You are on page 1of 22

ULAT-PAPEL SA FIL167

CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2022-2023

MGA PANGALAN Jovie Cerna


Mary Jane Pandilang
Arbaina Manalinding
Rosalinda Giamalon

PAKSA Wika sa Lipunan, Barayti ng Linggwistik at mga Bansang


Multilingwal

Ang mga mag-aaral ay inaasahang mapag-alaman ang mga


MGA LAYUNIN
sumusunod:
1. Ang wika sa Lipunan at Kultura
2. Ang Kapangyarihan ng Wika
3. Relasyon ng Wika at Lipunan
4. Relasyon ng Wika at kultura
5. Sosyolinggwistik at Panghihiram ni Hongson
5. Inasahan na sa pamamagitan ng pagguhit (Poster) ay
makikitaan ang kaugnayan ng wika sa Lipunan at Kultura
6. Napahahalagahan ang kaugnayan ng wika sa Lipunan
at Kultura sa pagsusuri sa artikulong nabasa.

PANIMULANG
GAWAIN
(Pagganyak)
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Ang wika sa Lipunan at Kultura


PAGLALAHAD -Teresita P. Semorlan, Ph.D
NG PAKSA

Ayon kay Harvey Daniels (1985), malapit ang


kaugnayan ng wika sa lipunan at sa mga taong gumagamit
nito. Ang wika ng tao ay hinuhubog, nagpapalit at nagbabago
upang maiangkop at maiakma sa pangangailangan ng mga
tagapagsalita.

Ang interpersonal na komunikasyon ay mahalaga sa


proseso ng pagbabago sa kultura. Ito ay nagsasangkot ng
mabagal at paulit-ulit na karanasan ng mga bagay sa isang
sitwasyon na nagreresulta mula sa mga pagpapalagay na
binago ng mga aksyon o ideya, kaisipan at adhikain, relasyon,
kaalaman at karanasan. mga seremonyang sakripisyo o
pampalubag-loob para sa isang diyos; Paniniwala sa
kaligayahan, kaugalian ng ningas kogon, kaugaliang manana,
pakikisama sa kapwa, pagmamahal sa pamilya, pasasalamat
at mabuting pakikitungo. Ang mga kalagayang ito ay
nagpapasalin-salin sa iba't ibang henerasyon at ipinapasa sa
susunod na salinlahi. Nagkakaroon sila ng mga argumento ng
halaga o pagsusuri, sa kalaunan ay nagiging mga konsepto ng
tama at mali, mabuti at masama, maganda at pangit,
matapang at duwag, mapagparaya o maramot. Sa paglipas ng
panahon, ang mga halagang ito ay nagiging mga gawi,
ginagamit at nagiging iba't ibang paraan ng pamumuhay.

Ayon kay Ngugi, ang mga pagpapahalaga o


halagahan ay batayan ng pagkakakilanlan ng tao, ng kanyang
katangiang partikular bilang kasapi ng isang lahi Lahat ng ito
ay dala ng wika (Restituto, et al, 1994). Ang wika ang
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

nagdadamit kultura. Ito ang nagbibigay kahulugan sa ganda


ng kultura. Sa mga wika makikilala sambayanan ang kanyang
kultura at matututunan niya itong angkinin at ipagmalaki. Ang
wika bilang kultura ay ang kabuuang sisidlan ng mga
karanasan sa kasaysayan ng sambayanan. Sa madaling
salita, ito ay produkto ng kasaysayang nagpapaliwanag ng
mga pangyayaring naganap noong unang panahon,
naglalarawan ng mga pambubusabos at pang-aapi ng mga
tampalasan, nagpapakilala ng mga opinyon ng mga
manunulat, mga patnugot, mga kolumnista, at iba pa.
Naghahatid rin ito ng mga kabatiran o impormasyon tulad ng
mga salaysay ng kabayanihang dapat ikarangal o ikapuri. Ang
wika rin ay tagapagbuo ng larawang-diwa o imahe ang
pagkilala o pagkaalam natin sa ating sarili bilang nilalang, sa
indibidwal o pangkatang aspekto ay batay sa larawang-diwa
na maaari o hindi maaaring tumugon sa aktwal na realidad ng
ating pagsisikap sa pakikipagtunggali sa kalikasan. Ngunit
ayon kay Ngugi, ang kakayahan nating makipaglaban sa
mundo ay batay sa pag-akma ng mga larawang-diwa sa
realidad at kung paanong sinisira o nililinaw ng mga
larawang-diwang ito ang realidad ng pakikipaglaban.

Ang wika bilang kultura ay namamagitan sa tao at sa


mismong sarili niya, sa tao at sa kapwa niya, sa tao at sa
kalikasan. Samakatuwid ang wika ay tagapamagitan sa buong
pagkatao ng isang nilalang subalit mabigat din ang tungkulin
ng wika bilang tagapagpahayag, tagapagbigay,
tagapaglarawan o tagapaghatid ng mga larawang-diwa ng
daigdig at realidad sa pamamagitan ng wikang pasalita o
pasulat, nangyayari ito sa pamamagitan ng tanging wika.
Kung baga, ang kakayahang makapagsalita, magsaayos ng
mga tunog na nagpapakita ng sabayang pag-unawa ng mga
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

tao ay matatawag na pandaigdig o unibersal. May pasubali


nga lang ang sinasabing ito ni Ngugi. Ayon sa kanya, ang
pagiging tangi lang ng mga tunog, mga salita, mga ayos ng
salita sa parirala at pangungusap at ang tuntuning napapaloob
sa nasabing pag-aayos ay siyang ikinaiiba ng isang wika sa
ibang wika. Kaya, ang natatanging kultura ay hindi
nakapagbibigay, nakapaghahatid o nakapagpapahayag sa
pamamagitan ng wika sa kanyang pagiging unibersal. Bagkus,
ito ay may kapakinabangan sa pamamagitan ng pagiging tangi
o wika ng natatanging pamayanan (partikular) at ng tanging
kasaysayan nito. Ipinahayag parin ni Ngugi na ang panitikan
ay pangunahing paraan at napakahalaga dahil sa ang
partikular na wika ay nakapaghahatid ng larawang-diwang
dala nito.
Idinagdag pa ni Ngugi na ang wika bilang kultura ang kabuuan
ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng panitikan. At sa
paraang ito natin mauunawaan ang ating sarili at ang lugar
natin sa mundo. Ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng
wikang ginagamit niya ay magkarugtong parang kambal Wika
nga, ang kahusayan ng tao sa paggamit ng wika ay maaaring
sukatan ng uri o tayog ng kultura mayroon siya. Samakatuwid,
ang wika ay maaaring sukatan ng uri o tayog ng kultura.
Sa wika natitiyak ang kairalan o tatak ng isang kultura, dito
nababatid ang kanyang kairalan, sa wika naiintindihan ang
kanyang espesyal na katangian Nasa kultura ang kamalayan
ng isang lahi, lipi na maiintindihan sa pamamagitan ng wika.
Mahirap maintindihan ang kamalayan ng isang lipi/lahi kapag
ito'y ipinapaliwanag sa wika ng dominanteng uri. Ginawa na ito
ni Jose Rizal sa kanyang pagsulat ng dakilang Noli at Fili.
Alam nating lahat na nagalit at nagkaroon ng
pagbubulay-bulay ang mga Kastila nang kanilang
matunghayan sa grapiko at diskriptibong paraan ang kanilang
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

kalabisan at pagsasamantala. Sa ambag na ito, tila mahalaga


ang ganitong gawain ni Rizal sa pagpapamukha sa kaaway na
labis na sila kung kaya tama lamang na tapusin na ang
kanilang di makataong panunupil sa sambayanan. Ang
pagsulat ni Rizal, ang kanyang pagkilos, ang kanyang
pananamit ng coat at suit ang kanyang realisasyong hindi na
niya pala kayang magsulat sa Tagalog dahil mas panatag siya
sa wika ng mananakop; lahat ng mga ito ay ekspresyon ng
karanasan, lahat ng ito ay eksemplikasyon ng wika. Kung
papalawigin pa, ang makapangyarihang wika ng kilusang
propaganda, ang kakayana nitong tiyakin na may sakit ang
bayan, pangalanan ang sakit na ito at magpanukala lunas
upang ito'y malunasan ay nakapagpapakilos sa mga
kinauukulan.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Ang Kapangyarihan ng Wika

Noong unang panahon, nang tayo'y nasa ilalim pa ng


pamamahala ng Kastila, wikang Latin at Español ang wikang
banal, wika ng Diyos at wikang Kristiyano At ang Diyos na
pinakilala sa atin ay ang Diyos na hindi marunong
maghimagsik Kaya walang puwersa o lakas ang mga
mamamayang Pilipino na sumagupe sa mananakop na Kastila
(Agcaoili, 1998).

Sa Kilusang Propaganda, ipinakilala ang wika ng


pagtutol at pagsalungat sa mga Kastila wika na nag-udyok at
nagbunsod sa mga Pilipino na lumaban. Sa pamamagitan ng
wikang nakapaloob sa La Solidaridad at Dyaryong Tagalog,
natutong humingi ang Pilipino ng reporma at pagbabago sa
aspekto ng pulitika at ekonomiya Dahil dito maraming namulat
sa totoong kalagayan ng ating bansa. Isa na rito si Andres
Bonifacio na bukod sa paggamit ng tabak, ginamit din niya
ang wika upang isulat ang tulang Katapusang Hibik ng
Pilipinas na nangangahulugang rebolusyon ang tanging
solusyon upang lumaya ang sambayanang Pilipino sa mga
mapandustang dayuhan.

Noong panahon naman ng Amerikano at


magpasahanggang ngayon, ipinakilala ang wika ng
kapitalismo, ang wikang Ingles. May kinalaman ang wika sa
ekonomiya natin. Ang wikang Ingles ang ginagamit na wika ng
mga namumuno sa kompanya samantalang wikang Filipino
naman ang ginagamit ng mga empleyado. Ayon kay Dr.
Aurelio Agcaoili (1998), ang wika ng ating ekonomiya ay
banyaga. Na ang wikang demokratiko ay dapat maging wika
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

ng mga Pilipino. Samakatuwid, ang wika at kultura ng isang


pamayanan ay dalawang bagay na hindi maaari o mahirap
paghiwalayin. Saan nga ba gagamitin ang wika kung walang
kultura? Magkabuhol ang dalawa at nararapat na angkop na
angkop ang isa't isa May wika sapagkat may kultura.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Ang Relasyon ng Wika at Lipunan

Ang bawat tao ay bahagi ng lipunan. Tinutukoy ng


lipunang ito ang pagkakakilanlan nito sa pamamagitan ng
pamilya, edukasyon, pananampalataya, kapangyarihan,
batas, ekonomiya, media at higit pa. Ito ay nabuo batay sa
iba't ibang institusyong panlipunan. Ang wika ay isang
mahalagang salik sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga
indibidwal na miyembro ng mga institusyong ito. Habang
nahuhubog ang bawat indibidwal ng mga institusyong bahagi
ng kanyang lipunan, malay man o di malay, nagiging
instrumento ang mga indibidwal na ito sa pagbuo ng iba't
ibang varayti ng wika nang hindi niya namamalayan. Hindi
lamang ang mga institusyong panlipunan na nabanggit ang
nagbubunsod sa penomenong pangwikang ito kundi maging
ang iba pang mga salik panlipunan tulad ng kasarian o seks
edad hanapbuhay, uri ng lugar at ang etnikong grupong
kinabibilangan. May kakaibang paraan sa pakikipag-usap ang
mga babae sa mga lalake. May mga salitang komon na
ginagamit ang grupo ng mga babae gayundin ang grupo ng
mga lalake. Iba ang paraan pagsasalita ng mga bata sa
matatanda. Ang mga nakatira sa lugar na urban ay may
salitang hindi nauunawaan ng mga nakatira sa rural na lugar
at bise bersa ipaghalimbawa rito ang bukirin na karaniwang
tanawin sa rural na lugar. Dito, makikita mo ang kalabaw, baka
at iba pang hayop na tumutulong sa mga magsasaka sa mga
bukid na halos hindi nakikilala ng mga bata sa lungsod. Kaya,
sa wika ng mga taganayon, kabbalah, kalakian, kaba, pinipig,
pitak, atbp. Gayunpaman, karamihan sa mga naninirahan sa
lungsod ay hindi pamilyar sa mga terminong ito.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Ang pananaw sa itaas ay isang uri ng posibleng


relasyon ng wika at lipunan na nagsasaad na ang istrukturang
panlipunan ay maaaring makaimpluwensya o makadetermina
sa linggwistikong istruktura at/o pag-uugali (Wardhaugh,
1992:10)
Kabaligtaran ito ng pananaw na ang istrukturang
linggwistiko ay maaaring makaimpluwensya o makadetermina
sa istrukturang panlipunan (11) na pananaw nina Sapir at
Whorf. Ang pananaw nina Sapir at Whorf ay tumutukoy sa
sinasabing ang wika ay humuhubog sa pananaw sa daigdig o
world view ng mga indibidwal na may katotohanan din naman.
Ang bagong sibol na tao ay ipinanganak na may nagisnan
nang wika. Ano mang nakabahagi sa uri ng wika mayroon siya
ay nagbibigay-larawan ng daigdig sa kanya. Wala mang
kalabaw o baka sa kaniyang lugar, ngunit kanya namang
naririnig mula sa iba o kaya nama'y nakikita sa mga pelikula,
telebisyon, libro at iba pa ay makakaimpluwensya sa kanya
lalo pa't alam na niyang kalabaw ang pambansang hayop sa
bansa. Hindi nga lamang kasing linaw sa isip niya tulad ng
mga aktwal na nakararanas ang larawan at kahalagahan ng
kalabaw sa lipunang Pilipino.
Ang ikatlong pananaw sa relasyon ng wika at lipunan ay
hinango sa pananaw Marxian (11) na nagsasabing maaaring
magkaimpuwensyahan ang istrukturang panlipunan at
istrukturang pangwika. Ang paliwanag dito ay nakapaloob na
mismo sa pagpapaliwanag sa dalawang pananaw na tinalakay
sa itaas.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Ang Relasyon ng Wika at kultura

Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga


madalas na naririnig natin na magkabuhol ang wika at kultura
Hindi maaaring papaghiwalayin ang wika at kultura. Maaari
kayang may wika ngunit walang kultura? O, maaari kayang
may kultura ngunit walang wika? Ang totoo, anuman ang
umiiral sa kultura ng isang lipunan, ay masasalamin sa wikang
ginagamit ng nasabing lipunan. Ang pagkamatay o pagkawala
ng isang wika ay nangangahulugan ding pagkamatay o
pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang pagkakikilanlan ng
isang kultura (Santos, Hufana, Magracia: 2009:5).

Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi,


maging ng kanilang karanasan. May mga salitang natatangi
lamang sa isang grupo ng mga tao. Ang maratabat (pride sa
wikang Ingles) halimbawa ng mga Maranao, Maguindanao at
iba pang etnikong grupo na matatagpuan sa Mindanao ay
hindi matatagpuan sa wika ng ibang etnikong grupo. Ang
salitang maratabat at ang konsepto nito ay kaugaliang bahagi
ng kultura ng partikular na grupong nag-aangkin lamang nito.
Nangangahulugan ito ng pagbabangon ng dignidad na
nadungisan sa iba't ibang kaparaanan, mabigat man o hindi
ang dahilan, na nangangailangang itindig anuman ang
kahahantungan o paraang gagamitin. Ang salitang pakbet na
isang uri ng luto o pagkain ay popular sa mga loka tulad din ng
batsoy na isang uri rin ng lutuin na popular naman sa mga
Ilonggo. Kung salitang tapis ay nagmula sa mga taga-Luzon at
taga-Visayas, ang salitang malong naman ay popular sa mga
taga-Mindanao partikular sa grupo ng mga Muslim.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Sa ibang bansa, marami silang uri ng keyk na iba-iba


ang pangalan. Sa bansa naman natin, marami tayong kakanin
tulad ng puto na iba-iba rin ang tawag depende sa kung anong
materyal ang gamit at ano ang paraan ng pagluto. Ilan sa mga
ito ay ang - puto kutsinta, puto bumbong, putong may-alsa,
putong sapin-sapin, bibingka, at iba pa.
May iba't ibang tawag din tayo sa luto ng bigas na tinatawag
na rice sa Ingles, Ang bigas ay galing sa palay na rice pa rin sa
Ingles. Upang maging malinaw, tingnan ang dayagram sa
ibaba para rito.

Ganito rin ang nangyayari sa iba't ibang luto sa itlog.


itlog (egg), nilagang itlog [boiled egg), maalat na itlog (salted
egg]
(ballot, penoy, kwek-kwek, abnoy)
Makikita sa unang hanay sa itaas, na may mga panumbas na
salita sa wikang Ingles ang itlog at ang uri ng luto sa itlog.
Ngunit kapansin-pansin na walang panumbas ang wikang
Ingles sa mga uri ng luto sa mga itlog na nasa ikalawang
hanay - unang hanay, itlog (egg), nilagang itlog (boiled egg], at
maalat na itlog (salted egg]; ikalawang hanay, balot (wala),
penoy (wala), kwek-kwek (wala), abnoy [wala].
Sa mga nabanggit sa itaas, totoong ang wika ay
kasasalaminan ng kultura at lipunang kinabibilangan ng isang
lahi at ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

grupo/entnikong grupong gumagamit ng kakaibang mga


salitang wala o hindi pamilyar sa ibang grupong may ibang
kultura at ibang lipunang ginagalawan.

Barayti ng Linggwistik at mga


Bansang Multilingwal

Sa paglipas ng iba’t-ibang salik lahi at sa pagsibol


naman ng mga makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon
ng maraming barayti at baryasyon ng wikang Pilipino.
Linggwistikong komunidad ang tawag sa sa mga wikang ito.
Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na
nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-kanyang
dayalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga
katutubong salita, depende sa lugar na kanilang
pinanggalingan.
Halimbawa nito ay ang gamit ng salitang Waray ng mga taga
Bisaya, Ibaloy ng mga taga Mountain province, Ilocano ng
mga taga rehiyon ng Ilocos, at Zambal ng mga taga Zambales.
May mga ibang grupo naman na ang gamit ay ang mga
makabago at naimbento lamang na mga salita. Meron ding
gumagamit ng pinaghalong Ingles at Tagalog o mas kilala sa
tawag na “konyo”. May ilang ding mga kabataan na
gumagamit ng jejemon at bekimon naman ang linggwahe ng
mga bading.Idagdag pa rito ang progresibo at makabagong
paggamit ng internet na nagdudulot ng paglaganap ng mga
salitang naimbento ng mga gumagamit sa sosyal
media. Andiyan ang pagamit ng acronyms tulad ng HBD para
sa happy birthday, LOL para sa laugh out loud, ATM para sa at
the moment at iba pa. Sadyang napakabilis at napakarami ng
pgbabago ng ating wika. Sa larangan din ng mga propesyonal
sila ay meron din sariling linggwistikong
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

komunidad. Ang mga doctor, abogado, enhiyenero at iba pa


ay gumagamit ng partikular na salita ayon sa grupo ng
propesyon na kanilang kinabibilangan.

Bawat indibidwal ay may natatanging uri ng wika na


kung saan ay sila-sila rin lang ang nagkakaintindihan. Naiiba
rin ang uri ng linggwistikong komunidad ang gamit ng mga tao
na nasa mataas na antas ng ating sociodad. Sadyang
napakarami na ng uri ng wika ang umusbong at ginagamit ng
bawat indibidwal sa bawat komunidad. May mga
permanenteng wika, may mga kusa namang nawawala sa
sirkulasyon sa pagdaan ng panahon. Magkakaiba man, ang
mahalaga ay ang dulot nitong pinagbuting pagkakaunawaan
at pagkakaintindihan ng bawat tao or grupo ng tao na
gumagamit nito.

Dalawang Uri ng Varayti ng Wika Ayon sa Katangian


1. Permanente na nauukol sa tagapagsalita – tagabasa
(performer) – binubuo ng idyolek at diyalekto Idyolek – varayti
ng wikang kaugnay sa personal na kakanyahan o katangian
ng tagapagsalita gaya ng kwaliti ng kanyang boses, katayuang
pisikal, paraan ng pagsasalita at uri ng wikang ginagamit.
2. Diyalekto – varayti ng wika batay sa lugar, panahon at
katayuan sa buhay kaya’t may tinatawag na diyalekton
heograpikal, diyalektong temporal, at diyalektong sosyal. -
(mula sa salitang Kastilang dialecto) anyo ng wikang
ginagamit sa isang partikular na pook o rehiyon. Dayalek –
varayti o subordineyt ng wika at ito’y sinasalita sa loob ng mas
maliit na grupo.Hal. Ang Tagalog ay isang wika na sinasalita
sa Metro Manila. Ang mga dayalek nito ay Tagalog-Batangas,
Tagalog-Cebu
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Homogeneus at Heterogeneous na wika


A. Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita
ang lahat ng gumagamit nito. (Paz, et.al.2003).
B. Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar,
grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming
baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng
magkakaibang kontent o element heteros –
nangangahulugang magkaiba samantalang ang genos –
nangangahulugang uri o lahi.

Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga


indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes,
gawain, pinag-aralan at iba pa.

C. Dayalek/Dayalekto – ito ang barayti ng wikang ginagamit


sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng wikang
nalilikha ng dimensyong heograpiko. Halimbawa: pakiurong
nga po ang plato (Bulacan – hugasan) pakiurong nga po ang
plato (Maynila – iusog)
D. Idyolek - ito ay pansariling paraan, nakagawiang
pamamaraan o istilo sa pagsasalita. Makikita rito ang
katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita o
ng isang pangkat ng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba
pa). Ito rin ang Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao
sa kanyang wika. Halimbawa: Tagalog – Bakit? Batangas –
Bakit ga? Bataan – Bakit ah?
E. Sosyolek - naman ang tawag sa barayting nabubuo batay
sa dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan, antas o sa
pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan. Tinatawag
din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan, paniniwala,
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Ito ay may kinalaman


din sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita.
Halimbawa: Wika ng mag-aaral - Oh my God, nakatabi ko
kanina sa bio ang crush ko! Tapos nakasabay ko pa s'yang
mag-lib! (estudyante) Wika ng matanda - Ano ikamo, wala pa
ang tatay n'yo diyan? Aba at saan na naman napunta
H. Ekolek - Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at
sinasalita sa loob ng bahay. Taglay nito ang kaimpormalan sa
paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit
nito. Halimbawa: Mamita Lolagets Papsy I. Pidgin - ito ay
umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na
Nobody’s Native Language o katutubong wikang di pag-aari
ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong
parehong may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa
kaya magkakaroon sila ng makeshift language. Dahil dito
makakalikha sila ng isang wikang pinaghalo ang kanya-kanya
nilang unang wika. Halimbawa: Ang pagpunta ng mga Kastila
noon sa Zamboanga nakabuo sila ng wikang pinaghalong
Espanyol at Katutubong Wika ng Zamboanga.

J. Creole - ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan


ay naging likas na wika (nativized) na ng mga batang isinilang
sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon
hanggang sa magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod na
ng karamihan.

Mga Bansang Multilinggual


Sa buong mundo nabibilang ang Pilipinas sa mga bansang
may maraming uri ng wika na ginagamit. Dahil sa nahahati sa
kapuluan at iba’t-iibang rehiyon ang ating lugar, tayo ay
nagkaroon din ng kanya-kanyang lenggwahe at dayalekto na
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

ginagamit. Ayon sa huling talaan ng mga linggwistiko, tayo ay


may halos 150 uri ng wikang ginagamit. Sa pananaliksik at
pag-aaral nagkakaroon tayo ng mga barayti at baryasyon ng
wika.
Kahulugan ng Multilinggwalismo
Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay
marami at salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o
wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay “maraming salita
o wika”. Ang wikang Pilipino ay binubuo ng maraming wika.
Mula sa ating wikang pambansang gamit, may mga nabuo
pang salita hango sa ating mga kasalong wika.
Mga Bansang Multiliggwal:
Ang Morocco ay ang bansang may apat na opisyal na wikang
ginagamit- Ang Arabic, French, Spanish, Amazigh.
Ang India ay may 23 na opisyal na wika na pangunahin ang
Hindi (40%).
Habang ang Switzerland ay may apat na pangunahing
pambansang wika ang German, French, Italian, at Romansh.
Ang Pilipinas ay multilinggwal na lipunan dahil dalawa(kung
tutuusin ay higit pa ang opisyal na wika ang madalas
ginagamit dito: Filipino (Tagalog, Bisaya, marami pang ibang
dayalekto) at ang Ingles.
“Ang pagkatuto ay mabilis at epektibo kung direktang
gumigising ito sa maraming pandama at sensibilidad ng mga
mag-aaral at wala na iba pang wika ang kinakatawan dito
kundi ang wika niya sa araw-araw at wikang magbibigay sa
kanya higit na tiwala at pagkakalinlan”. Abad (2007).
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Sosyolinggwistik at Panghihiram
ni Hongson

Pinagmulan ng salitang Sosyolinggwistik

Binuo lamang sa loob ng nakaraang limampung taon.


Ang salitang Sosyolinggwistik ay nilikha noong 1939 ni
Thomas C. Hudson, sa pamagat ng kanyang articule
“Sociolinguistics in India”. 1960s naging sikat ang pag-aaral ng
sociolinguistics at nagkaroon ito ng dalawang pamagat:
sociolinguistics at ang sosyolohiya ng wika. Sa katapusan
nagkaroon ng kaibahan ang dalawa, ang sosyolohiya ng wika
ay humahawak sa mga paliwanag at hula sa mga ganap na
wika sa iba’t-ibang antas ng grupo. Teoryang
Sosyolinggwistik- pamamalagay (assumption) na ang wika ay
isang panlipunang phenomenon. Nagiging makabuluhan ang
anumang pahayag, aksyon, salita ng isang indibidwal kung
ito’y nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang
indibidwal o grupo. At dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang
konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang gawain,
papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa
komunikasyon.

Ayon kay (Constantino, 2000) sa aklat ni Santos, et al.


2010, ang sosyolinggwistikong teorya ay ang ideya ng
paggamit ng heterogenous ng wika dahil sa magkakaibang
mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na
tinitirhan, interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa.

SPEECH ACT THEORY


Ang speech act theory ay isang teoryang batay sa
aklat na How to Do Things with Words ni J.L. Austin (1975).
Pinapaniwalaan sa teoryang ito na ang yunit ng
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang


pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng
mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang
tinatawag na speech acts.

Mga Sanggunian at Reperensya:


• Santos, Angelina L., Nerissa L. Hufana, at Emma B.
Magracia. 2009. Ang Akademikong Filipino sa
Komunikasyon Teksbuk-Workbuk sa Filipino I Malabon
City: Mutya Publishing House, Inc.
• Wardhaugh, Ronald. 1992. An Introduction to
Sociolinguistics, 2nd ed. Oxford, UK Blackwell.
• https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fpdfc
offee.com%2Fsosyo-final-outputdocx-pdf-free.html%3F
fbclid%3DIwAR3CcrgJ0QkkhBU48pUBx3P8b4scnz6iB
0mcXkXenjgd5oa_wjG83h-7IcY&h=AT2gGiHy48oV7Z
DLGA3_Ik0gg54Ko3muFUS9N88qQk7vWqaP7bSOFO
g0K6IHopS8zSrsqvwAluhQHgTbIL1SCIfCWbsfJaGZW
rIYc0E42P6VoiedAwGFcq8-qdgSyNej4VF7ulaQB_OD
BPolpCDZg
• https://takdangaralin.ph/multilinggwalismo-kahulugan-a
t-halimbawa/
• https://prezi.com/p/up5yqtbptqai/multilinggwalismo/
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Panuto: Gumuhit ng Poster na nagpapakita sa ugnayan ng


Wika sa Lipunan at Kultura. Gawan ng 3-5 pangungusap na
PAGLALAPAT pagpapaliwanag ang Pangkatang gawain. Ilagay sa isang
(Pangkatang-gawai
short bondpaper
n)

RUBRIC/
Nilalaman 20
KRAYTERYA
Kaangkupan 10
Kalinisan 10
Pagpapaliwanag 10
50 puntos sa kabuuan

IDENTIPIKASYON:
PAGTATAYA
(Pagsusulit) PANUTO; Isulat ang tamang sagot ng mga katanungan sa
bawat patlang. (No erasure)
1. Sa kanya, Ang kakayahan nating makipaglaban
sa Mundo ay batay sa pag-akma ng mga
larawang -diwa sa realidad at kung paanong o
nililinaw ng mga larawang-diwang ito ang
realidad ng pakikipaglaban.

2. Ayon sa kanya, malapit Ang kaungayan ng Wika


sa Lipunan at sa mga taong gumagamit nito. -
Harvey Dan

3. Iba't ibang luto rin Ang maaring 3. Iba't ibang luto


rin Ang maaring gawin dito tulad ng mga sumusunod
na may iisang katawagan lamang sa wikang Ingles
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

4.Isang uri ng luto o pagkain na popular sa mga


Ilokano.

5. Nagsaad ng "Ang istrukturang panlipunan ay


maaring makaimpluwensya o makadetermina sa
linggwistikong istruktura at pag-uugali"

6. Ayon sa kanila kabaligtaran ng pananaw na Ang


istrukturang linggwistiko ay maaaring
makaimpluwensya o makadetermina sa istrukturang
panlipunan.

7. Ang salitang Malong ay pupolar naman sa mga


taga-Mindanao partikular sa grupo ng mga __?

8. Isang Dr. na nagsabing ang wika ng ating


ekonomiya ay banyaga, na ang wikang demokratiko
ay dapat maging wika ng mga Pilipino

9. Isang kaugalian ng mga Maranao na "pride sa


salitang Ingles" na bahagi ng kanilang kultura.

10. Ayon sa kanila ang pagkamatay o pagkawala


Isang wika ay nangangahulugan ding pagkamatay o
pagkawala ng isang kultura.

11. Uri ng pagkain o luto na pupolar sa mga Ilongo?

12. Noong panahon naman ng Amerikano at


magpasahanggang ngayon, ipinakilala ang wika ng
kapitalismo.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

13. Pamamalagay (assumption) na ang wika ay


isang panlipunang phenomenon.

14. Varayti ng wika batay sa lugar, panahon at


katayuan sa buhay

15. Kung pare-parehong magsalita ang lahat ng


gumagamit nito. (Paz, et.al.2003).

16. Wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at


pangangailangan ng paggamit nito, maraming
baryasyon na wika.

PANUTO: Mga Bansang Multilinggwal. Piliin ang tamang


Bansa na angkop sa mga katanungan.

1. Ang bansang may apat na opisyal na wikang


ginagamit- Ang Arabic, French, Spanish, Amazigh.

2. Ito ay bansang may 23 na opisyal na wika na


pangunahin ang Hindi (40%).

3. May apat na pangunahing pambansang wika ang


German, French, Italian, at Romansh.

4. Ito ay multilinggwal na lipunan dahil dalawa(kung


tutuusin ay higit pa ang opisyal na wika ang madalas
ginagamit dito: Filipino (Tagalog, Bisaya, marami pang
ibang dayalekto) at ang Ingles.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

TALASAGUTAN
IDENTIPIKASYON:
- Homogeneous ang wika
- Maratabat
- Porridge
- Pakbet
- (Dr. Aurelio Agcaoili 1998)
- Batsoy
- Linggwistika
- (Wardhaugh, 1992:10)
- Muslim
- Lipunan
- Wikang Ingles.
- Sosyolinggwistik
- Kultura
. Diyalekto
- Heterogenous na Wika
- Ngugi
- (Sapir at Whorf)

Mga Bansang Multilinggwal


- India
- New Zealand
- Morocco
- Pilipinas
- Australia
- Switzerland
- Korea

You might also like