You are on page 1of 12

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pahayag na nakalap ng mga mananaliksik

kaugnay ng ginagawang pag aaral. Nakapaloob dito ang ilang pahayag na nagpapatunay

ng kahalagahan at epekto ng ekstra-kurikular na aktibidad sa pag-aaral ng mga mag-aaral

sa accountancy. Ang mga mananaliksik ay nakahanap din ng ilang impormasyon tungkol

sa paano naapektuhan ng ekstra-kurikular na aktibidad ang mga araling pang-akademiko.

Kahalagahan ng Ekstra-Kurikular

Ang ekstra-kurikular na mga aktibidades ay ano mang gawain na hindi sakop ng

kurikulum ng paaralan. Ang panahon na inilalaan para dito ay labas sa aktwal na

iskedyul ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Sa kadahilanang ito, maaaring magkaroon ng

epekto ang mga ekstra-kurikular na gawain sa buhay akademiko ng mag-aaral,

nakasasama man o benepisyal (Dy, et.al, 2008).

Ayon kay Rombokas (2005), ito ang paghubog sa katauhan ng isang tao na isa sa

benepisyo ng pagsali sa mga ekstra-kurikular na gawain. May magandang epekto sa


akademik ng mag aaral dahil nagagamit niya ang disiplina at katangian sa kanyang

buhay. Ang mga gawain katulad ng musika at teatro ay isa lang sa mga gawain kung saan

nagagamit ng mag-aaral ang disiplina ng kanyang sarili at sa kanyang buhay bilang

estudyante.

Ang bata na nagbibigay ng kanyang oras para sa mga gawaing ekstra-kurikular ay

maaaring magbigay ng kakaunting oras nalang para sa pag-aaral. Ito ay makakaapekto sa

kanyang mga marka kung hindi siya nagbibigay ng oras para sa pag-aaral. Maaaring

maging stressful din ito kapag nag bibigay ng oras para sa isang aktibidad lalo nakapag

ang iskedyul ay tumataas o rumarami. Habang ang akademikong gawain ay tumataas,

pati na rin ang mga ekstra-kurikular na aktibidad, ang bata ay makakaramdam ng "stress"

at nagtataka kung paano niya pagsasabayin ang dalawa. Maraming mga pagkakataon na

maaaring maranasan ng mga estudyante ang ganitong bagay. Sa pagkakaalam ng iba ay

ang mga gawaing ekstra-kurikular na ito ay lubhang makakatulong sa kanilang mga

marka, pero ang hindi nila alam ay mahirap itong balansehin sa pag-aaral. Kapag

pumasok sila sa ganitong mga aktibidad ay tiyak na magkakaroon nalang sila ng

kakaunting oras para sa pag-aaral at makakaepekto pa ito sa kanilang mga marka. Kaya

ang mga sumasali sa mga ganito ay dapat marunong bumalanse ng oras sa pag-aaral at

pati narin sa mga aktibidad na ito (San Beda College Alabang Student Handbook, 2010).

Ang pagsasali sa mga aktibidad sa eskwelahan ay mabuti para sa mga estudyante.

Ayon sa mga eksperto, ang pagsasali sa mga aktibidad ay pangunahing paraan para
matuto ang mga bata. Ayon sa sikolohistang si Lev Vygotsky (2017), ang mga bata raw

ay natututo kapag isinasapuso nila ang mga aktibidad, ugali, bokabularya, atideya ng

mga taong nasa paligid niya. Ang pagsali sa mga paligsahan ay nakakapagpataas ng

karangalan sa mga bata. Kapag sila ay sumasali sa mga patimpalak, mas napapahusay

nila ang kanilang mga gawain lalo na alam nila na ito ay maipapakita at maihahambing

sa ibang estudyante.

Sa katunayan, ayon sa isang sarbey noong 2001 sa isyu ng Journal of School Health

na nilathala noong Marso 2003, humigit sa 50,000 mag-aaral ng hayskul sa Minnesota na

aktibo sa mga ekstra-kurikular na gawain ang nagpakita ng mas malusog na pagkilos sa

larangan ng sosyal at emosyonal na lebel kaysa sa mga estudyanteng hindi aktibo. Ayon

din kay Dowshen sa kanyang sinulat na artikulo, madalas na dahilan sa pagsali ng mga

mag-aaral sa mga organisasyon ay upang may iba silang pagkakaabalahan. Sinabi rin

niya na ang mga taong kabilang sa mga organisasyon ay mas may mababang posibilidad

na magkaroon ng masamang gawi gaya ng bisyo.

Para sa nakararami, ang mga ekstra-kurikular na gawain ay makikita bilang isang

oportunidad para masanay ang kakayahan ng pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao.

Nagkakaroon din ang isang indibidwal ng marami pang kakilala sa kanilang paaralan na

kapareho niya ng hilig. Dahil dito, natututunan niya ang pakikisama sa iba at dumadami

ang kanyang kaibigan. At para sa mga mag-aaral ng kolehiyo, ang pagsapi sa mga

ganitong uri ng gawain ay makapagbibigay ng daan upang makapag-eksperimento sila


ng mga bagay na maaaring makalinang sa kanilang magiging career interest. Maaari rin

magbigay daan ito sa mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang pag-aaral upang

maiangat ang kanilang tiwala sa sarili.

Epekto ng Ekstra-Kurikular

Ang ekstra-kurikular na mga aktibidad ay isa sa mga salik na may malaking epekto

sa marka ng mga mag-aaral. Ang mga gawain na ito ay may positibo at negatibong

epekto sa mga mag-aaral at sa kanilang academic performance.

Ayon kay Vicmundo (2014), sinabi ni Jenifer Reynolds na makatutulong ang

pagsali ng mga mag-aaral sa mga nasabing gawain sa paghuhubog ng leadership skills at

magbibigay seguridad sa mga magulang na nasa magandang kamay ang kanilang anak.

Napapaunlad din nito ang mga pagkamalikhain, pagiging isport at pagkakaroon ng

makabuluhang gawain kapag walang ginagawa.

Ayon sa literaturang
ito,
maganda raw ang
epekto ng pagsali sa
mga aktibidad ng
eskwelahan dahil ito ay
isang
paraan para matuto
ang mga estudyante.
Ito ay humahasa sa
kaalaman nila. Lalong
napapabuti ng mge
estudyante ang
kanilang mga gawain
dahil alam nila na
ito ay
ipapakita at
ihahambing sa gawa
ng kapwa estudyante.
Ayon sa literaturang
ito,
maganda raw ang
epekto ng pagsali sa
mga aktibidad ng
eskwelahan dahil ito ay
isang
paraan para matuto
ang mga estudyante.
Ito ay humahasa sa
kaalaman nila. Lalong
napapabuti ng mge
estudyante ang
kanilang mga gawain
dahil alam nila na
ito ay
ipapakita at
ihahambing sa gawa
ng kapwa estudyante.
Ayon sa literaturang
ito,
maganda raw ang
epekto ng pagsali sa
mga aktibidad ng
eskwelahan dahil ito ay
isang
paraan para matuto
ang mga estudyante.
Ito ay humahasa sa
kaalaman nila. Lalong
napapabuti ng mge
estudyante ang
kanilang mga gawain
dahil alam nila na
ito ay
ipapakita at
ihahambing sa gawa
ng kapwa estudyant Ayon sa
literaturang Isang Pagsusuri tungkol sa Epekto ng mga School Activities sa Akademiko
ng mga mag-aaral sa San Beda College Alabang ng Ikaapat na Taong Panunuruan 2012-
2013(Kaugnay na Literatura, n.d.), maganda raw ang epekto ng pagsali sa mga aktibidad
ng eskwelahan dahil ito ay isang paraan para matuto ang mga estudyante. Ito ay
humahasa sa kaalaman nila. Lalong napapabuti ng mga estudyante ang kanilang mga
gawain dahil alam nila na ito ay ipapakita at ihahambing sa gawa ng kapwa
estudyante.
Ang ekstra-kurikular na mga aktibidad ay nakakahasa rin sa talento na mayroon ang

mga estudyante at makakatulong ito upang umunlad ang kanilang kaalaman ukol sa
talentong mayroon sila. Para naman sa mga mag-aaral na hindi alam kung ano ang

kanilang talento, nakakatulong ang ekstra-kurikular na mga aktibidad upang kanilang

madiskubre ang talento na mayroon sila.

Sa kabilang banda naman, Mayroong mga ekstra-kurikular na mga aktibidad ang

nasasabay sa mga gawaing pang-akademiko. Ayon pa rin kay Vicmundo (2014), sinabi ni

James Roland na isa sa mga hindi kayang pagtuunan ng pansin ng mga kabataan ang

time management. Sa pagsali ng mga mag-aaral sa mga nasabing gawain ay

makapagbibigay ito ng stress sa mga mag-aaral at lalo silang mahihirapan sa kanilang

pag-aaral na siyang magdudulot ng pagbaba ng kanilang academic grade.

Ang kadalasang problema lang ng mga ganitong gawain ay minsan ito ay nagiging

mabigat na gawain at hindi kayang ipagsabay sa pag-aaral. Maaaring sagabal ang ekstra-

kurikular na mga gawain sa mga estudyante sapagkat maaaring mas mapagtuunan nila ito

ng pansin kaysa sa kanilang pag-aaral at magkaroon ng hindi magandang epekto dahilan

ng pagbaba ng kanilang marka. Ang bawat estudyanteng makikilahok sa anumang

organisasyon ay nararapat lamang na mabigyan ng impormasyon ukol sa kanyang

sinalihan upang matukoy ang maaaring maging kahinatnan nito.


Kahalagahan at Epekto ng Ekstra-kurikular na aktibidad sa Pagpokus sa Pag-aaral

ng mga Mag-aaral sa Accountancy

Ang Accounting ay isang pagtutuos, kontadurya sa larangan at pamamaraan ng

pagsusuri pagsusukat, pagpoproseso, at pamamahayag ng mga ari-arian, ng mga

pananagutan, ng mga kita, ng mga resulta ng mga gawaing ekonomiko ng isang grupo ng

tao, at pinansiyal na kalagayan o katayuan ng isang negosyo o organisasyon at ang

pagpapahiwatig nitong mga resulta sa mga tao, kasama na ang mga namumuhunan

(investors), nangagasiwa (regulators), at nanunustos (suppliers). Ito ay tinagurian ding

wika ng pagnenegosyo at magkasingkahulugan ang accounting at pag-uulat ng

pananalapi (financial reporting). Tinatawag na accountant ang taong nagsasanay sa

larangang ito (I., 2016).

Ang Accounting ay kadalasang itinuturing na isa sa mga pinakamatinding major sa

kolehiyo. Ang mga estudyante ay kinakailangan na kumuha ng pinakamahigpit na kurso

sa iba’t ibang mga paksa. At saka ang core coursework na kinakailangan sa accounting

ay maaaring maging nakakatakot at nangangailangan ng sobrang pag-aaral at

paghahanda (International Student, n.d.).


Dahil nga ang accounting ay isa sa mga pinakamahirap na kurso sa kolehiyo,

nangangailangan ito ng paggugol ng maraming oras sa pag-aaral. Ayon kay O’Dea

(2010), mayroon mga tagapagturo na naniniwalang ang oras na ginugol sa labas ng silid-

aralan ay nakakabawas sa pagkakataon ng mga mag-aaral upang maging matagumpay.

Kahit na ang mga aktibidades na hindi kailangan bawasan ang oras sa loob ng silid-

aralan ay pinaghihinalaang nakakabawas sa oras ng pag-aaral.

Subalit, ang paglahok sa mga ekstra-kurikular na mga aktibidad ng mga mag-aaral sa

accountancy ay kinakailangan at nakakatulong din upang maging handa sa hinaharap.

Sapagkat ang mga employers ay naghahanap ng mga kwalipikadong kandidato na

mayroong malawak na kaalaman at abilidad, ang ekstra-kurikular na mga aktibidad ang

puwedeng sagot upang ang mga mag-aaral ay maging kwalipikado sa mga kompanyang

kanilang papasukan sa hinaharap.

Maraming mga oportunidad para sa mga naghahangad na maging accountant na

lumahok sa ekstra-kurikular na mga aktibidad na may kinalaman sa nilalayong karera.

May mga paaralan na may accounting club, kung saan ang mga mag-aaral ay nag-

aanyaya ng mga propesyonal na mga accountants para sa isang panayam, lumahok sa

mga diskusyon, pumasok sa networking, gumalugad ng oportunidad sa internship, at

magprepara para sa pagkuha ng Certified Public Accountant examination (Master's in

Accounting Degrees. (n.d.)


Mahalagang timbangin ang pag-aaral, mga ekstra-kurikular na aktibidad, social life,

at ang iyong kalusugan kaya mahalaga rin na kumonsulta sa isang tagapayo o tagasanay

kung sa tingin mong kinakailangan mo nang magbitiw sa organisasyon ngunit nararapat

ring maging magalang sa pagpapaliwanag ng iyong sitwasyon at nararamdaman. May

mga pagkakataon na hindi na kaya ng isang indibidwal ang hinihinging obligasyon ng

grupo kaya may mga alternatibong paraan na maaaring gawin kung dumating sa puntong

ito ang sitwasyon. Isa na rito ang pagsali sa ibang organisasyon na hindi kailangan ng

masyadong maraming oras at obligasyon. Hindi kailangang ipagpilitan ang paglahok sa

isang organisasyon kung may masamang epekto na ito sa pag-aaral kung kaya’t ang

pagbibitiw ay mabuti na ring desisyon.

You might also like