You are on page 1of 25

PANGUNGUSAP

GROUP 1
SINTAKS
Ano ang kahulugan ng Sintaks?

Ito ay pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap, pagsasama-


sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o mga
pangungusap.
Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.
Halimbawa:
Nanay! (panawag)
Aray! (nagsasaad ng damdamin)
Sulong! (utos)
Opo (panagot sa tanong)
Umuilan (pandiwang palikas o penomenal)
titik—————→salita—————→pangungusap—--→diskurso
↓ ↓ ↓
ponema morpema sintaksis
↓ ↓
ponolohiya morpolohiya
(palatanungan) (palabusan)
Ano ang pangungusap?

Sa linggwistika, ang pangungusap ay lipon ng mga


salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng
panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa
subalit buo ang diwa.
DALAWANG URI NG PANGUNGUSAP

1. Pagpapanaguri
Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap na may
simuno/sabjek/tapik/paksa at panaguri/koment/predikeyt.

2. Di-Pagpapanaguri\non-predikeytib
Tinatawag na isang salita o lipon ng mga sa lita na walang simuno ngunit
nagpapahayag naman ng diwa o kaisipan.
Mga Bahagi ng Pangungusap

1. Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles)


Ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng
pandiwa.
- Ang ang/si ay nagpapakilala sa simuno at ipinakita na rin ang mga
panghalili sa mga iyon na mga panghalip paano at pamatlig.
2. Panaguri (Predicate sa wikang Ingles)
ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon
tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
Halimbawa: Siya ay maganda.
Siya - simuno
maganda - panaguri
Mga Uri ng Simuno
1. Pariralang Nominal
halimbawa:
Nagkaisa ang mga taong-bayan.
Nag-uusap sina Ava at Ann.
Nagkakasundo ang mga iyan.

2. Pariralang Pandiwa
Halimbawa:
Mahirap ang umasa.
Hindi madali ang magpatawa.
Dumating na ang mga nagtatrabaho.

3. Pariralang Pang-uri
halimbawa:
Pinararangalan ang matatalino.
Hinahangaan ang magagalang.
Mapagkunwari ang madadaya.
4. Pariralang Pang-abay
halimbawa:
Huwag nang sariwain ang nakaraan.
Alalahanin natin ang bukas.
Mahalaga ang kasalukuyan.

5. Pariralang Pang-ukol
halimbawa:
Pagpapatawad ang nasa magulang.
Pagsisikap ang nasa sambayanan.
Pagtulong ang para sa iyo.

6. Pariralang Eksistensyal
halimbawa:
Masaya ang may mga magulang.
Malungkot ang walang mga tunay na kaibigan.
Mainam ang may sariling disposisyon
Ang Panaguri

Ang panaguri ng pangungusap ay maaaring pariralang berbal


o di- berbal.

Pariralang Di-berbal
A. Pariralang Pangngalan
Propesor ng Kolehiyo ng Arte at Literatura si Prop. Virgilio Almario.
B. Pariralang Panghalip
Kayong lahat ang pag-asa.
C. Pariralang Pang-abay
Lubhang kahabag-habag ang kalagayan ng mga taga-Leyte.
D. Pariralang Pang-uri

Bagong cellphone ang nawala sa kanya.

E. Pariralang Pang-ukol

Nasa inyo ang kinabukasan ng sambayanan.

F. Pariralang Eksistensyal

Mayroon nga sila.

Wala ka ng pag-asa kaya wag ka ng umasa pa


Pariralang Berbal

Tinatalakay sa pariralang berbal ang hinggil sa komplemento/kaganapan at


pokus ng pandiwa.
Isang katangian ng pandiwa na ikinaiiba nito sa ibang bahagi ng pananalita
ay ang pagbabago ng anyo nito batay sa aspekto.
Nababanghay ang pandiwa sa naganap (nasimulan), ginaganap, at
gaganapin na aspekto.
Ang Kaganapan o Komplemento ng Pandiwa
Tumutukoy ang kaganapan sa pangngalan o panghalip na nagpapakita ng
kaugnayan sa panaguring pandiwa.

1. Kaganapang Aktor- nagsasaad kung sino ang tagaganap o gumaganap ng kilos


at ginagamit ang mga panandang ni at ng.
Hal.
Pandiwa Kaganapang Aktor Simuno
Kinain ni Adrian ang siopao.
2. Kaganapang Layon- tagatanggap ng Kilos at ginagamit ang panandang NG
Pandiwa Layon Simuno
Bumili ng sapatos ang estudyante.

3. Kaganapang tagatanggap/benepaktib
Nagsasaad ng paglalaanan at ginagamit ang pang-ukol na para sa o para kay.
Pandiwa layon simuno Tagatanggap
Bumili ng salad Si Aubrey para kay Rodney.

4. Kaganapang Kagamitan/instrumental
Nagsasaad ng kagamitan na siyang gagamitin sa pagkilos; naipakilala ang naturang
kagamitan sa paggamit ng pariralang sa pamamagitan ng:
Pandiwa Paksa Layon Kumpletong Kagamitan
Pumutol siya ng sanga Sa pamamagitan ng lagari.
7. Kaganapang Direksyunal
Nagpapakilala ng direksyon o taong tatanggap ng kilos,pinangungunahan ng sa/kay.
Pandiwa Simuno Kaganapang Direksyunal
Pumunta kami sa Pasonanca swimming pool.

8. Resiprokal
Nagmahalan ang magkasintahan.

Ang relasyong panggramatika ng pandiwa at ng kaganapan o komplemento ang


tinatawag na POKUS.
Malalaman ang uri ng pokus ng pandiwa batay sa mga panlaping bumubuo nito. Sa
pamamagitan ng mga panlapi,naipakikilala kung alin ang komplemento o
kaganapang binibigyan ng pokus sa pangungusap.
Ang pinakapaksa o ang pinakasimuno ng pangungusap ang itinuturing na pokus.
Mga Uri ng POKUS

Karagdagang impormasyon:
“Actor focus at GOAL FOCUS” LANG ANG MERON SA ENGLISH (GARCIA 1992)

1. Pokus sa Tagaganap/Aktor Pokus


Ang paksa o simuno ang tagaganap ng kilos.
Mga panlaping ginagamit: -um ma- mag- mang- maka- makapag-
Halimbawa:
Panlapi Pandiwa Aktor/Simuno Layon Ganapan
Mag- Nagtatanim ang mga magsasaka ng gulay sa lagwerta.
2. Pokus sa Layon/gol
Ang layon o ang gol ang siyang simuno ng pangungusap, napapaloob dito ang mga
panlaping : ma- -an –i
Halimbawa:
Panlapi Pandiwa Aktor/Simuno Layon Tagatanggap
-in Pinitas ni Flor ang rosas para kay Felina.

3. Lokatib Pokus/Ganapan
Ang pook ang siyang simuno ng pangungusap.Napapaloob ang mga panlaping –in –an at
pag-an.
Panlapi pandiwa aktor layon Ganapan/simuno
Pag-an Pinagtamanan namin ng halaman ang hardin.

4.Direksyunal Pokus
-ay pinag-uukulan ang siyang simuno ng pangungusap.Napapaloob ang mga panlaping
-an at –in.
Panlapi Pandiwa Aktor Direksyunal/simuno
-in Binisita ni Eden ang kanyang pinsan.
5.Benepaktib Pokus/Tagatanggap
Ang pinaglalaanan ang siyang simuno ng pangungusap.Napapaloob dito ang mga
panlaping –i at ipag
Panlapi Pandiwa aktor layon Tagatanggap/Simuno
Ipag- Ipinagluto ng ina ng adobong manok ang kanyang anak.

6.Instrumental Pokus/kagamitan
Ang kagamitan ang siyang naging simuno ng pangungusap.Napapaloob dito ang mga
panlaping –ipang at maipang.
Panlapi Pandiwa Aktor Layon Kagamitan/simuno
ipang Ipinambalot ni Geny ng bibingka’t puto ang dahon ng saging.
7.Kawsatib Pokus/sanhi
Ang kadahilanan ang siyang naging simuno ng pangungusap.Napapaloob dito ang
panlaping –ika.
Panlapi Pandiwa Aktor Sanhi/Simuno
Ika- Ikinalungkot ni Sarah ang pag-alis ni Jane.

8.Pokus Resiprokal
Ang aktor at gol ay simun ng pangungusap.Ang pandiwa ay banghay sa panlaping
kabilaan na mag-an.
Halimbawa:
Nagmamahalan sila.
Nagkwentuhan ang mag-ina.
Nagbibiruan sina Anton at Amor.
Mga Uri ng Pangungusap

a. PATUROL- nagpapahayag ng impormasyon at nilalagyan ng bantas na


tuldok.
b. Pautos o Pakiusap- Nagpapahayag ng pag uutos o pakikiusap at
nilalagyan ng panlaping maki- o paki-.
c. Patanong- nag-uusisa o nagtatanong. Tandang pananong ang ginagamit.
d. Padamdam- pagpapahayag ng masidhing damdamin at nagtatapos ng
tandang padamdam.
Uri ng Pangungusap ayon sa Anyo:

1. PAYAK
Nagpapahayag ng isang diwa,maaaring tambalan ang simuno at panaguri na pinag-
uugnay ng at.
Hal. Mega star si Sharon.
Mang aawit si Sharon at si Lea.
Artista at mang-aawit si Lea.
2. Tambalan
Nagpapahayag ito ng dalawang diwa na pinag-uugnay ng at,ngunit,datapwat,subalit.
Halimbawa:
Mega star si Sharon at international star si Lea.
May kapansanan siya subalit napaglabanan niyang lahat ang pagsubok.
Matanda na siya datapwat malakas pa ang tuhod niya.
3. Hugnayan - Binubuo ito ng malaya at di malayang sugnay na pinangungunahan ng kung,
kapag, samantala, habang , sapagkat ,upang ,nang ,pagkat ,dahil sa.
May simuno at panaguri ang sugnay tulad ng pangungusap ngunit bahagi lamang ito ng
pangungusap.
Halimbawa:
Kung may pananalig ka sa sarilimagtatagumpay ka.
Habang nasa kabundukan pa ng Bundok Pinatubo ang lahar malaking panganib ang
darating.

4. Langkapan - Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit
pang sugnay na hindi makapagiisa.
Halimbawa:
Nang magkaroon ng pagpupulong, ang Kalihim ay di nakarating at ang ingat-yaman ay
nagkasakit.
Mabuti ang Pamilyang Reyes at sila ay may busilak na puso dahil sila ay matulungin
sa kapwa.
Ang ate ko ay naghuhugas ng mga plato habang ako naman ay nagwawalis ng bahay
upang makatulong kami sa mga gawaing bahay.
Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap

1.Payak na Simuno at Payak na Panaguri


Halimbawa: Si Lorna ay maganda.
2.Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
Halimbawa: Si Lorna at Maria ay magaganda.
3.Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
Halimbawa: Si Lorna ay mabait at maganda.
4.Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
Halimbawa: Si Lorna at Maria ay mababait at magaganda.
5.Isang sambita na may patapos na himig sa dulo
Halimbawa: Umuulan! ; Sunog!
THANK YOU

REFERENCE:
https://www.scribd.com/document/321927220/MAUNLAD-NA-GRAMATIKA

You might also like