You are on page 1of 14

HUDYAT NG

PAGSANG-AYON
AT PAGSALUNGAT
SA PAGPAPAHAYAG
NG OPINYON
 Upangmahasa sa
pakikisangkot sa mga
diskurso, nararapat na
malaman ang
kahalagahan ng
pagpapahayag sa
sariling opinyon .
 Angpaninindigan sa
isang isyu ay
mahalaga sa
pagpapatalas ng
kritikal na pag-iisip
 Sapanahong ito na
laganap ang pagpapakalat
ng mga maling
impormasyon at balita sa
internet , lalong hinihingi
ang pagiging mapanuri ng
bawat isa upang maging
kasangkapan sa pagtuligsa
ng mga ito.
 Angpaggamit ng mga
tamang pahayag sa
pagbibigay ng opinyon
ay isa sa mga
panimulang paraan
upang magawa ito.
Narito ang ilang maaring tandaan:

1. Kailangang
gumamit ng tamang
hudyat ng
pagsalungat o
pagsang-ayon
 Kapagsinasang-ayunan
mo ang isang idea,
opinyon, suhestiyon,
proyekto, pag-uusap, o
panukala, maaari kang
gumamit ng mga hudyat
na tulad ng :
Sa aking palagay/ sa palagay
ko…
Sa pananaw ko…
Sumasang-ayon ako…
Sinususugan ko…
Tama iyan / ka / siya…
Naniniwala ako na / akong…
Sinusupurtahan ko…
Walang pagdududa…
Masasabi kong…
 Sa kabilang banda , maaaring namang
gamitin ang mga sumusunod na hudyat
kung nais magpahayag ng pagsalungat:

 Hindi ako sumasang-ayon…


 Hindi ako naniniwala…
 Tutol ako / tinututulan ko…
 Mali iyan / ka / siya…
 Sa kabilang banda…
 Maaaring tama, ngunit…
 Mayroon akong kasalungat na opinyon…
 Hindi ako kumbinsido…
 Tandaang positibo ang mga
hudyat ng pagsang-ayon ,
samantalang negatibo naman
ang mga hudyat ng
pagsalungat dahil gumagamit
ito ng mga kumukontrang
salita tulad ng hindi, wala,
ngunit, subalit, at iba pa.
2. Kailangan ng
mga patnubay
para sa
pagpapatibay ng
opinyon.
 Sapagpapahayag ng
opinyon, lalo na sa mga
usaping akademiko,
napakahalagang ibase
ang pagpapahayag
mula sa mga
mapagkakatiwalaang
datos at sanggunian.
 Iwasan din ang
intimidasyon para lang
takutin ang kausap.
Madaling mapanindigan
ang pagpapahayag ng
sariling opinyon kung
may pinagmulan itong
sanggunian.
Maraming Salamat
sa Mahusay na
Talakayan.

You might also like