You are on page 1of 14

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

FILIPINO 1
(WEEK 4 - 5)

• INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Isang metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa
paraang interdisiplinado at interaktibo, inaasahang malilinang sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at
kasanayang komunikatibo: sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.

TUNGKOL SAAN ANG UNIT NA ITO?


Unang Bahagi: Introduksyon ng Wika at Komunikasyon

• Aralin 7: Ortograpiyang Filipino


• Aralin 8: Panghihiram ng Salita

• INAASAHANG BUNGA SA UNIT NA ITO


Sa pagtatapos ng pag-aaral sa Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtatamo ng mga sumusunod:

Nakikilala ang pagkakasunod-sunod at mga pagbabagong naganap sa alpabeto at ortograpiyang


Kognitibo
filipino.
Apektibo Nagmumungkahi ng mga ideya at kaisipang nakapaloob sa paksang tinatalakay.
Psychomotor Nakapagbibigay ng mga halimbawa o salitang may kaugnayan sa Ortograpiyang Filipino.

• PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Isulat ang kahulugan ng ORTOGRAPIYA batay sa sariling pang-unawa.

______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_________________________________________________ .
• MGA ARALIN SA PAGKATUTO
ORTOGRAPIYANG FILIPINO
KASAYSAYAN NG ALPABETONG PILIPINO
Ang mga mananaliksik ay nagkakaisa na ang ating mga ninuno’y may sarili nang kalinangan at
sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila. Bukod pa sa pagkakaroon na ng sistema ng pamamahala at
kalakalan, sila ay maalam nang sumulat at bumasa. Samakatuwid, mayroon na silang sistema ng pagsulat gamit
ang kanilang alpabetong tinatawag nilang “ALIBATA”.

1) Alibata (a-lif-ba-ta/baybayin)
 Ang pinakaunang alpabetong ginamit ng mga Pilipino. Sa iba’t ibang lugar, may kaunting pag kakaiba
ang mga simbolo ng Alibata. Ito ay binubuo ng 17 na titik: 3 patinig at 14 na katinig.

✓ Pagbigkas ng Alibata
o Kapag ang isang katinig ay may tuldok o kudlit sa ibabaw, binibigkas iyon nang may kasamang
tunog na /e/ o/ i. Kapag ang isang katinig ay may tuldok o kudlit sa ilalim, ang kasamang patinig ng
katinig ay /o/ o/ u/.

✓ Paraan ng pagsulat ng Alibata


o Sinusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorizontal mula kaliwa hanggang kanan.
Sinusulat sa mga kahoy, kawayan, malalaking dahon, at bato. Ginagamit ang balaraw o anumang
bagay na matutulis na panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta.

Larawan ng Alibata

2) Alpabetong Romano (abecedario)


 Ipinakilala at tinuro ng mga Kastila na dumating sa Pilipinas. Isa sa mga pinakamahalagang
impluwensya ng mga Kastila. Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng Alpabetong
Romano. Ang mga titik ay tinawag na pa-Kastila, alalaong baga’y nakilala sa tawag na Abecedario.

 Noong panahong iyon, nagging palasak ang mga akda sa wikang Tagalog na nakasulat sa
palabaybayan ng Kastila tulad ng kasunod na halimbawa:
Halimbawa:
Cahinahinayang cung ito i maputi
Cucupas ang bango, culai mauauacsi
At yaong may ibig na mangagcandili
Cusang babayaan sa pagcaruhagi.

- Mula sa “Sa May Manga Anac na Dalaga” ni Modesto Santiago

3) Abakada
 Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng mga diskyunaryo at aklat sa gramatika ng Wikang
Pambansa sa mga paaralan noon 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabetong ito.
Tinawag ito “Abakada” sapagkat ito ang unang 4 na titik sa alpabetong ito. Binubuo ng 20 titik : 15
katinig at 5 patinig na kumakatawan sa makahulugan tunog ng bawat isa.

A B K D E
/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/

G H I L M
/ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/

N NG O P R
/na/ /nga/ /o/ /pa/ /ra/

S T U W Y
/sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/

4) Alpabetong Pilipino – Alpabetong Filipino


 Ang makabagong alpabetong Filipino (o mas kilalá bílang alpabetong Filipino) ay
ang alpabeto ng wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas at isa sa mga opisyal na wika ng
bansa kasáma ang Ingles. Ang modernong alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik kabílang ang 26
titik ng payak ng alpabetong Latino ng ISO, ang “Ññ” ng wikang Kastila at ang “NG” ng wikang
Tagalog.
 Noong taong 2014, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglabas ng bagong patnubay para sa
ortograpiya na sasagot sa mga dáting suliranin ukol sa kung papaano ikakatawan ang mga tunog sa
mga pilîng wika at diyalekto sa Pilipinas.
 Noong Agosto 2007, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagpalabas ng dokumento tungkol sa
palabaybayan ng wikang Filipino, na maaaring bigyan ng komento. Ito ay hango sa paggamit ng mga
titik ng alpabetong Filipino, at ang mga radikal na rebisyon na isinagawa noong taóng 2001.
 Ang mga titik ay kumakatawan sa isang tunog na pasalita. Ito ay binubuo ng mga patínig o bokáblo at
mga katínig o konsonánte. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na titik na may katawagan sa
tulad sa wikang Ingles, maliban sa Ññ /enje/.
TÍTIK KATAWAGÁN TUNÓG SA IPA
INTERNATIONAL PHONETIC ALPHABET

Aa ey /a/
Bb bi /b/
Cc si /k/, /s/
Dd di /d/
Ee i /e/, /i/
Ff ef /f/, /p/
Gg dyi /g/
Hh eyts /h/
Ii ay /i/, /e/
Jj dyey /dʒ/, /h/
Kk key /k/
Ll el /l/
Mm em /m/
Nn en /n/
Ññ enye /ɲ/
NGng endyi /ŋ/
Oo o /o/, /u/
Pp pi /p/
Qq kyu /k/
Rr ar /ɾ/
Ss es /s/
Tt ti /t/
Uu yu /u/, /o/
Vv vi /v/, /b/
Ww dobolyu /w/
Xx eks /ks/
Yy way /j/
Zz zi /z/, /s/

MGA TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY


✓ Pagbigkas na Pagbaybay
o Ang pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig.Ang ispeling o pagbaybay
ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita,
Halimbawa:

SALITA
boto = /bi-o-ti-o/
plano =/pi-el-ey-en-o/
Fajardo =/Kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/
PANTIG
a = /ey/
la = /el-ey/
bra= /bi-ar-ey /
kon=/ key-o-en/
DAGLAT
Bb. (Binibini) = /Kapital bi-bi/
Gng. (Ginang) = /Kapital ji-en-ji/
Kgg. (Kagalang-galang) = /Kapital key-dzi-dzi/
INISYAL NG TAO
MAR (Manuel A. Roxas) = /em- ey-ar/
LKS (Lope K. Santos) = /el-key- es/
CPG (Carlos P. Garcia) = /si-pi-dzi/
AKRONIM
GAT (Galian sa Arte at Tula) = / ji-ey-ti/
PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) = /pi-el-em/
KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas) = /key-bi-pi/
INISYAL NG SAMAHAN
KWF (Komisyon ng Wikang Filipino) = /key-dobolyu-ef/
SWP (Surian ng Wikang Pambansa) = /es-dobolyu-pi/
PSLF (Pambansang Samahan ng Linggwistikang Filipino) = /pi-es-el-ef/
SIMBOLONG PANG- AGHAM/PANGMATEMATIKA
Fe (iron) = /ef-i/
Ca (calcium) = /si-ey/
Cu (copper) = /si-yu/

✓ Pasulat na Pagbaybay
o Mananatili sa pagsulat at pagbasa ng mga karaniwang salita ang isa-sa-isang tumbasan ng letra at
makabuluhang tunog na ang ibig sabihin, isa lamang ang tunog sa pagbigkas ng bawat letra kapag
naging bahagi ng karaniwang salita.

a. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na naasimila na sa


sistema ng pagbaybay sa Wikang Pambansa ay susunod na rin ang kung ano ang bigkas ay
siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
bapor (vapor) sigarilyo (cigarillo)
kotse (coche) kalye (calle)
bangko (banco) sentro (centro)
kahon (cajon) senyas (senas)
b. Ang dagdag na walong (8) letra: C,F,J,N,Q,V,X,Z ay ginagamit sa mga:

1. Pantanging ngalan
Halimbawa:
TAO GUSALI
Carmelita Ablaza Bldg.
Exequil Certeza Bldg.
Joel State Condominium
Vinzon Twin Towers
Ferrer Grand Villa Hotel

LUGAR SASAKYAN
Canada Victory Liner
Quirino Qantas Airlines
Texas Thai Airlines
Nueva Vizcaya JAM Liner

2. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas


Halimbawa:
Hadji (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca)
Ifun (pinakamaliit na banak)
Canao (panseremonyang sayaw ng mga Igorot)
Masjid (moske, pook dalanginan)
Azan (unang panawagan sa pagdarasal)

✓ Panumbas sa mga Hiram na Salita


o Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na elaborasyon ng Filipino, Nililimitahan nito
ang panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong dagdag na
letra(C,F,J,N,Q,V,X,Z) doon lamang sa mga sumusunod ;
▪ Pantanging ngalan
▪ Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
▪ Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa pagbigkas na kapag binaybay
ang orihinal na ispeling nito.
▪ Salitang pang-agham at teknikal
▪ Simbolong pang-agham

o Kung kaya’t napapanahon lamang ang pagrebisa sa mga tuntunin sa ispeling. May mahalagang
kraytirya para matamo ang episyenteng sistema ng ispeling:
1. Kasimplehan at ekonomiya na kaugnay ng isa-isang tumbasan ng tunog at letra, at
2. Fleksibilidad ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng mga wika

o Sa paghanap ng panumbas sa mga salita buhat sa wikang Ingles, maaaring sundin ang mga
sumusunod na paraan:
a. Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng
kasalukuyang Filipino.
Halimbawa:
HIRAM NA SALITA FILIPINO
rule tuntunin
ability kakayahan
east silangan
skill kasanayan

b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:
HIRAM NA SALITA FILIPINO KATUTUBONG WIKA
Power kapangyarihan Gahum (cebuano)
Husband asawa bana (hiligaynon)
Dimple biloy chidwai (ivatan)
Resurrection muling pagkabuhay banhaw (visaya)

c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles, at iba pang wikang
banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
INGLES KASTILA FILIPINO
check cheque tseke
liter litro litro
liquid liquid likido
education educacion edukasyon

d. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi nauunawaan ng
nakakarami, hinihiram nang tuwiran ang katawagang Ingles at binabaybay ito ayon sa sumusunod
na paraan:
1. Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa:
SALITANG BANYAGA FILIPINO
reporter reporter
soprano soprano
memorandum memorandum.
editor editor

2. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent, ayon sa
simulain kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
SALITANG HIRAM FILIPINO
control kontrol
meeting miting
teacher titser
nurse nars
score iskor

❖ Gayunpaman,may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit


kailangan ang konsistensi sa paggamit.
Halimbawa:
kongregasyon konggregasyon
kongresista konggresista
bingo binggo

3. May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang salita na lubhang di-konsistent ang ispeling
o lubhang malayo ang ispeling sa bigkas na:
a.) Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang ispeling sapagkat kapag
binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mababakas ang orihinal na ispeling nito.
Halimbawa:
Coach Pizza Pie
Sausage Doughnut
Champagne Brochure

❖ Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayunpaman, sa pagpili ng salitang gagamitin


isaalang-alang din ang mga sumusunod:
1. Kaangkupan ng salita
2. Katiyakan sa kahulugan ng salita
3. Prestihiyo ng salita

✓ Ang Gamit ng Gitling


o Maikling guhit na inilalagay sa pagitan ng dalawang pantig na pinaghahati, sa pagitan ng tambalang
salita, o sa dalawang salitáng pinagkakabit

gitlíng
hyphen

gitlingán, mággitlíng
hyphenate
o Ginagamit ang gitlíng (-):
1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
araw-araw balu-baluktot
dala-dalawa anu-ano
isa-isa sinu-sino
pulang-pula sari-sarili

2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na
kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa:
mag-alis nag-isa nag-ulat
pang-ulan tag-araw pag-inom
mag-asawa pag-aaruga pag-asa

3. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.


Halimbawa:
Pamatay ng insekto pamatay-insekto
Humigit at kumulang humigit-kumulang
Lakad at takbo lakad-takbo
Bahay na aliwan bahay-aliwan
Dalagang tagabukid dalagang-bukid

4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,
sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Halimbawa:

maka-Diyos mag-Ajax maka-Rizal


maka-Johnson maka-Pilipino mag-Sprite
taga-Cebu taga-Luzon taga-Antique

❖ Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sapagitan
ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Ford magpo-Ford
mag-Sprite mag-i-Sprite
mag-Zonrox magso-Zonrox
mag-Corona magko-Corona
5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
Halimbawa:
Ika-3 n.h. ika-25 pahina ika-8 na buwan
Ika-10 ng umaga ika-3 rebisyon ika-25 na anibersaryo

6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraksyon.


Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5 2/5)
tatlong-kanim (3/6)

7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.


Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Judy Ann Santos-Agoncillo
Conchita Ramos-Cruz

8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya


Halimbawa:
Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pagbigkas ng mga salita, parirala at
pangungusap.
• GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sasagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay.
Pagnilayan at Unawain

Gawain. IBAHAGI ANG KAALAMAN.


I. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod:
(15 puntos)

1. Ilahad ang pagkakasunod-sunod ng mga alpabetong ginamit dito sa Pilipinas.


a) Alibata (Baybayin)
______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

b) Abecedario (Alpabetong Romano)


______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

c) ABAKADA
______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

d) Alpabetong Pilipino-Alpabetong Filipino


______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Batay sa iyong natutunan, nagkaroon ba ng magandang dulot ang pananakop ng ibang


lahi sa bansang Pilipinas? Pangatwiranan ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. Sa kabuuan, tungkol saan ang pag-aaral ng Ortograpiyang Filipino?


___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
• PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
ORTOGRAPIYANG FILIPINO

KASAYSAYAN NG ALPABETONG PILIPINO


Ang mga mananaliksik ay nagkakaisa na ang ating mga ninuno’y may sarili nang
kalinangan at sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila. Bukod pa sa pagkakaroon na ng
sistema ng pamamahala at kalakalan, sila ay maalam nang sumulat at bumasa. Samakatuwid,
mayroon na silang sistema ng pagsulat gamit ang kanilang alpabetong tinatawag nilang
“ALIBATA”.

1. Alibata (a-lif-ba-ta/baybayin)
2. Alpabetong Romano (abecedario)
3. Abakada
4. Alpabetong Pilipino – Alpabetong Filipino

MGA TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY


Pagbigkas na Pagbaybay
Pasulat na Pagbaybay
Panumbas sa mga Hiram na Salita
Ang Gamit ng Gitling
1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa
patinig na kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
3. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan, sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraksyon.
7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.
8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya
b. Konklusyon at Repleksyon

ISIP, DAMDAMIN at ASAL


Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod:
(15 puntos)

Ano ang Ano ang iyong Ano ang aral na


natutunan? naramdaman? napulot?

• PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Baybayin ang mga sumusunod na salita sa wikang Filipino ayon sa
tinalakay na tuntunin. (10 puntos)

1. Contest ________________________________________________
2. Exhibit ________________________________________________
3. Cancer ________________________________________________
4. Tricycle ________________________________________________
5. Quiapo ________________________________________________
6. Police ________________________________________________
7. Phoneme ________________________________________________
8. Zinc ________________________________________________
9. Professor ________________________________________________
10. Chemical ________________________________________________
II. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang panaklong ng salitang may wastong gamit o di-
paggamit ng gitling. (15 puntos)

1. ( ) ala-ala ( ) alaala ( ) ala ala


2. ( ) iba-iba ( ) ibaiba ( ) iba iba
3. ( ) kapus-palad ( ) kapuspalad ( ) kapus palad
4. ( ) ika-lima ( ) ikalima ( ) ika lima
5. ( ) pam-bansa ( ) pambansa ( ) pam bansa
6. ( ) iba’t-iba ( ) iba’tiba ( ) iba’t iba
7. ( ) tag-ulan ( ) tagulan ( ) tag ulan
8. ( ) taga-lungsod ( ) tagalungsod ( ) taga lungsod
9. ( ) nag-jogging ( ) nagjogging ( ) nag jogging
10. ( ) maka-Rizal ( ) makaRizal ( ) maka Rizal
11. ( ) magko-Coke ( ) magko Coke ( ) magco-Coke
12. ( ) paraan-paraan ( ) para paraan ( ) para-paraan
13. ( ) akyat-baba ( ) aakyatbaba ( ) akyat baba
14. ( ) ika-apat ( ) ika-4 ( ) ika 4
15. ( ) sang-katlo ( ) sangkatlo ( ) sang katlo

• TAKDANG ARALIN / MGA BABASAHIN:


Magsaliksik at Pag-aralan ang tungkol sa Kalikasan ng Komunikasyon.

SANGGUNIAN:

❖ Arrognte, J., 2007. Retorika (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong City: National Bookstore

❖ Belvez, Paz M. et al. Sining ng Komunisyon, Pangkolehiyo Maynila: Rex Bookstore, 2003.

❖ Bernales, Rolando et al. 2009. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino: Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City.

❖ https://www.slideshare.net/shekainalea/ortograpiyang-filipino-65463925

You might also like