You are on page 1of 30

PANDIWA

URI, ASPEKTO AT POKUS


PANDIW
ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o
galaw at nagbibigay-buhay saAlipon ng mga
salita.
Ito’y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit
pang panlapi. Ang mga panlaping ginagamit sa
pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.
URI
PALIPAT
PANDIWA
ang pandiwa kung may tuwirang layong
tumatanggap sa kilos. Ang layon ay
karaniwang kasunod ng pandiwa at
pinangungunahan ng mga katagang ng, ng
mga, sa, sa mga, kay o kina.
Halimbawa:
Si Pygmalion ay lumilok ng estatwa.
pandiwa tuwirang-
layon
Ito’y kanyang sinuotan ng damit at mamahaling
alahas. pandiwa tuwirang-
layon
URI
KATAWANIN
PANDIWA
ang pandiwa kapag hindi na ito
nangangailangan ng tuwiranglayong
tagaganap ng kilos at nakatatayo na itong
mag-isa.
a. Pandiwang naglalahad lamang ng kilos,
gawain o pangyayari.
Halimbawa:
Nabuhay si Galatea.
pandiwa

Sina Pygmalion at Galatea ay ikinasal.


pandiwa
b. Mga pandiwang palikas na walang simuno.
Halimbawa:
Umuulan!
Lumilindol!
ASPEKTO
PANDIWA
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang
kilos.
Halimbawa:
Natapos ng binata ang kanyang obra
maestra.
Aspektong Katatapos
bahagi rin ng akspektong naganap sapagkat
ang kilos ay katatapos pa lang gawin o
mangyari. Sa pagbuo nito’y idinudugtong ang
panlaping ka sa inuulit na unang pantig ng
salita
Halimbawa:
Katatapos lang gawin ng binate ang
kanyang obra maestra.
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
Ito’y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang
nangyayari o kaya’y patuloy na nangyayari.

Halimbawa:

Araw-araw na dinadalaw ni Pygmalion ang


minamahal niyang estatwa.
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
Ito’y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa
isinasagawa o gagawin pa lang.

Halimbawa:
Magpapasalamat ang magkasintahan sa
butihing diyos ng pag-ibig.
Salitang Perpektibo Imperpekti Kontemplat Perpektibon
Ugat bo ibo g Katatapos

Punas Nagpunas Nagpupunas Magpupunas Kapupunas


Dilat Nagdilat Nagdidilat Magdidilat Kadidilat
Sampay Nagsampay Nagsasampa Magsasampa Kasasampay
y y
Tingin Nagtingin Nagtitingin Magtitingin Katitingin
Mahal Nagmahal Nagmamahal Magmamaha Kamamahal
l
POKUS
ang PANDIWA
tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa o
salitang kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap. Makikita ito sa
panlaping ginamit sa pandiwa.
1. Tagaganap o Aktor
ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno
sa pangungusap ang tagaganap ng kilos ng
pandiwa

Sinasagot nito ang tanong na “sino?” Ginagamitan


ito ng mga
panlaping mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-
, maki-, o magpa-.
Halimbawa:

Si Aphrodite ay tumugon sa panalangin ni


Pygmalion.
2. Layon o Gol
ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay
siyang paksa o binibigyang-diin sa
pangungusap.
Sumasagot ito sa tanong na “ano?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping -in-, -i-, 
-ipa-, ma-, na-, o -an.
Halimbawa:

Pinag-uusapan ng mga tao ang estatwang


nilikha ni Pygmalion.
3. Ganapan o Lokatib
ang pokus ng pandiwa kung ang lugar o
pinagganapan ng kilos ang paksa ng
pangungusap.

Sinasagot nito ang tanong na “saan?”


Ginagamitan ito ng mga panlaping pag-/-an, -an/-
han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an, pinag/an, o in/an.
Halimbawa:

Pinagmulan ng mga mitolohiya ang


bansang Griyeso.
4. Tagatanggap o Benepaktib
ang pokus ng pandiwa kung ang tao o bagay
na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa
ang paksa ng pangungusap.
Sinasagot nito ang tanong na “para kanino?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-,
 -in, ipang-, o ipag-.
Halimbawa:

Ipinagdala nina Pygmalion ng mga alay si


Aphrodite.
5. Gamit o Instrumental
ang pokus ng pandiwa kung ang bagay na
ginamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa ang paksa ng pangungusap.
Sinasagot nito ang tanong na “bakit?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, ika-,
o ikina-.
Halimbawa:

Ginamit ni Pygmalion ang paet at martilyo


sa pag-ukit ng estatwa.
6. Sanhi o Kosatib
ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng
pangungusap ay ang dahilan o sanhi ng kilos.

Sumasagot ito sa tanong na “tungo saan o kanino?”


Ginagamitan ito ng mga panlaping -an, -han, -in, o -
hin.
Halimbawa:

Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-


aalay ng pamilya ni Pygmalion.
Pagsasanay
Panuto: Tukuyin kung anong Pokus ng Pandiwa ang ginamit sa
pangungusap.
1. Nagsaing ng kanin si Tatay Emilio para sa
hapunan.

2. Nagbenta si Lourdes ng pastil sa eskwelahan.

3. Kunin mo ang pera ko sa aking bag.


4. Nakita ni mel ang nawawalang libro.
5. Sa labas ng paaralan, pinagprotestahan ng
mga kabataan ang kanilang mga karapatan.
6. Ipinagdiwang nila ang kanyang
kapanganakan.
7. Ibinili ni Drake ng pasalubong si Lolo.
8. Ipinanghampas niya sa mga estudyante
ang mahabang stick.

9. Ipinahid niya sa mukha ang lumang


panyo.

10. Ikinatuwa niya ang magandang regalo


ng kanyang kapatid.
TAKDANG-ARALIN 1.3
Panuto: Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na
gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong nakalahad.
Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pag-ibig
sa pamilya, sa kaibigan at sa kapwa.
1. Gumawa (perpektibo o naganap)
2. Makinig (imperperktibo o nagaganap)
3. Magbigay (perpektibong katatapos)
4. Sumunod (imperpektibo o nagaganap)
5. Magsakripisyo (kontemplatibo o magaganap)
Salamat!

You might also like