe.

e. Ang Komunikatibong Pananaw

Ang pananaw na ito ay nagbibigay diin naman sa layunin ng sulatin at sa


target na babasa. Maaaring ganyakin ang mag-aaral na maging tulad ng tunay na
manunulat at magtanong ng ilang krusyal na bagay tungkol sa layunin at sa babasa,
tulad ng “Bakit ko ito sinusulat?” o “Sino ang babasa nito?”

Sa tradisyunal na pagsususlat, tanging guro lamang ang pinaglalaanan ng


sulatin ng mag-aaral. Sa komunikatibong pananaw sa pagsulat ginagawa ng

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

mag-aaral ang pinakamabuti upang masiyahan ang pinag-uukulan ng sulatin.


Samakatwid, sa paggamit ng komunikatibong pananaw, napalawak ng guro
ang babasa ng sulatin. Naipababasa ito sa ibang mag-aaral ng klase na hindi
lamang bumabasa nito kundi nagbibigay din ng reaksyon, lagom, pagsusuri o
puna tungkol dito. Isang bagay lamang ang ginagawa ng mag-aaral- ang
pagwawasto ng binasa. Kung minsan itinutukoy ng guro ang target na babasa
ng sulatin upang mailagay sa konteksto ang sulatin at makapili ang mag-aaral
ng angkop na nilalaman, kayariang pangwika at istilo.

f. Ang Pagtingin sa Proseso


Unti-unti ay natutuon ang pansin ng pagsusulat sa proseso ng pagsulat
at hindi gaano sa natapos na produkto. Hindi lamang tanong tungkol
sa layunin at babasa ang pinagtutuunan ng pansin kundi ang mga
krusyal na mga tanong tulad ng;

-------------------------------------------------------------------------------
Paano ko ito susulatin? Paano ako magsisimula?
-------------------------------------------------------------------------------

Lahat ng sumusulat ay gumagawa ng desisyon kung paano


magsisimula at paano oorganisahin ang gawain. Dapat maunawaan ng
mga mag-aaral na ang una nilang isinusulat ay maaaring magsimula o
burador lamang. Maaring mabago ang ideya at pagkasulat ayon sa
feedback na ibibigay ng guro o babasa ng sulatin.

Sa pamamagitan ng pre-writing activities tulad ng talakayan,


pagbabasa, debate, brainstorming at pagbabalangkas, mapalalawak ang
kaalaman ng mag-aaral sa paksa.

Sa pananaw na ito, hindi limitado ang oras at ideya ng mag-aaral.


Hindi siya sumusulat para iwasto lamang ng guro. Tinatalakay niya
ang pagsulat ng paksa at ipinapakita sa guro at kamag-aral ang burador
upang mapabuti ang sulatin.

Dalawang kabutihan ang dulot ng pananaw na ito: binibigyan ng guro


ng sapat na panahon ang mag-aaral na pag-isipan ang paksa at
magbigay ng sariling ideya; at binibigyan din ng feedback ang mag-
aaral sa nilalaman ng mga sulatin. Sa ganitong paraan, ang proseso ng
pagsulat ay nagiging proseso ng pagtuklas ng mga bagong ideya at
bagong angyong pangwika na magagamit sa paghahatid ng mensahe.

Gawain:

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
Graduate School

a. Basahin muli ang mga iba’t ibang pananaw. Ilista sa notbuk ang
napansin mong kabutihan at kahinaan g bawat isa.
b. Kung ikaw ang pipili, anong pananaw ang ilalapat sa pagsusulat?
Pag-usapan Ninyo sa pangkatang gawain ang mga dahilan.
c. Hindi kaya Mabuti na kunin ang mabubuting aspeksto ng bawat
pananaw at gamitin ang mga ito sa mabisang pagtuturo ng
komposisyon?

Ang tawag dito ay eklektik na pananaw. Pag-usapan ang kabutihan ng


ganitong pananaw. Buuin Ninyo sa inyong pangkat ang mga aspektong ipaloloob
Ninyo sa inaakala ninyong eklektik na pananaw sa pagtuturo ng komposisyon.
Humandang iulat ito sa klase.

Reperensiya:

Autor, Evelyn B. 2015. Pagbasa at pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Tungo sa pananaliksik. Lungsod
ng Naga: Ateneo de Naga University Research Council.

Badayos, Paquito B. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika mga teorya, simulain at Istratehiya.
Makati City: Grandwanter Publications and Research Corporation.

De Castro, Imelda at Zendel Rosario Taruc. 2010. Kritikal na Pagbasa at Akademikong pagsulat
Tungo sa Pananaliksik. Manila: University of santo Tomas Publishing House.

Secondary Education development program (SEDP).1991. Sourcebook in Filipino III. Manila:


dalubhasaang Normal ng Pilipinas, Paaralan ng Wika at Linggwistika.

Tribble, Chrstopher. 1996. Writing. Oxford: Oxford University Press.

https://www.slideshare.net/RoseldaFhae/pagsulat-ng-komposition

Castro Ave., Laoag City, 2900, Ilocos Norte


 gs@mmsu.edu.ph  +63(077)600-3469 www.mmsu.edu.ph

You might also like