Professional Documents
Culture Documents
PALAUGNAYAN
TAGAPAG-ULAT: LORENA S. RONQUILLO
PANIMULA
Sa nakaraang mga kabanata ay tinalakay natin ang
tungkol sa ponolohiya at morpolohiya ng Filipino.
Nalaman natin na ang Filipino, tulad ng alinmang wika ,
ay may sariling set at tiyak na dami ng mga ponema o
makabuluhang mga tunog. Ang mga ponemang ito ang
ating pinagsasama-sama sa isang natatanging paraan upng
bumuo ng mga morpema.
PANIMULA
Sa antas naman ng morpolohiya ay napag-alaman natin ang
tungkol sa iba’t ibang uri at anyo ng mga morpema na, tulad ng
mga ponema, ay may natatangi ring kaayusan o distribusyon upang
bumuo ng iba’t ibang uri ng salita sa ating wika.
Ngayon naman ay pag-uusapan natin sa kabanatang ito ang mga
Sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita
upang bumuo ng pangungusap. Sa payak na payaj na paraan ay
tatalakayin natin ang iba’t ibang balangkas ng mga batayang
pangungusap sa Filipino at kung papaanong ang mga ito’y
mapapalawak.
SINTAKSIS O
PALAUGNAYAN
Ang sintaksis o palaugnayan ay tumutukoy sa
pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap.
Sinusuri nito ang pagkakaugnayan ng mga salita
upang makabuo ng pangungusap.
PANGUNGUSAP
Ayon kina Santiago at Tiangco (2003) ang pangungusap ay
isang sambitlang may patapos na himig sa dulo na nagsasaad na
naipahayag na ng nagsasalita ang kaisipang nais niyang ipaabot sa
kausap. Sa matandang balarila, sinasabing ang pangungusap ay
salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.
2 URI NG PANGUNGUSAP
DI- PREDIKATIBONG PANGUNGUSAP
-ito ay ang mga salita o lipon ng mga salita na walang paksa
at panaguri ngunit buo ang diwa.
PREDIKATIBONG PANGUNGUSAP
- ito ay ang mga salita o lipon ng mga salita na may paksa at
panaguri.
HALIMBAWA NG DI- PREDIKATIBONG
PANGUNGUSAP
1. Sambitlang panawag- sambitlang salita bilang pantawag sa tao (Nanay!)
2. Padamdam-salitang nagsasaad ng damdamin (Aray!)
3. Pagtawag- ginagamit sa pagtawag (Hoy!)
4. Pautos- ginagamit sa pag-uutos (Takbo!)
5. Pangkalikasan/Penominal- nagsasaad ng kalagayan ng panahon dulot ng kalikasan (Lumilindol.)
6. Panagot sa Tanong- salitang ginagamit kapag tinatanong (Opo)
7. Panahon- nagsasaad ng panahon (Mamaya, Bukas)
8. Pagbati/Pormularyong Panlipunan- nagsasaad ng pagbati (Kumusta ka)
9. Pagpapaalam- mga salitang ginagamit kapag magpapaalam (Paalam po)
10. Pamuling tanong- ginagamit kung gusto mong ulitin ng kausap mo ang kanyang sinabi (Saan nga ba?)
11. Pakiusap- pahayag na nakikiusap (Sige na.)
12. Pampook- sagot sa tanong na kung saan (Sa Baguio-sagot sa tanong na saan ka pupunta?)
13. Eksistensyal- nagsasaad ng pagkamayroon o pagkawala (May tao ba?- wala na)
MGA PANGUNGUSAP NA MAY
PANAGURI AT PAKSA
1. PAKSA
ito ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Nasa
paksa ang pokus ng sinasabi sa loob ng pangungusap. Sa ating pagsusuri, ang
simuno ay tinatawag nating paksa sapagkat higit na angkop ang salitang paksa
sa tunay na kahulugan ng kinakatawan nitong bahagi ng pangungusap.
Ang paksa ay maaaring tao, hayop, bagay, pook o pangyayari na gumaganap
ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa.
Halimbawa:
Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.
Mayroon din naming paksa na sa kahulugan ay siyang layon ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
Halimbawa:
Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan.
Pinakain ng masarap na pagkain ng mga taganayon ang mga turista.
2. PANAGURI
Ito ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Sa
dating paraan ng pagbibigay –katuturan, sinasabing ang panaguri ang nagsasabi ng tngkol sa
simuno.
Halimbawa:
Umuunlad ang bayan.
Ang pangungusap ay maaaring mauri batay sa
layon o gamit , ito ay maaaring maging paturol,
pautos o pakiusap, patanong o padamdam.
Paturol
Ito ang mga pangungusap na nagpapahayag ng katotohanan,
kalagayan, palagay o pangyayari. Ginagamitan ito ng bantas na tuldok.
Halimbawa:
1. Magaganap ang eleksyon sa Mayo 10.
2. Nagbanta ng pagwewelga ang mga manggagawa kapag hindi itinaas
ang kanilang sahod.
AYON SA LAYON O GAMIT
Patanong
Ito ang pangungusap na nag-uusisa o nagtatanong, na
sinasagot ng oo at hindi o kaya’y isang impormasyon o
pagpapaliwanag.
Halimbawa:
1. Kumain ka na ba?
2.Bakit mo ginawa iyan sa kanya?
3. Kailangan mo pa bang magtanong?
AYON SA LAYON O GAMIT
Padamdam
Halimbawa:
1. Ito na ang pinakamaligayang sandali sa aking buhay!
2. Naku! Nahulog ang bata
AYON SA LAYON O GAMIT
Pautos o pakiusap
Tambalan
Ang pangungusap na tambalan ay binub uo ng dalawa o higit
pang sugnay na makapg-iisa. Maaring ang mga sugnay ay
magkatulong at magkapantay o maaring magkaiba. Ito ay pinag-
uugnay ng at, ngunit, datapwat, subalit.
Halimbawa:
1. Si Errol sumasayaw at si Sandra ay nanunuod sa kanya.
2. Ang mga guro ay nagbabakasyon ngunit ang mga mag-aaral ay
nahihirapang gumagawa ng kanilang proyekto .
AYON SA ANYO
Hugnayan
Ang pangungusap na hugnayan ay binubuo ng isang sugnay
na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Ito
ay pinag-uugnay ng kung, kapag, samantala, habang, sapagkat,
upang, nang,pagkat, dahil sa. May paksa at panaguri subalit
bahagi lamang ito ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Nasira ang kamera habang pinipindot ng dalaga.
2. Kung mawawala ka sa piling ko sinta, guguho ang mundo ko .
AYON SA ANYO
Langkapan
Halimabawa:
1. Tataas ang grado mo at magkakaroon ka ng karangalan kung mag-aaral
ka nang mabuti.
2. Nang pumunta kami sa Ifugao, si Erick ay nasa palayan at si Dona ay
nagluluto ng pagkain para sa tanghalian.
MARAMING SALAMAT SA
INYONG PAKIKINIG