You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
Basak, Lapu-Lapu City

SCIENCE AND TECHNOLOGY EDUCATION CENTER


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Pinoy Memes: Pagtugon at


Pagsupil sa mga Isyung
Napapanahon
Mga Mananaliksik:
Hannah Baura
Aya Marie Chavez
Sheinette Joy Egonio
Gwyneth Formentera
Dominique Alfred Himaya
Giuseppe Sarto Munalem
Jaykent Tirol

Guro:
Dominic Quilantang

February 2020
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG - AARAL

PANIMULA

Rasyonal

"Talento ng Pilipino ang tumawa kahit maraming problema." Patunay dito ang mga bagay

na kumakalat ngayon sa social media, na siya ring nagpapakilala sa pagiging malikhain ng mga

Pinoy, ang internet meme. Ang meme o “mema ng internet" ay ginagamit upang ilarawan ang

konseptong lumalaganap sa internet. Ito ay isang ideya na ipinapalaganap sa World Wide Web na

maaaring maging isang hyperlink, bideyo, larawan, website, hashtag, salita o parirala. Ang meme

ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng social network, blog, e-liham, balita at iba pang sistema

ng impormasyon na nakabase sa web. Maaaring mapanatili ng Internet Memes ang kanyang

original na nilalaman ngunit may potensiyal rin itong mabago paglipas ng oras dahil sa pagiging

advance mag-isip ng mga tao pati sa panggagaya, pagkritiko o nakakatawang imitasyon.

Ayon kay Shifman, ang pangyayaring ito ay hango o nabuo mula sa pagkakahanay ng

konteksto at opinyon. Kung kaya’t ito ay isa ring popular na uri plataporma upang maghatid ng

mga komentaryo at ipahayag ang reaksiyon. Sa paliwanag ni Miller, ang meme ay ginagamit ng

mga tao upang makapagpahayag ng kanilang damdamin. Kaugnay nito, ang Pilipinas ay

nangunguna sa most active netizens worldwide sa South East Asia ayon sa Limelight Networks Inc.

kung saan ito ay nagpapahayag na 47% ng nasiyasat na pinoy sa Pilipinas ay nagsasabing higit

kumulang ay l6 na oras silang nagbababad sa internet, kung kaya’t di mapagkakaila na halos lahat

ng memes ay umaani ng mga komento at reaksiyon na naging sanhi upang maging patok ito sa

social media. Sa bawat komentong inilalahad nito ay may kaakibat na mga saloobin at reaksyon
na nangagaling sa mga viewers. Mayroong iba’t-ibang uri ng mga komento at emosyon na

matatamo mula rito tulad ng galak, lungkot, galit, at kritikong reaksiyon . Sa paliwanag ni Shifman,

Hindi lamang ginagamit ang memes upang magpresenta ng negatibong emosyon o komentaryo,

ngunit sinasabing ang negatibong damdamin ay patuloy na binibigyang kahulugan bilang isang

tiyak at importanteng opinyon samantalang ang positibong damdaming nakapaloob naman ay

binibigyang pansin bilang isang biro. .

Dulot nito, napagtutuunan ng mga mananaliksik ang paggamit ng mga pinoy online memes

bilang isang instrumento sa pagpapahayag ng mga komentaryo, dahil sa katotohanang ang memes

ay lumalaganap sa online society na nagiging dahilan upang magkaroon ng karaniwang ugnayan

sa loob ng online media.

Layunin ng pananaliksik na ito na maipaliwanag kung papaano ginamit ang memes bilang

satirikal na komentaryo sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan at kung ano ang

ipinapahiwatig o nais iparating ng mga memes sa mga birong napapaloob nito.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ipinagtibay at ipinahusay ang salitang “meme” sa pag-aaral ng isang biologist na si Richard

Dawkins na nagsasaad na ginagamit ito bilang isang yunit na teoritikal at self-replicating upang

maghatid ng kultura sa pamamagitan ng imitasyon. Sa loob ng social media ay karaniwang

ginagamit ito upang tukuyin ang mga parirala, video, larawan o isang kombinasyon nito na

malawakang ipinagkalat ng mga gumagamit ng internet. Ang paggamit nito ay higit pa sa pagtukoy

ng pagbabago sa isang tiyak na klaseng internet artifact na binubuo ng kombinasyon ng imahe at

teksto na binibigyang nakakatawang konteksto.


Ang Pinoy memes ay gawa ng mga Pilipinong gumagamit ng social media na ito ay

nakakatawang litratong may iba’t ibang ekspresyon na nilalagyan ng caption upang mas

maipahayag pa ang nais iparating nito patungkol sa mga isyu o paksa sa kasalukuyan.Ayon kay

Calimbo, maaaring i-highlight ng internet memes ang isang isyu sa lipunan at ang kanilang

pagkakaroon ng viral ay nag-aambag ng maraming sa pagbuo ng kamalayan sa lipunan sa mga

gumagamit ng internet. Ang paggawa ng meme ay nagbibigay-daan sa mga tagalikha upang

maipahayag ang kanilang mga reception at reaksyon sa pagpindot sa mga isyu sa lipunan.

Ang pagiging satirical ay isang paraan kung saan ng pagpapahayag ng paksa kung saan

dinadaan ito sa pabirong paraan. Kagaya lamang ng pinoy memes, isa itong midyum ng mga

Pilipino kung saan naipapahayag nila ang kanilang damdamin sa pabirong paraan. Ayon kay

LeBoeuf, ang satire daw ay isang makapangyarihang balangkas na maaaring talakayin ang mga

issues nakapaloob sa paraan na nakakatawa kaya tinatangkilik ito ng mga mambabasa. Sa pag-

aaral naman nina Knobel at Lankshire, ang isang matagumpay na mga meme sa internet ay

nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng elemento ng pagpapatawa na maaaring maging

"quirky, satirical, at sarkastiko.

Ang kaligiran ng paksa ay ang kung kailan ginawa ang memes, saang lugar ito nakapokus

para malaman kung anong mga isyu ang nagaganap sa panahong ito tulad ng NCoV, pagputok ng

Bulkang Taal, at iba pa.

Ang birong napapaloob ay ang kung paano ito nakakuha ng atensyon at nakapagpatawa ng

mga mambabasa o mga taong gumagamit ng social media. Ayon nga kay De Leon, kadalasan sa

mga biro ng memes ay nakabatay sa kung paano ito nilikha o pinaglalaro ang mga salita ng

tagalikha ng memes.
Ang mensahe ay ang komunikasyon na napapaloob sa memes na isang proseso ng

pagpapadala patungo sa mambabasa tulad ng mga taong gumagamit ng social media at pagtanggap

nito sa pamamagitan ng simbolikong cues. Ito ang damdaming nais iparating ng gumagawa ng

memes na maaring pagsang-ayon, pagtutol, pagbigay ng impormasyon at pagsulong ng kaisipan.

Ang kabuuang komentaryo ay ang kabuuang opinyon o saloobin ng mga isyung

napapanahon ng gumagawa ng memes na nakakapaloob nito. Sabi nga ni Milner (2012), ito ang

midyum ng mga tao sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin o damdamin at ito ay pinagtiabay

nina Guadagno, Rempala, Murphy, at Okie (2013) kung saan ang emosyonal na aspeto ng

indibidwal ay nagsisilbing isang mahalagang salik na nakakaapekto sa paggawa, pagli-like o

pagsha-share ng mga memes na ito. Sa ibang pag-aaral ni Chandler, The Role of Internet Memes

in Public Discourse sa 2013 Pork Barrel Case sa Pilipinas, binibigyang diin ni Varona na sa

pamamagitan ng memes, malayang pumuna ang mga tao sa mga may kapangyarihang pangkat na

nagpapahintulot sa kanila na marinig ang kanilang boses ukol sa mga pampublikong usapan

Paglalahad ng suliranin

Naglalayong ipaliwanag sa pag-aaral na ang memes bilang satirikal na komentaryo sa mga

pangyayaring nagaganap.

Tinitiyak na tugunan ang sumusunod:

1. Memes batay sa:

1.1. Kaligiran ng Paksa


1.2 Birong napapaloob

1.3 Mensahe; at

2. Kabuuang Komentaryo

Saklaw at Limitasyon

Naglalayong ipaliwanag sa pag-aaral na ang memes bilang satirikal na komentaryo sa mga

pangyayaring nagaganap mula 2019-2020. Ang mga mananaliksik sa nasabing pagaaral ay

mangungolekta ng labing-lima hanggang dalawampung (15-20) Memes mula sa Facebook na may

limang libong likes at reaksyon. Tinitiyak sa pag-aaral ang kaligiran ng paksa, birong napapaloob,

mensahe at kabuuang komentaryo na naipapakita sa 15-20 memes na aming makokolekta.

Kabuluhan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makapag-aambag ng kaalaman at impormasyon na nakabatay sa

pananaliksik sa posibleng epekto ng memes sa estado ng pag-iisip ng tao patungo sa mga

indibidwal lalo na sa mga taong mahilig sa memes.

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: Ang Online

Netizens, Mga mananaliksik, at ang mga susunod na mananaliksik. Ang mga Online Netizens ay

mabibigyan ng kaalaman tungkol sa kanilang pag post at pag share ng mga memes at kung paano

ito maaaring gamitin upang makapaglahad ng nakapaloob na mensahe. Mabibigyang karagdagang

mga impormasyon naman ito sa mga mananaliksik at sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay

makita na hindi lamang ginagamit ang memes upang magpaaliw ngunit maaaring makapagshare
at makapagpost ng mga memes upang magpahayag ng mga kasalukuyang suliranin. Sa huli, ang

mga susunod na mananaliksik ay magkakaroon ng ideya sa nagawang pananaliksik at mas

ipapabuti pa ito.

Katuturan ng Talakay

Pinoy Memes – Mga larawang satirikal na makikita sa Social Media lalong lalo na sa

Facebook na ginawang katuwaan ng mga Pilipino.

Satirikal na Komentaryo - paraan ng pagpresenta ng seryosong isyu sa pamamagitan

ng isang biro

Kaligiran ng Paksa – makikita rito kung kailan, saan at kung ano ang mga isyung

ipinapakita sa pinoy memes

Mensahe – ito ang ibig iparating ng mga gumagawa ng memes sa pamahalaan

Komentaryo – kung ano ang kanilang gustong sabihin sa isyung nagaganap

Babasahing Tinukoy

Shifman, Limor. Memes in Digital Culture. England: Massachusetts Institute of

Technology, 2014.

Leon, J.D. Epekto ng Internet Memes. 16 January 2019. <https://prezi.com/p/ev56xers-

1uo/epekto-ng-internet-memes-bilang-pambawas-ng-stress/>.
Tovera, J.J. Satirika sa Social Media. 2018.

<https://www.academia.edu/38562544/Satirika_sa_Social_Media>.

LeBoeuf, Megan. The Power of Ridicule: An Analysis of Satire. University of Rhode

Island, 27 April 2007. PDF.

You might also like