You are on page 1of 28

Aralin 8 Akademikong Sulatin:

PAGSULAT NG MEMORANDUM
Baiting :12 Markahan: Una
Panahong igugugol: ika-walong lingo

ALAMIN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulating memorandum ayon sa:
(a) Layunin (b) Gamit (C) Katangian (d) Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na memorandum. CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng memorandum.
CS_FA11/12PU-0d-f-93

SUBUKIN

Panuto: PAGTUKOY SA PAGKAMAKATOTOHANAN NG PAHAYAG: isulat ang TAMA


kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman kung ito’y walang katotohanan.

__TAMA_____1. Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa


gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain,tungkulin, o utos.
__TAMA_____2. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
__MALI____3. Ayon kay Bargo(2014) may apat na uri ng memorandum ayon sa layunin.
__TAMA______4. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon, o
organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at maging ang bilang ng numero ng
telepono.
__TAMA______5. Ang detalyadong memeo ay kailangan nagtataglay ng sumusunod;
sitwasyon, problema at solusyon lamang.

BALIKAN

Panuto: PAG-UNAWA SA BINASA: narito ang halimbawa ng talumpating isinulat ni Manuel


L. Quezon. Basahin itong Mabuti at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Mga Katanungan:
1. Ano ang paksa ng talumpati ni Manuel L. Quezon?
- Mensahe sa Aking Kababayan ni: Manuel L. Quezon.
2. Ano ang uri ng talumpating ito ayon sa layunin at ayon sa hulwaran? Bakit.
- Ito ay uri ng Isinaulong Talumpati, dahil ito ay mahusay at pinag - asahan at sinabi nang
maayos ng pagkabigkas sa harap ng tagapakinig.
TUKLASIN

Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang samhan o organisasyon.
Kung walang maayos na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang Samahan, kadalasan ito ay
walang kaayusan. Gayundin naman, kung ang komunikasyon ang buhay ng Samahan, itinuturing
namang pinakapuso at isip nito ay ang pagpupulong. Sa pamamagitan ng epektibong
pagpupulong nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng Samahan ang mga mithiin at nais
tahakin nito. Kaya naman napakahalagang maisagawa ang isang maayos, organisado, at
sistematikong pagpupulong ito man ay isang business meeting, one-on-one meeting, o company
or school meeting.

Memorandum o Memo
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3

(2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing

pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo

nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito, naging malinaw sa mga

dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala

sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng

kompanyaa o organisasyon, magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang

ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining. Dapat tandan na ang memo ay hindi

isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang

isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang

pulong, pagsasagawa, o pagsunod sa bagong Sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay

maaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at

pagbabago sa mga polisya.


Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in the Discipline(2014), ang mga

kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored

stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:

⮚ Puti- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon

⮚ Rosas- ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing

departmet.

⮚ Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa markting at

accounting department

Sa pangkalahatang kautusan, ayon din kay Bargo(2014) may tatlong uri ng memorandum

ayon sa layunin nito:

a. Memorandum para sa kahilingan

b. Memorandum para sa kabatiran

c. Memorandum para sa pagtugon

Mahalagang tandan na ang isang maayos at malinaw na memo ay dapat magtaglay ng

sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni

Sudaprasert na English for Workplace 3 (2014).

1. Makikita sa letterhead ng logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon

gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero

ng telepono.

2. Ang bahaging Para sa/ Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o

kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat

ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa

ibang department, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng department. Hindi na rin
kilangang lagyan ng G.,Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang na nakapormal ang

memong ginawa.

3. Ang bahaging ‘MULA KAY’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng

memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo.

Gayundin, mahalagang ilagay ang pangalan ng department kung ang memo ay galing sa

ibang seksyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa

maliban na lamang na nakapapormal ang memong ginawa.

4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa

halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ng dinaglat naa salita nito. Tulad halimbawa

ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.

5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, mallinaw at tuwiran upang

agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo

kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:

a. Sitwasyon- dito makikita ang panimula o layunin ng memo

b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuunan ng pansin. Hindi lahat ng memo

ay nagtataglay nito.

c. Solusyon- nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinaukulan

d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memeo sa pamamagitan ng pagpapasalamat

o pagpapakita ng paggalang.

7. Ang hulig bahagi ay ang Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng

kanyang pangalan sa bahaging MULA KAY….


Narito ang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o pagbibigay ng

kabatiran.

SURIIN

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa binasang paksa, sagutin ng mga

katanungan ukol dito.

1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum?

- Mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum dahil upang maihatid ng maayos at


malinaw ang isang gawain o proyekto na nais ipaalam sa iba. Dahil ang memorandum ay
kalimitang naglalaman ng mahahalagang impormasyon na kailangang ipaalam sa iba,
kalimitang ang nilalaman nito ay ang buod ng mahahalagang pinag usapan at
pinagkasunduan ng mga namumuno sa isang kompanya o negosyo, mga tao sa
pamahalaan at iba pa.

2. Anong uri ng memorandum ayong sa layunin ang nabasang halimbawa?

- Ito ay kadalasang maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao
sa isamg tiyak na alintuntuning dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang
pulong pagsasagawa o pagsunod sa bagong sistema ng produsiyon o kompanya.

3. Anong- anong mahalang elementong kailangan para sa isang maayos na pagpupulong?

- Memorandum, Adyenda, at Katitikan ng Pulong.

4. Ano ang nilalaman ng isang memo o memorandum? Saan at kailan ito ginagamit?

- Ang isang memo o memorandum ay isang kasulatan na nagbibigay alam sa mga


tao/tauhan na kabilang sa isang kompanya, organisasyon o lipunan na kung saan
nakasaad dito ang layunin o pakay na gagawing miting. Ang isang memo ay karaniwang
ginagamit para sa pakikipag-usap ng mga patakaran, pamamaraan, o kaugnay na opisyal
na negosyo o proyekto sa loob ng isang kompanya, organisasyon o lipunan.
Ginagamit din ito para i-update ang isang koponan sa mga aktibidad para sa isang
naibigay na proyekto, o kung may nais ipaalam ang isang opisyal sa isang tukoy na
pangkat sa loob ng isang kompanya, organisasyon o lipunan.
5. Ano-anong mga bagay na dapat tadaan sa pagsula ng memo?

- Tiyaking ang katawan ng teksto ay malinaw, maikli at wastong gramatika at Panatilihing


simple ang mga bagay. Iwasan din ang mga mahahabang pangungusap at salitang
mabibigkas na parirala.

PAGYAMANIN

PANUTO: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM AYON SA PORMAT. Ang

pagsunod sa mga paalala at hakbang sa pagsulat ng memo ay mahalaga upang maging

maayos, malinaw at mabisa ang gawain. Ngayon, ayusin natin sa wastong pormat ang

mga detalye ng memo o memorandum sa ibaba. Isulat sa bodnpaper.

⮚ Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod;

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;

b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado n

makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pang

wika at sibiko;

c. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang

Pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay

ng Buwan Wikang Pambansa

⮚ Ang komisyon sa Wikang Filipino(KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng

taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika- 31 ng Agosto

alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s, 1997. Ang

Tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Karunungan.

⮚ Sgd.
BR. ARMIN A. LUISTRO FSC

Kalihim

⮚ Hiniling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

⮚ Direktor ng Kawanihan

Direktor Panrehiyon, Tagapamahala ng mga Paaralan

Pinuno ng mga Pambuliko at Pampribadong Paaralan

⮚ Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga

sumusunod;

a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan:

b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;

c. Pagsasalin, susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at

Karunungan;

d. Ang wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

⮚ 2016 Buwan ng Wikang Pambansa

⮚ Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s.2016

⮚ Ang mga nabanggit na lingguhang paksa a ng patnubay at magsisilbing batayan

ng lath ng gawaing bubuuin at isagawa sa isang buwang pagdiriwang. Ang mga

ito ay hindi nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod upang magkaroon ng

Kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng programa.

⮚ Para sa iba pang detalye o impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa :

Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)

Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)

Gusaling Watson,1610 Kalye J.P. Laurel San Miguel, Maynila


Telepono; (02)736-2525-; (02) 736-2524-;(02)736-2529

Email: komfil@kwf.gov.ph

Komisyonsawikangfilipino@gmail.com

Website; www.kwf.gov.ph

⮚ Kagawaran ng Edukasyon

Ultra Complex, Meralco Avenue

Pasig City, Metro Manila Philippines

⮚ Enero 18, 2016

SAGOT:

Kagawaran ng Edukasyon

Ultra Complex, Meralco Avenue

Pasig City, Metro Manila Philippines

Enero 18, 2016

Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s.2016

2016 Buwan ng Wikang Pambansa

Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod;

a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan:

b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;

c. Pagsasalin, susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at

Karunungan;
d. Ang wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

Ang komisyon sa Wikang Filipino(KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng

Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika- 31 ng Agosto alinsunod sa itinakdang

Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s, 1997. Ang Tema ng pagdiriwang sa taong ito ay

Filipino: Wika ng Karunungan.

Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod;

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;

b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado

n makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng

kamalayang pang wika at sibiko;

c. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang

Pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain

kaugnay ng Buwan Wikang Pambansa.

Ang mga nabanggit na lingguhang paksa a ng patnubay at magsisilbing batayan ng lath ng

gawaing bubuuin at isagawa sa isang buwang pagdiriwang. Ang mga ito ay hindi nakaayos ayon

sa pagkakasunod-sunod upang magkaroon ng Kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng programa.

Para sa iba pang detalye o impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa:

Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)

Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)

Gusaling Watson,1610 Kalye J.P. Laurel San Miguel, Maynila

Telepono; (02)736-2525-; (02) 736-2524-;(02)736-2529

Email: komfil@kwf.gov.ph

Komisyonsawikangfilipino@gmail.com
Website; www.kwf.gov.ph

Hiniling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

Sgd.

BR. ARMIN A. LUISTRO FSC

Kalihim

ISAISIP

Panuto: PAGBUBUOD: Isulat sa isang talata ang kabuoan ng kaalamang naibabahagi sa

iyo sa araling ito.

- Natulungan ako sa araling ito kung paano sumulat ng isang maayos at oraganisadong
memorandum. Batid ko ang kahalagahan nito sa bawat sa pagpupulong ng ibat ibang
institusyon. Sa pamamagitan ng araling ito, napalawak nya ang aking isipan tungkol sa
pagsulat ng memorandum hinggil sa ibat ibang bagay. Ang pag sunod sa mga paalala at
hakbang sa pagsulat ng memorandum ay mahalaga upang maging maayos, malinaw at
mabisa ang gawain.
ISAGAWA

Panuto: PAGSULAT NG MEMORANDUM: Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang pangulo sa inyong klase o

seksyon sa ikalabindalawang baiting. Sumulat ka ng isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang

memorandum para sa klase sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga patakarang

susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng COVID-19 Pandemya. Isulat ito sa bondpaper.

Pamantayan Puntos

Naisagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng memorandum. 10

Kompleto ang bahagi ng memorandum na nabuo at nakapagbibigay ng 10

komprehensibong sintesis tungkol dito.

Nakakasulat ng memorandum nang maingat, wasto at angkop ang paggamit ng 10

wika.

Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa memorandum. 10

Kabuoang puntos 40

Sagot:

Para sa/kay: Prinsipal, Adviser, Mga guro sa ikalabindalawang baiting, at mga mag-aaral sa
ikalabindalawang baitang
Petsa: Ika 15 ng Marso 2021
Paksa: Pagpapatawag ng pagpupulong upang mapag-usapan ang bagong patakaran sa klarum
bunga ng COVID-19 Pandemya.

Magandang araw!
Bilang pangulo ng ating seksiyon, inaaanyayahan ko kayong lahat na dumalo sa ating
pagpupulong bukas Marso 15, 2021 alas 9 hanggang 11:00 ng umaga. Upang ating mapag-
usapan ang mga patakarang susundin sa ating klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng
COVID-19 Pandemya. Huwag niyo po sanang kalilimutang magsuot ng face mask at panatilihin
ang 1.5 metrong layo sa mga tao.

Lubos ko pong inaasahan ang inyong presensiya bukas. Maraming Salamat!

KIARA MAY D. GAM


Pangulo ng seksiyon
TAYAHIN

Panuto: PAGTUKOY SA KATANGIAN NG MEMORANDUM: Suriin ang

kahulugan, kalikasan, mga katangian, layunin, gamit, anyo (porma) ng Memorandum, isulat ito

sa tsart.

Memorandum

Kahulugan Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong

papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.

Kalikasan Hindi mahaba, pero komprehensibo at mauunawaan ng nagbabasa nito

Katangian Dapat lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay dito ay dapat na makikita sa

kabuoan ng papel. Ito rin dapat ay gumagamit ng mga simple, malinaw at

direktang mga pangungusap

Layunin Layunin nitong mapaikli o maibuod ang isang akademikong sulatin

sakomprehensibong paraan.

Gamit Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,

papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report

Anyo Ito ay karaniwang maiksi ngunit organisado at malinaw ang inilalahad na

(porma) impormasyon.
ARALIN 9 AKADEMIKONG SULATIN:

PAGSULAT NG ADYENDA

Baitang : 12 Markahan : Una

Panahong igugugol : Ikasiyam na Linggo

ALAMIN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aarakl ang sumusunod;

1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulating adyenda ayon sa: a. Layunin b. gamit

c. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90

2. Nakasusulat nang maayos na adyenda. CS_ FA11/12PU-0d-f-92

3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng adyenda.

CS_FA11/12PU-0d-f-93

SUBUKIN
Panuto: HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA: Basahin ang lahat ng mga pahayag bago

ito sagutin. Gamitin ang bilang 1-5 sa pagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod nito.

__3__Gumaawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o

paksa ay napadala na o nalikom na. higit na maging sistematiko kung ang talaan ng addenda ay

nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa,

__1___Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na

nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak nap aka o layunin sa ganitong araw,

oras at lugar.

__5___ Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

__2___ Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o

kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon, ipaliwanag din sa

memo nasa mga dadalo, mangyayaring ipadala o ibigay sa gagawa na kailangang kailangan

upang pag-usapan ito. Taong magpaliwanag at oras kung gaano katagal pag-usapan. Ang taong

naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung anga mga

isinumiting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.

__4___Ipadala ang isipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang

pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito

gaganapin.
BALIKAN

Panuto: PAGTATANGGAP SA MEMORANDUM: sitwasyon: Natanggap na ng kaklase mo

ang memorandum na galing sa iyo na nagpapaalam ng magkaroon kayo ng pagpupulong. Nabasa

na niya ang lahat ng ito.

Tanong: ano ang nararapat niyang gawin na magpapakita ng katibayan na ito ay kanyang nabasa

nang maayos at naintindihan?

Sagot:

Ipapaliwanag niya ng maayos at ipapaunawa sa kaniyang pinapaliwanagan,sasabihin kung ano

ang nilalaman nito,at ipapakita ang kaniyang husay gamit ang kaniyang pagiisip at pagintindi ng

memorandum.

TUKALASIN

PAGSULAT NG ADYENDA
Ayon kay Sudaprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa

pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago

isagawa ang pulong.

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong

1. Ito ay nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:

a. Mga paksang tatalakayin

b. Mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa

c. Oras na itinakda para bawat paksa

2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga

paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.

3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng

paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga

paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.

5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang

tatalakayin sa pulong.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA:

1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na

nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa

ganitong araw, oras at lugar.


2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o

kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag

din sa memo nasa mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang

kanilang concerns paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang

kailangan upang pag-usapan ito.

3. Gumaawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o

paksa ay napana o nalikom na. higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay

nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa,

taong magpaliwanag at oras kung gaano katagal pag-usapan. Ang taong naatasang

gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga

isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang

pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailan at

kung saan ito gaganapin.

5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

SURIIN

Panuto: PAGSASAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa binsang paksa. sagutin ang mga

katanungan ukol dito.


1. Ano ang adyenda?

- Ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Napakahalagang


maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang
pulong.

2. Ano-ano ang layunin nito?

- Ang layunin nito ay bigyan ng ideya ang mga kahalok sa mga paksang tatalakayin at sa
mga usaping nangangailangan ng atensyon.

3. Bakit mahalaga ang paggamit ng adyenda sa isang pulong?

- Para malaman ang paksa o pag-uusapan sa pagpupulong na gaganapin at upang maging


organisado ang takbo nito ay ang mga rason kung bakit mahalaga ang paggamit ng
adyenda.

4. Ano-ano ang bunga/resulta sa isang pgpupulong kung walang inihahandang adyenda?

- May posibilidad na hindi magkakaintindihan ang mga magpupulong dahil hindi nila alam
kung Saan Magsisimula, Anong susunod na paguusapan at kung ano talaga ang rason
kung bakit sila nag pupulong. makakagulo at hindi magiging maayos ang pagplaplano.

PAGYAMANIN

Panuto: PAGSUSURI SA ADYENDA: Basahin ang buong halimbawa ng adyenda at sagutin

ang mga tanong.

Petsa: Diyembre 5, 2015 Oras: 9:00 -11:00 n.u.

Lugar: Academya of Saint John( Conference Room)


Paksa/Layunin : Preparasyon Para sa Senior High School

Mga Dadalo:

1. Daisy Romero(Prinsipal)

2. Nestor Lontoc ( Rgistrar)

3. 3. Joselito Pascual (Finance Head)

4. Atty. Ez Pascual (Physical Resources Head)

5. Engr. Ricardo Martinez (Engineer)

6. Vicky Gallardo (Academic coordinator)

7. Rubie Manguera ( Academic Coordinator)

8. Richard Pineda ( Academic Coordinator)

9. Gemma Abriza ( Guro- Senior High School)

10. Joel Ceniza (Guro- Senior High School)

11. Sherlyn Fercia (Guro-Senior High School)

12. Evangeline Sipat (Guro-Senior High School)

13. Ailene Posadas (Guro-Senior High School)

14. Vivin Abundo (Guro- Senior High School)

15. Onie Ison ( Guro- Senior High School)

Mga Paksa O Adyenda Taong Tatalakay Oras


1. Badget sa pagpapatayo ng mga gusali Pascual 20min.

para sa senior high School

2. Loteng kailangan sa pagpapatayo ng Atty. Pascual 20min.

gusali

3. Feedback mula sa magulang hinggil sa Romeo 10min.

SHS ng ASJ

4. Kurikulum/Track na ibibigay sa ASJ Romeo 10min.

5. Pagkukuha at Pagsasanay ng mga Lontoc 15mins.

guro para sa SHS

6. Pag-iiskedyul ng mga asignatura Pineda 15mins.

7. Estratehiya para mahikayat ang mga Gallardo 10mins.

ag-aaral na kumuha ng SHS sa ASJ

MGA KATANUNGAN:

1. Bakit magkaroon ng pagpupulong ang mga kawani sa paaralan? Mahalaga ba at

napapanahon ito? Bakit?

- Kadalasan na nagkakaroon ng pagpupulong sa paaralan kapag may gusto silang baguhin

o idagdag sa sistema, o kung hindi naman ay may programa na idadaos, mahalaga ito

upang mapag-desisyunan ng bawat parte ng paaralan ang isang sitwasyon ng maayos.


2. Pansinin ang nakatakdang oras/minutong gugulin na nakabatay sa adyenda. Ano ang

naobserbahan mo rito at ano kaya ang maaaring paliwanag mo nito?

- Ito ang oras na gugugulin sa pagpapaliwanag ng mga adyenda sa paaralan at mag-aaral.

3. Makabuluhan ba ang pagdalo ng lahat ng mga pinadalhan ng memo/memorandum?

Bakit?

- Oo, sapagkat tinatalakay dito ang kapakanan ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan.

mahalagang makidalo sila rito upang magkaroon ng ideya sa adyenda.

ISAISIP

Panuto: PAGBIBIGAY KAHULUGAN: Ilapat ang Hanay A- Mga Dapat Tandaan sa

Pagsulat ng Adyenda s Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A-Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Adyenda B- Paliwanag

1. E Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay A. Tiyakin na nasusunod ang

nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. itinakdang oras para sa mga

adyenda o paksang tatalakayin


2. C Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit B. Ang pagsunod sa oras ay

na mahahalagang paksa. nangangahulugan ng pagrespeto sa

oras ng iyong mga kasama.

3. A Manatili sa iskedyul na agenda ngunit maging C. Ginagawa ito upang matiyak na

flexible kung kinakailangan. kung kulangin man ng oras para sa

pagpupulong ay natalakay na ang

importanteng paksa.

4. B Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na Makatutulong nang Malaki kun

nakalagay sa sipin ng Adyenda. Mga Paksa O Adyenda

D. umentg nakahanda na rin kasama

ng adyenda ang mga

kakailanganing dokumento para sa

mga paksang nangangailangan

estadistika at kompyutasyon

upang mas madali itong

maunawaan ng lahat at walang

masayang na oras.

5. D Ihanda ang mga kakailanganing dokumento E.Ginagawa ito upang matiyak na

kasaa ng adyenda ang bawat taong dadalo sa pulong

ay may sapat na kaalaman hinngil

sa mga paksang pag-uusapan.


ISAGAWA:

Panuto: PAGSULAT NG ADYENDA: Alinsunod sa iyong naisulat na memorandum para sa

gagawing pulong sa nakaraang aralin, lakipan mo ito ng adyenda. Isulat ito sa bondpaper,

Gawaing basehan ang halimbawa nito mula sa” Payamanin”.

SAGOT:

Petsa: Marso 15, 2021 Oras: 9:00 – 11:00 AM

Lugar: St. Joseph Academy of San Juan (Conference Room)

Paksa/Layunin: Pagpapatawag ng pagpupulong upang mapag-usapan ang bagong patakaran sa


klasrum bunga ng COVID-19 Pandemya.

Mga Dadalo:

1. Virgie L. Sude (Prinsipal)

2. Lester P. Hiram (Adviser ng ikalabindalawang baitang)

3. Abegail U. Abriza ( Guro- Senior High School)

4. Joel Ortiza (Guro- Senior High School)

5. Fercia D. Marilo (Guro-Senior High School)

6. Evangeline T. Samson (Guro-Senior High School)


7. Ailene Posadas (Estudyante)

8. Vivin Abundo (Estudyante)

9. Onie Ison (Estudyante)

10. Ella P. Lopez (Estudyante)

11. Joy Geroy (Estudyante)

12. Chezka Dersoy (Estudyante)

13. Hannah R. Ty (Estudyante)

14. Trisia Mae Regala (Estudyante)

15. Hugh Vic Poliquit (Estudyante)

16. Glaiza H. Hiramia (Estudyante)

17. Sandra Gomez (Estudyante)

18. Von Deli O. Delos Santos (Estudyante)

19. Ana Pilar (Estudyante)

20. Ryzen Miguel Y. Ariza (Estudyante)


Mga Paksa/ Adyenda Taong Tatalakay Oras

1) Mga bagong Mr. Hiram 30 mins

patakaran sa klasrum

2) Mga protocol na dapat Mrs. Sude 30 mins

sundin ng bawat isa

para maiwasan ang

paglaganap ng bayrus
3) Limitadong pagpunta Mrs. Abriza 30 mins

ng mga estudyante sa

paaralan

4) Pag-iiskedyul ng mga Mr. Ortiza 30 mins

asignatura
TAYAHIN

Panuto: KATANGIAN NG ADYENDA: Suriin ang kahulugan, kalikasan, mga katangian,

layunin, gamit, anyo (porma) ng Adyenda. Isulat sa papel/bondpaper. Sundin ang tsart

ADYENDA

Kahulugan Adyenda o talaan ng mga bagay na dapat


maisaalang-alang o maisakatuparan. Ito ay
mga plano o layunin na maaaring gumabay sa
isang tao para makamit ang ninanais na
kahahantungan. Madalas na ginagamit ang
salitang adyenda sa mga pagpupulong.
Kalikasan Adyenda-listahan, plano, o balangkas ng mga
pag-uusapan, dedisyunan o gagawin sa isang
pulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa
pagkasunod-sunod batay sa halaga nito sa
indibidwal. Ginagamit din sa pagtukoy sa
gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad
tulad ng sosyo-ekonomikal ng Adyenda sa
Pilipinas.
Katangian Tumutukoy sa plano o gusting mangyari o
gawin.
Layunin Para bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga
paksang tatalakayin.
Gamit Upang maalala ang mga importanteng
diniskurso sa isang pagpupulong at para
mahing organisado ang takbo ng isang
pagpupulong.
Anyo(porma) Isang listahan o isang plano. Kasama sa
listahang ito ang mga paksa at problema o
isyu na tatalakayin sa isang pulong.

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: MAGSALIKSIK NG HALIMBAW NG ADYENDA: Magsaliksik ng isang halimbawa

ng adyenda ng isang pulong sa internet o sa aklat. Seguraduhing may koya ka nito. Basahin,

suriin at isulat nang mahusay ang mga katangiang tinataglay nito batay sa aralin.

Sagot:

Ito ay binubuo ng katawan, may nakalagay na petsa kung kailan ipinaskil at ginawa sa ibabaw ng
bahagi ng dukomento. Sa pangkalahatan, ang agenda ay ipinapadala kasama ng paunawa ng
pulong. Ito ay nakasulat sa maikling ngunit tahasang paraan. Inayos ito alinsunod sa kahalagahan
ng pagtatapos. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.

You might also like