You are on page 1of 31

Filipino sa

11 Piling Larang
Akademik
Unang Markahan
2-3
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON
Patnugot: Wilfredo E. Cabral
CLMD Chief: Job S. Zape, Jr.

Baitang 11
Filipino sa Piling
Larang
(Akademik)
KAHULUGAN, KALIKASAN AT
KATANGIAN NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MARIA CECILIA R. SAN JOSE/ROGER C. VILLEGAS, Ph.D.


Editor: NEIL FERNANDO

Tagasuri:
Tagaguhit:

Tagalapat:

Management Team: Rosemarie Blando, CID Chief


August Jamora, SDO EPS In-charge of LR
Romyr L. Lazo, EPS In-charge of LR
Dalisay B. Torres, EPS Subject Area In-charge
Fe M. Ong-ongowan, Librarian
Lhovie A. Cauilan, Teaching Aid Specialist

Department of Education Region 4A CALABARZON


Para sa Tagapagpadaloy
Ang Modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-
aaral na madaling matutunan ang mga aralin sa asignaturang Filipino sa Piling
Larang. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa mga ibi-
nigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga mag-aaral ng
tamang paraan ng paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag -unlad
nila sa pag-unawa sa pagpapakita ng kakayahan ng may tiwala sa sarili na ka-
nilang magiging gabay sa mga sumusonod na aralin.

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na
kanilang nakilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa
layunin, gamit, katangian at anyo.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang kalikasan ,layunin at


paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa
iba’t ibang larangan

PAMANTAYANG PAGGANAP: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pag-


sulat ng ibat’ ibang anyo ng sulatin

PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO (MELC): Nakikilala ang


iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d)
Anyo
Gawain1: Hanap-Salita
Panuto: Hanapin sa kahon ng mga titik ang mga sumusunod na salita. Bilugan
ang sagot na maaaring nakasulat ng pahalang, pababa,palihis o pabaligtad :
1.katangian 3. gamit 5. layunin 7. modyul 9. paaralan
2.anyo 4. sulatin 6. teknolohiya 8. akademiko 10. ideya
T S M A Y E D I O L D
E M L K O T T K Y M P
K A T A N G I A N O O
N K P D M W M O N D L
O P G E P R A Y P Y K
L H H M A Y G O T U O
O S N I N U Y A L L A
H G O K F B O I S R B
I O B O U A S P D U T
Y S U L A T I N O R L
P A A R A L A N P O M

Matapos mahanap at mabilugan ang mga salita, pumili ng tatlong sali-


tang bibigyan ng sariling pananaw, ideya, kahulugan o maging karanasan .
Iugnay ang sagot sa akademikong sulatin.

Gabay na Tanong :
Gawain 2: Ayusin Mo!
Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita at ilagay ito sa tapat ng kaugnay
na larawan. Lagyan ng mukhang masaya kung nakasulat na ng akademikong
sulatin na iyon at malungkot na mukha kung hindi pa .
1. ANKAPULNGA RPOEKYOT 6. RAKTABS 11. IOBTENO
2. REPETIKLBNGO YAASSANY 7. ATITAULMP
3. NSITESSI/DUOB 8. LABYAK -YAASSANY
4. YEADNAD 9. RAWLANGA YAASSANY
5. SIPOYSOGN LEPAP 10. AKITITKNA GN PNGOUL
Gabay na tanong:

1. Tungkol saan ang mga larawan?


______________________________________________________________________

2. Naranasan mo na ba na makapagbasa o makakita nito? Ipaliwanag.


Gawain 3: Alam mo, Isulat Mo!
Upang matiyak ang iyong pangunang kaalamaan sa mga aralin ng mo-
dyul na ito, itala sa talahanayan ang hinihiling na sagot sa sumusunod:
Alam: Ano ang iyong nalalaman sa iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa
layunin, gamit, katangian at anyo?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman sa iba’t ibang akademikong su-
latin ayon sa layunin, gamit, katangian at anyo?
Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa iba’t ibang
akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian at anyo. Ang hanay
na ito ay sasagutin lamang matapos ang kabuuang pagtalakay .
.
Gawain 4: Tapatan Tayo!
Panuto: Basahin sa Kolumn B ang bawat pahayag na naglalarawan sa ak-
demikong sulatin na na nakatala sa Kolumn A. Isulat sa letra ng angkop
sa sagot sa patlang sa tapat ng Kolumn A. ISKOR

A B
______1. Bionote A. Uri ng lagom na kalimitang ginagamit
sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad
ng kwento, salaysay, nobela, at iba pang
anyo ng panitikan.
______2. Abstrak B. Ito ang nagtatakda ng mga paksang
tatalakayin sa pulong.
______3. Sintesis/ C. Ito ang opisyal na tala ng isang
Buod pulong
______4. Panukalang D. Naglalayong maipakita ang katoto-
Proyekto hanan at katibayan ng isang tiyak na isyug
kadalasang napapanahon at nagdudulot ng
magkaibang pananaw sa nakakarami.
______5. Talumpati E. Uri ng lagom na karaniwang gi-
nagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at
teknikal, lektyur at mga report.
______6. Adyenda F. Nagpapakita ito ng personal na
paglago ng isang tao mula sa mahalagang
karanasan o pangyayari.
______7. Katitikan ng G. Uri ng lathalaing ang pangunahing
Pulong layunin ay maitala ang naging karanasan sa
paglalakbay.
______8. Posisyong H. Ito ay tala sa buhay ng tao na
Papel naglalaman ng buod ng kanyang academic-
career madalas mababasa sa mga jour-
nal,aklat at iba pa.
______9. Replektibong I. Isang sulatin na mas marami ang la-
Sanaysay rawan kaysa sa salita o panulat.
_____10. Larawang J. Isang proseso ng pagpapahayag ng
ideya o kaisipan sa paraang pasalitag tu-
Sanaysay
matalakay sa isang partikular na paksa
Gawain 5: Sipatin Mo!

Panuto: Basahin ang mga halimbawa ng akademikong sulatin na makikita sa


Filipino sa Piling Larang Akademik : Kagamitan ng Mag-aaral). Bigyang pu-
na ang mga babasahing halimbawa na makikita sa mga nakasaad na pahi-
na. Gamitin ang gabay na tanong sa pagbibigay ng puna. Basahin at suri-
ing mabuti ang lahat ng halimbawa. Ilagay ang inyong kasagutan sa short
bond paper.

A. Katitikan ng Pulong
Katitikan Ng Buwanang Pulong Ng Municipal Development Coop-
erative Council Ng Ibaan., pahina 39 –43.

B. Panukalang Proyekto:
Bahanding Sarita: Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang
Filipino, pahina 54-57.

C. Posisyong Papel
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil
sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad , pahina
64 –68.

D. Talumpati
Talumpati sa Pagtatapos 2015, pahina 77 –79.

E. Buod
Buod ng SONA 2015, pahina 84 –86

F. Abstrak
Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari Sa-
ri, pahina 87

G. Lakbay-Sanaysay
Solo sa Oslo , pahina 94 –97
I. Piktoryal na Sanaysay
Pagbakwit ng Lumad sa Lianga – Noon at Ngayon pahina 148 –150

J. Bionote
Virgilio Almario , pahina 91 –92

K. Adyenda (nasa kasunod na teksto.)


Matapos Basahin sagutin ang sumusunod na mga tanong sa inihandan-
dang talahanayan.. Maaaring sagutan sa nakabukod na papel (shsort bond
paper)

Uri ng Sulatin Tungkol saan Sa iyong palagay Ano-ano ang na-


ang binasa? ano ang katulong sa iyo
maaaring dahi- upang madaling
lan kung bakit maunawaan ang
isinulat ang binasa?
akda?
A. Katitikan ng
Pulong

B. Panukalang
Proyekto:

C. Posisyong
Papel

D. Talumpati

E. Buod

F. Abstrak

G. Lakbay-
Sanaysay

H. Replek-
tibong Sanaysay

I. Piktoryal na
Sanaysay

J. Bionote
Isang mahalagang gawain na naranasan ng mga mag-aaral ay ang pag-
sulat. Naranasan ang gawain ito mula elementarya hanggang sa pinakamataas
na antas ng pag-aaral. Itinuturing itong isang intelekwal na pagsulat.
Iba’t iba ang dahilan ng mga tao sa kanilang pagsulat. Ilan sa mga dahi-
lan kung bakit sila sumusulat ay dahil ito ay kanilang libangan, samantalang
ang iba ay sa kadahilanang bahagi ito ng kanilang propesyo o gampanin sa
buhay. Ganoon pa man malaki ang ang naininigay na dulot nito sa mga nag-
susulat, bumabasa at maging sa lipunang ating ginagalawan. Mahalagang ma-
linang at mhubog sa mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa pagsulat. Ito
ang magiging isang sukatan ng kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’tibang
disiplina.
Kung kaya’t sa mga paaralan mahalagang sanayin ang mga mag-aaral na
matutunan at magkaroon sila ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat.
Sa pag-aaral ng kursong ito, ang paggamit ng akademikong Filipino ang
siyang gagamitin. Ito ay iba sa ating nakasanayang pakikipagtalastasan dahil
pinahahalagahan nito ang prinsipyo sa paggamit ng Filipino. Malinaw sa isip ng
gumagamit nito , pasalita man o pausap ang kahalahgahan sa pagsunod sa mga
batas sa paggamit ng wikang Filipino upang maging istandard at kailangang
magamit bilang wika ng intelekwalisasyon.
Sa pagsulat ng akademikong sulatin malilinang ang kasanayan kung
isasagawa ang mga sumusunod:
a. Pagbabasa ng mga tekstong akademiko
b. Pagsulat ng mga payak na ulat.
c. Pagsasagawa ng pananaliksik sa aklatan.
d. Pagsasanay sa paglutas ng mga suliranin sa matematika, agham, at
iba pang asignatura
e. Pagsasanay sa paggamit ng ibat-ibang hulwaran sa pagsulat ng kom-
posisyon.
Ang mga sumusunod naman ang mga kasanayang kailangan tungo sa
mabisang pagsulat ng akademikong papel:
a. Paglalarawan ng proseso
b. Paghihinuha at paghula
c. Pagsusuri ng validity ng ideya
d. Pagsusuri ng suliranin
e. Pagkaklasipika ng mga datos
f. Paglalapat ng impormasyon sa bagong konteksto
g. Pagbibigay-kahulugan sa datos mula sa mga grap at tsart
j. Pagbibigay ng depinisyon
k.Pagbuo ng buod, haypotesis at kongklusyon
l. Pagsasalin
Tinalakay ni Garcia ((2017) ang mga sumusunod na mga layunin sa pag-
sasanay sa akademikong pagsulat.
1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at
malikhaing pagsasagawa ng ulat.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng ibat ibang
uri ng teksto na magagamit sa mga Gawain ng akademikong pagsulat.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pana-
nay ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mga mag-aaral
bilang mambabasa.
4. Nakapagsususuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa ti-
nalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng ibat
ibang anyo ng akademikong sulatin
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang
sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na
pagkilala sa edukasyon.
7. Napapahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pama-
mamgitan ng paggawa ng portfolio

Mahalagang sanayin ang mga mag-aaral na matutunan at magkaroon sila


ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat ng mga sumusunod:
a. Abstrak
b. Sintesis
c. Bionote
d. Memorandum
e. Agenda
f. Panukalang Proyekto
g. Talumpati
h. Katitikan ng Pulong
i. Posisyong Papel
j. Replektibong Sanaysay
k. Pictorial Essay
l. Lakbay Sanaysay
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Abstrak Ito ay karaniwang ginagamit Hindi gaanong ma-
sa pagsulat ng akademikong haba, organisado
papel para sa tesis,papel ayon sa pagka-
siyentipiko at teknikal, lek- kasunod sunod ng
tyur at report. Layunin ni- nilalaman.
tong mapaikli o mabigyan
ng buod ang mga akade-
mikong papel.
Sintesis Ang kalimitang ginagamit sa Kinapapalooban ng
mga tekstong naratibo para overview ng akda.
mabigyan ng buod, tulad ng Organisado ayon sa
maiklling kwento. sunod sunod na
pangyayari sa
kwento.
Bionote Ginagamit para sa personal May makatoto-
profile ng isang tao, tulad ng hanang paglalahad
kanyang academic career at sa isang tao.
iba pang impormasyon ukol
sa kanya.
Memorandum Maipabatid ang mga impor- Organisado at ma-
masyon ukol sa gaganaping linaw para
pagpupulong o pagtitipon. maunawaan ng
Nakapaloob dito ang oras, mabuti.
petsa at lugar ng gaganap-
ing pagpupulong.
Agenda Layunin nitong ipakita o ip- Pormal at organisa-
abatid ang paksan tatalaka- do para sa kaay-
yin sa pagpupulong na usan ng daloy ng
magaganap para sa kaay- pagpupulong..
usan ng at organsadong
pagpupulong.

Panukalang Makapaglatag ng proposal Pormal, nakabatay


Proyekto sa proyektong nais ipatu- sa uri ng mga ta-
pad. Naglalayong mabigyan gapakinig at may
ng resolba ang mga prolema malinaw ang ayos
at suliranin. ng ideya..
Talumpati Ito ay isang sulating Pormal, nakabatay
nagpapaliwanag ng isang sa uri ng mga ta-
paksang naglalayong gapakinig at may
manghikayat, tumugod, malinaw ang ayos
mangatwiran at magbigay ng ideya.
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Katitikan ng Ito ay ang tala o rekord o Ito ay dapat na or-
Pulong pagdodokumento ng mga ganisado ayon sa
mahahalagang puntong pagkakasunud-
nailahad sa isang pagpu- sunod ng mga
pulong. puntong napag-
usapan at makato-
tohanan.
Posisyong Papel Ito ay naglalayong maipagla- Ito ay nararapat na
ban kung ano ang alam maging pormal at
mong tama. Ito ay nag- organisado ang
tatakwil ng kamalian na pagkakasunod-
hindi tanggap ng kara- sunod ng ideya.
mihan.
Replektibong Sa- Ito ay uri ng sanaysay kung Isang replektib na
naysay saan nagbabalik tanaw ang karanasang person-
manunulat at nagrereplek. al sa buhay o sa
Nangangailangan ito ng mga binasa at na-
reksyon at opinyon ng ma- panood.
nunulat.
Pictorial Essay Kakikitaan ng mas Organisado at may
maraming larawano litrato makabuluhang
kaysa sa mga salita. pagpapahayag sa
litrato na may 3-5
na pangungusap.
Lakbay Sanaysay Ito ay isang uri ng sanaysay Mas madami ang
na makakapagbalik tanaw teksto kaysa sa mga
sa paglalakbay na ginawa larawan.
ng manunulat.
Gawain 6: Bakit nga Ba?
Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, magtala ng layunin o mga dahi-
lan kunga bakit isinulat ang mga akademikong sulatin na iyong nabasa sa
unang bahagi ng modyul na ito. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Pagkatapos,
sagutin ang mga gabay na tanong.

Gabay na Tanong:
1. Mayroon bang pagkakatulad ang akdemikong sulatin batay sa layunin nito?
__________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga na matukoy ang layunin ng bawat akademikong sulatin?
Gawain 7: Manggagamit ka?
Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, magtala ng mga gamit ng akade-
mikong sulatin na iyong nabasa sa unang bahagi ng modyul na ito. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na tanong.

Gabay na Tanong:
1. Paano nagkakaiba-iba ang mga sumusunod na sulatin batay sa mga gamit
nito? Sino ba ng target na gagamit nito? ___________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga na malaman ang gamit ng bawat akademikong na sulatin?
_______________________________________________________________________________
Gawain 8: Kulayan mong anyo at katangian ko!
Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, magtala ng mga katangian at
anyo ng akademikong sulatin na iyong nabasa sa unang bahagi ng modyul na
ito. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Kulayan ang bawat hugis ng naisi mong
kulay. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na tanong

Gabay na Tanong:
1. Paano nagkakaiba-iba ang mga sumusunod na sulatin batay sa mga gamit
atkatangian nito? Sino ba ng target na gagamit nito?
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga na malaman ang gamit at kaangian ng bawat akademikong
na sulatin
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Gawain 9 : Pag-isipan natin ito!
Panuto: Pumili ng isang gawain mula sa ibaba. Sundin mga panuto ng mapipili
na isagawa. Maaaring gawin sa isang bukod na papel (short bond paper o oslo)

GAWAIN A: HUGOT LANG! Magbibigay ng limang Hugot ang mag-aaral


tungkol sa kanilang nakilalang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa
layunin, gamit, katangian at anyo.
GAWAIN B: ISLOGAN MO YAN! Magsulat ng isang islogan ang mag-aaral
tungkol sa kanilang nakilalang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa
layunin, gamit, katangian at anyo.
GAWAIN C: DROWING KA TALAGA! Gagawa ng isang poster ang mag-aaral
tungkol sa kanilang nakilalang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa
layunin, gamit, katangian at anyo.

Sa pagmamarka ng gawaing napili, ang magulang o kasama sa bahay ang


siyang magiging katuwang ng guro sa pagmamarka ng gawain. Maaaring ito ay
dalawa kasapi ng pamilya. Gagamitin ang rubric na nasa ibaba bilang paman-
tayan ng pagmamarka. Inaasahang magiging ay tapat, patas at makatotohanan
ang gagawing pagmamarka ng napiling miyembro ng pamilya. Gamitin ang
Iskord Card .

Dimensyon 5 3 1 Puntos
- Kaangkupan sa Konsepto
Angkop ang isinagawang gawain sa kahulugan ng
akademikong pagsulat at kaugnayan nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral,
at kasapi ng pamilya at lipunan.
- Pagsasakatuparan ng Gawain
Maayos na naisagawa ang gawain at malinaw ang
mensahe
- Pagpapamalas ng Pagsisikap
Nagpamalas ng sikap sa pagsasagawa ng gawain
upang makabuo ng inaasahang awtput.
Kabuuan

Pangalan ng Nag-iskor: ISKORS KARD


PAMANTAYAN: Iskor

Kaangkupan sa Konsepto
Pagsasakatuparan ng Gawain
Pagpapamalas ng Pagsisikap
Kabuuan
LAGDA AT PETSA:
Gawain 10: I-share Mo Naman!
Panuto: Sa panahon ngayon, marapat lang na alam mo kung anong nangyayari
sa iyong bayan. Manood, makinig o magbasa ng isang balita. Isulat sa in-
ihadang espasyo.
Gawain11: Opinion Ko ito!
Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, ibahagi ang inyong karanasan
hinggil sa larangan ng pagsulat. Gamitin ang mga katanungan na nasa unang
hanay bilang gabay sa pagbabahagi ng karanasan at opinyon.
Gawain 12: PIKOn Ka Ba?
Panuto: Itala sa inihandang graphic organizer na tila isang laruan ng
piko ang inyong realisasyon sa iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa
layunin, gamit, katangian at anyo, bilang bahagi ng pang-araw-araw na pa-
mumuhay at maging sa larangan ng pag-aral.
Gawain 13: Husgahan Mo!
TAMA Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa ibaba.
/MALI Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang
TAMA, kung may bahagi namang mali sa
pangungusap, isulat ang MALI.

1. _____Isang mahalagang rekord ang katitikan ng pulong hinggil sa mga


napag usapan at napagtibay ng isang partikular na organisasyon.
2. _____Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita
sa katitikan ng pulong
3. _____Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
4. _____Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang
pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng mga pahayag.
5. ____Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong
sanaysay at lakbay-sanaysay
6. ____Ang abstrak ay buod ng papel-pananaliksik na naglalaman ng
kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral.
7. ____Maaaring hindi na isama sa abstrak ang konklusyon dahil
makikita na ito sa mismong papel-pananaliksik.
8. ____Layunin ang pinakamahalagang bahagi ng papel-pananaliksik
kaya ito ang dapat mauna sa pagsulat ng abstrak.
9. ____Layunin ng pagbubuod/sipnosis na hindi maisulat ang
pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan sa pahayag
ng tesis nito.
10.____Lahat ng larawan sa larawang sanaysay ay nangangailangan ay
dapat na may kasamang mahabang caption o paliwanag.
Gawain14: PangaKo Sayo?
Panuto: Gamit ang ilustrasyon ibigay ang iyong pananaw sa nakatala.
Gawain 2

1. Panukalang Proyekto
2. Replektibong Sanaysay
3. Sintesis/buod
4. Adyenda
5. Posisyong Papel
6. Abstrak
7. Talumpati
8. Lakbay-Sanaysa
9. Larawang-Sanaysay
10.Katitikan ng Pulong
11.Bionote

Gawain 4
1. H
2. E
3. A
4. K
5. J
6. B
7. C
8. D
9. F
10.I
11.G

Gawain 13
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Mali
10.Mali
Internet Resorses
https://brainly.ph/question/467977

https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-akademikong-
pagsulat.html

https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-
pagsulat/

https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/SHS -
Applied_Filipino-Akademik-CG_0.pdf

https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Akademik

https://brainly.ph/question/477069#readmore

Mga Aklat

Bandril, Lolita T., Voltaire M. Villanueva. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan


(Akademik at Sining). Quezon, City: Vibal Group Inc., 2016.
Constantino, Pamela C, Galileo S. Zapra. Filipino sa Piling Larangan (Akademik),
Manila: Rex Bookstore, 2016.

Garcia PhD., Florante C. Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon, City:


SIBS Publishing House, 2017.

Julian, Ailene B., Nestor S. Lontoc. Pinagyamang Pluma:Filipino sa Piling


Larang (Akademik). Quezon,City: Phoenix Publishing House, INC.,
2017.

SantosPhD , Corazon, Gerard P. Concepcion PhD. Filipino sa Piling


Larang Akademik—Kagamitan ng Mag-aaral at Patnubay ng Guro.
Pasig City: Depart ment od Education-Bureau of Learning Resources
(DepEd-BLR), 2016.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta Rizal

Landline: 02-8682-5773 local 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

You might also like