Professional Documents
Culture Documents
WIKANG FILIPINO
(ALPABETO)
ALIBATA
tinatawag din itong baybayin
ito ay binubuo ng labimpitong
simbolo na kumakatawan sa mga letra
14 na katinig at 3 patinig.
ABAKADANG TAGALOG
nabuo ito noong taong 1940
ito ay binubuo ng dalawampung
letra (20)
Lima ang patinig: a, e, i, o, u
Labinlima ang katinig: b, k, d, g, h, l,
m, n, ng, p, r, s, t, w, y
BAGONG ALPABETONG PILIPINO
ang alpabetong binubuo ng
dalawampung letra ay dinagdagan ng
labing-isang letra (11) kaya’t naging
tatlumpu’t isa (31)
ang mga letra na idinagdag ay:
C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z, CH, LL, RR
1987 ALPABETONG FILIPINO
ito ay binubuo na lamang ng
dalawampu’t walong (28) letra:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N,
NG, Ñ, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
maaari itong tawaging pa-Abakada
o pa-Ingles
ang walong (8) dagdag na letra ay:
C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
KASAYSAYAN NG WIKA (MGA BATAS
PANGWIKA) :
• Saligang Batas ng Biak na Bato (1897)
Ang Wikang Tagalog ang siyang magiging
opisyal na wika ng pamahalaang
rebolusyonaryo.
• Saligang Batas 1935 artikulo XIV,
seksyon 3
Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.Hangga’t hindi
natatadhana Ingles at kastila ay patuloy na
gagamiting opisyal.
• Pang. Manuel L. Quezon
Batas Komonwelt 184 (nob.13,1936)
Layunin ng batas na ito na lumikha ng
isang institusyon na mangangasiwa sa
pagkakaroon ng wikang pambansa.
Tinagurian itong Surian ng Wikang
Pambansa.
Batas Komonwelt 185 sek. 1 (Enero 12,1937)
Paghirang ng Pangulo sa mga kagawad sa
Surian ng Wikang Pambansa.