You are on page 1of 41

Satirika sa Social Media:

Analisis ng Political Internet Meme Culture sa Pilipinas

Isang Pamanahong Papel na ipinasa bilang pagtalima


sa mga Kahingian sa Asignaturang Filipino 40

Ipinasa Ni:
Juris Justin Mota Tovera
2018-03625
Kolehiyo ng Agham – Batsilyer ng Agham sa Haynayan

Ipinasa Kay:
Prop. Wilfreda P. J. Legaspi

1|Satirika sa Social Media


TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3

I. Ang Media at Pulitika 4

A. Ang mga Implikasyon ng Broadcast at Print Media sa Pulitika 4

B. Ang Pagpasok ng Internet at Social Media sa Konteksto 6

II. Kaligirang Kasaysayan ng Memes 7

A. Ang Terminolohiyang “Meme “ 7

B. Interpretasyon ng Memes sa Paglaon ng Panahon 8

III. Ang Pagyabong ng Internet Memes 10

A. Depinisyon at Katangian ng Internet Memes 10

B. Ang mga Implikasyon ng Internet Memes 11

C. Ang Paglaganap ng Internet Memes sa Pilipinas 13

IV. Pag-usbong ng Political Internet Memes sa Pilipinas 14

A. Ang Kaligiran ng Political Internet Memes 14

B. Pagsusuri sa mga Political Internet Memes sa Pilipinas 16

C. Persepsyon at Respsyon ng mga Pilipino sa Filipino Political Internet Memes 22

V. Konklusyon: Ang mga Implikasyon ng Political Internet Memes sa Lipunang Pilipino 25

Bibliograpiya
Apendises

2|Satirika sa Social Media


INTRODUKSIYON

Ang wika ay tinitingnan bilang isang instrumento sa pakikipagdiyalogo at talastasan sa


iba’t ibang mga larang – mapa-akademiko man, propesyonal, o personal- at bilang isang lunsaran
ng interaksyon at kaisahan sa pagitan ng iba’t ibang mga kalipunan ng tao. Bukod pa rito,
masasabing isa ring pangunahing implikasyon ng paggamit nito ay ang pagiging midyum nito ng
pagpapahayag ng mga ideya at sa pagpapalitan ng mga kuru-kuro.

Samakatuwid, ang wika ay nagiging manipesto ng ekspresyon ng mga saloobin at


damdamin. Sa katunayan, ang aplikasyon ng paggamit ng wikang ito ay nagdulot ng pag-usbong
ng satirikal na diyanra ng mga lathalain at sulatin sa panahon ng opresyon – tulad na lamang ng
mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na isinulat ni Dr. Jose Rizal noong panahon
ng Kolonyalismong Espanya, at Dekada ’70 ni Lualhati Bautista noong Panahon ng Ley
Marsiyal. Ngunit dahil na rin sa mga pagbabagong dinala ng modernisasyon at pag-unlad ng
teknolohiya, nagkaroon na rin ng mga bagong daluyan ng pagpapahayag ang mga tao, tulad na
lamang ng pag-unlad ng user-generated content sa mga social media sites.

Napaunlad at napayaman ng pag-usbong ng user-generated content ang talakayan at


diskurso sa pagitan ng mga indibidwal. Malayang nailalagay ng mamamayan ang kanilang mga
dinaramdam at kaisipan sa mga blogging sites, nakapagbabahagi ng mga ideya, karanasan,
reaksyon at opinyon gamit ang pagpo-post at pagti-tweet, paglaganap ng impormasyon gamit ang
mga aksesibol na social media portals ng mga kilalang tagapag-hatid balita, at iba pang uri nito.
Isa ring halimbawa ng umusbong na uri ng user-generated content na sya namang naging kilala
at tinangkilik sa lahat ng social media platforms ay ang internet memes na naglalaman ng mga
elemento ng sarkasm, satirika, at komedya na umiilog sa realidad ng buhay, sosyo-pulitikal na
aspeto ng lipunan, karanasang relatable o nauugnayan, at marami pang iba.

Sa pagtatagpo ng internet meme culture at pulitikal na kaligiran ng Pilipinas, mahalagang


maungkat ang pagkakabuo ng mga pulitikal na memes, masuri ang mga nilalaman nito, at
mapag-aralan ang mga epekto’t implikasyon nito sa kamulatan ng mga mamamayang Pilipino.
Mahalaga ring malaman kung magiging isa bang mabisang salik ang political internet memes sa
paghikayat sa mga gumagamit ng social media sites upang lumahok sa mga sosyo-pulitikal na
diskusyon sa bansa, at kung konsiderable ba ang naiaambag nito sa political dynamics sa ating
bansa.

3|Satirika sa Social Media


I. Ang Media at Pulitika

Ayon kay Huntington (2017), ang media at pulitika ay dalawang entidad na magkaugnay
na kumikilos at nag-iimpluwensiyahan. Ang sistema ng pagpapahayag ng midya ay nalilimitahan
ng mga pulitikal na aktibidad sa gobyerno tulad ng pagtatakda ng mga batas at patakarang
kailangang sundin ng mga mamamahayag at iba pang media networks. Sa kabilang banda, ang
media naman ay naka-aapekto sa sistema ng pamumulitika sapagkat nakaaapekto ang nilalaman
ng mga bagay na kanilang ibinabahagi sa persepsyon at kognisyon ng mga tao.

A. Ang mga Implikasyon ng Broadcast at Print Media sa Pulitika

Sinabi ni Huntington (2017) sa kaniyang papel-pananaliksik na marami nang pag-aaral


ang isinagawa upang alamin at suriin ang mga nagiging epekto ng broadcast at print media sa
pulitikal na aspeto ng iba’t ibang lipunan mula sa ilalim ng magkakaibang konteksto,
magkakaibang anyo ng media, at magkakaibang kinahinatnan ng isinagawang pagsasa-media ng
mga kaganapang pulitikal.

Isang katangi-tanging halimbawa nito ay ang pag-aaral ni Bartels (1993) tungkol sa mga
epekto ng panonood ng mga balita at iba pang anyo ng pagkakahantad sa broadcast media sa
panahon ng pampanguluhang halalan ng 1980 sa Amerika sa persepsyon at opinyon ng mga tao
tungkol sa kaugalian, istansya’t paniniwala, at kakayahan ng mga kandidato. Sa pag-aaral na ito
napag-alaman na walang konsiderableng pagbabago sa opinyon ng mga mamamayan pagdating
sa mga kandidato sa panahon ng pangangampanya at halalan sapagkat mayroon na silang
matayog na opinyong nabuo sa durasyon ng termino ng nakaraang administrasyon dahil na rin sa
mga media coverages na ipinalabas sa panahong ito.

Nagkaroon na rin ng pag-aaral tungkol sa mga implikasyon ng coverage ng isang


pahayagan sa pagtitiwala at pulitikal na sentido ng mambabasa sa mga taong nasa kapangyarihan
(Miller, Goldenberg, at Erbring, 1979), kung saan pinag-ugnay ang datos mula sa sarbey na
isinagawa ng American National Elections at mga nilalaman ng siyamnapu’t apat (94) na
pahayagan noong 1974 upang makita ang relasyon sa pagitan ng negatibong kritisismong
pulitikal at ng mga kapalagayan at opinyon ng mga mambabasa nito patungkol sa mga paksang
tinalakay. Sinabi sa pag-aaral na ito na bagamat walang pagkiling o di naman kaya’y positibo
ang nilalaman ng halos lahat ng pahayagang ginamit sa pagsusuri, napag-alamang ang mga

4|Satirika sa Social Media


mambabasa ng mga papel na naglalaman ng masusing analisis at kritisismo ay nagkaroon ng mas
di-mapagtiwala at kritikal na pag-iisip tungkol sa pamahalaan.

Nagkaroon na rin ng mga pag-aaral tungkol kaugnayan ng pakikinig sa balita sa radyo sa


mga kagawian at kaugalian ng mga botante sa halalan, tulad na lamang ng pag-aaral nila Bolce,
De Maio, at Muzzio (1994). Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang mga mamamayang
nakatutok sa mga brodkas sa radyo ay mas naging opinyonado, kritikal sa pagpili ng iboboto, at
mas naging inklinado sa pagtataya sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa plataporma at
kakayahan ng mga kandidato kesa sa mga personal na katangian ng mga ito. Nabanggit din na
ang mga botanteng ito ay may malalalim na interes at nagtutuon ng mas malawak na atensyon sa
mga balitang may kinalaman sa pangangampanya at nagpakita ng kagustuhang makilahok sa
mga pampulitikal na diskurso at talakayan.

Napag-alaman namang nakaaapekto rin di-umano ang mga editorial cartoons na


nagpapakita ng mga pulitikal na pahayag o mga istansya’t argumento sa kognisyon at
pagdedesisyon ng mga botante at mamamayan (Dalton, Beck, at Huckfeldt, 1998). Sa pag-aaral
na ito, nakita na tumaas ang antas ng pagsuporta sa kandidato ng mga mambabasa ng mga
pahayagang may editorial columns na pumapabor sa kandidato sa pagkapangulo. Nahinuha rin
na ang opinyonado at maikokonsiderang persuweysib na kalikasan ng mga editoryal ay
nagpakita ng mas konsiderableng epekto sa kognisyon at pagtataya ng mga mambabasa kumpara
sa impormatibong kalikasan ng mga balita’t iba pang impormatibong lathalain sa pahayagan.

Sinasabi naman ni Pertierra (2012) sa kanyang aklat na ang dalawang People Power
Revolutions – ang EDSA I noong 1986 ay nakabatay sa sentralidad ng midya. Sa konteksto ng
EDSA I, ang malalimang pagtutuon ng atensiyon ng parehong lokal at internasyonal na press
dito ang siyang naging dahilan kung bakit ito kinonsiderang isang malawakang media event,
kahit na hindi pa umuusbong sa kapanahunang ito ang mga panibagong anyo ng midya. Maski na
ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa kahahantungan nito ay nakaugat din sa midya – tulad
ng panghihikayat ni Cardinal Sin sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapanawagan sa
Radio Veritas, live broadcast tungkol sa paglalabanan ng mga pwersang makakaliwa at pwersa
ng gobyerno na nag-aagawan sa pagkontrol sa isang istasyon ng telebisyon (Channel 4),
pagkakaroon ng biglaang pagkaputol sa talumpati ni dating Pangulong Marcos kung saan
sinasabi niyang hindi sya bababa sa posisyon.

5|Satirika sa Social Media


B. Ang Pagpasok ng Internet at Social Media sa Konteksto

Ang tradisyonal na anyo ng midya ay nadebelop, pinagyaman, at pinayabong sa paglaon


ng panahon kaalinsabay ng modernisasyon at teknolohikal na debelopment. Ayon kay Borzsei
(2013), kalakip ng pagsulong ng teknolohiya at modernisasyon ang pag-usbong ng mga blogs na
naglalaman ng mga kaisipan, konsepto, komentaryo o reaksiyon tungkol sa iba’t ibang mga
paksa, pagkakaroon ng mas aksesibol na mga artikulo at lathalaing nakatutulong sa pagkalap ng
impormatibong esensiya ng mga tao, mga chatrooms at group conversations kung saan
malayang nakakapagtalastasan at nakakapagpalitan ng mga kuru-kuro ang mga tao sa kung
anumang paksa, at sa pagkakaroon ng mga pityur sa social media na nagbibigay-kakayahan sa
mga tao na maghayag tulad ng pagpopost, pagrereak, pagshe-share, at iba pa. Dahil dito,
nagkaroon ng mas maunlad, mas mayabong, at mas daybers na interaksiyon na nauuwi sa mas
malawak na palitan ng mga ideya’t kaisipan.

Kabilang sa mga elementong napalalaganap sa social media sites ay ang mga artikulong
naglalaman ng impormasyong bumabagtas sa iba’t ibang napapanahong paksa, mga posts na
naglalaman ng mga kakaiba o kakatwang bagay-bagay, mga larawang nagbibigay-ideya sa mga
tao tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa lahat ng dako ng mundo, mga litrato o bidyo na
naghahatid ng kaalaman o impormasyon ukol sa iba’t ibang paksa, at iba pa. Ayon kay Lerona
(2016), Ang mga ito ay nakapagbibigay-daan sa mas mayabong na interaksyon sapagkat ang
aksyon na isinasagawa ng mga lumilikha ng mga nasabing elemento ay natatapatan ng reaksyon
mula sa mga nakakikita nito

Sa kasalukuyan, sinasabing ang pangunahing demograpikong gumagamit ng social media


sites – ang kabataan – ay mas nakahilig sa pagtuon ng atensyon sa entertainment media upang
makakalap ng impormasyon kumpara sa mga pahayagan, telebisyon, at iba pa (Baumgartner at
Morris, 2006). Samakatuwid, ang social media sites ay nagsisilbing isang mahalagang ispero ng
infotainment o ang mga mapanlibang na piraso ng impormasyon (Kim & Vishak, 2008), at
kabilang sa mga pityur na laganap na tinatangkilik ngayon sa social media ay ang internet
memes.

Sa pagpasok ng internet at social media sa konteksto, nagkaroon ng panibagong daluyan


ng interaksyon sa pagitan ng mga namumulitika’t namamahala at mamamayan (Stromer-Galley
at Bryant, 2011). Ang kalikasan ng internet bilang isang mapag-ugnay na midyum ay nagiging

6|Satirika sa Social Media


dahilan ng pagtaas ng epekto nito sa pulitikal na konteksto (Bimber, 2012). Sa katunayan,
nagbabago ang persepsyon at pagkakaunawa ng mga mamamayan sa pakikilahok sa mga
gawaing pang-sibika at sosyo-pulitikal na partisipasyon dahil sa paggamit ng internet at social
media (Bennett, Freelon, Hussein, at Wells, 2012).

Kabilang sa mga implikasyon ng social media sa pulitikal na ispero ay ang pagiging


‘makinarya’ ng mga karaniwang mamamayang gumagamit ng social media pagdating sa
pangangampanya ng mga opisyales at kandidato sa anyo ng pagla-like, pages-share, at pagre-
retweet o pagre-repost ng mga parapernalyang pang-kampanya (Rainie, Smith, Lehman
Schlozman, Brady at Verba, 2012; Varona, n.d.).

Bukod pa rito, ang kalikasan ng internet bilang isang daluyan ng palitan ng kuru-kuro at
isang malaking ispero ng impluwensya ay nagbibigay-daan sa pagbabago ng mga nilalaman ng
midya o pityur na naibabahagi sa social media (Bennett et al., 2012), at nangangahulugan na
nag-iiwan ng mga panibagong implikasyon sa pulitikal na ispero (Rainie et al., 2012).

Dahil dito, mahihinuha rin na ang mga user-generated content sa social media ay
kabilang sa mga salik na ito. Isa sa mga anyo ng user-generated content na ito ay ang internet
memes na siya namang tatalakayin sa mga susunod na subseksiyon.

II. Kaligirang Kasaysayan ng Memes

A. Ang Terminolohiyang “Meme”

Ang salitang meme ay halaw sa salitang Griyegong ‘mimema’ na ang ibig sabihin ay
imitasyon o panggagaya. Ito ay binibigyang kahulugan bilang isang elemento ng kultura sa anyo
ng ideya, kaugalian, o kaisipang naipapasa ng isang indibidwal sa iba pa sa pamamagitan ng
imitasyon o panggagaya. Ito ay isang terminolohiyang unang ginamit ni Richard Dawkins sa
kanyang aklat na “The Selfish Gene” noong 1976 bilang isang yunit ng kultura na naibabahagi
sa ibang tao. Ang konseptong ito ay naihahalintulad sa konsepto ng mga heneng nasa selula na
naipapasa o namamana ng nasa susunod na henealohikal na desensya at naimpluwensyahan ng
dulog-Darwinian (Chick, 1999).

Higit pa rito, ang meme para kay Dawkins ay nakasandig sa nosyon ng isang replicator-
isang molekulang nagsisilbing isang hulwaran o template na may kakayahang gumawa ng kopya

7|Satirika sa Social Media


ng kanyang sarili. Sa papel-pananaliksik ni Diaz (2013), sinasabi na ang pagtagal ng mga
replicators na ito ay nakabatay sa salik na longevity – ang haba ng panahong kayang itagal ng
isang replicator upang makabuo pa ng maraming kopya ng sarili, fecundity- o ang bilis ng
paggawa nito ng kopya ng kanyang sarili, at copy-fidelity- o ang presisyon at katamaan ng
pagkakakopya nito sa kanyang sarili.

Sa paglalapat ng nabanggit na konseptong biyolohikal na ito sa konteksto ng memes


bilang isang yunit ng kultura, mahihinuha na dapat nagtatagal ang yunit ng kulturang ipinapasa,
dapat na mabilis ang paglaganap nito sa isang populasyon, at dapat lamang na maging hawig na
hawig, kung hindi man eksakto, ang pagkakakopya sa yunit na ito upang maging matagumpay
ang maituturing na ‘replikasyon’ ng kultura.

Ayon pa kay Blackmore (1999), sinasabi ni Dawkins na halos lahat na may aspetong
kultural na naipapasa at nananatili hanggang ngayon tulad ng mga awitin at musika, istilo sa
pananamit, pagkilos, at pagsasalita, mga arkitektural na istilo’t disenyo, at mga konsepto’t
kaisipan ay maituturing na mga memes. Bukod pa rito, sinabi rin niya na ang mga tao ay
nagsisilbing mga bukas na lagusan at besikulo ng kultura kung saan yumayabong at dumadaan
ang mga memes na ito tungo sa iba pang mga indibidwal.

Subalit, sa paglaon ng panahon, ang terminolohiyang ito ay nagbago rin sa ilalim ng iba’t
ibang mga manunulat at teorista. Ang mga nagsanga-sangang konsepto ay lumayo mula sa
pinaka-unang depinisyon ng memes na nakabatay mula sa perspektibang Darwinian.

B. Interpretasyon ng Memes sa Paglaon ng Panahon

Isang halimbawa ng pagsasanga sa mga dulog sa memes ay ang interpretasyon ni Dennet


(1995), kung saan sinasabi niya na ang memes ay maaaring maapektuhan ng eksternal na
puwersa sa lipunan, tulad na lamang ng mga panlabas na salik na nakaaapekto sa mga hene na
nakapagdudulot ng mutasyon. Dinidiskardya ng dulog na ito ang naunang konsepsyon sa
replikasyon ng memes sapagkat sinasabing ibinubunga ng pagpapasa-pasa ng memes ang
pagbabago, pag-unlad at pagdegrada, pagdagdag o pagbawas, at paghahalo-halo ng mga ito.

Isa ring interpolasyong naiaangkla rito ay ang pagpasok ng konsepto ng bias sa konteksto
ng pagtanggap at pagkakapasa-pasa ng mga memes sa iba’t ibang mga tao. Maaaring tanggapin

8|Satirika sa Social Media


lamang at ipasa ng indibidwal ang yunit ng kultura na kanyang nagustuhan, at maaari rin niyang
iwaksi, kontrahin, at sirain ang meme na hindi niya natitipuhan.

Ang interpretasyon-dulog naman ni Blackmore (1999) ay nakaangkla sa larang ng social


learning, kung saan sinasabi niya na ang imitasyon – na sentral na salik ng replikasyon ng
memes – ay ang siyang nagtatakda ng kaibahan ng mga hayop sa ating mga tao. Samakatuwid,
ang mga tao ay sinasabing nagkaroon ng mas kumplikadong lebel ng pag-iisip, at ang isang
modelo ng transmisyong nakabatay sa imitasyon ay hindi ganap na mailalapat sa lipunang
pinagagalaw ng mga kumplikadong nilalang.

Bukod pa rito, sinasabi rin ni Blackmore na nangangailangan ng midyum ng replikasyon


ang isang meme upang ito ay makopya at maipasa – isang kaisipang sumasalungat sa naunang
kaisipang inihatag ni Dawkins na ang memes ay maihahalintulad sa mga replicators na may
kakayahang mag-replika nang walang eksternal na salik na kumukontrol dito. Idinagdag niya rin
sa pag-aaral na ito na ang midyum na ito ay ang interactor- isang entidad na may kaugnayan sa
kapaligiran at may kakayahang tanggapin, dalhin, at palaganapin ang memes sa iba.

Ang huli ay ang interpretasyon-dulog ni Sperber (1996) sa memes, kung saan sinasabi
niya na ang salitang ito ay kasingkahulugan lamang ng mga tagapagpa-replika ng kultura na may
kaugnayan sa ‘representasyon’. Ang ‘representasyong’ kanyang tinutukoy ay maaaring
nakapasailalim sa klasipikasyong mental- o ang mga bagay na internalisado sa isang indibidwal
tulad ng kanyang mga manerismo at paniniwala- o di naman kaya’y sa klasipikasyong publiko –
ang mga bagay na hindi likas at nasa eksternal ng indibidwal tulad ng mga iskulptura, mga
larawan, at iba pa. Ang ikatlong uri ng ‘representasyon’ ay ang pinagtambal na kahulugan ng
mga naunang klasipikasyon, na tinatawag na ‘representasyong kultural’.

Ginawa ring ispesipiko ni Sperber ang mga paraan ng pagpapasa-pasa nito mula sa
pamamaraang ‘imitasyon’ na orihinal na itinakda ni Dawkins. Ayon sa kanya, maaaring maipasa
ang mga ‘representasyong’ ito sa paraang vertical kung saan ang kultura ay naipapasa mula sa
isang henerasyon tungo sa susunod - katulad ng pagkakapasa ng mga hene mula sa magulang
tungo sa mga anak – at sa paraang horizontal kung saan ang kultura ay lumalawig sa loob ng
iisang populasyon (o henerasyon) – tulad na lamang ng pagkalat ng mga virus sa isang lipunan.

9|Satirika sa Social Media


Ang konsepto ng bias ni Dennet, pagpasok ni Blackmore ng interactor sa konteksto, at
ang epidemiolohikal na interpretasyon-dulog ni Sperber ay maaaring mailapat sa
kontemporaryong pagpapasakahulugan sa memes. Sa modernong panahon, ang memes ay
nalapatan ng panibago at mas ispesipikong kahulugan bilang isang uri ng epemera sa internet.

III. Ang Pagyabong ng Internet Memes

A. Depinisyon at Katangian ng Internet Memes

Dahil sa pagsulong ng modernisasyon at pag-unlad ng teknolohiya, ang kakayahan upang


makabuo ng mga balita at iba pang anyo ng impormatibong midya ay hindi na lamang
nalilimitahan sa ilalim ng mainstream media providers (Van Dijk, 2009). Ang mga karaniwang
tao ay nakapagbabahagi na rin sa kalakhang saklaw ng midya sa pamamagitan ng kanilang mga
aktibidad sa online world tulad ng social networks na sya namang naibabahagi sa malawak na
barayti ng awdiyensiya (Borzsei, 2013).

Ang partisipasyong ito ng mga mamamayan sa mga bagong anyo ng midya ay nagbunga
sa pagdami ng user-generated content na makikita sa internet. Ayon kay Shifman (2014), ang
internet memes ay isang anyo ng ng user-generated content na madalas na naglalaman ng mga
nakatutuwang elemento na sinamahan ng nakatatawang kapsyon, at ang kakatwa nitong
kalikasan ang siyang dahilan kung bakit patuloy na tinatangkilik ng mga gumagamit ng social
media sites ang mga ito.

Ito ay binibigyang-kahulugan bilang isang bahagi ng kulturang naipapasa-pasa mula sa


isang indibidwal tungo sa iba pa sa pamamagitan ng internet – isang depinisyong nasasalamin ng
nauna nang nabanggit na kahulugan ng memes na itinakda ni Dawkins (Davidson 2012). Ayon
naman kay Shifman (2014), ang internet meme ay isang digital na pityur na naglalaman ng mga
teksto o elementong may iisang tema na napalaganap, ginaya, o binago ng iba’t ibang mga users
sa internet.

Kadalasan itong naglalaman ng mga bagay na tumatalakay sa buhay pag-ibig, pag-aaral,


pagpapamilya, mga kaganapan sa buhay, at mga nauugnayan o relatable na karanasan o
kagawian ng manlilikha. Ngunit dahil na rin sa sosyolohikal na aspeto ng nilalaman ng mga
internet memes, nagkakaroon na rin ng mga internet memes na tumatapik sa mga usapin at
suliraning pampulitika. Ito ay nagsisilbi bilang isang tagapagpasimula ng diskusyon, o di naman

10 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
kaya’y bilang isang anyo ng impormatibong pityur na nakokonsumo ng mga gumagamit ng
social media (Huntington, 2017).

Ang pinaka-esensiya ng mga internet memes ay ang pagkakaroon nito ng elemento ng


humor na maaaring nasa anyo ng biro o komedya, satirika, o sarkastikong pahayag. Kadalasan
din itong naglalaman ng mga elementong may reperensya sa pang-araw-araw na pangyayaring
nauugnayan ng nakararami at mga bagay na sumasalamin sa mga implikasyon ng kulturang
popular o pop culture (Knobel, 2006).

Ayon naman kay Shifman (2014), ang kakatwa, kakaiba, at nakakatuwang kalikasan na
taglay nito, pati na rin ang mga reperensya sa pop culture at nauugnayan o relatable na
nilalaman nito ang nagiging dahilan kung bakit laganap ang pagtangkilik dito ng kabataan na
nagbubunga ng pagiging viral o kalat nito sa social media sites.

B. Ang mga Implikasyon ng Internet Memes

Ang internet memes ay hindi makatatayo sa mga sarili nitong mga paa –
nangangahulugan na ito ay hinango mula sa (at may mga ipinahihiwatig sa) mga napag-ugnay-
ugnay na interes, karanasan, kagawian, at kapalagayan na naisasakonteksto sa mga teksto,
pangyayari’t phenomena, artipakto, at iba pa (Davidson, 2012).

Ayon kay Milner (2012), ang internet memes ay ginagamit ng mga tao upang
makapagpahayag ng kanilang damdamin o di naman kaya’y humanap ng ibang mga taong
nakararanas ng kaparehong interpersonal o intapersonal na sitwasyon sa kanilang mga buhay.
Ang implikasyong ito ay mas pinagtibay ng pag-aaral nina Guadagno, Rempala, Murphy, at
Okdie (2013), kung saan sinasabi na ang emosyonal na aspeto ng isang indibidwal ay
nagsisilbing isang mahalagang salik na nakaaapekto sa paggawa, pagla-like o pagse-share ng
mga memes na ito. Isang halimbawa nito ay ang “I txt u, Y U no txt bak!?” meme [tingnan ang
Apendiks-A1] na naglalaman ng isang iritadong cartoon na nagagalit dahil sa hindi pagsagot ng
taong kanyang pinadalhan ng mensahe – na ayon sa artikulo ay madalas na ginagawa ng mga
magkakaibigan.

Makikita sa isang artikulo ng FirstWebDesigner Organization (2015) – isang


organisasyong binubuo ng mga web designers at mga propesyonal sa pagsusuri at analisis ng
mga elemento sa mga websites – ang mga memes tungkol sa mga nausong gawain ng mga madla.

11 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Binanggit bilang halimbawa rito ang nausong planking [tingnan ang Apendiks A-2] kung saan
dumadapa ang mga tao sa mga pampublikong lugar na tila ba mga table ng kahoy, at ang
“People of Walmart” memes [tingnan ang Apendiks A-3] kung saan ipinakikita ang pagsusuot
ng mga kakaiba at nakatatawang damit ng mga mamimili sa Walmart, isang grocery-shopping
center sa Amerika.

Nasasalamin din ng internet memes ang mga tanyag at kilalang mga reperensya sa
kulturang popular (Runsewe, 2016). Halimbawa na lamang nito ay ang mga memes ng mang-
aawit na si Chris Brown kung saan siya ay itinuturing na may-ari ng isang istasyon ng radyo
dahil sa kabi-kabilang pagpapatugtog sa kanyang napakaraming mga hit na awitin [tingnan ang
Apendiks A-4] at ang meme naman ng superhero na si Iron Man na ipinakitang nagpaplantsa
dahil sa ibang konotasyon ng salitang iron [tingnan ang Apendiks A-5]

Sinasabi naman sa pag-aaral ni Knobel at Lankshear (2007) na ang internet memes ay


may kakayahang magbigay-daan sa paglulunsad ng mga pampublikong diskurso at komentaryo
dahil sa retorikal na implikasyon nito. Ang interpolasyon namang nakuha ni Huntington (2017)
mula sa kanyang pag-aaral ay nagsisilbi rin ang internet memes bilang isang panibagong anyo ng
impormatibong pityur na nakokonsumo ng mga gumagamit ng social media. Ang memes din na
ito ay nakapagdadala ng atensyon sa mga insidenteng kadalasang mabilis na nakakaligtaan o di
naman kaya’y madaling mapagtakpan batay sa pag-aaral ni Hayward (2016).

Bilang halimbawa, binanggit ni Hayward (2016) ang internet memes na umiilog sa


pagkakapatay ng mga tauhan ng Cincinatti Zoo sa isang gorilya na si Harambe [tingnan ang
Apendiks A-6] nang makapasok sa kanyang hawla ang isang tatlong taong gulang na bata.
Umingay ang social media sa mga kapahunang ito dahil sa mga posts at tweets ng mga taong
kumukontra at tumutuligsa sa pamunuan ng zoo sa kanilang desisyon na patayin na lamang ang
gorilya. Naipapakita nito ang kapangyarihan na taglay ng internet. Ngunit, dahil sa limitadong
sakop ng pinapaksa ng internet memes na ito, makikita na nakalimutan na ng mga netizens ang
sirkumtansya ng pangyayari kung saan nailagay sa panganib ang buhay ng isang bata.
Mapapansin din na ang ipinaglalaban ng mga nagpapakalat ng mga memes na ito ay tungkol sa
karapatan at kapakanan ng mga hayop, kung kaya’t mahihinuha na nagiging limitado rin ang
mga impormasyon na makukuha rito dahil sa ispesipikong perspektiba na ipinakikita ng mga ito.

12 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Dahil naman sa anonimidad na hatid ng ilang mga pityur sa internet kung kaya’t nagiging
malaya ang mga tao na makapagbahagi ng mga materyal na may nilalamang opensiba o
nakakasakit ng damdamin ng ibang tao (Davidson, 2012). Iniimplika lamang ng kaisipang ito na
ang pagbabahagi ng mga materyal na may mga elemento ng diskriminasyon, seksismo, rasismo,
at iba pang negatibong aplikasyon nito ay hindi naparurusahan. Isang halimbawa nito ay ang
memes tungkol sa mga tinaguriang “black people”na nagpapahiwatig ng kapalagayan (o
konklusyon) na karamihan sa kanila ay hindi marunong makabasa [tingnan ang Apendiks A-7].

C. Ang Paglaganap ng Internet Memes sa Pilipinas

Ang internet memes sa Pilipinas ay naka-ugat sa mga nakakatawang elementong madalas


na binubuo ng mga parodiya, o mga pahayag o linya sa pelikula na binigyan ng mas ispesipikong
konteksto na nauugnayan o naranasan na rin ng mga mambabasa (Calimbo, 2016). Halimbawa
na lamang nito ay ang mga linyang “I’m sorry, Ma, I’m sorry” ng karakter ni Toni Gonzaga sa
pelikulang ‘4 Sisters and a Wedding’ na inilapat sa konteksto ng isang anak na nawala ang
Tupperware ng kanyang ina [tingnan ang Apendiks A-1], at “Hoy, Ikaw!” ng karakter ni
Fernando Poe Jr. sa pelikulang ‘Isang Bala ka Lang’ na inilapat sa konteksto ng pagsasabi ng
isang tao na siya ay nasa daan na patungo sa isang lugar kahit na siya ay naghahanda pa lamang
[tingnan ang Apendiks A-2].

Ayon naman kay Kolawole (2015), malimit ding nagkakaroon ng esensiya ng panlalait
ang ilang mga internet memes kung saan may panunuksong nakabatay sa nilalaman mismo ng
meme, o di naman kaya’y sa litratong pinaglapatan ng meme – na siyang maiuugnay sa
anonimidad na dala ng partisipasyon sa social media (Davidson, 2012). Halimbawa na lamang
ng mga memes na ito sa Pilipinas ay ang pagkukumpara ng crinkles sa mga taong may
kayumangging kompleksiyon na nagpupulbos nang labis [tingnan ang Apendiks A-3], at
pagtaguri sa ilang may kalakihan ang tiyan bilang mga buntis [tingnan ang Apendiks A-4].

May mga pagkakataon din naman kung saan ang mga internet memes ay naglalaman ng
mga elemento ng wordplay o paglalaro at pagpapalit ng mga bahagi ng salita o pangngalan
upang makabuo ng mga nakakatawa ngunit may katuwirang anyo ng salita (Kolawole, 2015).
Halimbawa na lamang nito ay ang pagpapalit ng salitang long mula sa “tipaklong” na ginawang
short, na nagbunga ng salitang “tipakshort”. Ang internet meme na ito ay nilakipan ng larawan

13 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
ng isang normal na tipaklong at isang tipaklong na pinaiksi, na siyang mas nakapagbibigay ng
ideya sa likuran ng pagpapakahulugan dito [tingnan ang Apendiks A-5].

Madalas ding umilog ang mga internet memes sa mga paksang may kinalaman sa
personal na buhay ng mga Pilipino, partikular na sa pag-ibig, pag-aaral, at pagtatrabaho.
Nasasalamin naman sa ibang internet memes ang kalikasan ng mga Pilipino – mapasa-kaugalian
man, kagawian, tradisyon, o kakayanan (Calimbo, 2016). Halimbawa na lamang nito ay ang mga
internet memes na nagpapakita ng mga karanasan tulad ng pagbagsak sa isang pagsusulit sa
paaralan [tingnan ang Apendiks A-6], o di naman kaya ay ang paglaganap ng ‘Jose Mari Chan’
memes sa pagpasok ng –ber months sa Pilipinas [tingnan ang Apendiks A-7] na sumasalamin sa
maaagang paghahanda ng mga Pilipino para sa kapaskuhan.

Nagagamit din ang internet memes bilang instrumento at daluyan ng mga promosyon,
endorsement, at pagsasamerkado ng mga produkto o serbisyo (Levine, 2015). Isang halimbawa
nito ay ang “More fun in the Philippines” memes [tingnan ang Apendiks] na inilabas ng
Kagawaran ng Turismo para sa kanilang kampanya na naglalayong maitaas at mapaunlad ang
kalagayan ng turismo sa ating bansa. Bilang pagtugon sa mga memes na ito, nagsigawa rin ang
mga mamamayan ng kani-kanilang mga sariling bersyon nito na tumatalakay sa mga suliraning
panlipunan na kanilang nararanasan [tingnan ang Apendiks]

Samakatuwid, maaari ring masalamin ng mga memes na ito ang sosyolohikal na kaligiran
at ang mga pulitikal na salik na kaugnay ng mga nasabing elemento nito. Sa susunod na
subseksiyon tatalakayin ang kaligiran ng political internet memes at mga salik kung bakit
nabubuo at napalalaganap ang mga ito, partikular na sa konteksto ng Pilipinas.

IV. Pag-usbong ng Political Internet Memes sa Pilipinas

A. Ang Kaligiran ng Political Internet Memes

Ayon kay Bauckhage (2011), ang political memes ay mga internet memes na may
esensiya ng aktibismo na naglalayong maghatag ng mga kaisipan o ideolohiyang may pulitikal
na kaugnayan. Sinasabi ni Chandler (2013) na maaaring gamitin ang internet memes upang
tuligsain ang mga naitatag nang “power relations” upang magkaroon ng mas mabuting
representasyon ang mga disenprangkisado, marginalisado, at naaapakang pangkat ng
mamamayan. Sa parehong kaisipan, idinidiin ni Varona (n.d.) na nagagamit ng mga gumagamit

14 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
ng social media (mapa-manlilikha, likes, forwarders, o commenters man) ang internet memes
upang malayang mapuna ang mga makakapangyarihan sa gobyerno, at nagsisilbi itong daluyan
ng mga hinaing, reaksyon, at kritisismo ng masang ‘walang boses’ at nagbibigay-daan sa
kanilang pakikilahok sa pampublikong pulitikal na diskurso.

Inilahad naman ni Pertierra (2012) sa kanyang aklat ang tunay na kasalukuyang


kalagayan ng pulitika sa Pilipinas kung saan sinasabi niya na ang rason kung bakit hindi kayang
makuha ng mga pulitiko sa Pilipinas ang respeto’t pagtitiwala mula sa mga mamamayan ay dahil
sa pagtingin ng mga ito sa pulitika bilang instrumento ng pagyaman at pag-angkin ng
kapangyarihan. Idiniin din niya na ang mga netizens ay umaasa sa humor na hatid ng mga
political internet memes upang maibaling na lamang dito ang kanilang pagka-dismaya sa
hipokrasya’t kasinungalingan ng mga nahalal na opisyales sa pamahalaan.

Ang mga nabanggit na implikasyon ay nasalamin din sa mga interpolasyon ni Kobierecki


(2014) tulad ng malayang ekspresyon, kritisismo, pagtuligsa, o pagsuporta ng mga karaniwang
mamamayan pagdating sa pulitikal na diskurso. Ngunit mas naidiin sa kanyang pag-aaral ang
gamit ng political internet memes bilang instrumento ng pamamahiya ng mga mamamayan sa
mga pulitikong kanilang kinaaawayan lalo na’t sa mga pagkakataon ng kanilang kamalian. Sa
pag-aaral niya, lumabas na mas nakatuon ang internet memes hindi sa pagtalakay sa mga
pulitikal na dynamiks, kundi sa mga pagkatao at personalidad ng mga pulitiko.

Sa konteksto naman ng eleksiyon, nagagamit din ng mga pulitiko ang internet memes
bilang instrumento ng pangangampanya. Batay sa pag-aaral nina Lim, Macias, Riparip, at
Duritan (2016), nakaaapekto sa kognisyon ng mga kabataang botante ang mga political internet
memes. Ayon sa mga respondente, nakapagbibigay ang mga ito ng direksyon sa kung paano sila
makakapamili sa mga kandidato sa pampanguluhang halalaan noong 2016. Ngunit batay sa mga
datos na inihatag sa pag-aaral, hindi direktang nakaaapekto ang dami ng political internet memes
sa resulta ng halalan batay na rin sa nilalaman ng mga nasabing memes.

Ayon naman kina Cabanes at Cornello (2017), nagagamit ng mga tao ang internet memes
upang paghambingin ang mga hakbangin, programa, patakaran, o plataporma ng mga pulitiko.
Ang kumparatibong elemento ng mga uri ng memes na ito ay sinasabing malalim na nakaugat sa
pangangampanya, kung saan nilalayon ng mga gumawa na bigyan ng ‘mas mabangong’

15 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
pangalan ang partido (o ang kandidato) sa pamamagitan ng paninira sa katunggali o sa oposisyon
nito. Ang mga gumagawa ng mga ganitong uri ng memes na may mapanirang kaligiran ay
tinaguriang mga trolls sa pag-aaral na ito. Batay sa kanilang interpolasyon, ang mga trolls ay
gumagamit ng mga pekeng accounts upang mas maikalat at maipalaganap ang mga memes na
kanilang ginagawa, at ang mga implikasyon nito ay tatalakayin nang mas malalim sa mga
susunod na subseksiyon.

B. Pagsusuri sa mga Political Internet Memes sa Pilipinas

Ang Filipino political internet memes ay hindi lamang mga satirikal na komentaryo,
kundi pagpapahayag ng mga kapalagayan batay sa kakayahan, kaligiran, at pagkatao ng mga tao
sa gobyerno. Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay nasasalamin sa inkorporasyon ng iba’t
ibang mga elemento – mga kasabihan, ekspresyon, parodiya, at iba pa – sa pulitikal na konteksto.
Mula sa panghahamak sa mga pulitiko hanggang sa pagsasa-komedya ng mga araw-araw na
suliranin tulad ng mga kalamidad at ang mataas na presyo ng mga bilihin, nakahahanap ng
anggulo ang mga Pilipino upang makagawa ng mga internet memes na tumatalakay dito.

Sa subseksiyon na ito, ihahatag ang mga uri ng mga Filipino political internet memes
batay sa kaligiran, nilalaman, at interpretasyon-dulog ng mga ito na nakalap mula sa pagsusuri
ng may-akda sa dalawampu’t walong memes mula sa iba’t ibang social media sites. Upang
makapagbigay ng mas konkretong pagpapaliwanag tungkol sa mga batayan ng pagsasa-uri,
nakalakip din sa apendises ang mga memes na kumakatawan sa mga kauriang ito.

Una sa talaan ay ang “Satirikal” na political internet memes. Ito ay pumapaksa sa mga
suliraning panlipunan at mga pulitikal na salik na nakaaapekto rito. Halimbawa na lamang nito
ay ang mga internet memes na tumatalakay sa matinding pagbaha [tingnan ang Apendiks C-1],
mabigat na daloy ng trapiko sa mga lansangan [tingnan ang Apendiks C-2], hindi epektibong
public transport system [tingnan ang Apendiks C-3] na madalas na nakikita sa mga isyu sa mga
pampublikong tren tulad ng LRT at MRT, at ang labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin
[tingnan ang Apendiks C-4] tulad na lamang ng sa galunggong at sili na kamakailan lamang
nangyari bunga ng inflation rate.

16 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Bukod sa pagtalakay sa mga karanasang direktang natatamasa ng mga mamamayan,
nakapasailalim din dito ang mga suliranin at isyu sa pulitika tulad ng pagpapatuloy ng kultura ng
political dynasties [tingnan ang Apendiks C-5] na kadalasang nagiging sanhi ng kolusyon at
nepotismo sa pamahalaan, pangungulimbat ng pera mula sa pondo ng gobyerno [tingnan ang
Apendiks C-6] at kurapsyon, kultura ng pagtuturuan at paninisi sa pagitan ng mga opisyales ng
pamahalan [tingnan ang Apendiks C-7], at ang mga loopholes o palusot ng mga pulitiko sa
tuwing sila ay nahuhuli o nasasakdal [tingnan ang Apendiks C-8] tulad na lamang ng sa
pagkakasakdal kina dating Pangulong Gloria Arroyo sa ilalim ng Administrasyong Aquino III.

Ang susunod naman ay ang “Critique o Mapangbatikos” na nakabatay sa mga


pagkukulang, pagkakamali o ‘kapalpakan’ ng mga ahensya, kawanihan, programa, o tauhan ng
gobyerno. Ang mga isyung tinatalakay sa kauriang ito ay may konkretong sandigan at
napapatunayan gamit ang mga mapagkakatiwalaang datos mula sa mga reputableng pagkukunan
ng impormasyon. Halimbawa na lamang nito sa ilalim ng Administrasyong Aquino III ay ang
isyu ng plagiarism ni Sen. Vicente Sotto III [tingnan ang Apendiks C-9] kung saan kinopya at
isinalin niya ang bahagi ng talumpati ng dating Pangulong John Kennedy ng Amerika, ang hindi
epektibong pamamahagi ng relief goods ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad
Panlipunan (DSWD) na pinamumunuan ni dating Kal. Dinky Soliman [tingnan ang Apendiks C-
10] sa panahon ng kalamidad na nauwi sa pagkakabulok nito, at ang hindi epektibong
pagtatangka ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC) na pinamumunuan ni
dating Kal. Joseph Abaya [tingnan ang Apendiks C-11] na masolusyunan ang problema sa mga
pampublikong tren na nauwi sa pagkakasayang ng pondo ng gobyerno.

Sa ilalim naman ng Administrasyong Duterte, umusbong ang mga mapangpunang memes


tungkol sa kanyang pagiging ‘sunud-sunuran’ sa bansang Tsina [tingnan ang Apendiks C-12] sa
kabila ng kanyang pagkontra sa mga polisiyang nakadepende sa mga banyaga o foreign-
dependent policies, ang bayolenteng kaligiran ng kanyang pananalita at mala-diktador na pag-
asta [tingnan ang Apendiks C-13] na sumasalamin sa kanyang kawalang paggalang sa
karapatang pantao, at sa kanyang mga ambisyosong pangako [tingnan ang Apendiks C-14] tulad
ng pagtatangka niyang alisin ang kriminalidad sa ilalim ng tatlo hanggang anim na buwan mula
sa kanyang pagkakaupo.

17 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Bagamat nasasalamin din ng kauriang ito ang klasipikasyong satirikal, mas umiilog ang
nilalaman ng mga memes na ito sa mga entidad o panig na nagiging sanhi ng mga naunang
satirikal na panlipunan. Tinitingnan din nito ang mga suliranin sa mas ispesipikong perspektiba
kumpara sa malawak na kontekstong ibinibigay ng satirikal na kaurian, at mas idinidiin ang
esensya ng paninisi at panunumbat kumpara sa mapagmulat na kaligiran ng naunang kaurian.
Ang mga halimbawang nabanggit ay sumusuporta sa mga kaisipang inihatag nina Kobierecki
(2014) at Varona (n.d.) kung saan malayang naihahayag ng mga tao ang kanilang mga
kapalagayan sa mga ispesipikong isyu.

Ang ikatlong kaurian ay tinatawag na “Mapanira”. Tinatalakay nito ang mga kasiraan,
kamalian, at pagkukulang ng mga opisyales sa pamahalaan na walang konkretong sandigan.
Kadalasang nakabatay ang mga ito sa mga ‘tsismis’, ibinabatong kaso, at haka-hakang nagiging
sanhi ng trial by publicity. Malimit na nagsusulputan ang mga internet memes na ito sa panahon
ng pangangampanya upang makapagdegrada at makasira ng reputasyon ng mga kandidato. Sa
madaling sabi, ang layunin ng mga memes na ito ay hindi upang mailabas sa publiko ang mga
tunay na kamalian ng isang opisyal, ngunit para mabahiran lamang ang kanyang pangalan.

Halimbawa nito ay ang mga memes na umiilog sa kaso ni dating alkalde ng Makati na si
Jejomar Binay Jr. [tingnan ang Apendiks C-15] tungkol sa proyekto niyang parking lot ng City
Hall na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 2.2 B, na patuloy pa ring umiikot sa social
media kahit pa na naibasura na ang kaso’t siya ay napawalang-sala na (Punay, 2018). Isang
halimbawa rin ng klasikipasyong ito ay ang mga memes na tumatalakay sa isyu ng
pagkamamamayan o citizenship ni Sen. Grace Poe [tingnan ang Apendiks C-16] kahit pa na
nasuri at pinahintulutan na ng Commissions on Elections ang kanyang pagtakbo. Patuloy pa ring
lumaganap ang memes na ito kahit pa ibinasura na ng Korte Suprema ang disqualification case
na inihain laban sa kanya kung saan napatunayan na isa siyang natural-born Filipino at nasunod
niya ang 10 year minimum residency sa Pilipinas na kahingian sa pagtakbo bilang pagkapangulo
(Geronimo, 2016).

Ang mga interpolasyon na ito ay sumasalamin sa mga konklusyon nina Cabanes at


Cornello (2017) kung saan ipinakikita ang elemento ng paninira bilang instrumento ng
pangangampanya at pamumulitika ng mga kandidato. Bagamat ginagamit nito ang esensya ng

18 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
mga suliraning panlipunan at isyung pulitikal, makikita ang mga tunay na layunin ng mga
gumagawa ng mga memes na ito sa nilalaman, kapsyon, at konteksto ng lipunan sa paglabas nito.
Kagaya ng mga naunang nabanggit, kadalasan itong umuusbong sa paglapit ng panahon ng
halalan.

Ikaapat naman ay ang klasipikasyong “Trolling” na kinakatawan ng mga memes na


nagpapakita ng pagkiling sa iisang panig o partido sa gobyerno. Kadalasan itong naglalaman ng
mga kasiraan na maaaring batay sa mga suliraning panlipunan, kaligiran o kasaysayan ng panig
na inaatake, o di naman kaya’y mga random na pahayag na walang rasyunal na batayan at
sinasabing nabuo lamang mula sa kathang-isip ng mga tao na naglalayon lamang makapang-asar
o makapang-insulto laban sa panig na inaatake ng mga trolls.

Isang halimbawa nito ay ang pangto-troll ng mga netizens sa Partido United Nationalist
Alliance sa kasagsagan ng isyu sa Pork Barrel Scam at Disbursement Acceleration Program
[tingnan ang Apendiks C-17] kung saan tanging ang mga nasa oposisyon lamang tulad nina Sen.
Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada, at Sen. Bong Revilla ang nalitis, at ang mga kaalyado
ng pangulo ay hindi ‘nagalaw’. Hindi ipinapahayag ng kapalagayang ito na walang sala ang
tatlong nabanggit, ngunit makikita rito ang pagpanig ng mga tao sa partido ng pinakamataas na
opisyal ng pamahalaan at sa mga kaalyado nito kung kaya’t tanging ang mga katunggali lamang
nila ang inaatake ng madla.

Sa parehong kaisipan, makikita ang laganap na pangto-troll ng mga tagasuporta ni


Pangulong Duterte - na kolektibong tinatawag na ‘Ka-DDS’ at ‘Dutertards’ ng lipunan depende
sa apilyasyon (Cabanes at Cornello, 2017) – sa mga miyembro at mga tagasuporta ng Partido
Liberal - na kolektibong tinatawag na “Dilawan” - tulad na lamang ng mga memes na may
mapanghamak na intensyon kanila Bise Presidente Leni Robredo, Sen. Antonio Trillanes IV at
Sen. Leila de Lima [tingnan ang Apendiks C-18] na kilala bilang mga pangunahing kritiko ng
administrasyon. Nauso rin ang pagpapalaganap ng mga memes na naglalaman ng mga
palsipikado at maling impormasyon [tingnan ang Apendiks C-19] na naglalayong iangat ang
tingin ng madla kay Pangulong Duterte.

Ang kaibahan ng trolling sa mga naunang paghahayag ng kasiraan ay ang katotohanang


karamihan sa mga gumagawa nito ay sinasabing binabayaran o di naman kaya’y nagpapakita ng

19 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
bulag na katapatang loob sa iisang panig lamang. Samakatuwid, mas namumutawi ang elemento
ng desepsyon, panlilinlang, at ‘pang-uuto’ sa mga memes na ito. Kung ihahambing sa mga
naunang uri, ang basehan at batayan ng mga memes na ito ay mas kakakitaan ng pagkiling at mas
mapang-uyam na layunin. Mapapansin din ang presensya ng isang superyor na partido na
sinusuportahan ng karamihan sa mga mamamayan na mahihinuha na kadalasang kinabibilangan
ng Pangulo, at isang inperyor na partidong kadalasang kinabibilangan ng mga mahihigpit na
kritiko ng Administrasyon.

Ang ikalima naman ay ang “Topical o Napapanahon” na political internet memes. Ito ay
pumapaksa sa mga bagay na kagaganap lamang sa pulitikal na ispero tulad ng senate hearings,
state of the nation address, halalan, atbp. Kumpara sa mga naunang kaurian ng meme, mas
tinatapik nito ang esensya ng komedya at humor sa mga pangyayaring ito. Sa kabila ng
pamumutawi ng nakakatawang elemento nito, nasasalamin pa rin ng mga memes na ito ang mga
sosyopulitikal na aspeto ng lipunan. Ang pag-usbong ng mga ito ay maituturing na madalian at
agaran lalo na kung ang paksa nito ay may kakatwa o kakaibang kaligiran.

Isang halimbawa na lamang nito ay ang mga memes na lumabas sa kasagsagan ng


impeachment hearings noong 2012 laban kay dating Punong Mahistrado Renato Corona, kung
saan sa isang sesyon ay makikitang nakatakip ang mga tenga ni Atty. Vitaliano Aguirre [tingnan
ang Apendiks C-20] habang nagtatalumpati si Sen. Miriam Santiago. Ang meme na ito, bagamat
nakakatuwa, ay nagpapakita ng kawalan ng paggalang ng mga taong tinaguriang ‘edukado’ at
‘may naabot’ sa kanilang mga kasamahan sa pamahalaan. Ipinakikita naman ng isa pang internet
meme ang isang abugadong natutulog sa kalagitnaan din ng nasabing hearing [tingnan ang
Apendiks C-21] na naghahayag din ng kaparehong implikasyon.

Sa kararaang State of the Nation Address naman ni Pangulong Duterte, naging usap-
usapan ang muling pagbalik ni Rep. Gloria Arroyo sa House of Representatives nang sya ay
makitang umakyat sa pulpito at nagsisigaw sa mga kongresista at iba pang mga dumalo ng
SONA. Bilang reaksyon, umusbong ang mga memes ng kongresista sa social media na
nagsasabing “I’m back! Ang saya saya!” [tingnan ang Apendiks C-22] na nagpapahiwatig ng
kanyang paggaling sa kanyang sakit na nakuha nang sya ay malitis at maipaaresto. Nasasalamin

20 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
ng memes na ito ang nabanggit nang kultura ng paggamit ng loopholes o palusot ng mga pulitiko
sa tuwing sila ay nalilitis at nasasakdal.

Ang ikaanim na kaurian ay matatawag na “Pangkatatawanan”. Ang kauriang ito ay


naglalaman ng mga elementong may kaugnayan sa mga pulitiko na nakakatawa lamang at
walang esensyang sosyopulitikal. Bagamat purong komedya lamang ang ipinahihiwatig nito,
nakaaapekto pa rin ito gobyerno at sa pulitika dahil sa apela nito sa mga mamamayan. Base sa
mga interpolasyon sa pananaliksik, mahahati ang mga ito sa tatlo.

Ang unang klasipikasyon ay ang “Mapang-uyam” na political internet memes. Ito ay


nakabatay lamang sa pisikal na anyo ng mga pulitiko at masasabing may mapanlait at derogatory
na kaligiran. Isang halimbawa nito ay ang maya’t mayang pagsulpot ng mga internet memes na
hinahamak at dinudusta ang pamilya Binay [tingnan ang Apendiks C-23] dahil sa kulay ng
kanilang balat. Nariyan din ang isa pang meme tungkol sa hitsura ni dating Pang. Aquino III
[tingnan ang Apendiks C-24].

Ikalawa naman ay ang “Wordplay”- kung saan ang mga memes na ito ay kadalasang
naglalaman ng mga pinagtatambal na pulitiko o opisyal ng gobyerno kung saan pinaghahalo ang
kanilang mga pangalan, o di naman kaya’y tinatapik ang konsepto ng puns. Halimbawa na
lamang nito ang mga nausong memes noong 2013 Midterm Elections kung saan pinagsama ang
mga pangalan nina Sen. Lito Lapid at Sen. Loren Legarda na bumubuo sa tambalang “LapiDa”
[tingnan ang Apendiks C-25], at ang apelyidong ‘Duterte’ (na inilarawan bilang ‘Du30’) ay
ginawang ‘Du60’ [tingnan ang Apendiks C-26] kalakip ng pagdodoble ng larawan ng kandidato.

Panghuli ay ang “Spoofing - mga memes na sumasalamin sa konsepto ng pagpaparodiya na


nauna nang nabanggit sa mga nakaraang kabanata. Ang mga linya ng mga pulitiko o opisyal na
tumatatak sa madla ay inilalapat sa magkakaibang konteksto at ginagawang memes. Halimbawa
na lamang nito ay ang katagang “Gusto sana kitang sapakin…kaso bawal manakit ng hayop”
meme ni Sen. Miriam Santiago [tingnan ang Apendiks C-27], at ang slogan na “Tuwid na Daan”
ni dating Pang. Aquino III na ginawan ng meme [tingnan ang Apendiks C-28] kung saan
ipinakita ang pagbabago nito sa tuwing nag-iiba ang pulitiko, personalidad, o samahang
nilalapatan nito.

21 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Ang mga interpolasyong ito ay sumasalamin sa nabanggit nang pahayag ni Pertierra (2012)
na ginagawan na lamang ng katatawanan ang mga pulitiko at opisyales sa gobyerno dahil sa
kanilang pagkadismaya sa hipokrasya at kasinungalingan ng mga ito. Sa madaling sabi, ang
maya’t mayang pangungutya, pagsasakomedya, at humoripikasyon ng mga tao sa pamahalaan ay
nagpapakita ng kawalan ng ‘takot’ ng mamamayan sa kanila lalo pa’t hindi nagiging madaling
matukoy ang pinagmulan ng memes at ang pagkakakilanlan ng mga gumawa nito.

Matapos mapagpangkat-pangkat ang mga political internet memes sa Pilipinas ayon sa


kanilang nilalaman, layunin, at ipinahihiwatig, mahalagang mapag-aralan ang mga nagiging
epekto nito sa persepsyon at kognisyon ng mga Pilipinong madalas na nakakikita dito. Sa
susunod na subseksiyon, inihahatag ang mga opinyon at kapalagayan ng mga gumagamit ng
social media na malimit na makakita ng mga Filipino political internet memes tungkol sa mga
implikasyon nito sa kanilang sosyopulitikal na inklinasyon at panlipunang kamalayan.

C. Persepsyon at Resepsyon ng mga Pilipino sa Filipino Political Internet Memes

Ayon sa mga respondante sa pag-aaral, ang political internet memes ay ang mga memes
na naglalaman ng mga bagay na may kaugnayan sa mga pulitiko, mga opisyales ng gobyerno, at
mga suliranin sa lipunan. Para sa karamihan sa kanila, kadalasang nakahilig ang mga internet
memes na ito sa tema ng katatawanan, at nagiging viral o laganap ang mga ito dahil sa
epektibong aplikasyon ng elemento ng humor sa nilalaman nito na lubusan namang tinatanggap
ng mga taong nakakikita o nakatatangkilik nito. Bagamat para sa pangkawilihang layunin,
mahihinuha rin na may kabuluhan ang mga nilalaman ng mga memes na ito, at ang mababaw na
katangian nito ay nakatutulong upang mas madali itong malaman ng mga tao. Samakatuwid,
nasasalamin ng implikasyong ito ang epidemiolohikal na interpretasyon-dulog ni Sperber (1996)
sa paglaganap ng cultural memes – lalo pa’t ayon na rin sa mga respondante, isang napakabisang
midyum ng diseminasyon at pagpapakalat ng kaisipan ang social media, pati na rin ang internet
sa kabuuan.

Base sa mga tugon na nakuha sa pagpapanayam, mabilis na lumalaganap ang mga


political internet memes at kadalasa’y tinataguriang ‘viral’ ng mga taong madalas na
nakagagamit ng social media sites. Dahil sa pagiging kalat nito sa social media, nasasalamin nito
ang epidemiolohikal na interpretasyon-dulog ni Sperber (1996) at ang mga interpolasyon ni

22 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Shifman (2014) tungkol sa katangian ng social media sites na nabanggit na sa mga naunang
kabanata.

Nang tanungin kung ano ang kadalasang nilalaman ng political internet memes ang
kadalasang nakikita sa social media, walo mula sa sampung respondante ang nagsabi na
karamihan sa mga political internet memes sa kasalukuyan ay tumatalakay sa mga personalidad
sa pamahalaan, at ito ay kinakikitaan ng pag-atake sa pagkatao nila’t hindi nakatuon sa mga
suliraning panlipunan. Sinasabi rin ng mga respondante na laganap na rin ang trolling o
panloloko’t paninira gamit ang impormatibong pityur ng political internet memes na madalas na
nagiging ‘viral’ sa kasalukuyan, at batay sa nabanggit nang depinisyon ng trolls sa naunang
subseksiyon, kakikitaan na nasasalamin din nito ang interpretasyon-dulog ni Dennet (1995)
tungkol sa epekto ng bias sa paglaganap ng cultural memes. Higit pa rito, mas lumalaganap pa
ang mga misimpormasyong ipinahihiwatig ng mga trolls dahil sa mga indibidwal na nagiging
mga replicators nito – kung kaya’t masasabi rin na nasasalamin nito ang interpretasyon-dulog ni
Blackmore (1999) sa replikasyon ng mga memes. Ang esensya rin ng pag-atake sa pagkatao ng
mga opisyales sa pamahalaan at ang panghahamak ng mga tao sa mga pulitiko ay sumusunod din
sa mga argumento ni Pertierra (2012).

Tinitingnan ng ilan sa mga respondante ang mga political internet memes bilang
pagpapahayag ng mga kapalagayan at mga nararamdaman ng mga indibidwal sa likod ng
kompyuter. Ayon sa mga interpolasyon, nakakatulong ang anonimidad at ang malawak na
audience ng social media sa malayang paghahayag ng damdamin. Subalit, ang anonimidad na
hatid nito ay nakapagdudulot din ng paglaganap ng mga kasiraan sa social media. Ang pagdami
ng mga hindi beripikadong user-generated content sa mga sites na ito ay nakaaapekto sa
kognisyon at persepsyon ng mga indibidwal tungkol sa mga nilalaman nito. Ang pagyabong ng
mga pekeng impormasyon ay hindi agarang napipigilan ng mga taga-regularisa ng online
content. Samakatuwid, hindi nagiging obhektibo ang mga nilalaman ng political internet memes
kung kaya’t hindi ito maituturing na mainam na pagkukuhanan ng kabuuang impormasyon.

Dahil na rin sa subhektibo at magkakaibang pananaw, persepsyon, at resepsyon ng mga


mamamayan, ang mga memes na ito ay nakapagbibigay din ng iba’t ibang implikasyon sa
lipunan. Pito sa sampung respondante ang nagsasabi na nakapagbibigay-daan ang mga political

23 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
internet memes sa mga talakayan at diskusyon tungkol sa mga bagay na pinapaksa nito. Ayon sa
mga nakalap na datos, ang malakas na elemento ng humor at ang nakapailalim na elemento ng
satirika ay nakapanghihikayat ng atensyon at interes mula sa mga mamamayan. Mas
napagyayaman nito ang dibersidad ng mga taong nakikilahok sa mga diskursong ito, na
nakapagbibigay din ng maraming perspektiba at punto de vista na maaaring makatulong sa mga
tao upang unawain ang mga kapalagayan ng bawat isa. Ang problema ay kadalasang solong
ibinabatay na lamang ng mga tao ang kanilang mga kaisipan at kapalagayan sa mga nilalaman ng
mga memes na ito, at hindi nila napapatotoohanan ang mga impormasyong nakapaloob dito.
Dahil dito, masasabi ring hindi mapapatunayan kung ang diskursong napayayabong ng mga
memes na ito ay nakabubuti o nakasasama sa mga mamamayan.

Sa kabilang banda, sinasabi naman ng mga respondanteng ito na kadalasang


nababalewala ang mga perspektiba at punto de vista na naibibigay ng diskusyon dahil sa
matinding epekto ng bias sa kognisyon ng mga tao. Ayon pa sa mga resulta ng pag-aaral,
kadalasan ay nagiging ‘toxic’ ang mga comments section dahil sa mga hindi pagkakaunawaan ng
mga taong may kanya-kanyang iniaangat, sinusuportahan, at kinikilingang panig. Tinitingnan ng
bawat kalipunan ng mga tagasuporta ang kampo ng katunggali ng kanilang sinusuportahan
bilang mga kalaban, at ang kanilang ideolohiya ay itinuturing nilang mas nakahihigit kesa sa
mga kaisipang inihahatag ng iba. Dahil dito, nagkakaroon din ng bulag na katapatang loob ang
ilan sa mga gumagamit ng social media sa kanilang mga sinusuportahang pigura ng pulitika, at
iwinawaksi na lamang ng karamihan sa kanila ang mga argumentong nakapaloob sa mga output
ng kabilang kampo. Ang implikasyong ito ay nakapagbibigay ng hinuha na may posibilidad din
na hindi tanggapin ng isang indibidwal ang mga memes lalo pa’t kung ito ay tumataliwas sa
kanyang mga pinaniniwalaan.

Nakaaapekto rin sa kognisyon ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng


misinterpretasyon sa mga political internet memes. Maaaring mabalewala ng mga
nakakatunghay dito ang orihinal na konteksto ng mga bagay na nakapaloob sa meme, lalo pa’t
kung ang pinagtutuunan lamang ng pansin ng mga gumagamit ng social media ay ang elemento
ng humor. Isang salik din sa persepsyon ng mga tao sa mga political internet memes ang
kanilang mga karanasan. Kadalasang napatotoohanan ng mga taong ito ang mga nilalaman ng

24 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
mga memes na ito, at ang kanilang penomelohikal na akorda ay nagiging isang mabisang
sandigan ng mga nabanggit na memes.

Sa kaso naman ng mga taong wala pang karanasan tungkol sa mga bagay na pinapaksa ng
memes, ang limitadong impormasyong inihahatid nito ay maaaring maging suplemento para sa
kanilang pangunang kaalaman ukol sa isyu, ngunit katulad ng nauna nang nabanggit,
kakailanganin pa rin ng mas malalalimang pagpapatotoo na makukuha sa pagsasaliksik upang
mas maging mabisa ang interpretasyon sa memes. Nakapagbibigay din ito sa kanila ng
panibagong lente sa pagtingin sa mga nangyayari sa ating lipunan, at masasabing pinuputok nito
ang bula ng pribelehiyong kinapapalooban nila.

Sa huli, makikita na ang paglaganap ng mga political internet memes ay lubhang


nakaaapekto sa pulitikal na diskurso sa bansa. Ipinararating ng karamihan dito ang kalagayang
sosyopulitikal ng bansa, hindi man batay sa nilalaman, kundi sa mga implikasyon nito.
Nasasalamin nito ang kognisyon, persepsyon, resepsyon, at reaksyon ng mga tao tungkol sa mga
bagay na pinapaksa ng mga political internet memes na ito. May kakayahan ang mga ito na
makapagpahayag at makapagpalaganap ng mga pulitikal na inklinasyon, at may kapasidad ang
mga itong magbukas ng mga bagong usapan tungkol sa mga sosyopulitikal na isyu.

V. Konklusyon: Ang mga Implikasyon ng Political Internet Memes sa Lipunang Pilipino

Nauna nang naitatag ng mga nakaraang pag-aaral ang mga implikasyon ng midya sa
pulitika. Subalit sa pagpasok ng panibagong anyo ng midya sa internet – tulad ng user-generated
media content sa konteksto, napag-alaman na nagbukas ito ng mga panibagong implikasyon sa
lahat ng uri ng talastasan, kabilang na sa pulitika.

Ang political internet memes, bilang isang uri ng user-generated media, ay masasabing
nakapagdulot ng mga pagbabago sa pulitikal na diskurso. Nabanggit nang nakapagbibigay-daan
sa mga panibagong usapan ang mga political internet memes, at nakahihikayat ito ng atensyon,
partisipasyon, at interes mula sa mga mamamayan. Masasabing nakapagdudulot din ito ng mga
pagbabago sa pananaw ng mga tao, mapa-positibo man o negatibo ang epekto, dahil sa
impormatibong pityur nito. Napatunayan din na bagamat may satirikal na kaligiran ang mga
memes na ito, mas nagiging dominante ang mga negatibong implikasyon nito sa lipunan dahil sa

25 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
pagiging ‘di-mapagkakatiwalaan’ ng mga pinanggagalingan ng mga memes na ito, kung kaya’t
nalilimitahan ang benepisyong naidudulot nito sa pulitikal na diskurso bilang tagapukaw lamang
ng interes at tagapagpahayag ng mga saloobin. Samakatuwid, mahihinuha na ang pagiging
kritikal pa rin ng mga mamamayan ang pinakamahalagang salik sa pagiging epektibo at esensyal
ng mga political internet memes pagdating sa pulitikal na diskurso.

Dahil na rin sa mababang pagturing ng mga nakatataas sa mga political internet memes,
hindi ito nakapagdudulot ng malawakang pagbabago sa bansa. Ang mababaw at komedikong
kaligiran nito ay maituturing na salik ng pagwawaksi ng mga opisyales at mga makapangyarihan
sa mga memes na ito, kung kaya’t mas mainam na gumamit ng mga mas pormal na paraan upang
iparating sa mga nakatataas ang mga pagbabagong naiisip at naibabalangkas para sa pag-unlad
ng bayan. Hindi nito ipinalalagay na hindi mahalaga ang political internet memes pagdating sa
political dynamics sa bansa, sapagkat ang mahahalagang elementong inihahatid nito ay implisit
na ipinahahayag at hindi agarang nakikita. Iniimplika lamang nito na hindi sapat na
pagbabasehan ng konkretong kapalagayan ang mga memes na ito upang magkaroon ng mabisa at
epektibong kamalayan. Sa huli, nararapat lamang nating gamitin ang political internet memes
upang magbukas ng mga bagong anyo ng talastasan, at maging kritikal sa asesment at
interpretasyon sa mga ito para sa mas epektibong pulitikal na talakayan at diskurso sa Pilipinas.

BIBLIOGRAPIYA
Bartels, L. M. (1993). Messages received: The political impact of media exposure. American
Political Science Review, 87, 267-285. doi: http://dx.doi.org/10.2307/2939040

Bauckhage, C. (2011, July). Insights into internet memes. Paper presented at the Fifth
International
AAAI Conference on Weblogs and Social Media (ICWSM-11), Barcelona, Spain.
Makukuha mula sa researchgate.net

Baumgartner, J., at Morris, J. (2006) .The Daily Show effect. American Politics Research, 34(3),
341-367. doi: 10.1177/1532673X05280074

Bennett, W. L., Freelon, D. G., Hussain, M. M., & Wells, C. (2012). Digital media and youth
engagement. In H. A. Semetko & M. Scammell (Eds.), The SAGE handbook of political
communication (pp. 127-142). Thousand Oaks, CA: SAGE Publications Inc.

26 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Bimber, B. (2012). Digital media and citizenship. In H. A. Semetko & M. Scammell (Eds.), The
SAGE handbook of political communication (pp. 115-126). Thousand Oaks, CA: SAGE
Publications Inc

Blackmore, S. (1999). The meme machine. Oxford, UK: Oxford University Press.

Bolce, L., De Maio, G., & Muzzio, D. (1996). Dial-in democracy: Talk radio and the 1994
election.
Political Science Quarterly, 111, 457-481. Mula sa http://www.jstor.org/stable/2151971

Borzsei, Linda K. 2013. “Makes a Meme Instead: A Concise History of Internet Memes.” New
Media Studies Magazine 7.

Cabanes, J. at Cornelio, J. (2017). The rise of trolls in the Philippines (and what we can do about
it)”. In N Curato (ed) A Duterte Reader: Critical Essays on the Early Presidency of
Rodrigo
Duterte. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, pp. 233-252.

Calimbo, A. (2016). Deconstructing Myths Via Humor: A Semiotic Analysis of Philippine


Political Internet Memes. CASS Langkit Journal, MSU-Iligan Institute of Technology,
Philippines, Vol. 6.

Chandler, R. C. (2013). Meme world syndrome: A critical discourse analysis of the first world
problems and third world success internet memes. Mula sa
http://etd.fcla.edu/CF/CFE0004828/Chandler_Robert_C_3127154_MA.pdf

Chick, G. (1999). What’s in a Meme? The Development of the Meme as a Unit of Culture. Mula
sa http://www.personal.psu.edu/gec7/Memes.pdf

Dalton, R., Beck, P. A. & Huckfeldt, R. (1998). Partisan cues and the media: Information flows
in
the 1992 presidential election. American Political Science Review, 92, 111-126. Mula sa
https://www.jstor.org/stable/2585932

Davidson, P.(2012). The Language of Internet Memes. In The Social Media Reader.
Mandiberg,

27 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
M. ed. New York University. Mula sa https://ia902603.us.archive.org/35/items/
TheSocialMediaReader/MandibergtheSocialMediaReader-cc-by-sa-nc.pdf

Dennet, D. (1995). Darwins Dangerous Idea. Great Britain: Allen Lane The Penguin Press.

Diaz, C. (2013). Defining and Characterizing the concept of Internet Meme. Mula sa
www.scielo.
org.co/scielo.php?script=sci_arttext&pid=S2011-30802013000200007

‘FirstWebDesigner’ Organization. (2015). The Power of Internet Memes and a lot of fun along
the way. Mula sa https://1stwebdesigner.com/power-internet-memes/

Geronimo, J. (2016). Grace Poe a natural born Filipino – Supreme Court https://www.rappler.
com/nation/politics /elections/2016/125492-supreme-court-main-decision-grace-poe

Guadagno, R. E., Rempala, D. M., Murphy, S., & Okdie, B. M. (2013). What makes a video go
viral? An analysis of emotional contagion and internet memes. Computers in Human
Behavior, 29(6), 2312-2319. doi:10.1016/j.chb.2013.04.016

Hayward, B. (2016). Internet Influence and Meme Culture. Mula sa http://www.matchcollegiate


.org/2016/09/22/internet-influence-and-meme-culture/

Huntington, H. (2017). The Affect and Effect of Internet Memes: Assessing Perceptions and
Influence of Online User-Generated Political Discourse as Media. Mula sa
https://mountainscholar.org /bitstream/handle/10217/183936/Huntington_colostate_005
3A_ 14303.pdf?sequence=1

Kim, Y. M., & Vishak, J. (2008). Just laugh! You don’t need to remember: The effects of
entertainment media on political information acquisition and information processing in
political judgment. Journal of Communication, 58(2), 338-360.
doi:10.1111/j.14602466.2008.00388.x

Knobel, M. (2006). Memes and affinity spaces: Some implications for policy and digital divides
in education. E-Learning and Digital Media, 3(3), 411-427. Mula sa
http://www.wwwords.co.uk/

28 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Knobel, M., & Lankshear, C. (2007). Online memes, affinities, and cultural production. In M.
Knobel & C. Lankshear (Eds.), A new literacies sampler (pp. 199-227). New York, N.Y.:
Peter Lang.

Kobierecki, M. (2014). Internet Memes as an Example of Political Dissatisfaction of Poles on the


Internet. Mula sa https://www.researchgate.net/publication/289538098_Internet_Memes
_as_an_Example_of_Political_Dissatisfaction_of_Poles_on_the_Internet

Kolawole, O. (2015). Classification of Internet Memes. Mula sa https://repositories.lib.


utexas.edu/handle/2152/35301

Lerona, K. (2016). Paano nga ba ang tamang paraan ng paggamit ng Social Media?
Mula sa https://medium.com/@ken.lerona/paano-nga-ba-ang-tamang-paraan-ng-pag-
gamit-ng-social-media-fa41e64041df

Levine, T. (2015). Philippine Department of Tourism: Destination Branding Through “It’s More
Fun in the Philippines”. Mula sa http://fletcher.tufts.edu/~/media/Fletcher/
Microsites/IBGC/pdf/Student%20Research/Final_Levine.pdf

Lim, M., Macias, K., Riparip, D., at Duritan, J. (2016). Online Political Meme and its Influence
on Philippine Millenials’View on Presidential Candidates. 3rd International Conference
on
Arts and Humanities, 3, 54-62. DOI: https://doi.org/10.17501/icoah.2016.3108

Miller, A. H., Goldenberg, E. N., & Erbring, L. (1979). Type-set politics: Impact of newspapers
on public confidence. The American Political Science Review, 73, 67-84.
Mula sa http://www.jstor.org/stable/1954731

Milner, R. M. (2012). The world made meme: Discourse and identity in participatory media
(Doctoral dissertation). Makukuha sa ProQuest Dissertation and Theses (Order No.
3541828, University of Kansas). Nabuksan sa pamamagitan ng sci-hub.tw

Pertierra, R. (2012). The New Media, Society & Politics in the Philippines. Mula sa
http://library.fes.de/pdf-files/bueros/asia-media/09241.pdf

29 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Punay, E. (2018). Court of Appeals clears Junjun Binay in P 2.28 B Administrative Case. Mula
sa https://www.philstar.com/nation/2018/05/08/1813083/court-appeals-clears-junjun-
binay-p228-billion-administrative-case
Rainie, L., Smith, A., Lehman Schlozman, K., Brady, H. & Verba, S. (2012). Social media and
political engagement. Pew Internet & American Life Project. Mula sa
http://pewinternet.org/Reports/2012/Political-engagement.aspx

Runsewe, K. (2016). Why are Internet Meme’s so popular?. Mula sa


http://thecircular.org/internet-
memes-popular/

Shifman, L. (2014). Memes in digital culture. Cambridge, MA: The MIT Press.

Sperber, D. (1996). Explaining Culture: A Naturalistic Approach. Oxford, UK: Blackwell


Publishers Ltd.

Stromer-Galley, J., & Bryant, L. (2011). Agenda control in the 2008 CNN/YouTube debates.
Communication Quarterly, 59, 529-546. doi:10.1080/01463373.2011.614212

Van Dijk, J. (2009). Users like you? Theorizing agency in user-generated content. Media,
culture,
and society, 31(1), 41. doi: 10.1177/0163443708098245

Varona, K.Y. (n.d.) The role of internet memes in public discourse on the 2013 pork barrel case
in
the Philippines. Mula sa http://asianmediacongress.org/varona.pdf

APENDIKS A
Ang mga Pigura sa Korpus III-B

30 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
Apendi Larawan Pinagkunan
ks
A-1 www.twitter.com

A-2 www.facebook.com

A-3 www.facebook.com

A-4 www.twitter.com

31 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
A-5 https://1stwebdesigner.com/po
wer-internet-memes/

A-6 http://www.matchcollegiate.org
/2016/09/22/internet-influence-
and-meme-culture/

A-7 http://thecircular.org/internet-
memes-popular/

32 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
APENDIKS B
Ang mga Pigura sa Korpus III-C
Apendiks Larawan Pinagkunan
B-1 www.twitter.com

B-2 www.facebook.com

B-3 www.facebook.com

B-4 www.facebook.com

33 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
B-5 www.facebook.com

B-6 www.twitter.com

B-7 www.twitter.com

34 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
APENDIKS C
Mga Pigura sa Korpus IV-B
Apendiks Larawan Pinagkunan
C-1 www.google.com

C-2 www.facebook.com

C-3 www.facebook.com

C-4 www.facebook.com

C-5 www.google.com

35 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
C-6 www.facebook.com

C-7 www.facebook.com

C-8 www.google.com

C-9 www.google.com

C-10 www.facebook.com

36 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
C-11 www.facebook.com

C-12 www.facebook.com

C-13 www.facebook.com

C-14 www.facebook.com

C-15 www.google.com

37 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
C-16 www.facebook.com

C-17 www.twitter.com

C-18 www.twitter.com

C-19 www.facebook.com

C-20 www.google.com

38 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
C-21 www.google.com

C-22 www.facebook.com

C-23 www.google.com

C-24 www.google.com

C-25 www.google.com

39 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
C-26 www.facebook.com

C-27 www.google.com

C-28 www.google.com

40 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a
APENDIKS D
Semi-Structured na Gabay sa Pagpapanayam
I. Asesment

-Madalas ka bang nakagagamit ng social media?

-Anong mga social media sites ang malimit mong gamitin?

-Ano ang mga user-generated media na madalas mong makita sa mga sites na ito?

-Madalas ka bang nakakikita ng mga internet memes? Anu-ano ang kalikasan ng mga ito?

-Pamilyar ka ba sa mga internet memes na may sosyo-pulitikal na kaligiran?

II. Korpus ng Pagpapanayam

-Anu-anong mga political internet memes ang madalas mong nakikita sa social media?

-Ano ang masasabi sa mga ito?

-Sa tingin mo, ano ang layunin ng mga tao sa paggawa nito?

-Ano ang nagiging epekto nito sa sosyo-pulitikal na inklinasyon ng mga mamamayang


nakakikita o tumatangkilik dito?

-Sa tingin mo ba nakaaapekto ito sa political dynamics sa ating bansa?

-Sa tingin mo, nakaaapekto ba ito sa kognisyon at persepsyon ng mga tao?

-Sa tingin mo ba, may mahalagang implikasyon ang political internet memes pagdating sa
pulitikal na talastasan o diskurso?

Remarks:
-political dynamics: paraan ng pagbababa ng direktiba, paraan ng pamamahala, kagawian ng mga opisyal
-pulitikal na talastasan: usapan sa comments sections ng mga karaniwang mamamayan; diskurso ng mga
mamamahayag, etc na may kinalaman sa pulitika
-kognisyon: way of thinking, persepsyon: way of viewing things

41 | S a t i r i k a s a S o c i a l M e d i a

You might also like