You are on page 1of 16

i

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan
Module 3
Akademikong Pagsulat
Pagsulat ng Memorandum
Panimula
Sa mga nakaraang linggo natutuhan mo ang mga batayang kaalaman sa
pagsulat ng adyenda at katitikan ng pulong at ikaw ay nabigyan din ng pagkakataon
na makapagsulat ng sarili mong halimbawa batay sa natutuhan mo sa adyenda at
katitikan ng pulong. Sa linggong ito naman ay matutunan mo ang mga batayang
kaalaman sa pagsulat ng memorandum at gagawa ka ng sarili mong memorandum
batay sa mga sitwasyong ibibigay.
PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

Pagkatapos ng modyul 3, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga bahagi ng memorandum;


2. nabibigyang kahulugan ang memorandum;
3. napahahalagahan ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum;
4. nakabubuo ng isang memorandum.

Subukin

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang S, kung sumasang – ayon ka sa
katuturan ng pahayag, HS naman kung hindi ka sumasang – ayon nito. Isulat ang
iyong kasagutan sa hiwalay na papel.

______1. Sa bahaging sitwasyon makikita ang panimula o layunin ng memo.

______2. Mababasa sa bahaging Mula kay ang pangalan ng gumawa o nagpadala ng


memo.

______3. Ang bahaging Paggalang ay panghuling bahagi ng memo na kung saan


inilalagay sa bahaging Mula kay.

______4. Ang Pasasalamat ay ang bahagi na kung saan winawakasan ang memo sa
pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.

______5. Ang bahaging Para sa/kay/kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga


tao, o kaya ay pangkat na pinag – uukulan ng memo.

______6. Sa bahaging Petsa, mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran


upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

1
______7. Ang memorandum ay maaaring maikli lamang ngunit kung ito ay
detalyadong memorandum mayroon itong sinusunod na mga bahagi.

______8. Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa


gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin o utos.

______9. Sa letterhead makikita ang logo, pangalan ng kompanya, institusyon o


organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging
ang bilang ng numero ng telepono.

______10. Iniiwasan ang paggamit ng numero sa bahaging Paksa, bagkus


kailangang isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito
kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.

Aralin Pagsulat ng Memorandum


5.1 (Ikatlong Linggo)

Alamin

Sa linggong ito, malalaman mo ang kahulugan ng memorandum at ang mga


batayang kaalaman hinggil dito na makatutulong sa iyo upang makagawa ng sarili
mong likha na memorandum batay sa mga sitwasyong ibibigay.

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba at isulat ang iyong kasagutan sa
hiwalay na papel.

Bakit mahalaga ang pagsulat ng Adyenda?____________________________


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2
Tuklasin

Ang mga larawan sa ibaba ay nagpapakita ng iba’t ibang pagpupulong. Suriin kung
anong uri ng pagpupulong ang makikita rito at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Batay sa larawan, ano – anong pagpupulong ang makikita?______________________

__________________________________________________________________________________

2. Anong mga bagay ang dapat gawin o ihanda bago ang pagpupulong?______________

__________________________________________________________________________________

3. Mahalaga ba ang paggamit ng memorandum sa pagtawag ng pagpupulong?_______

__________________________________________________________________________________

3
Suriin/Talakayin

Kahulugan ng Memorandum o Memo


Ayon kay L. English, ang memorandum ay isang impormal na liham o ulat o
isang palibot – sulat.

Ayon naman kay W ebster, ang memorandum ay isang anyong pasulat na


maikling note na sinulat para ipaalam o ipaalala ang isang bagay; isang tala gaya ng
pangyayari upang magamit sa hinaharap, isang impormal na komunikasyon gaya
ng pang – opisina, at isang maikling pasulat na pahayag ng pagkakasunduan ng
isang kontrata o transaksyon.

Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the
Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay
ng gagawing pagpupulong. Sa pamamagitan nito, nagiging malinaw sa mga dadalo
ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na
nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang
desisyon o proyekto ng kompanya o organisasyon, magiging malinaw para sa lahat
na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang
nasabing desisyon o proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining. Dapat tandaan na


ang memo ay hindi isang liham. Kadalasan, ito ay maikli lamang na ang
pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na
dapat isakatuparan, halimbawa ng pagdalo sa isang pulong, pagsasagawa o
pagsunod sa bagong Sistema ng produksiyon o kompanya. Ito rin ay maaaring
maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari
at pagbabago sa mga polisiya.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in the Discipline
(2014), ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang
gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng
sumusunod:

● Puti – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o


impormasyon
● Pink o Rosas – ginagamit ito para sa request o order na
nanggagaling sa purchasing department
● Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na
nanggagaling sa marketing at accounting department

4
Uri ng Memorandum
A. M emorandum para sa kahilingan – Ito ay isang uri ng pagsulat na
humihingi ng pabor o hiling na gustong ipaabot sa taong namamahala
ng isang bagay. Kapag sinasabi nating memorandum, ito ay nagbibigay
ng importansiya kagaya ng batas na kailangan ng maigihang pag – iisip
para sa katuparan ng kahilingan.

B. M emorandum para sa kabatiran – Ito ay isang uri ng pagsulat na may


layuning magbigay ng impormasyon sa isang grupo ng tao o sa
pangkalahatan.

C. M emorandum para sa pagtugon – Ito ay isang uri ng pagsulat na


ngagbibigay tugon o pagresponde sa alok ng isang partido o panig.

Mga Halimbawa ng Uri ng Pagsulat


A. M emorandum para sa kahilingan

Punongguro

Promenade

Punongguro

5
B. M emorandum para sa kabatiran

C. M emorandum para sa pagtugon

6
Bahagi ng Memorandum
Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo ay dapat na
nagtataglay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay
hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).

A. Letterhead – Makikita sa bahaging ito ang logo at pangalan ng


kompanya, institusyon, o organisasyon gayundin ang lugar kung saan
matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero ng telepono.
B. Para sa/kay/kina – Ang bahaging ito ay naglalaman ng pangalan ng
tao o mga tao, o grupong pinag – uukulan ng memo. Para sa isang
impormal na memo ang Para kay: Margarita ay sapat na. Sa isang
pormal na memo naman, mahalagang isulat ang buong pangalan ng
pinag – uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa
isang departamento, makatutulong kung ilalagay rin ang pangalan ng
departamento at hindi na kinakailangan ang G., Gng., Bb. at iba pa.
C. M ula Kay – Ang bahaging ito naman ay naglalaman ng pangalan ng
gumawa o nagpadala ng memo. Sinusunod din sa bahaging ito ang mga
tuntunin sa bahaging Para sa/kay/kina. Para sa isang impormal na
memo ang Mula kay: Marco ay sapat na. Ngunit kung ito ay pormal,
mahalagang isulat ang buong pangalan ng nagpadala nito. Gayundin,
mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay
galing sa ibang seksiyon o tanggapan. Hindi na kinakailangan ang G.,
Gng., Bb. at iba pa.
D. Petsa – Sa bahaging ito, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng
07/13/18 o 10/31/2020. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng
buwan o ang dinaglat na salita nito tulad halimbawa ng Nobyembre o
Nob. kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.
E. Paksa – Ang bahaging ito ay mahalagang maisulat nang payak,
malinaw, at tuwiran upang agad na maunawaan ang nais ipabatid nito.
F. M ensahe – Kadalasang maikli lamang ang bahaging ito ngunit kung ito
ay isang detalyadong memo kailangang ito ay nagtataglay ng mga
sumusunod:
1. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo.
2. Problema – nakasaad dito ang suliraning dapat pagtuonan ng
pansin at hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
3. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng
kinauukulan
4. Paggalang o Pasasalamat – sa bahaging ito, wawakasan ang
memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng
paggalang.
G. Lagda – Inilalagay ang bahaging ito sa ibabaw ng pangalan sa bahaging
Mula kay.

7
Isaisip

A. Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong kasagutan sa
hiwalay na papel.

1. Ano ang memorandum at saan ito ginagamit? ___________________________________

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng memorandum?___________________

3. Bakit mahalaga ang paggamit ng memorandum?________________________________

__________________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Suriin ang halimbawang memorandum sa ibaba at tukuyin ang mga bahagi
nito. Isulat ang iyong kasagutan sa hiwalay na papel.

8
Pagyamanin/Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang memorandum batay sa sitwasyon sa ibaba. Isaalang-alang


sa pagsulat ang mga bahagi ng isang memorandum. Isulat ang iyong kasagutan sa
hiwalay na papel.

Ikaw ay nahalal na SK Chairman sa inyong barangay at nais mong


magpatawag ng pagpupulong sa iyong mga kapwa opisyal ng SK sa ika – 24 ng
Oktubre 2020 upang pag – usapan ang mga proyektong nais mong ipatupad sa
inyong barangay.

Tayahin

A. Panuto: Piliin ang tamang kasagutan sa bawat bilang. Isulat ang iyong kasagutan
sa hiwalay na papel at huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan, baitang at
seksyon.

A. Lagda F. Problema K. Para sa/kay/kina


B. Letterhead G. Paggalang o Pasasalamat L. Petsa
C. Memorandum H. Memorandum sa kahilingan M. Puti
D. Mensahe I. Paksa N. Memorandum sa pagtugon
E. Mula kay J. Memorandum sa kabatiran O. Sitwasyon

______1. Makikita sa bahaging ito ang logo, pangalan ng kompanya, institusyon o


organisasyon, gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at numero ng
telepono.

______2. Mababasa dito ang pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.

______3. Ang bahaging ito ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at


tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

______4. Sa bahaging ito makikita ang panimula o layunin ng memo.

______5. Ito ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong


o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos.

9
______6. Ang bahaging ito ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao at pangkat
na pinag – uukulan ng memo.

______7. Iniiwasan ang paggamit ng numero sa bahaging ito, bagkus kailangang


isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita, kasama ang araw at
taon upang maiwasan ang pagkalito.

______8. Sa bahaging ito winawakasan ang memo sa pamamagitan ng


pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.

______9. Ito ang panghuling bahagi ng memo na inilalagay sa bahaging Mula kay.

______10. Ang bahaging ito ay maaaring maikli lamang ngunit kung ito ay
detalyadong memo mayroon itong sinusunod na mga bahagi.

B. Panuto: Magsulat ng sariling memorandum batay sa uri na iyong nais. Isaalang –


alang ang sitwasyon sa ibaba at ang pamantayang rubriks ng pagmamarka. Isulat
sa short bondpaper at maging malikhain.

Sitwasyon:
Ikaw ay nahalal bilang Pangulo ng SSG ng inyong paaralan at inatasan ka ng
inyong SSG Adviser na magkaroon ng pagpupulong sa iyong kapwa opisyales upang
pagplanuhan at ilatag ang mga gawain ng SSG para sa pagdiriwang ng paaralan sa
Pambansang Araw ng mga Guro na magaganap sa ika – 5 ng Oktubre.

Rubriks:
5 4 3 2 1
P ormat Nahigitan ang Nakamit ang Bahagyang Hindi nakamit Walang
inaasahan inaasahan nakamit ang ang inaasahan napatunayan
inaasahan
Letterhead Napakahusay ng Mahusay ang Bahagyang may Hindi nakamit Walang
pagsasaayos ng pagsasaayos ng kakulangan sa ang inaasahan napatunayan
mga nilalaman sa mga nilalaman nilalaman ng na nilalaman ng
letterhead sa letterhead letterhead letterhead
P aksa Angkop at lohikal Lohikal ang Bahagyang taliwas Hindi akma ang Walang
ang paksa na paksa ngunit ang paksang paksa na napatunayan
isinalaysay may kalabuan isinalaysay isinalaysay
sa
pagsasalaysay
Mensahe Lohikal at Mahusay ang Bahagyang may Hindi Walang
napakahusay ng pagkakahanay kulang sa naipahiwatig napatunayan
pagkakahanay ng ng mensahe mensaheng nang maayos ang
mensahe ipinahiwatig mensahe
P agbaybay Mabisa at w asto May tatlo May anim May higit sa Walang
ng mga salita ang paggamit ng hanggang sa hanggang sa sampung napatunayan
mga salita at ang limang mali ang sampung pagkakamali ng
pagkabaybay nito pagkabaybay ng pagkakamali ang pagbabaybay ng
mga salita pagkabaybay ng mga salita
mga salita
P aggamit ng Angkop na May dalaw a May lima May higit sa Walang
mga bantas angkop ang hanggang sa hanggang sa w along napatunayan
paggamit ng mga apat na mali pitong pagkakamali ang
bantas ang paggamit ng pagkakamali ang paggamit ng mga
mga bantas paggamit ng mga bantas
bantas

10
11
Sanggunian:

Julian, Ailene Baisa, and Nestor B. Lontoc. Pinagyamang Pluma Filipino Sa Piling
Larangan (Akademik). Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, 2016.
Constantino, Pamela C., and Galileo S. Zafra. Filipino Sa Piling Larangan
(Akademik). UNA ed. Quezon City, Philippines: Rex Printing Company, 2016.
ADM Module
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.coursehero.com%2
Ffile%2F38359048%2Fmemorandum-na-
pagtugondocx%2F&psig=AOvVaw3KR2dCmmLQPub3d132i_R5&ust=15967091047
25000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCMjWl9_rg-
sCFQAAAAAdAAAAABAD
4khz. "This Vector Illustration Features Simple Modern Minimal Abstract Card..."
IStock. Accessed August 07, 2020. https://www.istockphoto.com/vector/modern-
minimal-abstract-card-background-graphic-collection-gm666692752-121581499.
588ku. "Military Training Military Training Class Class Meeting School Class
Meeting, Student Union, School Season, Opening Military Training PNG
Transparent Clipart Image and PSD File for Free Download." Pngtree. Accessed
August 07, 2020. https://pngtree.com/freepng/military-training-military-training-
class-class-meeting-school-class-meeting_3953769.html.
"Business Meeting, People In Business Royalty Free Vector - Meeting Clip Art, Free
Png Image." PngKit.com. Accessed August 07, 2020.
https://www.pngkit.com/bigpic/u2q8r5w7o0e6o0r5/.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like