Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 1
(WEEK 11)
• INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Isang metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa
paraang interdisiplinado at interaktibo, inaasahang malilinang sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at
kasanayang komunikatibo: sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
• Kasanayan sa Pagsulat
• Kasanayan sa Panonood
• PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Ibigay ang sariling kaalaman tungkol sa mga kahalagahan ng pagsusulat at panonood sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal.
✓ KAHULUGAN NG PAGSULAT
▪ Sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor (opinyon man o mga
kaalaman) sa mga mambabaa sa tulong ng mga titik o simbolo at kalakip nito ang pagiging epektibo niya sa
paghatid ng mensahe.
▪ Ito ay pagsasatitik sa papel o sa anumang bagay na maaring gamitin na pagsasalitan ng mga ideya, sagisag at
paglalarawan ng isang indibidwal o grupo sa pagnanais na maisiwalat ang kaniya o kanilang naiisip o nadarama.
(Garcia 2008)
▪ Ayon ka Arapoff, ang pagsulat ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay na pagpili
at pag-oorganisa ng karanasan
▪ Si Smith ay naniniwalang ang pagsulat ay isang tao-sa-taong komunikasyon. Kung kaya’t kinakailangang pinipili ang
mga salita at isinasaayos ang istruktura upang maging malinaw ang mensahe
Paggawa ng Burador
▪ Ang mga gawaing brainstorming ay nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa mga manunulat na masabi ang
nasa kanyang iskema
▪ Ang pagfofokus naman tulad ng mabilis na pagsulat ay nauugnay sa pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkol
sa isang paksa
▪ Ang paggawa ng burador ay transisyon ng kaisipan mula sa manunulat patungo sa tekstong para sa mambabasa.
Sa bahaging ito, maraming burador ang maaaring mabuo batay na rin sa gfidbak mula sa mga guro at/o kasama
▪ Sa pagtataya o evalwasyon, makatutulong ang paggamit ng tseklist upang makakuha ng fidbak at mga puna na
makatutulong upang maisaayos muli ang binuong burador
▪ Ang muling pagtingin sa teksto ay ginagawa upang matiyak kung tama ang ginawa. Layunin nitong makalikha ng
makabuluhan at mabisang pagsulat na makadedevelop sa kasanayan ng manunulat
✓ LAYUNIN SA PAGSULAT
▪ Ekspresiv
- pangunahing layunin nito ang maipahayag ang nararamdaman at nasasaloob
- may malayang pamamaraan, hindi gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus
minamahalaga ang mailabas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao
- kinapapalooban ng sariling karanasan at mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligid
Hal. jornal, talaarawan, personal na liham at mga reaksyon
▪ Transaksyunal
- sa layuning ito ng pagsulat, nagbibigay ng interpretasyon, nangangatwiran, naghahatid ng impormasyon,
nagsusuri, nanghihikayat o dili kaya’y nakikipagpalitan ng mga ideya sa iba ang manunulat
- Gumagamit ito ng mas formal at kontroladong paraan sapagkat may format o istilo na dapat isaalang-alang
Hal. artikulo, sulating-pananaliksik, editorial, ulat, revyu, sanaysay, dokumentaryo, memorandum
✓ KAHULUGAN NG PANONOOD
- Sinasabing “Ang ating mga mata ay bintana ng ating kaluluwa.” Mula sa nasasagap ng ating paningin, mga nakikita,
tinitignan at napagmamasdan; sinasalamin ng ating mga mata ang bukal nating pagkatao at kamalayan.
- Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang uri ng visual media upang
magkaroon ng pang unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.
- Pinakamabilis at mabisang paraan ng pagkatuto (Massey, 2002)
- Natutukoy kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa iba’t ibang okasyon, lokasyon at pagakataon (Biagi, 1999)
✓ URI NG PANONOOD
• Deskriminatibo
- Ito ay ang paggamit ng mga opinyon para sa pagsusuri ng isang palabas
• Kaswal o Panlibang
- Isang impormal na pamamaraan ng panonood at ito ay hindi nagbibigay pokus sa detalye.
• Komprehensibo
- Ito ay isang uri ng panonood kung saan nagpapahalaga lamang sa pinaka-mensahe ng palabas at hindi na sa
ibang detalye.
• Kritikal
- Ito naman ay gumagamit ng pagbubuo ng kinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng isang ganap na pag-
aanalisa o pagsusuri tungkol sa paksa ng pinanood
1. Bakit mahalaga ang paglilimita ng paksa at pagtiyak ng layunin sa pagsulat? Palawakin ang iyong
kasagutan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________ .
2. Anu-anong mga natatanging kakayahan na dapat taglayin ng isang mambabasa upang magkaroon ng
malalim na pag-unawa sa anumang binasa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________ .
3. Ilahad ang pansariling dahilan kung bakit tayo ay nagsusulat. (10 puntos)
(Sagutin ang tanong sa tulong ng mga salitang makikita sa ibaba.)
4. Paano nakatutulong ang panonood upang malinang ang kaalaman ng bawat mag-aaral? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________ .
5. Magtala ng limang mga pamamaraan upang maiwasan ang mga hadlang sa panonood,
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
• PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
KASANAYAN SA PAGSULAT
➢ KAHULUGAN NG PAGSULAT
Sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor (opinyon man o
mga kaalaman) sa mga mambabaa sa tulong ng mga titik o simbolo at kalakip nito ang pagiging epektibo niya
sa paghatid ng mensahe.
➢ PROSESO NG PAGSULAT
1. Ang Paghahanda ng Sulatin
a. Paglalagay ng sarili sa isang malinaw na direksyon ng pagsulat ayon sa sumusunod na kaparaanan:
b. Pangangalap ng materyal at pagsasaayos ng mga kaisipan
2. Ang pagsulat ng Burador
3. Pagsasaayos ng mga detalye
KASANAYAN SA PANONOOD
➢ KAHULUGAN NG PANONOOD
Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang uri ng visual
media upang magkaroon ng pang unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.
• PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Turan ang tinutukoy ng bawat pahayag.
SANGGUNIAN:
❖ Arrognte, J., 2007. Retorika (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong City: National Bookstore
❖ Belvez, Paz M. et al. Sining ng Komunisyon, Pangkolehiyo Maynila: Rex Bookstore, 2003.
❖ Bernales, Rolando et al. 2009. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino: Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City.
❖ https://www.slideshare.net/iloveyouhtac/pagsasalita