You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan


Lingayen Kampus
Lingayen, Pangasinan
Unang Semestre, Taong-Panuruan 2022-2023

Paksa:
I. Mga Batayang Kaalaman sa Diskurso
A. Kahulugan, Uri, Layunin, Elemento at Konteksto ng Diskurso
B. Mga Teorya ng Diskurso
C. Diskurso at Komunikasyon
D. Ang mga Modelo ng Proseso ng Komunikasyon

Mga Mag-uulat: Cao, Juvelyn Delos Santos


Maron, Bryan Cruz
Mislang, Mark Angelo Mislang
Pantaleon, Jonh Andrew Garcia
Radovan, Cris Ashlee Suarez
Raymundo, Aldous Cruz
Vallao, Jekka Sto. Domingo

Taon at Kurso: II BSE FILIPINO


Bilang at Pamagat ng Kurso: FIL 107 – Mga Natatanging Diskurso sa Wika at
Panitikan
Instraktor: Bb. Mary Grace Ubando

A. KAHULUGAN AT KATANGIAN NG DISKURSO

Tawag sa telefono, interbyu sa pag-aaplay ng trabaho, pagpapatingin sa doktor,


pag-uusap ng empleyado sa employer, usapang pangkapulungan, palitang titser at
estudyante, usapang tindera/o at suki o sinumang mamimili, pagkilala sa isang bus o
jyipne, pagkukuwentuhan sa isang cafe, pagtatalamitam o kaya'y pagtsitsismisang
magkaibigan, pampamilyang sarilinan, gayundin ang pagbabasa ng mga artikulo sa
dyaryo, mga liham, mga notisya, mga kuwento at nobela, mga panuto, mga komiks,
mga folyeto, mga advertisment, mga grafiti, mga resipi, mga resibo, at kung ano-ano
pa, ito ang mga halimbawa ng ng diskurso.

Ang diskurso ay mula sa Ingles Medya na "discourse" na galing din naman sa


salitang Latin na "discursus" na nangangahulugan ng "diskusyon o argumento", o
kaya'y kumbersasyon, isang verbal na pagpapalitan ng mga mga ideya na pwedeng
sa mga sosyalang pampamilyaridad o kaya'y sa isang pormal at maayos na karaniwang
humahabang pagpapahayagan ng mga kaisipan hinggil sa kung anong paksa na
maaaring pasalita o pasulat. Isa rin itong yunit panglinggwistik na mas malaki kaysa sa
isang pangungusap gaya ng isang kumbersasyon o isang kwento (Merriam Webster
Collegiate Dictionary, 10th Edition, 1996).
Milrood (2002)
Ang diskurso ay tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din
naman sa malalim na pagtingin sa mga ideyang nilalahad.

Ayon kay Webster (1974) ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na


komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at
sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa
ng disertasyon. Samakatuwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng
pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang
diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.
Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang
magsulat at magsalita nang may katagalan o kahabaan. Ayon naman sa Webster’s
New World Dictionary (1995), ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa,
pasulat man o pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang
paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

Tumutukoy ang diskurso sa paggamit ng wika, sa paraan ng pagpapahayag, at


sa pag-unawa kung paano ginagamit ang wika (McCarthy, 1991). Gumagabay sa pag-
aaral ng wika ang lahat ng nasusulat na teksto, salitaan mula sa isang usapan
hanggang sa pinakamataas na anyo nito. Hindi lamang ito tumutukoy sa interaksyong
pasalita, mga gumagabay din sa interaksyon ng teksto, kung paano ito naproseso ng
prodyuser (tagapagsalita) at ng konsyumer (tagapakinig). Pansinin ang diyalogo sa
ibaba.

Mam Dyeng: Marunong ka bang maggitara?


Erik: Opo.
Mam Dyeng: Mabuti naman nakita kita. Pwede mo ba akong tugtugan?
Erik: Saan po?
Mam Dyeng: Sa Poesia, sa Museo sa Buwan ng Wika.
Erik: Kelan po?
Mam Dyeng: Sa Miyerkules, Agosto 23.
Erik: Sige po, ikararangal ko po.
Mam Dyeng: Ako nga pala si Mam Dyeng. Ikaw?
Erik: Erik po.
Mam Dyeng: Kurso mo?
Erik: Philosophy po.
Mam Dyeng: Ikinagagalak kitang makilala.
Erik: Salamat po.

Kung susuriin ang naging takbo ng pag uusap ng dalawa, lumilitaw na hindi sila
magkakilala. Noon lamang nagkita ang dalawang sangkot, subalit mula sa pagbato ng
unang diyalogo, natugunan kaagad ito ng tumanggap ng mensahe. Marahil may isa
silang bagay na napagkasunduan at ito ang kahiligan sa sining bagamat magkaiba ang
anyo, ang isa ay nagtataglay ng kaalaman sa pagtula, at ang isa naman ay nagtataglay
ng kaalaman sa instrumento, at ang mga bagay na ito ang nagkunekta sa
kanilangdalawa. Makikita rin sa pag-uusap ang varyasyon ng wikang ginamit, pormal
ang kanilang naging salitaan. Marahil dahil sa espasyong ginagalawan na
eskuwelahan; pangalawa, pag-uusap ito sa pagitan ng titser at ng estudyante kaya
naman may pagkapormal ang takbo ng salitaan. Mangyari pa, lumalabas na may
nagaganap na pag-uusap sa dalawang sangkot kahit hindi nila personal na kilala ang
isa't isa. Maaaring maganap ang pakikipagtalastasan saan mang espasyo, sa kahit
anong oras, sa kahit na sino ang sangkot, mahalaga lamang na may sitwasyong pinag-
uusapan.

DALAWANG ANYO NG DISKURSO

A. Pasalitang Diskurso

Karaniwang magkaharap ang mga partisipant kung kaya’t bukod sa kahalagahan


ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng
komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig,
at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago sa kahulugan ng
mensahe.

Ang mga materyal mula sa mga simpleng kumbersasyon hanggang sa mga


institusyunalisadong porma ng mga pagsasalita ang mga larangang preokupasyon ng
pasalitang diskurso. Inuobserbahan dito ang mga pagsasalita sa mga natural na
kapaligiran, sa mga pagkakataong napangyayari ang mga paguusap-usap o
pagsasalitaan gaya ng pagkukuwentuhan, mga ritwalistikong pagbabatian, o pagtatalo
o debatehan. Hindi lamang dito ang pinag-uukulan ng pag-aaral, bagkus,
minamahalagang higit ang mga kultural na aspekto gaya ng mga kaugalian o mga
kaasalan o mga beheybyor ng mga partisipant sa mga karaniwan at penominal nilang
pag-uusap. Kaya naman higit pa sa linggwistikang porma ng pasalitang interaksyon at
diskursong tungkulin ang dito'y pinag-aaralan.

Naiibang Katangian ng Diskursong Pasalita


1. Naririnig
2. Binibigkas
3. Hindi halos napaghahandaan ang mga ideya

B. Pasulat na Diskurso
Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang
mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito’y
kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang sinulat. Sa
pasulat na diskurso, pangunahing isinasaalang-alang ang istrukturang gramatikal ng
wika; ang parirala, sugnay, pangungusap, ang kontekstwalisadong mga gamitn ito, ang
mga pag-iistruktura ng mga ito, ang mga tekstwal na pagkakaugnay- ugnay.

Naiibang Katangian ng Diskursong Pasulat


1. Nababasa
2. Sinusulat
3. May mahabang panahon ng paggawa

Mga Katangian ng Diskursong Pasalita at Pasulat


1. Gumagamit ng wika
2. May layunin/mensahe
3. May encoder at decoder

Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang


kalikasan at pangangailangan ang bawat isa. Ngunit maging ano man ang anyo ng
diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang komunikatib kompitens at
ang linggwistik kompitens.

URI NG DISKURSO

Paglalarawan / Deskriptib
Kahulugan

 Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan nagpapahayag ng mga kaisipan o


pala-palagay. Sa diskursong ito ay napapagalw ng isang tagapagpahayag ang
kaniyang imahinasyon, maging sa kanyang mambabasa at tagapakinig. Sa
pangkalahatan, ang diskursong ito ay nagbibigay ng malinaw na imahen ng
isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang
impresyon o kakintalan. Bunga ng kakintalang nilikha ng limang pandama ng tao
o tinatawag na singko bukales.

Pagsasalaysay / Naratib
Kahulugan

 Nagpapahayag ng mga magkakaugnay na pangyayaring may tiyak na


pinagmulan tango sa isang tiyak na makabuluhang pangwakas. Isa sa mga
kahalagahan ng diskursong ito ay ang pagkakataon ng tao na maibahagi ang
mga bagay-bagay na nagyari sa ating buhay o maging sa buhay ng iba.
Maraming dalubhasa ang sumang-ayon na ang uri/anyo ng diskursong ito ay
mayroong kalikasang dualistic;ano at paano. Dahil sa maayos na daloy ng
pagpapahayag ng detalye nakasalalay ang tagumpay ng uri na ito ng diskurso.
Paglalahad/ Ekspositori
Kahulugan

 Isa pinakamadalas gamitin sa apat na anyo ng pagpapahayag ang paglalahad.


Isa rin ito sa mga pangunahing sining ng komunikasyon na madalas ginagamit
ng isang tao sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan
sa kanyang kapwa Naipapahayag niya ang kaniyang mga saloobin sa
pamamagitan nito sinasaklaw ng paglalahad (Rubin 1995) ang malawak na
bahagi ng sinulat at hinahasa ng mga karaniwang tao. Paglalahad ang
ginagamit upang himay-himayin ang estruktura ng pilosopiya at ng iba't ibang
kaisipan, teorya, at organisasyon Madalas ding gamitin ang paglalahad sa mga
panunuri, artikulo, sa diaryo o magasin, komposisyon, at programa sa tadio at
telebisyon

Pangangatwiran/ Argumentatibo
Kahulugan

 Nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang


isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o tagapakinig
 Masasagawa ito kung mayroon tayong kakayahang ihanay nang maayos ang
ating kaisipan at ipaliwanag ito upang makahikayat ng kapwa.
 Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng tagapagpahayag ng diskursong ito ay
ang pagkakaroon ng matibay na paninindigan sa mga bagay na pinaniniwalaang
tama

MGA LAYUNIN NG DISKURSO

1. Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay


maranasan din ang naranasan ng manunulat.
2. Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya
upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
3. Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
4. Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig
upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig

Mga Elemento ng Diskurso

1. Nilalaman
 May pagbatid o mahalagang mensahe
 May mahalagang impormasyon
 May kaalamang mapapakinabang
 Makalilibang

2. Pananalita
 Madaling maunawaan
 May tatlong bagay na makatutulong upang madaling maunawaan ng isang
pahayag
 Maraming gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan

KONTEKSTO NG DISKURSO

Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at


konteksto. Ang mga kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na
kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo,
pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
Halimbawa:
 Konstekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan
 Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-
aaral
 Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang
kumpanya sa lahat ng empleyado
 Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga
botante
 Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang
ASEAN
 Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa

Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang


isang paraan ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon.
Kung tutuusin, ang hangganan ng konteksto ng isang diskurso ay abstrakto at mahirap
uriin. Pansining laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob ng diskursong
panggrupo at organisasyunal. Ang diskursong pangkasarian ay lagi ring umiiral sa
tuwing ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng
iba pang konteksto. Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinararaan sa mga midyang
pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura, nagkakaroon ng
diskurso sa kontekstong interkultural.

B. MGA TEORYA NG DISKURSO

"Ang wika ay hindi kumpleto sa sinumng indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito
sa loob ng isang kolektibo o pangkat". (Saussure, 1915)

Speech Act Theory


 Ang mga salita at pangungusap na binibigkas ay may iba’t ibang gamit
pangkomunikasyon.
 Ang yunit ng komunikasyong longgwistik ay hindi ang simbolo salita o ang
pangungusap, kundi ang produksyon o paglikha ng mga ito sa pagganap ng
speech act.
 Locutionary, illocutionary, at perlocutionary

a. Locutionary
- Literal na kahulugan ng pahayag.
- Pagsasabi, pagbigkas at pagsasalita ng mga tiyak na pahayag na walang ibang
kahulugan sa nakikinig.

b. Illocutionary
- Paraan ng paggamit ng wika, at ang pagganap sa akto ng pagsasalitang iba sa
pagsasabi ng isang bagay.
- Ito ay kumakatawan sa iba pang kahulugan na naiintindihan (other perceived
meaning) ayon sa kung paano nasabi ang pahayag.
Limang uri ng aktong illocutionary ayon kay Austin:
1. Pagbibigay ng hatol, pagtantya o pagtataya
2. Paggamit ng kapangyarihan, karapatan at impluwensiya.
3. Pangangako ng tagapagsalita na gawin ang isang bagay
4. Paglilinaw ng mga katuwiran, argumento o komunikasyon.
5. Pagpapahayag ng saloobin at gawi sa lipunan.

c. Perlocutionary
- Epektong dala ng pagganap sa aktong illocutionary (sinadya man o hindi
sinadya)

Communication Accommodation Theory


Ang komunikasyon ay naiimpluwensyahan ng sumusunod:
- Aktuwal na mga pangyayari
- Inisyal na oryentasyon ng mga kalahok sa komunikasyon.
- Konteksong panlipunan at mga naunan karanasan (ng mga kalahok).
May mga ginagawang pag-aangkop ang mga kalahok sa komunikasyon upang
maiparamdam sa kausap ang kanilang pagiging ‘tulad, o ‘iba’ nila sa kanila.

Estratehiya sa Pag-aangkop
a. Convergence- ginagamit upang maipakita ng tagapagsalita ang kanyang
pagsang-ayon o pakikiisa sa pangkat ng kausap.
b. Divergence- sa paggamit nito, iniiwasan ng tagapagsalita na makilala bilang
kaisa o kabilang sa pangkat ng kanyang kausap. Ginagamit din ito kapag gusting
pannatilihin ng tagapagsalita ang distansya niya sa kanyang kausap.

Ethnography of Communication (Etnograpiya ng Komunikasyon)


 Ipinakilala ni Hymes bilang etnograpiya ng pagsasalita o ethnography of
speaking at kalaunan ay naging etnpgrapiya ng kominikasyon o ethnography of
communication upang ilarawan ang bagong pamamaraan ng pag-unawa gamit
ng wika (Hymes, 1964).
 Mnemonic sa SPEAKING, upang masuri ang mga gawi sa pagsasalita sa mga
sitwasyong komunikasyon.
 Ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern, at tungkulin ng
pagsasalita.
 Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyonna
nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad.

Mga teknik sa partisispant-obserbasyon:


a. Introspection o paggamit ng intuition- Mga paunang saloobin o pag-unawa sa
isang sitwasyon sa pamamagitan ng persepsyon at pag-unawa o kaya sa
pagpapaliwanag.
b. Detached bservation o di-partisipatoring obserbasyon- Pag-oobserba ng mga
nagaganap na interaksyon at pangyayari sa isang komunidad.
c. Interviewing o istrukyurd na interaksyong berbal- Paraan ng pakikipag-usap ng
berbal o harap-harapan sa mga miyembro ng isang komunidad upang
makalikom ng mga kinakailangan na datos.
d. Philology- ang paggamit ng mga pansulat na materyales bilang visual aid.
e. Ethnosemantics- Ito ay ang pag-aaral ng kultura upang mas mapadali ang pag-
aaral o pag-intindi ng wika ng isang komunidad.
f. Ethnomethodology- Ito ang mga detalyadong analisis ng mga kumbersasyon,
tinatawag ding diskors analisis ng mga linggwista.
g. Phenomenology- Ito ay ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang
problemang penomenolohikal.

Variationist Theory
 Ito ay nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa
isang diskurso.
 Ito ay kinapapalooban ng pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita, gayon
din ang estrukturang panggramatika ng isang ispiker.
 Tumatalakay sa mga pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika ng bawat grupo ng
tagapagsalita.

Pragmatic Theory
 Ang pokus ng teoryang ito ay ang kaangkupan ng gamit ng wika sa isang
partikular na sitwasyon.
 Ito ay kinapapalooban ng tatlong pangkalahatang kakayahan sa komunikasyon.
a. Gamit ng wika sa iba’t ibang layunin.
b. Paghiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa pangangailangan o
inaasahan ng tagapakinig at sitwasyon.
c. Paggamit ng mga tuntunin sa isang kumbersasyon at mga naratibong
dulog gaya ng pagkukwento, pagbibigay ng report at iba pa.

ANG PASALITANG DISKURSO

Pasalitang Diskurso (berbal)


 Masining na pagpapahayag ng ideya sa paggamit ng berbal na pamamaraan.
 Ito ay ang tawag sa pagkakaroon ng makabuluhang palitan ng pangungusap ng
dalawa o higit pang tao.
 Karaniwang magkaharap ang dalawang o higit pang partisipant kung kaya't
bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit pinagtutuonan din ng bawat
kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono,
diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig, at iba pang salik ng
pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago ng kahulugan ng mensahe.

Dalawang (2) uri ng pasalitang diskurso


a. Pribado- pagsasalita sa pagitan ng dalawa o ilang tao (kumbersasyunal)
Halimbawa: pagsasabi ng sikreto at pagtatanong sa iba
b. Publiko- pagsasalita sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita)
Halimbawa: pagrereport sa klase, talumpati at debate

Pasalitang diskurso sa iba’t ibang aspeto:


 Sikolohikal
- Gawaing sosyal
- May awdyens at may interaksyong nagaganap
- May kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal
- Gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic

 Linggwistika
- Maaaring gumamit ng impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita
- Maaaring ulitin, baguhin at linawin ang mga nabitawang salita ayon sa reaksyon
ng tagapakinig
- Napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag
- Nauulit ang anumang sinabi

 Kognitibo
- Ang pagsasalita ay madaling natatamo-natututuhan sa isang prosesong natural
na tila walang hirap (ego building)
- Ang pagsasalin ng “inner speech” (kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong
pasalita) ay isang madaling proseso.

Pasalitang diskurso (Pananaw)


Ang pananaw sa pagsasalaysay ay umaayon sa papel na ginagampanan o posisyong
ginagampanan o kinalalagyan ng tagapagsalaysay sa pakukwento.
1. Unang panauhang pananaw
Ang tagapasalaysay ang gumaganap na pangunahing tauhan. Siya ang nagsisiwalat sa
mga pangyayari ayon lamang sa sarili niyang karanasan.
2. Ikalawang panauhang pananaw
Ang pangyayari ay inihahayag ayon sa pagkakasaksi.

3. Ikatlong panauhang pananaw


Ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan at ang tagapagsalaysay
at taga-obserba lamang at labas siya sa mga pangyayari.
Mga dapat tandaan sa pagsasalita:
 Mabigyang-aliw ang mga tagapakinig.
 Maipaunawa ang impormasyon.
 Mahikayat na baguhin ang dating paniniwala.

C. DISKURSO AT KOMUNIKASYON

Layunin:
a. Nakikila at nasasabi ang kahulugan ng diskurso at komunikasyon at ang mga
anyo, konteksto at uri nito;
b. Nakapapakinig ng masusi at nakasusunod sa bawat talakayan; at
c. Naisasakatuparan ang natutuhan tungkol sa diskurso at komunikasyon sa tulong
ng mga pagsasanay.

Ano ang DISKURSO?


 Ito ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.
 Wikang Ingles na “discours”
 Midieval at Late Latin na “discursus” at “kumbersasyon”
 Ang kumbersasyon ay isang klase ng pag-uusap o komunikasyon na kadalasang
nauuwi sa walang saysay na usapan.
 Maaari rin itong isang pormal o sistematikong eksaminsayon ng isang paksa
pasalita man o pasulat.
 Isang halimbawa ng pasulat ay ang disertasyon o “Thesis”

Dalawang Anyo ng Diskurso


1. Diskursong Pasalita- kung saan gumagamit ng berbal na kumbersasyon upang
maipamalas ang ideya, opinion, at kung anu-ano pa.
2. Diskursong Pasulat- kung saan gumagamit ng mga simbolo at gramatiko upang
maipamalas ang saloobin.

Konteksto ng Diskurso
Ang kontesksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-
organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian. hal.

1. Kontekstong Interpersonal – o malapit ang kasangkot sa isa’t isa.


Hal: usapan ng magkaibigan.
2. Kontekstong Panggrupo – ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng
isang pangkat tulad ng isang klase.
Hal: pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral
3. Kontekstong Pang-organisasyon – ang mga kasapi ay bahagi ng isang
organisasyon o samahan.
Hal: memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag
nagpopromote)
4. Kontekstong Pangmasa – sa harap ng malaking grupo ng tao tulad ng
pangangampanya o pagpapakilala ng isang pulitiko sa harap ng mga botante.
Hal: pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
5. Kontekstong Interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa magkaibang kultural
na pangkat.
Hal: pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN
6. Kontekstong Pangkasarian – ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na
kasarian.
Hal: usapan ng mag-asawa.
Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang
isang paraan ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon.
Pansinin na laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob ng panggrupo at
organisasyunal. Ang kontekstong pangkasarian naman ay lagi ring umiiral sa tuwing
ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang
konteksto.
Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinnararaanan sa mga midyang
pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura, nagkakaroon ng
diskuro sa kontekstong interkultural. sa kahit anong kontekstong gamitin, laging
magagamit ang interpersonal)

Ano ang KOMUNIKASYON?


 Mula sa salitang latin na “COMMUNIS” na nangangahulugang “karaniwan” o
“panlahat”
 ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat
na paraan.
 Isang interaksyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o
anumang uri ng simbolo na makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o
emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
 Proseso ng pagpapadala at pagtanggap nag mga mensahe.

Mga Uri ng Komunikasyon


1. Komunikasyong Intrapersonal – tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
2. Komunikasyong Interpersonal – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa
pagitan ng dalawang tao, o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.
3. Komunikasyong pampubliko – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa
pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao.

Mga Salaysayang katangian ng Komunikasyon:


1. Ang Komunikasyon ay isang proseso (may sinusundan)
2. Ang proseso ng komunikasyon ay daynamiko (nagbabago)
3. Ang komunikasyon ay komplikado.
4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipapadala/natatanggap sa komunikasyon (ang
tumatanggap ang nagbibigay ng kahulugan sa pinapadalang mensahe)
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon (Berbal o di-
berbal)
 Mensaheng pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika
 Mensaheng rasyunal o mensaheng di-berbal ng iyong damdamin o pagtingin sa
kausap

D. ANG MGA MODELO NG PROSESO NG KOMUNIKASYON

Isa sa pinakamadaling paraan ng paglalarawan sa proseso at mga sangkap ng


isang bagay ay sa pamamagitan ng mga modelo o representasyon biswal sapagkat
nagagawa nitong simple ang isang komplikadong bagay, tulad ng komunikasyon.
Ang modelo ng komunikasyon ay mga dayagram o representasyon na
naglalahad sa iba’t ibang teorya hinggil sa pag-aaral ng komunikasyon. Inilalahad ng
mga ito ang komunikasyon sa isang biswal na paraan o paglalarawan. Ginagamit ang
mga ito upang higit na maipaliwanag at bigyang-linaw ang mga elemento at proseso ng
komunikasyon.
Marami nang awtor at iskolar ang nagdisenyo ng iba’t ibang modelo ng
komunikasyon. Bawat modelo ay may kapakinabangan sa sinumang naglalayong
maunawaan nang ganap ang komplikadong proseso ng komunikasyon. Ilan sa mga
modelong ito ay ilalahad sa araling ito.
Ang mga modelo sa proseso ng komunikasyon ayon sa iba’t ibang mga dalubhasa;

 Modelo ng Komunikasyon ni Aristotle


 Modelo ng Komunikasyon nina Claude Shannon at Warren Weaver
 Modelo ng Komunikasyon ni Wilbur Schramm
 Modelo ng Komunikasyon ni David Berlo
 Modelo ng Komunikasyon ni Harold Lasswell
 Modelo ng Komunikasyon ni Braddocks
 Modelo ng Komunikasyon ni Charles Osgood
 Modelo ng Komunikasyon nina Adler at Towne (1996)

MODELO NG KOMUNIKASYON NI ARISTOTLE

Tagapagsalita/ Tagapakinig/
Ispiker Mensahe Awdyens

Aristotle
 Iskolar
 Kauna-unahang nagpaliwanag sa proseso ng komunikasyon
 Retorika
 Klasikong modelo ng komunikasyon
 Inilahad ang proseso ng komunikasyon na tulad sa sitwasyong pangretorika

Orador o tagapasalita- ispiker


Argumento
Talumpati mensahe
Tagapakinig- awdyens

Ang klasikal na modelo ng komunikasyon ni Aristotle ay nagpapakita ng linear


(linyar) na katangian ng komunikasyon o “one way process”. Ang tagapagsalita ang
lilikha ng mensahe at babalangkas nito sa kongkreto at malinaw na paraan upang
maunawaan ng tagapakinig ang inilalahad o nais iparating.
Ang layunin ng komunikasyon ay ang tanging maimpluwensiyahan ng tagapagsalita
at mabago nito ang damdamin ng kanyang tagapakinig.

Tatlong sangkap ng Komunikasyon

Inilalahad ang mga payak na element ng:


1. Pananalita – tumutukoy sa nagsasalita o nagbibigay ng mensahe
2. Mensahe – ang sinasabi o nais iparating
3. Tagapakinig – ang tumatanggap ng mensahe

Propesor Mensahe Nakikinig

Nagsasalita Paksa ng Mga estudyante


MODELO NG KOMUNIKASYON NINA SHANNON AT WEAVER
kurso (1949)
ng Filipino

Pinagmulan ng Tagahatid Tsanel Destinasyon


Tagatanggap
Impormasyon

MENSAHE SIGNAL NATANGGAP MENSAHE


NA SIGNAL

Hadlang
(Ingay)

Sina Claude Shannon at Warren Weaver ay mga Mathematician na tumuklas ng


paraan kung paanong higit na mapadali ang komunikasyon sa pamamagitan ng
kanilang “Mathematical Theory of Communication” o ang matematikal-teknikal na
teorya ng komunikasyon. Batay sa kanilang teorya, ang paghahatid ng mensahe ay
nangangailangan ng “electronic signal”. Ang kanilang modelo ay binubuo ng
information source na pinagmulan ng mensahe, ang transmitter o encoder, ang
tsanel, ang tagatanggap ng mensahe at ang destinasyon. Binibigyang halaga din nila
ang panghihimasok ng tinatawag na ingay.

Ang principal na konsern ay sa mga bagay o pangyayari nakagagambala sa


matagumpay na daloy ng komunikasyon (ingay). Ang modelong ito ay tinatawag ding
transmisyon sa komunikasyon. Ang prosesong ito ng komunikasyon nina Shannon at
Weaver ay nagsimula sa modernong pamamaraan ng pakikipag-usap. Ang modelo niya
ang nagsilbing basehan ng iba’t ibang disiplina ng pagsusulat, pakikinig, pagsasalita at
pakikipag-usap sa kapwa sa pamamagitan ng paglipat ng mga “electrical signals”
mula sa isang lokasyon papunta sa iba pang lugar. Ito ang pinakasimpleng paraan ng
komunikasyon. Ang halimbawa nito ay ang pag-uusap ng dalawang tao gamit ang
telepono.

MODELO NG KOMUNIKASYON NI WILBUR LANG SCHRAMM

Modelong Konstektwal-Kultural

KARANASAN KARANASAN

PINANGG TAGATA
ENCODER SIGNAL DECODER
ALINGAN NGGAP

Dito inilahad ang kahalagahan ng karanasan upang lubos na maunawaan ng


naglalahad at tumatanggap ang senyas at reaksyong binibigay. Higit na Malaki ang
nililikhang uganayan ng senyas kung may malaking ugnayan sa karanasan ang
dalawang nag-uusap.
Halimbawa: Kultura at Karanasan sa Komunikasyon
Si Wilbur Schramm ang tinaguring “Father of Communication Study” na nagbigay
ng kahalagahan ng proseso ng encoding at decoding. Parang isang proseso ng two-
way circular communication sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap. Kung ang
kay Shannon-Weaver ay isang teoryang matematikal-teknolohikal, ang kay Schramm
naman ay sinamahan ng human behavior sa proseso ng komunikasyon. Isinama nya
ang feedback at lawak ng karanasan upang tukuyin ang modelo.
Ang modelong ito ay nagbibigay fokus sa mga nakaraang pangyayari sa buhay
ng isang tao. Ang mga pangyayaring iyon ang nagsisilbing referens ng isang tao para
sa kanyang hinaharap. Ayon sa kanya, makatutulong ang mga alaala ng isang tao
upang ganap na maintindihan ang isang mensaheng ipinadadala sa kanya. Nakikita sa
larawan na nagkaroon ng “interpreter” upang lalong maintindihan ang mensahe.
Naniniwala siya na sa isang komunikasyon na nagaganap ay laging may “encoder” o
tagagawa ng mensahe at “decoder” o ang tagatanggap ng awtput o output na mensahe.

Proseso ng Encoding at Decoding


 Isa sa mga modelong unang
Decoder
Mensahe nagpakita ng siklong katangian ng
Interpreter komunikasyon
- pareho ang elementong
taglay ng tagauna at tagasagisag
 Binigyang diin ang
kahalagahan ng reaksyon sa
magkabilang panig.
Encoder
Mensahe
Interpreter

MODELO NI DAVID BERLO

Sources Message Channel Receiver


encodes decodes
Pinagmulan Mensahe Tsanel Tagatanggap

Pangkomunikasyon Kontent Pakikinig Pangkomunikasyon

Saloobin Elemento Paningin Saloobin

Kaalaman Pagtataya Pagpapadama Kaalaman

Sistemang Istruktura Pang-amoy Sistemang


Panlipunan Panlipunan
Kowd Panlasa
Kultura Kultura

 Ang pinagmumulan ng mensahe


 Mensahe – salita, tunog, ekspresyon ng mukha, kumpas, galaw ng katawan

 Pinagdaranan ng senyas – daluyan ng mensahe. Hal. Light waves, telepono,


Nakabatay ang modelo
telegrama, sa apat
radyo, email, nacellphone
text, payak na elemento ng pakikipagtalastasan:
SMCR (Sources – Message – Channel – Receiver). Tumukoy sa kabisahan ng
 Tumatanggap
komunikasyon ng niyang
na tinawag mensahe ‘fidelity’ ng proseso. Tinukoy din ang mga salik na
nakakaapekto sa kalalabasan ng komunikasyon. Ang kasanayan ng encoder
(tagapagsalita) ay may malaking gampanin sa kaganapan ng komunikasyon (iskil sa
komunikasyon, kaalaman, sosyal sistem, kultura, atityud)

Ipinakita rin ni Berlo ang mga mahahalagang elemento ng pakikipagtalastasan


komunikasyon. Ang mga elementong ito ay;
 Ang pinagmumulan ng mensahe (Source)
 Mensahe (Message)
 Pinagdaraanan ng mensahe (Channel)
 Tumatanggap ng mensahe (Receiver)

MODELO NI BRADDOCKS (Ekstensyon ng Modelo ni Laswell at Nag-expand sa


Modelo ni Osgood)

MODELO NI HAROLD LASWELL (1957)


 Tumutukoy sa mga elemento ng transmisyon o paghahatid ng mensahe

Who says In which With what


To whom
what medium effect

Mga tanong:
 Sino ang naghahatid ng mensahe?

 Para kanino ipinahahatid ang mensahe?

 Sa anong paraan inihahatid ang mensahe?

 Ano ang epekto ng paghahahatid sa mensahe?

MODELO NI BRADDOCKS

 Tinutukoy nito ang mga mahahalagang tanong hinggil sa kaganapan ng


komunikasyon.

Anong
Ano ang
Sino midyum ang Kanino
sasabihin
gagamitin

 Sa anong kalagayan o pagkakataon? (Circumstances)


 Ano ang layunin? (Purpose)
 Ano ang naging epekto? (Effect)

MEDITATIONAL THEORY OF MEANING


CHARLES OSGOOD (1976)
Nagpaliwanag hinggil sa kahulugan ng anumang informasyon na maaring tukuyin sa
pamamagitan ng tatlong dimensyon

1. Ebalwasyon (kung ito ay mabuti o masama)


2. Lakas (potensi) (gaano ito kalakas)
3. Gawain (gaano ito kabilis)

ANG MGA MODELO NG KOMUNIKASYON NINA ADLER AT TOWNE (1996)


Ganap na natural ang pagsasalita kung angkop sa mga identidad ng mga
tagapakinig at sa kalikasan ng sitwasyon. Pinakasisipat sa sinasabing teksto ang mga
emosyon at damdamin kung tumutugma sa tunay na sitwasyon sa buhay.
Pinakikinggang mabuti sa isipan ng tagapakinig bawat binibitawang pananalita ng
ispiker at pinakatataya kung paano niya ito sinasabi para maunawaan nang husto at
maging kapani-paniwala ang pagtanggap at pagresponde rito.
Binalangkas nina Adler at Towne (1996) ang mga proseso ng komunikasyon
bilang linear, interaktiv, at transaksyunal sa mga sumusunod:
Ang Modelong Linear

sender mensahe persiver

Sa linear na komunikasyon, sa pagbibigay lamang ng impormasyon ang fokus.


Mag-i-enkowd ang sender ng mga kaisipan o damdamin bilang mensahe sa
pamamagitan ng tsanel o anumang instrument para madekowd ng persiver.
Ang Modelong Interaktiv
Sa interaktiv naman, hindi lamang verbal, ang nonverbal din gaya ng pananamit,
postura, pananahimik, galaw ng katawan, atb. na pawang mga beheybyor na maaaring
intensyunal o di-sinasadyang mga aksyon ang inoobserbahan at iniinterpret ng
dekowder sa enkowder. Nakabase ang mga unawaan dito ng enkowder at dekowder sa
pagbabahaginhan ng mga personal na karanasan at kapaligiran, gayundin, ng fidbak.
tsanel tsanel

sender mensahe persiver


asal

fidbak fidbak

tsanel tsanel

Ang Modelong
persiver Transaksyunal asal sender
fidback
Samantala, sa transaksyunal na komunikasyon, inihahayag na karaniwang
Kapaligiran Ana naghahatid Kapaligiran
kapwa nagkakaalinsabay B
at tumatanggap ng mga mensahe ang mga
komunikador, hindi magkahiwalay na isa lamang ang naghahatid at isa rin lamang ang
tumatanggap, bagkus, nagkakaoverlap sa paghatid at pagtanggap at pagsagot sa
kapwa beheybyor ng nag-uusap. Bukod sa pag-aalinsabay ng interaksyon, mahirap
ihiwalay ang isang di-hayag na akto ng komunikasyon sa mga pangyayaringn naganap
na at sa mga sumusunod pang magaganap.
Isang di-matapus-tapos na bisnis ang mga relasyon sa pakikipagtransaksyon.
Samakatwid, relasyunal ang komunikasyon dito na dumidepende sa kasangkutan at
impluwensiyahan ng nag-uusap, at para ganap itong mapagtagumpayan, dapat silang
mag-interak sapagkat isa itong patuloy na na pag-uugnayang proseso na ang mga
kasangkot na nag-uokupa ng magkaiba ngunit magkasugpong na mga kapaligiran at
nag-uugnay sa kapwa magkakaalinsabay na paghahatid at pagtanggap ng mga
mensahe.

fidbak fidbak

Kominikador
Kominikador (tagahatid/
Tagaresponde Tagaresponde
(tagahatid/tag mensahe tagaunawa)
aunawa) tagadekowd tagadekowd

MGA SANGGUNIAN:
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/diskurso.html?m=1

https://pdfcoffee.com/diskurso-4-pdf-free.html

https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/diskurso-sa-filipino

https://www.youtube.com/watch?fbclid=IwAR0odCFto4LfLF2bgBsAORHIlj4zcuEwRvY4I
lWoRoxmivSpMzULOhrc9Yo&v=cZpT8Ckz70o&feature=youtu.be

https://prezi.com/hk4nva2vowhe/pasalita-at-pasulat-na-diskurso/?fbclid=IwAR0Dkww-
Xl1YcTKDQdQ8pxZeL2O_wozVmyPCOfxii2j5CHvaSv716_2DZsA

https://www.scribd.com/doc/238517048/Diskurso-at-Komunikasyon

https://www.slideshare.net/1777414445/komunikasyo

https://www.scribd.com/document/424132156/Modelo-Ng-Komunikasyon
https://www.studocu.com/ph/document/colegio-de-montalban/bachelor-of-science-in-
business-administration-major-in-human-resource-management/modelo-ng-
komunikasyon-ni-berlo-smcr-with-explanation/23766433
https://www.scribd.com/document/424132156/Modelo-Ng-Komunikasyon
https://www.scribd.com/doc/479678045

You might also like