You are on page 1of 7

MALA MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

IKA-APAT (4) NA LINGGO SA IKATLONG MARKAHAN

MAPPED COMPETENCIES
PANONOOD (PD) F8PD-IIIe-f-31
Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan.

I-LAYUNIN

a.Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng pinanood .


b.Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran.
c.Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan.

II-PAKSA
Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang
Pilipino - Dokumentaryong Pantelebisyon
Wika : Konsepto ng Ugnayang Lohikal: Sanhi at Bunga
Saggunian : Pluma 8 , Internet/ Google , Youtube p
Kagamitan: laptop, tablet , mga pantulong na biswal

III.PROSESO NG PAGKATUTO
1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Dokumentaryong Pantelebisyon
Wika : Mga Pahayag na nagpapakilala ng Konsepto ng Ugnayang Lohikal: Sanhi at Bunga

(4As) A K T I B I T I

PICTURE PUZZLE
Paunahan ang bawat pangkat sa pagbuo ng puzzle ang bawat pangkat at pagbibigay ng mga
panoorin sa mula sa mabubuong larawan. Ang pangkat na mauuna ay ang pangkat na may
karagdagang puntos sa sunod na gawain.
T E L
E
B I S
Y N
O

 PAG-UUGNAY SA ARALIN

Panonood sa dokumentaryong pantelebisyon

https://www.youtube.com/watch?v=CSEF7IfI3uI

 PANGKATANG GAWAIN
Bawat pangkat ay bubunot ng inihandang gawain ng guro at isasagawa ayon sa
itinakdang pamantayan . Bibigyan ng (5) minuto sa paghahanda at (5) minuto sa
presentasyon ng bawat grupo.(Multi-structural)

MOCK TRIAL DOS POR DOS


Ibigay ang paksa ng akdang Ibigay ang layon ng akdang
napakinggan/napanood napakinggan/napanood

TALK SHOW TV PATROL NEWS


Ibigay ang inyong naging Magbigay ng pananaw at
damdamin o tono ng napanood katwiran ng napanood na
na dokumentaryo. dokumentaryo.
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
mahusay ng pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon (0)
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Pangkat Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
o Kooperasyon nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa ang
(3) pagkakaisa ang bawat pagkakaisa bawat miyembro
ang bawat miyembro sa ang bawat sa kanilang
miyembro sa kanilang miyembro sa gawain (0)
kanilang gawain (2) kanilang
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.


 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan
sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano ang naramdaman mo habang pinanood ang dokumentaryo? Bakit?(Relational)


2. Kababakasan ba ng realidad sa buhay ang napanood mo? Magbigay ng mga patunay.
(Relational)
3. Sino ang tagapag-ulat sa mga programang napanood? (Uni-structural)
Paano niya tinalakay ang kanyang paksa? (Multi-structural)
4. Malaki ba ang impluwensya ng telebisyon sa paghubog ng bagong kabataan?
Pangatwiranan.(Multi-structural)
5. Paano napaiigting ng dokumentaryong pantelebisyon ang kamalayang panlipunan ng
mga mamamayan? (Multi-structural)
 Pagbibigay ng input ng guro sa Dokumentaryong pantelebisyon. (Integrasyon sa
SIKAP)

DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto


na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
Bago simulan ang pananaliksik basahin muna ang mga dapat tandaan sa
pakikipanayam upang maisakatuparan ang pagbuo ng dokumentaryong
pantelebisyon.
1.Paghahanda para sa panayam
*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
*Kilalanin ang taong kakapanayamin
2. Pakikipanayam
*Maging magalang *Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalaman kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et.al

ABSTRAKSYON
TVTRANS :
Pagsunod-sunurin ang tamang transisyon/ebolusyon ng telebisyon upang mabuo ang
konsepto ng araling tinalakay.(Multi-structural)

at nagpapakita ng
ay tumatalakay ng
kultura ng isang
Nagpapaigting realidad ng buhay
lipunan
din ito

Kamalayang
Ang panlipunan ng
dokumentaryong sambayanang
pantelebisyon Filipino.
Pagsagot sa pokus na tanong: Ang dokumentaryong pantelebisyon ay tumatalakay ng realidad ng
buhay at nagpapakita ng kultura ng isang lipunan. Nagpapaigting din ito kamalayang panlipunan
ng sambayanang Filipino.

APLIKASYON

ISKOR MO, SHOW MO!


Panooring mabuti ang dokumentaryong Pantelebisyon ni Howie Severino
na may Pamagat na “Äng mga Kabataan sa Tawi-Tawi”, pagkatapos ay
markahan ito ng 1-10 (10 ang pinakamataas na iskor) at sabihin kung
bakit ito ang napiling ibigay na iskor.(Relational)

https://www.youtube.com/watch?
v=paoRxjdyarA

 PAGLALAHAT
 Kung ikaw ay isang dokumentarista, paano mo higit na lilinangin ang iyong
kakayahan upang lalo ka pang makasulat ng makabuluhang dokumentaryo?
(Relational)

 Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong sumulat ng isang dokumentaryo,


anong isyu o paksa ang iyong pag-aaralan o susulatin? Bakit? (Relational)

EBALWASYON
Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Gamo-gamo sa Dilim ni Kara David


Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga- Little
Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang landas ay
patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang
kanilang kinabukasan.
1. Ano mensahe ng dokumentaryong telebisyon ni Kara David? (UNI-STRUCTURAL)
a. pagpapahalaga sa edukasyon.
b. pangangalaga sa mga gamo-gamo.
c. pag-was sa paggawa ng masama para ‘di makulong
d. pag-aaral ng mga taga Baguio

Alkansya ni Kara David


Wala siyang tigil sa kapaguran. Sa kabila ng lahat ng kaniyang ginagawa, barya-barya lang ang kaniyang
kinikita na inilalagay niya sa kaniyang alkansya. Palibhasa ay malaki ang pagnanais niyang makaipon ng
sapat na halaga para sa kaniyang pag-aaral kaya kahit barya lamang ang kapalit ng lahat ng kaniyang
paghihirap, pinagtitiisan niya ang lahat ng mga ito.

2. Alin sa mga sumusunod ang paksa ng nabasang bahagi ng dokumentaryo sa kahon ?


(UNI-STRUCTURAL)
a. pagpapahalaga sa edukasyon.
b. pag-iipon para sa kinabukasan
c. pagtitiis sa kahirapan
d. pag-aaral ng mabuti para umangat ang kabuhayan

3. Ito ay naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na


sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang
lipunan. (UNI-STRUCTURAL)
a. telebisyon
b. dokumentaryong pantelebisyon
c. komentaryong panradyo
d. dokumentaryong pampelikula

4. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng panayam sa


dokumentaryong pantelebisyon maliban sa : (MULTI-STRUCTURAL)
a. Maging magalang
b. Magtanong ng magtanong hanggat hindi nakokontento.
c. Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
d. Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.

5. Reporter’s Notebook : Howie Severino, ________________ :Kara David (UNI-STRUCTURAL)


a. I-witness
b. Rated K
c. Imbestigador
d. Frontrow
SUSI SA PAGWAWASTO
1.A 2. B 3.C 4.B 5.A

IV.K A S U N D U A N
Magsaliksik ng halimbawa ng dokumentaryong pantelebisyon. Batay sa nakuhang
dokumentaryo, ilahad ang kinakailangang impormasyong nasa loob ng kasunod na kahon.
(Extended Abstract)

Paksa ng Dokumentaryong
Pantelebisyon :
Mga Katotohanang isinawalat :
Mga Patunay :
Suliranin :
Solusyon :
Pangyayaring nakakaantig sa damdamin :

INIHANDA NI :
MARY GRACE M. LICUDAN
TIII

NILAGDAAN NI: INAPROBAHAN NI:

EDRIA P. PACANA EDDIE K. VILLAFLORES,EdD


HTIV PII

You might also like