You are on page 1of 25

GRADE 10

POINTERS TO REVIEW:
Ikatlong Markahan
• Sanaysay
• Thesis Statement
• PANDIWA (aspekto, pokus, kaganapan at
kaukulan)
• Mga Akdang Tinalakay (Aralin 2-5)
Ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
• A. Natutukoy ang ibat ibang pokus at
kaganapan ng pandiwa
• B. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa sa
iba’t ibang pokus at kaganapan
• C. Nakikilahok nang buong sigla at husay
sa mga talakayan at pangkatang gawain
POKUS

tawag sa relasyong pansemantika


ng pandiwa ng simuno o paksa
ng pangungusap.
POKUS NG PANDIWA KAHULUGAN PANANDA NA GINAGAMIT

TAGAGANAP O AKTOR Ang simuno o paksa ang “sino?”


gumaganap ng kilos na [mag- , um- , mang- , ma- ,
sinasaad ng pandiwa maka- , makapag- , maki- ,
magpa-]

LAYON Paksa o binibigyang diin sa “ano?”


pangungusap [-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]
Sa Ingles, ito ay ang direct
object.

TAGATANGGAP Pinaglalaanan ng kilos na “para kanino?”


ipinapahiwatig ng pandiwa [i- , -in , ipang- , ipag-]
Sa Ingles, ito ay
ang indirect object.
KAGAMITAN Gamit ang siyang simuno o “sa pamamagitan ng
paksa ng pangungusao ano?”
upang maisagawa ang kilos [ipang- , maipang-]
ng pandiwa
POKUS NG PANDIWA KAHULUGAN PANANDA NA
GINAGAMIT

GANAPAN Lugar ang binibigyang diin o “saan?”


ganapan ng kilos [pag-/-an , -an/-han , ma-/-
an , pang-/-an , mapag-/-an]

SANHI Sanhi o dahilan ang “bakit?”


paksang binibigyang-diin sa [i- , ika- , ikina-]
pangungusap

DIREKSYON Nagsasaad ng direksyon ng “tungo saan/kanino?”


kilos ng pandiwa [-an , -han , -in , -hin]
Halimbawa: TAGAGANAP

AKTOR POKUS NG PANDIWA


Si Aphrodite ay tumugon sa
panalangin ni Pygmalion
Halimbawa: LAYON
POKUS NG PANDIWA
Pinag-uusapan ng mga tao
LAYON
ang estatwang nilikha ni
Pygmalion
Halimbawa: GANAPAN

POKUS NG PANDIWA
Pinagmulan ng mga
mitolohiya ang
GANAPAN
bansang Griyego.
Halimbawa: TAGATANGGAP
POKUS NG PANDIWA

Ipinagdala nina Pygmalion ng


TAGATANGGAP
mga alay si Aphrodite.
Halimbawa: KAGAMITAN
POKUS NG PANDIWA

Ginamit ni Pygmalion ang


GAMIT
paet at martilyo sa pag-ukit
ng estatwa.
Halimbawa: SANHI
POKUS NG PANDIWA

Ikinatuwa ni Aphrodite ang


SANHI
patuloy na pag-aalay ng
pamilya ni Pygmalion.
Halimbawa: DIREKSYUNAL
POKUS NG PANDIWA
Sinulatan niya
DIREKSYUNAL
ang kanyang mga magulang.
GAWAIN 1
POKUS NG PANDIWA
Pagyamanin ang Kaalaman sa
Gramatika
A p. 315
GAWAIN 2
POKUS NG PANDIWA
Gamit ang mga binilugang pandiwa
sa piniling artikulo mula sa
pahayagan, kumuha ng 5
pangungusap o pahayag dito at
tukuyin kung anong pokus ng
pandiwa ang ginamit dito.
KAGANAPAN
Kaugnayan ng pandiwa sa
panaguri ng pangungisap.
Ang mga paksa ng kaganapan na
ito ay kung gagamitan ng mga
panandang ang/ang mga o si/sina
KAGANAPAN NG KAHULUGAN PANANDA NA
PANDIWA GINAGAMIT

TAGAGANAP O AKTOR bahagi ng panaguri na Nino?


gumaganap sa kilos na
isinasaad ng pandiwa. Ng, ng mga, si, sina

LAYON bahagi ng panaguri na Ano?


nagsasaad kung ano ang
bagay o mga bagay na
tinutukoy ng pandiwa

TAGATANGGAP nagsasaad kung sino ang Para kanino?


nakikinabang sa kilos ng
pandiwa

KAGAMITAN nagsasaad kung anong Anong bagay o


bagay, kagamitan, o instrumento?
instruento ang ginagamit
upang magawa ang kilos
KAGANAPAN NG KAHULUGAN PANANDA NA
PANDIWA GINAGAMIT

GANAPAN nagsasaad ng lugar na Saan?


ginanapan ng kilos ng
pandiwa Nagsisimula sa “sa”

Dito/rito, diyan/riyan,
doon/roon

SANHI nagsasaad kung ano ang Bakit?


dahilan ng pakakaganap ng
kilos ng pandiwa Dahil or dahil sa

DIREKSYUNAL ang bahagi ng panaguri ay «ng»


nagsasaad ng direksyon ng «sa»
kilos na taglay ng pandiwa Mga pandiwa:
punta, pasok, akyat, baba,
balik, tungo, etc.
Halimbawa:
TAGATANGGAP/AKTOR

Ang puno ng saging ay itinanim ng


matsing sa basang lupa.

“Itinanim nino?” (Itinanim ng matsing)


Halimbawa:
LAYON:
Nagtitiklop ng mga damit si Angela
para sa kanyang ate.
“Nagtitiklop ng ano?”

TAGATANGGAP:
Si Angela ay nagtitiklop ng mga damit
para sa kanyang ate.
“Nagtitiklop para kanino?”
Halimbawa: SANHI/DAHILAN

Uminom ako ng gamot dahil masakit


ang aking ulo.
“Bakit ka uminom ng gamot?”

(Ako ay uminom ng gamot dahil


masakit ang aking ulo.)
Halimbawa: KAGAMITAN

Si Raul ay naghukay sa bakuran sa


pamamagitan ng pala.
“Anong bagay o instrumento ang
ginamit ni Raul para maghukay?”
Halimbawa:
DIREKSYONAL:
Sina Tatay at Nanay ay pumunta sa
Makati Medical Center para bisitahin si
Lola Puring.
“Saan pumunta sina Tatay at Nanay?”
GANAPAN:
Kinausap nila ang doktor sa Makati
Medical Center.
“Saan nila kinausap ang doktor?”
GAWAIN 1
KAGANAPAN NG PANDIWA
Pagyamanin ang Kaalaman sa
Gramatika
A p. 336
GAWAIN

Mula sa maikling kuwentong “Saranggola” ni


Efren Abueg, kumuha ng 7 pangungusap
na nagpapakita ng 7 pokus ng pandiwa.

You might also like