You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 8

(Paraang Pahalaga)

I. LAYUNIN
a. nauuri ang mga salita kung ito ba ay balbal, lalawiganin, kolokyal o banyaga;
b. naihahayag ang halaga ng kaalaman sa wika;
c. natutukoy kung anong uri ng salitang impormal ang ginamit sa isang pangungusap.

II. PAKSANG – ARALIN

Wika: Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8

Kagamitan: Makabagong Diksyunaryo, Telebisyon

Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral


A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

Maari bang tumayo ang lahat para sa


ating pambungad na panalangin na
pangungunahan ng president ng klase.
(Tatayo ang mga mag – aaral at mananalangin)
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo
Amen. .
b. Pagbati
Magandang Umaga rin po Ginoong Reusi.
Magandang Umaga Grade 8

Bago maupo ang lahat.


Maari bang pakipulot ang mga kalat na
makikita sa ilalim ng inyong mga upuan
at paligid.

Maari na kayong maupo.

c. Pagtatala ng Liban

Mayroon ba tayong lumiban sa klase


ngayong araw?
(Inaasahang sagot)
Wala po tayong liban ngayong araw Ginoo.
d. Pagsasanay
Magbigay ng iba’t ibang wikang  Ingles
ginagamit ng mga tao sa bansang  Filipino
Pilipinas.  Cebuano
 Bikolona

B. Balik – Aral
Bago tayo dumako sa ating panibagong
aralin ay magkakaroon tayo ng isang
maiksing pagbabalik – aral.
(Sasabihin ng mga mag – aaral ang kanilang
huling paksa at magkakaroon ng ilang katanungan
ang guro)
C. Paghahawan ng Sagabal na Salita
Pagpapalawak ng talasalitaan:
a. Wika a. Ito ay kalipunan ng salita at letra na
b. Komunikasyon ginagamit sa pagpahayag ng naiisip o
nararamdaman.
b. Ang komunikasyon ay pagpapahayag,
pagpapapaalam, pagpapabatid, o
pagbibigay ng impormasyon sa mabisang
paraan (Webster)
D. Pagganyak
Papangkatin sa apat ang klase at ang
bawat grupo ay gagawa ng makabagong
diksyunaryo patungkol sa mga nauusong
salita ngayon sa kanilang panahon.

Halimbawa:
Makabagong Diksyunaryo
Selfie Paraan ng pagkuha ng
litrato ng mga
teenager
E. Gabay na Tanong
1. Ano ang iba’t ibang uri ng salitang
ginagamit sa impormal na
komunikasyon?
2. Bakit ito tinawag na impormal na
komunikasyon?
III. Paglalahad ng Panibagong Aralin

Ang ating paksa ngayong araw ay


patungkol sa mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon. Kapag
naririnig ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon, ano ang
pumapasok sa inyong isipan?
Ito ay mga uri ng salita na ginagamit sa pang –
araw – araw na pakikipagtalastasan at palasak na
ginagamit sa kaswal na pakikipag – usap sa mga
kaibigan.
Ang mga salitang ginagamit sa impormal
na komunikasyon ay nahahati sa apat na
uri. Ang una ay lalawiganin

Maari bang pakibasa ang nasa pisara.


Lalawiganin
 ambot (Bisaya) – ewan
 saguli (Kapampangan) – sandali
 dako (Bisaya) – malaki
 apay (Ilokano) - bakit

Ano ang inyong napansin sa mga


halimbawang nasa ilalim ng lalawiganin?
Ito ay ginagamit ng mga partikular na tao sa
bansang Pilipinas.
Ito ay ginagamit sa mga probinsya.

Batay sa mga sagot na inyong binigay,


ano ang kahulugan ng lalawiganin?
Ito ay ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng
pook na pinagagamitan nito.

Muling tignan ang inyong makabagong


diksyunaryo. Mayroon ba diyang
nabibilang sa salitang lalawiganin? Kung
mayroon ano ito? at kung wala magbigay
ng sariling halimbawa.
Halimbawa:
Apay – bakit (Ilokano)
Wen – oo (ilokano)
Burat – lasing (bikolano)
Ang ikalawang uri ng salitang ginagamit
sa impormal na komunikasyon ay Balbal.
Basahin ang nasa pisara.

Balbal
 erpat – tatay
 sikyo – security guard
 yosi – sigarilyo
 tsikot – kotse

Ano ang napansin sa mga binasang


halimbawa?
Ito ay kadalasang ginagamit sa lansangan
Ito ay hindi maayos at ginawa ng mga tao kalye
Tignan nga sa muli ang inyong
diksyunaryo at hanapin kung ano ang
balbal na salita at kung wala ay magbigay
ng sariling halimbawa.
Halimbawa.
Mudra – ina
Lispu – pulis
Tsiks – magandang babae
Batay sa inyong mga napansin sa mga
halimbawa ano ngayon ang kahulugan ng
balbal?
Ang balbal ay salitang hindi tinatanggap ng
matatanda at mga may pinag – aralan dahil hindi
maganda pakinggan. Ito ay kadalasang tinatawag
na salitang kalye o lansangan.
Ang ikatlong uri ay kolokyal. Basahin ang
halimbawa sa pisara. Kolokyal
 aywan – ewan
 piyesta – pista
 nasaan – nasan
 kaysa - kesa

Ano ang napansin sa mga halimbawa ng


kolokyal na salita?

Ito po ay pinaiksi
Ito po ay parang balbal ngunit mas malinis at mas
maganda.
Batay sa inyong mga binigay na
kahulugan ano kaya ang kolokyal?
Ang kolokyal ay salitang ginagamit sa pang –
araw – araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar ngunit may anyong
Muling tignan ang inyong diksyunaryo at repinado at malinis.
tignan kung mayroon bang kolokyal kung
wala ay magbigay ng halimbawa.
Halimbawa:
Dalawa – dalwa
Saakin – akin
Pwede – pede
Paano – pano
Ang panghuling uri ay ang banyaga.
Basahin ang mga halimbawa.
Banyaga
 barco – barko
 silla – silya
 repollo – repolyo
 ice cream - sorbetes
 clinic - klinika
Ano ang napansin sa mga halimbawa?
Ito po ay mga salitang nagmula sa ibang bansa.
Ito po ay hindi mnga salitang Filipino
Tama, batay sa mga kaisipan na inyong
binigay ano ang kahulugan ng salitang
banyaga?
Ang salitang banyaga ay salitang mula sa ibang
wika na ginagamit na nating mga Pilipino bilang
salita sa pang – araw - araw na
pakikipagtalastasan. Lalo na ang mga salitang
walang salin sa Filipino.
Maari bang hanapin sa inyong mga
diksyunaryo, ang salitang banyaga at
kung wala ay magbigay ng halimbawa?
Halimbawa:
Greyd – grade
Titser - guro
Peke - fake
Gawain #1
Ang pangkat ay magkakaroon ng isang
kalahok sa bawat katanungan.
Tukuyin kung anong uri ng salitang
impormal ang mga sumusunod
1. resbak 1. Balbal
2. kosa 2. Balbal
3. tsimay 3. Balbal
4. penge 4. Kolokyal
5. tsaka 5. Kolokyal
6. ganun 6. Kolokyal
7. sikolohiya 7. Banyaga
8. bintana 8. Banyaga
9. uragon 9. Lalawiganin
10. biag 10. Lalawiganin

Pagsagot sa Gabay na Tanong:


1. Ano ang iba’t ibang uri ng salitang 1. Ang iba’t ibang uri ng salitang ginagamit sa
ginagamit sa impormal na impormal na komunikasyon ay balbal,
komunikasyon? kolokyal, lalawiganin at banyaga.
2. Bakit ito tinawag na impormal na 2. Ito ay tinawag na impormal na
komunikasyon? komunikasyon dahil ito ay ginagamit sa
pang – araw araw na pakikipagtalastasan
Paglalahat:
1. Bakit nagkakaroon ng pagbabago sa Nagkakaroon ng pagbabago sa ating wika dahil
ating wika? ang nakakagawa o nakakabuo ng panibagong
mga salita ang tao na kanilang ginagamit sa
pakikipagtalastasan.
Pagpapahalaga:
1. Bakit kailangan magkaroon tayo ng Upang tayo ay hindi maiwan sa pagbabago.
kaalaman sa wika? Upang tayo ay makapangusap ng maayos.

IV. PAGTATAYA
Tukuyin kung anong uri ng impormal
na salita ang ginamit sa pangungusap
at salungguhitan ang salitang ginamit.

1. Nakakainis ang ugali niya kaya 1. Ewan, kolokyal


maraming galit sa kaniya, ewan 2. Baliw, balbal
ko ba. 3. Pista, koloykal
2. Baliw na siguro ang babaeng 4. Trapik, banyaga
iyon, nagsasalita kahit walang 5. Drawing, balbal
kausap.
3. Masaya at makulay ang pista sa
Cebu.
4. Trapik palagi sa EDSA kaya ako
ay nahuhuli sa klase.
5. Drawing nanaman ang plano na
binuo natin.

V. TAKDANG – ARALIN
Bumuo ng isang maiksing sanaysay
na naglalaman ng mga salitang
ginagamit sa impormal na
komunikasyon at salungguhitan ang
mga ito.

Inihanda ni:

JHON OWEN N. REUSI

BSED Filipino

You might also like