You are on page 1of 43

MODYUL SA PAGKATUTO

FILIPINO SA PILING LARANGANG AKADEMIK


(Filipino - 03 Grade 12)

UNANG MARKAHAN- Unang Linggo


ARALIN 1: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Paksa
(Your Topic)
Kahulugan, kalikasan ng Akademikong Pagsulat
Materials: Pagbasa ng teksto, Papel at panulat

Tunguhing Pamantayan
(Your Target Competencies)

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:


 Nabibigyang-kahulugan at nasusuri ang kalikasan ng akdemikong pagsulat
 Nakapagbibigay halaga sa akademikong pagsulat

Panimulang Gawain
(Your Initial Task)

Paganyak: Pagtatala
Panuto: Ibigay ang pagkakaiba ng pagsusulat ng mga manunulat noon at ngayon.
Isulat ang iyong sagot sa kasunod na talahanayan.
PAGSULAT
NOON NGAYON

Naibigay mo na ang pagkakaiba ng pamaraan sa pagsulat noon at ngayon, ating


talakayin ang kahulugan, kalikasan nga akademikong pagsulat.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pagtalakay sa Aralin
(Your Text)

Mahirap lapatan ng isang simpleng depinisyon ang terminong “akademikong


pagsulat” dahil tumutukoy ito sa pagsulat na isinasagawa para sa maraming kadahilanan.
Mayroon ding iba’t ibang anyo ang akademikong pagsulat at bawat isa sa mga iyon ay
may kalikasang ikinaiiba sa iba.

Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat ayon sa mga sumusunod:

A Ang isang pangmalawakang depinisyon na maibibigay sa akademikong pagsulat


ay ano mang pagsulat na isinasagawa upang matupad sa isang pangangailangan
sa pag-aaral. Sa madaling sabi, kinapapalooban ito ng ano mang itinatkadang gawaing
pagsulat sa setting na akademiko. Ginagamit din ang akademikong pagsulat para sa mga
publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilahad sa mga komprensya.
(Bernales, et al., 2016)

B Mabibigyang-kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang ano mang akdang


tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga
mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa
isang paksa. Sa pangkalahatang, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal,
impersonal at obhetibo. (Doble, J. (Ed). 2006)

Tatlong kalikasan ng Akademikong Pagsulat na sinusunod ng nakrarami ayon kina


Fulwiler at Hayakawa (2003), ay ang sumusunod:

1 KATOTOHANAN- Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na


ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.

2 EBIDENSYA- Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga


mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang
inilahad.

3 BALANSE- Nakakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng


mga haka,opinyon, at argumento ay kailangang gumagamit ng wikang walang
pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga
nagsasalungatang pananaw.

Pangmidyang Sanggunian
(Your Techno-time)

 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring buksan ang bidyo na may


file name: BIDYO 1: Kahulugan, kalikasan ng Akademikong Pagsulat sa
iyong flash drive.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Panglinang na Gawain
(Yor Practice Test)

Gawain A: Tama o Mali

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga kasunod na pahayag ukol sa kahulugan at
kalikasan nga akademikong pagsulat. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa inahan ng
bawat bilang.
___________1. Ang akademikong pagsulat ay kinapapalooban ito ng ano mang
itinatakdang gawaing pagsulat sa isang setting na akademiko.
___________2. Ayon sa isang dalubhasa sa pagsulalt ang akademikong pagsulat ay
Kinakailangan tumpak, pormal, impersonal at obhetibo.
___________3. Kinakailangan gumamit ng wikang may pagkiling sa paggawa ng
akademikong pagsulat.
___________4. Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang may
akda ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.
___________5. Ang isang akademikong pagsulat ay gumagamit ng mga
Mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang kanilang
inilalahad na pahayag.

Gawain B: Pagpapakahulugan
Panuto: Batay sa iyong natutunan, ano ang akademikong pagsulat para sa iyo?
(10 puntos)

_______________________________________________

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pagtataya
(Your Final task)

Pangalan: ___________________________________Pangkat: _________________


Guro: ______________________________________ Petsa ng Pagpasa: _________

Panuto: Maghanap ng isang balita sa pahayagan o artikulo, basahin ito at suriin kung
anong kahulugan, kalikasan ng akademikong pagsulat ang makikita rito.
_

______________________________________________________________________________

Pagpapahalaga
(Your thoughts)

Paano mo mapahahalagahan ang pagsulat ng akademikong sulatin?

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


MODYUL SA PAGKATUTO
FILIPINO SA PILING LARANGANG AKADEMIK
(Filipino - 03 Grade 12)

UNANG MARKAHAN- Unang Linggo


ARALIN 2: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Paksa
(Your Topic)
Layunin at Tungkulin o Gamit ng Akdemikong Pagsulat
Materials: Pagbasa ng teksto, papel at panulat

Tunguhing Pamantayan
(Your Target Competencies)
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:
 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
a) layunin b) tungkulin o gamit
 Nabibigyang halaga ang mga layunin at tungkulin o gamit akademikong pagsulat

Panimulang Gawain
(Your Initial Task)

Paganyak: Pagsusulat

Panuto: Kung ikaw ay isang mamamahayag, ano sa tinging mo ang layunin ng iyong
sinulat? Ilagay ang sagot sa patlang.

Bawat pagsulat na gagawin ay may layunin. Kaya alamin ang mga layunin ng
akademikong pagsulat.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pagtalakay sa Aralin
(Your text)
Layunin ng Akademikong Pagsulat:

1 Mapanghikayat na Layunin- Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng


manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang
posisyon hinggil sa isang paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin na ito,
pumili siya ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga
katwiran at ebidensya, at tinatangka niyang baguhan ang pananaw ng mambabasa
hinggil sa paksa. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Posisyong Papel.
Halimbawa:

Mula sa: slideshare.net

2 Mapanuring Layunin- Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang layunin nito
ay maipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat,
madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen ang mga bunga o epekto, sinusuri
ang kabisaan, inaalay ang mga paraan ng pag Lucas ng suliranin, pinag-uugnay-ug ay
ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba, Kinapapalooban ito ng
bahaging sintesis kung saan pinagsasama-sama ang iba’t ibang bahagi upang
makabuluhang sa sariling sagot sa tanong kaugnay ng paksa. Isang halimbawa nito ay
ang pagsulat ng Panukalang Proyekto.
Halimbawa:
BALANGKAS NG ISANGPANUKALANG PROYEKTO
PAGSASAGAWA ng Pook PasyalanLUNETA PARK
PROPONENT NG PROYEKTO:● Ambong, Kim Karen P.● Bergonio, Kaila Ysavl L.● Jimeno, Airah
Nicole T.● Pascua, Ma. Dianah Joyce G.● Solis, Eleanor Elisha E.● Susmeña, Chermaigne Audrey V.
PAMAGAT NG PROYEKTO:“Liwanag sa Dilim”
PONDONG KAILANGAN:₱263,840.00

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


RASYONAL
Ang pagsasagawa ng Pook Pasyalan sa Luneta Park ay isa sa mga
plano na isasagawa ng ika-limang pangkat mula sa ikatlong seksyon ng
labindalawa, Humanidades at Agham Panlipunan (12-HUMSS 3), sa
asignaturang Filipino na hinahawakan ni Gg. Ian Mark G. Nibalvos. Ang Pook Pasyalan
ay magiging kilala bilang isang destinasyon na nakakapang-akit samga tao lalong lalo na
ang mga turista. Ang Pook Pasyalan ay isasagawa ngpangkat sa liwasan ng Luneta. Ito
ay hindi lamang naglalayon na akitin angmga tao o turista, kundi para makadagdag na
din sa pagtaas ng ekonomiyaat ganda ng bansa. Bukod sa pagsasagawa ng proyektong
ito, nasisiguradong mahalagaat kakaiba ito sa mga pook pasyalan na ating laging nakikita
at napuntahan,sapagkat ang pook pasyalan na ito ay naglalaman ng mga materyales
kungsaan ito ay recycled. Hindi lamang ito makakatulong sa kalikasan
namabawasan ang mga plastic, kundi makakatulong na din ito sa kaalaman ng mga tao
sa pagsasagawa ng iba’t ibang bagay na gawa sa mga recycled namateryales.Ito ay
makakatulong para mahikayat o matulungan ang ating mgakapwa Pilipino na
maging disiplinado at maging malikhain. Ito ay makakatulong din upang
mawala ang pagkilala sa atin ng mga dayuhanbilang mga “hindu”, at upang
makikilala ang mga Pilipino sa katangian napagiging malikhain. Ang diskriminasyon na
iyon ang isa mga salik na hindi tinatangkilik at minamaliit ang gawa ng Pinoy.
Bagkus, ang mga plasticbottles ay may silbi pa din kahit wala na itong laman (Pascua,
n.d.).

3 Impormatibong Layunin – Sa impormatibong akademikong pagsulat,


ipinapaliwanag ang mga posibling sagot sa isang tanong upang mabigyan ang
mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Naiiba ito sa
sinundang layunin dahil hindi tinutulak o pinupwersa ng manunulat ang kanyang sariling
pananaw sa mambabasa, manapa’y kanyang pinaka lawas lamang ang kanilang
pananaw hinggil sa paksa. Isang halimbawa nito ay pagsulat ng abstrak.
Halimbawa
Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon
Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng
intelektuwalisadong wika. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa problema. Binigyang diin ang
mga pananaw na ang wikang Filipino ay isang wikang hindi kayang maipahayag ang mga
kaisipan. Dagdag pa rito, sinabi rin na ang dahilan nito ay ang kanluraning kaisipan. Mula rito,
sinabi na ang mga may pribilehiyo at nakapapasok sa mga unibersidad lamang ang nakaiintindi
sa mga kaalaman; nahiwalay ang unibersidad sa taong bayan. Ang pagkakabuo ng “Sikolohiyang
Pilipino”— koleksiyon ng mga masteral na tesis at disertasyon ng Unibersidad ng Pilipinas mula
1974 hanggang sa kasalukuyan— ang naging dahilan sa pagsulat sa wikang Filipino, na
nakapagpalaya sa kanila mula sa dayuhang teorya at nakapag-isip ng orihinal na ideya sa
pagsusuri sa lipunang Pilipino. Mula rito, binigyang diin ang tungkulin ng unibersidad at ng mga
intelektuwal. Sinabi na ang unibersidad ang may tungkulin sa pagpapalaganap, pagsulong at
pagpapayaman ng wikang Filipino upang magkaroon ng oportunidad ang masang Pilipino na
makalahok sa mga intelektuwal na diskurso. Tungkulin naman ng mga intelektuwal ang pagwasak
sa alyenasyon ng unibersidad, ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagtulong sa paghasa ng
isipan ng masang Pilipino sa pagiging kritikal at malikhain. (Mula sa: academia.edu)

Tungkulin o Gamit ng Akademiklong Pagsulat

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


1 Ang Akademikong pagsulat lumilinang ng kahusayan sa wika
Sa apat na Makrong kasanayan pangwika, Pagsulat ang pinakahuli. Dahil ito ang
pinakahuling natutunan ng isang tao at siyang pinakamahirap linangin, kumpara sa
pakikiing, Pagsasalit at pagbasa, kaya nga gayon na lamang ang pagtuturo nga pansin
ng mga paaralan sa kasanayang ito. Hindi sapat ang mataas na antas ng kasanayang
pangwika sa Pakikinig at Pagbasa. Kailangang matapatan ang mga ito ng mataas ding
antas ng kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat, at nalilinang ang mga ito ng akademikong
pagsulat. Sa akademikong pagsulat, nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga
mag-aaral. Sa pamamagitan ng aplikasyon ng kaalaman sa gramatika at sintaktika sa
mga gawaing pagsulat, nalilinang ang kakayahang pagmatik ng mga mag-aaral.
Samantala, sa pag-oorganisa ng mga akademikong papel, nalilinang ang kakayahang
diskoral ng mga mag-aaral. Mga kakayahan itong humuhubog sa mga mag-aaral upang
maging mabisang komyunikeytor.

2 Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip


Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang
awtput. Ang proseso na ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri,
pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain. Ang isang mahusay na
manunulat ay isang mahusay na mambabasa. Halos imposibleng nakasulat ng isang
mahusay na akademikong papel ang isang manunulat nang hindi nagbabasa. Sa yugtong
ito, ang manunulat ay nagsusuri rin ng kanyang binasa. Hindi lahat ng kanyang binasa ay
tinatanggap at ginagamit. Pumapaloob din siya sa mga proseso ng mapanuring pagbasa
tulad ng pagklasipay o pag-uuri, pag-ug ay ng mga konsepto, pagbuo ng lagom at
kongklusyon at iba pa. Bumubuo rin siya ng mga pasya kaugnay ng kanyang sulatin. Ang
gawaing ito ay lumilinang sa kritikal na pag-iisip na kailangang-kailangan upang ang
isang indibidwal ay maging magtagumpay hindi lang sa akademya, kundi iba pang
gawain at larangan sa labas ng paaralan.

3 Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.


Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nalilinang sa paaralan. Higit na
mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang
pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral. Sa pamamagitan ng akademikong
pagsulat, inaasahang malilinang ang katapatan sa bawat mag-aaral. Halimbawa, paulit-
ulit ang pagbibigay-diin ng mga may-akda nito at ng mga guro sa intelectual honesty sa
pagsulat ng ano mang akdemikong papel. Ang akdemikong pagsulat ay inaasahan ding
makapagtuturo sa mag-aaral ng halaga ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap,
responsibilidad, pangangatwiran at pagpapanatiling bukas na isipan. Samantala, mga
mga gawaing pagsulat na kailangang gawin nang pangkatang. Kung gayon, inaasahang
malilinang sa mga mag-aaral ang kooperasyon sa mga gawaing ito, maging ang
paggalang sa individual, ethic o racial differences. Dahil sa pagsulat ng bawat
akademikong papel ay may mga hakbang at panuto na dapat sundin, nalilinang din sa
pagsulat nito ang pagkamasunurin at disiplina. Ang lahat ng nabanggit na mga
pagpapahalagang ito ay lubhang mahalga upang ang isang indibidwal ay maging
magtagumpay sa loob at labas ng paaralan.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
4 Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad ng mga mamamahayag at
mga awtor ang nagsusulat. Halos lahat ng maiisip na propesyon ay
kinasasangkutan ng pagsulat. Halimbawa, ang mga doktor ay gumagawa ng medical
abstract at patient’s medical history. Ang mga abugado ay nagsusulat ng pleading at
position papers. Ang mga pulis ay nagsusulat ng police report at blotter. Ang mga
engineer at mga arkitekto ay kailangan gumawa ng project proposal. Ang mga guro ay
regular na pinagagawa ng action research. Karaniwan din sa negosyo ang
pangangailangan ng feasibility study. Kung gayon, ang akademikong pagsulat sa Senior
High School (SHS) sa academic track ay hindi lamang isang paghahanda sa mga mag-
aral sa mga higit na mapanghamong gawain sa kolehiyo.

(Bernales, etal.,(2016) Filipino sa Larangang Akademik. Mutya Publishing House, Inc.)

Pangmidyang Sanggunian
(Your Techno-time)

 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring buksan ang bidyo na may


file name:BIDYO 2: LAYUNIN AT TUNGKULIN O GAMIT NG
AKADEMIKONG PAGSULAT sa iyong flash drive.

Panglinang na Gawain
(Your Practice test)

Gawain: PAGPIPILIAN
Panuto: Bilugan ang titik ng wastong salita, parirala o pangungusap na tinutukoy sa
layunin o gamit ng mga kasunod na pahayag.

1. Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang gumagamit ng napapanahon,


propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon.
a. Epektibong Pananaliksik c. Matibay na Suporta
b. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon d. Iskolarling Estilo sa Pagsulat
2. Ang proseso ng akademikong pagsulat ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri,
pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain.
a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
d. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalang pantao.

3. Sa akademikong pagsulat, nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aral.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
d. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalang pantao.
4. Sa pamamagitan naman ng paglalapat ng mga prinsipyong pangkomunikasyon sam ga
gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang pragmatik ng mga mag-aral.
a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
d. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalang pantao.
5. Higit na prospektibo ang layunin ng akademikong pagsulat sa SHS at ito ay paglinang ng
global na kompetetibnes sam ga Pilipinong propesyonal.
a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
d. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalang pantao.
6. Ang akademikong pagsulat ay inaasahan ding maka pag turbo sa mag-aaral ng halata ng
kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiran at pagpapanatili ng
bukas na isipan.
a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
d. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalang pantao.
7. Inaasahang nalilinang sa mag-aral ang kooperasyon sa mga gawaing pangkatan, maging
ang paggalang sa individual, ethic o racial differences.
a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
d. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalang pantao.
8. Ang manunulat ay nagsusuri rin ng kanyang binasa. Hindi lahat ng kanyang binabasa kasi
ay kanyang tinatanggap at ginagamit.
a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
d. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalang pantao.

9. Sa pag-oorganisa ng mga akademikong papel, nalilinang ang kakayahang diskoral ng


mga mag-aaral.
a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
d. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalang pantao.
10. Dahil sa pagsulat ng bawat akademikong papel ay may mga hakbang at panuto na dapat
sundin, nalilinang din sa pagsulat nito ang pagkamasunurin at disiplina.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


a. Ang akdemikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
b. Ang akdemikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
c. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.

Pagtataya
(Your Final task)

Paalala: Ang pagtataya sa araling ito ay gagawin sa susunod na modyul.

Pagpapahalaga
(Your thoughts)

Sa iyong palagay, kinakailangan bang bigyang halaga ng isang manunulat ang


layunin at gamit ng akademikong pagsulat sa paggawa ng sulating akademik?Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


MODYUL SA PAGKATUTO
FILIPINO SA PILING LARANGANG AKADEMIK
(Filipino - 03 Grade 12)

UNANG MARKAHAN- Ikalawang Linggo


ARALIN 3: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Paksa
(Your Topic)
Katangian at Anyo ng Akademikong Pagsulat
Materials: Pagbasa ng teksto, Papel at panulat

Tunguhing Pamantayan
(Your Target Competencies)
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:
 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
a) Katangian b) Anyo
 Nabibigyang halaga ang Katangian ay Anyo ng Akdemikong pagsulat

Panimulang Gawain
(Your Initial Task)
Paganyak: Spider web
Panuto: Gamit ang Spider’s Web, isulat sa loob ng mga bilog na nakapalibot sa salitang
pagsulat ang mga salitang may kaugnayan nito.

PAGSULAT

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Ang salitang nakapalibot sa salitang pagsulat ay maaaring ito ay maging kanyang
katangian o di kay ay anyo nito. Sa larangang akademik, ang pagsulat ay nagtataglay ng
katotohanan, katibayan at balanse.

Pagtalakay sa Aralin
(Your text)
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Ayon kay Andy Gillett, 2020, ang akademikong pagsulat sa wikang ingles ay linear.
At ito ay may katangian:

KOMPLEKS- Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalita na wika. Ang
1 pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at
bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na
kapansin-pasin sa ano mang pasulat na gawain.

PORMAL- Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng
2 pagsulat. Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na mga salita at ekspresyon.

TUMPAK- Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay
3 inalalahad nang tumpak o walang labis o walang kulang.

OBHETIBO- Ang akademikong pagsulat, sa pangkalahatan ay obhetibo, sa halip


4 na personal. Ang pokus kasi nito kadalasan ay ang impormasyong nais Ibigay at
ang mga argumentong nais gawain, sa halip na ang manunulat mismo o ang
kanyang mamababasa.

5 EKSPLISIT- Ang akdemikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto.


Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano
ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay
nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang salitang signaling
words sa teksto.

6 WASTO- Ang akademiko ay gumagamit nang wastong mga bokabularyo o mga


salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas
katisuran o pagkakamali ng mga karaniwang manunulat.

7 RESPONSABLE- Sa akdemikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging


responsible lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang
nagpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan din niyang maging responsible sa
pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginagamit kung ayaw niyang
ma parating an na isang plagyarista.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


8 MALINAW NA LAYUNIN- Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay
ng layunin.

MALINAW NA PANANAW- Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan


9 ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o source. Ang
manunulat nito ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng
kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang
papel. Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.

MAY POKUS- Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta


10 sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi
nauuugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.

LOHIKAL NA ORGANISASYON – Ang akademikong pagsulat ay may


11 sinusunod na standard na organisasyon na hulwaran. Ang karamihan ng
akademikong papel ay may introduksyon, katawan, at kongklusyon bawat talata
ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.

MATIBAY NA SUPORTA- Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at


12 kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang
suportang ito ay maaaring kapalooban ng fact, figures, halimbawa, deskripsyon,
karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.

MALINAW AT KUMPLETONG EKSPLANASYON- Napakahalaga nito, dahil


13 bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na
pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging
malinaw at kompleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.

EPEKTIBONG PANANALIKSIK- Sa karamihan ng Akademikong papel,


14 kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng
mga impormasyon. Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong
pagsulat. Kaugnay nito, mahalagang maipamalas ang intelektwal na katabang sa
pamamagitan ng dokumentasyon ng lahat ng hinangong impormasyon o datos.

15 ISKOLARLING ESTILO SA PAGSULAT- Kakaiba ang estilo sa akadmikong


pagsulat, kaysa ibang uri ng pagsulat, tulad halimbawa sa malikhaing pagsulat.
Iskolarli ang istilo sa pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito ang
kalinawan at kaiklian. Kailangan ding madaling basahin ang akademikong papel, kung
kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling,
pagbabantas at bokabularyo sa pagsulat nito.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat

1 Karaniwang Anyo
Ito’y tinatawag na karaniwan dahil ito ang madalas ipinapagawa sa mga mag-aaral
sa iba’t isang asignatura. Nabibilang dito ang mga sumusunod:
a. Sintesis
b. Buod
c. Abstrak
d. Talumpati
e. Rebyu

2 Personal o Pansarili
Ito’y naiiba sa ibang anyo ng akademikong pagsulat dahil ito ay personal o
pansarili. Nakatuon ang mga ito sa manunulat mismo, sa kanyang pag-iisip at nadarama
kaugnay ng kanyang paksa, maging sa kanyang mga personal na karanasan at maging
sa kanyang may-pagkiling o subjective na pananaw. Nakapaloob dito ang mga
sumusunod:
a. Replektibong Sanaysay
b. Posisyong Papel
c. Lakbay-Sanaysay
d. Pictorial Essay

3 Residual
Ang ibig sabihin, hindi nabibilang ang mga ito sa una at ikalawang kategorya.
Nakapaloob dito ay ang mga sumusunod:
a. Bionote
b. Panukalang Proyekto
c. Agenda at katitikang Pulong

Pangmidyang Sanggunian
(Your Techno-time)

 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring buksan ang bidyo na may


file name: BIDYO 3: KATANGIAN AT ANYO NG AKADEMIKONG
PAGSULAT sa iyong flash drive.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Panglinang na Gawain
(Your Practice Test)

Gawain: Pagpipilian
Panuto: Ilagay ang titik sa patlang bago ang bilang ng wastong salita na tinutukoy ng
mga kasunod na pahayag.

__________1. Ito ang kategorya ng akademikong pagsulat na kinabibilangan ng


Abstrak at Sintesis.
a. Karaniwan c. Iba pa
b. Personal d. Wala sa Pagpipilian

__________2. Ito ang kategorya ng akademikong pagsulat na kinabibilangan ng


Replektibong sanaysay at Lakbay-Sanaysay.
a. Karaniwan c. Iba pa
b. Personal d. A at B

_________3. Napabilang ito sa tinatawag na Residual.


a. Panukalang Proyekto c. Lakbay-sanay
b. Bionote d. Pamanahong Papel

________ 4. Nakatuon ang mga sinulat sa mga may akda mismo.


a. Personal c. Residual
b. Karaniwan d. Wal asa Pagpipilian

________5. Madalas ipinapagawa ito sa mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura.


a. Personal c. Residual
b. Karaniwan d. B at c

________6. Hindi angkop sa akademikong pagsulat ang mga kolokyal at balbal na


salita at ekspresyon.
a. Kompleks c. Tumpak
b. Pormal d. Obhetibo

_______7. Sa akademikong pagsulat, ang facts and figures ay inilalahad nang walang
labis walang kulang.
a. Kompleks c. Tumpak
b. Pormal d. Obhetibo

_______8. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung


paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.
a. Obhetibo c. Responsable
b. Eksplisit d. Kompleks

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


_______9. Maingat dapat ang manunulat ng akademikong papel sa paggamit ng mga
salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
a. Pormal c. Responsable
b. Eksplisit d. Wasto

_______10. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi
mahalaga at taliwas na impormasyon.
a. Responsible c. May Pokus
b. Malinaw na Layunin d. Malinaw na Pananaw

Pagtataya
(Your Final task)

UNANG TAHAS
Panuto : Gamit ang teksto sa ibaba, tukuyin kung ano ang layunin, tungkulin o gamit,
katangian at anyo ng teksto sa ibaba sa pamamagitan ng pagpapaliwanag at ibigay ang
impormasyong nais iparating nito. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang sagutang papel.

Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating
masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan na
nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag
masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong
nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin
ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino talaga
ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang tao ay
“inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing gabi
dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo ‘yong
pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka ng walang dahilan kaya
minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong pakiramdam na abot hanggang
tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan niya sa inbox mo at syempre ‘yong
pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa, kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-
maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang mainlove sa isang tao lalo na kung alam
mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba “Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay
nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda, mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman ay
nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong grabe kung magmahal, ‘yong
tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din namang ginagawa lang laro
ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa lang inspirasyon ang
pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang mga
babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa sobrang kilig, hampas ng katabi, at “pabebe-
effect” o parang sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang
pero grabe kung mainlove, tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung
anong isipin ng iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi
naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa hanggang
dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa inyong mga
magulang. Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao, ‘yong tipong
nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan
iyong dadaan ka sa harap nila pero wala namang nangyayari, nagpapaimpress kahit di naman
sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang mundo ngayon, babae na ang mismong
lumalapit sa mga lalaki.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay
mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi
lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat
tanggap niyo ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong
mahal mo siya .Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang
ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran
at hindi ang pagsumbat sa kasalanan. Bago tayo pumasok sa isang relasyon, isipin muna natin
ng maiigi, para sa huli, walang pagsisising magaganap.

(Mula sa: https://risalynnnnnnn.wordpress.com/tag/)

Rubriks ng Pagmamarka
Ebalwasyon
Mga ideya (6pts) ______ Gamit ng mga Salita (6pts) _____
Ang Pagkakabuo (6pts) ______ Paglalahad ng mga Pangungusap (6pts) _____
Ang Tono/Himig (6pts) ______ Pagkamalikhain (6pts) _____
Kabuuan (36 pts) ______
1-6 = 75% 7-12= 80% 13-18 = 85% 19-24= 90% 25-30 = 93% 31-36 = 95%

Pagpapahalaga
(Your Thoughts)

Asa araling ating tinalakay, anong aral ang iyong nakukuha at Paano
mo ito palalaguin bilang isang nag-aaral sa iyong piniling larangan?

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


COR JESU COLLEGE
Basic Education Department

SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO


(Filipino sa Piling Larangang Akademik)

PANGALAN:_____________________________ PANGKAT: _________


GURO: _________________________________PETSA NG PAGPASA: _________

PAGTATAYA SA UNANG TAHAS

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


MODYUL SA PAGKATUTO
FILIPINO SA PILING LARANGANG AKADEMIK
(Filipino - 03 Grade 12)

UNANG MARKAHAN- Ikatlong linggo


ARALIN 4: PAGSULAT NG SULATING AKADEMIKO

Paksa
(Your Topic)
Kahulugan, kalikasan at katangian sa pagsulat ng sulating akademiko
Materials: Pagbasa ng teksto, Papel at panulat

Tunguhing Pamantayan
(Your Target Competencies)

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:


 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan,
at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademik
 Napapahalagahan ang pananaliksik batay sa kahulugan, kalikasan at
katangian ng akademikong sulatin

Panimulang Gawain
(Your Initial Task)

Paganyak: KWL Tsart


Panuto: Punan ang hinihingi ng tsart ukol sa iyong kaalaman, nais, at natutunan
sa akademikong pagsulat.

Know (Alam) Want (Nais) Learned (Natutunan)

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Ang kasagutan mo sa talahanayan ay nagpapahiwatig kung gaano kalawak ang
iyong kaalaman sa Akademikong pagsulat. Ngayon bigyaan natin ito ng puwang upang
mas maintindihan natin ang kahulugan, kalikasan at katangian ng akademikong sulatin.

Pagtalakay sa Aralin
(Your Text)

Kahulugan, Kalikasan at Katangian sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin


Ang sulating akademiko ay tumutukoy sa mga sulating isinusulat para sa
larangang akademiko. Nakabatay ito sa datos at impormasyong itinuturing na totoo. Ang
bawat sulating akademiko ay dumadaan sa proseso ng pananaliksik bago ang aktuwal na
pagsulat tulad ng pagtitipon at pagsasala ng mga datos na pagbabatayan ng
isusulat.aktuwal na pagsulat, at rebisyon ng mga sulating akademiko.
(mula sa: coursehero.com)

Ang Proseso ng Akademikong pagsulat

Datos Aktuwal na Awtput


Pagsulat

Rebisyon
Ang mga sulating akademiko ay may partikular na gamit sa iba’t ibang sitwasyon.
Halimbawa, ang abstrak, sintesis/buod, panukalang proyekto, at replektibong sanaysay
ay malimit na isusulat bilang mga pangangailangan sa pag-aaral sa kolehiyo o
pamantasan, maging sa mga korporasyong nangangailangan ng mga pananaliksik gaya
ng midya at advertising. Ang pagsulat ng agenda at katitikang Pulong ay mga
kasanayang kinakailangan ng mga kalihim (secretary) ng kompanya at maging ng mga
tagapangasiwa (administrator). Ang posisyong papel naman ay kapakipakinabang para
sa mga samahan o manggagawa lalo na yaong nasa non-government organizations
(NGO) na nagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mamamayan/ konsyumer upang
maipahayag ang kanilang mga saloobin at kalagayan ukol sa isang usaping may
direktang epekto sa kanila. Samantala, ang pictorial at lakbay-sanaysay ay ang angkop
naman sa pangangailangan ng mga nasa larangang pang turismo at pagsulat sa mga
magasing panturista.

Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng Sariling opinyo
Paraan o batayan ng datos Paraan o batayan ng datos
Obserbasyon, pananaliksik at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya at
komunidad

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong Iba’ibang publiko
kimunidada)
Organisasyon ng ideya: Organisasyon ng ideya:
 Planado ang ideya  Hindi malinaw ang estruktura
 Maypakakasunod-sunod ang estraktura ng  Hindi kailangang magkakaugnay
mga pahayag ang ideya
 Magkakaugnay ang mga ideya
Pananaw: Pananaw:
 Obhetibo  Subhetibo
 Hindi deritang ttumutukoy sa tao at  Sariling Opinyon, pamilya,
damdamin kundi sa mga bagay, ideya, facts komunidad ang Pagtukoy
 Nasa pangatlong panauhan ang  Tao at damdamin ang tinutukoy
pagkakasulat  Nasa una at pangalawang
panauhan.ang pagkakasulat.
(https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-
HAND-OUTSdocx)

Pangmidyang Sanggunian
(Your Techno-time)

 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring buksan ang bidyo na may


file name: BIDYO 4: Kalikasan ng Akademikong Pagsulat sa iyong flash
drive.

Panglinang na Gawain
(Your Practice Test)
Gawain: Venn Diagram
Panuto: Gamit ang Venn diagram, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
sulating akademiko at di-sulating akademiko? (15 puntos)
Akademiko Di-kademiko

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pagtataya
(Your Final task)

Pangalan: _____________________________ Pangkat:___________________


Guro: _________________________________ Petsa ng Pagpasa: ____________
Gawain: Pagsulat
Panuto: Magsagawa ng pananaliksik hinggil sa kahulugan, kalikasan at katangian ng
isang sulating akademikong hindi natalakay sa modyul na ito.
Rubriks ng Pagmamarka
Ebalwasyon
Mga ideya (7pts) ______ Gamit ng mga Salita (6pts) _____
Ang Pagkakabuo (6pts) ______ Paglalahad ng mga Pangungusap (6pts) _____

Kabuuan (25 pts) ______

Pagpapahalaga
(Your thoughts)
Sa iyong pagnanaliksik natutugunan ba ang iyong pangangailangan sa pagsulat
ng sulating akademik lalo na sa pinili mong larangan? Ipaliwanag.
________________________________

____________________________________________________________________

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


MODYUL SA PAGKATUTO
FILIPINO SA PILING LARANGANG AKADEMIK
(Filipino - 03 Grade 12)

UNANG MARKAHAN- Ikaapat Linggo


ARALIN 5: PAGSULAT NG BUOD

Paksa
(Your Topic)
Istilo, Teknikal na Pangangailan at Pagsulat ng akademikong sulatin (Buod)
Materials: Pagbasa ng teksto, Papel at panulat

Tunguhing Pamantayan
(Your Target Competencies)
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aral ay inaasahan:

 Nakasusunod sa istilo, teknikal na pangangailangan at nakasusulat nang


maayos na akademikong sulatin (Buod)
 Napahahalagahan ang pagsunod sa istilo at pangangailangan sa pagsulat
ng buod

Panimulang Gawain
(Your Initial Task)

Paganyak: Magtala ng 10 pamagat ng teksto/ aklat na iyong nabasa ang nagustuhan ng


lubusan. Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

Sa kominikasyong interpersonal, isa sa pinaka madalas gawin ay ang pagbubuod


at pagsasama-sama ng mga ideya mula sa iba’t ibang impormasyong napakinggan o
nabasa. Ngayon talakayin natin ang istilo at pangangailangan sa pagsulat ng buod.

Pagtalakay sa Aralin
(Your Text)
Sa larangang akademiko, karaniwan ang pagsasagawa sa mga ito sa mga
diskurso at kilala ang prosesong ito bilang pagbubuod.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pandagdag kaalaman

Ang buod ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang
mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa. Ibig
sabihin, maaaring magsulat o magpahayag ng buod ng isang nakasulat na akda o oral na
pahayag. Sa paaralan, karaniwang ginagawan ng buod ang mga Kwentong binasa,
balitang napakinggan, isyung tinutukan, pananaliksik na pinag-aralan, palabas na
sinubaybayan, peilkulang pinanood, o liksyong napakinggan, ang mga nabanggit ay
karaniwang ipanagagawa ng guro upang masigurong natandaan ng isang mag-aaral ang
mga detalyeng nabasa o napakinggan at upang masukat kung naunawaan ang mga ito.
Samantala, nagagamit naman ng mga propesyonal ang pagbubuod sa kanilang
pag-uulat sa trabaho, lihim pangnegosyo dokumentasyon at iba pa. Sa pamamagitan ng
mga ito, Mas madali at episyenteng naitutulay sa iba ang mga mensaheng gugugol ng
mahabang panahon kung ilalahad nang buo. Ipinapakita dito ngayon, ang mahalaga ng
proseso ng pagbubuod at kakayahang magbuot ng isang propesyonal na indibidwal sa
pagganap sa kanyang tungkulin. Naipapakita rin nito na hindi lamang natatapos sa
gawaing akademiko ang pagbubuod bilang gawain.

May tatlong mahigit na teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng buod o


summary ito’y ayon kina Swales at Feat (1994). Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na


1 teksto.
Mahalaga na masigurong naihahayag din ng buod ang kabuuan ng orihinal na
teksto. Bagamat buod ito, mapapatid lamang na ang mga datos o detalyeng Mahalaga ay
makikita parin sa buod. Kailangan ang kabuuang mensaheng makukuha sa pagbasa o
pakikinig ng isang buong teksto ay siya ring mensaheng makukuha kapag nabasa o
napakinggan ang buod nito. Ibig sabihin, dapat kapag ihayag ang buod ang kabuuang
mensaheng ihahataid ng tekstong pinagmulan nito.

2 Kailangang nailahat ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang


kinikillingan. Dahil ang buod ay muling paghahayag ng mensahe ng orihinal na
teksto, kailangang obhetibo ang lapit dito. Nangangahulgang ang sulating buod ay dapat
hindi maglaman ng pananaw ng sumusulat nito. Hindi rin ito gumagawa ng
argumentasyon o anumang uri ng pag-analisa sa mga detalyeng ibinigay ng orihinal na
teksto. Tanging paglalahad lamang na hindi hinahaluan ng personal na pagtatalakay,
pananaw o pagsusuri ang kailangang makita sa buong buod.

3 Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa


sariling pananalita ng gumawa. Gamitin ang sariling pananalita sa pagsulat ng
buod ng isang akda. Bagama’t maaaring gamitin ang mismong mga salita ng awtor ng
orihinal na akda, mas mahusay na gamitin ang sariling pagpapahayag sa mga detalyeng
isasama sa buod. Tandaan lamang na kung sariling pananalita ang gagamitin, tiyaking ito
rin ang kahulugan ipinababatid ng orihinal na teksto. Sa paggamit ng sariling pananalita
sa pagbubuod, mas nagkakaron din ng laya na mapaiksi ang nilalaman na siya namang

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


isang layunin kapag nagsasagawa ng pagbubuod. Dapat sikaping mabuo ang isang buod
na di-hamak na maiksi ngunit naglalaman ng kabuuang mensahe ng orihinal na teksto.

Mga Istilo o hakbangin sa pagbubuod

Narito ang ilang simpleng istilo o hakbanging magagamit sa pagsulat ng buod ng isang
akda.

Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto


1 at detalye.
Ang pagsasalungguhit ay makakatulong upang madaling balikan ang mga
importanteng konsepto na isasama sa buod. Isa itong paraan ng pagmamarka sa mga
ideya ng magkakaugnay na kalaunan ay maisasama kapag isusulat na ang burador na
buod.

Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang
2 pangunahing paliwanag sa bawat ideya. Kapag nabasa ang pangunahing ideya
ng nilalaman ng akda, makabubuting ilista ito at salungguhitan. Sa bawat
pangunahing detalyeng nakukuha, halimbawa, sa isang talata o grupo ng mga talata, I
sunod na ilista kasunod nito ang mga pantulong na ideya. Ang paggugrupong ito ay
nakapagbibigay ng isang balangkas sa maaaring lamanin at pagkakaayos ng isusulat na
buod. Makatutulong din ito upang madaling mailahad ang eksplanasyon ng bawat
pangunahing diwa na babanggitin sa buod

Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa


3 lohikal na paraan.
Depende sa pagkakalahad ng isang akda, ang orihinal na awtor ay maaaring
gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang kanyang ilahad ang kanyang paksang
tinatalakay. Kung sakaling hindi simpleng linyar na estilo ang ginagamit sa paglalahad,
isang mahusay na teknik ang muling pagsasaayos sa mga detalye at ilahad ito sa isang
paraang simple at madaling masundan.

Kung gumagamit ng unang panauhan (hal. Ako) ang awtor, palitan ito ng
4 kanyang apelyido, ng Ang manunulat, o siya.
Ipinakikita nito na ang pagbubuod may iba sa mismong sumulat o naghatag ng
orihinal na akda. Ang paggamit ng ikatlong panauhan o third person na perspektibo ay
nagpapakita rin ng pagiging obhetibo at hindi personal na mga pahayag sa buod.

5 Isulat ang buod


Kung kinakailangan, maaaring simulan ang buod sa isang pahayag na
magpapakilala sa awtor at sa mismong Akdang binubuo. Maaari ring isama kung saan
nakuha ang akda at kung kailan ito nailimbag. Mula rito’y tutungo sa paglalahad ng
nilalaman ng mismong akda. Bagama’t ito ang tradisyonal na anyo, maaari rin namang
direktang ibuod ang akda nang hindi binabanggit ang mga naturang detalye. Depende sa
kahingian ng sitwasyon.
(Bernales, etal.,(2016) Filipino sa Larangang Akademik. Mutya Publishing House, Inc.)

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pangmidyang Sanggunian
(Your Techno-time)

 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring buksan ang bidyo na may


file name: BIDYO 5: KAHULUGAN AT KAHINGIAN NG BUOD sa iyong
flash drive.

Panglinang na Gawain
(Your Initial Test)

Gawain A: Tama o Mali


Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa
istilo ng pagbubuod. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

____________ 1. Gugamit ng sariling pananalita ang isang manunulat ng buod


ngunit napananatili parin ang orihinal na mensahe.
____________ 2. Binibigyang pagkakataon ang isang mambubuod na maging
malikhain sa pagpapahayag ng kanyang buod.
____________ 3. Ang buod ay dapat sumasagot sa mga pangunahing
katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit at Paano.
____________ 4. Hindi dapat dagdagan ng pa sariling ideya o ng kritisismo ng
nagsusulat ng buod.
____________ 5. Dapat gamitin ang mga susing salita na ginagamit sa orihinal
na teksto.
Gawain B: Pagtutukoy
Panuto: Tukuyin ang mga pahayag sa bawat bilang, isulat ang I kung ito ay istilo
at TP kung teknikal pangangailangan ng buod na isang sulating
akademiko.
_____________ 1. Mahalagang masigurong naihahayag ng buod ang kabuuan
ng orihinal na teksto.
_____________ 2. Tanging paglalahad lamang na hindi hinahaluan ng personal
na pagtataya, pananaw o pagsusuri ang kailangang makita sa
na buong buod.
_____________3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga
ideya sa lohikal na paraan.
_____________4. Gumamit ng unang panauhan ang awtor, palitan ito ng
kanyang apelyido, ng Ang manunulat, o siya.
_____________5. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at
naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pagtataya
(Your Final task)

Paalala: Ang pagtataya ay ibibigay sa huling talakayan sa arilin 5.

Pagpapahalaga
(Your thoughts)
Sa pagsulat ng buod, paano mo mapahahalagahan ang mga istilo at teknikal na
pangangailangan ng isang anyo ng sulating akademiko? _

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


MODYUL SA PAGKATUTO
FILIPINO SA PILING LARANGANG AKADEMIK
(Filipino - 03 Grade 12)

UNANG MARKAHAN- Ikaapat na Linggo


ARALIN 6: PAGSULAT NG SINTESIS
Paksa
(Your Topic)

Istilo, Teknikal na Pangangailan at Pagsulat ng akademikong sulatin (Sintesis)


Materials: Pagbasa ng teksto, Papel at panulat

Tunguhing Pamantayan
(Your Target Competencies)

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:


 Nakasusunod sa istilo, teknikal na pangangailangan at nakasusulat nang
maayos na akademikong sulatin (Sintesis)
 Napahahalagahan ang pagsunod sa istilo at pangangailangan sa pagsulat
ng Sintesis

Panimulang Gawain
(Your Initial task)

Paganyak: Pagtatala
Panuto: Itala sa talahanayan sa ibaba kung ano ang alam mo na at nais pang
malaman sa salitang sintesis.

SINTESIS
ALAMAN NAIS PA

Ang iyong mga sagot alam na ay nagsasaad sa iyong mga nalalaman sa sintesis
at sa nais pa ay nasasaad ng karagdagan kaalaman sa sintesis. Sa ngayon ating usapan
ang karagdagang impormasyon sa paksang ito, ang sintesis.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pagtalakay sa Aralin
(Your Text)

Pandagdag Kaalaman

Sa pinakabatayang antas, ang sintesis ay pagsasama ng dalawa o higit pang


buod. Ito ang paggawa ng koneksyon sa pangitan ng dalawa o higit pang mga akda o
sulatin. Ang sintesis ay may kaugnayan, ngunit hindi katulad ng klasipikasyon, dibisyon,
komparison, o kontrast. Liban sa pagbibigay-tuon sa iba’t ibang kategorya at paghahanap
sa pagkakatulad o pag kakaiba ng mga konseptong nakapaloob dito, ang sintesis ay ang
pagsasama-sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng isang akdang nakapag-
uugnay sa nilalaman ng mga ito. Ito kung gayon ay isang sulating maayos at malinaw na
nagdurogtung sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling
pananalita ng sumulat (Warwick, 2011)

Dalawang Anyo ng Sintesis:

1 Nagpapaliwanag na Sintesis- ay isang sulating naglalayong tulongan ang


nagbabasa o nakikinig na lalong maunawan ang mga bagay na tinatalakay.
Ipinaliwanag ang paksa sa pamamagitan ng paghahanda sa paksa sa kanyang mga
bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw at maayos na pamamaraan. Gumagamit ito ng
deskripsyon o mga paglalarawan na muling bumubuo sa isang bagay, lugar, o pangyayari
at kaganapan. Hindi hinahangad ng sintesis na ito na magdiskuro salungat sa partikular
na punto kundi naglalayong itong mailahad ang mga detalye at katotohanan sa isang
paraang obhetibo.
Halimbawa
Pamagat: Cyberbullying
Pagbubuod
Ayon sa The Philippine Star (2012) na ang paaralan ang may responsibilidad sa
pangyayaring ito. Dapat nalalaman ng pamunuan ng paaralan kung may nagyayaring
bullying sa kanilang compound.
Sinasabi din ni Patricia Perol (2016) na dapat bigyang pansin ang bullying, lalo’t higit ang
mga binubully. Dapat ang lahat ay handa kapag napaharap sa nasabing pambu-bully,
anumang klase ng pambu-bully ito. Isa pang importanteng punto nito ay ang
pagpapaalala sa lahat ng magulang na kailangan nilang gabayan ang kanilang anak sa
mahusay na pamamaraan.
Paghahalimbawa
Ayon kay Bb. Perol na lingid sa ating kaalaman na ang bullying ay
nangangahulugang pangungutya sa kapwa tao dahil mayroon syang pagkakaiba sa isang
tao na wala sa kanila at Karaniwang panunukso ang pinakpangunahing nararanasan ng
mga mag-aaral sa paaralan. Makakita lamang sila ng kakaiba sa paningin nila ay agad
nila itong tutuksuhin o di kaya’y napansin nila ang isang bata na nag-iisa ay agad itong
lalapitan at saka tutuksuhin.
Pagdadahilan

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Ayon kay Schmookblog (2016) Dahil sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sa mga
kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang ito’y matigil na. Sa
kahulugan pa lamang nito ay masasabi nating ito ay maaring magkaroon ng negatibong
epekto sa ibang tao, lalo na sa mga kabataan ngayon. Sa kasalukuyan, tayo ngayon ay
nasa “iGeneration”, ibigsabihin. Sa isang pindot lamang sa telepono or kompyuter, maari
mo na magawa ang lahat.

2 Argumentatibong Sintesis- Argumentatibong Sintesis- ay may layuning


mailahad ng pananaw ng sumulat nito. Sinusuportahan ang mga pananaw na ito
ng mga makatotohanan impormasyon na hango sa iba’t ibang mga sanggunian na
mailahad sa paraang lohikal. Karaniwang pinupunto ng pagtalakay sa ganitong anyo ng
sintesis ang katotohanan, halaga, o kaakmahan ng mga isyu at impormasyong kaakibat
ng paksa.
Halimbawa:
“Prinsipyo ng Lipunang Pilipno”
Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat
karakter sa alamat ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang
alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang
bawat Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong na ginagawa
ang lahat para sa ama na may sakit.
Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay
ng tao. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali
sa bawat isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari.
Sa paglalakbay ni tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago
makarating sa puso ng saging.
Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at pagsubok na
tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na
kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang
ibang tao gustong makuha kung ano ang gusto. Mula sa mambabasa makakakuha ito ng
magandang halimbawa ng mga tao dahil sa kasalukuyan ngayon ang mga tao ay unti-unti
nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa ating
bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang sariling
kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may
disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga
tao.
Ang pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon
natin ngayon ay imbis na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na
nauuna ang iba. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa
kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag napasa ang
puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari din sa ating
pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan ang mga tao.
Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang
kuneho para itong maging hari ng gubat. Sa kabuuan ng kwento matutunan ng
mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay nagsasalita si matsing “Handa ba bang
magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo bang ipag-utos sa mga hayop ang
respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? Determinado ka bang

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa?
Kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya?” Lumundag si Matsing sa
harapan ni Tong para sa huling hamon: “Gusto mo ba talagang makialam sa natural na
takbo ng buhay—sa gubat”Ang mga salitang iyan ay mas bubuo sa pagkatao ng pagka
Pilipino sa ating bayan, bilang isang kabataan ito ang kaharap na pagsubok natin ngayon
na naging apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa paguugali kung paano ito dadalhin.
(Elabasao, 2018)

Sa isang online resource ng Drew University, naglalahad ng tatlong istilo o uri ng sintesis
at ang mga sumusunod ay:

1 Background synthesis- Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang


pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at
karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. Ang halimbawa nito
ay ang argumentatibong sintesis.

2 Thesis-driven synthesis- Halos katulad ito ng background synthesis ngunit


nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi
lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kundi hindi ang
malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
Halimbawa:
Thesis Statement:
Ang gender equality ay hindi pa lubos na naisasakatuparan sa bansa.
Pagbubuod:
Bagamat may batas ng nagpoprotekta sa karapatan ng mga kababaihan at mga
miyembro ng LGBT ay maraming estudyante parin ang kadalasan kinukutya
Thoreson(2017). At hindi pa rin natitigil ang karahasan sa kababaihan Angelo(2017).
Paghahalimbawa:
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na talamak pa din talaga ang hindi pantay na
pagtrato sa lahat ng tao. Maging sino ka man at ano ka man. Ilan sa mga ito ayon kay
Angelo(2017) ay ang pagbabaliwala sa potensyal ng kababaihan kahit na naisulong ang
mga batas na nagbibigay ng pantay na karapatan sa kababaihan. At ayon naman kay
Kenneth(2014) ang pagtuturing pa din sa kababaihan na 'sex object' lamang ng
kalalakihan. Dagdag pa rito ayon naman sa Human Rights Watch(2017) ay ang
pangbubully sa mga bakla at tomboy na nasa sekondarya at ang diskriminasyong
natatanggap nila ayon naman kay Marbella(2018).
Pagdadahilan:
Ginawang pantay-pantay ang tao ngunit sa mundong ito ay parang hinuhusgahan na
lamang ng ganoon lang ang isang indibidwal. Ayon kay Thoreson(2017) hindi gaanong
tanggap sa lipunan ang mga bakla at tomboy kaya sila ay ginagawang katatawanan at
madalas gawing target at kung minsan naman ay ginagawan pa ng karahasan. Ayon
naman kay Marbella(2018) marami siyang nakikita sa kolehiyo na tampulan ng
diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian at madalas ay hinuhusgahan na nagiging
dahilan ng depresyon na pinagdadaanan ng mga ito. At ayon naman kay Kenneth(2014)
ang kaisipang mahina ang mga kababaihan ang pangunahing dahilan kung bakit
madalas madiskrimina ang mga ito. Kadalasan ay iniisip ng kalalakihan na walang laban

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


ang mga ito, at makikita din sa politika na hindi nabibigyan ng pantay na karapatan ang
kababaihan Angelo(2017). Iyan ay ilan lamang sa mga kadahilanan kung bakit kahit na
nasa batas na ang pantay na pagtrato at pagbibigay ng pantay karapatan sa lahat ng
indibidwal ay hindi pa din ito lubos na nasasakatuparan.
Komparison at Kontrast:
Pareho lamang nadidiskrima at hindi naitatrato ng tama ang mga kababaihan at ang
mga taong myembro ng LGBT Community na makikita natin sa mga akda nila
Thoreson(2017), Marbella(2018), Angelo(2017) at Kenneth(2014). Ang tanging
pagkakaiba lamang ay mas nakakaranas ng diskriminasyon ang mga taong myembro ng
LGBT Community dahil sila ay naiiba at hindi pa gaanong tanggap ng nakararami. Dahil
doon ay nakakaranas sila ng mga pisikal na pang aabuso, masasakit na salita at
nakakatanggap ng di pantay na pagtrato maging sa paaralan man, sa komunidad at kung
minsan ay maging sa loob ng kani-kanilang mga tahanan.
Strawman Technique:
Tayo ay nilikha ng Diyos na pantay-pantay, walang mataas at walang mababa sa
paningin niya. Tayo ay mahal Niyang lahat. At ayon kay Lorenzo(2010) dapat nating itrato
ng mabuti ang ating kapwa, huwag magmataas at magtulungan. At ayon naman kay
Marbella(2018) ay imbis na husgahan ang kapwa ay pakitaan ito ng pagmamahal at pag
aalala. Matutong rumespeto ano man ang personalidad ng isang tao. Ngunit sa kabila ng
lahat ng ito ay nananatiling hindi patas ang mundo sa lahat ng tao. Nariyan ang talamak
ang karahasang nararanasan ng mga tao, hindi pagkakapantay pantay sa lahat ng bagay
at diskriminasyon. Nanatili pa ring hindi patas ang mundo sa mga taong mahihina.
Konsesyon:
Maraming bilang ng tao ang nabubully pa rin sa komunidad Human Rights
Watch(2017), mga kababaihan at baklang sinasaktan, inaabuso at hindi nabibigyan ng
pantay na karapatan Angelo(2017). Ito ang mga bagay na nangingibabaw imbis na
pagpapakita na lamang ng pagmamahal, pag-aalala at pagbibigay ng respeto sa mga ito
Marbella(2017).

3 Synthesis for the literature- Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.


Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o
pagrebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa. Upang maipakita ang malawak
na kaalaman sa paksa, kailangang magkaroon ng sintesis ng mga literatura ng kaugnay
ng pag-aaral ang isang papel pananaliksik. Halos katulad lang din ito ng background
sintesis. Ang pagkakaiba lamang, ang uri ng sintesis na ito ay tumutukoy sa mga
literatura. ng gagamitin sa pananaliksik na isinasagawa. Karaniwang isinaayos ang
sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa.

Mga teknikal na pangangailangan o katangiang dapat taglayin ng sintesis:

Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng


1 iba’t ibang estruktura ng pagpapahayag.

Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga


2 impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginagamit; at

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalim nito
3
ang pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.

Pangmidyang Sanggunian
(Your Techno-time)

 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring buksan ang bidyo na may file


name: BIDYO 6: PAGSULAT NG SINTESIS sa iyong flash drive.

Panglinang na Gawain
(Your Initial Test)
Gawain: Paghahanay
Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, ihanay ang mag sumusunod Istilo,
teknikal na pangangailangan at anyo ng sintesis. Hanapin ang sagot sa
loob ng kahaon. Isulat lamang ang titik sa talahanayan.

A. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga


impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginagamit
B. Synthesis for the literature
C. Thesis-driven synthesis
D. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t
ibang estruktura ng pagpapahayag.
E. Background synthesis
F. Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalim nito ang
pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.
G. Argumentatibong Sintesis
H. Nagpapaliwanag na Sintesis
I. Upang maipakita ang malawak na kaalaman sa paksa, kailangang magkaroon ng
sintesis ng mga literatura ng kaugnay ng pag-aaral ang isang papel pananaliksik.
J. Nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang
paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa team at hindi ayon sa sanggunian. Ang
halimbawa nito ay ang argumentatibong sintesis.

Istilo Tiknikal na Anyo


Pangangailangan

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pagtataya
(Your Final task)

Paalala: Ang pagtataya sa araling ito ay gagawin sa susunod na modyul.

Pagpapahalaga
(Your thoughts)
Sa iyong pananaw, paano mo mapahahalagahan ang implikasyon ng istilo at
tiknikal na pangangailangan ng sintesis sa pagsulat ng akademikong sulatin?
_____________

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


MODYUL SA PAGKATUTO
FILIPINO SA PILING LARANGANG AKADEMIK
(Filipino - 03 Grade 12)

QUARTER 1- Ikalimang Linggo


ARALIN 7: PAGSULAT NG ABSTRAK

Paksa
(Your Topic)
Istilo, teknikal na pangangailangan at pagsulat ng akademikong sulatin (Abstrak)
Materials: Pagbasa ng teksto, Papel at panulat

Tunguhing Pamantayan
(Your Target Competencies)

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:


 Nakasusunod sa istilo, teknikal na pangangailangan at nakasusulat nang maayos
na akademikong sulating (abstrak)
 Nakapagsasaliksik ng artikulo na nagpapakita ng mahalagang impormasyon at
nakapagsusulat ng isang abstrak.

Panimulang Gawain
(Your Initial task)
Paganyak: Sagutin ang tanong sa ibaba. Ilagay ang sagot sa patlang.
 Nakasulat ka na ba ng isang abstrak ng isang pananaliksik? O nakapagbasa ka na
ba nito sa mga journal ng pananaliksik?

__________________________________________

___________________

Kung Oo ang sagot mo sa dalawang tanong, tiyak na nagkaroon ka na ng ideya


hinggil sa nilalaman ng isang papel- pananaliksik sa pamamagitan ng Abstrak. O kung
ikaw mismo ang gumawa ng isang pananaliksik at nagsulat mismo ng abstrak, tiyak na
naikahon mo ang mahahalagang ideya ng iyong pananaliksik sa abstrak na yaon.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pagtalakay sa Aralin
(Your Text)

Kahulugan at teknikal na Pangangailangan ng Abstrak

Ang abstrak ay maikling buod ng artikulo na nakabatay sa pananaliksik, tesis,


rebyu, o katitikan ng komperensya. Maaari rin itong maging buod ng ano mang
malalalimang pagsusuri ng iba’t ibang paksa na nagagamit ng mambabasa upang
madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng sulatin. Kung minsan ay tinatawag
ding sinopsis o presi ng ibang publikasyon ang abstrak.
Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing
panimulang bahagi ng ano mang akademikong papel. Ginagawa itong lagusan ng isang
papel sa isang copyright, patent o trademark application. Tumutukoy ito sa pagbuhat ng
eksklusibong karapatan o pagmamay-ari ng isang malikhain o intelektwal na akda o
imbensyon. Nagagamit din ang abstrak sa indexing ng mga pananaliksik sa iba’t ibang
akdemikong disiplina upang makita ang lawak at lalim ng mga pag-aral sa iba’t ibang
larangan na nailathala na sa mga akademikong journal.
Gumagamit ng abstrak ang akademikong papel upang madaling maipaunawa ang
isang malalim at kompleks na pananaliksik. Maaari itong tumindig bilang isang hiwalay na
teksto o kapalit ng isang buong papel. Kadalasang ginagamit ang abstrak ng iba’t ibang
organisasyon bilang batayan ng pagpili ng proposal para sa presentasyon ng papel,
workshop o panel discussion.
Maaaring ipakita ng Abstrak ang mahahalagang resulta at kongklusyon ng
pananaliksik ngunit mas mabuting basahin ang buong artikulo ng mga siyentipikong papel
upang maunawaan pa ang mga detalye ng metodolohiya, resulta at mga kritikal na
diskusyon ng pagsusuri at interpretasyon ng datos. (Bernales, et al.2016)

Tatlong istilo o uri ng Abstrak

Impormatibong Abstrak- ay naglalaman n ng halos lahat ng mahalagang


1 impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik. Maaari na itong makapag-
isa sapagkat nagbibigay ito ng buong ideya sa lalamanin ng pananaliksik. Naglalaman ito
ng 200 na salita.

Taglay ng isang impormatibong abstrak ang sumusunod na nilalaman:


a) Motibasyon. Sina sagot nito kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik ang
paksa. Sa maikling at mabilis na paraan, kailangang maipakita sa bahaging ito ang
kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik.
b) Suliranin. Kailangan masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin o
tanong ng pananaliksik.
c) Pagdulog at Pamamaraan. Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano
kakalapin o kinapapalooban ang datos ng pananaliksik at kung saan nagmula ang

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


mga impormasyon at datos. Ibig sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag sa
metodolohiya ng pag-aaral.
d) Resulta. Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik.
e) Kongklusyon. Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon ng pananaliksik
batay sa mga natuklasan.

Deskriptibong Abstrak- ay mas maikli (kadalasang nasa 100 na salita lamang)


2 kaysa impormatibong abstrak. Naglalaman lamang ito ng suliranin at layunin ng
pananaliksik,metodolohiyang ginagamit at saklaw ng pananaliksik ngunit hindi tinatalakay
ang resulta, konklusyon at mga naging rekomendasyon ng pag-aaral. Sapagkat hindi buo
ang impormasyong ibinibigay tungkol sa pananaliksik, mas lalong kailangang basahin
ang buong artikulo.

Kritikal na Abstrak- ang pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos kagaya


3 na rin ito ng isang rebyu. Bukod sa mga nilalaman ng isang impormatibong
abstrak, binibigyang-ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng
isang pananaliksik.

Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang mauunawaan at magkaroon ng ideya ang


isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik.
Halimbawa ng Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na


taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na
ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining
pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at
ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-
rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa
mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang
instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa
pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang
paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati
upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa
pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa
pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa
kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang
sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral. (Mula sa: Blogs.com)

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Pangmidyang Sanggunian
(Your Techno-time)

 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring buksan ang bidyo na may


file name: BIDYO 7: PAGSULAT NG ABSTRAK sa iyong flash drive.

Panglinang na Gawain
(Your Initial Test)
Gawain: Tama o Mali
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag ukol sa istilo
at teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng abstrak . Isulat sa
patlang ang iyong sagot.
______________1. Sapat na abstrak upang makita ang lalim at lawak ng
pananaliksik
______________2. Nakatitindig bilang isang hiwalay na teksto ang isang
deskriptibo ng abstrak.
______________3. Tinatawag ding presi o sinopsis ang abstrak sa ibang
publikasyon.
______________4. Ginagamit sa indexing ng mga nai lathalain pananaliksik sa
iba’t ibang larangan ang abstrak.
______________5. Ang abstrak ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa
pananaliksik, tesis, rebyu, o Katitikan ng komperensya.
Gawain: Pagsulat
Panuto: Basahin ang teksto sa loob ng kahon, at sagutin ang mga katanungan
sa bawat bilang na aayon sa istilo at pangangailangan ng sulating
abstrak. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
Ipinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong General Education Curriculum (GEC)
alinsunod sa programang k to 12, at sa pamamagitan ng kontrobersyal na Commission on
High Education/ CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Bunsod ng
nasabing CMO, burado na ang espasyo ng wika at panitikan Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong protesta ng mga grupong makabayan sa bansa,
nagsasagawa ng konsultasyon ang CHED hinggil sa posobilidad na magkaroon parin ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo, at puspusang gagamitin bilang wikang panturo ang
wikang Filipino. Layunin ng papel na ito na ilahad ang pagsulong at pagbura sa mga
tagumpay ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo mula 1996 hanggang
2014. Saklaw nito ang pagbabalik-tanaw sa mga polisiya noong panahong kolonyan bilang
batayan ng malalim na pagsusuri sa mga kauganay na kontemporaryong polisiya sa
paggihilit ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, lagpas pa
sa kapit-sa-patalim na pag-ira nito sa panahong neokolonyal na walang ipinag- iba sa
karimlang tinatanglaw ng sulang aandap-andap man ay hindi namn namamatay.

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


(Bernales, et.al,2016. Filipino sa Larangang Akademik.Mutya Publsihing House,Inc.)

1. Ano ang paksa ng pananaliksik?


_

2. Bakit pinag-aralan ng mananalisk ang paksa?


_

3. Ano ang suliranin ng pananalisik?


_

4. Paano kumalap ng datos ang mananaliksik?


_

5. Ano ang nagging resulta ng pananalisksik?


_

6. Ano ang istilong ginamit ng nabasang abstrak? Nasunod ba nito ang tinikal na
pangangailangan sa paggawa ng abstrak? Pangatuwiran.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagtataya
(Your Final Task)

UNANG TAHAS
Panuto: Basahin ang sumusunod na pananaliksik sa internet mula sa Malay Journal.
Open acces o libreng makukuha at mababasa ang kopya ng mga ito. Maaari ring pumili
ng iba pang pananaliksik na nakasulat sa Filipino bukod sa mga nakatala sa ibaba.
a. Ang Nobelang “Si Amapola sa 65 na kabanata” ni Ricardo lee Bilang Kontra-
Diskurso ng Baklang Manilenyo Laban sa Homopobikong Kamalayang Filipino ni
Feorillo P. Demeterio III
b. Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagdudub ng
Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo ni Ramilito B.
Correa
c. Ang Internet Bilang Espasyong Politikal sa Pilipinas: Pakikilahok, Pamamhala, at
Protesta sa Cyberspace ni Carl Marc L. Ramota

IKALAWANG TAHAS
Panuto B: Mapapansing deskritibong abstrak ang ginagamit sa mga nakalistang artikulo.
Pumili ng isa sa nakatala o gumamit ng ibang artikulong nais mong basahin at gumawa
ng isang imporamatibong abstrak. Tiyaking isaalang-alang ang mga istilo at teknikal na

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


pangangailangan ng nilalaman sa pagbuo ng impormatibong abstrak. Isulat ang nabuong
abstrak sa sagutang papel sa na pagtataya ikalawang tahas.

Rubriks ng Pagmamarka
Ebalwasyon

Mga ideya (6pts) ______ Gamit ng mga Salita (6pts) _____


Ang Pagkakabuo (6pts) ______ Paglalahad ng mga Pangungusap (6pts) _____
Ang Tono/Himig (6pts) ______ Pagkamalikhain (6pts) _____
Kabuuan (36 pts) ______
1-6 = 75% 7-12= 80% 13-18 = 85% 19-24= 90% 25-30 = 93% 31-36 = 95%

Pagpapahalaga
(Your thoughts)

Bakit sinabing ang abstrak ay tumutukoy sa pagkuha ng eksklusibong karapatan o


pagmamay-ari ng isang malikhain o inteketwal na akda o imbensyon. Nakatutulong ba
ang mga istilo at tiknikal na pangangailangan sa sulating ito sa iyo ngayon bilang mag-
aaral ng SHS, paano mo ito mapahahalagahan? Ipaliwanag.
_____

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


COR JESU COLLEGE
Basic Education Department

SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO


(Filipino sa Piling Larangang Akademik)

PANGALAN:_______________________________ PANGKAT: _________________


GURO: _______________________________ PETSA NG PAGPASA: _____________

PAGTATAYA IKALAWANG TAHAS

Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03


Cor Jesu College- Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 03

You might also like