You are on page 1of 29

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines
Tel/Fax No.: (047) 811-1683
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGKAGURUAN

Aralin 3: Sintaktika ng Wikang Filipino

LAYUNIN:

1. Nabibigyang-kahulugan ng Sintaktika.
2. Nakagagawa at nakasusuri ng mga pangungusap gamit ang
iba’t ibang ayos.
3. Nakapagbibigay ng mga pangungusap gamit ang iba’t
ibang tungkulin nito.
4. Napahahalagahan ang gamit ng sintaktika sa mga
magiging guro ng Filipino.

PANIMULA

Ang sintaks o sintaksis na binigyang-diin ng katugong


salitang Filipino na palaugnayan, ang pagaaral o pag-
uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng mga pahayag gaya
ng mga parirala (phrase), sugnay (clause), at mga
pangungusap (sentences).

Ang Pangungusap

Sa linggwistika, ang pangungusap ay lipon ng mga


salitang nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng
panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo
ang diwa.

Sa katuturang ito, ang isang salita ay maaaring isang


pangungusap kung ito ay may buong diwa, gayon din ang mga
sambitla.

Ayos ng Pangungusap

May dalawang ayos ang pangungusap, ang karaniwan at


di-karaniwan. Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 1


pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno
naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa
di-karaniwang ayos.

1. Karaniwan o Tuwid - Kapag nagsisimula sa panaguri at


nagtatapos sa simuno.

Halimbawa: Mayroong bagong tsinelas si Ana.

2. Di-Karaniwan o Kabalikan - Kapag nagsisimula sa simuno


at nagtatapos sa panaguri. Ang panandang "ay" ay
kadalasang makikita sa mga pangungusap.

Halimbawa: Si Ranilene ay bumili ng bagong tsinelas.

Gamit/Tungkulin ng Pangungusap

Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o


paturol, patanong, pautos, at padamdam:

1. Pasalaysay o Paturol - Ito ay nagsasalaysay ng


katotohanan, opinyon, pahayag, kaisipan o pwede ring
pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa: Unti-unting nakikilala ang mga pangkat-


etniko sa ating bansa dahil sa kanilang mga katangian.

2. Patanong - Ito ay pangungusap na ginagamit sa


pagtatanong, at tandang pananong (?) ang bantas sa
hulihan nito.

Halimbawa: Isinusulong pa ba ang pagbuo ng mga batas


para sa pambansang pangkapayapaan?

3. Padamdam - Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya


ng tuwa, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba
pa. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam (!). \

Halimbawa: Kay ganda talagang mamasyal sa Davao!

4. Pautos - Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay


nakikiusap o nag uutos ito. Ito ay maaring magtapos
sa tuldok (.) o tandang padamdam (!).

Halimbawa: Diligan mo ang mga halaman.

5. Pakiusap - Ito ay uri ng pangungusap na pautos na


nagsasaad ng pakiusap. Ito ay madalas na nagtatapos
sa tuldok (.) o tandang pananong (?).

Halimbawa: Pakidala mo nga rito ang aking sapatos.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 2


Bahagi/Sangkap ng Pangungusap

1. Paksa - Ito ang pokus o pinag-uusapan sa pangungusap.


Ito ay laging tinatadaan ng mga pantukoy na ang, ang
mga, si at sina. Ito ay maaaring makita sa unahan,
gitna o hulihan ng pangungusap.

Payak ang simuno o paksa kung ito ang/ang mga


pangngalan, panghalip, pang-uri o pandiwang
pinaguusapan. Ang buong simuno ay binubuo ng payak na
simuno kasama ang iba pang salitang tinatawag na
panuring.

Payak na Buong
Halimbawang Pangungusap
Simuno Simuno
Si Jakie ay umiyak nang
Jakie Si Jakie
umiyak.
Priniprito ko na ang
isda ang isda
isda.
Pumunta sa tindahan sina sina Jared
Jared, Jakie
Jared at Jakie. at Jakie

2. Panaguri - Ito ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi


tungkol sa simuno o paksa. Ito ay maaaring matagpuan
sa unahan at hulihan ng pangungusap.

Payak ang panaguri kung ito ay ang/ang mga pandiwa,


pang-uri, pangngalan o panghalip na nagsasabi tungkol
sa simuno. Ang buong panaguri ay ang payak na panaguri
kasama ang iba pang salita o panuring.

Halimbawang Payak na Buong


Pangungusap Panaguri Panaguri
Ibibili ko ng lolipap ibibili ko ng
ibibili
si Jakie. lolipap
Isda ang piniprito ng
isda isda
nanay.
Si jakie ay ay
naalikabukan,
naalikabukan at naalikabukan
napuwing
napuwing. at napuwing

Pangungusap ng Walang Paksa

May mga pangungusap na walang tiyak na paksa at


panaguri o alinman sa mga sangkap nito pero buo pa rin ang
diwang ipinapahiwatig nito.

1. Exsistensyal - Pangungusap na nagpapahayag ng


pagkamayroon o pagkawala ng pinaguusapan.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 3


Halimbawa: Wala na bang darating?

2. Temporal - Pangungusap na nagsasaad ng kalagayan o


panahong panandalian lamang. Madalas ay mga pang-abay
na pamanahon ang mga ito.

Halimbawa: Gabi na.

3. Phenomenal - Pangungusap na nagsasaad ng kalagayan ng


panahon o ng kapaligiran.

Halimbawa: Umaambon.

4. Panawag - Pangungusap na binubuo ng isang


kataga/salita lamang at nagpapahiwatig na nais
kausapin ang kaniyang tinawag o kumukuha lamang
atensyon.

Halimbawa: Hoy!

5. Sambitla - Isang salita na nagpapahayag ng matinding


damdamin.

Halimbawa: Aray!

6. Pormularyong Panlipunan - Pangungusap na ginagamit sa


pakikipagkapwa para maipahayag nang maayos ang
mensahe. Maaari itong pagbati, pasasalamat, paggalang
o iba pang ekspresyong naging bahagi na sa kultura.

Halimbawa: Salamat.

7. Sagot Lamang - Pangungusap na sagot sa mga tanong na


hindi na kailangan ng paksa.

Halimbawa: Oo.

8. Pautos/Pakiusap - Pangungusap na pautos.

Halimbawa: Pakihawak.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 4


PAGSASANAY

Gawain 1: Gumawa ng mga pangungusap na isinasaalang-alang


ang dalawang ayos nito. Suriin at ibigay ang payak na paksa
at buong panaguri. Isulat ang sagot sa ibaba.

Payak na
Karaniwang Ayos Buong Panaguri
Paksa
1.
2.
3.
4.
5.
Payak na
Di-Karaniwang Ayos Buong Panaguri
Paksa
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2: Magbigay ng mga pangungusap gamit ang iba’t ibang


gamit o tungkulin ng pangungusap. Isulat ang sagot sa
ibaba.

Pasalaysay o Paturol
1.
2.
3.
4.
5.
Patanong
1.
2.
3.
4.
5.
Padamdam
1.
2.
3.
4.
5.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 5


Pautos
1.
2.
3.
4.
5.
Pakiusap
1.
2.
3.
4.

Gawain 3: Gumawa ng isang talata na naglalaman ng hindi


bababa sa limang pangungusap tungkol sa kahalagahan ng
simantika sa mga magiging guro ng Filipino.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 6


Aralin 3.1: Pangngalan

LAYUNIN:

1. Nabibigyang-kahulugan ang pangngalan.


2. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pambalana at
pantangi at ayon sa konsepto.
3. Naiuugnay ang kahalagahan ng pangngalan sa pag-araw-
araw na pamumuhay.

Panimula

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na


tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at
pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang
kaisipan o konsepto.

Dalawa ang uri nito, ang pambalana at pantangi. Ang


pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao,
bagay, pook, hayop at pangyayari. Ang pantangi naman ay
tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at
pangyayari.

Ito rin ay mga salitang sumasagisag sa ngalan ng tao,


bagay, hayop, lugar, pangyayari, katangian at Kalagayan.

Ang pangngalan ay nauuri sa mga pangunahing batayan


ayon sa mga sumusunod:

Ayon sa Konsepto

May dalawang uri ang pangngalan ayon sa konsepto- ang


kongkreto/konkreto o tahas at abstrakto o basal.

1. Kongkreto/Konkreto o Tahas ang pangngalan kapag mga


material na bagay ang tinutukoy. Ito ang mga
pangngalang nakikita at nahahawakan.

2. Abstrakto o Basal ang pangngalan kapag mga di-materyal


na bagay ang tinutukoy. Ito ang mga pangngalang hindi
nakikita at hindi nahahawakan.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 7


Ayon sa Kaanyuan

Nauuri ang pangngalan ayon sa paraan ng pagkakabuo o


kayarian nito. Maaaring ang pangngalan ay payak, maylapi,
inuulit at tambalan

1. Payak - Ang pangngalan ay payak kapag binubuo ng isang


salitang-ugat lamang.

2. Maylapi - Ang pangngalan ay tambalan kapag ito’y


nilalapian ng isang panlapi (unlapi, gitlapi, hulapi,
kabilaan at laguhan.)

3. Inuulit - Ang pangngalan ay maaaring ulitin gamit ang


unang pantig ng salita o buong salita.

4. Tambalan - Ang pangngalan ay pinagtatambal ng dalawang


pangngalan.

Ayon sa Kailanan

Ang pangngalan ay mauuri ayon sa kailanan o dami ng


tinutukoy. Makikilala ang kailanan o dami ng pangngalan sa
pamamagitan ng paggamit ng pananda o marker, pamilang at
panlaping makangalan at sa paggamit ng quantifier o panukat
para maging tiyak ang bilang.

May tatlong kailanan ang pangngalan:

1. Isahan - Ito ay gumagamit ng panandang ang, ng, sa,


si, ni, kay at pamilang na isa.

Halimbawa:
 ang sanggol
 ni Aubrey
 ng aklat
 isang baso
 sa ospital
 kay Faye

2. Dalawahan - Ito ay gumagamit ng panlaping makangalan


na mag- at pamilang na dalawa.

Halimbawa:
 magkapatid
 mag-ama
 magkasintahan
 dalawang aklat

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 8


3. Maramihan - Ito ay gumagamit ng panandang mga, sina,
kina, nina at quantifier na marami, ilan at iba pang
pamilang na higit sa dalawa at ang paggamit ng
panlaping mag- at pag-uulit sa unang pantig ng
salitang-ugat.

Halimbawa:
 mga tagapamahala
 mga balita
 sina Noynoy
 kina Jack
 nina Eleazer
 maraming jowa
 tatlong guro
 magkakaibigan
 limang baso
 magkakasama

Ayon sa Kasarian

1. Panlalaki - Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng


isang lalaki o para sa mga kalalakihan.
2. Pambabae - Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng
isang babae o para sa mga kababaihan.
3. Walang kasarian - Ang pangngalan ay walang kasariang
kategorya.
4. Di-Tiyak/Pambalaki - Ang pangngalan ay nagpapahiwatig
ng hindi kasigurauduhang kasarian.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 9


PAGSASANAY

Gawain 1: Panuto: Suriin ang pangungusap. Salungguhitan ang


mga pangngalang ginamit. Ibigay ang uri nito ayon sa
kayarian, kasarian, kailanan.

Pangngalan/mga
Pangungusap Uri Kailanan
Pangngalan
1. Aileen, maglaba
ka sa ilog.
2. Nakita ko ang mga
batang
nagsisipaligo sa
sapa.
3. Ang lalaking
nakipag-usap sa
iyo ay si Joseph,
ang kapatid ko.
4. Si Anita, ang
president ng
klase, ay
matalino.
5. Ang sikta na
doctor ay kapatid
niya.

Gawain 2: Panuto: Punan ang kahon ng pangngalan batay sa


hinihingi nito.

PAMBALANA PANTANGI
UP Diliman
Banaue
hotel
relo
bansa
Monggol
IPhone 11
probinsya
Filipino
NAIA
Jollibee
Ana

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 10


Gawain 3: Magbigay ng mga pangngalan na may iba’t ibang
kasarian.

Panlalaki
1.
2.
3.
4.
5.

Pambabae
1.
2.
3.
4.
5.

Walang Kasarian
1.
2.
3.
4.
5.

Di-tiyak
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 4: Ang ang kahalagahan ng pangngalan sa pang-araw-


araw na pamumuhay.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 11


Aralin 3.2: Panghalip

LAYUNIN:

1. Nabibigyang-kahulugan ang panghalip.


2. Nagkakaroon ng kahasaan sa iba’t ibang uri ng
panghalip.
3. Naiuugnay ang kahalagahan ng panghalip sa pag-araw-
araw na pamumuhay.

PANGHALIP

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit


sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa
parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang
salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o
"pamalit".

Uri ng Panghalip

1. Panghalip Panao - Mula ito sa salitang “tao”, kaya’t


nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”. Ito ay
kilala rin sa Ingles bilang personal pronoun.
Panghalili ito sa ngalan ng tao at ila sa mga salitang
halimbawa ng panghalip panao ay ang ako (me), ko, akin
(mine), amin, kami (we), kayo, atin, inyo, kita, kata,
mo (you), siya (he/she), kanila (theirs), at kanya
(hers/his).

2. Panghalip Pamatlig - Kilala ito sa wikang Ingles


na demonstrative pronoun. Ito ay inihahalili sa
pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng
pangngalan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na
pamatlig ang mga salitang ito, iyan, iyon, nito,
niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan,
doon, narito, nariyan, at naroon.

3. Panghalip Pananong - Ang panghalip pananong ay


inihahalili sa pangngalan sa paraang patanong. Maari
itong isahan o maramihan. Ito ay kilalang
interrogative pronoun sa wikang Ingles. Ilan sa mga
halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ay ang

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 12


mga salitang ano (what), anu-ano, sino (who), sino-
sino, nino, alin, at alin-alin.

4. Panghalip Panaklaw - Ang panghalip panaklaw


o Indefinite Pronoun sa wikang Ingles ay mga panghalip
na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng
kinatawang pangngalan. Mula ito sa salitang saklaw na
may pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop. Ilan sa mga
halimbawa nito ang lahat, madla, sinuman, alinman,
anuman, pawang, saanman, ilan.

5. Panghalip Pamanggit - Kilala ito sa tawag na Relative


Pronoun sa wikang Ingles. Ang panghalip pamanggit ay
mula sa salitang banggit na may
pakahulugang pambanggit o pangsabi. Ito ay kataga o
parirala ng tagapag-ugnay ng dalawang kaisipan o
pananalita. Ilan sa mga halimbawa nito ang daw, raw,
umano, diumano, ani, sa ganang akin/iyo.

6. Panghalip Patulad - Ang panghalip patulac ay ang


inihalili sa itinutulad na bagay. Nagpapakilala rin
ito ng pagkakawangis ng dalawang bagay.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 13


PAGSASANAY

Gawain 1: Panuto: Punan ang patlang ng wastong panghalip


na hinihingi sa panaklong.

1. _______________ ang nais kong sabihin sa inyo.


(pamatlig)
2. Nakalulungkot ang _______________ sinapit kamakailan.
(panao)
3. ________________ ang sinasabi niya tungkol sa iyo ay
totoo. (pamatlig)
4. ________________ ang iboboto mo sa pagkapangulo sa
darating na eleksyon? (pananong)
5. Isinulat ______________ ang akdang nakapagpabago sa
kaasalan ng mga tao. (panao)
6. Hinahangaan siya ng _______________. (panaklaw)
7. _____________ ang bibilhin mong damit? (pananong)
8. _____________ ang buong pangyayaring naganap.
(pamatlig)
9. _____________ ka papanig? (pananong)
10. _____________ ay parehong nabigla sa pagkamatay ni
Minea. (panao)

Gawain 1: Panuto: Isulat ang wastong panghalip-pananong sa


bawat pangungusap.

1. ___________________ ang pagkakabili mo sa hipon, gulay


at isda?
2. ___________________ ang aklat na ito?
3. ___________________ ang mga nabili ninyong damit?
4. ___________________ monggo ang niluto mo?
5. ___________________ kayo nakatira?
6. ___________________ Mga papel ba ang nilipad ng
hangin?
7. ___________________ sa mga bungangkahoy na ito ang
ibig mo sa lahat?
8. ___________________ ang dadalo sa binyag?
9. ___________________ ang napangasawa mo?
10. ___________________ ang pasalubong niya galing sa
ibang bansa?

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 14


Gawain 4: Ang ang kahalagahan ng panghalip sa pang-araw-
araw na pamumuhay.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 15


Aralin 3.3: Pandiwa

LAYUNIN:

1. Nabibigyang-kahulugan ang pandiwa.


2. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng iba’t ibang aspekto
ng pandiwa.
3. Naibibigay ang pokus ng pandiwa ng mga pangungusap.
4. Naiuugnay ang kahalagahan ng pangngalan sa pag-araw-
araw na pamumuhay.

PANDIWA

Maituturing na mga pandiwa ang mga salitang


nagpapahayag ng kilos o galaw. Ang mga pandiwa ay binubuo
ng salitang-ugat at mga panlaping makadiwa. Ang salitang-
ugat ay nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang panlapi
naman ang nagpapakilala ng ibat-ibang panahunan, kailanan,
at ting ng pandiwa. Ang salitang-ugat at panlai ang bubuo
sa salitang pawatas na magiging batayang anyo ng pandiwa.

Mga Aspekto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay may aspekto na nagpapakita ng kilos o


pangyayari na naganap o katatapos lang, sisimulang ganapin
at magaganap pa lamang. Ang mga ito ay nababanghay ayon sa
aspekto. May tatlong aspekto ang pandiwa: (1) perpektibo o
ginanap na o natapos na (2) imperpektibo o ginaganap at
hindi pa natatapos (3) kontemplatibo o gaganapin o hindi
pa nasisimula ang kilos.

May tinatawag na anyong neutral, ito ay ang pawatas


at ang pautos. Iisa ang anyo ng mga ito.

1. Aspektong Perpektibo - Ito’y nagsasaad ng kilos na


nasimulan at natapos na
Halimbawa:
Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo
umalis umalis
kumain kumain
maglaro naglaro
magpaganda nagpaganda

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 16


Ang mga halimbawang ito ay ang mga pandiwang nabanghay
mula sa anyong pawatas na maaaring manatili ang anyo ng
pawatas sa aspektong perpektibo gaya ng salitang “umalis”
at “kumain”. Samantala, ang anyo ng pawatas na “maglaro”
sa aspektong perpektibo ay nagiging “nag- “ang “mag- “. Ang
mga kilos sa aspektong perpektibo ay nagpapatunay na
natapos na.

1.1. Aspektong Perpektibong Katatapos - Ito ay ang


aspektong nagsasaad ng kilos na katatapos lamang
bago nagsimula ang pagsasalita. Ito ay maihahanay
sa aspektong perpektibo. Ang kayarian ng aspetong
ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng
unlaping ka- at ang pag-uulit ng unang pantig ng
salitang-ugat. Ngunit hindi lahat ng pandiwa ay may
aspektong perpektibong katatapos.

Halimbawa:
Pawatas Perpektibong Katatapos
sumulat kasusulat
kumain kakakain
maglaro kalalaro

2. Aspektong Imperpektibo - Sa aspektong imperpektibo,


ang kilos ay nasimulan na ngunit di pa natatapos.
Kasalukuyan pang ipinagpapatuloy ang kilos.

Halimbawa:
Pawatas/ Pautos Perpektibo Katatapos Imperpektibo
maglaro naglaro kalalaro naglalaro
kumain kumain kakakain kumakain
sumulat sumulat kasusulat sumusulat
umalis umalis kaaalis umaalis

3. Aspektong Kontemplatibo - Ang kilos ay hindi pa


nasisimula, ito’y gaganapin pa lamang.

Halimbawa:
Pawatas/
Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo
Pautos
maglaro naglaro kalalaro naglalaro maglalaro
kumain kumain kakakain kumakain Kakain
sumulat sumulat kasusulat sumusulat susulat
umalis umalis kaaalis umaalis aalis

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 17


Pokus ng Pandiwa

Naipapakita sa pamamagitan ng pokus ang kaugnayan ng


paksa sa pandiwa kung tagaganap, tagatanggap, sanhi,
pinaglalaanan, ginaganapan o kagamitan ang paksa. Ang pokus
ay ang pinakapaksa ng pangungusap na maaaring maging (1)
aktor (2) gol (3) lokatib (4) kosatib (5) instrumental (6)
direksyunal at (7) benepaktib.

1. Aktor Pokus - Nasa aktor pokus kapag ang paksa ang


tagaganap ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. May mga
panlaping ginagamit gaya ng: um, mag-, -mang, at ilang
ma-.

Halimbawa:
Sumungkit ng mga atis ang mga mag-aaral.
Nagdala ng radio si Triz.
Mangunguha si Cris ng maraming prutas.

Ang paksa ng pangungusap ay ang mga mag-aaral,


si Triz at si Cris na gumanap ng kilos na isinasaad
ng pandiwang banghay sa um, may at mang- na nasa aktor
pokus.

2. Gol Pokus - Nasa gol pokus kapag ang paksa ang siyang
tagatanggap ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa at may
layon tagaganap. Ang mga panlaping ginagamit sa pokus
n aito ay i-, in, an/-han, m-, ipa. Pinangungunahan
ng marker ng ng/ni ang aktor o kahalili nitong mga
panghalip.

Halimbawa:
Kinuha ni Joe ang susi.
Binali ng bata ang lapis.
Binsa ng pulis ang pahayagan.

Ang susi, lapis at pahayagan ay ang gol ng mga


pandiwang ginamit sa pangungusap na nagsisilbing paksa
ng pangungusap.

3. Lokatib Pokus - Nasa lokatib pokus kapag ang tinutukoy


ay ang pook na pinangganapan ng kilos. Ang mga
panlaping ginagamit ay –an/-han, pag- -an/-han, -an/-
han, pang…. -an/han.

Halimbawa:
Pinagdausan ng kasal ang bakuran.
Pinaglutuan ng pansit ang kawali.
Pinagtamnan ng halaman ang paso.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 18


Ang bakuran, kawali at paso ay siyng lokatib o
pinagganapan ng kilos ng pandiwa na siyang paksa ng
pangungusap.

4. Kosatib/Kawsatib Pokus - Kapag tinutukoy ang


kadahilanan ng kilos sa pangungusap. Ang panlaping
ginagamit ay i-, ika- at ikapag-. Pinangungunahan ng
ng/ni ang aktor o panghalili rito.

Halimbawa:
Iniluha niya ang pag-alis mo.
Ikinainis nila ang pagsisinungaling mo.
Ikinagalit ko ang iyong pagtataksil.

Ang salita o pariralang “ang pag-alis mo”, “ang


pagsisinungaling mo” at “ang iyong pagtataksil” na
siyang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng dahilan
o sanhi ng kilos ng pandiwa na nasa pokus kawsatib.

5. Instrumental Pokus - Nasa instrumental pokus kapag


ang paksa ay ang kagamitang ginamit sa pagkilos ng
pandiwa sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay
ipang- at pinangungunahan ng ng/ni ang aktor.

Halimbawa:
Ipinangguhit ng bata ang lapis na iyan.
Ipinamunas ni Alvin ang bagong tuwalya.
Ipinanghiwa ni Abegail ng sibuyas ang kutsilyo.

Ang paksang ang lapis, tuwalya at kutsilyo ay mga


kagamitang ginamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa na nasa pokus instrumental.

6. Direksyunal Pokus - Kapag tinutukoy ang direksyon o


tatanggap ng kilos sa pangungusap. Ang mga panlaping
ginagamit sa ganitong pokus ay –an/han, at
pinangungunahan ng ng/ni na marker ang aktor o mga
panghalili nito.

Halimbawa:
Pinasyalan naming ang Banaue Rice Terraces.
Pinuntahan ng mga pulis ang kanilang bahay.
Tinabihan niya ang kanyang kaibigan.

Ang paksang ang Banaue Rice Terraces, ang


kanilang bahay at ang kanyang kaibigan ay ang
direksyon ng kilos ng pandiwa na nasa pokus
direksyunal.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 19


7. Benepaktib Pokus - Nagsasaad ito kung sino ang
nakikinabang sa kilos ng pandiwa. Ipinahahayag ang
kaganapang ito sa pamamagitan ng pariralang para sa.

Halimbawa:
Nakibaka si Julio para sa kalayaan ng East Timor.

Ang pariralang para sa kalayaan ay nagsasaad kung


para sa anong layunin ang kilos ng pandiwang nakibaka.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 20


PAGSASANAY

Gawain 1: Panuto: Salungguhitan ang paksa at pandiwa sa


pangungusap at tukuyin ang pokus nito. Isulat ang sagot
bago ang bilang.

1. Si Anthony ay nagsulat ng isang maikling kwento.

2. Pinaglutuan ng kanin ni Josie ang bagong kaldero.

3. Pumunta sina John sa Bikol.

4. Ipagluto mo ng lugaw ang maysakit.

5. Ipinansulat ni Hesus sa lupa ang bato.

6. Ikinagalit ni Abegail ang kanyang pagsisinungaling.

7. Kinuha ng bata ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

8. Pinaghukayan ng Pedro ang kanilang bakuran.

9. Pinuntahan ng mga pulis ang pinagkukutaan ng mga

criminal.

10. Ikinuha niya ng makakain ang maysakit.

11. Nanghihinayang ang mga kaibigan ni Lita sa kanyang

sinapit.

12. Ikinahilo ng matanda ang mabahong amoy mula sa labas.

13. Ipinagluto ng Carlo ng masarap na adobo si Carla.

14. Ipanghati mo ng keyk ang kutsilyo.

15. Pinagdausan ng kasal gymnasium.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 21


Gawain 2: Panuto: Isulat ang mga salitang kulang upang
makumpleto ang talahanayan.

PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO


1. 2. Itatampok
3. Nagpapakasaya Magpapakasaya
Kinaltas 4. 5.
6. Pinagtatakpan 7.
8. 9. Magsasaya
10. Tumutulong Tutulong
Ikinamangha 11. 12.
Nagkasubukan Nagkakasubukan 13.
Ipinagtanggol 14. 15.

Gawain 3: Ang ang kahalagahan ng pandiwa sa pang-araw-araw


na pamumuhay.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 22


Aralin 3.4: Pang-uri

LAYUNIN:

1. Nabibigyang-kahulugan ang Pang-uri.


2. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pang-uri gamit ang
iba’t ibang antas nito.
3. Nakagagwa ng ng mga pangungusap gamit ang iba’t ibang
uri ng pang-uring pamilang.
4. Naiuugnay ang kahalagahan ng pang-uri sa pag-araw-araw
na pamumuhay.

Pang-uri

Ang pang-uri ay nagsasaad ng katangian o mga salitang


naglalarawan. Maaari itong salitangugat at panglaping
makauri.

Kayarian ng Pang-uri

1. Payak - Ang pang-uri ay nasa payak na kayarian kapag


binubuo ng isang salita o salitang-ugat.

Halimbawa:
puti saya pula dakila anim turo

2. Maylapi - Ito’y pinagsamang panlapi at salitang-ugat.

Halimbawa:
panlapi + salitang-ugat = maylapi
ma- + ganda = maganda
ma- + sipag = masipag
napaka- + dulas = napakadulas

3. Inuulit - Ang salita ay maaaring inuulit ng buo o


inuulit na ganap. Maaari ring bahagi lamang ng isang
salitang-ugat o tinatawag na parsyal ang pag-uulit.

Halimbawa:
Inuulit na ganap Parsyal na Pag-uulit
pulang-pula masasarap
maputing-maputi matatabil
malamig na malamig bibilugin

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 23


4. Tambalan - Ang pang-uri ay tambalan kung ito’y binubuo
ng pinagsamang dalawang salita na maaaring may
ikatlong kahulugan o mananatili ang kahulugan.

Halimbawa:
ngiting-aso
pusong-bakal
kapus-palad
ningas-kugon
tulog-hipon

Kaantasan ng Pang-uri

Ang pang-uri ay naantas ayon sa paraan ng


paghahambing. Ito ang katangian ng pang-uri na ikinaiiba
sa ibang salitang pangnilalaman.

1. Lantay - Sa antas ng pang-uring ito, walang hambingang


nagaganap. Iisa lamang ang tinutukoy, maaaring
salitang-ugat at panlaping makauri.

Halimbawa:
Siya ay matapang.
Siya ay maganda.

2. Pahambing - Ginagawa ito kapag may pinagtutulad o


pinag-iiba. Ito ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad
ng dalawang tao, bagay, lunan o pangyayari na maaaring
magkatulad o dimagkatulad. Ang di-magkatulad ay
nahahati sa dalawa ang palamang at pasahol.

 Magkatulad na Paghahambing - Ito ang uri ng


paghahambing na ginagamit kung patas o pareho ang
mga pinagtutulad, may mga panlaping ginagamit gaya
ng magsing, magkasing, ka, magka, kasing at sing.

Halimbawa:
magkasingganda
katulad
magsimputi
kasinghaba
magsintapang
magkasingtangkad

 Di-magkatulad na Paghahambing - Ito ang uri ng


paghahambing na ginagamit kung di-magkatulad o may
higit na katangian ang pinaghahambing sa salitang
inihahambing. Ito ay nahahati sa palamang at
pasahol.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 24


o Palamang na pagtutulad ang paghahambing kapag
nakahihigit sa isang pinagtutulad. Ito ay
ginagamitan ng mga katagang mas, lalong, higit
na at may katuwang na kaysa sa/kay.

Halimbawa:
mas maliwanag kaysa
lalong matibay kaysa
higit na matalino kaysa
higit na mahusay kaysa

o Pasahol na pagtutulad ang paghahambing kapag


kulang ang katangian ng isang tinutulad. Ito
ay ginagamit ng mga kataga gaya ng lalo, di-
gaano, di-tulad, di-gasino at may katuwang na
tulad ng/ni.

Halimbawa:
Lalong pango si Carl kaysa kay Kim.
Di-gaanong matamis ang suha kaysa sa
dalandan.
Di-gaanong masipag ang dalagang Amerikana
tulad ng dalagang Filipina.

o Moderasyon/Katamtaman Ang paghahambing na ito


ay naipapakita sa pamamagitan ng pag-uulit ng
pang-uring may panglaping ma-, sa paggamit ng
salitang medyo na sinusundan ng pang-uri, sa
paggamit ng may na sinusundan ng pang-uring
nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping
kabilaang ka- at –an/-han.

Halimbawa:
Medyo masakit ang aking ulo.
May kaukulan si Gilbert.
Masipag-sipag ang taong iyan.

3. Pasukdol - Kapag walang tiyak na pinaghahambingan at


ipinakikilalang pinakatampok sa lahat o nangunguna sa
lahat ng katangian. Ito ang pinakamataas na kaatansan
ng pang-uri na may panlaping pinaka, ubod, hari,
napaka, di-hamak na, lubhang, totoong o nagpapakita
ng kasukdulan ng paghahambing ng higit sa dalawang
bagay.

Halimbawa:
Ubod ng ganda ang batang iyan.
Hari ng tapang ang kanyang kaibigan.
Ulo ng yabang ang pangulo ng klase.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 25


Uri ng Pang-uring Pamilang

1. Patakaran/Kardinal - Ito ay likas at payak na anyo ng


mga bilang na pinagbabatayan ng tawag at ginagamit sa
paglalarawan ng damit ng tao, bagay at iba pa. Ito ang
pamilang mula sa wala hanggang sa bilyon.

Halimbawa:
wala
siyam
dalawampu
isa
sampu
tatlumpu
dalawa
labing-isa
apatnapu’t apat

2. Pamilang na Panunuruan/Ordinal - Ito ay nagpapakita


sa pagkakasunud-sunod ng bilang ng mga tao, bagay at
iba pa. Nakikilala ang bilang ng panunuruan sa
pamamagitan ng panlaping ika at pang. Ang ika- ay
ginagamit kapag hindi kasabay ang panahon o hanay. Ang
pang ay ginagamit kapag kasabay ang panahon o hanay.

Halimbawa:
(a) Pangatlo ako sa bunso.
(b) Sino ang nasa unahan ng ikalawang hanay?
(c) Una sa hanay ang makisig na binata.

Sa pagsulat ng tambilang, ang ika- ay ginagamit at


nagkakaroon ng gitling sa pagitan.

Halimbawa:
Ika-12 ng Disyembre
Ika-6:00 ng gabi

Sa pagsulat ng pan- at ika- may nawawalang titik ang


ibang bilang. Ang pamilang na nilalagyan ng pang at
ika ang mga patakaran.

Halimbawa:
Bilang- pang- ika-
dalawa pangalawa ikalawa
tatlo pangatlo ikatlo
apat pang-apat ikaapat
pito pampito ikapito

3. Pamilang na Pamahagi - Ginagamit ang pamilang na ito


kapag nais ipakilala ang mga bahagi ng isang kabuuang

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 26


pinaghati-hati. Nakikilala ito sa paggammit ng ika at
ng bahaging tinutukoy.

Halimbawa:
kalahati
ikasampung bahagi
tatlong-kapat
sangkapat
ikawalong bahagi
kaputol

4. Panlansak/Papangkat - Ito ay nagsasaad ng bulod na


pagsasama-sama ng anumang bilang ng tao, bagay, hayop
at iba pa. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pag-uulit
ng salitang-ugat o unang pantig ng salitang-ugat na
nangangahulugan ng maramihan o minsanan.

Halimbawa:
buwig
dakot
dosena
salop
batalyon
kampon

Mga Pang-Uring Kaugnay ng Pandama

1. Paningin – kaugnay ng nakikita


Halimbawa: luntiang hardin

2. Panlasa – kaugnay ng nalalasahan


Halimbawa: mapait na ampalaya

3. Pandinig – kaugnay ng naririnig


Halimbawa: maugong na sasakyan

4. Pang-amoy – Kaugnay ng naamoy


Halimbawa: mabangong bulaklak

5. Panghipo – kaugnay ng nararamdaman o nasasalat


Halimbawa: magaspang na liha

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 27


PAGSASANAY

Gawain 1: Panuto: Ibigay ang hinihingi ng kahon sa ibaba


na tumutukoy sa antas ng pang-uri.

Payak na pang-uri Lantay Pahambing Pasukdol


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 2: Magbigay ng mga pangungusap gamit ang iba’t ibang


uri ng pang-uring pamilang. Salungguhitan ang pang-uring
pamilang na ginamit.

Kardinal
1.
2.
3.
4.
5.

Ordinal
1.
2.
3.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 28


4.
5.

Pamahagi
1.
2.
3.
4.
5.

Palansak
6.
7.
8.
9.
10.

SANGGUNIAN:

Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. Makabagong


Balarilang Filipino. Manila: Rex Book Store. 1991
Tanawan, D., Lartec J, at Nacin, A. (2007) Istruktura ng
Wikang Filipino. Cabanatuan City: Jimcy Publishing
House.
Victoria, Vasil A. (2018) Ponolohiyang Filipino. Ateneo de
Naga, Naga City.
Zafra, Galileo S. (2008) Gabay sa Ispeling, Ikalawang
Edisyon. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I 29

You might also like