You are on page 1of 42

11

FILIPINO SA PILING
LARANG
-AKADEMIK
Unang Markahan – Modyul 1:
Pamagat – Introduksyon
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO – Baitang 11
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Intoduksyon
Unang Edisyon, 2019

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jeffrey N. Lozada
Editor: Jonell John O. Espalto
Tagasuri: Jonell John O. Espalto
Tagaguhit: Jeffrey B. Lozada
Tagalapat:
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) (Sample)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
11
FILIPINO SA PILING
LARANG -AKADEMIK
Unang Markahan – Modyul 1:
Pamagat – Introduksyon
KAHULUGAN NG
AKADEMIKONG PAGSUSULAT
-Mga Halimbawa ng Akademikong
Sulatin
-Mga Layunin, Gamit, Katangian,
Kalikasan ng iba’t ibang Anyo ng
Akademikong Sulatin
-Abstrak
Paunang Salita
Pangunahing layunin ng MODYUL na ito makapagbahagi
ng mga kaalamang may kaugnayan sa pagsulat ng sulating
akademik. Ang maunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan,
kalikasan at katangian ng pagsulat. Malinang ang mga
kaalaman at kasanayan sa pagkatuto ng sulating akademik.
Magamit ang mga kaalaman sa pagkatuto ng sulating
akademik upang magamit sa aktwal at reyalidad na
pamamaraan ng pakikipamuhay .
Ang modyul na ito’y magiging patnubay sa pagtatamo ng
kaalaman at ipinauubaya sa mga gurong magtuturo ang galing
nila sa pamamahagi ng mga kaalamang nakapaloob sa aklat
na ito.
Inaasahan ng mga may-akda na magiging makahulugan,
makabuluhan at katanggap-tanggap para sa mga mag-aaral
ang mga gawaing pansilid aralan para sa ganap na pagkatuto.
Sa modyul na ito ay iyong matutunan ang iba pang
impormasyon tungkol sa Kahulugan ng Akademikong
pagsusulat, Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin, Mga
Layunin, Gamit, Katangian, Kalikasan ng iba’t ibang Anyo ng
Akademikong Sulatin at maging ang isang halimbawa ng isang
akademikong sulatin na Abstrak . Ingatan ninyo ang modyul na
ito at laging basahin at magsagot sa isang blankong papel sa
bawat katanungan.
Ang tanging hangarin ng mga may-akda ay ang kabutihan
ng mga mag-aaral upang magamit sa maunlad na
kinabukasan.
Alamin- ito ay naglalaman ng mga kasanayang pagkatuto
na nakatakda sa bawat modyul

Subukin- ito ay naglalaman ng paunang pagsusulit upang


matukoy sa ang mga nalalaman ng mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin.

Tuklasin- naglalaman ng pagganyak na nasa anyong


pagsasanay

Suriin- ito naman ay naglalalaman ng mga gawain na


sumusuri sa kasanayan ng pag-unawa sa binasa isang
nasabing panitikan

Pagyamanin- ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa


wika o gramatika nakabatay sa nilalaman ng panitikan sa
bahaging suriin.

Isaisip Natin- sa bahaging ito makikita ang mga dapat


tandaan sa isang aralin, ang mga mag-aaral ang mismong
bubuo ng kanilang pahayag ukol sa kanilang natutuhan.

Isagawa- naglalaman ito ng aral na natutuhan na dapat


isabuhayang natutuhan na aral.

Tayahin- naglalaman ito ng pagsasanay na maaaring


makapagpapayaman matapos talakayin ang isang aralin.
Karagdagang Gawain- ang layunin nito na madagdagan
ang kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng
karagdagang pagsasanay o gawain ukol sa aralin.

Susi sa Pagwawasto- ito ay talaan ng mga tamang


sagot sa pagsasanay at pagtataya.

Alamin

Ang Modyul na ito ay isinulat at idinisenyo ayon sa kakayahan


ng bata na gumawa o sumulat ng isang akademikong sulatin batay
sa mga halimbawa, mga layunin, gamit katangian at kalikasan ng
iba’t ibang anyo nito.
Matutuklasan sa modyul na ito ang kung paano makasusulat
ang mga mag-aaral ng wasto gamit ang mga pagpapaliwanag sa
mga hinimay-himay na mga aralin.
Ang modyul na ito ay ang ang magbibigay paliwanag upang
labis na maunawaan ng mga mag-aaral ang patungkol sa
Akademikong Pagsulat at ito ay nangangailangan ng mas mataas na
antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na
sumasailalaim sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa
manunulat, gayundin, ito ay tinatawag din na intelektwal na
pagsusulat. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-
iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya

Ang araling ito ay nahahati sa mga ilang mga aralin:

1. Kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating


Akademik

2. Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin

3. Mga Layunin, Gamit, Katangian, Kalikasan ng iba’t ibang Anyo ng


Akademikong Sulatin
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
CS_FA11/12PB-0a-c-101

2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:


CS_FA11/12PN-0a-c-90
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo

3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng


kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko. CS_FA11/12EP-0a-c-39

Subukin
Panuto: Piliin ang titik mula sa kahon ang mga tamang sagot na
tumutugma sa mga ibinigay na pahayag.

_____1. Isa sa pinakamahalagang output ng sinumang magaaral


ang
mga gawaing nauukol sa ____.
_____2. Ang akademikong pagdulat ay nangangailangan ng
_______
sa pagbuo ng sulatin
_____3. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na
mensahe.
_______4. Ayon kina___ ang pagbuo ng akademikong sulatin ay
nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.
_____5. Sa pagsulat nito ay gumagamit ng piling-piling salita at
isinasaalang-alang ang target na mambabasa. mahigpit din
sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil
ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng
kaalaman.
_____6. Ang sulating ito ay hindi ginagamitan ng impormal o balbal
na salita (katangian)
_____7. Layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antad
ng kaalaman ng mga magaaral sa pagbasa at pagsulat sa
ibat ibang disiplina o larang (katangian)
_____8. Nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na
dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at
binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at
inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral (katangian)
_____9. Pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang
manunulat.
______10. Kalipunan ng mga sulating naisulat para sa
pangangailangan ng kursong akademikong pagsulat

A. Akademikong pagsulat Maging mapanuri sa


B. Arrogante et al. 2007 inyong mga kasagutan
mga mag-aaral.
C. portfolio
D. Obhetibo
E. Plagiarism
F. Mas mahigpit na tuntunin
G. Pormal
H. Akademikong Sulatin
I. 5. Sulating pang-akademiko
J. May paninindigan

Aralin Kahulugan, Kalikasan, at


1.1 Katangian ng Pagsulat ng
Sulating Akademik

Balikan
Ayon sa Merriam Webster Dictionary ang salitang akademik
ay nangangahulugang kursong pinag-aaralan sa paaralan, at ang
salitang pagsulat naman ay paraan ng paggamit ng mga salita
upang ipahayag ang ideya, impormasyon at mga opinyon.
Nangangahulugan lamang na ang mga sulating pinag-
aaralan sa paaralan ay pang-akademik. Halimbawa, ang mga mag-
aaral na mataas na baitang sa elementarya ay pagpapanoorin ng
isang pelikula na nangangailangan ng pagsusulat ng buod at
paglalahad ng reaksyon o aral sa napanood.
Gayundin naman ang mga nasa sekondarya ay nagagawa
nang makabuo ng isang pananaliksik na kakailanganin din ang
pagsusulat. Maaari rin namang ang mga indibidwal na nag-aaral ng
mga kasaysayan, nangangailangang makapagsulat ng mga nakalap
na impormasyon o pag-aaral ukol sa natuklasang kasaysayan.
Ang mga magaaral sa gradwado, na gumagawa ng tesis
na nangangailangan nang matinding pagsusulat ukol sa kung anong
paksang may kinalaman sa kursong kanilang pinag-aaralan.
Samakatuwid, ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng
isang indibidwal na iskolar sa pamamagitan ng pagsulat mula sa
akademikong institusyon.
Sa larangan ng edukasyon, malaking pagpapahalaga ang
inilalaan sa kaalaman sa pagsulat. Malaking papel ang
ginagampanan ng pagsusulat sapagkat isa ito sa patunay na may
natutunan ang isang mag-aaral sa paaralan.
Kaya naman ang akademikong sulatin ay binuo bilang isa
sa mga batayan at pagsunod sa pagkatuto. Makrong kasanayan ito
na nililinang para sa kahandaan sa mga esipikong bagay na
kakaharapin na may kinalaman sa pamumuhay at maiuugnay sa
pagsusulat.
Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa
kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et. al., 2007).
Nangangahulugan lamang na ang nagawang akademikong
sulatin ay nakasalalay sa pangangalap ng datos o pagkilala sa mga
impormasyon, obserbasyon, paglalagom, paglalapat at
interpretasyon ng isang nagsasagawa nito, kaya naman sinasanay
ang mga indibidwal na magtatangkang gumawa ng iba’t ibang anyo
ng akademikong sulatin sapagkat nangangailangan ito ng mataas na
antas ng kasanayan.
Tinatawag din itong intelektuwal na pagsulat sapagkat
nangangailangan ito ng kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng
sintesis at pagtataya.
Kritikal na pag-iisip, para sa mga katanungan o mga
problemang kakaharapin sa sinasaliksik na dapat isulat. Pagsusuri,
dahil hindi biro ang kung ano lamang ang nakita ay ang siyang dapat
isulat, kailangan ng obserbasyon sa mga datos.
Paggawa ng sintesis, upang maging simple at hindi
paliguy-ligoy ang mga maisusulat. Pagtataya, upang mabigyang
katotohanan ang mga nakalap na impormasyon. Ang ganitong uri ng
pagsulat ay pagkilala rin sa mga kinilalang ideya at pagpapatotoo pa
upang magkaroon nang mas matibay na batayan sa pagbuo ng
isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na sulatin.
Hindi madali ang pagsasaliksik at bumuo ng natatanging
mga ideya at impormasyon, kaya naman binibigyang pansin ang
mga sulating inaaral ng mga indibidwal na may malaking
pangangailangan, interes at pagpapahalaga rito.
Maari ring sabihing paggagad ito ng mga opinyon, lalo na
ng mga katotohanan na gagawan ng isang dokyumentasyon bilang
patunay at pagpapaalam sa mga mambabasa na mayroong
ganitong paksa na umiinog sa ating lipunan na pinag-aralang maigi
ng mga tao batay sa paraang iskolarli
Ang paggawa rin ng akademikong sulatin ay
nangangailangan ng dedikasyon upang makamit ang layuning
makapaghatid ng natatangi at makabuluhang konsepto ng paksa.
Hindi makakabuo ang isang manunulat ng isang
epektibong sulatin kung wala siyang interes at pagbibigay ng
panahon dito.
Dapat pag-isipan at mapili nang maayos at mabuti ang
pagbuo ng sulatin sapagkat anumang kaalaman na hatid nito ay
maipapasa-pasa pa sa mga susunod na manunulat na
magtatangkang gumawa pa ng ganitong uri ng sulatin.

Mga Tala para sa Guro


Ganap na hindi madali ang pagsulat ng akademikong sulatin kung kaya’t
ito ay nangangailangan ng masususing pag-aaral gamit ang mga
panuntunan sa tamang pagsusulat. Upang mas lalo pang maunawaan ito,
tiyaking nakasusunod sa bawat aralin ukol sa paksa.
Tuklasin
Krosword: Isulat sa kahon ang mga tamang sagot na tumutugma sa
mga pahayag na nasa ibaba.

Pahalang

Pababa
Suriin
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at basahing ang mga
pangungusap na naglalawaran sa bawat isa.

Ang Filipino, ang pambansang wika ng


Pilipinas. Pinaka mahalagang instrumento ng
komunikasyon at pagpapahayag ng
damdamin, at ng pagkatuto. Paano na
lamang kung makalimutan?

Sa panahon ngayon mas kilala na ang


cellphone bilang pinakamabisang midyum na
pinagdadaluyan ng komunikasyon. Isang
pindot lang ay makakapagpadala ka na ng
mensahe. Ngunit hindi mo ba pansin ang
lenggwaheng ginagamit sa mga cellular
phone ay wikang banyaga?
Tandaan: Madaming kabataan ngayon ang lulong sa social
media tulad ng facebook. Mas pinipili nilang
magpahayag ng kanilang saloobin gamit ang
wikang ingles. Gayundin ang mga kapsyon sa
Ang ibinigay na pagsasanay ay
kanilang mga profile picture kaysa magbasa ng
isang halimbawa ng akademikong libro para magkaroon pa ng mas mataas na
sulatin na Photo Essay, kung karunungan tungkol sa wika.
saan ay mas malalim na
ipinaliliwanag
ang nilalaman ng mga
larawan ng higit sa nais
nitong ipikita.

Sagutin ang mga katanungan:

1. Paano nakatutulong ang mga larawan sa pagpapaliwanag ng isang


akda o mensahe ng nais nitong iparating?
2. Sa halimbawang ibinigay na photo essay, paano nakatutulong ito para
mapagyaman pa ang kaalaman sa pagsulat ng akademikong sulatin.
3. Sa ikalawang larawan, malinaw na ipinaliliwanag ng larawan na ang
cellphone ang isa sa pinakamabisang midyum na pinagdadaluyan ng
komunikasyon ng isang tao, magbigay pa ng ilang mga pagpapatunay
na ito nga ay may malaking ambag upang mapadali ang komunikasyon
ng mga tao.
4. Maipaliliwanag mo pa ba sa mas malawak na pahayag ang unang
larawan?
5. Sa pangatlong larawan, makikita ang isang logo ng sikat na social
media app, ipaliwanag kung paanong lalong nahuhumaling ang mga
mag-aaral sa paggamit nito.

Pagyamanin
Natutunan mo na ba kung paano nauuri ang isang akademikong
sulatin sa anyo ng photo essay?
Ano nga ba ang layunin ng akademikong sulatin at bakit may iba’t
ibang uri ito?

Layunin ng akademikong pagsulat na mailahad ng maayos ang


mga sulatin at ang tema upang malinaw itong maipabataid o maiparating
sa mga makakakita o makababasa.

Ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon na may


layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na
ginawa.

Mas mahalagang maging malinaw ang bawat pagpapahayag o


pangungusap para sa isang epektibong subalit malalim na isang akda.

MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN:

 Abstrak
 Sintesis o buod
 Bionete
 Panukalang Proyekto
 Talumpati
 Katitikan ng pulong
 Posisyong papel
 Replektibong sanaysay
 Agenda
 Pictorial essay
 Lakbay sanaysay

MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN:

1. Abstrak 

Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay


bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.
 Mga Uri ng Abstrak

1. Deskriptibong Abstrak
 Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya
ng papel.
 Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel.

2. Impormatibong Abstrak
 Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang
ideya ng papel.
 Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at
isang talata lamang.

Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak

1. Basahing muli ang buong papel.


2. Isulat ang unang draft ng papel.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang
kahinaan.
4. I-proofread ang pinal na kopya.

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak

1. Binubuo ng 200-250 na salita.


2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
4. Nauunawaan ng target na mambabasa.

2. Sintesis

 Pagsasama ng dalawa o higit pang buod.


 Paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda
o sulatin .
 Pagsasamang iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akda
nakapag-ugnay.

Dalawang Anyo ng Sentisis


 Explanatory
 Argumentative
Mga Uri ng Sintesis

1. Background Synthesis – ito ay isang uri ng sintesis na


nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang
impormasiyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos
ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

2. Thesis-driven Synthesis – halos katulad lamang ito sa ng


background synthesis ngunit nag kakaiba lamang sila sa
pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang
simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan
kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis
ng sulatin.

3. Synthesis for the Literature – ginagamit ito sa mga sulating


pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating
pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat
nang literature ukol sa paksa. Karaniwang isinasaayos ang
sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin namang
ayusin ito batay sa paksa.

Tandaan: Bigyang pansin ang mga sumusunod.

 Tamang impormasiyon mula sa


pinaghanguan/sangguagnian
 Organisasiyon ng teksto
 Napagtitibay ang nilalaman at napapaillalim pag-uunawng
nagbabasa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

1. Linawin ang layunin


2. Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at
basahin ng mabuti ito.
3. Buuin ang tesis na sulatin
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain
5. Isulat ang unang burador
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang pinal na tesis

3. Talumpati

 Pormal – Ang talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na


binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig. Pinaghahandaan,
gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin.
 Opinyon – Ito ay isa ring buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagbigkas. Manghihikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon, at maglahd ng
isang paniniwala.
 Masining – Isang masining na pag papahayag tungkol sa isang
mahalaga at napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig. Karaniwang binibigkas bagaman madalas itong
nagsisimula sa nakasulat na anyo.

Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

1. Talumpating nagbibigay impormasyon – Nagpapaliwanag, nag-


uulat, naglalarawan, nagbibigay kahulugan, nagpapakita ng
kaganapan, nagbibigay liwanag.
2. Talumpating nanghihikayat – May layuning mapaigting, mabago,
maimpluwensyahan o mapatotohanan ang mga saloobin, paniwala
o emosyon ng tagapakinig.
3. Talumpating nagtataguyod ng pagbubuklod-buklod ng
lipunan – Naglalayong maiangat ang damdamin ng pagbubuklod-
buklod, pagkakapatiran at pagkakaisa.

Uri Ayon sa Anyo at Kahandaan


1. Impromptu
2. Extemporaneous
3. Pinaghandaan
4. Binabasa ang manuskrito

Bahagi ng Talumpati
1. Panimula
2. Katawan
3. Konklusyon
Pagbabalangkas ng Talumpati

1. Kronolohikal – Pagsasaayos batay sa ugnayan ng


panahon; Nakaraan —> Kasalukuyan —> Hinaharap
2. Lohikal (Topikal) – Pagsasaayos batay sa pangunahing
paksa; Paguuri-uri
3. Komparison/Kontrast – Tungkol sa dalawa o tatlong punto
na nahahati asyon sa pagkakapareho o pagkakaiba na ang
layunin ay palitawin ang kahusayan ng paninindigan sa
kabilang panig.
4. Problema-Solusyon – Ito’y ginagamit bilang panghihikayat
o nag papakilos
5. Sanhi at Bunga – Nagpapakita ng kaibahan ng sanhi sa
bunga ng isa o higit pang kondisyon. Angkop ito sa
talumpating nanghihikayat.
6. Bentahe at Disadbentahe – Paghahati sa mabuti (pro’s) at
hindi mabuting (con’s) mga impormasyon. Tagapakinig ang
bahalang tumimbang sa dalawang bahagi upang
magpasyang mamili sa dalawang panig.

Pagsulat ng Talumpati
 Paghahanda – Bahagi ng paghahanda ang pagtiyak sa mga
sumusunod:
 Layunin ng Okasyon – Mahalagang alamin ng
tagapagtalumpati ang layunin ng pagdaraos ng okasyon.
 Layunin ng Tigapagtalumpati – Tiyakin ng
tagapagtalumpati sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang
magiging layunin sa pagtatalumpati
 Manonood – Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig.
Pangunahing salik din sila sa nilalaman at estilo ng
talumpati.
 Tagpuan ng Talumpati – Tumutukoy ito sa lugar,
kagamitan, oras, at daloy ng programang kapapalooban ng
talumpati.

Tandaan: Mahalaga ang panimulang pagsisiyasat sa mga


elementong ito dahil kailangang isaalang-alang ang mga
ito sa pagtitiyak sa nilalaman, tagal, at tono ng talumpati.

Pananaliksik
 Pagbuo ng plano – Kailangang pag-aralang mabuti
ang paksa o tema, at/o papel ng ng tagapagtalumpati
sa okasyon. Isaisip na maraming iba’t ibang paraan o
estratehiya ng paggawa ng isang paksa o tema. Ilista
ang mga ito at piliin ang pinakaangkop sa okasyon sa
layunin, sa manonood at tagpuan.
 Pagtitipon ng materyal – Batay sa karanasan ng
maraming manunulat, madali lang ang mismong
pagsusulat kung ang lahat ng material na kailangan ay
nandiyan na sa mismong oras ng pagsulat. Ito ay
maaring aklat, artikulo, panayam, kuwento, pelikula,
musika, at/o larawan.
 Pagsulat ng balangkas – Ito ang magbibigay ng
direksiyon sa pagsulat sa pamamagitan din nito ay
maaaring makita kung ano pang bahagi ang kulang sa
datos at kung kailangan pa ng dagdag na material

Pagsulat – Simulang sulatin ang talumpati ayon sa nabuong


balangkas. Naritong ang ilang pangkalahatang gabay sa
pagsulat:

 Sumulat gamit ang wikang pabigkas


 Sumulat sa simpleng estilo
 Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kumbensyon sa
pagpapahayag
 Gumamit ng mga angkop na salitang pantrasisyon
 Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan ng
talumpati

4. Panukalang Proyekto

 Detalyadong deskripsyon ng isa basahin ng serye ng mga


aktibidad na naglalayong malunasan ang isang suliranin.
 Hindi maituturing na proyekto ang dating aktibidad na nauulit sa
eksaktong pamamaraan, mga aktibidad na walang malinaw na
layunin, at mga regular na aktibidad ng organisasyon
 Maari itong nakasulat o oral na presentasyon, internal o sa
kinabibilangang grupo o eksternal o di-kinabibilangang
organisasyon, maaari ring hiningi (solicited/invited) o hindi hiningi
(unsolicited / prospecting).
 Ang maikling panukalang proyekto ay may 2 hanggang 10 pahina
na nasa anyong liham lamang, samantalang mahigit sa 10 pahina
ang isang mahabang panukala. Maaaring may parehong bahagi
ang 2 ngunit mas elaborated at sumusunod sa structured format
ang mahabang panukala.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto


(American Red Cross, 2006)

1. Magplano nang maagap – pagkausap sa mga stakeholder upang


matalakay ang mga pangangailangan at masuri ang panukalang
proyekto.
2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan – kolaboratibong
paghahati ng gawain
3. Maging realistiko sa panukala – kung ano lamang ang
kakayanin sa loob ng panahong nakatalaga at kung ano ang
maaaring makamit. Sundin ang S.M.A.R.T. (specific, measurable,
attainable, realistic at time-bound)
4. Matuto bilang organisasyon – sa karanasan ng sarili at ng iba
5. Maging makatotohanan at tiyak – iwasang maging masaklaw
6. Limitahan ang paggamit ng teknikla na jargon – gumamit ng
mga salitang pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat sa halip na
mga teknikal o espesyalisadong salita.
7. Piliin ang pormat na malinaw at madaling basahin –
makatutulong ang kasimplehan ng pormat at anyo
8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang
pinansyal – tiyaking top of the list na prayoridad ng mag-aapruba
ang panukala.
9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukala –
kabilang dito ang mga salitang simulan, ikumpara, maghandog,
mangulo, mag-organisa, suportahan, magpakahulugan, gumawa,
gumamit at iba pa.

Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto

1. Panimula – dito inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin,


at motibasyon.
2. Katawan – dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin
at ang iminumungkahing badyet para sa mga ito
3. Konklusiyon – dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring
idulot ng proyekto at kung bakit ito dapat aprubahan

Mga Espisipikong Laman ng Panukalang Proyekto

1. Pamagat – dapat malinaw at maikli


2. Proponent ng Proyekto – tumutukoy sa tao o organisasyong
nagmumungkahi ng proyekto
3. Kategorya ng Proyekto – ang proyekto ba ay seminar, o
kumprensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o
outreach program?
4. Petsa – kailan ipapadala ang proposal at ano ang inaasahang
haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto
5. Rasyonal – ilalahad dito ang mga pangangailangan sa
pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito
6. Deskripsiyon ng Proyekto – isusulat dito ang panlahat at tiyak na
layunin; nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan upang
maisagawa ang proyekto at ang inaasahang haba ng panahon
7. Badyet – itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin
sa pagkompleto ng proyekto
8. Pakinabang –Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang
maaapektuhan nito-sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang
maisagawa ang proyekto?

5. Bionote

 Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon


ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa
isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak
at / o sa gig).

 Maaari ring makita ang bionote sa likuran ng mga pabalat ng libro,


at kadalasan ay may kasamang litrato ng awtor o ng may-akda.

 Ang bionote ay karaniwang dalawa hanggang tatlong


pangungusap lamang na naglalarawan sa taong paksa ng bionote.
Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang
nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig kung sino ang
taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa
bilang propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon
tungkol sa paksa na may kaugnayan sa tatalakayin sa kaganapan.

 Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong


sulatin na karaniwang isang talata lamang at naglalahad ng mga
kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad
bilang panauhin o bilang propesyunal.
Tandaan: Paano gumawa ng bionote? Narito ang mga dapat
tandaan sa pagsusulat ng bionote:

 Dapat batid ng lahat na iba ang bionote sa talambuhay at / o


autobiography. Napakalaki ng agwat nito dahil ang bionot ay
nararapat lang na maikli at siksik, samantalang dapat ay mas
detalyado at mas mahaba ang pagsusulat ng talambuhay at / o
ng autobiography.

 Dapat din na batid ng lahat na iba ang bionote sa curriculum


vitae, resume, at biodata. Hinihingi sa mga cv, resume, at
biodata ang mga personal na impormasyon ng paksa tulad ng
ngalan, kasarian, edad, petsa at lugar ng kapanganakan,
tangkad, timbang, at marami pang ibang impormasyon tungkol
sa paksa.

Bakit nagsusulat ng bionote?

 Ito ay para ipaalam sa iba / lahat ng manonood, mambabasa


at / o makikinig ang kredibilidad sa larangang kinabibilangan na
siyang tatalakayin sa isang kaganapan
 Para rin ipakilala ng may akda ang kaniyang sarili sa mga
mambabasa
 Para ang bionote ay magsilbing marketing tool
 Para rin ipaalam sa iba / lahat na hindi ang karakter ng paksa at
para na rin magkaroon ng sapat na pag-introduce sa
kredibilidad sa larangang kinabibilangan ng paksa. Ito ay isa na
ring paraan upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa.

Narito ang mga Katangian ng Bionote


 maikli lang dapat ang nilalaman nito
 gumagamit ng ikatlong panauhan para hindi masyadong
egocentric
 kinikilala ang mga mambabasa o ang target market
 gumagamit ito ng baligtad na tatsulok – tulad sa pagsulat ng
mga balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang
pinakamahalagang impormasyon sa bionote
 nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian ang
nilalaman ng bionote
 binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote.

Tandaan: Isang mahalagang paalala: maging matapat lago sa


pagbabahagi ng mga impormayson.
Narito naman ang mga Layunin at Gamit ng Bionote

Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng


isang indibidwal, tulad ng kanyang academic career at mga
academic achievements, at iba pang impormasyon ukol sa kanya.

Ang Mga Dapat Laman ng Bionote

 Personal na impormasyon gaya ng mga sumusunod: tinubuan


lupa o pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyan
 Kaligirang pang-edukasyon na sumasakop sa ngalan ng mga
paaralang pinasukan, digri na tinapos, at mga karangalan
 Ang bionote ay ambag sa mga larangang kinabibilangan gaya
ng mga kontribusyon at mga adbokasiya.

Tandaan: Ang bionote, sa totoo lang, ay maituturing na isang


marketing tool. Ginagamit ito upang itanghal ang mga
pagkilala at mga natamo ng indibidwal.
Dapat lahat tayo ay may matapat sa pagbabahagi ng
mga impormasyon Kinokondena dapat ang mga fake
news.

6. Agenda at Katitikan ng Pulong

Ang agenda ay layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay


matupad ngunit ang planong ito ay pinananatiling sikreto. Ang paggawa
ng agenda ay maaaring sinasabi lamang sa bawat miyembro ng grupo o
pwede rin namang gumawa ng balangkas.

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman


ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong
nailahad sa isang pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa wikang
Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga
Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin
ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.

7. Photo Essay
Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na
pagkasund-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at
mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
8. Lakbay Sanaysay

Ang mga lakbay sanaysay ay mga uri ng sulatin kung saan ang
may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan,
gabay, o damdamin sa paglalakbay.

Maaring maging replektibo o impormatibo ang pagsulat ng isang


lakbay sanaysay. Kadalasang ginagamit ang mga lakbay sanaysay sa
mga travel blogs upang manghikayat sa mga taong maglakbay sa isang
partikular na lugar.

Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1. Travel blogs
2. Travel shows
3. Travel guide

9. Posisyong Papel

Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng


kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o
ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang
mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang
dominyo.

Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak


tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng
isang akademikong posisyong papel. Ginagamit rin ng malalaking
organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang
mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

10. Replektibong Sanaysay

 Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan


o prosa
 Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at
pananaliksik sa paksa.
 Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling
pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
 Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik
 Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga
impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito
at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian
MGA LAYUNIN, GAMIT, KATANGIAN AT ANYO NG MGA
AKADEMIKONG SULATIN

Mga uri ng Layunin Gamit Katangian /


akademikong Anyo
sulatin

Abstrak Ang layunin nito ay Ito ay karaniwang Hindi gaanong


makapagbigay ng ginagamit sa mahaba,
impormasyon tungkol pagsulat ng organisado ayon
sa isang paksa. akademikong sa
Ginagamit ito sa tesis, papel para sa pagkakasunod
siyentipikong papel, at tesis,papel sunod ng
sa lektyur. siyentipiko at nilalaman.
Ang Abstrak ay isang teknikal, lektyur at
uri ng lagom na report. Layunin
karaniwang ginagamit nitong mapaikli o
sa pagsulat ng mga mabigyan ng buod
akademikong sulatin. ang mga
akademikong
papel.
Sintesis o Ang layunin ng Ang kalimitang Kinapapalooban
buod sinopsis ay ginagamit sa mga ng
makapagbigay ng tekstong naratibo pangkalahatng
lagom tungkol sa para mabigyan ng ideya ng akda.
teksto. Ito ay ginagamit buod, tulad ng Organisado
sa mga tekstong maiklling kwento. ayon sa sunod
naratibo tulad ng mga -sunod na
kwento at salaysay na pangyayari sa
naglalahad ng kuwento.
karanasan. Dito nakasaad
Ito ay ang isang uri ng ang pinakamaikli
pagbubuod kung saan subalit
kalimitan itong kumpletong
ginagamit sa tekstong pagpapahayag
naratibo. sa isang akda.
Bionete Ang layunin ng Upang maipakilala May
akademikong sulatin ng lubos ang makatotohanang
na ito ay isang kilalang tao paglalahad sa
makapagbigay ng o may akda sa isang tao. May
impormasyon tungkol pamamagitan ng kahabaan
sa personal profile ng kumpletong depende sa mga
isang tao. impormasyon ukol impormasyon na
Ito ay ang pagbubuod sa kanya mula sa ibabahagi ng
na ginagamit sa buhay kanyang taong sumulat
ng isang tao at sa kapanganakan, sa buhay ng
kanyang academic hanggang sa isang kilalang
career. kanyang mga tao.
akdang nailimbag
o naiambag sa
lipunan
Panukalang Ito ay ang pagpapakita Makapaglatag ng Pormal,
Proyekto ng adhikain para sa proposal sa nakabatay sa uri
isang komunidad. proyektong nais ng mga
Ito ay ang detalyadong ipatupad. tagapakinig at
manuskripto o Naglalayong may malinaw na
deskripsyon na mabigyan ng pagkakaayos ng
naglalayong lumutas resolba ang mga ideya.
ng problema. problema at
suliranin.
Talumpati Ito ay ginagamit sa Ito ay isang Pormal,
mga pampublikong sulating nakabatay sa uri
okasyon o programa nagpapaliwanag ng mga
para sa mga ng isang paksang tagapakinig at
mamamayan. Ang naglalayong may malinaw na
layunin nito ay manghikayat, pagkakaayos ng
magbigay kaalaman, tumugod, mga ideya.
aliw, at panghihikayat mangatwiran at
sa isang paksa. magbigay ng
Ito ay isang uri ng kabatiran o
sining na kaalaman
nanghihikayat upang
paniwalaan ang
kanyang pananaw at
pangangatwiran sa
paksang pinag
uusapan.
Katitikan ng Layuning maging Ito ay ang tala o Ito ay dapat na
pulong malinaw ang bawat rekord o organisado ayon
mga pahayag o pagdodokumento sa
pagkakasunod-sunod ng mga pagkakasunud-
ng paksa ng mahahalagang sunod ng mga
pagpupulong upang puntong nailahad puntong napag-
mas madali itong sa isang usapan at
maunawaan ng mga pagpupulong. makatotohanan.
taong bahagi ng isang
pagpupulong
Posisyong Ito ay ang pagsulat ng Ito ay naglalayong Ito ay nararapat
papel posisyon tungkol sa maipaglaban kung na maging
mga napapanahong ano ang alam pormal at
isyu sa lipunan o kahit mong tama. Ito ay organisado ang
sa isang partikular na nagtatakwil ng pagkakasunod-
bagay. kamalian na hindi sunod ng ideya.
Ito ay maaaring sa tanggap ng
pagbuo ng kaisipan sa karamihan.
pamamagitan ng
consept map.
Replektibong Ang layunin nito ay Ito ay uri ng Isang replektib
sanaysay makapagbahagi ng sanaysay kung na karanasang
mga bagay mula sa saan nagbabalik personal sa
sariling karanasan. tanaw ang buhay o sa mga
Ang pagsulat ng manunulat at binasa at
sanaysay na ito ay nagrereplek. napanood.
dapat may tiyak na Nangangailangan
paksa, nasa unang ito ng reksyon at
panauhan, may pormal opinyon ng
na salita, lohikal at manunulat.
organisado.
Agenda Ang layunin nito ay Layunin nitong Pormal at
magtakda ng mga ipakita o ipabatid organisado para
paksang tatalakayin sa
ang paksang sa kaayusan ng
pagpupulong. tatalakayin sa daloy ng
Ito ay naglalaman ng pagpupulong na pagpupulong.
mga mahahalagang magaganap para
detalye tungkil sa sa kaayusan ng at
pagpupulong. organisadong
pagpupulong.
Pictorial Layuning Kakikitaan ng/mga Organisado at
essay makapagbigay larawan/retrato may
mensahe sa kaysa sa mga makabuluhang
pamamagitan ng isang salita. pagpapahayag
larawan. sa retrato na
may 3-5 na
pangungusap.
Lakbay Ang layunin nito ay Ito ay isang uri ng Mas madami
sanaysay maitala ang mga sanaysay na ang teksto
naging karanasan sa makakapagbalik kaysa sa mga
paglalakbay. tanaw sa larawan
Ang lakbay sanaysay paglalakbay na
ay tinatawag ding ginawa ng
travel essaydahil ito ay manunulat.
naglalaman ng mga
litrato sa paglalakbay.

Gawain Blg. 1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng akademikong sulatin ang
inilalarawan ni G. Jeff. Ilagay ang inyong sagot sa patlang.

Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik


tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat. Ano
ito? ___________________________

Ang layunin nito ay magtakda ng mga paksang


tatalakayin sa pagpupulong. Ano ito?
___________________________

Ito ay maaaring sa pagbuo ng kaisipan sa pamamagitan


ng consept map. Ano ito?
___________________________

Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga


mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
Ano ito? ___________________________

Ang layunin nito ay magbigay kaalaman, aliw, at


panghihikayat sa isang paksa. Ano ito?
___________________________

Isaisip
Upang mas maging ganap na epektibo ang inyong akademikong sulatin,
laging sundin at tandaan ang mga hakbang sa pagsulat nito. Narito ang
mga hakbang na dapat tandaan ng iba’t ibang uri ng akademikong
sulatin

ABSTRAK
1. Tukuyin ang mga pinakalayunin at konlusyon
ng teksto/papel.
2. Tukuyin at gamitin ang mga parirala o mga salitang
may "keywords"
3. Pagsamasamahin at pag sunod sunodin ang
mga impormasyong nakalap sa iisang talata lamang
4. Ligtaan ang mga impormasyong di importante
5. Bawasan ang mga salita upang ito ay sumakto
sa limitasayon ng pangungusap o salita.
6. Baguhin at ayusin ang talata nang ang abstrak
ay naglalaman lamang ng mga importanteng
impormasyon at iwasan ang pagiging ispisipiko.
7. Suriin kung ito ba ay naka ayon pa sa teksto/papel.
8. Ipasuri din sa isang kasamahan at humingi ng
“feedback” (mas mabuti na hindi pamilyar sa
iyong abstrak) at tanungin kung ito ba ay
makatuwiran.

SINTESIS
1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at
maunawaang mabuti ang mga panggitnang kaisipan.
2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o
katulong at kaisipan.
3. Dapat gamitan ito ng mga payak na
pangungusap na sinulat sa isang paraang
madaling maunawaan ng babasa.
4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa
ginagawang buod.
BIONOTE

1. Tukuyin ang layunin at mambabasa.


2. Ayusin nang mas maikli ang nakalap na impormasyon.
3. Sa pagsulat ay gumamit ng pangatlong panao
4. Simulan sa iyong pangalan.
5. Isama ang mga pinakaimportanteng nagawa, kung mayroon.
6. Isama ang impormasyong makakatulong upang
makontak ka.
AGENDA
1. Pagbubukas ng Pulong (petsa, araw, oras, at lugar)
2. Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng
nakaraang pulong
3. Pagtalakay ng ibang paksa na may kinalaman na
nakaraang pulong
4. Pinakamahalagang pag-uusapan
5. Ibang paksa
6. Pagtatapos ng pulong

TALUMPATI
1.Pagpili ng paksa
2. Pagtitipon ng mga materyales
3. Pagbabalangkas ng mga ideya
4. Paglinang ng mga kaisipan

LAKBAY SANAYSAY
1. Manaliksik- Bago pumunta sa iyong
destinasyon, manaliksik muna tungkol sa
pupuntahan mo.
2. Maging kakaiba- Bilang isang manunulat, dapat
mong maakit ang iyong mga mambabasa.
3. Mag-isip na parang manunulat. Sa hakbang na ito,
kinakailangang iparamdam at itala kung sino ang
naging inspirasyon at pinagdedikahan mo ng
PHOTOiyong ESSAYsinulat.
4. Kabuuang Konklusyon sa Paglalakbay
1. Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang photo
essay.
3. Hanapin ang “tunay na kwento”. Magkaroon ng
matinding pagsusuri sa kinuhang litrato at bigyang ng
malalim na pamagat na posibleng makuha ang
atensyon ng mga tao. Lalong higit, kinakailangang
organisado at sakto ang pahayag na sinulat batay sa
makabuluhang litrato.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
AYON SA NABASA:
1. Una, matapos maunawaan ang isang nabasa, gumawa ng
balangkas ukol sa mahahalagang punto.
2. Pangalawa, tukuyin ang mga konsepto at teorya na may
kaugnayan sa paksa. Makakatulong ito sa kritikal na
pagsusuri.
3. Pangatlo, ipaliwanag kung paano ang iyong sariling
karanasan at pilosopiya ay nakaaapekto sa pagunawa
ng paksa.
4. Panghuli, talakayin sa konklusyon ang kahihinatnan
ng repleksyon.

AYON SA NAPANOOD:
1. Una, italakay ang mga pangyayaring nagustuhan batay sa
emosyon na namutawi habang nanood.
2. Pangalawa, maaari ring ilagay ang paghahambing ng
napanood sa iyong sariling karanasan.
3. Panghuli, sa pagsulat ng konklusyon, kailangang talakayin
KATITIKAN NG PULONG
ang kahihinatnan ng repleksyon.

*Bago ang pagpupulong


1. Lumikha ng Template
2. Basahin ang agenda
3. Maghanda ng materyales
*Habang nagpupulong
1. Makinig
2. Magpokus
3. Magsulat
*Pagkatapos ng pulong
REPLEKSYONG PAPEL
1. Pumili ng isyung tatalakayin
2. Ibigay ang opinyin sa isyu
3. Magsaliksik ng mga impormasyon
4. Pag-isip at pagpili kung anong uri ng pahayag ang
inyong isinusulat
5. Magsulat patungkol sa iyong mambabasa
6. Pagsulat ng balangkas
7. Pagsulat ng burador
8. Pagrebisa g burador
9. Pagsulat ng aktwal na papel

PAGAPAPALALIM SA ARALIN:

ABSTRA
K
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang
bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
Kadalasan ito ay ginagawa ng mga mag-aaral bago sila matapos
ng kanilang mga asignatura. Thesis paper ang madalas na itawag dito.
Mababasa sa mga thesis na ito ang mga pag-aaral, pananaliksik at
pagkakalap ng mga datus at mga tala na kapakipakinabang para sa
napiling diskusyon.

Mga Elemento ng Abstrak


 Kailangan ay may malinaw na pakay o layunin ang isang
manunulat. Ang pagkakaroon ng elementong ito ay
nagbibigay ng interes sa isang mambabasa para ito ay
mahikayat na basahin ang gawa ng isang manunulat.
 Mayroong malinaw katanungan na dapat mabigyan ng
konkretong kasagutan sa pagsulat ng abstrak.
Makapagbigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para
magamit ng mga mambabasa.
 Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa
kabuuan ng abstark. Magkaroon ng sariling istilo o
pamamaraan ng panulat.
 Mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak. Mula sa
inilapat na katanungan o problema sa abstrak na sulatin ay
magkaroon ng direktibang sagot u tugon para mapunan ang
kabuuan ng nasabing sulatin.
 Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng
bumasa ng abstrak. Mga aral na balang araw ay magagamit
ng bumasa ng akda ng isang manunulat.

Mga Uri ng Abstrak na Sulatin


May dalawang uri ng abstrak na sulatin. Ito ay ang
impormatibong uri ng abstrak at ang deskriptibo na uri ng abstrak.
Ang bawat uri ay naiiba mula sa elemento na ginagamit sa
panunulat, sa estilo na ginagamit at sa layunin o pakay na gustong
ipaabot ng isang manunulat.

Deskriptibo man o impormatibong abstrak, pareho itong


nagtataglay ng mga mahahalagang inpormasyon at pagbibigay
halaga sa kung sino at kung saan nakuha ang mga inpormasyon
sa mga nalimbag na abstrak na sulatin.
Deskriptibong Abstrak
Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang
ito ng isang daan o kulang isang daan na mga salita. Walang
konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa sa
uri ng abstrak na ito.

Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano


lamang na dapat na sundan ng isang manunulat.

Impormatibong Abstrak
Marami sa mga abstrak na sulatin ay inpormatibo ang
uri. Halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin ay
napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang
mga inpormasyon na makikita sa babasahing ito.

Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga


magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong
abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at
limampong salita o higit pa.

Nilalaman ng isang Sulating Abstrak

· Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng


Pag-aaral
· Saklaw at Delimitasyon
· Resulta at Konklusyon

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


· 1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat
makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaring
maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa
ginawang pag-aaral o sulatin.
· 2. Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi
ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na
magiging dahilan para humaba ito.
· 3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng
abstrak
· 4. Dapat ito ay nakadobleng espasyo
· 5.Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap.
6. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
· 7. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga
pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
· 8. Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung
saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang

Narito ang halimbawa ng isang Sulating Abstrak

          Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng

mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan

ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang

antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining

pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating

impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing

limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita

ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga

gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating

impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng

antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na

taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na

ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang

Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa

ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati

upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom

ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan


sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating

ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa

pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na

kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

Green Highlight: Rasyunal


Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit
Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon
Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

Isagawa
Gawain Blg. 2: Pag-unawa sa Nilalaman

Panuto: Gamit ang krayola, tukuyin mula sa ibinigay na halimbawa


na abstrak. Sundin ang nasa ibaba.

Green Highlight: Rasyunal


Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit
Gray Highlight: Saklaw at Delimitasyon
Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng


pambansang identidad ay isang nabuong kilusang naglalayon ng
indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating bansa.
Sa pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga mananaliksik ng
lipunang Pilipino ay gumagamit ng mga konsepto at metodo ng
pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga itinuro ng mga espesialista
mula sa kanluraning daigdig. Sa palagay ng mga indihenista, higit na
mabisa at angkop ang siyentipikong pananaliksik kung ang gagamiting
pamamaraan ng pagsusuri ay galing sa katutubong karanasan ng
komunidad na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na matatamo
ang malalim na pag-unawa sa Pilipino, sa kanyang kamalayan at
pagkatao, sa kanyang kaugalian at mga elementong nagpapalakad ng
kanyang lipunan. Binibigyang kabuluhan ng bagong kaisipang ito ang
indihenisasyon sa kasalukuyang pagsisikap tungo sa pambansang
kaunlaran.

Tayahin

Maraming pagpipilian: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito


sa bukod na sagutang papel.

1. Sinong manunulat ang nagsabi na bagamat ang abstrak ay maikli

lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating


akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
a. Philip Koopman b. Arrogante c. Kheller d. Balmaceda

2. Nakapaloob dito ang layunin at suliranin ng pag-aaral ng isang paksa.


a. Rasyunal/Rationale b. Saklaw c. Delimitasyon d. Metodolohiya

3. Ang uri ng abstrak na ito ay kapakipakinabang ito para sa mga


magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak.
a. Impormatibo b. Deskriptibo c. Rasyunal d. Saklaw

4. Maiksi lamang na uri ng sulating abstrak na ito. Binubuo lamang ito ng


isang daan o kulang isang daan na mga salita.
a. Impormatibo b. Deskriptibo c. Delimitasyon d. saklaw

5. Mababasa ang mga pag-aaral, pananaliksik at pagkakalap ng mga


datus at mga tala na kapakipakinabang para sa napiling diskusyon.
a. Siyentipikong b. Teknikal c. Report d. Thesis
papel lektyu
Karagdag
ang
Gawain
Panuto: Maghanap ng isang halimbawa ng sulating abstrak at
tukuyin kung alin sa mga nakapaloob na sulatin ang Rasyunal,
Metodolohiyang ginamit, Saklaw at Delimitasyon at Resulta ng
Pananaliksik. Ang guro ang magwawasto ng inyong gawain gamit
ang rubriks.

Susi sa Pagwawasto
ISAGAWA
1. Katitikan ng Pulong
2. Photo Essay
3. Lakbay Sanaysay
4. Repleksyong Papel
5. Talumpati
6. Agenda
7. Abstrak
8. Bionete
9. Sintesis
10. Replektibong sanaysay

SUBUKIN
1. A. Akademikong pagsulat
2. F. Mas mahigpit na tuntunin
3. H. Akademikong Sulatin
4. B. Arrogante et al. 2007
5. I. Sulating pang-akademiko
6. G. Pormal
7. D. Obhetibo
8. J. May oaninindigan
9. E. Plagiarism
10. C. Portfolio

Pagyamanin: Gawain Blg. 1 TAYAHIN


1. Lakbay-sanaysay 1. A
2. Agenda 2. A
3. Posisyong papel 3. A
4. Katitikan ng pagpupulong 4. B
5. Talumpati 5. D
ISAGAWA: GAWAIN BLG .2
Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng pambansang
identidad ay isang nabuong kilusang naglalayon ng indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng
agham panlipunan sa ating bansa. Sa pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga
mananaliksik ng lipunang Pilipino ay gumagamit ng mga konsepto at metodo ng
pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga itinuro ng mga espesialista mula sa
kanluraning daigdig. Sa palagay ng mga indihenista, higit na mabisa at angkop ang
siyentipikong pananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan ng pagsusuri ay galing sa
katutubong karanasan ng komunidad na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na
matatamo ang malalim na pag-unawa sa Pilipino, sa kanyang kamalayan at pagkatao,
Rubriks: Karagdagang gawain

Rasyunal Natutukoy ng Hindi masyadong Hindi natutukoy


wasto ang natutukoy ang ang rasyunal sa
rasyunal sa sulatinrasyunal sa sulatin sulatin (5)
(10) (8)
Metodolohiyang Natutukoy ng Hindi masyadong Hindi natutukoy
ginamit wasto ang natutukoy ang ang
metodolohiyang metodolohiyang metodolohiyang
ginamit sa sulatin ginamit sa sulatin ginamit sa sulatin
(10) (8) (5)
Saklaw at Natutukoy ng Hindi masyadong Hindi natutukoy
Delimitasyon wasto ang saklaw natutukoy ang ang saklaw at
at delimitasyon saklaw at delimitasyon sa
sa sulatin (10) delimitasyon sa sulatin (5)
sulatin (8)
Resulta ng Natutukoy ng Hindi masyadong Hindi natutukoy
pananaliksik wasto ang resulta natutukoy ang ang resulta ng
ng pananaliksik sa resulta ng pananaliksik sa
sulatin (10) pananaliksik sa sulatin (5)
sulatin (8)

SANGGUNIAN:
https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Akade
mik Filipino sa Piling Larang ni Bb. Corazon L. Santos Santos, PhD at
G. Gerard P. Concepcion PhD)

https://www.scribd.com/doc/215417679/Kahulugan-ng-Pananaliksik-
docx

https://www.coursehero.com/file/46910528/8-Katangian-ng-
Pananaliksik-at-Hakbangpptx/

https://www.scribd.com/document/354740842/Mga-Layunin-Ng-
Pananaliksik

https://www.slideshare.net/StemGeneroso/akademikong-sulatin-sa-
filipino-sa-piling-larang

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI121/Aralin%201%20Sulating
%20Akademik%20(1).pdf
https://pytnpndportfolio.wordpress.com/mga-akademikong-sulatin/

SANGGUNIAN: Venido, Ana
Melissa, https://www.slideshare.net/anamelissavenido1/pagsulat-ng-
abstrak, June 24, 2017

SANGGUNIAN: Mohinog, Arrhiane, https://prezi.com/5rnbkuln8xi0/pagsulat-ng-
buod-at-sintesis/, July 24, 2017

Bernales, Rolando A., Pagsulat sa Filipino. 2016


Carasig, Keico., www.slideshare.net., Enero 2, 2017
Faculty.washington.edu/ezent/impo.htm
Pondantes, Fritz Earlin ., www.slideshare.net, Mayo 5, 2016
Sacristan, Joeffrey., www.slideshare.net, Agosto 11, 2017
Gabiane, Ruth O., Talumpati_kaligiran.pptx, 2018

Bernales, Rolando A., Pagsulat sa Filipino. 2016


Gabiane, Ruth O., Panukalang proyekto_kaligiran.pptx, 2018

SANGGUNIAN: ncz, https://brainly.ph/question/411196


SANGGUNIAN: https://brainly.ph/question/985575
https://brainly.ph/question/1520700#readmore

SANGGUNIAN: https://brainly.ph/question/783278

SANGGUNIAN: https://brainly.ph/question/491100#readmore

https://prezi.com/qxet5ngtvm2y/mga-hakbang-sa-paggawa-ng-mga-
akademikong-sulatin/?
frame=19921042c40d59baf7af13f566c80218841f0678

http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

You might also like