You are on page 1of 6

A.

Mungkahing gawain para sa Sangay Pilantik

Pamagat: PilanTweet: Gampanin ng Matalinong Pagbibigay ng Opinyon at Katwiran bilang

Lunsaran ng Kaalaman at Kamalayan sa Makabagong Panahon

Ang gawaing PilanTweet ay maaaring gamitin upang malinang ang kompetensi sa makrong

kasanayang pagsulat. Hinahayaan ng gawaing ito na mahikayat ang mga mag-aaral na

makibahagi sa mga isyung panlipunang napapanahon at makapagbigay ng matalinong

opinyon sa pamamagitan ng pagsulat o pag-type sa mga electronic devices na kasangkapan

sa panahon ng bagong kadawyan.

Layunin:

 Matalakay at maunawaan ang mga pamamaraan sa matalinong pagbibigay ng

opinyon at pangangatwiran.

 Maibahagi ang mga isyung panlipunan at usapin na kinakailangang bigyang pansin.

 Maipamalas ang kakayahan ng mag-aaral sa pagbibigay ng matalinong opinyon at

pangangatwiran sa pamamagitan ng gawaing Pilantweet o pagpopost sa social media

partikular na sa twitter.

Mga Hakbang:

1. Matapos mailatag ng ispiker ang mga alituntunin at pamamaraan sa pagbibigay ng

matalinong opinyon at pangangatwiran ay magbibigay ng kaunting oras ang ispiker


2. para sa mga katanungang nais ibahagi ng mga tagapakinig. Kasunod nito ay dadako

na sa pagpapasinaya sa interaktibong gawain ng programa, ang PilanTweet. Inaasahan

sa parteng ito na maging aktibo ang mag-aaral sa social media partikular na sa twitter.

3. Magpopost o magtu-tweet ang tagapamahala ng isyung panlipunang

nangangailangan ng matalinong opinyon at pangangatwiran.

4. Bibigyan ng oras ang mga mag-aaral sa pagsulat o pag-type sa kani-kanilang electronic

devices at inaasahan na irere-tweet with quote nila ang ipinost ng ispiker, sa

pamamagitan nito ay madali lamang makikita ng tagapamahala ang mga nagbigay ng

kanilang tugon.

5. Maglalatag muli ng mga napapanahong isyu ng lipunan ang ispiker upang

mapagyaman ang kaalaaman ng mag-aaral sa pamamagitan ng pakikibahagi sa

intelektwal na gawaing ito.

Malilinang ng gawaing ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat na siyang hindi

nabibigyang tuon o paglilinang sa panahon ng online learning sapagkat nalilimitahan lamang

ang oras sa pakikinig at panonood dahil na rin sa birtwal na espasyo inilulunsad ang mga

gawain ng organisasyon. Ilan sa mga kompetensing malilinang ng gawaing ito ay matatagpuan

sa talahanayan sa ibaba.
Talahanayan 7. Talaan ng kompetensi sa bawat makrong kasanayang pangwika ng

mungkahing gawain para sa Sangay Pilantik


B. Mungkahing gawain para sa Sangay Bigkasan

Pamagat: TIN(D)IG: Gampanin ng Dagliang Talumpati bilang Lunsaran ng Kaalaman at Kamalayan

sa Makabagong Panahon

Ang gawaing TIN(D)IG ay maaaring gamitin upang malinang ang kompetensi sa makrong

kasanayang pagsasalita. Hinahayaan ng gawaing ito na mahikayat ang mga mag-aaral na

makibahagi sa mga napapanahong isyung panlipunang at magbigay ng kamalayan sa masa sa

pamamagitan ng paglalahad ng sariling pananaw sa pamamagitan ng dagliang talumpati.

Layunin:

 Matalakay at maunawaan ang mga pamamaraan sa tamang pagbigkas, tulad na lamang

ng tamang diin, tono, intonasyon, at antala o hinto sa pagbigkas.

 Mailahad ang mga napapanahong isyung panlipunan at usapin na kinakailangang bigyang

pansin.

 Maibahagi ang paraan sa pagbuo ng dagliang talumpati at mailatag ang mga alituntunin

sa wastong pagbigkas o paghahatid ng dagliang talumpati sa publiko.

 Maipamalas ang kaalaman, kasanayan at kahandaaan ng mga mag-aaral sa

komunikasyong pampubliko a pamamagitan ng dagliang talumpati.


Mga Hakbang:

1. Matapos maibahagi ang paraan sa pagbuo ng dagliang talumpati at mailatag ang mga

alituntunin sa wastong pagbigkas o paghahatid ng dagliang talumpati ay magbibigay ng

kaunting oras ang ispiker para sa mga katanungang nais ibahagi ng mga tagapakinig.

Kasunod nito ay dadako na sa pagpapasinaya sa interaktibong gawain ng programa, ang

TIN(D)IG Tindigan ang iyong Tinig!

2. Tatawag ang ispiker ng mga mag-aaral na natuto sa natapos na talakayan at susubukin

niya ang kakayahan ng mga ito sa publikong komunikasyon. Sa bahaging ito inaasahan

ang pagbubukas ng camera at mic ng mga napiling mag-aaral na magpapakitang gilas sa

anking nilang kaalaman at kasanayan sa pagtatalumpati.

3. Magbabahagi ang ispiker ng mga maiinit na isyu ng lipunan na kalimitang pinag-uusapan

at tila hati ang opinion ng masa. Mula rito ay magbabato ang ispiker ng katanungan na

susubok sa husay ng mag-aaral sa pagbibigay ng opinyon sa partikular na paksa sa maliit

na oras ng pag-iisip

Malilinang ng gawaing ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbigkas na siyang hindi

nabibigyang tuon o paglilinang sa panahon ng online learning sapagkat nalilimitahan lamang ang

oras sa pakikinig at panonood dahil na rin sa birtwal na espasyo inilulunsad ang mga gawain ng

organisasyon. Ilan sa mga kompetensing malilinang ng gawaing ito ay matatagpuan sa

talahanayan sa ibaba.

You might also like