You are on page 1of 9

-Upang mahasa sa pakikisangkot sa

mga diskurso, nararapat na malaman


ang kahalagahan ng pagpapahayag ng
sariling opinion. Ang paninindigan sa
isang isyu ay mahalaga sa pagpapatalas
ng kritikal ng pag-iisip.
1. Kailangan
gumamit ng mga
tamang hudyat ng pagsalungat o
pagsang-ayon - Kapag sinasang-ayunan
mo ang isang idea, opinion, suhestiyon,
proyekto, pag-uusap, o panukala, maaari
kang gumamit ng mga hudyat na tulad ng:’
Maaari kang gumamit ng mga hudyat na tulad ng:

• Sa aking palagay / Sa palagay ko…


• Sa pananaw ko…
• Sumasang-ayon ako…
• Sinususugan ko…
• Tama iyan/ ka/ siya…
• Naniniwala ako na/akong…
• Sinusuportahan ko…
• Walang pagdududa…
• Masasabi kong…
MGA HUDYAT NA PASALUNGAT

• Hindi ako sumasang-ayon…


• Hindi ako naniniwala…
• Tutol ako/ Tinututulan ko…
• Mali iyan/ ka/siya…
• Sa kabilang banda…
• Maaaring tama, ngunit…
• Mayroon akong kasalungat na
opinion…
• Hindi ako kumbinsido…
2. Kailangan ng mga patunay para sa pagpapatibay
ng opinion - Sa pagpapahayag ng opinion, lalo na sa
mga usaping akademiko, napakahalagang ibase ang
pagpapahayag mula sa mga mapagkakatiwalaang
datos at sanggunian.Iwasan ang mga atakeng
personal sa kausap para lamang palutangin ang iyong
punto. Iwasan din ang intimindasyon para lamang
takutin ang kausap.
PANUTO: IBIGAY ANG IYONG OPINION SA MGA SUMUSUNOD NA KAISIPAN GAMIT
ANG MGA TAMANG HUDYAT NG PAGSANG-AYON O PAGSALUNGAT. GUMAMIT
LAMANG NG HANGGANG DALAWANG PANGUNGUSAP. ( 2 PUNTOS BAWAT BILANG)

1. Nararapat lamang ang paggamit ng imahen ng bulaklak o kampupot para sa babae.


Opinyon:
2. Ang pag-ibig ay nangangahulugan ng pakikipaglaban at pakikipagtalo para sa iyong
minamahal.
Opinyon:
3. Matalino ang pagdedesisyon ni Lakandiwa sa pagtatalo nina
Bubuyog at Paruparo.
Opinyon:
4. Dapat ipaglaban ang pag-ibig sa isang tao kahit wala siyang
nararamdaman para sa iyo.
Opinyon:
5. Bagama’t maaaring tingnan ang bulaklak bilang mahina o
marupok, mabaligtaran naman nito ang representasyon niya sa
balagtasan.

You might also like