You are on page 1of 11

KAUGNAYAN NG KAMALAYAN SA BALARILA AT KASANAYAN

SA PAGSULAT NG TEKSTO NG MGA MAG-AARAL SA


IKASIYAM NA BAITANG SA PAGSANJAN INHS

Isang Tesis
na Iniharap sa Lupon ng mga Guro sa Panggradwadong
Pag-aaral at Aplayd Riserts sa Laguna State
Polytechnic University Main Campus
Santa Cruz, Laguna

Bilang Bahagi ng
Pangangailangang Itinakda sa Pagtatamo ng
Titulong Pandalubhasaab ng Sining sa Pagtuturo
ng Edukasyon Medyor sa Filipino

DARNNEL AMIL TRINIDAD


Setyembre 2018
Kabanata 1

ANG PAG-AARAL AT SALIGAN NITO

Panimula

Ang liping Pilipino ay masasabing sagana at mayaman sa panitikan.

Isang paraan upang mabatid ang kasaysayan, kultura, tradisyon at kaugalian

ng mga tao. Maaaring ipahayag nang pasalita o pasulat ang mga kaisipan at

damdamin hinggil sa ninanais ipahiwatig ng sarili. Ayon kay Bisa, ang

panitikan ay salamin ng lahi. Malaki ang naiaambag ng panitikan sa

kabihasnan, pananampalataya, pamumuhay at pag-uugaling panlipunan ng

isang bansa. Hangga't nabubuhay ang isang tao sa mundo, ang panitikan ay

hindi maglalaho o mawawala.

Anyo ng panitikan ang pagsulat ng sanaysay na makatutulong upang

malinang ang abilidad ng bawat isa sa mga paraan ng paglikha o pagsulat ng

akdang ginagamitan ng mga modal upang maging wasto at tiyak ang

paghahatid ng kaisipan ng bawat pahayag. Kinakailangan din ng isang

epektibong sanaysay ang pagiging makatotohanan, kapani-paniwala, may

lalim at may puso na nagmumula sa personal na ideya ng isang manunulat.

Ang isang teksto ay binubuo ng mga talata na nakatuon sa pangunahing

paksa. Lipon din ng mga pangungusap ang isang talata na maituturing bilang

pantulong na detalye.

Ang pangungusap ay isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag

ng isang buong diwa. Binubuo ng simuno o paksa at panaguri o komento.


Ang kakayahan ng isang tao na makapagsulat ay likas na biyaya o kaloob

ng Dakilang Lumikha, ngunit hindi madali ang pagsulat ng isang teksto

sapagkat nangangailangan pa rin ito ng pamamaraan at gabay ng isang

tunay na manunulat, nasasalamin din ng pagsulat natin ng teksto ang ating

pagkatao.

Sapagkat, ang mga salitang ginagamit at inililimbag natin ay nagmula sa

ating isip na isang paraan upang maibubulas ang ating mga pananaw, ideya,

opinyon at saloobin. Madalas na pinipili ng mga manunulat at mag-aaral na

maging paksa ng kanilang sulatin ay yaong nakabatay sa kanilang interes at

kawilihan na iinog sa mga ideya nais pagtuunan at bigyang-pansin.

Ibig sabihin lamang na ang pangungusap at sanaysay ay magpapatuloy

sa panulat ngayon at sa susunod pang panahon.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Kaugnayan ng Kamalayan sa

Balarila at Kasanayan sa Pagsulat ng Teksto ng mga Mag-aaral sa Ikasiyam

na Baitang sa Pagsanjan Integrated National High School”. Nilalayon nito na

mapataas pa lalo ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral pagdating sa

balarila sa asignaturang Filipino.

Ito ay kinapapalooban ng mga sumusunod na kaalamang at

kasanayang pambalarila, ang aspekto ng pandiwa, tamang gamit na salita,

bahagi ng panalita bilang pangngalan at panghalip, uri ng teksto tulad ng

deskriptibo, naratibo, impormatibo, argumentatibo, persweysiv.


Sa ngayon, karamihan sa mga mag-aaral ay hirap unawain at suriin ang

mga pahayag sa isang teksto na kanilang nababasa na nagtataglay ng

kayariang pambalarila.

Kasabay ng paglipas ng panahon sa buhay ng tao ang pagkalimot ng

ilang mambabasa sa kahalagahan ng kamalayan sa gamit balarila o

gramatika upang magkaroon ng mabisang pahayag at nilalaman ang isang

sulatin o teksto. Isang balakid sa mga mag-aaral kung papaano magagamit

ang balarila sa pagsulat ng sariling pangungusap at sanaysay, nasaksihan ng

mananaliksik ang kalagayan ng mga mag-aaral sa kasanayan pagsulat ng

teksto na isinasaalang-alang ang paggamit ng kayariang pambalarila.

Ayon kay Faeldon (2009), dapat isinasaisip na ang maayos na

pagkakasulat ng isang sulatin ay isang kalinangan na dapat isaalang-alang.

Sa pagsulat, kailangan din na ang lahat ng salitang gagamitin ay may

wastong baybay. Hindi rin dapat kaligtaan na ang wastong pagbabantas at

ang angkop na anyo ng teksto na gagamitin sa pagsulat.

Ang pagsulat ng mga salita at kayarian ng pangungusap ay

makatutulong upang madaling matandaan ng mga ito ang paggamit ng wika

sa pagsulat, bunga ng isang masusing pag-aaral. Kapag nalinang ang

kasanayang panggramatika, hindi nagiging mahirap para sa interpretasyon

(Aguirre, 2014).ay

Ayon Kara David (2008), ang pagsusulat ay katumbas ng

pagkukuwento. Ang manunulat ang nagkukuwento. Ang pagsusulat ay hindi


lang tungkol sa salita. Kasama rito ang pag-iisip ng paksa, pananaliksik,

pagtatanong at marami pang iba.

Kaya’t hinahangad ng pag-aaral na ito, alamin ang kaugnayan ng

kamalayan sa balarila at kasanayan sa pagsulat ng teksto. Upang

makapagbigay na rin ng maayos at mahusay na paghahanap ng mga sagot

mula sa inilahad na katanungan para sa pananaliksik na ito.

Batayang Teoretikal

Kaugnay sa mga prinsipyo at teorya ibinatay sa pagbuo ng

mungkahing Kamalayan sa Balarila at Kasanayan sa Pagsulat ng Teksto,

naisagawa at naisaayos ang pananaliksik na ito.

Isinasaad sa teoryang sosyo-kognitibo na ang pagkatuto ay may

batayang panlipunan at ito ay isang prosesong interaktibo. Nangangahulugan

ito na ang kognisyon o pag-unawa ay naaapektuhan ng maraming salik gaya

ng iskema ng mga mag-aaral at konteksto (Lalunio, 1990).

Ayon kay Gerard (1996), may limang sangkap sa malikhaing

sanaysay, una, mayroon itong malinaw na sabjek at isang malalim na sabjek.

Pangalawa, sumusunod ito sa katangian ng paksa sa peryodismo na

napapanahon. Pangatlo, nagsasalaysay ito ng isang magandang kuwento

gamit ang estruktura ng maikling kuwento. Pang-apat, isang pagmumuni-

muni ito ng may-akda. Panghuli, pinahahalagahan nito ang sining ng

pagsulat.

Ayon kay Flavell (1979), naniniwala ang teoryang ito ng pagsulat na

ang pagkatutong sumulat ay hindi lamang pagtatamo ng mga kasanayan


kundi pagpasok sa isang kulturang pangkapaligiran. Nagkakaroon ng higit na

motibasyon at natututong sumulat ang mga mag-aaral kung may layunin ang

gawain.

Balangkas Konseptuwal

Ang paradima ng pag-aaral ay binubuo ng Malayang Baryabol at Di-

Malayang Baryabol upang mabigyang linaw at kasagutan ang mga inilahad

na katanungan hinggil sa pananaliksik na may pamagat na “Kaugnayan ng

Kamalayan sa Balarila at Kasanayan sa Pagsulat ng Teksto ng mga Mag-

aaral sa Ikasiyam na Baitang sa Pagsanjan Integrated National High School”.

Ang Malayang Baryabol ay naglalaman ng mga kamalayan at

kasanayan sa balarila, ang aspekto ng pandiwa, tamang gamit na salita,

bahagi ng panalita bilang pangngalan at panghalip. Hangad nito na

mabigyang linaw at kasagutan ang mga inilalahad na katanungan hinggil sa

pananaliksik na may pamagat na Kaugnayan ng Kamalayan sa Balarila at

Kasanayan sa Pagsulat ng Teksto ng mga Mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang

sa Pagsanjan Integrated National High School”.

Ang instrumento sa pagtataya ay binubuo ng mga pagsasanay na may

kinalaman sa kamalayan at kasanayang pambalarila. Mayroon ding

talatanungang sasagutan ang mga mag-aaral para sa kanilang profayl.

Mayroon ding rubrics na susundin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng teksto.

Ang Di-Malayang Baryabol ay naglalaman ng uri ng teksto, ang

deskriptibo, naratibo, impormatibo, argumentatibo at persweysiv.


PARADIMA NG PAG-AARAL

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

Kamalayan at Uri ng Teksto


Kasanayan sa
Balarila  Deskriptibo
 Naratibo
 Aspekto ng  Impormatibo
Pandiwa  Argumentatibo
 Tamang Gamit  Persweysiv
na Salita
 Bahagi ng
Panalita
a. Pangngalan
b. Panghalip

Figyur 1. Ipinapakita sa Figyur 1 ang Malayang Baryabol at Di-Malayang

Baryabol ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para malaman ang “Kaugnayan

ng Kamalayan sa Balarila at Kasanayan sa Pagsulat ng Teksto ng mga Mag-

aaral sa Ikasiyam na Baitang sa Pagsanjan Integrated National High School”.

Ang pag-aaral na ito ay sinikap na sagutin ang sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang kamalayan sa balarila ng mga tagasagot batay sa:

1.1 aspekto ng pandiwa

1.2 tamang gamit na salita

1.3 bahagi ng panalita


2. Ano ang kasanayan ng mga tagasagot sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng

teksto:

2.1 deskriptibo

2.2 naratibo

2.3 impormatibo

2.4 argumentatibo

2.5 persweysiv

3. Ano ang mean score ng mga mag-aaral sa pagsasanay sa balarila at

pagsulat ng teksto o komposisyon?

4. May makabuluhan ba ang kaugnay na mga salik sa kamalayan sa balarila

at kasanayan sa pagsulat ng teksto ng mga mag-aaral?

Pagbuo ng Hinuha

Walang makabuluhang kaugnayan ang kamalayan at kasanayang

pambalarila sa iskor sa pagsulat ng teksto.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwala na ang kinalabasan ng pag-aaral na

ito ay lubos na makatutulong sa mga sumusunod :

Pansangay na Tagapamanihala ng Asignaturang Filipino.

Magagamit ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng direksyon ang mga

tagapamanihala ng asignaturang Filipino kung ano ang epektibong paraan ng

pagbuo para sa kagamitang pampagkatuto. Ang mga pamamaraan upang


maging mabisa ang kanilang pagsusulat at mga tulong na naibibigay nito

upang maging tiyak ang kaalaman sa pagsulat ng teksto o komposisyon.

Namamahala sa Paaralan. Magagamit ang mga datos na nakuha

upang mabatid ng namamahala sa paaralan kung papaano malulutas ang

ilan sa mga dahilan ng hindi pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagsulat ng

teksto. Madaling makapag-iisip ng mabisang estratehiya upang matiyak ang

kalinangan ng mga mag-aaral sa kasanayang pagsulat.

Sa mga Guro. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga guro upang

magkaroon ng karagdagang kaalaman patungkol sa balarila partikular sa

pagsulat ng iba’t ibang teksto. Maipakikita ang gamit ng aspekto ng pandiwa,

tamang gamit na salita, pangngalan, panghalip sa pagsulat ng komposisyon

ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang mga bagay na makatutulong

upang magamit ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral.

Sa mga Mag-aaral. Magagamit ang pag-aaral na ito upang maipakita

ang kahalagahan at tulong na ibinibigay ng gramatika sa pagsulat ng

pangungusap at sanaysay sa pag-aaral ng Filipino. Ang mga paraan na

kaugnay sa paglinang sa kayariang pambalarila. Ang mga tulong na

naibibigay nito upang maging tiyak ang pagsulat ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino.

Sa mga Mananaliksik. Makatutulong ang pag-aaral na ito sapagkat

maaari itong magamit na salalayan sa kanilang gagawing pag-aaral.

Magiging batayan upang mapalawak at magkaroon ng ideya sa kanilang


pananaliksik at makapagbigay ng mga kaugnay na impormasyon sa kanilang

paksang tatalakayin o sasaliksikin.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Kaugnayan ng Kamalayan sa

Balarila at Kasanayan sa Pagsulat ng Teksto ng mga Mag-aaral sa Ikasiyam

na Baitang sa Pagsanjan Integrated National High School”.

Ang pag-aaral na ito ay ang mga baryabol, antas ng kamalayan ng

mga mag-aaral at kabuluhang ugnayan ng kamalayang pambalarila sa

pagsulat ng teksto. Ang mga tagasagot sa pag-aaral na ito ang dalawampu’t

tatlong (23) lalaki at dalawampu’t dalawang (22) babae na may kabuuang

apatnapu’t lima (45) na mag-aaral mula sa Ikasiyam na Baitang Seksyon

Alcala sa Pagsanjan Integrated National High School.

Ang mga mag-aaral ay magsisilbing tagasuri at tagaanalisa sa pag-

aaral na ito. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Ikatlong Markahan ng

kasalukuyang Panuruang Taon 2018-2019.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Balarila. Ang pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita, tamang paggamit

ng mga salita at tamang pagkakaugnayan ng mga salita sa isang pahayag.

Kamalayan. Ang kaalaman at pag-unawa sa balarila o gramatika.

Kasanayan. Tumutukoy ito sa abilidad o maaaring natutunang

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sariling teksto o komposisyon.


Mag-aaral. Pangunahing tagasagot sa ginagawang pananaliksik na

nagbibigay tukoy sa mga estudyante ng Ikasiyam na Baitang Seksyon Alcala

sa Pagsanjan INHS.

Pagsanjan INHS. Ang paaralan o lugar kung saan isinagawa ng

mananaliksik ang pagpili ng respondente para sa pag-aaral.

Pagsulat. Isa sa mga makrong kasanayan na nalilinang ang paggamit

ng wika sa paraang paglilimbag ng mga simbolo o titik.

Pandiwa. Ang mga salitang nagsasaad ng kilos/galaw kontemplatibo,

imperpektibo, perpektibo at perpektibong katatapos.

Panghalip. Ang mga salitang pamalit o panghalili sa ngalan ng tao,

bagay, hayop, lugar, pangyayari at kaisipan.

Pangngalan. Ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,

hayop, lugar, pangyayari at kaisipan.

Salita. Isa-isang binibigkas at isinusulat sa maayos na pagkakasunod-

sunod ang mga titik na bumubuo sa salita.

Teksto. Tumutukoy sa anumang sulating mababasa ninuman, katulad

ng deskriptibo, naratibo, impormatibo, argumentatibo at persweysiv.

You might also like