You are on page 1of 1

PAMUMUNA SA DULA

Isa sa pinakagigiliwang uri ng panitikan ay dulang pantanghalan. Higit nating nakikita ng malinaw ang
istorya, pagkat buhay na kumikilos at nagsasalita ang mga tauhan. Bukod dito, pinatitingkad ng isang
dula ang mga pagpapahayag ng mensahe sa manonood sa pamamagitan ng ilang kagamitan o props, at
ng angkop na himig at musika. Mayroong dalawang pamamaraan ng pagsusuri ng dula, ang Bilang
material na sinusuri nito ang aspeto ng istorya. At Bilang teatro na ang sinusuri naman nito ay ang mga
bagay na labas sa dula.

BILANG MATERYAL

Sinusuri dito ang aspeto ng istorya, partikular na ang iskrip. Sinusulat ang iskrip ng dula upang maging
maayos ang daloy ng gagawing pagtatanghal at maipakita ang nais ipabatid na mga ideya. Nakapaloob sa
pamamaraang ito, ang mga dapat nating isaalang-alang sa pagsusuri ng dula. Kung ito ba ay batay sa
mga katangian, batay sa pagganap, at batay sa awtor.

A. Batay sa mga Katangian


Matatagpuan dito ang mga elemento ng dula na iskrip o nakasulat na dula, gumaganap o
actor,tanghalan, tagadirehe o direktor at manonood. At mga sangkap ng dula na
kinapapalooban ng tagpuan, tauhan, kwento ng dula.

B. Batay sa Pagganap (Acting)


Dito matatagpuan ang aspekto ng kwento ng dula na diyalogo at kilos, at banghay.

C. Batay sa Awtor
Matatagpuan naman dito ang mga uri ng dula sa Pilipinas na parsa, komedya, melodrama,
trahedya at saynete.

You might also like