You are on page 1of 10

Enero 10 , 2024

10:45 – 11:45
11 STEM - B

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalangalang ang mga


Pamantayang Pangnilalaman lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa
lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
Nakagagawa ng mga pagaaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng
Pamantayang Pagganap paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang
Pilipino.
Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at
Kasanayang Pampagkatuto pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon
ng paggamit sa wika. (F11EP-IId-33)
Pangunahing Konsepto Pagsusuri ng mga teksto gamit ang social media.
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 nakapagsusuri sa pagkagamit ng wika sa iba’t ibang


sitwasyon;
I. LAYUNING PAMPAGKATUTO  nakapagpapasya ng tumpak na hinuha tungkol sa paraan ng
pagpopost ng mga kabataan sa social media sa pamamagitan
ng Discussion Web; at
 nakapagsasagawa ng puna sa gamit ng internet sa
pamamagitan ng pagbabalita.

II. NILALAMAN Sitwasyon Pangwika sa Panahon ng Modernisasyon


Sanggunian K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 11.
Department of Education, Curriculum and Instruction Strand 2020.
file:///C:/Users/USER/Documents/SHS-Core_Komunikasyon-at-
Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-CG.pdf

Self-Learning Module Grade 11. Department of Education 2020


file:///C:/Users/USER/Downloads/KPWKP_q2_mod7_Pagsusuri
%20ng%20mga%20Teksto%20Gamit%20ang%20Social
%20Media_v2.pdf
https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/13/epekto-ng-
teknolohiya-sa-wika/

III. PAMAMARAAN NG
PAMPAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
(Tatlong minuto)
Tanong-sagot:

Panuto: Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag.


Isulat ang titik ng piniling sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang ginagamit sa text at sa iba pang social media
applications na karaniwang pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino
sa pagpapahayag.
a. code-switching b. dyaryo
c. radyo d. telebisyon
1. Pagsasanay 2. Dahil sa humigit-kumulang na apat na bilyong text ang
ipinapadala at natatanggap ng ating bansa araw-araw kaya
naman ito ang itinaguri sa Pilipinas.
a. Text and Call Capital of the World
b. Text Capital of the World
c. Texting Capital of the Philippines
d. Texting Capital of the World
3. Mananatiling Ingles ang wika nito kahit may mga
impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o
Tagalog.
a. Facebook b. internet c. Instagram d. Twitter
(Tatlong minuto)
Tatanungin ang mga estudyante sa nakaraang leksiyon.
2. Balik-aral
Mga Tanong:
1. Ano ang napag-aralan natin noong nakaraang linggo?
2. Ano ang sitwasyong pangwika sa social media?
3. Pangganyak

(Limang minuto)

Gawain: Four Pix One word


B. Mga Gawaing Pampaunlad
1. Aktibiti/Pagkilos (Sampung minuto)

Hatiin ang klase sa tatlo (3) na pangkat at suriin ang sanaysay.

Panuto: Basahin ang sumsunod na sanaysay. Suriin gamit ang gabay


na katanungan at ibahagi sa buong klase ang mga sagot.

Carousel Brainstorming: Epekto ng Teknolohiya sa Wika

Station 1
Kapansin-pansin ang patuloy na paglaganap ng
teknolohiya sa ating bansa lalo na ang walang humpay na
paglabas ng makabagong mga produkto tulad ng tablet at iPad
ng Apple. Sanhi ng patuloy na pag-unlad ng makabagong
panahon ay ang pag-uso ng paggamit ng pinaikling salita tulad
na lamang ng “ansaveh” na pinaikli ng salitang .“Anong
masasabi mo roon?” upang mapadali ang ating
pakikipagugnayan; dito nawawalang silbi ang nakasanayang
mga salita ng ating mga kapwa.

Station 2
Sa pag-unlad ng ating bansa at pagbabago ng panahon,
nagbabago na rin ang ating sariling wika; ito ay marahil sa iba’t
ibang uri ng pakikipagtalastasan gamit ang makabagong
teknolohiya. Talamak din ang paggamit ng akronim sa social
media kung saan nagrerepresenta ang isang letra ng isang salita.
Isa pa sa nauuso sa panahon ngayon ay ang makabagong salita o
slang word tulad ng selfie. Laganap din ngayon ang paggamit ng
salitang balbal na tinatawag ding salitang kanto o kalye.

Station 3
Isa sa masamang mga epekto ng teknolohiya sa wika ay
ang pagiging asa na lamang sa teknolohiya tulad ng smartphone,
tablet, at laptop para sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
Nagiging ugat din ng hindi pagkakaunawaan ng mga
mamamayan ang paggamit ng teknolohiya sapagkat may kanya-
kanyang pananaw ang ibang tao. Kung kaya, malakas ang loob
nilang makipagsagutan sa isa’t isa lalong-lalo na at ito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagpindot lamang kahit walang
pagkilos na nagaganap. Isa pa sa mga epekto ng teknolohiya sa
ating wika ay nawawalang halaga ang ating pinag-aralan sa
eskuwelahan sapagkat nagpopokus ang mamamayan sa iba’t
ibang pananaw marahil sa kanilang nakikita sa social media;
nakakawalang pokus sa sambahayan ang paggamit ng
makabagong teknolohiya dahil sa mga gadget na laging gamit ng
mga tao sa araw-araw nilang pamumuhay.

Sanggunian:https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/13/epekto-ng-teknolohiya-
sa-wika/

Tanong-sagot:

Sagutin ang gabay na tanong.

. Ipaliwanag ang sumusunod na mga larawan ukol sa


nangyayari sa wika sa kasalukuyang panahon. Iugnay
ang mga ito sa binasang teksto.
(Pitong minuto)
Number Game

Panuto: Sagutin ang katanungan sa pamamagitan ng tanong-sagot.


2. Analisis/Pagsusuri
1. Ipaliwanang ang naging epekto ng paggamit ng teknolohiya
sa wikang Filipino?
2. Paano nakaaapekto sa kabataang tulad mo ang paraan ng
pagbabaybay ng salita sa social media?

(Limang minuto)

Panuto: Ibahagi ang hinuha at damdamin.

Gamit ang estratihiyang 3-2-1 lagumin mo ang naging talakayan.


3. Abstraksiyon/Paglalahat
3 – Bagay na iyong natutuhan sa aralin.
2 – bagay o kaisipan na pumukaw sa iyong damdamin at isipan
1 – Isang tanong na nais mong hanapan ng sagot.
4. Aplikasyon/Paglalapat (Labinlimang minuto)

Pangkat 1
Pansinin ang pagkakabaybay sa pagbasa ng mga letra o titik sa
Alpabetong Filipino. Kung isa ka sa mga kabataang
tumatangkilik ng wikang pan-text, ano ang natutuhan mo sa
paggamit nito? Paano nakaaapekto sa kabataang tulad mo ang
paraan ng pagbabaybay ng salita sa social media?

Pangkat 2:
(Ilahad ang mga sagot sa tulong ng Discussion Web

2. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan


magsasalita ang lahat ng mga Pilipino? Ipaliwanag.

Pangkat 3:

Sa pamamagitan ng pagbabalita. Ilahad ang nais ipahiwatig ng


sumusunod na larawan.
Pamantayan:
IV. EBALWASYON

Mga kasagutan:

1. D
2. B
3. A
4. D
5. B
Panuto: Magtala ka ng tatlong ginagamit mong websites o social
media applications. Ano ang isinusulat o ipino-post mo sa
naturang mga website/social media? Sagutan ito sa iyong papel.

V. KASUNDUAN/TAKDANG-ARALIN

Websites/Social Media Isinusulat o ipino-post mo


__________________ _____________________
__________________ _____________________

May mga ilang sektor o bahagi ng ating lipunan na


nananatili ang puro na paggamit ng wikang Filipino, may ilan
naman na tila nagkakaroon ng paglalaro at pagpapaunlad sa
paggamit nito sa pamamagitan ng pagpapalit ng ilang salita o
pagdaragdag ng ilang letra.
VI. PAGNINILAY-NILAY
Nagkakaroon dito ng pagpapaunlad ngunit mayroon din
namang mga bahagi na hindi na alam ng ating mga kabataan,
may ilan tayong mga salita o bahagi ng ating talasalitaan ng
wikang Filipino na hindi na alam o batid ng ating mga kabataan
sapagkat maaaring hindi na nila ito nagagamit o hindi na nila ito
naririnig kaya di na nila alam gamitin.

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa ebalwasyon.


_______________________________________________________________________
B. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng iskor na mababa sa 80% at binigyan ng karagdagang gawaing pang-remedial.
_______________________________________________________________________
C. Mabisa ba ang mga araling pang-remedial? Bilang ng mag-aaral na umunlad sa mga ibinigay na araling pang-remedial.
_______________________________________________________________________
D. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan pa ng patuloy na araling pang-remedial?
_______________________________________________________________________
E. Alin sa mga istratehiyang pampagtuturo ang mabisa? Bakit ito mabisa?
_______________________________________________________________________
Inihanda ni:

Guro : REYDEN LYN E. PIQUERO


Paaralan : CARMEN NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay : DAVAO DEL NORTE

You might also like