You are on page 1of 3

ARALIN 1: KAHULUGAN , KATANGIAN, KALIKASAN AT PROSESO Filipino sa Piling Larangan

NG PAGSULAT 12

ANG PAGSULAT
PAGSULAT

DAMDAMIN
 Ideya  Nararamdaman  Tugon
 Konsepto  Saloobin  Aksiyon

ISIP KILOS

 Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay
hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin
sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kaniyang
ibinabahagi ay mananatiling kaalaman.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT


LAYUNIN

 Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang magpabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala,
kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat.
 Ayon kay Mabilin (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa
dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring maging personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng
pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,
kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat, ang halimbawa
nito ay sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa,
ito ay maaari naming maging panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang
makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng
pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita,
korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasuyon, at iba pa.

KAHALAGAHAN O MGA BENEPISYONG MAAARING MAKUHA SA PAGSUSULAT

1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa


pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pgsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinsagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng
kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT

1. Wika- ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
karanasan, damdamin, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais
sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling
maiakma sa uri ng taong babasa ng akda, komposisyon, o pananaliksik na nais mong

FIRST SEMESTER S.Y. 2018-2019


1
ARALIN 1: KAHULUGAN , KATANGIAN, KALIKASAN AT PROSESO Filipino sa Piling Larangan
NG PAGSULAT 12

ibahagi sa iba. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na
paraan.
2. Paksa- mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang
magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging
malaman makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o sa komposisyong
susulatin. Ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo ay makatutulong
ng malaki upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang-pansin.
3. Layunin- Tulad ng tinalakay sa unahan, mahalagang matiyak ang layunin sa pagsulat.
Ang layunin ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong
pagsusulat ng sa gayon ay maganap nito angg iyong pakay sa katauhan ng mga
mambabasa.
4. Pamamaraan ng pagsulat- May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang
mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o paky ng
pagsulat.
a. Paraang Impormatibo
b. Paraang ekspresibo
c. Pamamaraang naratibo
d. Pamamaraang Deskriptibo
e. Pamamaraang argumentatibo
5. Kasanayang pampag-iisip- Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang
mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o di gaanong mahalaga, o maging ng
mga impormasyon na dapat isama sa akdang isususlat. Kailanagang maging lohikal din
ang kaniyang pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw o mabisang pagpapaliwanag o
pangangatwiran. Higit sa lahat kailangang maging obhetibo siya sa pagsusuri at
pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat
ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika particular sa wastong
paggamit ng Malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo
ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi
ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na salita.
7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin- Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos organisado, obhetibo, at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.

MGA URI NG PAGSULAT


1. Malikhaing Pagsulat
2. Teknikal na Pagsulat
3. Propesyunal na Pagsulat
4. Dyornalistik na Pagsulat
5. Reperensiyal na Pagsulat
6. Akademikong Pagsusulat

KAHULUGAN NG AKADEMIKONG SULATIN


 Kaugnay ng akademikong disiplina
 Sinusulat sa iskolarling pamamaraan.

Ang akademikong pagsulat ay kasanayang dapat malaman at mapaunlad. Ito ay isinasagawa sa


isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
Layunin ng akademikong pagsulat na magbigay ng makabuluhang impormasyon sa haalip na manlibang
lamang.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailanagn ng


mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na
mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata at seksiyon upang maging malinaw ang
pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito.

FIRST SEMESTER S.Y. 2018-2019


2
ARALIN 1: KAHULUGAN , KATANGIAN, KALIKASAN AT PROSESO Filipino sa Piling Larangan
NG PAGSULAT 12

Ang karaniwang estruktura ng akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng


introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon,
kongklusiyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote,
talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.

Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang mayroong pinagbabatayan. Pundasyon ang isip na
magluluwal ng mabungang impormasyon. Ang impormasyon ay dapat sangkapan ng lohikal, kritikal,
maugnayin, at malikhaing paraan upang iugnay ang kaalaman sa nilalaman ng akademikong sulatin.

Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos
at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at trabaho.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Komprehensibong Paksa
Batay ito sa Interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay itinakdang ipagawa,
madalas nakapakay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga
usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at
iba pa. mahalaga ang gampanin ng paksa sa kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa
mag-uumpisa ang pagpaplaano upang maisakatuparan ang makabuluhang akademikong
sulatin.
2. Angkop na layunin
Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong
sulatin. Gabay ito upang organisahin ang ideya ng sulatin. Nakapaloob sa layunin ang
mithiin ng manunulat kung nais magpahayaag at iba’t ibang impormasyon kaugnay ng
katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad, suportahan o
pasubalian ang mga dati nang impormasyon, at iba pang layuning nakaugat sa dahilang
ng pagbuo ng akademikong sulatin.
3. Gabay na balangkas
Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito upang organisahin
ang ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa, balangkas na
pangungusap, balangkas na talata. Sa tulong ng pag babalangkas, napadadali ng
manunulat ang kaniyang pagsulat ng sulatin. Kadalasan ang balangkas din ang
nagsisilbing burador ng anumang sulatin. Ang paunang balangkas ang magiging batayan
sa pagrebisa ng pinal na sulatin.
4. Halaga ng Datos
Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing na
pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda. Kung walang
datos, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng
datos: primary o pangunahing sanggunian at sekondaryang sanggunian. Nakapaloob sa
pangunahing sanggunian ang mga orihinal na dokumento na naglalaman ng
mahahalagang impormasyon ukol sa paksa. Sa sekondaryang sanggunian, makikita ang
sariling interpretasyon batay sa pangunahing impormasyon.
5. Epektibong Pagsusuri
Bahagi rin ng isang komprehensibong akademikong sulatin ang pagsusuri. Upang maging
epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri. Hindi makahihikayat ng mambabasa
ang isang akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay nakabatay lamang sa
pansariling pananaw ng sumusulat.
6. Tugon ng Konklusyon
Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng
akademikong sulatin. Makikita sa konklusyon ang mga kasagutan sa mga itinampok na
katanungan sa isinulat na pag-aaral . kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na
binuod batay sa natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng payo o
rekoomendasyon tungo sa bago o pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o
akademikong sulatin.

FIRST SEMESTER S.Y. 2018-2019


3

You might also like