You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Filipino-8

I.LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras , ang mga mag-aaral ay naipamalas at naisagawa ang mga
sumusunod:

1.Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang pamantayan.F8PD-


IIIe-F—31
 Nailalahad ang kaisipang ipinahihiwatig ng dokumentaryo
 Nakabubuo ng isang maikling dokumentaryo

II.PAKSANG-ARALIN

Panitikan: Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


Ang Broadcast Media:Mekanismo ng Pagbabago at pag-unlad ng Kulturang Pilipino
Paksa: Dokumentaryong Pantelebisyon
Araling Pangwika:Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal

Sanggunian: Panitikang Pilipino -8


Pah.154-159

Mga Kagamitan:metacards,video presentation,manila paper,larawan

III.PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A.Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati

B.Pagganyak
-Pagkilala ng mga programang pantelebisyon.
(Paborito kong Palabas)

Biyahe ni 24-Oras Ang Showtime


Probinsyano
Drew

Hotel Kadenang 1 2 3
de Luna Ginto Rated K TV Patrol TV Patrol
24-Oras Showtime

Alin ang pamilyar sa iyo?Pumili ng tatlo(3)at Ito po ang pagkakasunod para


isaayos ayon sa madalas na panoorin.Ipaliwanag sa akin dahil unang-una ang
kung bakit. balita ang mahalaga upang
malaman ang nangyayari sa
ating bansa at ang nagbibigay
aliw tuwing tanghali ay ang
showtime,nakawawala ng
pagod.
Magaling!

Iba pang kinagigiliwan ninyo? Rated K – i-witness – Reporter’s Notebook

Bakit ito ang iyong kinagigiliwan? Dahil may naidudulot po tong kaalaman ,
lalo’t higit sa katotohanan at sa umiiral na
isyu sa lipunan.

C.Paglalahad
Panuto:Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na
mga kahon.Ano ang katangiang pagkakatulad nila?

I -WITNESS REPORTER’S FAILON KAPUSO


NOTEBOOK NGAYON MO,JESSICA SOHO

Anu-ano ang ipinakikita ng mga larawan? Ipinakikita po dito ang iba’t ibang
programang pantelebisyon

Sino ang mga tagapag-ulat nito at paano Sina Ted failon,Kara David ,Howie
nila tinatalakay ang mga paksa? Severino at iba pa.Tinatalakay po nila
ito na hango sa tunay na karanasan.

Ano ang tawag natin sa ganitong palabas


Sa telebisyon? Mga Dokumentaryong Palabas na
pantelebisyon

Mahusay!

Ngayon , panoorin ninyo ang isang


dokumentaryo at subuking ilahad ang inyong opinyon hinggil
sa napanood.

 Pagpapanood ng Video clip..

D.Talakayan

Batay sa napanood, ano ang pagpapakahulugan


ninyo sa Dokumentaryong Pantelebisyon?
Ito po ay palabas na nagla-
laman ng katotohanan at isyu sa isang
tiyak na lugar.
Magaling!

(Pagbibigay ng input ng guro)

(Pagsusuri sa napanood na dokumentaryo )


 Pangkatang Gawain
(Bumuo ng 4 na pangkat.Bawat grupo ay bibigyang ng gawain)

Pangkat 1- Bumuo ng isang “talkshow”na tumatalakay sa isyung napanood.


Pangkat II – Gumuhit ng isa o dalawang larawan na nagpapakita ng mahahalagang kaisipan
mula sa napanood na dokumentaryo.
Pangkat III-Bumuo ng 2 saknong ng tula na may kaugnayan sa napanood na dokumentaryo at
basahin sa harap ng klase.
Pangkat IV-Bumuo ng isang maikling dokumentaryo na hinggil sa isyung “Pagmamaneho ng
Menor de Edad”.
(Ang bawat pangkat ay bibigyan ng labinlimang minuto upang ito’y pag-usapan at isagawa nang
may kaisahan at kaayusan.)
RUBRIKS

Mga Pamantayan Kaukulang Puntos Marka


1.Nakabubuo ng talkshow,tula,larawan at 40 puntos
maikling dokumentaryo .
2. Nailalahad nang may kalinawan at 40 puntos
kahusayan ang gawain ng pangkat.
3. Masining, kawili-wili at nakapupukaw ng 20 puntos
atensyon ang ginawang pag-
uulat/presentasyon.
KABUUAN 100 puntos

F.Aplikasyon

Ano ang mga pangyayari sa dokumentaryo ang nakikita ninyong may malaking
implikasyon sa ating lipunan sa kasalukuyan?

Sa inyong palagay ang mga kabataan sa ganoong liblib na lugar ay nakapag-aaral


pa?Pangatwiranan.

G.Paglalahat

Batay sa dokumentaryo,ano ang ng mensahe o aral ang napulot dito ?

H.Ebalwasyon

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinakaangkop na
kasagutan.Isulat sa ikaapat na bahagi ng inyong papel.

1.Ito ay naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na


sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
a.pelikula b.dokumentaryong pampelikula c.dokumentartyong pantelebisyon d.radyomentaryo

2.Gaya ng pelikula ang programang pantelebisyon ay maituturing sing isang uri ng sining
dahil___________.
a.nagbibigay impormasyon sa mga manood
b.nagdudulot ng aliw sa mga manood
c.nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao
d.naghahatid ng balita sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid

3.Sa pinanood na dokumentaryong may pamagat na “Pagpag for Sale”, ano ang nais iparating na
mensahe nito kung ang pag-uusapan ay kalusugan ng tao?
a.Ang pagkain ng pagpag ay maaaring ligtas dahil dumadaan sa proseso ng pagluluto
b.Ang pagkain ng pagpag ay ‘di makabubuti sa tao sahil ito’y mga tira-tirang pagkain
c.Ang pagkain ng pagpag ay siguradong magdudulot ng isang malubhang karamdaman.
d.Ang pagkain ng pagpag ay makatutulong sa ating kalusugan dahil ‘di ka magugutom

4.Ang mga sumusunod ay maaring talakayin sa isang dokumentaryong pantelebisyon maliban sa:
a.sumasalamin sa katotohanan ng buhay
b.tumatalakay sa kultura at pamumuhay ng isang lipunan
c.naghahatid ng impormasyon
d.mga pangyayaring likha ng guni-guni o kathang isip lamang

5.alin sa mga katangian ng dokumentaryong pantelebisyon ang may malaking implwensiyang


pangkaisipan sa isang manonood?
a.pangyayaring masasalamin sa katotohanan
b.husay at galling ng isang dokumentarista
c.hirap at pagod ng dokumentarista sa pagsaliksik
d.kakaibang paksang tinalakay sa dokumentaryo

IV.TAKDANG-ARALIN
Panuto: Ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto tungkol sa
dokumentaryong pantelebisyon na iyong natutuhan.Isulat sa isang buong papel.
Sitwasyon:Mababasa sa pahina 162 (Panitikang Filipino 8)

Inihanda ni:

Gng. Salvacion Nava-Servano


Guro sa Filipino-8

You might also like