You are on page 1of 40

Universidad de Manila

Cecilia Muñoz Palma St., cor. Antonio Villegas St.,

Mehan Gardens, Ermita, Manila

Impluwensya ng YouTube sa Wika at Kultura ng mga

Mag-aaral ng Senior High School ng

Universidad de Manila

Isang Akademikong Sulatin na Ipinasa kay

G. Randolph Palafox

ng Kagawaran ng Filipino

Universidad de Manila Senior High School, Ermita, Manila

Bilang bahagi ng pagtupad sa mga Pangangailangan para sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Aquino, Lexter T.

Belmonte, Roi John D.

Corpus, Roland F.

Raymundo, Raymart C.

2018
I. Panimula

Sa panahon ng teknolohiya o mas kilala bilang digital age. Mas nagiging

magkalapit at magkakonekta ang mga tao dahil sa Internet. Sa Internet, maaari

kang magbahagi ng mga bidyo, teksto o larawan na makakaagaw ng atensyon ng

isa o maraming tao. Paano kaya kung sa pagbabahagi na ito, nagkakaroon na ng

paghahalo-halo ng mga kultura ng iba’t ibang bansa o maliliit na grupo? Paano

kung sa “meme” na shinare mo ay nakatulong para magbahagi ng isang maliit na

pagbabago sa kultura at wika natin?

Kahit na parang ang Internet ay ginagamit bilang libangan lamang, ang

Internet ay nakakatulong nang malaki sa edukasyon at komunikasyon na

pinapamanihalaan ng iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook,

Twitter, Instagram, YouTube at iba pa.

Ang bilang ng mga Pilipino na gumagamit ng Internet ay pumalo ng mahigit

44,000,000 noong 2016 base sa isang statistics ng Internet Live Stats na

bumibilang sa 43.5% ng populasyon (2016). [1] Karamihan sa mga users nito ay

mga may edad na mula 15 hanggang 24 o mga High School Students hanggang

College graduates; tatlo sa lima ng mga kabataan ang regular na gumagamit ng

Internet at 78% naman ang may mobile phones (Dr. G. Cruz, 2013). Sa kanila,

ginagamit nila ang internet kadalasan sa Facebook, Twitter at Instagram bilang

panlibang, pagbabahagi o pakikipag-usap.

Sa kultura nating mga Pilipino na hilig sumubaybay sa mga soap opera o

Koreanovela at manood ng mga balita sa telebisyon, dahil sa Internet, ito ay


natulungan pa gamit ang isang website na YouTube. Sa YouTube, puwede kang

manood ng mga bidyo na maaaring magbibigay-aral, balita, tutorials, prank videos,

music videos, replay ng isang teleserye, at iba pa. Ngayon, mapapansing mas

sumisikat ang mga western music, western at European cultures, at iba pa. Dahil

dito, naging patok ang YouTube sa mga Pilipino partikular na sa kabataan.

Sa wika naman natin, mas nagiging karaniwan na ang paggamit ng

“Taglish” (pinagsamang Tagalog at English) dahil sa impluwensya ng telebisyon

lalo na ang internet. Ngayong 2010s nang simula sumikat ang mga video-sharing

platforms tulad ng Vine at YouTube, lalong mas lumaganap ang western cultures

sa iba’t ibang bansa lalo na sa Pilipinas. Ngayong 2018, mapapansin ng

karamihan ang paggamit ng mga salita o parirala tulad ng “meme”, “wig/weave

snatched” (kapag nakitang may ginawang kahanga-hanga ang isang iniidolo, para

maipakita ang kasiyahan o excitement), “tea spilled” (kumalat ang isang tsismis),

o paglaganap ng mga makabagong tawagan tulad ng “sis” o “sister”.

Sa bilyun-bilyong mga video na maaaring panuorin sa YouTube, hindi

maiiwasan ang mga maaaring makaapekto sa wika at kultura ng isang tao tulad

lamang sa relihiyon, kaugalian, tradisyon, at iba pa. Hindi rin maiiwasan ang mga

channels na malakas ang impluwensya nito sa mga manonood nila.

Pahayag ng Tiyak na Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pag-alam ng mga epekto ng YouTube

sa kultura ng mga Pilipino. Ang pangunahing tanong na sasagutin ng mga

mananaliksik ay “Paano nakakaapekto ang YouTube sa wika at kultura ng mga


kabataang Pilipino?”. Ang tanong na ito ay binalangkas ng mga mananaliksik dahil

sa pangkalahatan na halos masasagot ang tiyak na suliranin ng pag-aaral.

Kabuluhan ng Pag-aaral

Kabuluhan ng pag-aaral na ito na mabigyan ng kaalaman ang mga

mambabasa tungkol sa posibleng epekto ng YouTube sa wika at kultura ng

kabataang Pilipino. Ito rin ay upang magbigay alam sa mga ibang mananaliksik

upang magsagawa pa ng mas detalyado at mas malawak na pag-aaral tungkol sa

parehas na suliranin.

Teorya sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay inaasahang sasagot ang mga kalahok sa pag-

aaral sa pamamagitan ng pagsagot ng talatanungan nang tama at maayos upang

maitala ito at magkaroon ng interpretasyon na malinaw at malawak na sasagot sa

pangunahing tanong.

Inaasahan ng mga mananaliksik na mayroon talagang malaking

impluwensya ang YouTube sa wika at kultura na ginagamit ng mga mag-aaral. Ito

ay dahil sa maraming channels na mapa-lokal o internasyonal, may malaki itong

bahagi sa pagkalat ng bagong tradisyon at kaalaman na bubuo ng makabagong

kultura para sa kabataan.

Pinapalagay din ng mga mananaliksik na ang mga kalahok ng pag-aaral ay

may hangad na gumawa ng channels lalo na ang vlog upang maihayag ang

kanilang sarili, ang kanilang talento, opinyon, at iba pa.


II. Paglalahad ng mga Suliranin

Upang mabigyang linaw ang paglikom ng mga epekto ng YouTube sa

kultura ng kabataang Pilipino, kailangang masagot ang mga sumusunod na mga

tanong:

Pangunahing Suliranin:

1. Paano nakakaapekto ang YouTube sa wika at kultura ng mga kabataang

Pilipino?

2. Nabibigyang halaga pa rin ba ng kabataan ang kulturang Pilipino sa kabila

ng impluwensya ng YouTube? Paano?

Mga Tiyak na Suliranin:

1. May mga natutunan ba ang mga mag-aaral na bagong wika o kultura dahil

sa impluwensya ng YouTube?

2. Paano nahihikayat ang mga mag-aaral na manood pa nang manood ng

YouTube?

3. Ano ang kadalasang gamit ng mga mag-aaral sa YouTube?

4. Saan ang mas malaki ang naapektuhan sa kultura dahil sa impluwensya ng

YouTube?

5. Bakit mahalaga sa kabataan ang YouTube at iba pang social media

platforms?
III. Mga Kaugnay na Literatura at Pananaliksik

Ano ang YouTube

Ayon sa Wikipedia, ang YouTube ay isang website na nagbabahagi ng mga

bidyo at nagbibigay-daan para sa mga tagagagamit o user nito na mag-upload,

makita, at ibahagi ang mga bidyo clip. Ang mga bidyo na ito ay maaaring

husgahan; ang dami ng husga at ng mga nakanood ay parehong nakalathala.

Maaari ring mag-iwan ng komento ang mga manonood sa karamihan ng video. Ito

ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero ng 2005. [2]

Ayon sa about page ng YouTube, ang misyon nila ay bigyan ang lahat ng

boses at ipakita ito lahat sa mundo. [3] Dagdag, “Naniniwala kami na ang lahat ay

may karapatang gamitin ang kanilang boses, at magiging mas maganda ang

mundo kung tayo ay makikinig, magbabahagi, at gagawa ng komunidad sa

pamamagitan ng ating mga kwento.”

Impluwensya ng YouTube sa tao at sa mundo

Ayon sa 2010 na TED Talk ni Chris Anderson, sinabi na ang mga utak ng

tao ay “uniquely wired” o katangi-tanging kinonekta upang magbasa ng isang

mataas na bandwidth na video, hindi tulad ng isang nasulat na teksto; ang

personal na komunikasyon ang mga tipo na gustong ipakita online videos. [4]

Ayon sa Wikipedia, sa mas mababa pang antas [ng impluwensya ng

YouTube sa kultura, ang ibang mga indibidwal ay ginagamit ang YouTube upang

magbigay ng "how to" na mga video na nagbabahagi ng kanilang kaalaman sa

mga paksa tulad ng cosmetics. [5]


YouTube bilang bagong pamamaraan ng pagkatuto ng kabataan

Ayon sa isang Forbes article ni Michael Noer, ang susunod na mga dekada

ng edukasyon ay hinuhulma ngayon. Ang teknolohiya ay tinatag na bilang

pagkagambala sa kung paano natututo ang mga tao, kahit sa kabila nito, ang

pagkalawak ng internet ngayon, dali ng paggawa ng isang video at pagtaas ng

bilang ng gumagamit ng mobile phones. [6]

Kultura at kabataan

Ayon kay Melchor Salvado (1989), ang pagpapabaya ng mga magulang sa

mga anak ay nagiging dahilan upang magpabaya ang anak sa pag-aaral maging

sa kaniyang sarili. Ayon naman kay Gaudancio V. Aquino, “malaki ang

ginagampanan ng pamilya sa paghubog ng ugali ng mga kabataan”. Kaya,

napakalaki ng ganap ng isang pamilya sa kung gaano nahuhubog ng isang bata

ang kanyang sarili at ang kanyang kultura. (Alea, 2017)

Teknolohiya at kabataan

Napakalaking tulong ng teknolohiya sa mga milenyal na kabataan.

Ginagawa ng teknolohiya ang maging produktibo at mabilis ang pagkalap ng

impormasyon. Lahat ng kabataan ay gumagamit ng Social Media kung saan

libreng maipahayag ang damdamin, ideya, at higit sa lahat ang instant na pagpasa

at ang pagtanggap ng mga mensahe o madaling pakikipag-komunikasyon sa

taong malayo sa iyo. (Alea, 2017)

`Ayon kina (De Torres et. al., 2017), maraming tao ang kadalasang

nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang


naniniwala na ang teknolohiya ay may epekto sa ating lipunan, pero marami rin

ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang

dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Ayon sa isang pag-aaral ni Donald Cogo (Epekto Ng Teknolohiya Sa Pag-

Aaral Ng Mga Mag-Aaral, 2014), walumpu’t isang porsyento (81%) sa kanyang

mga respondenteng mag-aaral ang nagsabing sila ay gumagamit ng cellphone.

Habang labing limang porsyento (15%) naman ang gumagamit ng kompyuter at

apat na porsyento (4%) lamang ang telebisyon. Ang malaking bilang na ito ay

isang palatandaan na marami na ang gumagamit ng cellphone sa kabataan.

Teknolohiya at Kultura

Ayon sa Ang Kultura ng Teknolohiya sa Kabataan, malaki ang

ginagampanan ng teknolohiya sa paghabi ng kultura, lalo na sa bagay gamit ang

isang midyum. Sa kontemporaryong panahon, hindi na uso ang pagiging

mangmang, at wala na sa kulturang Pilipino na magmaang-maangan. Hangarin

ng kabataan ngayon ang makamit ang “intellectual maturity” sa kanyang pagpasok

sa adolescence. (Guinto, 2010)

Ang paaralan ay ang pinakamagandang segue para sa pangangailangan

ng kabataan, ang pahahanap ng mga bagong kaalaman. Nagkakaroon na sila ng

mga pilosopikal na pagtanaw sa buhay, tulad na lamang ng pag-intindi sa kanilang

relihiyon. Pati na rin ang pagtanong-tanong sa mga bagay na nangyayari sa paligid

nila. At higit sa lahat, hindi lamang ang pinag-aaralan sa paaralan ang nais nilang

pag-aralan, gayundin sa ibang larangan tulad ng sosyo-pulitikal. (Guinto, 2010)


IV. Mga Pamamaraan ng Pag-aaral at Pagkuha ng Datos

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong uri ng pananaliksik na

karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik na ukol sa mga pagbabago at pag-

aaral ng wika at kultura.

Lugar ng Pag-aaral

Isasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa Universidad de Manila o

UDM na nasa Kalye ng Cecilia Muñoz Palma, kanto ng Kalye ng Antonio Villegas,

Mehan Gardens, Ermita, Maynila.

Pinili ng mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral sa mga mag-aaral ng

Senior High School (SHS) dahil sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral ng

kagawaran na ito.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pumili ng dalawampu’t limang (25) kalahok sa

pag-aaral sa iba’t ibang strand ng Senior High School. Ang mga kalahok sa pag-

aaral ay limang (5) mag-aaral ng STEM, lima (5) mula sa HUMSS, lima (5) mula

sa GA, lima (5) mula sa ICT at lima (5) mula sa HE.

Purposive sampling ang isasagawang pamamaraan ng pagpili sa mga

magiging kalahok ng pag-aaral nang sa gayon ay masiguro ng mga mananaliksik

ang pakikibahagi ng mga kalahok. Ito rin ay para matiyak na ang mga kalahok ay

may kaalaman sa YouTube at mga epekto nito sa wika at kultura.


Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng isang talatanungan para sa lahat ng

mga kalahok na may pare-parehas na tanong patungkol sa impluwensya ng

YouTube sa wika at kultura nila.

Naglalaman ang talatanungan ng mga tanong patungkol sa epekto ng

YouTube sa kultura at wika pati na ang mga dahilan kung bakit nila nagugustuhan

ang panonood ng YouTube.

Mga Hakbang sa Pag-aaral

Isasagawa ng mga mananaliksik ang sumusunod na mga hakbang upang

maging matagumpay ang kanilang pag-aaral:

1. Pagkalap, pagtipon, at pagbabasa ng mga kaugnay na mga pag-aaral.

Sinimulan ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pagkalap ng mga

kaugnay na pag-aaral tungkol sa epekto ng internet sa wika at kultura ng Pilipino

at mga pag-aaral tungkol sa pagkakaiba ng wika at kultura ng kabataan ngayon

sa kulturang Pilipino noon. Maaari ding mailagay sa sanggunian ang mga artikulo

o balita na may kinaugnay sa pag-aaral.

2. Pamamahagi ng mga talatanungan sa mga piling kalahok sa epekto ng

YouTube sa kanilang kultura.

Ang mga mananaliksik ay namahagi ng mga tanungan sa mga piling

kalahok sa mga iba’t ibang strand ng Senior High School ng Universidad de

Manila. Ang mga piling kalahok ay isinigurado na maglalaan ng sapat na kaalaman


sa pamamagitan ng paniguradong tanong na “Mahilig ka ba sa YouTube o

sumusubaybay sa isang YouTuber?”.

3. Pagtatala sa nalikom na datos ng mga kalahok sa pamamagitan ng

pagkukwenta.

Ikukuwenta ng mga mananaliksik ang datos na nalikom sa pamamagitan

ng tallying ng bawat tugon sa mga pilian sa bawat tanong ng talatanungan.

Ihihiwalay ang datos sa bawat strand upang makita ang pagkakaiba kung may

kinaugnay ba ang kanilang strand sa pagkakaroon ng epekto ng YouTube sa

kanilang kultura at wika.

Ang mga sagot na sa porma ng pangungusap ay ilalagay sa isang

talahanayan kasama na ang kailangang profile ng mga respondente. Ang mga

sagot na ito ay iuuri sa iba’t ibang mga hanay base sa nakalap na mga

pangungusap at datos.

4. Pagbigay ng interpretasyon sa mga nalikom na datos.

Bibigyang interpretasyon ng mga mananaliksik ang mga nalikom na datos

mula sa mga sagot sa talatanungan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga bilang

ng tallying. Ang mga interpretasyon na ito ay maaaring may kinaugnay sa

pinaghiwahiwalay na strand kung mayroong makabuluhan na pagkakaiba. Sa

kabuuan, makikita ang mga epekto ng YouTube sa wika at kultura ng mga mag-

aaral ng Senior High School sa Universidad de Manila.


V. Batayang Konseptwal ng Pag-aaral

Ayon kay Meg Alea, napakalaking tulong ng teknolohiya sa mga milenyal

na kabataan. Obserbasyon ng mga mananaliksik, natutulungan ang kabataan ng

teknolohiya sa paraan na ito ay bagong midyum ng pag-aaral.

Ayon muli kay Alea, napakalaki ng ganap ng isang pamilya sa kung gaano

nahuhubog ng isang bata ang kanyang sarili at ang kanyang kultura. Sa panahon

ngayon na kung saan palaging abala ang mga magulang sa hanapbuhay at

trabaho, hinuha ng mga mananaliksik, malaki ang oras ngayon ng kabataan upang

hubugin ang kanyang sarili, ang kanyang pagkatao, at ang kanyang kultura.

Malaki ang gampanin ng teknolohiya ngayon sa paghubog ng kultura ng

kabataan, ayon kay Celeni Kristine G. Guinto, 2010. Hindi na rin uso ang pagiging

mangmang ngayon, at gustong-gusto ng kabataan ngayon ang makamit ang

“intellectual maturity” bago sila tumungtong ng adolescence, aniya.

Ayon sa 2010 na TED Talk ni Chris Anderson, sinabi na ang mga utak ng

tao ay “uniquely wired” o katangi-tanging kinonekta upang magbasa ng isang

mataas na bandwidth na video, hindi tulad ng isang nasulat na teksto; ang

personal na komunikasyon ang mga tipo na gustong ipakita online videos.

Sa mga teoryang ito, nabuo ng mga mananaliksik ang konsepto na ang

isang malaking video-sharing platform na YouTube ay may malaking epekto sa

wika at kultura ng kabataan lalo na’t sila ang pinakatarget ng teknolohiya ngayon.

Gayundin, ang epekto nito sa tradisyon ng mga mag-aaral sa kung paano sila

kumukuha ng impormasyon sa panahon ng easy information sa internet.


VI. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang tanging saklaw ng pag-aaral ay epekto lamang ng YouTube sa wika at

kultura. Hindi nito sinaklaw ang pinaka-sanhi kung bakit nanonood ang mga mag-

aaral, kundi ang mababaw lamang na mga dahilan nito. Nagpokus na lamang ang

mga mananaliksik sa impluwensya ng YouTube sa wika at kultura dahil sa ito ang

pinakanaapektuhan ng social media platform na ito dahil maraming genre ng mga

channels na malaki ang impluwensya sa wika at kultura. Tulad na lamang ng mga

vlog channels, make-up channels, gaming channels, international news channels,

edutainment channels, at marami pang iba.

Dalawampu’t lima (25) lamang ang pinili ng mga mananaliksik dahil sa

sapat na ito upang magkaroon ng tamang datos dahil sa wala pa sa dalawampu’t

lima ang maaaring mahalagang epekto ng YouTube sa wika at kultura ng mga

kalahok. Ang dalawampu’t lima ay mahahati sa lima mula sa iba’t ibang strand ng

SHS-UDM: lima mula sa STEM, lima mula sa HUMSS, lima mula sa ICT, lima mula

sa GA, at lima mula sa HE.

Ang pag-aaral ay nilimita din sa sapat ngunit limitadong oras na dalawang

linggo mula ika-8 ng Oktubre hanggang ika-20 ng Oktubre.


VII. Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Internet – isang sistema na nagkokone-konekta ng mga computer, mobile

phones at iba pang gadget sa buong mundo gamit ang IP o Internet

Protocol na isang set ng pamantayan para sa pagsend at pagreceive ng

mga digital na datos.

 Website – isang lokasyon na konektado sa Internet na nagpapanatili ng isa

o higit pang mga pahina sa World Wide Web (o mas kilala bilang “www”).

 Social media platform – isang tipo ng website na nagbibigay sa mga users

ng kalayaan na gumawa ng isang content at ibahagi ito sa iba at para

makipag-ugnayan sa social networking.

 YouTube – isang video-sharing website na naghohost ng mga videos na

ina-upload at pinapanood ng mga users nito

 YouTubers – mga users na madalas gumamit ng YouTube at mas kilalang

bansag para sa mga users na gumagawa, nagkokomentaryo, nagpapakita

at nag-uupload sa YouTube.

 Channels (YouTube) – tulad ng isang telebisyon, ang YouTube ay may

mga channels na maaaring maglaman ng mga video sa lawak ng maraming

genre.

 Genre – isang kategorya na ginrupo dahil sa pagkakapare-parehas.

 Gaming – isang genre ng mga video sa YouTube na sikat at patok. Ito ay

ang paglalaro ng iba’t ibang laro at naglalahad ang mga YouTubers ng mga

komentaryo sa laro.
 Vlog – isang salita na nanggagaling sa pagsasama ng salitang “video” at

“blog”. Ito ay isang blog na ipinapaskil sa anyo ng isang video. Karaniwang

genre din ng mga video sa YouTube.

 Edutainment – isang salita na nanggagaling sa pagsasama ng salitang

“education” at “entertainment”. Ito ay isang genre na nagbibigay ng libang,

karaniwang sa form ng gaming, ngunit may halo ng edukasyon o pagbibigay

ng impormasyon.

 Music – isang genre sa YouTube na inuupload mula sa maliliit na channels

na “music covers” o “acoustic covers” hanggang sa malalaking channels na

pinamamahalaan ng mga malalaking kompanya tulad ng Vevo at Warner.

 Pranks – isang genre sa YouTube na nagpapakita ng isang praktikal na

mga biro o pilyo na gawain. Kadalasang ginagawa sa pampublikong lugar

na maraming tao.

 Commentary – isang genre sa YouTube na nagpapahayag ng opinion o

mga paliwanag patungkol sa isang pangyayari o sitwasyon. Kadalasang

ginagawa sa gaming na genre at reaction videos.

 Arts and crafts – isang genre sa YouTube na naglalaman ng mga

pagtuturo tungkol sa sining at mga crafts.

 Vlogger – isang bansag na tawag sa isang taong nag-ba-vlog.

 SHS-UDM – Senior High School – Universidad de Manila.

 Jargon o slang – isang uri ng wika na naglalaman ng mga salita o parirala

na impormal, mas karaniwan sa pagsasalita kaysa pagsusulat, kadalasang

limitado lang sa iisang grupo ng mga tao.


VIII. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos
Isasaad sa seksyon na ito ang mga datos at interpretasyon nito na nakalap

ng mga mananaliksik mula sa kanilang pagsasarbey gamit ang talatanungan mula

sa dalawampu’t limang (25) mag-aaral ng SHS-UDM.

Nagkalap din ng mga impormasyon ang mga mananaliksik galing sa mga

personal na YouTube channels ng mga kalahok kung nabanggit. Ang mga datos

na nakalap ay inilagay sa mga talahanayan.

Talahanayan 1.1. Gamit ng mga mag-aaral sa YouTube.

* - Ang mga detalye sa “Iba pa” ay nasa ibaba ng talahanayan.

Tanong #1. Alin sa mga genre na ito ang karaniwan mong pinapanood sa
YouTube?

Entertainment

Philippine TV
Commentary

Education
Make-up

Gaming

Pranks

Iba pa*
Series
Music

News
Vlog

Strand

STEM 3 5 1 3 4 4 0 3 4 1 1

HUMSS 5 5 4 2 2 1 2 2 4 0 1

ICT 4 3 1 3 3 1 1 0 0 1 -

GA 3 5 2 0 3 1 0 2 1 1 1

HE 3 0 1 2 3 1 1 0 1 2 1

Kabuuan 18 18 9 10 15 8 4 7 10 5 4

% 72% 72% 36% 40% 60% 32% 16% 28% 40% 25% -

STEM – Top 10 videos (1) GA – OPM (1)


HUMSS – Confessions (1) HE – Dares or challenges (1)
Pigura 1.1.

Bar graph na nagpapakita ng pinaka-karaniwan na genre sa YouTube na

pinapanood ng mga mag-aaral.

Pinaka-karaniwan na genre sa YouTube


6
5
4
3
2
1
0

STEM HUMSS ICT GA HE

Interpretasyon:

Sa datos na nakalap, nanaig ang Music at Vlog na parehong may pitumpu’t

walong porsyento (78%) na sumasang-ayon na sila ay nanonood ng ganoong

genre sa YouTube. Habang ang pinakamababa ay ang News na may apat na

porsyento (4%) lamang ang sumasang-ayon.

Napansin na malinaw na magiging Music at Vlog talaga ang mananaig dahil

sa kaibahan nito sa pumapangalawa na Pranks na may anim na pung porsyento

(60%); mayroong labing walong porsyento (18%) na pagkakaiba.

Ang pinakamababang porsyento na News ay mapapansing mababa talaga

dahil sa napapanood naman ito sa telebisyon, hinuha ng mga mananaliksik.

Habang ang dalawang pinakamataas ay kadalasang mapapanood lamang sa


YouTube (maliban sa mga katapat nito sa telebisyon). Mapapansin ring pababa

nang pababa ang iskor habang ang genre na ito ay ipinapakita rin kadalasan sa

telebisyon.

Talahanayan 2.1. Bakit nahihikayat ang mga mag-aaral sa YouTube?

* - Ang mga maiikling deskripsyon ng salita na ito ay nasa ibaba ng talahanayan

Tanong 2. Ano ang pinakapaborito mong channel at genre? Bakit mo ‘to


paborito at pano ito nakakaapekto sa buhay mo?
Pangalan (kung Paboritong
Genre Dahilan
mayroon), Strand Channel
Music and “Kasi dun yung mga
Casandra, STEM SMTOWN
Variety favorite KPOP* idol ko”
“Dahil interesado ako sa
Gaming mga teorya na kanilang
Sefeyus, STEM Necrit
theories, news nililikha na may kaugnay
sa LoL*.”
“Dahil sila ay mayroong
kakaibang content na
Eivan, STEM PopularMMOs Gaming hindi madalas makita sa
pangkaraniwang
channel.”
“KPOP at shows ng
aking mga idolo dahil ito
Unknown 1, Music at ang nagpapasaya at
-
STEM Entertainment nagbibigay motivation at
inspiration sa panahong
susuko na ko.”
Unknown 2, “Kasi entertaining at you
- Vlog
STEM get to learn life lessons.”
Unknown 3, “May mga matutunang
Palabok TV Confession
HUMSS aral.”
“Kasi siya ang spirit
animal ko tsaka kahit
Soriano, HUMSS Jeffree Star Make-up
mayaman siya ay
humble pa rin”
Maxpein, HUMSS WWE - -

Shane Dawson,
Entertainment,
Julliene, HUMSS Antonio Gurza, -
Make-up
Jeffree Star
“Para magkaroon ng
kaalaman sa pagme-
Vlog (Make-
Apple, HUMSS - makeup. ‘Di kasi ako
up) maalam mag-make up.
Enjoy manuod ng vlog.”
Unknown 4, ICT Anne Clutz Make-up “Nainspire ako.”

Mix Music
Nyoy, ICT - -
(Pop)
“Nag-eenjoy ako sa mga
Gaming,
Unknown 5, ICT Sidemen iba’t ibang segment nila
Adventure sa kanilang channel”
“Kasi nakakatawa siya,
Unknown 6, ICT CongTV [Vlog] kyut pa.”
“Nakakatawa and may
Unknown 7, ICT Alex Gonzaga Humor Vlog lesson every vlog.”
“Dahil sa nakakaaliw ang
Unknown 8, GA Tukomi [Pranks] mga video o pranks na
ginagawa nila”
“Dahil mahilig ako sa
Liezel Ann, GA Vevo Music
mga kanta”
“Ito ay nakakapagbibigay
Joyce Sweet, GA PewDiePie Gaming libang at aliw sa akin
kaya ko ito nagustuhan.”
“Dahil nakakapagbigay
sila ng aliw sa manonood
Angela Claire, GA Ja Mill [Vlog] at kahit papano may aral
din silang ibinabahagi.”
“Dahil masarap sa
pakiramdam kapag
Maria Fe, GA - Music
nakikinig nito at
nakakawala ng stress.”
Charity, HE - - -
“Dahil nakakapagpasaya
CongTV, sila ng mga tao at lalo
Mark, HE Vlog
RogerRaker silang tinatangkilik dahil
sa husay nila mag-vlog.”
“Kasi dito ako nalilibang
CongTV,
Kee, HE Vlog at nagiging updated sa
RogerRaker mga buhay ng vlogger*.”
Unknown 9, HE Michelle Dy Make-up -

Julius, HE GLOCO Gaming -


Maikling depinisyon ng mga salita:

 KPOP – daglat ng “Korean Pop”.


 LoL (League of Legends) – isang multiplayer online battle arena na laro.
 Spirit animal – isang tao na nagpapakita ng loob na personalidad mo.

Interpretasyon:

Batay sa Talahanayan 1.2, sa ikalawang hanay ay iba’t ibang channels ang

kanilang nabanggit. Ngunit nagkakaroon ng ilang pagkakapareha tulad kay

CongTV, RogerRaker at Jeffree Star. Parehas sa bilang ang kanilang mga

nabanggit: sampung (10) Pilipinong channels at sampung (10) banyagang

channels. Nahinuha ng mga mananaliksik na ang pagkakapantay ay

magdadahilan na kalahati sa mga kalahok ay naapektuhan ng banyagang kultura

at wika. Habang ang isang kalahati ay naapektuhan ng kulturang Pilipino ng

kanilang iniidolo.

Sa ikatlong hanay, nananaig pa rin ang genre ng vlog sa paborito ng mga

kalahok tulad ng datos sa Talahanayan 1.1. Karamihan din na genre sa nabanggit

ng mga kalahok ng pag-aaral ay Music, Make-up, Gaming at Entertainment.

Karamihan sa apat na genre na nabanggit ay banyagang channels ang paborito

ng mga kalahok tulad na lamang ng Vevo, SMTOWN, Jeffree Star, PopularMMOs,

Shane Dawson at iba pa.

Sa pinakakanang hanay, ang kanilang mga dahilan ay halos

magkakapareha. Nahinuha ng mga mananaliksik na ang mga channels na

nabanggit ng mga kalahok ay walang intensyon na gayahin sila, kundi lamang ay

malibang sa kanilang mga ginagawa, halimbawa na lamang ay sa channel na


Tukomi. Ang kalahok na si Unknown 8, GA ay sinabi lamang na siya ay naaaliw

sa mga ginagawang pranks ng Tukomi, ngunit nahinuha ng mga mananaliksik na

‘di siya naapektuhan sa paraan ng paggaya niya sa mga ginagawa ng Tukomi.

Habang ang iba, sinusubaybayan ang kanilang nabanggit na channels dahil

ito ay upang masubaybayan ang kanilang idolo. Ang kanilang idolo ay nilarawan

nila bilang nakakaaliw o “kyut” (cute). Ang iba naman ay gusto talagang maging

updated sa buhay ng idolo na kanilang sinusubaybayan. Ang kadalasang iniidolo

na nabanggit ng mga kalahok ay isang vlogger o ‘di kaya ay KPOP stars.

Sa buong talahanayan, ang mga kalahok ay may iba’t ibang paboritong

channels at mga paraan kung paano sila naaapektuhan nito at kung bakit nila

gusto ito. Hinuha ng mga mananaliksik na ang mga channels na nabanggit ay para

sa libangan lamang at maliit lang ang epekto nito sa kultura at kawikaan, kung

mayroon man ito.

Talahanayan 3.1. Natututunang bagong kultura at wika sa YouTube

Tanong #3. Alin dito ang natutunan/nagustuhan mong bago dahil sa YouTube?
Kabuuan
HUMSS

Ranggo
STEM

ICT

GA

HE

Epekto

Pagsasalita ng ibang wika


3 5 4 5 5 22 88% 1
[Bagong Wika]
Kagustuhang mag-vlog
2 1 1 1 2 7 28% 8
[Bagong Kaugalian]
Pagkanta ng ibang wika
3 5 1 2 0 11 44% 6
[Bagong Musika]
Kamalayan sa social issues
3 5 1 5 1 15 60% 2
[Kamalayan sa Mundo]
Paghusay sa grammar sa
Ingles o iba pang wika 2 4 3 1 3 13 52% 4
[Kahusayan sa Gramatika]
Pagbili ng produkto na ine-
endorse ng YouTube idol 1 3 1 0 1 6 24% 9
[Hikayat ng YouTubers]
Pagtuto ng bagong writing
2 4 3 1 1 11 44% 6
system [Sistema ng Pagsulat]
Pagkakaroon ng sense of
connection sa YouTube idol 3 4 3 1 3 14 56% 3
[Pakiramdam ng Koneksyon]
Kagustuhang maglabas ng
malakas na opinyon sa pulitika
3 4 0 0 1 8 32% 7
at relihiyon [Malakas na
Freedom of Expression]
Pagkakaroon ng bagong
kaalaman sa Science at
2 1 2 5 1 11 44% 6
Mathematics [Pagiging maalam
sa Akademiko]
Pagtuto ng bagong lingo at
4 3 0 1 0 8 32% 7
slangs [Bagong Lingo at Slangs]
Pagiging mas maalam sa
Crafts, Cookery at Cosmetics 3 3 1 4 1 12 48% 5
[Pagiging maalam sa Crafts]
Pagtuto ng gaming jargons o
2 2 1 2 0 7 28% 8
slang [Jargons]
Pagkakaroon ng personality
3 2 1 3 2 11 44% 6
change [Personalidad]
Iba pa - - - - - 0 0% 10
Kabuuan 36 46 22 31 21 156 - -

Sa mga pagpipiliang epekto ng mga kalahok sa ikatlong tanong, may

patlang sa dulo ng ibang elemento na pinapatukoy ang kanilang sagot. Halimbawa

na lamang sa unang nakalistang epekto na “Pagsasalita ng ibang wika tulad ng

Ingles o (____________________)” (tignan sa Apendiks).

Ang mga nakasalungguhit na sagot sa talahanayan sa baba ay ang default

na sagot kapag ang respondente ay minarkahan ng tsek ang sagot ngunit hindi

nilagyan ng mas partikular na sagot sa patlang.


Talahanayan 3.2. Mga sagot ng mga kalahok sa Talahanayan 3.1

Sagot (bilang ng sumagot)


Epekto
[nakasalungguhit ang default na sagot]
Pagsasalita ng ibang wika English, Korean (5), Japanese (1), German (1),
[Bagong Wika] French (1)
Pagkanta ng ibang wika
Korean, Japanese (3), English (4)
[Bagong Musika]
Paghusay sa grammar sa
Ingles o iba pang wika
English
[Kahusayan sa
Gramatika]
Pagbili ng produkto na
ine-endorse ng YouTube Illuminati Pop-socket [mula kay Shane Dawson,
idol [Hikayat ng isang entertainer na YouTuber] (1)
YouTubers]
Pagkakaroon ng bagong
kaalaman sa Science at Science at Mathematics, “Ibang subject” (1),
Mathematics [Pagiging English (2)
maalam sa Akademiko]
Pagtuto ng bagong lingo “wig snatched”, “tea” [tsismis/isyu] (1), “spookay”
at slangs [Bagong Lingo [spooky ngunit chill o cool lang ang pagkakasabi]
at Slangs] (1)
Pagiging mas maalam sa
Crafts, Cookery at
Lifehacks (1), Fashion (1)
Cosmetics [Pagiging
maalam sa Crafts]
Pagtuto ng gaming
“GG” (good game), “EZ PZ” (easy peasy)
jargons o slang [Jargons]
emo [daglat ng “emotional”],
Pagkakaroon ng
cute [kawaii (Japanese ng cute) personality] (1),
personality change
metal [pagkakaroon ng kagustuhan sa metal na
[Personalidad]
genre ng music] (1)

Interpretasyon:

Sa Talahanayan 3.1, nanaig ang “Pagsasalita ng ibang wika” na may

walumpu’t walong porsyento (88%) ng mga kalahok ang nagsasabing natutunan

nila ito dahil sa YouTube. Sa pangalawang hilera ng Talahanayan 3.2, lima sa mga

kalahok ang nagsabing natutunan nila ang pagsasalita ng Korean dahil sa


YouTube. Sumunod naman dito ang Japanese, German at French. Sa datos na

ito, nahinuha ng mga mananaliksik na malaki ang epekto ng YouTube sa wika ng

mga mag-aaral lalo na sa Ingles at Korean.

Pumangalawa dito ang “Kamalayan sa social issues” na may anim na pung

porsyento (60%). Dito natukoy ng mga mananaliksik na may kahalagahan ang

YouTube sa pagpapalaganap ng kamalayan sa mga kaganapan sa mundo. Dahil

sa YouTube, ang mga social issues tulad ng depression, suicide, giyera, at iba pa,

ay nabibigyang pansin ng mga mag-aaral. Ang apat sa HUMSS ang sumagot dito,

hinuha ng mga mananaliksik, nakatulong ang YouTube sa strand nila na

nakapokus sa Humanities at Social Sciences.

Pumapangatlo naman ang “Pagkakaroon ng sense of connection sa

YouTube idol” na may limampu’t anim na porsyento (56%). Nagpahiwatig sa datos

na mahigit sa kalahati ng mga kalahok ay nagkakaroon ng “sense of connection”

sa kanilang mga iniidolo. Mula ikalimang hilera ng Talahanayan 2.1, ayon kay

Unknown 1, STEM, “…ito ang nagpapasaya at nagbibigay motivation at inspiration

sa panahong susuko na ko.” Naisabi ng kalahok na nakatulong ang iniidolo niya

sa pinapanood niya na ‘wag sumuko. Nahinuha ng mga mananaliksik na siya ay

nagkaroon ng malakas na sense of connection sa kanyang idolo.

Pumapang-apat ang “Paghusay sa grammar sa Ingles” na may limampu’t

dalawang porsyento (52%). Hinuha ng mga mananaliksik na tulad lamang ito sa

nangungunang epekto dahil kaakibat na ang pagkatuto ng bagong wika ang

gramatika nito. Muli, nahinuha ng mga mananaliksik na naging malaki ang tulong

ng YouTube sa HUMSS sa pagkatuto nila sa gramatikang Ingles.


Pumapanglima naman ang “Pagiging mas maalam sa Crafts, Cookery at

Cosmetics” na may apat na pu’t walong porsyento (48%). Sa ikawalong hilera sa

Talahanayan 3.2, may dalawang ibang sagot na Lifehacks at Fashion. Nahinuha

ng mga mananaliksik na nakakatulong ang YouTube sa pagkakaroon ng bagong

kaalaman na makukuha lamang online dahil sa bihira na ang pagpapakita ng Arts

and Crafts sa telebisyon ngayon.

Pumapanganim naman na may apat na pu’t apat (44%) ang mga

sumusunod: “Pagkanta ng ibang wika”, “Pagtuto ng bagong writing system”,

“Pagkakaroon ng bagong kaalaman sa Science at Mathematics”, at “Pagkakaroon

ng personality change”. Sa unang dalawang epektong nabanggit sa talata, ito ay

may kinaugnay sa wika at sa kultura dahil sa naaapektuhan nito ang musika at

sistema ng pagsulat. Sa pangatlong epektong nabanggit, may kinaugnay ito sa

kultura ng Pilipino na normal ang pagiging mangmang, ngayon na mas abot na

ang impormasyon sa ating paligid, nababago ito sa pagiging maalam ng kabataan.

Napansin ng mga mananaliksik ang malaking positibo ng GA sa epekto na ito,

nahinuha ng mga mananaliksik na ito ay isang senyas na nakatulong ang YouTube

sa paraan ng pagkatuto at pagiging accessible sa mga mag-aaral. Habang ang

huling nabanggit, nahinuha ng mga mananaliksik na mayroon ngang malaking

posibleng epekto ang YouTube sa kabataan sa kanilang personalidad tulad ng

pagiging emo, cute o pagkahilig sa metal music.

Pumapangpito naman ang dalawang epekto na may tatlumpu’t walong

porsyento (38%): “Kagustuhang maglabas ng malakas na opinyon sa pulitika at

relihiyon” at “Pagtuto ng bagong lingo at slangs”. Sa unang epekto na nabanggit


sa talata, ilan lamang sa kalahok ang nagkaroon ng kagustuhan na maglabas ng

malakas na opinyon. Dahil sa kamalayan nila sa social issues, may mga opinyon

na matindi na gustong banggitin ng mga sumang-ayon. Sa pangalawang epekto

naman, nagkakaroon din ng mga bagong lingo at slangs ang natututunan ng mga

kalahok na sumang-ayon. Napansin ng mga mananaliksik na kaunti ito, ngunit sa

kadahilanang dinamiko ang wika, maraming banyagang slang at lingo na ang

naging salitang balbal na sa Wikang Pilipino (Hal. “GG (good game)”, “meme”, “YT

(YouTube)”, at marami pang iba.

Pangwalo ay ang “Pagtuto ng gaming jargons o slang” na may dalawampu’t

walong porsyento (28%) at ang panghuli ay ang “Pagbili ng produkto na ine-

endorse ng YouTube idol” na may dalawampu’t apat na porsyento (24%) lamang.

Sa unang epektong nabanggit sa talata, napagtanto ng mga mananaliksik na halos

parehas ito sa “Pagtuto ng bagong lingo at slangs” ngunit mas partikular sa

paglalaro. Hinuha ng mga mananaliksik, wala itong malaking epekto sa kultura at

wika ng mag-aaral. Habang ang pinakahuli epekto ay isang palatandaan kung

nagpapabili ba ang mga mag-aaral sa ine-endorse o binebenta ng kanilang

paboritong YouTuber.

Sa mga strand, mapapansing HUMSS muli ang nagkaroon ng epekto sa

kanila ang YouTube sa iba’t ibang paraan. Sumang-ayon sila sa ibang mga epekto

kabuuan na apat na pu’t anim (46). Habang ang sumunod ay ang STEM, tatlumpu’t

anim (36); GA, tatlumpu’t isa (31); ICT, dalawampu’t dalawa (22); at. HE,

dalawampu’t isa (21). Nahinuha ng mga mananaliksik na ang dahilan kung bakit

HUMSS ang nanaig ay dahil sa kanilang strand.


Talahanayan 4.1. Kahalagahan ng YouTube sa mag-aaral.

Tanong #4. Mahalaga ba sa iyo ang YouTube?


Oo dahil Hindi dahil
Strand
Iba pa A B C D a b c d Iba pa

Iwas boredom 4 4 4 5 STEM 2 0 0 0 -

- 4 1 2 5 HUMSS 1 0 0 0 -

- 3 0 0 4 ICT 0 0 0 0 -

- 2 0 1 5 GA 0 0 0 0 -
(hindi
4 1 2 4 HE 1 0 0 0 -
tinukoy)
- 17 6 9 23 Kabuuan 4 0 0 0 -
A – May natututunan akong bago a – Nagnanakaw ito ng aking oras
B – Natutulungan ako nito para b – Toxic ang YouTube para maging
maging isang ganap na tao isa akong ganap na tao
C – Natutulungan ako nito sa aking c – Binago ako nito sa negatibong
pag-aaral paraan
D – Stress reliever ito at d – Wala lang, ‘di ako nagpapahikayat
nakakalibang para sa akin sa YouTube

Interpretasyon:

Sa Talahanayan 4.1, nasiyasat ng mga mananaliksik na lahat ng kalahok

ay mahalaga ang YouTube sa kanila. Apat (4) lamang ang nagsabing nagnanakaw

ito ng oras at wala na’ng iba pang negatibong dahilan.

Nagkaroon ng mataas na iskor na dalawampu’t tatlong (23) kalahok ang

nagsabi na stress reliever ang YouTube. Habang sumunod dito ang labing pitong

(17) kalahok ang nagsabing may natututunan silang bago; siyam (9) na nagsabing

natutulungan ng YouTube ang kanilang pag-aaral; at anim (6) ang nagsabing

natutulungan sila nito bilang maging ganap na tao.


Talahanayan 5.1

Gustong
Mapapalaganap
Pangalan (kung gumawa ng Anong genre
ba ang kulturang
mayroon), Strand YouTube ang pipiliin?
Pilipino?
channel?

🗸 🗸
Educational at
Casandra, STEM
Personal

Sefesyus, STEM 🗸 🗸 Gaming

🗸 🗸
Gaming at
Eivan, STEM
Entertainment

🗸
Music at
Unknown 1, STEM ✕ Entertainment

Unknown 2, STEM 🗸 ✕ Vlog

Unknown 3,
HUMSS ✕ ✕ -

Soriano, HUMSS 🗸 ✕ Make-up

Maxpein, HUMSS ✕ ✕ -

Julliene, HUMSS ✕ ✕ -

Apple, HUMSS 🗸 ✕ Personal

Unknown 4, ICT 🗸 ✕ Make-up

Nyoy, ICT 🗸 ✕ -
Unknown 5, ICT 🗸 ✕ Gaming

Unknown 6, ICT 🗸 ✕ Vlog

Unknown 7, ICT ✕ ✕ -

Unknown 8, GA 🗸 ✕ Reality

Liezel Ann, GA 🗸 ✕ Music

Joyce Sweet, GA 🗸 🗸 OPM (Music)

Angela Claire, GA 🗸 🗸 Vlog

Maria Fe, GA 🗸 🗸 Educational

Charity, HE ✕ ✕ -

Mark, HE 🗸 ✕ Vlog

🗸
Challenges o
Kee, HE ✕ pranks

Unknown 9, HE 🗸 🗸 Music

Julius, HE 🗸 🗸 Gaming
Pigura 2.1

Pie graph na nagpapakita ng porsyento ng gusto gumawa ng channel at

hindi gusto gumawa ng YouTube channel.

Gusto at Hindi Gusto Gumawa ng YouTube


Channel

20%

80%

Gusto Hindi Gusto

Pigura 2.2.

Pie graph na nagpapakita kung magpapalaganap ba ang kalahok kung siya

ay gumawa ng isang YouTube channel.

Ipapalaganap ang Kulturang Pilipino sa YouTube channel

28%
32%

40%

Ipapalaganap Hindi ipapalaganap Hindi sumagot


Pigura 2.3.

Pie graph na nagpapakita ng pagkakahati ng genre na gustong gawin ng

mga kalahok kapag sila ay gumawa ng isang YouTube channel.

Genre ng mga kalahok sa YouTube channel nila.

14%

7%
7%
7%

14%

21%

4% 14%
4% 4% 4%

Educational Personal Gaming Entertainment Music Vlog


Make-up Reality Challenges Pranks Hindi sumagot

Interpretasyon:

Batay sa Pigura 2.1, walumpung porsyento (80%) sa kanila ang sumagot

na gustong gumawa ng channel. May iilan dito na hindi sumagot o binlanko lamang

ang kanilang sagot sa panlimang tanong, ngunit dalawa sa mga kalahok ang

sinabing “Hindi pa ngayon” at “Not now”.

Sa Pigura 2.2, tatlumpu’t dalawang porsyento lamang (32%) lamang ang

nagsagot na kanilang ipapalaganap ang kulturang Pilipino sa kanilang gagawing

channel, habang ang apat na pung porsyento (40%) ay hindi nabanggit ang

kulturang Pilipino sa kanilang sagot. Sa nagsagot ng ipapalaganap, napansin ng

mga mananaliksik na karamihan sa kanila ay gagamitin nila ang Wikang Pilipino


bilang instrumento ng pagpapalaganap ng kulturang Pilipino. Habang ang iba,

sinagot nila ay pagpapakita ng kasaysayan ng Kulturang Pilipino.

Sa Pigura 2.3, dalawampu’t isang porsyento (21%) ang hindi sumagot ng

genre na kanilang ipapalaganap, naobserbahan ng mga mananaliksik na

karamihan dito ay mga hindi sumagot. Labing apat na porsyento (14%) ang

sumagot na sila ay gaming, music at vlog. Habang pitong porsyento (7%) naman

ang sumagot na gagawin nilang genre nila ang educational, personal at

entertainment. Habang apat na porsyento (4%) lamang ang pranks, challenges,

reality at make-up na genre.

Nahinuha ng mga mananaliksik sa Pigura 2.3 na ang pinakakaraniwan na

pinapanood nila na genre ay may malaking epekto sa kung ano ang genre na

gusto nilang gawin sa gagawin nilang channel.

Ayon sa ibang sagot ng mga respondente, gagamitin nila ang YouTube

channel na gagawin nila bilang instrumento upang ipahayag ang kanilang sariling

opinyon pati na rin ang pagpapakita ng kanilang talento

Sa kabuuan, kaunti ang nagsabing sila ay magpapalaganap ng kulturang

Pilipino sa kanilang channel. Ngunit ang mga nagsabi na sila ay magpapalaganap

ay gagamitin ang kanilang genre na napili sa pagsasama ng kulturang Pilipino dito

sa paraan ng paggamit ng wikang Pilipino at pagpapakita ng kasaysayang Pilipino

sa kanilang gagawing channel.


IX. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang seksyong ito ay naglalaman ng lagom, konklusyon, at rekomendasyon

ng buong pananaliksik:

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay ang pag-alam ng impluwensya ng YouTube sa wika

at kultura ng mga mag-aaral sa kontemporaryong panahon na abot ng isang click

o tap lamang ang impormasyon sa tulong ng internet.

Gamit ang disenyong deskriptibo, nagdisenyo ang mga mananaliksik ng

isang set ng talatanungan (tignan sa Apendiks) na ibinigay sa dalawampu’t limang

(25) mag-aaral na respondente ng Senior High School sa Universidad de Manila.

TALAKAYAN

Napansin ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay nagpapakita na

ang YouTube ay walang masyadong epekto sa mga mag-aaral sa panahon

ngayong sariwa pa lamang ang konsepto ng pagbabahagi ng sariling boses sa

isang video-sharing platform.

Sa nakalap na datos, naging mali ang mananaliksik sa kanilang teorya na

may malaking epekto ang YouTube sa kultura at wika ng kabataang Pilipino. Ang

disenyo ng pag-aaral ay tama at angkop sa layunin ng pag-aaral, ngunit hindi

naisaalang-alang ang kaugnayan ng edad ng mga respondente sa kanilang

kakayahang kognitibo na maka-alam ng bagong wika, kultura at iba pang mga

kaalaman.
Naobserbahan ng mga mananaliksik na ang YouTube ay walang malaking

epekto sa kultura at wika ng kabataang edad ay nasa labing-apat hanggang

dalawampu (14 to 20). Hinuha rin ng mga mananaliksik, ito ay sa kadahilanang

pawala na ang flexibility ng utak ng mga taong nasa ganitong edad. Dahil rin sa

maraming salik tulad ng gawain sa paaralan, inaasahan sila ng kanilang

magulang, peer pressure at iba pa na kadalasang pagsubok ng isang teenager,

ay ang pagkawala ng interes at kakayahang matuto ng bagong kultura at wika.

Sa nakalap na mga datos, nahinuha ng mga mananaliksik na ang mga

kabataan sa nabanggit na lawak ng edad ay walang malaking epekto sa kanilang

kultura at wika. Malaki lamang ang epekto ng YouTube sa pagkakaroon nila ng

access sa malawak na impormasyon at pagkakaroon ng sense of connection.

Dahil dito, nahinuha ng mga mananaliksik na ang YouTube ay isa lamang

instrumento ng kabataan upang sila ay makarelate o pagkapamilyar. Hindi sila

nanonood ng mga video upang direkta na matuto ng bagong kultura o wika, ngunit

para lamang magkaroon ng sense of familiarity o pakiramdam na sumasalamin

ang kanilang pinapanood sa kanila. Halimbawa na lamang sa pakikinig ng “emo”

music dahil ikaw ay nagdadamdam sa totoong buhay. Pati na rin ang isang

halimbawa ng panonood ng arts and crafts dahil ikaw ay mahilig sa arts and crafts.

Kaya, deklara ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay nakaambag

ng kaalaman: Nanonood ng YouTube video ang mga mag-aaral na nahilig sa

YouTube upang maglibang, matuto ng bagong impormasyon, at higit sa lahat,

pagkakaroon ng pakiramdam ng koneksyon sa mga taong kanilang iniidolo.


KONKLUSYON

Batay sa mga nailahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na konklusyon:

a. Hindi naapektuhan nang malaki ng YouTube ang kabataan sa kanilang

kultura at wika. Sa mga maliliit lamang na paraan, tulad ng pagiging mas

maalam sa ibang wika at kagustuhang bigyan sila ng pagkakataong

magbahagi sila ng kanilang parte ng buhay sa pamamagitan ng vlog.

b. Maraming natutunang wika at kultura ang kabataan dahil sa YouTube. Sa

paraan ng musika, vlogs at gaming, nagkakaroon ng kaalaman ang

kabataan sa ibang wika at kultura. Nakakatuto rin sila ng bagong kaalaman

sa cosmetics, crafts, academics at grammar. Nagiging paraan ang

YouTube bilang instrumento ng pagkatuto sa ibang kabataan. Hindi man

malaki, ngunit mayroon paring epekto ang mga ito sa kultura at wika nila,

ngunit sa sarili nilang bilis at kagustuhang mapabago sa mga epektong ito.

i. Pinakanaapektuhan ng YouTube sa kultura ng kabataan ay ang

wika. Dahil sa karamihan sa kanilang napapanood ay banyagang

channels na ginagawa ang mga genre na kanilang paborito: ang

vlog, musika, gaming at iba pa.

ii. Naapektuhan ng YouTube ay ang pagiging intelekwal ng mga

kabataan. Ang video ay isang malakas na midyum bilang

instrumento ng pagkatuto. Kahit mismong genre na hindi nakapokus

sa edukasyon tulad ng gaming, may natututunang bago ang

kabataan.
iii. Malaki ang epekto ng YouTube sa musika ng kabataan. Napansin

ng mga mananaliksik ang malaking interes ng kabataan ngayon sa

K-pop at Western Pop Music.

c. Kadalasang nagagamit ng kabataan ang YouTube bilang libangan o stress

reliever. Kadalasan rin nilang nagagamit ang YouTube bilang bagong

midyum ng pagkatuto sa mga impormasyon at kaalamang gusto nilang

malaman.

d. Mahalaga sa kabataan ang iba’t ibang social media platforms lalo na ang

YouTube. Pinagtunay ng datos na nagkakaroon sila ng sense of connection

sa kanilang mga iniidolong YouTubers at nakatulong pa sa kanila sa

panahong sila ay walang-wala na at gusto na’ng sumuko.

i. Naapektuhan ng YouTube ang maliit na parte ng kulturang Pilipino

na pagiging friendly o palakaibigan. Dahil sa mayroon na’ng platform

na nakakatulong sa kanila upang magkaroon ng sense of connection

sa mga taong nasa kabilang panig ng kanilang screen.

ii. Mahalaga ang YouTube sa kabataan dahil sa kung gaano ito

kabukas sa opinyon mapalakas man o mahina, relihiyon man o

pulitika. Dahil mayroong platform na madali na’ng mag-upload ng

video at puwede pang maging anonymous ka o ‘di kilala.

e. Sa paraan ng pagkaroon ng iniidolong YouTuber at paboritong genre sa

paggamit ng YouTube ng kabataan, mas nahihikayat pang gumamit ang

kabataan sa paraan ng paglilibang o kagustuhang matuto. Pati na rin ang

pagkauhaw ng kabataan ngayon sa impormasyon, nagiging mas


nakakahikayat pa ang YouTube sa pamamaraang may kalayaan kang

pumili ng video na gusto mong panoorin.

f. Nahinuha ng mga mananaliksik na nabibigyan paring halaga ng kabataan

ang kulturang Pilipino kahit na salungat ito sa nakalap na datos. Ito ay dahil

sa ibang parte ng nagawang sarbey, ang karamihang nailagay na channels

ng mga respondente ay mga Filipino channels.

i. Ito rin ay sa kadahilanang malakas ang punto na ibinibigay ng ibang

respondente, tulad na lamang sa paglaganap ng kulturang Pilipino

sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika kaysa Ingles o ibang

wika.

ii. Pati na rin sa kadahilanan ng pagsasama ng mga usong genre tulad

ng music, gaming at pagba-vlog bilang instrumento ng pagmamalaki

ng wika at kasaysayang Pilipino.

Sa kabuuan, maliit lamang ang epekto ng YouTube sa wika at kultura ng

mga mag-aaral. Ngunit, hindi kaagad ito madedeklara dahil sa ang pagsama ng

iba’t ibang kultura ay nasa sarili nitong bilis at kagustuhang maisama nga ito. Lalo

na’t ang YouTube ay naging uso lamang sa Pilipinas kailan lamang.

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral ng katulad na pag-aaral:

a. Lakihan ang sample size ng pag-aaral at isama na ang mga taong hindi

masyado alam ang impluwensya ng YouTube.


b. Lawakan ang saklaw ng pag-aaral sa ibang strand o kolehiyo.

Para sa mga mag-aaral na mas malaki pa sa pag-aaral na ito:

a. Ang pinakamumungkahi ng mga mananaliksik ay ang paglawak ng saklaw

ng pag-aaral sa mas mababang edad dahil ang kanilang utak ay mas bukas

pa sa bagong kultura at wika. Nasa edad apat hanggang labing tatlo (4 to

13) ang pinakanirerekomenda ng mga mananaliksik dahil ito ang

pinakayugto ng pagtuto ng wika at kultura. [7]

b. Iminumungkahi din ng mga mananaliksik na mas palakihin pa ang pag-aaral

sa impluwensya ng YouTube sa kultura at wika sa labas ng paaralan, ito ay

upang mabigyang daan ang ibang dahilan kung bakit nanonood ang iba sa

YouTube maliban sa pagtuto o pag-aaral, ‘di katulad sa mga mag-aaral na

insturmento ang YouTube sa pagkatuto.

c. Rekomendasyon din ng mga mananaliksik na magsagawa ng panayam sa

mga magulang na’ng mga anak na kadalasang ginagamit ang YouTube

bilang panlibang. Ito rin ay upang magbigay kamalayan sa mga Pilipino ang

mga positibo at negatibong epekto ng YouTube sa wika, kultura at lalo na

ang kognitibong kakayahan ng mga bata na mulat na sa mundo ng easy

information tulad ng YouTube.

Ang pagsasaalang-alang ng mga rekomendasyon na ito sa mga pag-aaral

sa hinaharap patungkol sa epekto ng YouTube sa mga Pilipino ay magiging

malaking tulong upang makapagbigay kamalayan pa sa mga Pilipino ang mga

epekto ng video-sharing platform na ito sa ating wika at kultura at sa ating

kabataan.
X. Sanggunian

1 Internet Users by Country (2016) – Internet Live Stats

http://www.internetlivestats.com/internet-users-by-country/

2 YouTube – Wikipedia https://en.wikipedia.org/wiki/YouTube

3 Tungkol sa YouTube https://www.youtube.com/intl/fil/yt/about/

4 Chris Anderson: How web video powers global innovation | TED

Talk

https://www.ted.com/talks/chris_anderson_how_web_video_powers_global_innovation

5 Social impact of YouTube – Wikipedia

https://en.wikipedia.org/wiki/Social_impact_of_YouTube

6 One Man, One Computer, 10 Million Students: How Khan Academy Is

Reinventing Education

https://www.forbes.com/sites/michaelnoer/2012/11/02/one-man-one-

computer-10-million-students-how-khan-academy-is-reinventing-

education/

7 Culture: Early childhood learning | Encyclopedia on Early Childhood

Development

http://www.child-encyclopedia.com/culture/according-experts/culture-and-

early-childhood-learning
XI. Apendiks (Sarbey form na binigay sa mga respondente ng pag-aaral na ito)

You might also like