You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Dibisyon ng Laguna
Distrito ng Victoria

Banca-banca Integrated National Highschool

Banghay-Aralin
sa
Filipino 7

Mary Joy Ann I. Tandang Jessica S. Solpico


Guro I Dalubguro

Erene SJ Panopio
Punungguro I
I. Layunin:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol
sa kanilang sariling lugar.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a.Nahihinuha ang kaalaman at motibo/ pakay ng nagsasalita batay sa napakinggan.


F7PN-IIIf-g-15
b. Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong na
kaisipan. F7PB-IIIf-g-17
c. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng hinuha. F7PT-IIIf-g-15

II. Paksang-Aralin:
a. Paksa: Aralin 3: “ Ang Ningning at Liwanag” ni Emilio Jacinto
b. Sanggunian: www.rexinteractive.com
c. Kagamitan: Mga kagamitang biswal, pisara, telebisyon, laptop, spiker.

III. Prosesong Pagkatuto:


1.Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral
Pagkakaroon ng ilang katanungan sa “Sanaysay”.
1. Ano ang kahulugan ng sanaysay?
2. Isa-isahin ang dalawang uri ng sanaysay at ibigay ang pagkakaiba nito.

A. Aktibiti
Motibasyon/Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan at tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga isinasaad nito.
B. Analisis:
A. Paglinang ng Talasalitaan
Mungkahing Estratehiya(WHAT’S THE WORD?)
Panuto: Ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang hinuha sa mga salitang makikita
sa akdang tatalakayin.

SALITA HINUHA
1. Nakasisilaw

2. Ningning

3. Liwanag

4. Mabighani

5. Nagpupugay

6. Maralita

7. Hinagpis

Talasalitaan:
1.Nakasisilaw-nakasasakit sa mata
2.Ningning-kislap
3.Liwanag-ilaw/gabay
4.Mabighani-maakit
5.Nagpupugay-nagbibigay galang/sumasaludo
6.Maralita-dukha/mahirap
7.Hinagpis-naghihikahos/naghihirap

B. Presentasyon
Pagkilala sa may-akda at pagpapanood ng “Ang Ningning at Liwanag” ni Emilio Jacinto

C. Talakayan
1. Ano ang pangunahing layunin ni Emilio Jacinto sa pagsulat ng sanaysay?
2.May pagkakaiba ba ang ningning at liwanag batay sa sanaysay? Alin ang higit na
mabuti sa dalawa para sa iyo? Ipaliwanag.
3.Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa ningning o
kinang ng kapangyarihan at kasikatan?
4.Ibubuod ang sanaysay na “Ang Ningning at ang Liwanag” sa tulong ng graphic
organizer.

PANGUNAHING KAISIPAN
PANTULONG NA KAISIPAN PANTULONG NA KAISIPAN

D. Pangkatang gawain:
Panuto: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlo (3) na pangkat, kung saan ang bawat
pangkat ay may nakaatas na gawain.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at naipahatid ang ang nilalaman naiparating ang ang nilalaman o
Organisasyo nilalaman o o kaisipan na nilalaman o kaisipan na nais
n kaisipan na nais nais iparating kaisipan na nais iparating sa
ng mga iparating sa sa manonood iparating sa manonood (1)
Kaisipan manonood (4) (3) manonood (2)
o Mensahe
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang ang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang pamamaraang pamamaraang ginamit ng
(3) ginamit ng ginamit ng ginamit ng pangkat sa
pangkat sa pangkat sa pangkat sa presentasyon (0)
presentasyon presentasyon presentasyon(1)
(3) (2)
Kaisahan Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
ng Pangkat nagpamalas ng ng pagkakaisa nagpamalas ng ng pagkakaisa
o pagkakaisa ang ang bawat pagkakaisa ang ang bawat
Kooperasyon bawat miyembro sa bawat miyembro sa
(3) miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain gawain (2) kanilang gawain (0)
(3) (1)

Pangkat I- Pagtatanghal ng talkshow tungkol sa pangkalahatang tema ng sanaysay.


Pangkat II- Pagtatanghal ng maikling dula-dulaan tungkol sa aral ng sanaysay.
Pangkat III- Paglikha ng awiting pumapaksa sa mga mga kilalang taong nagliwanag
ang buhay at hindi nagpadala sa Ningning.

C. Abstraksyon:
Mungkahing Estratehiya(NINGNING O LIWANAG?)
Ilalagay ng mga mag-aaral sa liwanag ang mga konseptong may kaugnayan sa aralin at
sa ningning ang walang kaugnayan.
Ang mga bagay na
Ang Ningning at Liwanag
maningning na minsa’y na isa sa mga akda ni
nakapandaraya ay
Emilio Jacinto ay isang
maaaring maging ganap na maikling kuwento.
liwanag kung magagamit
nang wasto.
Ito ay kanyang isinulat
Ang Ningning at Liwanag noong panahon ng
ay isa sa mga akda ni pakikipaglaban ng mga
Emilio Jacinto. Pilipino sa mga Espanyol.

Ang Ningning at Liwanag


Ang Ningning at Liwanag na isa sa mga akda ni
ay isa sa mga akda niJose Emilio Jacinto ay isang
Rizal. nobela.

D. Aplikasyon:
Mungkahing Estratehiya(THINKING BALOON)
Pupunan ang Thinking Balloon ng mga hakbang hinggil sa mga bagay na maaaring
gawin upang maging ganap na liwanag ang mga bagay na nasa loob nito.

KAYAMANAN
KAPANGYARIHAN
KARUNUNGAN

KAGANDAHAN

IV. Ebalwasyon:
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na


karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay bagay na kapupulutan ng
aral sa mga mambabasa. Bakit isang sanaysay ang akdang “Ang Ningning at
Liwanag”?
a. Ang mga pangyayari sa akda ay nagpapahalaga sa pinagmulan ng isang
bagay.
b. Ang nilalahad sa akda ay opinyon ng manunulat tungkol sa mga isyung
panlipunan.
c. Ipinakita ang tagpong tulad ng sa maikling kuwento kung saan tumatalakay
sa isang momentum lamang.
d. Nagpapakita ito ng mga balitang nagaganap sa araw-araw sa isang partikular
na lugar.
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ningning?
a. Mahilig bumili at magsuot ng magagandang damit si Jackielou upang
magpahanga sa marami niyang mga kaibigan na kasama sa pasyalan.
b. Nag-aaral at nagsisikap si John upang maging isang doktor ng kanilang
bayan.
c. Nakita ni Roland na tama ang naging pasya ng kanyang kaibigang si Aldrin
na humanap ng trabaho sa malayong lugar para makatulong sa kanyang
pamilya.
d. Si Jackie ay maganda na, mabait at masipag pa. Nag-aaral siya sa isang
pampublikong paaralan bagama’t may kaya sa buhay.

3. Alin naman sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng liwanag?


a. Si Aling Dolores ay nagdasal sa loob ng simbahan ngunit nang may
nanghingi ng limos paglabas niya ay galit na galit niya itong itinaboy.
b. Si Ferdie ay isang politiko na magaling magsalita at mangako sa
mamamayan ngunit nauuna naman ang sariling kapakanan.
c. Si Ana ay nagsusumikap na maghanap ng trabaho kahit hindi nakatapos.
d. Ang mga Pilipino ay madaling maniwala sa mga bagay na panlabas kaya’t
hindi malayong mangyari na ang mga taong nais magsamantala sa atin ay
magpapanggap na dalisay ang kanilang hangarin.

4. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Ano ang nais
ipakahulugan ng pahayag na ito?
a. Hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tunay at totoo.
b. Marami ang nahuhumaling sa mga bagay na nagniningning.
c. Madalas nadadaya ang tao ng mga bagay na kumikinang.
d. Lahat ng nabanggit.

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng mensahe ng


sanaysay na binasa?
a. Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga bagay na panlabas
lamang.
b. Mamuhay tayo sa liwanag upang ang pagkahumaling sa kinang ng sanlibutan
ay mapagtagumpayan.
c. Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga gawa ng kasinungalingan
at kapalaluan.
d. Ang ningning at liwanag ay magkatulad lamang.

Mga sagot:
1.b
2.a
3.c
4.d
5.d

Mga katumbas na puntos:


5-pinakamahusay
4-mahusay
3-mahusay-husay
2-di gasinong husay
1-pag-aralan muli ang aralin

V.Takdang-aralin
Basahin at pag-aralan ang sanaysay na “Bakit ako magsusulat sa wikang Filipino” ni
W.M. Reyes.

You might also like