You are on page 1of 38

Aralin 1:

Ang Kahalagahan
ng Pagsusulat at
ang Akademikong
Pagsulat
Ang Pagsusulat
Ayon kay Cecilia Austera et. Al
(2009)
- Isang kasanayang
naglulundo ng
kaisipan at
damdaming nais
ipahayag ng tao gamit
ang pinakaepektibong
midyum ng paghahatid
ng mensahe, ang
wika.
Ang Pagsusulat
Ayon kay Edwin Mabilin et. Al (2012)
- isang pambihirang gawaing pisikal at
mental
Ayon kay Rogers (2005)
- masistemang paggamit ng
mga grapikong marka na
kumakatawan sa espisipikong
lingguwistikong pahayag
Ang Pagsusulat
Ayon kina Xing at Jin:
- isang komprehensibong kakayahan na naglalaman
ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang mga elemento
Ayon kay Mabilin (2012)
- isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan
ng mga bumasa at babasa
Ang Pagsusulat
Ayon kay Badayos
Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong
mailap para sa nakararami sa atin maging itoý pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man.
Ayon kay Keller
-Isang biyaya, isang pangangailangan
at isang kaligayahan ng nagsasagawa
nito
Ang Pagsusulat
Ayon kay Donald Murray
- Isang eksplorasyon-pagtuklas ng kahulugan, pagtuklas sa
porma at ang manunulat ay gumagawa ng pabalik-balik.

Paglalarawan nina Peck at Buckingham


- Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika
at karanasang natamo ng isang tao
mula sa kaniyang pakikinig, pagsasalita
at pagbabasa.
Ang Pagsusulat
Ayon kay Autor

- Maihahalintulad sa isang pintor


ang isang manunulat.
- Hindi biro ang gawaing pagsulat.
Tulad ng isang eskultor, ang
pagsulat ay paglikha at pagbuo.
KATUTURAN NG PAGSULAT

• Ang pagsulat ay isang


pangangailangan.
 Ang pagsulat ay masistema.
 Ang pagsulat ay nakadepende sa
wika.
• Arbitraryo ang mga sistema ng
pagsulat.
KAHULUGAN NG PAGSULAT

 Ang pagsulat ay paraan upang makipag-interak ang


tao at sumagot sa iba’t ibang diskursong
pangkomunidad.
 Ang pagsulat ay isang anyo o kasanayan ng
komunikasyon.
• Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang
komunikasyong iterpersonal na gumagamit ng
simbolo.
Mga Salita sa kapareWHO ko

Pumili ng isang
kapareWHO at isulat
sa maikling papel ang
nais mong sabihin sa
kanya?
01 LAYUNIN
AT
02 KAHALAGAHAN
NG
03 PAGSULAT
Layunin ng Pagsulat
Ayon kay Royo (2001)
 Humuhubog sa damdamin at isipan ng
tao
 Nakikilala ng tao ang kanyang sarili
 Layunin ng pagsulat na maipabatid sa
tao ang paniniwala, kaalaman at
karanasan
Layunin ng Pagsulat
Ayon kay Mabilin (2012)
Personal o Ekspresibo – layunin ng pagsulat na nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat
Halimbawa: sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba pa

Panlipunan o sosyal – layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa ibang tao o


sa lipunang ginagalawan
- Transaksiyonal ang ibang katawagan dito
Halimbawa: liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal
Pangkalahatang Kahalagahan ng Pagsulat

1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa


01 ng mga kaisipan at maisulat sa pamamagitan
ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng
mga datos na kinakailangan.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa
mapanuring pagbasa
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan
03 sa matalinong paggamit ng aklatan
5. Magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan.
Pangkalahatang Kahalagahan ng Pagsulat

6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa


01paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng
kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap
ng mAga impormasyon.
8. Nakapagadragdag sa talion dahil sa
ginawang analisis at sintesis sa mga nakuhang
impormasyon.
039. Nakapagdaragdag sa personal esteem ng
mga mag-aaral.
10. Upang makasunod sa hinihingi /
rekwayrment ng pag-aaral
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

1. Wika—behikulo sa pagsasatitik ng mga kaisipan at kaalaman


01 – tema na magsisilbing pag-iikutan ng mga ideya
2. Paksa
3. Layunin – giya o gabay sa paghabi ng mga nilalaman
4. Pamamaraan ng Pagsulat (impormatibo, ekspresibo, naratibo,
deskriptibo o argumentatibo
5. Kasanayang Pampag-iisip – kakayahang mag-analisa o magsuri ng
mga datos na mahalaga o hindi
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat – sapat na
03 sa wika at retorika
kaalaman
7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin – kakayahang mailatag ang
mga kaisipan sa maayos, organisado, obhetibo at masining na paraan
MGA ELEMENTO NG PAGSULAT

1. Paksa
2. Layunin
3. Pagsasawika ng Ideya
4. Mambabasa
MGA URI NG PAGSULAT
1. Malikhaing Pagsulat (Creative)
-Pangunahing layunin na maghatid ng aliw,
01
pumukaw ng damdamin at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mambabasa.
-maikling kwento, dula, tula, pelikula,
02 musika
teleserye,
2. Teknikal na Pagsulat
(Technical)
03\
-Layunin nitong pag-aralan ang isang
proyekto o bumuo ng isang pag-aaral na
kailangan para sa paglutas ng problema.
04
-Feasibility Study
MGA URI NG PAGSULAT

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional)


01 may kinalaman sa tiyak na larangan o propesyon
-Sulating
-lesson plan, medical report
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic)
-sulating02may kinalaman sa pamamahayag (balita, editorial,
isports)
03\
4. Reperensiyal na Pagsulat (Referential)
—Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang
04 kaalaman o impormasyon (bibliograpi, index)
MGA URI NG PAGSULAT

6. AKADEMIKONG PAGSULAT (ACADEMIC


WRITING)
01

· isang intelektuwal na pagsulat


· Nakatutulong
02 sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t
ibang larangan
· Ayon kay Alejo et. Al, may sinusunod na kumbensiyon sa sulating ito
· Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik
03\Mabilin, lahat ng uri ng pagsulat ay produkto ng akademikong
· Ayon kay
pagsulat
· Pinapataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang
larangan04bunga ng masusing pag-aaral sa pagsisiyasat at pananaliksik
AKADEMIKONG SULATIN
• Isang uri ng pagsulat na naglalaman ng mahahalagang impormasyon, taglay nito ang
mataas na gamit ng pag-iisip upang maipahayag ang ideya bilang batayanng
karunungan.
• Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses:
academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng
pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral, kaiba sa praktikal o
teknikal na gawain.
• Sa akademiya, nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang
kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig,
pagsasalita, panonood at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa
larangan. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon ang mga
isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya at
balanseng pagsusuri.
KAHULUGAN NG AKADEMIKONG
PAGSULAT

• Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang


karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami
pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
• Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng higit na matatas
na antas ng mga kasanayan. Kailangang malinang at mapaunlad ang
kritikal na pag- iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis at pagtataya.
• Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Ang layunin nito
ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
KAHULUGAN NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
• Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng
mga mag-aaral kaya ito tinawag na intelektuwal na pagsulat. Ilan sa
mga halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab report at iba pa.
• Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan na mas mahigpit
na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na
may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap, talata at seksyon upang maging malinaw ang
pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag.
Akademikong Pagsulat o Intelektuwal na Pagsulat
• Ay isang uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng
pag-iisip. May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o
datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip nang lohikal,
magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at
gumawa ng sintesis. Ilan sa mga halimbawa nito ang abstrak,
bionote, panukalang proyekto, talumpati, sintesis at
replektibong sanaysay o travel essay. Madalas na ito ay
nakalaan sa mga paksa at tanong na pinag-uusapan sa
akademikong komunidad at naglalahad ng mga importanteng
argumento.
MAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG
PAGSULAT AYON KAY KAREN GOCSIK (2004)
• Ginagawa ng mga iskolar at para sa mga
iskolar.
• Nakalaan sa mga paksa at mga tanong
na pinag-uusapan o interesante sa
akademikong komunidad
• Nararapat na maglahad ng importanteng
argumento.
AKADEMIKONG PAGSULAT

•Pormal na paraan ng pagpapahayag ng mga


kaisipan, maipakita ang resulta ng pag-aaral o
pananaliksik na isinagawa. Ayon kina Alejo et al.
(2005) taglay ng sulating ito ang katangiang
pormal, obhetibo, maliwanag o malinaw, may
paninindigan at may pananagutan.
AKADEMIKONG PAGSULAT

•Ang akademikong pagsulat ay


intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa
antas ng kaalaman ng mga mambabasa.
Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at
propesyon. Ito ay isang pangangailangan.
AKADEMIKONG PAGSULAT

•Ang akademikong pagsulat ay


intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa
antas ng kaalaman ng mga mambabasa.
Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at
propesyon. Ito ay isang pangangailangan.
MGA AKADEMIKONG SULATIN
1. ABSTRAK
2. SINTESIS/BUOD
3. BIONOTE
4. PICTORIAL ESSAY o LARAWANG SANAYSAY
5. LAKBAY SANAYSAY
6. REPLEKTIBONG SANAYSAY
7. POSISYONG PAPEL
8. PANUKALANG PROYEKTO
9. TALUMPATI
10. KATITIKAN NG PULONG
11. AGENDA/MEMORANDUM
KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN

1. Pormal ang tono at wika


2. Tradisyonal na sumusunod sa mga kumbensiyon
3. Organisado
4. Lohikal
5. Hindi maligoy ang paksa
6. Gumagamit ng karaniwang salita
7. Hitik sa impormasyon
KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN
1. Obhetibo – kinakailangang tiyak ang mga datos na ilalahad
2. Pormal – iwasan ang paggamit ng mga kolokyal o balbal na
salita
3. Maliwanag at Organisado – Maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay ng mga pangungusap
4. May Paninindigan – mabigyang paninindigan ang paksa, hindi
magandang pabago-bago ang paksa
5. May pananagutan – bigyang pagkilala ang mga sangguniang
ginamit
GAMIT O HULWARAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT

• Depinisyon – Pagbibigay-katuturan sa konsepto o termino.


• Enumerasyon- Pag-uuri o pagpapangkat ng mga
halimbawang nabibilang sa uri o klasipikasyon.
• Order- Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.
• Paghahambing o Pagtatambis – Pagtatanghal ng
pagkakatulad (paghambing) o pagkakaiba (pagtambis) ng mga
tao lugar, pangyayari, konsepto, at iba pa.
GAMIT O HULWARAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT

• Sanhi at Bunga - Paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari


o bagay at ang kaugnay na epekto nito.
• Problema at Solusyon – Paglalahad ng mga suliranin at
pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito.
• Kalakasan at Kahinaan – Paglalahad ng positibo at
negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon, o
pangyayari.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT

• Isulat ang paksa ba malapit sa kawilihan o interes.


• Isulat ang mga paksang may taglay kang kaalaman o nais
pang malaman
• Isaalang-alang ang maraming Teknik sa pangangalap ng
mga ideya
• Tiyakin ang target na awdyens
• Tiyakin ang layunin ng pagsulat
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT

• Isantabi muna ang mga detalye sa unang draf.


• Paulit-ulit na basahin ang iyong isinusulat.
• Ipabasa ang isinulat sa iba at humingi ng mga puna o
mungkahi.
• Huwag matakot, magdagdag, magbawas, o maglipat ng mga
ideya sa iba;t ibang bahagi ng sulatin.
• Kung maayos na ang lahat, iwasto ang balarila, bokabularyo,
ispeling, at bantas
Mga Sanggunian

• Alcaraz, C., Jocson, M., Villafuerte, P., (2005). Filipino 1 –


Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cubao, Quezon City:
Adriana Printing Co., Inc.
• Evasco, Eugine and Will Ortiz. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at
Malikhaing Pagsulat. Quezon: C&E Publishing, Inc., 2008.
• Retrieved: http://henzcabrejas.blogspot.com/ on January 5, 2021
• Retrieved:
https://www.slideshare.net/alser3/kasaysayan-ng-sanaysay on Janua
ry 5
, 2021

You might also like