You are on page 1of 42

Introduksiyon

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng

kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at

damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat, ayon kay Engr.John

Rommer Carabal.

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit

ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ngunit paano nga ba natutunan ang

wika? Ang pagkatuto ng wika ay may mga teorya o paniniwala na mga

pinaniniwalaan ng tao, may sabi-sabing natututo ang tao sa isang wika dahil sa

panggagaya ng mga tunog na naririnig sa kalikasan o paligid na naging daan sa

pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ng mga taong nasa isang lugar.

Ang isang bansa ay may isang wika na siyang pagkakakilanlan nito. Wala

ang isang bansa kung wala ang tao, ang tao na kumukumpleto sa isang bansa

gamit ang kanilang sariling kultura, paniniwala, at wika. Sa araw-araw na

pakikisalamuha sa iba’t ibang tao, may iba-ibang pagpapakahulugan ang bawat

isa sa kanya-kanyang kilos, gawi, at kung ano ang nais ipahiwatig sa kapwa.

Kung kaya’t ang isang wika ay sining dahil maaaring gawing maganda o

nakaaakit ang isang wika sa pamamagitan ng pagpapahayag sa paraang pasulat

o pasalita.

1
May lipon ng mga salita na bumuo sa wika na siyang nag-uugnay at nag-

iisa sa mga tao sapagkat nagsisilbing daan ang wika sa pagkakaunawaan at

pagkikilanlan sa landas na kinabibilangan ng bawat isa. Tunay ngang kailangan

ng isang tao ang wika lalong-lalo na sa pagsasalita at pagsusulat upang maging

daan ng pagpapahayag ng kanyang ideya, saloobin, paniniwala at nadarama. Sa

pagpapahayag ng mga saloobin o nadarama ang tao’y maaaring gumamit ng

matatalinghagang salita o mabulaklaking mga tanaga na siyang nagpapaganda

sa pandinig ng mga nakikinig at nagpapaganda sa mata ng mga mambabasa.

Ayon kay Arrogante (2009) matatawag na masining ang pagpapahayag

kung nakabatay ang pagsasagawa sa arte na sinisimulan sa maayos na pag-

iistruktura at maimahinasyong paggamit ng wika. Ipinapaloob dito ang mga

tiyak na emosyon upang umapela sa mga pandama ng mga kinauukulan, tuloy,

pukawin sa isipan ang mga posibleng modelo ng mga karanasang pantao.

Binanggit din ni Sauco (1998) ang patalinhagang pagpapahayag ay

sinasadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging

kaakit-akit, maharaya at mabisa ang pagpapahayag. Ito’y nakapag-daragdag ng

kagandahan sa isang katha, pasalita man o maging pasulat.

Sa ibang salita ang paggamit ng patalinghagang pagpapahayag ay

magiging kaakit-akit sa mga mata ng tao ang isang katha. Makahahasa sa isipan

ng tao sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga ibig ipakahulugan ng mga katha at

hindi ang literal na kahulugan ng matalinghagang salita.

2
Ayon naman kay Abad (2003) ang tayutay ay sinadyang paglayo sa

karaniwang kahulugan ng mga salita upang gumana ang guni-guni, at gawing

lalong maharaya, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Ang paggamit ng

tayutay ay nakapagdaragdag sa kalinawan, kapamigatan at kagandahan ng

isang katha o akda, pasalita man o pasulat.

Ang tao ang siyang pinakamatalino sa lahat ng nilikha ng Maykapal.

Kung kaya’t sa kanilang pagpapahayag, sa anyong pasalita o pasulat ay

nilalagyan nila ito ng sining na siyang nagtatago ng kahulugan sa bawat

salaysay na kanilang inihahayag sa pamamagamitan ng mga salitang

matatalinghaga. Sa pagtago o paglayo ng kahulugan ng mga tayutay o

matalinghagang salita ay siyang nagpapagana sa isip ng tao, guni-guni, at

imahinasyon. Hindi lang nagpapagana sa isip ng mga tao, kundi nagpapaganda

rin sa mga katha na siyang nagpapaakit nito. Upang ang tao ay mag-angkin ng

isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag gamit ang matatalinhagang

salita, nararapat na paunlarin niya ang kanyang kahusayan at kasanayan sa mga

salitang ginagamit sa matatalinhagang salita. Ang mga salitang ito ang magiging

gabay ng isang tao sa pag-unawa ng matatalinhagang salita tulad ng tayutay.

Sa ibang panig, ang idyoma ay mga di-tuwiran o di-tahasang

pagpapahayag ng gustong sabihin na may kahulugang patalinghaga. Ang

kahulugan ng idyoma ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita.

Ang mga idyoma ay tinatawag ding idyomatikong pahayag o sawikain sa ating

wika. Upang maging mabisa ang paggamit ng mga idyoma sa pagpapahayg,

3
kailangang batid ng isang nagpapahayag ang iba’t ibang halimbawa nito, ng

kahulugan ng bawat isa at kung paano gagamitin ang mga iyon sa

pangungusap.

Ang mga idyomatikong pahayag ay ginagamit sa pang-araw-araw na

komunikasyon, sa paraang pasalita man o pasulat. Ginagamit ang mga ito mula

sa mga pag-uusap hanggang sa diyaryo, radyo, telebisyon, akademikong

talakayan, siyentipikong paglalahad, maging sa mga nobela, kuwento, tula at iba

pang anyong pampanitikan.

Hinggil sa artikulo na “Investigating the Difficulties Faced in Understanding

English Idioms”, isa sa mga suliranin ng mga mag-aaral sa matatalinghagang

salita ay ang pag-unawa sa ibig ipakahulugan ng matalinghagang salita, dahil sa

mga mabulaklaking salita hindi madaling maunawaan o makuha ng mga mag-

aaral ang kahulugan ng matalinghagang salita sa isang tinginan o basahan

lamang. Ang mananaliksik ay may suliranin din sa pag-aaral ng

matatalinghagang salita kung kaya’t nagbigay din ito ng dahilan upang pag-

aralan ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng

matatalinghagang salita at alin sa mga ito ang lubos nilang natutunan.

Kung kaya’t sa pagtuturo ng matatalinghagang salita nararapat lamang

na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang matatalinghagang salita tulad ng

idyoma at tayutay, at makatotohanang gawain nito upang iparanas sa kanila ang

pagsisisid ng mga tunay na kahulugan ng mga pahayag.

4
Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pananaliksik na ito na makapagsagawa ng pananaliksik ukol

sa “Ang Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pangangalakal ng

Bukidnon State University sa Pag-aaral ng Matatalinghagang Salita.”

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na

suliranin:

1. Ano-ano ang mga salik na may kaugnayan sa pagkatuto sa

matatalinghagang salita?

2. Anong mga gawain na karaniwang ginagamit ang

matatalinghagang salita?

3. Ano-anong mga pananaw ukol sa pagkatuto sa mga

matatalinghagang salita?

4. Ano ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng

pangangalakal ng BukSU sa pag-aaral ng matatalinghagang salita?

5. Alin sa matatalinhagang pananalita ang labis na natutunan ng mga

mag-aaral sa kolehiyo ng pangangalakal?

Saklaw at Delimitasyon

5
Nakapokus ang pananaliksik na ito sa antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral sa kolehiyo ng pangangalakal sa pag-aaral ng matatalinghagang salita. Ang

pag-aaral na ito ay naglalayong mabatid ang antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral sa pag-aaral ng matatalinghagang salita at alin sa mga talinghagang

pahayag ang labis nilang natutunan. Ang pangunahing tagatugon ng pag-aaral

ay ang mga piling mag-aaral sa kolehiyo ng pangangalakal sa Bukidnon State

University. Ang mga tagatugon ay binubuo ng animnapu (60) na babae at

labing-apat (14) na lalaki, sa pangkalahatan ito ay binubuo ng pitompu’t apat na

tagatugon. Ang pag-aaral na ito ay itinakda sa loob ng taong panuruan 2015-

2016.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga, kapaki-pakinabang at magsisilbing

gabay sa mga guro, mag-aaral at mga magulang:

Guro sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro upang

malaman kung saang larangan at antas nahihirapan at labis natututo ang mga

mag-aaral sa pag-aaral ng matatalinghagang salita.

Mag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang

malaman nila kung saang kasanayan ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin

o kailangang bigyang pansin.

6
Magulang. Sa mga magulang, upang malaman nila kung saang bahagi

nangangailangan ng gabay ang kanilang mga anak.

Pamantasan ng Bukidnon State University. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa

Pamantasan upang malaman at maebalweyt kung saang bahagi

nangangailangan ng gabay ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng

matatalinghagang salita.

Punong-guro at Tagapangasiwa ng mga patakaran sa Edukasyon. Ito ay

magsisilbing tagapaggising na lalong gabayan at suportahan ang mga guro sa

pag-aaral ng dulog na ito para sa mabisang pakikipagtalastasan tungo sa higit na

mataas na kalidad ng edukasyon at pang-akademikong pagganap.

Katuturan ng Katawagan

Upang masubaybayan ang pag-unawa sa paglalahad at talakayan,

binibigyang katuturan ng mananaliksik ang sumusunod:

Antas ng Pagkatuto. Isang pahayag na ang kahulugan ay ang lawak ng nalalaman

ng isang tao sa isang bagay.

Kolehiyo ng Pangangalakal. Isa sa mga kolehiyo ng Bukidnon State University na

nagbibigay ng kalidad na edukasyon

7
Bukidnon State University. Isa sa mga pamantasang nangunguna at nagbibigay

dekalidad na edukasyon hindi lang sa Bukidnon at Mindanao kundi sa buong

mundo. Ito ay matatagpuan sa pusod ng Bukidnon.

Pag-aaral. Isang paraan upang matuto ang isang tao sa mga bagay-bagay.

Idyoma. Isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komosisyunal – sa ibang

salita, hindi binubui ng tumpak na kahulugan ang mgaa kanya-kanyang salita na

nabuo.

Matalinghagang Salita. Ito ay bukang Bibig na hango sa karanasan ng tao at

nagsisilbing patnubay sa dapat gawin sa buhay - Nacin et.al.

Tayutay. Isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ang kahulugan ay

di-tahas o di-patitik.

Wika. Ekspresyon at pagpapalitan ng mga ideya at emosyon sa pagitan ng mga

tao sa pamamagitan ng pananalita maging pasulat o pasalita - Webster

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Roberto Anonuevo (2005), ang simbolo ay isang pahiwatig na

serye ng mga pangyayari. Makahulugan ang simbolo sapagkat ang tinutukoy

8
nito ay hindi lantaran o tahasang ipinababatid sa mambabasa. Ang ibang uri ng

panitikan ay kasusumpungan ng mga nakakubling kahulugan ng mga

pangyayari. Layunin nitong ukilkilin at dalumatin ang malikhaing pag-iisip ng

mambabasa at hinahayaan itong mag-isip at bumuo ng hinuha.

Sa pamamagitan ng mga simbolo, sumisibol ang interaksiyon ng

mambabasa at akda. Kapag nangyari ito, maituturing na naging matagumpay

ang manunulat na hayaang mag-isip ang mambabasa.

Ang matatalinghagang pahayag naman ay tumutukoy sa mga pahayag na

hindi tahas ang kahulugan. Sinadya nitong ilayo ang ibinabadyang kahulugan

upang lalong maging mabisa kapag ginamit sa pampanitikang pahayag.

Ang pag-aaral ng mga idyoma (idioms o idiomatic expressions) ay

kaugnay ng kaalamang panretorika. Ito ay nagpapabisa, nagpapakulay at

nagpapakahulugan sa pagpapahayag.

Tinatawag na idyoma ang natatanging gamit ng ilang partikular na

kombinasyon ng mga salita sa isang wika, mga kombinasyon ng mga salitang

mayroon nang kahulugang iba sa indibidwal na mga salitang bumubuo rito.

Nabubuo ang mga idyoma ng isang wika sa loob ng mahabang panahon,

nagpapasalin-saling pasalita hanggang maging matatag sa dila ng bayan, sa

paraang hindi na malaman ngayon kung bakit at paano.

Dahil hindi madaling ipaliwanag ang mga idyoma, sinabi nina Almario et

al, sa kanilang Patnubay sa Pagsasalin, na “ang mga idyoma ay parang patibong;

9
nakatago ang panganib, hindi lantad,” at maaaring nabitag ka na ng patibong

bago mo pa man mamalayan ang panganib na napasukan mo.

Kung patibong ang mga idyoma sa isang human translator, paano na

kaya kung machine translator ang magsasagawa ng pagtutumbas? Dahil

partikular sa isang wika ang mga idyomatikong pahayag, paano ito sasabihin sa

ibang wika? Para sa papel na ito, gagamiting nagkakapalitan ang idyomatikong

pahayag at idyoma.

Ang mga sawikain ay ang mga popular na idyomang bukambibig ng

madla sa pagsasalita. Ito’y maaaring salita o mga pariralang hindi tuwirang

tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na kahulugan at sa tuntuning

pambalarila, maaaring pinagtambal na dalawaan salitang may kani-kaniyang

nalilikhang panibago o ikatlong kahulugan. (Arrogante, 2009)

Ang pagsasawikain ay isang paraang pagpapaunlad ng buhay sa salita.

Ayon nga sa bungad ng talata nina Federico B. Sebastian at Antonio D.G.

Mariano sa Paunang salita ng kanilang aklat na Idiomatic Expression in Pilipino,

1975, “Yumayabong at yumayaman ang alinmang wika sa pamamagitan ng kanyang

katutubong mga salita at mga sawikaing sarili. Sa mga sawikain mababakas ang

katutubong mga pagpapahayag ng isang lahing gumagamit ng kanyang wikang

pambansa. Mababakas dito, sa isang paraan, ang dating mga kaugaliang ipinahahatid sa

pamamagitan ng katutubong pagpapahayag na ito.”

10
Pinamumulaklak animo ng sawikain ang pagsasalita, samakatuwid,

nagkakakulay at gumaganda, bukod sa nagiging natural pa ang himig at anyo

ng pag-uusap sa tunay na anyo’t himig na kinamulatang pakikipagsalitaan ng

mga Pilipino. Ang pagpapasawikaing pagpapahayag ay nakapagpapalumay rin

sa katindihan o impak ng mga salita kung tuwirang sasabihin. (Arrogante, 2009)

Ayon kay Casanova (2002), ang salawikain ay naglalaman ng

matalinghagang kaisipan na sinasabing gabay sa mabuti at matuwid na

pamumuhay ng ating mga ninuno. Nagsisilbi rin itong pangunahing ginagamit

ng mga sinaunang Pilipino sa pagbibigay ng pangaral sa mga kabataan. Ang

mga ito ay kinapapalooban ng mabubuting payo at paalaala na hango sa mga

naging karanasan ng matatanda.

Kaaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Inigo Ed. Regalado hinggil sa talinghaga, kawikaan,

at tayutay, mababatid na kumukuha ang mga Filipino noong sinaunang panahon

ng mga salitang lahat at kaugnay sa kaligiran, at ang mga ito ang

kinakasangkapan sa paghahambing, pagtatambis, pagtutulad, at panghalili sa

mga katangian ng tao na pinagtutungkulan, ngunit ayaw tahasang saktan dahil

sa kung ano-anong dahilan.

“In teaching idioms, Lennon (1998) suggests that since idioms are so

semantically opaque, they are well suited to a problem-solving approach in teaching,

11
which can exploit learners‟ innate cognitive drive to make sense out of their

environment, therefore, exercises of a problem solving nature can help learners to

discover the metaphors in idiomatic expressions.”

Metodolohiya

Sa kabanatang ito tinalakay ang disenyo ng pananaliksik, lugar ng pag-

aaral, tagatugon ng pag-aaral, instrumentong ginamit, paraan ng paglilikom ng

datos, pag-aanalisa ng mga datos, at paraan ng pagmamarka.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mailahad ang antas ng pagkatuto

ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng pangangalakal ng Bukidnon State University sa

pag-aaral ng matatalinghagang salita.

Kung kaya’t ang ginamit na metodo ng mananaliksik sa pag-aaral na ito

ay deskriptibong pamamaraan. Napili ang pamaraang ito dahil makatutugon ito

sa pagtukoy sa kung aling antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng

pangangalakal ng Bukidnon State University sa pag-aaral ng mga

matatalinghagang salita ang labis nilang natutunan. Angkop ang paraan sa

kasalukuyang pananaliksik sapagkat magkakaroon ito ng imbestigasyon.

Lugar ng Pag-aaral

12
Nakapokus ang pananaliksik na ito sa antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral sa kolehiyo ng pangangalakal ng Bukidnon State University sa pag-aaral ng

mga matatalinghagang salita. Ang nasabing Pamantasan ay matatagpuan sa

lungsod Malaybalay, probinsiya ng Bukidnon. Ito ang isa sa mga pamantasan na

nangunguna hindi lang sa Bukidnon at Mindanao kundi sa buong mundo sa

pagbibigay ng dekalidad na edukasyon. Ang pag-aaral na ito ay itinakda sa loob

ng taong panuruan 2015-2016.

Tagatugon ng Pananaliksik

Ang pangunahing tagatugon ng pananaliksik na ito ay ang mga piling

mag-aaral sa kolehiyo ng pangangalakal ng Bukidnon State Univerity.

13
Ang mga tagatugon ay may bilang na animnapu (60) na babae at labing-

apat na lalaki (14). Sa kabuuan, mayroong pitompu’t apat (74) na tagatugon sa

kasalukuyang pananaliksik.

Talahanayan 1
Kaligirang Impormasyon ng mga Respondente
Profayl Bilang Bahagdan
Kasarian:
Babae 60 81%
Lalaki 14 19%

Edad:
15-16 11 15%
17-18 49 66%
19-20 11 15%
21-pataas 3 4%

Katayuang sibil:
Dalaga/binata 74 100%

Kurso:
BS-BA 74 100%

Makikita sa talahanayan 1 ang distribusyon ng mga tagatugon ukol sa

kanilang kaligirang impormasyon. Mahihinuha na animnapu (60) sa mga

respondente ay mga babae, labin-apat (14) naman ay mga lalake—na may

kabuuang pitompu’t apat (74) na mga respondente. Labing-isa (11) mula sa

pitompu’t apat (74) ay may edad labinlima hanggang labing-anim (15-16),

samantalang ang apatnapu’t siyam (49) ay mayroong edad labingpito hanggang

labingwalo(17-18), ang labing-isa (11) ay may edad na labinsiyam hanggang

dalawampu(19-20), at tatlo (3) ang may edad dalawampu’t isa pataas(21-pataas).

14
Sa dako naman ng katayuang sibil ang lahat na respondente na may kabuuang

pitompu’t apat (74) ay mga dalaga pa at binata, at lahat ay kumukuha ng

kursong Bachelor of Science in Business Administration.

Instrumentong Ginamit

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay palarawang uri o

deskriptiv, ibabatay ang pag-aaral sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

Kolehiyo ng Pangangalakal sa Bukidnon State University sa pag-aaral ng mga

matatalinghagang salita.

Sa hangaring matiyak nang lubusan ang kawastuhan ng pag-aaral na ito,

ang instumentong ginamit ay hinusgahan sa talahanayan na sinagot ng mga

tagatugon.

Ang talatanungan ay may tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang

profayl o kaligirang impormasyon ng mga respondente samantalang ang

ikalawang bahagi ay ang mga katanungan na susukat tungkol sa lawak ng

kaalaman ng mga respondente sa matatalinghagang salita, saan sila nakakakalap

ng impormasyong may kaugnay sa matatalinghagang salita at saan nila

karaniwang ginagamit. Ang ikatlong bahagi naman ng talatanungan ay isang

pagsusulit na kung saan dito matutukoy ang antas ng pagkatuto ng mga

respondente sa pag-aaral ng matatalinghagang salita.

Paraan ng paglikom ng mga Datos

15
Ang mga hakbangin na sinigawa ng mananaliksik sa paglikom ng

relatibong datos para sa pananaliksik ay ang mga sumusunod:

una, ang mananaliksik ay nagmasid at nangalap ng mga suliranin sa

kanyang kapaligiran na maaaring mapag-aralan;

ikalawa, gumawa ng pamagat at suliranin sa naturang pananaliksik at

ipinawasto sa tagapayo ng mananaliksik;

ikatlo, nang maaprobahan ng tagapayo ang pamagat nagtungo sa silid-

aklatan ng pamantasan ang mananaliksik upang maghanap ng mga aklat,

artikulo, at babasahin patungkol sa idyoma at idyomatikong pahayag na maaaring

magamit o maging isang gabay sa naturang pananaliksik;

ikaapat, sinimulan na ang paggawa ng pananaliksik at ipinawawasto sa

tagapayo ng mananaliksik.

at panghuli, nagsagawa ng survey sa naturang pananaliksik at

pagkatapos ay gumawa ng kabuuan sa naturang survey at ipinawawasto ito sa

tagapayo.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa antas ng pagkatuto ng mga piling mag-

aaral sa kolehiyo ng pangangalakal ng Bukidnon State University sa pag-aaral ng

mga matatalinghagang salita.

16
Ang frequency count ay pagsukat ng mga numero sa isang kaganapan at

ito ay mabisa rin sa pagsukat ng mga datos mula sa malayang baryabol na

kinapalooban ng mga profayl ng mga respondenteng ginamit sa pananaliksik.

Kasama na rin dito ang pagraranggo. (Barbaso: 2010)

Sa pagsukat naman ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pag-aaral

ng matatalinhagang salita ginamit dito ang ang likert scale. Ang Likert scale o

summated ratings ay isa sa mga instrumentong karaniwang ginagamit ng

mananaliksik sa bansang Pilipinas. (Servilla: 1998)

Paraan ng Pagmamarka

Ang nilalaman ng analisis ay bibigyan ng karampatang marka ayon sa

mga wastong sagot na naibigay ng mga mag-aaral. Ang mga datos ay

kinakailangang dumaan sa pag-aanalisa sa pamamagitan ng statistika.

Nang malikom na ng mananaliksik ang mga datos na kakailanganin sa

naturang pananaliksik, ang mga tugon ay itinala, kinakailangang analisahin ng

maayos at bigyang interpretasyon. Ang pormula na ginamit para makuha ang

x
kalahatan sa bawat aytem ay X = kung saan ang x ang mga tugon ng bawat
n

aytem samantala ang n ang kabuuan ng tugon.

Dahil sa may dalawang bahagi ang ibinigay na talatanungan may

dalawang pamamaraan ang pagmamarka na batay sa paraan ng pagsagot ng

mga respondente sa naturang talatanungan.

17
Pinagbatayan ng mananaliksik para sa pangalawang bahagi na ginawang

pagmamarka ang paraan ng pagmamarka ng Pamantasang Pampamahalaan ng

Bukidnon.

Ang paglalapat ng naturang instrumento ang ginamit upang makuha ang

antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng matatalinghagang salita.

Talahanayan 2
Mga Patnubay sa Pagmamarka ng Pasulit (Hinalaw mula sa handbook ng BukSU)
Legend:
Marka Bahagdan Deskripsiyon
1.00 98-100 Excellent
1.25 95-97 Outstanding
1.50 92-94 Very Highly Satisfactory
1.75 89-91 Highly Satisfactory
2.00 85-88 Satisfactory
2.25 82-84 Moderately Satisfactory
2.50 79-81 Less Satisfactory
2.75 77-78 Better than Passing
3.00 75-76 Passing
5.00 74 and below Failure

Presentasyon, Interpretasyon at Analisis ng mga Datos

Sa bahaging ito ay makikita ang kabuuang kinahinatnan ng pag-aaral at

pagpapakahulugan sa natuklasan.

Talahanayan 3
Tanong blg. 1 Alam mo ba ang matatalinghagang salita?

18
Sagot Bilang Bahagdan
Oo 71 96%
Hindi 3 4%
Kabuuan 74 100%

Makikita sa talahanayan 3 ang distribusyon ng sagot ng mga respondente

sa tanong blg. 1 na “Alam mo ba ang matatalinghagang salita?” Lumalabas na

pitompu’t isa (71) sa mga respondente ay alam ang matatalinghagang salita,

samantalang tatlo (3) naman ang nagsasabing hindi alam ang matatalinghagang

salita.

Sa kabuuan, mapaglalahat na ang mga mag-aaral ay may kaalaman

tungkol sa matatalinghagang salita.

Talahanayan 4
Tanong blg. 2 Mga salik na may kaugnayan sa pagkatuto sa matatalinghagang
salita.
Bilang Bahagdan
Diyaryo 44 59%
Telebisyon 40 54%
Radyo 26 35%
Paaralan 70 95%
Internet 48 65%
Kaibigan 20 27%

19
Makikita sa talahanayan 4 ang distribusyon ng sagot ng mga respondente

sa tanong bilang 2 na “Saan ka nakakakalap ng mga impormasyong may kaugnayan sa

matatalinghagang salita?” Lumalabas na pinakamataas na bahagdan ang paaralan

na may bilang na pitompo (70) kung saan labis na nakakakalap ng

impormasyong may kaugnayan sa matatalinghagang salita ang mga

respondente. Pinangalawahan naman ito ng internet na may bilang na

apatnapu’t walo (48), at sinundan ng diyaryo na may apatnapu’t apat (44),

samantalang ang telebisyon naman ay may apatnapu (40) na bilang, ang radyo

na may dalawampu’t anim (26) na bilang, at kaibigan na may dalawampo (20) na

bilang.

Sa kabuuang pagtatala sa talahanayan 4 mapaglalahat na sa paaralan labis

na nakakakuha ng mga impormasyong may kaugnayan sa matatalinghagang

salita ang mga respondente.

Talahanayan 5
Tanong blg. 3 Mga gawain na karaniwang ginagamit ang matatalinghagang
salita.
Bilang Bahagdan
Talakayan sa klase 39 53%
Pakikipagkomunikasyon 19 26%
Pagsulat ng:
 Tula 51 69%
 Kuwento 40 54%
 Sanaysay 28 38%
 Talumpati 29 39%

20
Makikita sa talahanayan 5 ang distribusyon ng sagot ng mga respondente

sa tanong bilang 3 na “Saan mo karaniwang ginagamit ang matatalinghagang salita?”

Lumalabas na karaniwan nilang ginagamit ang matatalinghagang salita sa

pagsulat ng tula na may limampu’t isang bilang (51), pagsulat ng kuwento na

may apatnapo (40), at talakayan sa klase na may tatlompu’t siyam (39) na bilang.

Sa kabuuan, karaniwang ginagamit ng mga respondente ang

matatalinghagang salita sa pagsulat ng tula.

Talahanayan 6
Tanong blg. 4 Pananaw ukol sa pagkatuto sa mga matatalinghagang salita.
 Idyoma
Sagot Bilang Bahagdan
Oo 64 86%
Hindi 10 14%
Kabuuan 74 100%
 Tayutay
Sagot Bilang Bahagdan
Oo 33 45%
Hindi 41 55%
Kabuuan 74 100%
 Salawikain
Sagot Bilang Bahagdan
Oo 31 42%
Hindi 43 58%

21
Kabuuan 74 100%

Makikita sa talahanayan 6 ang distribusyon ng sagot ng mga respondente

sa tanong bilang 4 na “Lubos mo bang natutunan ang sumusunod sa pag-aaral ng

matatalinghagang salita?” Lumalabas na animnapu’t apat (64) na bilang ang

nagsasabi na labis nilang natutunan ang idyoma, tatlompu’t tatlo (33) na bilang

naman ang nagsasabi ng oo para sa tayutay, at tatlompu’t isa (31) na bilang

naman ang nagsasabi ng oo para sa salawikain.

Sa paglalahat sa talahanayan 6 makikita na mas lubos na natutunan ng

mga respondente ang idyoma sa pag-aaral ng matatalinghagang salita kaysa

pag-aaral ng tayutay at salawikain.

Talahanayan 7
Antas ng pagkatuto ng mga respondente
Respondente Puntos(Score) Bahagdan Marka Deskripsiyon
1. 33 83% 2.25 Moderately Satisfactory
2. 33 83% 2.25 Moderately Satisfactory
3. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
4. 33 83% 2.25 Moderately Satisfactory
5. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
6. 35 88% 2.0 Satisfactory
7. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
8. 38 95% 1.25 Outsdanding
9. 32 80% 2.50 Less Satisfactory
10. 33 83% 2.25 Moderately Satisfactory
11. 35 88% 2.0 Satisfactory
12. 39 98% 1.0 Excellent
13. 37 93% 1.50 Very Highly Satisfactory
14. 34 85% 2.0 Satisfactory
15. 34 85% 2.0 Satisfactory
16. 34 85% 2.0 Satisfactory

22
17. 34 85% 2.0 Satisfactory
18. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
19. 34 85% 2.0 Satisfactory
20. 32 80% 2.50 Less Satisfactory
21. 39 98% 1.0 Excellent
22. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
23. 38 95% 1.25 Outsdanding
24. 26 65% 5.0 Failure
25. 32 80% 2.50 Less Satisfactory
26. 30 75% 3.0 Passing
27. 26 65% 5.0 Failure
28. 30 75% 3.0 Passing
29. 40 100% 1.0 Excellent
30. 39 98% 1.0 Excellent
31. 28 70% 5.0 Failure
32. 34 85% 2.0 Satisfactory
33. 37 93% 1.50 Very Highly Satisfactory
34. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
35. 34 85% 2.0 Satisfactory
36. 34 85% 2.0 Satisfactory
37. 39 98% 1.0 Excellent
38. 40 100% 1.0 Excellent
39. 32 80% 2.50 Less Satisfactory
40. 32 80% 2.50 Less Satisfactory
41. 35 88% 2.0 Satisfactory
42. 39 98% 1.0 Excellent
43. 33 83% 2.25 Moderately Satisfactory
44. 29 73% 5.0 Failure
45. 30 75% 3.0 Passing
46. 31 78% 2.75 Better than Passing
47. 32 80% 2.50 Less Satisfactory
48. 40 100% 1.0 Excellent
49. 30 75% 3.0 Passing
50. 34 85% 2.0 Satisfactory
51. 35 88% 2.0 Satisfactory
52. 33 83% 2.25 Moderately Satisfactory
53. 28 70% 5.0 Failure
54. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
55. 35 88% 2.0 Satisfactory
56. 39 98% 1.0 Excellent
57. 40 100% 1.0 Excellent
58. 33 83% 2.25 Moderately Satisfactory
59. 40 100% 1.0 Excellent
60. 35 88% 2.0 Satisfactory
61. 33 83% 2.25 Moderately Satisfactory
62. 31 78% 2.75 Better than Passing
63. 28 70% 5.0 Failure

23
64. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
65. 34 85% 2.0 Satisfactory
66. 38 95% 1.25 Outsdanding
67. 39 98% 1.0 Excellent
68. 37 93% 1.50 Very Highly Satisfactory
69. 39 98% 1.0 Excellent
70. 38 95% 1.25 Outsdanding
71. 36 90% 1.75 Highly Satisfactory
72. 38 95% 1.25 Outsdanding
73. 35 88% 2.0 Satisfactory
74. 35 88% 2.0 Satisfactory

Legend:
Marka Bahagdan Deskripsiyon
1.00 98-100 Excellent
1.25 95-97 Outstanding
1.50 92-94 Very Highly Satisfactory
1.75 89-91 Highly Satisfactory
2.00 85-88 Satisfactory
2.25 82-84 Moderately Satisfactory
2.50 79-81 Less Satisfactory
2.75 77-78 Better than Passing
3.00 75-76 Passing
5.00 74 and below Failure

Makikita sa talahanayan 7 ang puntos, bahagdan at marka ng mga

respondente sa ibinigay na pagsusulit upang malaman ang antas ng pagkatuto

nila sa pag-aaral ng matatalinghagang salita. Lumalabas na labintatlo (13) na

mga respondente ang nakakuha ng 1.0 na nagpapahiwatig ng excellence, lima (5)

ang nakakuha ng 1.25 na nagpapahiwatig ng outstanding, tatlo (3) ang nakakuha

ng 1.50 na nagpapahiwatig ng very high satisfactory, siyam (9) ang nakakuhaa ng

1.75 na nagpapahiwatig ng high satisfactory, labinwalo (18) naman ang nakakuha

2.0 na nagpapahiwatig ng satisfactory. Samantalang walo (8) naman ang

nakakuha ng 2.25 na nagpapahiwatig ng moderately satisfactory, anim (6) ang

nakakuha ng 2.50 na nagpapahiwatig ng less satisfactory, dalawa (2) ang

24
nakakuha ng 2.75 na nagpapahiwatig ng better than passing, apat (4) naman ang

nakakuha ng 3.0 na nagpapahiwatig ng passing, at anim (6) ang nakakuha ng 5.0

na nagpapahiwatig ng failure.

Talahanayan 7.1
Distribusyon ng bilang ng mga respondente ayon sa kanilang antas ng
pagkatuto.
Deskripsiyon Marka Bilang Bahagdan
Excellent 1.0 13 18%
Outstanding 1.25 5 7%
Very Highly Satisfactory 1.50 3 4%
Highly Satisfactory 1.75 9 12%
Satisfactory 2.0 18 24%
Moderately Satisfactory 2.25 8 11%
Less Satisfactory 2.50 6 8%
Better than Passing 2.75 2 3%
Passing 3.0 4 5%
Failure 5.0 6 8%

Mapapansin sa talahanayan 7.1 ang bilang ng mga respondente sa

kabuuang deskripsiyon. Mayroong labintatlo (13) o 18% na bilang ng mga

respondente ang nakakuha ng excellence, lima (5) o 7% na naman ang nakakuha

ng outstanding, tatlo (3) o 4% sa very high satisfactory, siyam (9) o 12% sa high

satisfactory, labinwalo (18) o 24% sa satisfactory. Samantalang walo (8) o 11%

naman ang nakakuha ng moderately satisfactory, anim (6) o 8% sa less satisfactory,

dalawa (2) o 3% sa below the passing, apat (4) o 5% sa passing, at anim (6) o 8%

ang nakakuha ng failure.

25
Nagpapatunay na satisfactory ang antas ng pagkatuto ng mga respondente

o mag-aaral sa kolehiyo ng pangangalakal ng BukSU sa pag-aaral ng

matatalinghagang salita.

Resulta, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Inilahad sa bahaging ito ang resulta, kongklusyon at mga rekomendasyon

mula sa pananaliksik.

Resulta

Ang kinalabasan ng pag-aaral:

26
1. Base sa sagot ng mga respondente mula sa talatanungang ibinigay,

ang mga mag-aaral sa kolehiyo ng pangangalakal ay masasabing nasa

“satisfactory o kasiya-siya” ang kanilang antas ng pakatuto.

2. Ang mga mag-aaral ay sa paaralan nakakakalap ng mga

impormasyong may kaugnayan sa matatalinghagang salita. Na kung saan dito

nila ito tinatalakay.

3. Karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral o respondente ang

matatalinghagang salita sa pagsulat ng tula.

4. Sa mga matatalinghagang salita lumalabas na ang labis na

natutunan ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng pangangalakal ay ang idyoma.

Kongklusyon

Sa kabuuan ng pananaliksik mapaglalahat na ang mga respondenteng

ginamit ay alam ang matatalinghagang salita.

1. Mapaglalahat na ang mga mag-aaral ay may kaalaman sa

matatalinghagang salita.

27
2. Mabubuod na malaking tulong ang paaralan sa pagkatuto ng

matatalinghagang salita.

3. Ginagamit ng mga respondent sa anumang gawain ang

matatalinghagang salita.

4. Mapaglalahat din na hindi gaanong napagtuunan ng pansin ang

ilang anyo ng matatalinghagang salita.

5. Natuklasan din sa pag-aaral na ito na mas maraming natutunan

ang mga mag-aaral tungkol sa idyoma.

Rekomendasyon

Mula sa bunga ng pag-aaral at paglalahat, ang pananaliksik na ito ay

nagmumungkahi ng sumusunod:

1. Ang mga guro sa Filipino ay kinakailangang paghusayan pa ang

pagtuturo ng matatalinghagang salita.

2. Ang mga guro sa Filipino ay kinakailangang gumamit ng

alternatibong pagganyak upang mas mapalago pa ng mga mag-aaral ang pag-

aaral ng matatalinghagang salita.

3. Dapat magkaroon ng kahali-halinang mga gawain na

makapagpupukaw sa kanilang mga imahinasyon.

4. Sa pagtuturo ng matatalinghagang salita dapat ilantad sa mga

mag-aaral ang iba’t ibang matatalinghagang salita tulad ng idyoma at tayutay, at

28
makatotohanang gawain nito upang maparanas sa kanila ang pagsisisid ng mga

tunay na kahulugan ng mga pahayag.

5. Ang mga guro sa Filipino ay kinakailangang gumawa ng mga

gawaing makakahasa sa mga mag-aaral sa tama at wastong gamit ng mga

matatalinghagang salita.

6. Kinakailangang maging handa ang mga guro at may kahusayan sa

pagtuturo sa naturang asignatura at paksa.

Mga Sanggunian

Mga Aklat:

Tiamson- Rubin, Ligaya, et al. Retorika. Lungsod Quezon: Rex Publishing

Company, Inc., 1987.

Reyes, et al. Wikang Filipino: Retorika at Sulating Pananaliksik. Lungsod ng Quezon:

Rex Pubishing Company, Inc., 1989.

29
Tanawan, Nacin, et al. Retorika: Mabisang Pagpapahayag sa Kolehiyo. Trinitas

Publishing Inc., 2003.

Arrogante, J. Retorika: Masining na Pagpapahayag. Navotas Press, Navotas City,

2009.

Arrogante, J. Retorika sa Mabisang Pagpapahayag. Navotas Press, Navotas, Metro

Manila, 2000.

Internet:

http://eltsjournal.org/wp-content/uploads/2015/05/Investigating-the
Difficulties-Faced-in-Understanding-and-Strategies-Used-in-Processing-English-
Idioms-by-the-Libyan-Students-Full-Paper.pdf

30
Apendiks A

Pamantasang Pampamahalaan ng Bukidnon


Kolehiyo ng Edukasyon
Siyudad ng Malaybalay

“Ang Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pangangalakal ng


Bukidnon State University sa Pag-aaral ng mga Matatalinghagang Salita”

Pebrero 22, 2016

Mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pangangalakal,


Pamantasang Pampamahalaan ng Bukidnon
Lungsod Malaybalay
Probinsiya ng Bukidnon

Mahal kong Tagatugon,

Magandang araw po sa inyo!

Ako po si Bb. Algene Joy J. Comoda gumagawa ng isang pananaliksik na may


pamagat, “Ang Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pangangalakal
ng Bukidnon State University sa Pag-aaral ng mga Matatalinghagang Salita” bilang
bahagi ng pangangailangan sa asignaturang Filipino 122- Introduksiyon sa
pananaliksik sa Wika at Panitikan. Ang tauspuso ninyo pong pagsagot sa
sarbey na ito ay napakalaking tulong para sa ikatatagumpay ng isinasagawang
pananaliksik. Umasa po kayong ang lahat ng inyong mga sagot ay magiging
kompidensyal at katanggap-tanggap.

Maraming salamat po. Kasiyahan nawa kayo ng poong Maykapal!

Lubos na gumagalang,

ALGENE JOY J. COMODA


Mananaliksik

Pinabatid:

31
RODELLO D. PEPITO, Ed.D
Guro, Fil 122- Introduksiyon sa Pananaliksik- Wika at Panitikan
Pamantasang Pampamahalaan ng Bukidnon, Main Campus

32
Apendiks B

Pamantasang Pampamahalaan ng Bukidnon


Kolehiyo ng Edukasyon
Siyudad ng Malaybalay

“Ang Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pangangalakal ng


Bukidnon State University sa Pag-aaral ng mga Matatalinghagang Salita”

Talatanungan

I. Kaligirang Impormasyon
A. Propayl ng mga Respondente
Pangalan (opsyonal): ______________________________________________
Kasarian: _____Babae Kurso: _____ BS-A
_____Lalaki _____ BS-BA
Katayuang Sibil: _____ BS-HRM
_____Dalaga/Binata _____ B-PA
_____May asawa na
Edad:
_____ 15-16
_____ 17-18
_____ 19-20
_____ 21 pataas

II. Pagsagot sa Talatanungan

33
Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na
nagsasaad ng inyong kasagutan.
OO Hindi
1.1 Alam mo ba ang matatalinghagang salita?
1.2 Saan ka nakakakalap ng mga impormasyong may
kaugnayan sa matatalinghagang salita?
 Diyaryo
 Telebisyon
 Radyo
 Paaralan
 Internet
 Kaibigan
1.3 Saan mo karaniwang ginagamit ang matatalinghagang
salita?
 Talakayan sa klase
 Pakikipagkomunikasyon
 Pagsulat ng:
- Tula
- Kuwento
- Sanaysay
- Talumpati
1.4 Lubos mo bang natutunan ang sumusunod sa pag-aaral
ng matatalinghagang salita?
 Idyoma
 Tayutay
 Salawikain

1.5 Madali mo bang natutunan ang mga


matatalinghagang salita?

III. Pagsusulit

34
A. Mga Idyomatikong Pahayag sa Filipino
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang sumusunod na pangungusap sa bawat
bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____1. Nasasalamin sa kanyang mukha ang pagnanais na makahingi ng tawad.
a. Namamasid c. Minamasdan
b. Nababakas d. Nakikita
_____2. Mahangin ang kanyang ulo kaya walang gustong makipagkwentuhan sa
kanya.
a. Mayabang c. Mapagmataas
b. Mapagmalaki d. Matapobre
_____3. Magandang kapalaran ang dumatal sa kanyang buhay matapos ang
mahabang pagtitiis.
a. Umabot c. Sumampa
b. Dumating d. Dumalo
_____4. Bukas-palad siya sa mga nangangailangan ng tulong.
a. Mapagbigay c. Magiliw
b. Mapagmahal d. Maunawain
_____5. Ang tumanghod sa kumakain ay hindi magandang asal.
a. Tumingin c. Magmasid
b. Manood d. Tumunganga
_____6. Tumino sa isipan niya ang turo ng kanyang ina.
a. Natatak c. Nalaman
b. Nahulaan d. Natandaan
_____7. Hindi siya nag-urong-sulong sa pagtulong sa mga mahihirap at kulang-
palad.
a. Nalito c. Nag-alinlangan
b. Naguluhan d. Nag-atubili

_____8. Ngayon lang ako nakakita ng labanang ngipin sa ngipin.


a. kagatan c. gantihan ng ubos kaya

35
b. murahan d. walang sakitan
_____9. Kung malikot ang kamay ng batang iyan, bakit dinala mo pa siya rito?
a. Maraming salapi c. magnanakaw
b. May eksema sa kamay d. mahusay gumuhit
_____10. Naku, nagdilang anghel si G. Cuison. Naging manunulat nga ako ng
aming pahayagang pampaaralan.
a. Naging totoo ang sinabi c. nagbiro
b. nanghula d. natuwa

B. Isulat sa patlang ang uri ng tayutay sa mga sumusunod na kaisipan.


____________1. Isang ahas ang kaibigan ni Nancy.
____________2. Bundok-bundok na mga pinggan ang hinuhugasan ni Myrna.
____________3. Nadurog ang kanyang puso sa tindi ng dalamhati.
____________4. Ubod siya ng galang. Ni hindi nanginginupo sa matatanda.
____________5. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
____________6. Ang buhay ng tao’y parang gulong, minsang nasa ibabaw,
minsang nasa ilalim.
____________7. Binulungan ng kabaitan ang nadidimlang isip.

C. Salungguhitan ang mga idyoma sa bawat pangungusap. Isulat ang payak na


kahulugan nito sa bawat patlang.
____________1. Nagalit ang guro sa mga mag-aaral na malikot ang kamay.
____________2. Si Darwin ay malapit na raw magmahabang-dulang.
____________3. Ang asawa daw ni Eduardo ay di-makabasag-pinggan.
____________4. Ang tanghalan ay di-mahulugang karayom.
____________5. Nagalit ang ama sa anak na matigas ang ulo.
____________6. Hindi siya nakapasok dahil sa nasira ang kaniyang tiyan.
____________7. Mukhang Biyernes Santo na naman ang mukha ni Adolfo.

36
____________8. Ang aking ama ay magaan ang kamay.

D. Piliin sa Hanay B ang titik ng katumbas ng kahulugan ng mga salitang nasa


Hanay A.

Hanay A Hanay B

_____1. Sukatan a. Palipat-lipat


_____2. Hiyas b. Makita
_____3. Nagpasalin-salin c. Yaman
_____4. Bukambibig d. Laging sinasabi
_____5. Nagkasalungatan e. Nagkaiba
_____6. Nag-aangkin f. Daanin sa puwersa
_____7. Matagpuan g. Pamantayan
_____8. Suhulan h. Nagtataglay

E. Piliin sa kahon ang kahulugan na tinutukoy ng bawat talinghaga.

nagbibingi-bingihan matanda na

37
mag-isip muna bago tumanggap naghihingalo
kilalang mahusay na manananggol mayaman
mahirap at halos walang makain maraming salapi

1. Magdildil ng asin - _________________________


2. Abogada de kampanilya - _________________________
3. Kakapit sa patalim - _________________________
4. Agaw-buhay - _________________________
5. Amoy-lupa - _________________________
6. Mataba ang bulsa - _________________________
7. Nagtataingang-kawali - _________________________

38
Appendiks C

Liham sa Guro ng mga Respondente

Pamantasang Pampamahalaan ng Bukidnon


Kolehiyo ng Edukasyon
Siyudad ng Malaybalay

Pebrero 22, 2016

Rodello D. Pepito,PhD.
Guro
Asignaturang Filipino
Pamantasang Pampamahalaan ng Bukidnon

Mahal na Dr. Pepito,

Magandang araw po sa inyo!

Ako po si Bb. Algene Joy J. Comoda na kasalukuyang nagsasagawa ng


pananaliksik na may pamagat na ANG ANTAS NG PAGKATUTO NG MGA
MAG-AARAL SA KOLEHIYO NG PANGANGALAKAL NG BUKIDNON
STATE UNIVERSITY SA PAG-AARAL NG MGA MATATALINGHAGANG
SALITA bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang Filipino 122-
Introduksiyon sa pananaliksik sa Wika at Panitikan. Ang naturang pananaliksik
po ay naglalayong malaman ang antas ng pagkatuto ng mga piling mag-aaral sa
pag-aaral ng matatalinhagang salita.

Kaugnay po nito, ako po ay humihingi ng pahintulot sa inyong butihing


tanggapan na makapagsagawa ng isang pananaliksik.

Ang iyong pagbibigay ng pahintulot ay isang napakalaking tulong para sa


ikatatagumpay ng isinasagawang pananaliksik. Hinahangad na hindi bibiguin
ang kahilingang ito.

Maraming Salamat po. Kasiyahan nawa kayo ng poong Maykapal!

Lubos na gumagalang,

39
ALGENE JOY J. COMODA
Mananaliksik

Pinagtibay:

DR. RODELLO D. PEPITO


Guro, Fil 122- Introduksiyon sa Pananaliksik- Wika at Panitikan
Pamantasang Pampamahalaan ng Bukidnon, Main Campus
SWK-Region X, Direktor

40
Apendiks D

Talambuhay ng Mananliksik

Pangalan: Algene Joy J. Comoda

Palayaw: Day-day, Ghene, Joy

Edad: 20 na taong gulang

Kasarian: Babae

Petsa ng Kapanganakan: Ika-20 ng Setyembre, 1995

Lugar ng Kapanganakan: Valencia City, Bukidnon

Kasalukyang Tirahan: Purok 1, Sinayawan, Valencia City, Bukidnon

EDUKASYON

Kolehiyo: Bukidnon State University

Fortich Street, Malaybalay City, Bukidnon

Kurso: Bachelor of Secondary Education,

Major in Filipino

Sekundarya: San Jose High School of Sinayawan Inc.

Sinayawan, Valencia City, Bukidnon

Elementarya: Sinayawan Central Elementary School

Sinayawan, Valencia City, Bukidnon

MGA MAGULANG

41
Ina: Annalyn J. Comoda

Ama: Alberto C. Comoda

MGA KAPATID:

Mark Allan J. Comoda

Michael Albert J. Comoda

42

You might also like