Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 1
WEEK 6
• INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Isang metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa
paraang interdisiplinado at interaktibo, inaasahang malilinang sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at
kasanayang komunikatibo: sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
• PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Isulat ang kahulugan ng KOMUNIKASYON batay sa sariling pang-unawa.
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
• MGA ARALIN SA PAGKATUTO
KALIKASAN NG KOMUNIKASYON
✓ KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
- Isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa
kanyang kapwa tao.
- Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig sabihin ay maibahagi.
Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.
- “Ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at pagtatanggap ng lahat ng uri ng mensahe na
kinasasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig, at pag-unawa. Walng nagaganap
na komunikasyon kung walang nagsasalita o kung may nagsasalita man subalit walang nakikinig”
LORENZO ET.AL., (1994)
- “Ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na
paraan.”
WEBSTER
- “Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay ang pasalita o pasulat na pagpapahayag o pagpapabatid ng
iniisip o dinarama sa isang paraang mabisa at kalugod-lugod.”
BUENSUCESO (1984)
✓ KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
1. Nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang nadarama
2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa perspektiba
3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo, dingding, tubig o pulo
man ang pagitan.
4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan.
5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang buhay.
6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.
✓ LAWAK NG KOMUNIKASYON
❖ Ito ay tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon o lawak na sakop ng
komunikasyon.
❖ Ilan sa mga uri nito:
(1) Intrapersonal na Komunikasyon
(2) Interpersonal na Komunikasyon
(3) Komunikasyong Panggrupo
(4) Komunikasyong Pampubliko
(5) Komunikasyong Pangmadla
1. Intrapersonal na Komunikasyon
Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi maikakailang ang ganitong lebel ng
komunikasyon ay nagpapatunay na likas sa isang indibidwal ang maging rasyonal. (panaginip,
meditasyon, kontemplasyon)
2. Interpersonal na Komunikasyon
Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga ideya batay sa karanasan, trabaho, at
mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon kina Knapp at Daly (2000) ang mga sangkot dito may malinaw na
relasyon sa isa’t isa. Sa lebel na ito mahalaga ang pakikinig at pagtugon upang makabuo ng relasyon
ayon kina Verderber.
3. Komunikasyong Panggrupo
Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng komunikasyon na kinasasangkutan ng 3
hanggang 20 tao. Kung saan ang proseso ng komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to
face na pamamaraan.
4. Pampublikong Komunikasyon
Lebel ng komunikasyon na pormal (planado ang pagdiriwang) na maituturing. Ito ay kinasasangkutan
ng mahigit 20 tagapakinig. Sa lebel na ito ay inaasahang handa ang tagapagsalita.
5. Komunikasyong Pangmadla
Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o
saang pangkat kabilang ang kanyang mga tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated
communication. At itinuturing bilang pinakapormal at pinakamagastos na lebel ng komunikayson.
✓ URI NG KOMUNIKASYON
I. Berbal na Komunikasyon
▪ Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan
ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita.
II. Di berbal na Komunikasyon
▪ Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan
ng kilos o galaw.
▪ Ito rin ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe,
ng hindi ginagamitan ng salita, titik o tunog.
▪ Isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
✓ PROSESO NG KOMUNIKASYON
▪ Encoding
- ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong
daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.
▪ Decoding
- ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya
tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
✓ ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
1. Kalahok/Partisipante
▪ Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng komunikasyon. Ito ay maaaring
tagapagpadala ng mensahe (sender/source) o tagatanggap ng mensahe (receiver).
2. Mensahe
▪ Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng tagatanggap ng mensahe. Maaari
itong berbal at di- berbal na mensahe.
3. Tsanel/Daluyan
▪ Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe mula sa tagapaghatid ng
mensahe. Maaari itong sensory organs at mediated channels. Ilan sa mga halimbawa ng sensoring
daluyan ay ang pandinig, paningin, at pandama. Samantala, ang pahayagan, pelikula, radio,
telebisyon at Internet ay itunuturing bilang mediated na daluyan.
4. Tagatanggap ng Mensahe
▪ Ito ang nagbibigay kahulugan o mag-dedecode sa mensaheng kanyang natanggap.
5. Ingay o Interference
▪ Ang isang o interference ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing sagabal na proseso ng
komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa tunog. Sa katunayan, sakop nito ang
pisikal/teknikal na sagabal, semantikong sagabal, pisyolohikal na sagabal, at sikolohikal na sagabal.
a. Ang mga inagy sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound
system, hindi mahusay na pag-iilaw at hindi komportableng upuan ay mga halimbawa ng pisikal
na sagabal.
b. Ang mga semantikong sagabal ay matatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Halimbawa nito
ay mga salita o pangungusap na may dalawa o higit pang kahulugan.
c. Ang mga pisyolohikal na sagabal ay iyong matatagpuan sa katawan ng nagpapadala o
tagatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan sa paningin, pandinig o pagsasalita. Ang
pagkakasakit ay isa ring halimbawa ng pisyolohikal na sagabal
d. Ang mga halimbawa naman ng mga sikolohikal na sagabal ay ang mga: pagkakaiba-iba ng mga
kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultur ana maaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.
6. Tugon o Feedback
▪ Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng ipinadala ng sender. Gaya ng
mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal (pasalita/pasulat) at di- berbal (simbolo).
1. Relasyunal
o di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.
2. Panlinggwistika
o pasalita, gamit ang wika. Uri ng FeedbackUri ng Feedback
• GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sasagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay.
Pagnilayan at Unawain
2. Magbigay ng mga pangangailangan o mga dapat isaalang-alang upang ikaw ay maging epektibong
partisipant ng isang prosesong pangkomunikasyon.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
• PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
KALIKASAN NG KOMUNIKASYON
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
1. Nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang nadarama
2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa perspektiba
3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo, dingding, tubig o
pulo man ang pagitan.
4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan.
5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang buhay.
6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.
LEBEL NG KOMUNIKASYON
(1) Intrapersonal na Komunikasyon
(2) Interpersonal na Komunikasyon
(3) Komunikasyong Panggrupo
(4) Komunikasyong Pampubliko
(5) Komunikasyong Pangmadla
URI NG KOMUNIKASYON
a. Berbal na Komunikasyon
b. Di berbal na Komunikasyon
▪ IBA’T IBANG ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
1. Kinesika (Kinesics)
2. Proksemika (Proxemics)
3. Pandama o Paghawak (Haptics)
4. Paralanguage
5. Katahimikan/Hindi Pag-imik
6. Kapaligiran
7. Bagay (objectics)
8. Kulay (Chromatics)
9. Simbulo (Iconics)
ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
1. Kalahok/Partisipante
2. Mensahe
3. Tsanel/Daluyan
4. Tagatanggap ng Mensahe
5. Ingay o Interference
6. Tugon o Feedback
b. Konklusyon at Repleksyon
• PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang batay sa araling tinalakay.
(15 puntos)
SANGGUNIAN:
❖ Arrognte, J., 2007. Retorika (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong City: National Bookstore
❖ Belvez, Paz M. et al. Sining ng Komunisyon, Pangkolehiyo Maynila: Rex Bookstore, 2003.
❖ Bernales, Rolando et al. 2009. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino: Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City.
❖ https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kalikasan-at-anyo-ng-komunikasyon