You are on page 1of 4

Applied FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Subject Handout 1

Batayang Kaalaman sa Pagsulat


 Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa ispesipikong lingguwistikong pahayag (Rogers,
2005).
 Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga pahayag (Daniels & Bright, 1996).
 Ito ay masistemang proseso.
 Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang pagsulat.
 Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat.
 Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord o pagpreserba ng wika.
 Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat (Fischer, 2001).
 Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
 Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987).
Layunin ng Pagsulat
Ayon kay Royo (2001):
1. Mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at karanasan ng taong sumusulat .
2. Maipahayag ang kanyang damdaminm mithiin, pangarap at mga pagdaramdam.
Layunin ng Pagsulat
Ayon kay Mabilin (2012):
1. Personal o ekspresibo- kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
2. Panlipunan o sosyal –layuning makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.
Kahalagahan ng Pagsulat
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang
isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon
4. Mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang
datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ang mga ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng
kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
1. Wika – Ito ay nagsisilviong behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais
ilahad ng manunulat.
2. Paksa – Ito ay isang tiyak na tema o paksa ng isusulat.
3. Layunin – Ito ang magsisilbing giya sa paghabi ng datos o nilalaman ng isusulat.
4. Pamamaraan ng Pagsulat – Ito ay ang mga pamamaraan upang mailahad ng manunulat ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay
na rin sa layunin. Hal. Pamamaraang Impormatibo, Ekspresibo, Naratibo, deskriptibo at argumentatibo
5. Kasanayang Pampag-isip – Sa pagsulat dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga
o hindi mahalaga.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat - Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika
at retorika partikular sa malaki/maliit na titik, wastong pagbababaybay, paggamit ng bantas at iba pa.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin. - Kakakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa uisang maayos, organasido,
obhetibo at masining na pamamaraan mula sa panimula hanggang wakas nito.
MGA URI NG PAGSULAT
1. Malikhaing Pagsulat – Pangunahing layunin nito ay ang magbigay ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at
isipan ng mambabasa. Hal. Maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika at iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat – Ginagawa ang pagsulat na ito sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng pag-aaral na
kailangan para sa kalutasan ng isang suliranin. Hal. Feasibility study
3. Propesyunal na Pagsulat – Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutunan sa akademya o
paaralan. Hal. Paggawa ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit para sa mga guro.
4. Dyornalistik na Pagsulat – May kaugnayan sa pamamahayag.Hal. Balitam editoryal, isports at iba pa.
5. Reperensyal na Pagsulat - layunin nitong bigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong
papel, tesis at disertasyon.
6. . Akademikonong Pagsulat – Ito ay isang intelektwal na pagsulat.
Mga Hulwaran sa Akademikong Pagsulat
1. Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa, ang pormal na depinisyon ng salitang “kalayaan,” mga salitang
kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito
2. Enumerasyon – itinatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay. Ginagamit ang mga signal na bilang
panimula, una, ikalawa, susunod, pagkatapos, bilang pagwawakas, gayundin, sa katunayan, halimbawa, at iba pa.
3. Pagsusunod-sunod ayon sa Panahon – pagsasaayos ng mga pangyayari o proseso batay sa wastong sequence. Halimbawa, kronolohiya
ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896 hanggang 1898, o ang proseso ng pagluluto ng adobo.
4. Paghahambing at Pagtatambis – paglalahad ng pakakatulad at pagkakaiba ng mga tao (PNoy, PDigong), lugar (Gabu at La Paz),
pangyayari (Pasko, Bagong Taon), konsepto (pagmamahal, pagseselos), at iba pa.
5. .Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito. Halimbawa, dahil sa kawalan ng
disiplina sa pagtatapon ng basura ay lagging bumabaha sa kalakhang Maynila.
6. Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito. Halimbawa, edukasyon ang sagot
sa kahirapan.
7. Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari. Halimbawa,
mga kalakasan at kahinaan ng mga programang K-12 sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Pahina 1 ng 4
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Handout 2

AKADEMIKONG PAGSULAT
Sa globalisadong mundo, nakaaangat ang mga indibidwal na may kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na
pagsulat.
 Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip.
 Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip.
 May kakayahan din siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip nang lohikal,
magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.
 Isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
 Ito ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.

Katangian ng Akademikong pagsulat


1. Pormal – Pormal ang mga salitang ginagamit at hindi balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang mga balbal na
pananalita ay bahagi ng pag-aaral. Ang tono o himig ay dapat pormal din.
2. Obhetibo - Binibigyang diin ditto ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na susuporta sa
paksa. Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa mga pananaliksik o pag-aaral at hindi batay sa haka haka
lamang o opinyon.
3. May Paninindigan – Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay
pag-aaral o mahalagang impormasyong idinudulog at dinidepensahan, ipinapaliwanag at binibigyang katwiran ang
mahalagang layuni, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.
4. May Pananagutan – Ang mga giamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan
ng nararapat na pagkilala.
5. Maliwanag at Organisado - Ang mga talata ay kailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito . Ang pagpapahayag ay direktibo at sistematiko.

Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat


1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng ibat ibang uri ng teksto na magagamit sa mga Gawain ng
akademikong pagsulat.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananay ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mga
mag-aaral bilang mambabasa.
4. Nakapagsususuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng ibat ibang anyo ng akademikong sulatin
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon
ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
7. Napapahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamamgitan ng paggawa ng portfolio.

Halimbawa ng akademikong teksto:


Abstrak Talumpati Bionote Sintesis o Buod
Panukalang Proyekto Repleksibong Sanaysay Posisyong Papel Katitikan ng Pulong
Photo Essay Lakbay-Sanaysay Agenda

Pagkakaiba ng Akademiko at Personal na Pagsulat

Personal na Pagsulat Akademikong Pagsulat


 impormal ang wika  pormal ang wika
 magaan ang tono at  seryoso ang tono
kumbersasyonal  hindi maligoy at direct to the point
 madalas ay maligoy ang ang paglalahad
paglalahad  literal ang pagbasa at hindi
 nangangailangan ng hindi literal ginagamitan ng mabubulaklak na
na pagbasa pananalita
 karaniwan ay bunga ng  pinahahalagahan ang kawastuan ng
imahinasyon mga impormasyon
 bunga ng masinop na pananaliksik

Uri ng Akademikong Pagsulat ayon sa Layunin


1. Impormatibong Sulatin
 Nagbibigay ng kaalaman at paliwanag
Halimbawa: balita, lahok sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag ng estadistika, konseptong papel, sulatin tungkol sa
kasaysayan, tesis
2. Malikhaing Akda
 Nagbibigay rin ng impormasyon ngunit higit ang layunin nitong makapagbigay-aliw sa mga mambabasa
Halimbawa: autobiography, diary, memoir, liham, movie review
Pahina 2 ng 4
3. Sulating Nanghihikayat
 May layuning kumbinsihin o impluwensiyahan ang mambabasa na pumanig sa isang paniniwala, opinion, o
katuwiran
AKADEMIKONG SULATIN LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
1. Abstrak Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat Hindi gaaanong mahaba, organisado, ayon
ng akademikong papel para sa tesis, papel sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.
siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Layunin nitong mapaikli o mabigyang buod
ang mga akademikong papel.
2. Sintesis o Buod Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong Kinapapalooban ng iverview ng akda.
naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng Organisado ayon sa sunod sunod na
maikling kwento pangyayari sa kwento
3. Bionote Ginagamit para sa personal profile ng May makatotohanang paglalahad sa isang
isang tao, tulad ng kanyang academic tao
career at iba pang impomasyon ukol sa
kanya
4. memorandum Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa Organisado at malinaw para maunawaan
gaganaping pagpupulong o pagtitipon. ng mabuti
Nakapaloob ditto ang petsa at lugar ng
gaganaping pagpupulong.
5. Agenda Layunin nitong ipakita o ipabatid ang Pormal at organisado para sa kaayusan ng
paksa ng tatalakayin sa pagpupulong na daloy ng pagpupulong.
magaganap para sa kaayusan at
organisadong pagpupulong.
6. Panukalang proyekto Makapaglatag ng proposal sa proyektong Pormal, nakabatay sa uri ng mga
naisipatupad. Naglalalyong mabigyan ng tagapakinig at may malinaw ang ayos ng
resolba ang mga problema at suliranin ideya
7. Talumpati Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng Pormal, nakabatay sa uri ng mga
isang paksang naglalayong manghikayat, tagapakinig at may malinaw ang ayos ng
tumugon, mangatwiran at magbigay ng ideya
kabatiran o kaalaman.
8. Katitikan ng Pulong Ito ay tala o record o pagdodokumento ng Ito ay dapat na organisado ayon sa
mga mahahalagang puntong nailalahad sa pagkakasunod sunod ng mga puntong ng
isang pagpupulong mga puntong napag-uusapan at
makatotohanan
9. Posisyong Papel Ito ay naglalayong maipaglaban kung anu Ito ay nararapat na maging pormal at
man ang alam mong tama. Ito ay organisado ang pagkakasunod-sunod ng
nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ideya
ng karamihan
10. Replektibong Sanaysay Ito ay uri ng sanaysay kung saan Isang replektib na karanasang personal sa
nagbabalik tanaw ang manunulat at buhay o sa mga binasa at napanood
nagrereplek. Nangangailangan ito ng
reaksyon at opinion ng manunulat.
11. Pictorial Essay Kakikitaan ng maraming larawan kaysa sa Organisado at may makabuluhang
mga salita pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na
pangungusap.
12. Lakbay Sanaysay Ito ay isang sanaysay na makakapagbalik Mas marami ang teksto kaysa sa larawan
tanaw sa paglalakbay na ginawa ng
manunulat

Katangian ng Akademikong Pagsulat

1. Pormal – hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban kunga ng mga naturang pananalita ay bahagi
ng isang pag-aaral
.
2. Obhetibo - May layuning pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o
larang. Binibigyang diin dito ang impormasyong gustong ivbigay at argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa.

3. May Paninindigan – Sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at
dinidepensahan, ipinapaliwanag at binibigyang katwiran ang mahalagang layunin at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.

4. May panangutan – Mahalagang matutunan ang kahalagahan ng pagkilala sa sangguniang pinaghanguan ng mga
impormasyon

5. May kalinawan - Ang sulating pang-akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patungahan kung kaya dapat na
maging linaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.

Pahina 3 ng 4
Pahina 4 ng 4

You might also like