You are on page 1of 6

Introduksyon

Binubuo ng mga pangungusap ang isang teksto o pahayag na nakapaloob sa isang wika. May tamang
pagkakaayos ang bawat salita sa isang pangungusap at ang pagkakamali sa ganitong gawain ay magiging
sanhi ng pagkalito o pagbabago ng mensaheng dala nito. Leksikogramar ang itinawag ni M.A.K. Haliday
sa kaugnayang nagdurugtong sa istruktura ng pangungusap sa mensahe o kahulugang taglay nito.
Ang sintaksis ay isa sa apat na sangay ng pag-aaral ng wika na tumatalakay sa masistemang pagkakaayos
ng mga salita sa pagbuo ng parirala at pangungusap. Katumbas ito ng salitang syntax sa Ingles na mula sa
salitang Griyego na auvtaxis na ang ibig sabihin ay pagkakaayos o pagkakasunod-sunod. May kinalaman
ang sintaksis sa pag-aaral ng mga patakaran, tuntunin, prinsipyo at prosesong gramatikal sa pagbuo ng
pangungusap na likas sa isang wika. Tinatalakay rito ang istruktura at pormasyon ng mga pangungusap na
may mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa kawastuhan ng pangungusap. Tinatawag din itong
palaugnayan ng isang wika.
Mga Teyoretikal na Dulog sa Larang ng Sintaksis
1. Generative Grammar ni Noam Chomsky. Ang dulog na nagsasabing ang wika ay istruktura ng
pag-iisip ng tao. Binunuo ito ng mga konstituwento o ng mga pira-pirasong mga bahaging likas na
magkakasama ang isang pangungusap. Mas tuon ito sa porma ng pangungusap kaysa sa layong
maunawaan ang pahayag (communicative function).
2. Systematic Functional Grammar ni Michael Haliday. Bahagi nito ang sosyal na semiotic na
nagsasabing ang wika ay isang network ng mga kahulugan na may mga pinagpipiliang kahulugan
at ang tumatayong pina-arkitekto nito ay multidimensional na karanasan at ang pakikipag-ugnayan
niya sa kapwa. Sinasabing may kinalaman ang field (lugar), tenor (interpersonal na pakikitungo)
at ang mode (uri ng teksto). Sa isang salita, inaaral ditto ang kaugnayan ng lingguwistika sa
tungkulin nito sa lipunan.
3. Transformational Grammar ni Noam Chomsky. Ang dulog na naniniwalang may dalawang lebel
ang representasyon ng pangungusap: ang deep at surface structure. Phrase structure rule based.
4. Case Grammar. Nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagpapakahulugan kaugnay sa tungkulin nito
sa pangungusap. Pokus sa ibig sabihin (semantika) batay sa gamit sa pangungusap.
Magkakaiba ang mga tuntuning gramatikal ng Ingles sa Filipino, ayon sa pag-aaral nina Schachter at
Otanes (1972) ganito ang representasyon ng pangungusap sa Ingles.
Sa Ingles: Yanah dances.
Yanah cooks fish.
Yanah is cute.
Yanah is a child.
Sa dayagramatika na representasyon ay magiging ganito.

s s s s

Subj Pred s p s p s p

Yanah dances Yanah cook fish Yanah is cute Yanah be child


Sa Filipino:

Nagsasayaw si Yanah

Nagluluto ng isda si Yanah.

Cute si Yanah.

Bata si Yanah.

Basic Sentence P

Predicate Topic P P
Verb Nagluto

Ng isda si
Yanah
P P

Nagsasayaw si Yanah

S S

Pred. Adjectival Topic Pred. Nominal Topic


P

P P
P P
Bata si Yanah

Cute si Yanah

ANG PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay maaaring isang salita o sambalita o kombinasyon ng mga salita, parirala o
sugnay na may buong diwa at panapos na himig sa dulo.
1. Ganda!
2. Mas maganda kung isasama natin sila para masaya.

Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa


1. Panawag. Nagsasaad ng pagtawag o pagyaya.
Halimbawa: Halika
2. Ekspresyon/Sambitla. Salitang iisahin o dadalawahing pantig at nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Halimbawa: Aray! Edi wow!
3. Nag-uutos. Karaniwang iisahing salita na nagsasaad ng pag-uutos.
Halimbawa: Takbo!
4. Pormulasyong Panlipunan. Nagsasaad ng paggalang at kagandahang asal.
Halimbawa: Magandang umaga
Tuloy po kayo.
5. Panagot sa Tanong. Pagtugon sa mga katanungan.
Halimbawa: Ayoko
Oo.

6. Phenomenal o Pandiwang Palikas. Nagsasaad ng kalagayan o galaw ng panahon at iba pang


natural na phenomena.
Halimbawa: Umaaraw
Maginaw sa Japan.
7. Temporal o Pamanahon. Nagsasaad ito ng oras o uri ng panahon na bahagi ng isang araw o
isang taon.
C
Halimbawa: Umaga na.
Alas-otso ng gabi. Pasko na.

Tandaang sa pagsulat ng oras gamit ang wikang Espanyol na may alas- at y (binibigkas na i) ay
may pagkakataong nawawala ang y kapag ang oras na sinundan ay nagtatapos sa ponemang e.
- Halimbawa: Ala-una y medya, alas-onse media
8. Eksistensyal. Pangungusap na nagpapahayag ng pagkamayroon o di pagkamayroon.
Pinangungunahan ito ng salitang may at mayroon.
Halimbawa: May tao sa labas.
Walang tao sa labas.
9. Nagsasaad ng Paghanga. Nagpapahayag ng paghanga sa isang tao, bagay o lugar.
Halimbawa: Ang galing-galing mo!

Dalawang Bahagi ng Pangungusap


1. Paksa. Ang bahagibg pinag-uusapan sa pangungusap.
Nagsasayaw sa malawak na kabukiran ang mga dayuhan.

Mga Uri ng Paksa


a. Paksang Pangngalan - Binubuo ito ng pananda/marker at pangngalan.
Nanalo sa eleksyon si Poe.
Tumutulong siya sa pamamahagi ng mga regalo.
b. Paksang Pang-uri/Pariralang Pang-uri- Ang paksa ay salitang naglalarawan.
Ang matalino ay matapang sa laban.
Masarap kausap ang masayahin.
c. Paksang Pang-abay/ Pariralang Pang-abay
Kinalulugdan ang. masarap kausap.
Madalas manalo sa debate ang mahusay magsalita.
d. Paksang Pawatas/ Pariralang Pawatas
Pangarap ko ang mag-aral sa ibang bansa.
Nakakapayat ang magsayaw.
Pawatas ang pandiwa kapag ito’y di nababanghay.

2. Panaguri. Ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay impormasyon tungkol sa paksa.


a. Panaguring Pangngalan.
Pangulo ang dumating kaya’t naging abala ang lahat.
b. Panaguring Panghalip
Ikaw ang mahal ko walang iba.
Ang pag-asa ng bayan ay tayo.
c. Panaguring Pang-uri
Ang paligid ay malinis.
d. Panaguring Pandiwa
Nagdiriwang ang mga panauhin.
e. Panaguring Pang-abay
Ang alis nila ay bukas pa.
f. Panaguring Pawatas
Ang paborito kong libangan ay magbasa.

Dalawang Ayos ng Pangungusap


1. Karaniwan. Nauuna ang panaguri kaysa paksa. Karaniwan itong ginagamit sa pang-
araw-araw na kombersasyon.
Masungit ang panahon
Huwag ka ng lumabas.
2. Di Karaniwan. Nauuna ang paksa kaysa panaguri. Ginagamit ito sa mga pormal na
diskurso
Ikaw ay inaasahang dumalo sa naturang okasyon.
Sa wikang Filipino, maaaring mauna ang panaguri sa paksa at possible namang
pagbaligtad ito, bagay na iba sa Ingles na laging nauuna ang paksa.
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit/Layon
1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi 153 aba nagtatapos sa tuldok.
Mahusay na Propesor si Dr. Rey Cruz
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.

2. Patanong
Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?)
ang bantas sa hulihan nito.

Saan patungo ang Pilipinas ?


Minamahal mo aba ako dahil kailangan mo ako?

Mga Uri ng Pangungusap sa Pananong

Aalis ka ba? - Sinasagot ng hindi


Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa? - Ginagamit ng Panghalip Pananong
Panalo si Meyor, di ba? - May karugtong o may pabuntot
Taga-Paombong ka ba? - Nasa kabalikang anyo ng tanong.
3. Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gay ang tuwa, lungkot, pagkagulat,
paghanga, panghihinayang, at iba. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam.
Maaari ring gamitin ang tandang pananong.
Yehey! Tama pala ang sagot.
Ano? Bagsak ka na naman!
4. Pautos o Pakiusap
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap
ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.

Magsikap ka sa buhay.
Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.

Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian


1. Payak (Simple Sentence)- Nagsasaad ng isang diwa o kaisipan.
Humahanga ako sa iyo.
2. Tambalan (Compound Sentence)- Ang pag-uugnay ng dalawang payak na
pangungusap sa pamamagitan ng pangatnig na panimbang
Nagtuturong mabuti ang instruktor habang mati yagang nakikinig ang
mga estudyante.
3. Hugnayan (Complex Sentence). Ang pag-uugnay ng dalawang di timbang na
sugnay, isang makapag-iisa at di makapag-iisa.
Uunlad ang buhay pag may pagsisikap.
4. Langkapan (Compound Complex Sentence). Ang pag-uugnay ng dalawang
timbang na sugnay at isa o higit pang sugnay di timbang na sugnay.

- Ang lahat ay abala para sa pagtitipon, si Kuya ay naghihiwa ng mga gulay, si Diko ang
nakabantay sa kusina pag si Mama ay naghahakot ng mga sangkap.
Pansining ang paksang tungkol sa sugnay ay makikita na sa mga
pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan. Kombinasyon ng
malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa ang tambalan; ang
hugnayan naman pinagsamang malayang sugnay at pantulong na
sugnay o sugnay na di makapag-iisa.

Pagpapahaba ng Pariralang Pangngalan maaaring lagyan ito ng mga panuring at paningit.


A. Panuring
Ang unan
Ang malambot na unan
Ang putting malambot na unan
Ang niyayakap na puting malambot na unan
Ang dalawang niyayakap na putting malambot na unan

* Maaari ring ang pariralang pangngalan ay may panuring na pariralang pangngalan


-Si Jerry na asawa ni Cheche
* Maaari ring magkaroon ng higit sa isang pariralang panuring ang pang-ulong pariralang
pangngalan.
- Ang tindahan ni Mang Juan na nasa tapat ng munisipyo.
- Ang tindahan ni Mang Juan na asawa ni Aling Maria na manghihilot.
B. Paningit
Si Duterte, ang bagong pangulo ng bansa
Pariralang Pangngalan na may panuring na pariralang pangngalan
-Si Jerry na asawa ni Cheche.
Maaari ring magkaroon ng higit sa isang pariralang panuring ang pang-ulong pariralang
pangngalan.
- Ang tindahan ni Mang Juan na nasa tapat ng munisipyo.
- Ang tindahan ni Mang Juan na asawa ni Aling Maria na manghihilot.

Konstituwent. Ang pariralang nakapaloob sa isang pangugusap na kahit pagbali-baligtarin ay siya


pa ring magkakasama.
- Bumili ng sapatos sa tindahan ang matandang lalaki.
bumili
ng sapatos
sa tindahan
ang matandang lalaki
- Sa tindahan bumili ng sapatos ang matandang lalaki.
- Bumili sa tindahan ng sapatos ang matandang lalaki.
- Ang matandang lalaki ay bumili ng sapatos sa tindahan.

May embedded o tagong pahayag sa pangungusap na ito.


- Ang batang tumakbo ay umiiyak.
ang bata ay tumatakbo- ang bata ay umiiyak
- Kawili-wili ang librong isinulat ni Rizal.
Kawili-wili ang libro- ang libro ay sinulat ni Rizal

You might also like