Professional Documents
Culture Documents
S T U D E N T ’ S L E A R N I N G M O D U L E
Content Standard : Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo
ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Akademik).
Performance Standard : Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating
akademik ayon sa format at Teknik.
Learning Competencies: Paggamit ng mga kasanayang komunikatibo (linggwistik,
sosyolinggwistik, diskorsal at istratedyik).
Learning Content: Iba’t ibang anyo ng sulatin sa mga piling larangan.
Learning Resources:
Garcia, F. A. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Legaspi Village, Makati City
Philippines, Diwa Learning System Inc.
Garcia, F. A. (2017). ). Filipi no sa Piling Larangan, Sampaloc Manila, Rex Books Store Inc.
Core Values: Nabibigyang halaga ang mga kaparaanan sa paggawa ng pananaliksik.
I. INTRODUKSYON
Transisyon
Isa sa pinakamahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa
akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit
sa ikatataguyod ng lipunan.
1|Page
Batayang Kaaalaman 2
PAGPAPALIWANAG:
Basahin Mo!
1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o
balbal na pananalita.
2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-
aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larangan. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo
et al. 2005).
3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito
ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan,
ipinapaliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral.
4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga
impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism
ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
5. May Kalinawan
Dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon kung kaya’t ang
pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
2|Page
Batayang Kaaalaman 3
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.
3|Page
Batayang Kaaalaman 4
I. INTRODUKSYON:
Transisyon:
Bakit maraming mag-aaral ang natatakot sumulat ng komposisyon? Sadya nga bang
mas mahirap magsulat kaysa magsalita? Kung minsan, nagsasalita ang tao nang hindi
gaanong nabibigyang- pansin ang kawastuhan sa gramatikasapagkat walang tala o
dokumentong pagbabatayan ng kanyang sinasabi kung kaya wala siyang masyadong
pananagutan dahil ito ay lumipas na. Hindi gaya ng pagsulat, isang dokumanto ang nalilikha
na nagpapatunay ng kaalaman, opinion at kahusayan sa paggamit ng wika ng manunulat.
PAGPAPALIWANAG:
Basahin Mo!
ANG PROSESO NG PAGSULAT
4|Page
Batayang Kaaalaman 5
kanyabng sariling kaalaman at karanasan upang maunawaan ang mga bagay sa kanyang paligid at
maipaliwanag ito sa iba.
Bahagi ng Teksto
1. Panimula
Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng tekstong isusulat. Ang bahaging ito
ay nararapat na maging kawili-wili upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang mambabasa na
tapusing basahin ang teksto.
2. Katawan
Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at
kaisipang nais ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga
kaisipanng ipinahahayag upang hindi malito ang mambabasa dahil ito ang pinakamalaking
bahagi ng teksto. May tatlong hakbang para maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin.
• Pagpili ng organisasyon
• Pagbabalangkas ng nilalaman
• Paghahanda sa transisyon ng talataan
3. Wakas
Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag-
iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang
tinatalakay o mag-iwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksyon.
5|Page
Batayang Kaaalaman 6
II. INTRODUKSYON:
Transisyon:
Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pagbabasa at panonood. Sa pamamagitan
kasi ng mga ito, nadaragdagan ang kaalaman ng tao at lumalawak ang saklaw ng pagkatuto
di lamang sa sariling kultura, kapaligiran, at pamumuhay kundi sa mga lugar sa ibayong-
dagat at maging sa labas ng ating daigdig.
PAGPAPALIWANAG:
Basahin Mo!
PAGSULAT NG SINTESIS
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa
Ingles ay put together o combine (Harper 2016). Makikita ang prosesong to sa mga pagkakataong,
halimbawa, pag-uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang pagbanggit sa bawat
kabanata at nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang kahulugan, layunin, at kongklusyon ng
libro.
Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na nauunawaan ay
ulit-ulitin itong basahin. Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama
dahil maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.
6|Page
Batayang Kaaalaman 7
Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.
Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.
Basahin at Unawain
Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos, ibuod ito ayon sa mga bahagi ng
teksto. Sagutan ang pagsasanay na nasa kabilang pahina.
Alamat ng Ilang-Ilang
Noong panahong bago-bago pa lamang sa lupaing ito ang mga Espanyol, sa isang pook ng
bayang Malabon ay may isang dalagang tumutugon sa pangalang Cirila, kabilang sa angkan ng mga
Gat kung kaya’t iginagalang at pinagpipitagan ng madla. Ang kanyang ganda, na ayon sa sabi’y
pinilas sa buwan, ay tinambalan pa ng isang kabaitang siyang nagbibinhi sa puso ng kanyang mga
kababayan upang pag-ukulan siya ng isang pagmamahal na wala nang makakatulad.
Sa bayang ito ay may isang binata rin naman na ang pangalan ay Carlos na kung tagurian ay
Lanubo, dahil sa kanyang mga bisig na matitigas at matitipuno; siya’y may katapangan at lakas ng
loob na kinagugulatan ng sino mang binata sa mga karatig na bayan ng Malabon.
Si Carlos at si Cirila, na ang palayaw naman ay Ilang, ay magkatipan sa pag-ibig. Ang
kanilang pagmamahalan ay walang makakatulad. Hindi nila nakikilala ang lungkot; ang kapighatian
ay kanilang hinahamak, ang luha at buntong-hininga ay hinahalakhakan lamang nila kung ang mga
ito’y sinasambit ng sinumang kakilala na nakababatid ng timyas ng kanilang pagsusuyuan. Ang pag-
iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay hindi naman lingid sa kanilang mga magulang at ang mga ito naman
ay hindi tutol sa pag-iibigan nila.
Isang araw ay dumating sa Malabon at umahon sa dalampasigan ang Nabotas ang ilang mga
dayuhang Tsinong karaniwan na ring dumarating sa nasabing bayan. Ang Tsinong ito, hindi nalao’y
tinubuan ng pag-ibig sa dalaga, ngunit hindi siya nagpahayag ng kanyang niloob marahil ay sa
dahilang alam niya ang ugali ng mga babaeng Pilipina at ang isa pa’y nasisindak siya na baka ito’y
mabatid ni Lanubo na isang binatang lubos na kinatatakutan ng lahat ng lalaki sa bayan at sa mga
pook na karatig. Sinarili ng Tsino ang gayong pagnanais at naghintay na lamang ng isang mabuting
pagkakataon na sa ganang kanya’y siyang lalong pinakamabuting magagawa. Ang katuparan ng pag-
iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay malapit nang dumating. Sa pagkakasundo ng dalawang panig ay
pinagkayarian ng mga magulang nila na ang kasal ay idaos sa pagliliwanag ng buwan. Noon ay
gasuklay pa lamang ito at dahil diya’y may panahon pa sila upang magawa ng bawat isa ang mga
paghahanda sa lahat ng kinakailangan. Sa gayon, si Lanubo ay nagpaalam upang tumungo sa Limay,
Bataan, upang makapanghuli ng usa na noong mga panahong yao’y isa sa mabuting handa sa
pagsasalo-salo ng magkakaibigan. Apat na matalik na katoto ng binata ang isinama at isang umaga’y
sumakay sila sa isang lunday na patungo sa bundok na mausa.
Magdalawang araw ng pagkaalis ni Lanubo, sinamantala ng Tsino ang pagkakataon at
nagpahayag ng pag-ibig kay Ilang at naghandog pa ng mga kayamanan, datapwa’t sukat isipin na ang
mga paghahandog na ito’y walang masasapit sa isang babae na di lamang sa marunong tumupad sa
pangako kundi may isang puso pang malinis at marangal kaya’t isang kabaliwan lang ang isinasagawa
ng Tsino sa pagtatapat ng pag-ibig na tiyak nang walang kasasapitan.
Ang Tsino ay hindi lamang tumanggap nga ng malaking pagkabigo kundi kinapopootan pa
ng dalaga gayong kapangahasan na sinamantala ang pag-alis ng kanyang minamahal na katipan. Sa
pagkapahiya ng Tsino ay minabuti ang umalis sa bayang yaon at huwag nang paabot pa sa pagdating
ni Lanubo, ngunit siya namang pagdating ng dalawang pangkat ng mga tulisang Tsino na siyang
sinamantala ng nasiphayo upang ang hindi niya nakuha sa mabutihan ay daanin sa masama.
Nakipagsabwatan sa kanyang mga kababayan, at isang gabing umuunos ay sinalakay nila ang tahanan
ng dalaga at matapos na itali ang mga magulang nito ay kinuha si Ilang dinala sa isang malayong
7|Page
Batayang Kaaalaman 8
pook at doon ay pinilit ang babae na mapasang-ayon sa kanilang maitim na nais. Ngunit si Ilang ay
hindi napahinuhod ng Tsino gaano mang pananakot at pagbabanta ang kaniyang gawin. Nang inakala
na niya na siya ay sapilitang mapapasa-kamay ng Tsino ay minabuti na lamang mamatay kaysa
mawalan ng puri, at sa isang pagkalingat ng salanggapang na Tsino ay inagaw niya ang sundang nito
at sa pag-aagawan nila, sinamang-palad na natarak ang sundang sa tapat ng puso ni Ilang na
ikinamatay nito doon din.
Nang gabing iyon ay dumating ang pangkat ni Lanubo at nang mabatid ang mga nangyari ay
hinanap ang taksil na maygawa ng gayong kapalastangan, at sa gitna ng dagat na sinisiklot ng malakas
na alon ay naghamok ang mga tulisang Tsino at ang pangkat ni Lanubo, at dahil sa nagngangalit na
kapootan ng binata at ng kanyang mga kaibigan ay halos walang iniwang buhay sa pangkat ng
masasamang-loob.
Kinabukasan, ang bangkay ni Ilang na tinatangisan ng mga binata at ng bayang nagmamahal
sa dalaga ay inilibing sa tabi ng isang malaking punong-kahoy na di namumulaklak. Buhat noon,
gabi-gabi sa harap ng puntod ng kaawa-awang si Ilang, sakbibi ng walang kaparis na pagdadalamhati
ay lumuluhod si Lanubo at sa buong magdamag ay walang tinatawag kundi ang pangalan ni Ilang.
Pagkaraan ng mahabang araw, isang umaga, nagisnan na lamang ng buong bayan na si Lanubo ay
bangkay na ring malamig marahil ay upang matapos na ang kanyang pagdadalamhati. Nang inilibing
na si Lanubo sa pook ding kinalilibingan ni Ilang, ang kura na isang paring Espanyol na lubhang
nakatalos sa mga nangyari ay nagsabi sa kanyang mga kausap ng ganito:
Kaawa-awang binata! Gabi-gabi siya’y walang isinisigaw kundi Ilang…Ilang…na siyang
pangalan ng dalagang sasamahan niya ngayon sa hukay.
Isang araw, pagkaraan ng ilang panahon ng pagkakalibing ni Lanudo sa kinalilibingan ni
Ilang, ang mga tao ay ginulat ng mabangong amoy na nagbuhat sa libingan ng magsing-irog at nang
pagsadyain ng mga tao ay nagtaka sila nang gayon na lamang sapagkat ang punong-kahoy sa libingan
ng dalawa na matagal na panahong di namumulaklak ay naghandog ngayon ng mga talulot na may
bangong kahanga-hanga. Ang bulaklak na yaon ay tinawag na Ilang-ilang bilang paggunita sa
dalawang pusong nagpamalas ng lalong dalisay at tapat na pag-ibig.
I. INTRODUKSYON:
8|Page
Batayang Kaaalaman 9
Transisyon
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
PAGPAPALIWANAG:
Basahin Mo!
PAGSULAT NG TALUMPATI
1. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.
2. Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.
3. layon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa - pagpapahayag ng mga
ideya sa talumpati.
1. Paghahanda
a. Talumpating Maisusulat Pa
Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti sa paksa ng talumpating
iyong isusulat. Palaging isipin na mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig
o manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng pagbigkas.
3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding
emosyon na siyang pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
9|Page
Batayang Kaaalaman 10
1. Impromptu. Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda (Mangahis,
Nuncio, & Javillo 2008). Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa
mga job interview, ilang okasyon ng question and answer, at pagkakataon ng pagpapakilala.
Hindi posible sa uring ito ang pagsulat pa ng bibigkasing talumpati ngunit mahigpit ang
pangangailangan dito ng kahusayan sa pag-oorganisa, paglilinaw, at pagtatampok ng mga
ideyang nais palutangin na siya ring kauna-unahang kahingian sa pagsusulat.
Isang dekada na pala ang nakalilipas, ako ay katulad n'yo rin na nakaupo diyan. Hindi ko alam
kung bakit, ang isang simpleng tao na tulad ko ang napiling tagapagsalita ninyo ngayong gabi.
Nalalaman ko na mayroon pang mga tao na nakahihigit sa akin para magsalita sa inyong harapan.
Kung kaya't ako ay lubos na nagpapasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa akin ng ating paaralan.
Nawa ay maibigay ko nang tapat ang mensahe na magsisilbing inspirasyon sa inyong lahat.
10 | P a g e
Batayang Kaaalaman 11
pagkakataong ito, maaari bang tumayo ang mga magsisipagtapos at lapitan sila upang gawaran ng
isang halik at yakap habang sinasambit ang mga salitang: Inay... Itay... Maraming Salamat Po!
Noon ay may isang bata na naulila sa edad na pitong taong gulang. Walang nanay, walang
tatay. May mga kapatid man siya ay hindi sila nagkasama-sama sa iisang bubong sapagkat
kinakailangan nilang maghiwa-hiwalay upang mabuhay sa piling ng kanilang mga nakaririwasang
mga kamag-anak at ibang tao.
Dalawa sa kanyang mga kapatid na babae ay kinuha ng kanyang mga kamag-anak at siya ay
napunta sa isang tao na hindi nila kamag-anak.
Madaling araw pa lamang ay gising na siya upang magtungo sa palengke upang bumili ng
mga gagamitin niya sa pagtitinda ng arozcaldo at goto. Habang iniluluto niya ang kanyang mga
ititinda, siya ay naglilinis na ng bahay. Nagwawalis. Naglalampaso.
Sabay natatapos ang paglilinis ng loob ng bahay at ang pagluluto ng paninda. Ala-sais ng
umaga hanggang alas nuwebe nauubos ang kanyang paninda. Matapos mailigpit ang kanyang mga
pinaglutuan at pagtulong pa sa ilang gawain ay papasok naman siya sa sekundarya mula alas dose ng
tanghali hanggang ala-sais ng gabi. Pero, bago tuluyang umuwi ay dadaan na siya sa palengke.
Kung minsan, madalas pa siyang pinagagalitan at nasasaktan sa hindi niya malamang dahilan.
Pero wala naman siyang magagawa kundi ang magtiis at magpaubaya sa kanyang tadhana.
Walong taon na ganoon nang ganoon ang kanyang ginagawa. Walong taong pagtitiis ng hirap,
pagtitiyaga hanggang sa puntong magtatapos na pala siya ng kolehiyo sa kursong pagka-guro.
Tumutulo ang kanyang luha nang tanggapin niya ang kanyang medalya at sertipiko ng
pagtatapos. Luha ng kagalakan. Luha ng bagong buhay.
Inilahad ko ito sa inyo upang ipaunawa na ang pagkakamit ng kaunlaran sa tulong ng bisa ng
edukasyon ay hindi mahahadlangan ng kahirapan sa buhay. Hindi mahalaga ang estado o kalagayan
mo sa buhay. Kung may determinasyon tayong makamit ang ating pangarap, magagawa natin itong
mangyari, lalo na kung sasamahan ng matibay na pananalig sa Poong Maykapal upang ang kanyang
gabay ng pagpapala ay mapasaatin.
11 | P a g e
Batayang Kaaalaman 12
Ang diwa ng tagumpay ay nasa sa ating mga sarili. Naghuhumiyaw ang tinig ng tagumpay sa
mga taong nag-aalab ang determinasyon na hindi sumusuko sa hamon ng buhay hanggang makamit
ito.
Sa mga kabataan, huwag kayong malungkot kung hindi agad magtagumpay sa inyong
pinapangarap dahil hindi minamadali ang tagumpay. Hindi ito nakakamit sa magdamag na puyatan.
Ito ay nakakamit sa paghihintay ng panahon. Ang pagtatagumpay ay hinihinog ng karanasan at
pinapanday ng panahon. Kapag ganap ka nang matatag, kahit anupang gawin mong paraan ang
tagumpay ay parang sumusubang kanin na pumapailanlang. Ang usok ng kanin sa takip ng kaldero
ay naghuhumiyaw na kilalanin ng ibang tao ang iyong tagumpay.
At higit sa lahat, madaling makamit ang tagumpay kung ikaw ay magpopokus sa kasanayang
alam mong doon ka magaling. Pinaglalaanan ng panahon na mabuting mapaunlad pa para sa iyong
sarili. At ang diwa ng tagumpay ay mararamdaman kung may kahulugan ka para sa mga taong
kakilala mo, sa mga kaibigan mo, at higit sa lahat sa pamilya mo.
12 | P a g e