You are on page 1of 6

Aralin sa Filipino 10

Paggamit ng Hatirang Pangmadla (Social Media)

Asignatura Filipino 10

Learning Delivery Modality Modular Distance Learning

Paaralan: Trece Martires City National High Baitang: 10


School- Hugo Perez Extension

Pangalan ng Guro: Girlie T. Espineli Markahan: 2


Kristel Joy M. Layno

Araw at Oras ng Biyernes – 8:30 ng umaga Bilang ng Araw: 1


Pagtuturo:

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


K – Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang
nakikita sa mga social media
S – Nakalilikha ng isang halimbawa ng popular na anyo ng panitikan gamit
ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media
A – Napahahalagahan ang mga popular na anyo ng panitikan at ang
mabuting dulot ng paggamit ng social media

A. Pamantayang Pang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


Nilalaman akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla


Pagganap (social media)

C. Pinakakailangang F10PD-IIg-h-73 – Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na


Kasanayan sa karaniwang nakikita sa mga social media
Pagkatuto (MELC)
F10PT-IIg-h-75 – Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang
karaniwang nakikita sa social media

II. NILALAMAN ARALIN: Mga Popular na Anyo ng Panitikan sa Social Media

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian

a. Mga Pahina na Gabay MELC (Filipino 10) IKALAWANG MARKAHAN (pahina 189)
ng Guro
PIVOT 4A Qube Budget of Work (pahina 56)

b. Mga Pahina sa Filipino 10 Learning Module 2 (pahina 29)


Kagamitang Mag-
aaral

c. Karagdagang Filipino G10 Module 2 (pahina 29)


Kagamitan Mula sa
Learning Resources
https://www.youtube.com/watch?v=qV_sqeD7hTA
https://www.youtube.com/watch?v=pWUhqtsJ5iE
https://www.youtube.com/watch?v=Uhjv8zxudSM
https://www.youtube.com/watch?v=LxurAY95AnI
https://www.youtube.com/watch?v=g4P4JPyvMMQ

A. Listahan ng mga Power point presentation, video clip, tarpapel,


Kagamitang Panturo
para sa gawaing Pag-
inam at Pakikipag-
ugnayan

IV. PAMAMARAAN Panimulang Gawain


A. Pagbati
B. Panalangin
C. Pagsasaayos ng klase
A. INTRODUCTION D. Pagtsetsek ng may liban sa klase
(Panimula)
E. Paglalahad ng Health Protocol
F. Balik-Aral/Pagganyak
ALAMIN
Balikan ang natutunan mula sa nakaraang aralin. Tukuyin ang mga
hatirang pang-madla na ipakikita at tukuyin din kung ano ang kanilang
natatanging gamit.
G. SURIIN
Paglalahad ng Pokus na Tanong:
-Ano-ano ang tulong ng social media sa makabagong anyo ng
panitikan na mababasa o makikita sa social media?

B. DEVELOPMENT A. SUBUKIN
(Pagpapaunlad) -Pagpapanood ng video patungkol sa iba’t ibang anyo ng panitikan
sa social media (Vlogs, Fliptop, Spoken Poetry, Pick-up Lines at
Hugot Lines).

B. PAGYAMANIN
Pagtalakay sa Anyo ng Panitikan sa Social Media

C. ENGAGEMENT A. ISAGAWA
(Pakikipagpalihan)
Pangkatang Gawain. Hugot/Pick-up Lines pa more!

-Kasama ang iyong kapareha ay gagawa kayo ng isang skit na


mayroong hugot o pick-up lines.
- Sa inyong skit ay gagamit din kayo ng mga salita na karaniwang
nakikita sa mga hatirang pang-madla at ng mga bagay na makikita
sa inyong paligid ngayon.
-Bibigyan ng 15 minuto ang bawat pareha upang makapaghanda at
makapagtanghal.

Puntos sa Pagmamarka
Nilalaman - 5
Malikhaing gawa - 3
Nakasunod sa panuto - 2__
KABUUAN : 10
B. LINANGIN

Mula sa pinakitang skit ng bawat pareha ay magbibigay ng


komento ang mga kaklase sa mga hugot/pick-up lines na ibinigay
ng bawat pareha gamit ang pamantayn sa pagmamarka.
-Ano-ano ang ginamit na mga salitang nakikita sa social media?

A. ASSIMILATION ISAISIP
(Paglalapat)
Paglalapat

Pagsagot ng Pokus na Tanong:


-Ano-ano ang tulong ng social media sa makabagong anyo ng
panitikan na mababasa o makikita sa social media?

Pagtataya
A. Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang nakahilig ayon sa
gamit nito sa pangungusap.

a. pagkuha ng larawan sa sarili gamit ang gadget.


b. isang uri ng relasyon na hanggang kaibigan lamang
c. salitang ginagamit kapag may ipinagmamayabang, ito ay maaaring
tao, hayop, o bagay
d. hango sa salitang Ingles na idol at binaligtad ito upang maiba ang
pagbigkas. Ito ang salitang ginagamit kung mayroon kang taong
hinahangaan
e. nangangahulugan na nagbibiro lamang o biro lang
f. ginagamit na salita sa taong maarte sa kaniyang kilos
1. Wow, pa-selfie naman sa bago mong cellphone!
2. Ang sarap sa pakiramdam mag-flex ng bagay na iyong pinaghirapan.
3. Lodi ko talaga si mam. Ang husay niya magturo.
4. Charot lang pala ang mahabang pagsusulit ngayong araw.
5. Tila medyo pabebe ang aming bagong kaklase.

B. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na anyo ng panitikan ay


nabibilang na popular na panitikan sa social media. kung ito ay
nabibilang at naman kung hindi.

__________1. Vlog __________6. Elehiya


__________2. Balagtasan __________7. Fliptop
__________3. Hugot Lines __________8. Spoken Poetry
__________4. Alamat __________9. Dula
__________5. Pabula __________10. Blog

Paglalahat

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag.

 Tatlong (3) konsepto na natutunan ko sa aralin.

 Dalawang (2) mahalagang bagay na ayaw kong makalimutan


mula sa Aralin:

 Isang (1) gawain na gusto kong subukan mula sa aking


natutunan sa Araling ito.

Takdang-Aralin
- Magsaliksik tungkol sa Panitikan at mga halimbawa nito. Isulat ang iyong
nasaliksik sa iyong kuwaderno sa Filipino.

Inihanda nina: Ipinasa kay:

Girlie T. Espineli Marissa M. Rodil


Kristel Joy M. Layno OIC-TMCNHS-Hugo
GURO SA FILIPINO Perez Extn.

You might also like