You are on page 1of 30

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VIII

ARALIN 3.1: KONTEMPORARYONG PANITIKAN TUNGO SA KULTURA AT


PANITIKANG POPULAR

I.LAYUNIN
 ( F8PT-IIIa-c-29 )- Nabibigyang kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa
mundo ng multimedia .
 ( F8PN- IIIa- c-28 )- Nabibigyang-reaksyon ang narinig na opinyon ng
kausap tungkol sa isang isyu.

II.PAKSANG ARALIN
A. Paksa : Kabuluhan ng Multimedia

B. Sangguniang :Pinagyamang Pluma 8 P 337-340

C. Kagamitan Pampagpatuturo: manila Paper, pentel pen, resiklong bagay,


laptop

III.PAMAMARAAN

A.Pagganyak

Panuto : Pagpapakita ng larawan ng mga bagay sa ating kapaligiran. Itaas ang


hinlalaki kung gusto ang larawan , Ibaba ang hinlalaki kung hindi gusto.

Gusto Di- gusto

Halimbawa ng larawan .

1. Laptop
2. I- pod
3. Cellphone
4. Aklat
5. Diyaryo

B.Pagtatalakay

Bunutin Mo Ako
Hahatiin ang mga estudyante sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bubunot sa
kahon ng isang bagay at bibigyan ng kaukulang pagpapaliwanag. Aalamin nila ang
bentahe at di- bentahe ng multimedia.

C.Pagsasanay

Tukuyin ang mga tiyak na layon ng teksto batay sa mensaheng isinasaad ng mga
pahayag. Piliin at isulat ang tamang sagot.

1.Sa panahon ng information and communication technology, nararapat na amging


malinaw sa isipan ng mga titser na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng
impormasyon kundi isang facilitator na gumagabay at nagsisilbing konsultant ng
kaalaman sa klasrum.

A.Nagpapabatid C.Nagbibigay ng papuri

B.Nagpapaalala D.Naglalarawan

2.Kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya,lalo na ang


internet ay may negatibong epekto sa buhay ng kabataan.

A.Nangangaral C.Nagsusuri

B.Nagbibigay ng bababala D.Nagtatanong

3. Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang


ganap na maiayos ang mga problemang kinakaharap ng bansa patungkol sa
edukasyon. Karapat-dapat lamang na bigyang pugay ang kalihim ng kagawaran.

A.Nagbibigay ng pagkilala C.Nagpapaalala

B.Nagbibigay ng payo D.Nag-uuyam

4. Ganda naman ng katalo ko namumula ‘ pag napikon, binibini nasasaad , basahin


din sa Konstitusyon, pangalawang wika nati’y Ingles iha nanduroon,katuwang ng
iyong dilang nilulumot na ng panahon.

A.Nagtatampo C. Nang-uuyam

B.Nagbibigay- payo D.Nagtatanong

5.Sa kasalukuyan,hindi na bago sa atin ang mga terminong gaya ng information age,
e-class, multimedia,at e-mail, on –line /distance learning education, cybernetics,
webpage, hyphermedia at marami pang iba.

A.Nagsasalaysay C. Nangangatwiran

B.Naglalarawan D.Nagpapaalala
D. Paglalahat

Ang kahalagahan ng multimedia bilang pinagkukunan ng mga kaalamang may


kaugnayan sa kulturang Pilipino.

E. Paglalapat

Pagsulat ng dalawang talata ukol sa kahalagahan ng multimedia sa buhay ng mga


Pilipino.

Rubrik para sa pagtasa ng talata

Mahusay na natatalakay ang opinion at saloobin sa paksa 15 puntos

Gumagamit ng mayamang kaisipan sa talata 15 puntos

Angkop ang mga lingo sa mga multimedia 10 puntos

Tama ang baybay ng mga salita , mga bantas at kapitalisasyon 10 puntos

_____________________

Kabuuan 50 puntos

F. Pagtataya

Ang mga salitang nakasulat ng may diin sa mga pahayag sa hanay A ay mga
salitang ginagamit sa mundo ng media . Bigyang –kahulugan ang mga ito sa
pamamagitan ng pagpili ng kahulugan nito sa mga salitang nakasulat sa hanay B.

A.

1. pinanghahawakan ng mga techie

2. kahalagahan ng multimedia

3. mga gamit ng cybernetics

4. tungo sa hypermedia na pagkatuto.

5. pakikilahok sa global village

6. halimbawa nito ay ang world wide web ( www)

7. paggamit ng e- learning

8. Internet sa loob ng klasrum.

B.
a. agham ng komunikasyon at ng awtomatikong sistema ng pagkontrol kapwa sa
makina at buhay na nilalang.

b. internasyonal na network na pang-computer na nag-uugnay sa mga indibidwal


na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

c. isang sistema ng magkakakabit na mga dokumento na makukuha sa internet.

d. isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan.

e. paggamit ng higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag o komunikasyon.

f. taong eksperto sa teknolohiya

g. uri ng komunidad na nasasaklawan ang buong mundo.

h. ang pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio, video,


graphics, plain text at hyper links.

IV. Takdang Aralin

Saliksikin ang mga kontemporaryong babasahin at ang kahulugan nito.

ARALIN 3.1: KONTEMPORARYONG PANITIKAN TUNGO SA KULTURA AT


PANITIKANG POPULAR
I.LAYUNIN
 ( F8PS- IIIa-c-30 ) - Nailalahad ng maayos at mabisa ang nalikom na
datos sa pananaliksik

 ( F8PB-IIIa-c-29 ) - Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto


batay sa :

- paksa

-layon

-tono

-pananaw

-paraan ng pagkakasulat

-pagbuo ng salita

-pagbuo ng talata

-pagbuo ng pangungusap

II. PAKSANG ARALIN

A.Paksa:Panitikang Popular na Babasahin pahayagan ( Tabloid ) at Komiks .

B. Sanggunian:Pinagyamang Pluma 8 P 340-345

Learners Modyul 8 421-429

C.Kagamitang Pampagtuturo:laptop,komiks, pahayagan,ispeker

III. Pamamaraan

A.Pagganyak

Hatiin ang mga estudyante sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng salita
at gagawan nila ito ng hugot lines.

B.Pagtatalakay

Pagpapa-ulat ng bawat pangkat hinggil sa kasunduang pagpapasaliksik ng iba’ t


ibang babasahing popular.

Pangkatang Gawain ( sa iba’t ibang paraan )

Unang pangkat

Pahayagan ( Tabloid ) – Rap

Ikalawang pangkat
Magasin - Pick –up lines

Ikatlong pangkat

Komiks – Patula

C.Pagsasanay

Guhit –Likhang Kuwento

Lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks
istrip upang makabuo ka ng isang kuwento.

D.Paglalahat

Dapat pahalagahan ang mga popular na babasahin dahil nagsisilbi itong behikulo
sa pagpapayaman at pagpapayabong ng panitikang Pilipino.

E.Paglalapat
Pagsulat ng repleksyon bakit nagkaroon ng transpormasyon ang tradisyonal
na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular ? Paano nakaapekto ang
pagbabasa ng mga babasahing popular lalo na sa mga kabataan?

F.Pagtataya

Magpapakita ng video clips tungkol sa popular na babasahin katulad ng


Darna, Pedro Pinduko, Lastik man .
Gabay na tanong.

1.Sino-sino ang mga tauhan sa videong napanood?

2. Ano-ano ang papel na kanilang ginagampanan?

3. Ano ang mensaheng nais iparating sa tagapanood?

IV.Takdang –aralin

Saliksikin o balikan ang antas ng wika.

1.Ano ang Pormal at di-pormal na antas ng wika ?

2.Uri ng pormal at di-pormal na antas ng wika ?

ARALIN 3.1: KONTEMPORARYONG PANITIKAN TUNGO SA KULTURA AT


PANITIKANG POPULAR

I.LAYUNIN
 (F8PD-IIIa-c-29 ) - Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang
popular sa temang tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon
o video clip.

 ( F8WG-IIIa-c-30 )..Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang


ginagamit sa impormal na komunikasyon ( Balbal , Kolokyal, Banyaga ) .

II.PAKSANG ARALIN:

A. Paksa: Popular na Babasahin pahayagan ( Kontemporaryong dagli at antas


ng wika )

B. Sanggunian: Pinagyaman Pluma 8 P 337-366

Learners Module P 418-429

C. Kagamitang Pampagtuturo:Babasahing teksto, kartolina istrip, larawan, aklat

III. PAMAMARAAN

A.Pagganyak

Lihim ng Mahiwagang Banga

May mga nakasulat na tanong sa loob ng banga. Ipapasa ng mga mag-aaral ito
habang may kasamang tugtog . Kapag huminto ang tugtog ang huling may hawak
ng banga ang siyang bubunot ng tanong at sasagot nito.

B.Pagtatalakay

Magpapakita ng isang halimbawa ng dagli sa pamamagitan ng pagpapanood ng


video.

Gabay na tanong :

1.Ano ang dagli at ang kaibahan nito sa ibang popular na babasahin?

2. Paano nakatulong ang antas ng wika sa pagbuo ng dagli?

C.Pagsasanay

Tukuyin kung Lalawiganin, Balbal, Kolokyal o Banyaga ang mga salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap.

1. Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at masarap kainin.

2. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang nakilala ko sa paaralan.


3. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya sa
ngayon.

4. Hanep ang sarap pala talagang mag-aral gamit ang kompyuter.

5. Ewan ko bas a mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.

6. High tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin.

7. Kilig to the bones ang saya ko nang binili ako ng bagong Ipod ni tatay.

8. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa ate mo.

9. Kumain tayo habang nanonood ng videotape.

10.Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni ermat.

D. Paglalahat

Bilang isang milenyals paano mo mapananatiling buhay at dinamiko ang isang wika?

E. Paglalapat

Pagpapahalaga sa binasang pabula sa pamamagitan ng pagsulat ng kaisipan.

E.Pagtataya

Muling Sariwain ang nakaraan ( Drill )

Bawat pangkat ay pipili ng kanilang representante na siyang sasagot sa pisara ng


mga araling natalakay. Paramihan ng nalalaman ang bawat isa.

IV.Takdang Aralin

Magdala ng halimbawa ng komiks, magasin, tabloid, kontemporaryong dagli, pag-


aralan ang pagbuo nito.

ARALIN : 3.2 Broadcast Media :MEKANISMO NG PAGBABAGO AT


PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO
I. LAYUNIN
 ( F8PU-IIIa-c-30 )Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa
pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita , komentaryo at iba
pa.
 (F8PB-IIId-e-30) Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.
II. PAKSANG ARALIN :

A.Paksa: Opinyon at Talakayang Panradyo


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 P 385-389
Learners Module 8 P 457- 468
C.Kagamitang Pampagtuturo: radyo,flash kard, gawing pisara, laptop

III. PAMAMARAAN

A.Pagganyak

Magpaparinig ng mga paboritong programa sa radio.

Dahilan kung bakit kinagigiliwan

B.Pagtalakay
RADYOrific Ang Hatid

Gamit ang Flash Kard ihanay ng mga estudyante ang mga salita o pahayag na may
kaugnayan sa radyo.

Naghahatid ng musika Naghahatid ng mga Nagpapalabas ng


talakayan/ pulso ng bayan pelikula

Nagpalabas ng variety Naghahatid ng Nagpapalabas ng


show napapanahong balita teledrama

Nagpapakilala ng Nagpapahatid ng mga Nakikinig ng mga awit


isang produkto panawagan

Nagbibigay ng opinion kaugnay ng isang paksa

C.Pagsasanay
Pagsulat ng Iskrip Para sa Programang Panradyo
Kahulugan Kahalagahan Ginampanan
Nito sa
Pagpapaigting
ng Kamalayan

Ang mahahalagang aral na taglay na natutuhan ko mula rito ay…

D.Paglalahat

Isa sa mga pinakalaganap na libangan ng mga Pilipino sa kasalukuyang ay


ang pakikinig sa radyo. Ito ay nagsisilbing kasalo natin sa araw-araw na
pamumuhay.

E.Paglalapat

RADYOpinyon

Pangkatang Gawain

1. Magpaparinig isang napapanahong balita.

2.Itala ng mga estudyante ang mga positibo at negatibong pananaw .

3. Isulat sa bituin ang positibo at sa bilog ang negatibo.

F.Pagtataya
Susulat ng isang komentaryong tumatalakay sa isang napapanahong isyu
gaya ng Cyber Bullying, Child Protection Policy at Kalagayan ng edukasyon sa
Bansa

Rubrik para sa pagsulat ng komentaryo


Nilalaman 20 puntos
Mayaman sa mga nasaliksik na impormasyon
Malinaw na naihanay ang mga impormasyon

Pagsulat 20 puntos
Maayos ang gramatika
Wasto ang pagbabaybay ng mga salita at mga bantas na ginamit
Malinaw at nauunawaan ang daloy ng kaisipan ng sanaysay

Isyung napili 10 puntos

Napapanahon at makabuluhan
Humahamon sa mapanuring pag-iisip ng mambabasa
Kabuuang puntos 50 puntos

IV.Takdang Aralin

1.Magsaliksik ng mga konsepto ng Pananaw

ARALIN : 3.2 Broadcast Media :MEKANISMO NG PAGBABAGO AT


PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO

I. LAYUNIN:

a. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng


pananaw. ( Ayon , batay , sang-ayon sa , sa akala at iba pa. ) (F8WG-IIId-e-31 )
II.PAKSANG ARALIN:

A.Paksa: Konseptong Pananaw

B.Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 P 390-393

C.Kagamitang Pampagtuturo: Kartolina istrip, aklat, laptop, ispeker

III.PAMAMARAAN

A.Pagganyak

Mouthful of Ideas

Ipapasa ang isang maliit na kahon sa klase habang may tugtog .Kapag huminto ang
tugtog, ang huling may hawak ng kahon ang siyang bubunot at magpapakita ng
isang pag arte ( act-out ).

Magandang gabi bayan - Noli de Castro

Handa na ba kayo? - Korina Sanchez Roxas

Ang saya-saya no? - Gloria Macapagal Arroyo

Walang Himala - Nora Aunor

Akala mo lang wala pero meron, meron - Carlo Aquino

B.Pagtatalakay

Basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang
mga impormasyon. Gawin sa papel.

Mga nagpapahayag ng impormasyon

Mga pahayag ng mga personalidad

Sariling pananaw

C.Pagsasanay

Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap na nagsasaad ng pananaw o konsepto at ng


ekis ( x ) ang hindi .

1.Pag-isipang mabuti ang mga bagay bagay bago ito isagawa upang maiwasan ang
pagkakamali.

2.Sino ang dapat sisihin sa mga kabiguang dumarating sa buhay ng isang tao?
3. Sa aking pananaw ang buhay ay nakabase sa mga bagay na iyong pinipili o
pinaniniwalaan.

4. Sa ganang akin gang lahat ng bagay ay nakaplano sa kamay ng Panginoon.

5. Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong ang magandang buhay ay hindi


lamang nakasentro sa ating sarili kundi sa ating kapwa at Panginoon.

D.Paglalahat

Ang konsepto ng pananaw ay isang instrumento upang maging mabusisi tayo sa


mga salitang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan.

E.Paglalapat

RADYOTIK na mga TITIK

Mula sa binasang tekstong na Kwentuhang Media . hanapin ang mga salitang


tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang sagot sa bilog. Gawin sa
sagutang papel.

F.Pagtataya

Basahin ang Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information Bill


( FOI ). Suriin ang mga konseptong pananaw na ginamit sa komentaryo.

IV.Takdang Aralin

Magsaliksik ng mga programang pantelebisyon. Ipaliwanag kung bakit ito ang


madalas mong pinanonood.
ARALIN : 3.2 Broadcast Media :MEKANISMO NG PAGBABAGO AT
PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO

I.LAYUNIN

(F8PT-IIIe-f-31)- Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na


may kaugnayan sa paksa
(F8PD-IIIe-f-31 )- Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa
itinakdang mga pamantayan.

II. PAKSANG ARALIN :

A.Paksa: Dokumentaryong Pantelibisyon

B.Sanggunian:Pinagyamang Pluma 8 P 394- 400

Learners Modules P 471-476

C.Kagamitang Pampagtuturo: laptop, ispeker, index card, gawaing pisara

III. PAMAMARAAN

A.Pagganyak

Unawain at limiin ang isinasaad ng mga datos upang maibigay ang tamang sagot.
Bilugan ang mga letra bumubuo sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel.

1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili.

2.Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mga mamamayan sa
katotohanan ng buhay sa kanyang paligid.

3.Maaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man o sa nayon.

4.Isa sa mga naihahatid ng telebisyon na nagdudulot ng aliw sa marami.

5.Maaring marinig o mapanood ang mga ito sa radyo o telebisyon.

T E L E B I S Y O N M V

L M N H I E A Y O A U M

E J O S H I D I E T S U

L I R A B A L I T A I S

E C A C R I S T Y S K A

O M A R I C A R R O A K

D O K U M E N T A R Y O
B.Pagtatalakay

Gulong ng Buhay Telebisyon

Magbigay ng mga dahilam kung bakit pinanonood ang programang pantelebisyon.

PAMAGAT NG PROGRAMANG PINANONOOD DAHILAN KUNG BAKIT

C.Pagsasanay

1.Bibigyan ng guro ng iskrip ang bawat representate ng kanilang pangkat

2. Magbabalita hingil sa napapanahong isyu

D.Paglalahat

Ang programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na


nagsisilbing libangan at gumisigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y
mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang espirituwal,
pangkultura, pangmoralidad , pang edukasyon at iba pa.

E.Paglalapat

Panoorin ang ang dokumentaryong “ PAGPAG FOR SALE “ Sine Totoo ni Howie
Severino na matatagpuan sa youtube.

Gabay na tanong

1.Ano-ano ang pumukaw sa iyong dadamin habang pinanonood ang dokumentaryo?

2.Bilang kabataan ano ang masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan.

3.Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?


F.Pagtataya

Subuking dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang


inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel.

1.Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ________________.

2. Dahil _______________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng


pagkain.

3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ________________.

4. dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryog ito,


____________.

5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng


dokumentaryong “ Gamu-gamo sa dilim “

IV.Takdang Aralin

Magsaliksik ng mga kahulugan ng Kaugnayang Lohikal

ARALIN : 3.2 Broadcast Media :MEKANISMO NG PAGBABAGO AT


PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO

I.LAYUNIN:

F8WG-IIIe-f-32 Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng


kaugnayang lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta )

II. PAKSANG ARALIN

A.Paksa : Mga Konseptong May kaugnayang Lohikal


B.Sanggunian: Pinagyamang Pluma P 478-480

C.Kagamitang Pampagtuturo: laptop, gawaing pisara, manila paper, pentel pen

III.PAMAMARAAN

A.Pagganyak

Gamit ang mga salita o ekspresyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin
ang mga kaisipan isinasaad ng bawat larawan.

Kaisipan
Kaisipan

Kaisipan Kaisipan

Kaisipan Kaisipan

Gabay na tanong

Ano-ano ang ipinakita ng mga larawan?


Paano tinatalakay ang kanilang mga paksa?
Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang maimulat ka sa katotohanan ng mga
kaganapan sa iyong lipunan?

B. Pagtatalakay

Pangkatang Gawain
Mag-uulat ang bawat pangkat at pagbigay ng mga halimbawa

Unang Pangkat

Dahilan at Bunga / Resulta

Ikalawang Pangkat

Paraan at Layunin

Ikatlong Pangkat

Paraan at Resulta

Ikaapat na pangkat

Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

C.Pagsasanay

Tanong- sagot

Tukuyin kung anong kaugnayang lohikal ang ginamit sa bawat pangungusap o


pahayag.

D.Paglalahat

Sa paglalahad ay mahagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at


ugnayan ng mga pangyayari . Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang
madaling makuha o maunawaan ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita o
nagpapahayag.

E.Paglalapat

Paint Me A Picture

Unang pangkat – Magpapakita ng kilos

Ikalawang pangkat – Aanalisahin ang kilos ng unang pangkat

Ikatlong pangkat – Itala ang mga konseptong may kaugnayang lohikal na ginamit ng
ikalawang pangkat

F.Pagtataya

Isulat sa kahon ang ugnayang lohikal mayroon sa pangungusap.


1.Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong sapagkat
parami na nang parami ang mga batang nabibiktima ng pang-aabuso.

2.Kung hindi sana matigas ang kanilang mga ulo ay maganda na


ang kanilang buhay ngayon.

3.Hindi ako sigurado sa aking nakita kaya’t hindi ko alam kung


tutulungan ko ba ang mga batang ito o hindi

4.Upang maiwasan ang problema ay kailangang gumawa ng


hakbang ang pamahalaan.

5.Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat masusugpo ang


problemang ito.

IV.Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa kahulugan ng Pelikula at mga halimbawa nito

ARALIN 3.3 DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA: MIDYUM SA


PAGBABAGONG PANLIPUNAN

I.Layunin

F8PT-IIIg-h-32 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng


pelikula .
II.Paksang Aralin:

A.Paksa: Manoro ( Ang Guro ) sa Direksyon ni Brillante Mendoza

B.Sanggunian: Learners Module 8 P 498-515

C.Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, ispeker, manila paper, pentel pen

III.Pamamaraan

A.Pagganyak

1. Larawasyon ( Imahinasyon Batay sa Larawan)

Ang Babae sa Septic Tank

Ang Pagdadalaga ni maximo Oliveros

I-Witness

Reel Time

Gabay na tanong

1.Alin sa mga palabas o pelikula na nakalarawan ang iyong kinagigiliwan? Magbigay


ng tatlo at ipaliwanag kung bakit.

2.Ano-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang tumatak sa iyong isipan.


Maglarawan ng dalawa at ipaliwanag.

3.Kung bibigyan ka ng pagkakataon , ano ang isang tanong na nais mong tanungin
sa mga tao sa likod ng mga pelikula o palabas na ito?

B.Pagtatalakay

1. Dugtungan Pagkukuwento

Ang pagkukuwento ay maaring simulan ng isang guro.Sampung mag-aaral ang


magsasagawa nito hanggang matapos at mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi
ng isa ang kaniyang bahagi, hahawakan niya ang kamay ng katabi bilang tanda na
siya ay tapos na.
Eksena 1 : Araw ng Pagtatapos ( Graduation Day )

Eksena 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong Resettlement Area ng mga


Katutubo

Eksena 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad

Eksena 4 : Sa Tahanan nina Jonalyn

Eksena 5 : Sa Simula ng isang malayong paglalakad

Eksena 6 : Patungo sa mga Kabundukan

Eksena 7: Ang Pananghalian

Eksena 8 : Araw ng Eleksyon

Eksena 9 : Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni

Eksena 10: Isang Natatanging Pagdiriwang

C. Pagsasanay

Concept Map

PELIKULA

D.Paglalahat

Ang isang dokumentaryong pelikula ay isang matibay na instrument upang


maipamulat sa bawat isa sa atin ang katotohanan ng buhay kaya’t higit pa nating
palawakin ang ating kaalaman tungkol dito.

E.Paglalapat

Hagdanaw ( Hagdan at Pananaw )


Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin ang sumusunod na tanong.

1.Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa kaniyang edad, wasto
ba ang hakbang na isinagawa ni Jonalyn para sa kaniyang mga kapwa katutubo?

2.Kung ikaw si Jonalyn , paano mo isasakatuparan ang pagtuturo ng pagbasa at


pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo? Magbigay bg mga mungkahi.

3. Paano mo bibigyang- kahulugan ang mga tinahak na landas sa pamamagitan ng


mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung
ihahambing sa kasalukuyan kalagayan ng mga katutubo at ng bansang Pilipinas?

4. Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan mo na nagtataglay


ng “ kawalang –alam ( illiteracy ) lalo na sa pagbasa at pagsulat ? Ano ang naisip
mong mga proyekto para sa kanila?

5. Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili isang mahusay na lide at
tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami sa kasalukuyang panahon?

6. Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang isang uri ng media tulad ng


dokumentaryong Pampelikula na bahagi n gating kultura at panitikang popular ?
ipaliwanag.

F. Pagtataya

Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang sagot sa bawat bilang.

1.Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga panyayari upang higit itong
mas maging makatotohanan. D__ ___ U__ ___ ___ T ___ ___ Y __.

2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga


patimpalak. S__ __ D __ __ T I__ __ ___ ___ ___ ___ I __ M.

3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga
tauhan at artista. I__ ___ ___ I ___.

4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay si


B__ ___ ll__ nt __ __ e ___ do__ a.

5. Si __ O __ __ __ a __ __ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at


produkto ng Indie Films.

IV.Takdang Aralin
Magsaliksik sa mga elemento ng pelikula

ARALIN 3.3 DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA: MIDYUM SA


PAGBABAGONG PANLIPUNAN

I.Layunin

F8PB-IIIg-h-32 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa :

-paksa/tema

-layon

-gamit ng mga salita

-mga tauhan

II. Paksang Aralin:

A.Paksa: Elemento ng Pelikula

B.Sanggunian

C.Kagamitang Pampagtuturo

III.Pamamaraan

A.Pagganyak

Magpapakita ng video clips . Aalamin ng mga estudyante kung ano ang


pamagat ng pelikula.

B.Pagtalakay
Tanong-sagot

Tatalakayin ang kahulugan ng Elemento ng Pelikula

C.Pagsasanay

Panoorin ang pelikulang “ Manoro “ .Suriin batay sa:

Manoro “ Ang Guro “

Paksa/ tema

Layon

Gamit ng mga salita

tauhan
D.Paglalahat

Ang Manoro ( Ang Guro ) ay tahasang tumatalakay sa napapanahong mga


isyu sa ating lipunan. Kaya’t ang matataas na uri ng mga obra maestro na
katulad nito sa larangan at industriya sa paglikha ng pelikula ay nararapat
lamang tangkilikin bilang bahagi ng kultura sa ating bansa.

E.Paglalapat

Ipaliwanag ang implikasyon sa iyo ng dokumentaryong Manoro ( Ang


Guro ) batay sa sumusunod na aspeto. Gawin sa papel. Gayahin ang
Pormat

MANORO ( Ang Guro )

Dokumentaryong Pampelikula

IMPLIKASYON

Kaugnayan sa Tunay na Buhay

SARILI
PAMILYA LIPUNAN

F. Pagtataya

Gawin ng mga estudyante habang may pinaparinig na isang awiting Pilipino

Ang Aking Repleksyon …


IV.Takdang Aralin

Magsaliksik ang Komunikatibong Paggamit ng ng mga Pahayag o Mga uri ng


Pagpapahayag

ARALIN 3.3 DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA: MIDYUM SA


PAGBABAGONG PANLIPUNAN

I.Layunin

F8-PS-III-h-33 – Naipapaliwanag ng pasulat ang mga kontradiksyon sa napanood


na pelikula sa pamamagitan ng mga komunikatibong pahayag.
II.Paksang Aralin :

A.Paksa : Komunikatibong Paggamit ng ng mga Pahayag o Mga uri ng


Pagpapahayag

B.Sanggunian: Learners Module 8 P 519-524

C. Kagamitang Pampagtuturo

III.Pamaraan

A.Pagganyak

Pagsang-ayon
Pagtanggap

Pagtanggi

Pag-aalinlangan
Pagsalungat

1. “ Taos –puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo”

2.”Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga himala?

3.” Nakalulungkot isipin , ngunit hindi ko kalianman sinabi ang mga pananalitang
yaon”.

4.”Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.”

5. “ Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungan sa iyong mga pahayag.”

B.Pagtalakay

Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong


napanood. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa
bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
Pagtanggi Pagsang-ayon

Pagbibigay-babala Panghihinayang

Panghihikayat Pagsalungat

1.”Ama mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan!”

2.” Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin siya sa pagboto”.

3. “Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon”.

4.” Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi naman ito
makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.”

5. “Ang sampagitang ito ay para sa ,mga ga-gradweyt lamang , isuot mo,


huwag kang mahiya, bagay sa iyo ito”.

6.”O sige , mag-aaral tayo pagkatapos ng pananghalian natin”.

C. Pagsasanay

Gagawa ng diyalogo ang mga estudyante tungkol sa napapahong isyu sa lipunan.

D.Paglalahat

Isa sa mga mahahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang


komunikatibong paggamit ng mga pahayag o mga uri ng pagpapahayag.

Pahayag: ________________________
E.Paglalapat
Paliwanag / Interpretasyon:__________________
Pahayag Ko,Interpretasyon Mo

Basahin ang sanaysay na pinamagatang “ Pintig ,Ligalig at Daigdig “ ni


Pahayag : _________________________
Jet Oria Gellecanao
Paliwanag / Interpretasyon: ___________________

Pahayag: _______________________

Paliwanag/ Interpretasyon: ____________________


F.Pagtataya

Katutubo- Kapatid, Kapamilya’t Kapuso

Rubrik sa pagtasa isinulat na sanaysay

Mayaman sa nasaliksik na impormasyon 20 %

Malinaw ang pagtatalakay at paghahanay ng mga kaisipan 15%

Tama ang gamit ng bantas, baybay, at kapitalisasyon 10%

Nakawiwiling basahin 5%

____________

Kabuuan 50%

IV.Takdang Aralin

Bumuo ng isang islogan tungkol sa pagpapahalaga ng isyung panlipunan.

You might also like