You are on page 1of 16

PAGPAPAHABA NG

PANGUNGUSAP
Maaaring pahabain ang
pangungusap sa iba’t ibang paraan.
Dalawang mahalagang sangkap ng
pangungusap ang simuno’t panaguri.
Maaaring pahabain ang simuno’t
panaguri sa iba’t ibang paraan.
Yamang sa normal na istruktura ng
Filipino ang panaguri ang nauuna ang
tungkol sa panaguri ang unang
ilalahad dito.
Ang pagpapahaba ng Panaguri

1. Pagpapahaba sa paggamit ng
direksyunal

Tumawag sa doktor ang pasyente.


Dumalaw sa ina ang anak.
Ibinigay sa mahihirap ang pagkain.
Ipinagkaloob kay Jaime ang gantimpala.
2. Pagpapahaba sa paggamit ng
lokatib

Magkokomprensya sa Baguio ang samahan.


Naganap sa EDSA ang rebolusyon.
Magliliwaliw sa Batangas sina Nick.
Nagtapos sa Pransya si Noel.
3. Pagpapahaba sa paggamit ng mga
katagang nagpapahayag ng (a) pag-
aagam-agam tulad ng tila, baka, yata,
marahil.

Marahil darating siya.


Ikaw yata ang hinahanap.
Baka umulan.
Tila natutuwa ang senador.
(b) Tunay na mga kataga tulad ng
lamang, sana, pa, daw (raw), din (rin),
pala, muli, na, atb.

Ikaw na ang bahala.


Ano raw ang sabi?
Siya rin ang maysabi.
Kumakain pa siya.
(c) Panahon tulad ng kahapon, ngayon,
bukas, atb.

Kahapon dumating ang Ambasador.


Ngayon ipagdiriwang ang piyesta.
Bukas makikipanayam ang pangulo.
Kamakalawa nagmilagro ang santo.
(d) Direksyon o pook tulad ng sa bukid,
sa tabi, sa ibabaw, sa ilalim.

Malayo sa bukid ang putukan.


Nakaupo sa tabi ang bata.
Nakalagay sa ibabaw ng mesa ang radyo.
Nagtago sa ilalim ang pusa.
(e) Paghahambing, pamamaraan tulad
ng sadya, kusa, bahagya, nang
paluhod

Sadyang mabilis ang takbo niya.


Bahagyang narinig ang sinabi nito.
Kusang naglingkod ang sundalo.
Nanalangin nang paluhod si Ana Victoria.
(f) Panggaano tulad ng sapat,
katamtaman, labis, kulang.

Labis magsalita ang mayabang.


Katamtamang alat ang gusto niya.
Sapat na baon ang kailangan.
Kulang magsaing ang katulong.
(g) Pang –ayaw o pagpapahindi o
pagpapatunay tulad ng ayaw, hindi.

Ayaw kumain ng bilanggo.


Totoong mahusay na manunulat si Ricky.
Hindi tinanggap ang bisita.
Tunay magmalasakit ang gobernador.
4. Kaganapan o komplemento tulad ng
a) Gol na pinangungunahan ng ng
Bumili ng kwintas ang nars.
Kumain ng lumpia si Gng. Cruz.

b) Benepaktib na pinangungunahanng
para sa /kay
Namili ang nars para sa kaibigan.
Nagluto ang kusinero para sa bisita.
c) Kawsatib na pinangungunahan ng
dahil sa

Sumakit ang tiyan niya dahil sa santol.


Inatake siya dahil sa init.

d) Instrumental na pinangungunahan
ng sa pamamagitan ng

Nangisda siya sa pamamagitan ng bingwit.


Nanahi ang modista sa pamamagitan ng
makinang de koryente.
Pagpapahaba ng simuno sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng:

a) pagmamay-ari na pinangungunahan
ng ng / ni
Matalino ang anak ng propesor.
Malaman ang payo ni Sekretarya Defensor.
Iyon ang panukala ni Presidente Quezon.
Malapasyo ang bahay ng inhinyero.
b) Paglilinaw o aposisyon na pinag-
uugnay ng pang-angkop na ng / na

Kanya ang bagong kotse.


Nagtatagumpay ang masipag na mag-aaral.
Iyon ang masusing pagtatalakay
Ginagantimpalaan ang masinop na gawain.
c) Lokatib na pinangungunahan ng sa

Mahirap ang buhay sa bundok.


Nakalimutan na ba ang Rebolusyon sa Edsa.
Naglipana ang mandaragit sa lunsod.
Mapakikinabangan ang lupain sa Hapon.

You might also like