You are on page 1of 11

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK
Name: ____________________________

TEKSTONG NANGANGATUWIRAN

Layunin:
1. Naiisa isa ang mga paraan at pagkuha ng mga ebidensiya o
katibayan
2. Nakapagpapaliwanag ng mga pangangatuwirang ilalahad sa punto
de vista gamit ang fishbone plannet
3. Nabibigyang-katuwiran ang mga ginamit na silohismo sa Mock
Trial

PAMBUNGAD NA GAWAIN
Ibigay ang inyong opinyon hinggil sa nakatalang isyu sa loob ng bawat speech balloon.

BULLYING

COVID -19

GLOBAL WARMING

DEPRESSION

TEKSTONG NANGANGATUWIRAN
May mga pagkakataong nararanasan nating hindi sinasang-ayunan ng ating kausap ang ating sinasabi.
Hindi maiiwasang may mga sandaling tumututol tayo sa panig ng ilan lalo na’t taliwas ito sa ating
pinaniniwalaan. At sa kagustuhan nating ipaunawa sa iba ang mga batayan ng ating mga paninindigan,
ginagamit natin ang tekstong nangangatuwiran (argumentative/argumentatibo). Kabilang sa mga
halimbawa ang mga talumpati, debate, editoryal, panunuring pampelikula, pandulaan, o pang-aklat.
Pangangatuwiran ang mga pahayag na nagtataglay ng paniniwala o paninindigan na maaaring tama o
mali. Umiikot ito sa pagdududa sa usapin ng isang mananaysay o mananalumpati. Kailangang harapin
niya ang paksa sa lahat ng anggulo kahit pa nga sa simula pa lamang ng nailhad na niya ang kaniyang
pagkiling. Kailangan ding igalang ang opinyon ng kabilang panig habang pinaninindigan ng manunulat
ang kaniyang panig.

1|Page
Sa pamamagitan nito ay makukumbinsi at mapapaniwala ang mga mambabasa o mga tagapakinig na
tanggapin ang ilalahad na imumungkahi o saloobin.
➢ Mahalagang matukoy kung para kanino ang isinusulat o kung sino ang target na mga
mambabasa sa pagsulat ng tekstong nangangatuwiran.
➢ Katanggap-tanggap o makatuwiran at makatotohanan ang isang ideya kung ito ay tumutugon
sa kaisahan ng mga talatang bumubuo sa teksto.
➢ Masasabing epektibo ang ipinahahayag na pangangatuwiran kung naaantig din nito ang
damdamin ng mga mambabasa o mga tagapakinig maliban sa pagkintal ng kaisipan o ideya.

URI NG PANGANGATUWIRAN
1. pasaklaw ang pangangatuwiran kung hinango mula sa iba’t ibang obserbasyon ang nabuong
kongklusyon. Magsisimula ito sa teorya na tatapatan ng kaugnay sa hypothesis o ipotesis. Susundan
ito ng mga obserbasyon at mga pagpapatunay o pagpapatotoo. Tinatawag din itong induksiyon kung
saan nagsisimula sa tiyak na pangyayari o ebidensiya bago gumawa ng kongklusyon o pangkalahatang
katotohanan. Nabubuo ang mga pahayag na pasaklaw sa pamamagitan ng:
✓ Subjective generalization o pagbubuo ng paglalahat mula sa personal na preperensiya o
pagtataya
✓ Probable generalization o pagiging totoo ng pahayag sa maraming pagkakataon ngunit hindi sa
lahat ng pagkakataon
✓ Categorical generalization o pagbubuo ng paglalahat batay lamang sa isang umiiral na
katotohanan
2. pabuod ang pangangatuwiran kung nagsisimula sa tiyak na obserbasyon o pagmamasid
hanggang sa maging paglalahat o pagbibigay ng pangkalahatang kongklusyon o teorya.

MGA PARAAN UPANG MAKAKUHA NG MGA EBIDENSIYA O KATIBAYAN


1. Survey o Sarvey
• Binubuo ito ng mga tanong na may kaugnayan sa paksang pag-aaralan at kaalaman sa saloobin
o pananaw ng mga partikular na tagatugon

• Kailangang ipaliwanag ng sinumang mananaliksik ang metodolohiya o pamamaraang


gagamitin pati na ang estadistikang angkop sa sulating pananaliksik bilang pagpapatunay sa
resulta ng isang pag-aaral

• Kadalasang ginagamit sa mga isyung Pambansa, kung sang-ayon o hindi ang mga tagatugon
2. Pagmamasid

• Panonoog at pagtingin sa isang bagay


• Itinatala ang mga bagay na naobserbahan
• Tumitingin sa kasalukuyang gawi o kilos ng napiling paksa at inihahambing ito sa dati nang
kilos o gawi, saka itinatala ang anomang naoobserbahan
3. Paggamit ng opinyon

• Personal ang panghuhusga, pagtataya, paniniwala, sentimyento, ideya, at kaisipan • Paghatol


ng mga argumento, pag-aangkin, at pagpapatunay

2|Page
• Obhetibo ang mga pang-akademikong opinyon
• Gamitin ang opinyon ng isang eksperto sa pamamagitan ng tuwirang sipi at paglalagay ng
panlapi (“ ”) para sa eksaktong sinabi

• Tiyaking hindi mag-iiba ang pagkahulugan sa sinabi ng eksperto kung babawasan ang pahayag
nito
4. Lohikal na pangangatuwiran

• Ito ang ibibigay na kadahilanan


• Lohika ang ginagamit sa pagbibigay ng makatuwirang kongklusyon sa proposisyong
ipinapahayag ng isang manunulat

• Maaaring pasaklaw o pabuod

MGA PAG-APELA SA HINDI ANGKOP NA PANGANGATUWIRAN


Nalilipat ang tunay na isyu patungo sa emosyon gaya ng sumusunod:
1. Pag-apela sa tradisyon – isa itong paraan ng paglilipat ng totoong isyu sa tradisyon, kaugalian o
namamanang kaugalian ng mga tao.
2. Walang kaugnayang ebidensiya – hindi katanggap-tanggap kung gagamit ng opinyon ng mga
eksperto na wala naming kaugnayan sa paksa.
3. Pagtuligsa sa tao o ad hominem – nangangahulugan para sa tao ang terminong latin na ad
hominem. Personal itong pambabatikos sa pagkatao ng isang tao kaysa kanyang pangangatuwiran.
Kadalasang ginagamit ito ng mga politiko na tumutuligsa ang kredibilidad ng mga hindi kaalyado.
4. Pagsira sa posisyon o paninindigan ng oposisyon o straw man position.
- tinutuligsa at masyadong pinalalaki o ginagawang ekseherado ang isa sa pangangatuwiran ng
oposisyon na pinapalabas na kabuuan ng kanilang pangangatuwiran.
- humahantong ito sa panunudyo o pang-uuyam sa mga oposisyon.
5. Taktika ng paglilihis sa totoong isyu o red herring
- nililito ang mga mambabasa o mga tagapakinig sa tunay na isyung pinag-uusapan.
- nagsisimula ito sa pahayag na walang kinalaman sa paksa.
- karaniwang nangyayari sa mga pagtatalong may tiyak na isyung pinag-uusapan ngunit naililigaw sa
ibang isyu ang mga mambabasa o mga tagapakinig.
6. Paggamit ng salitang may dalawang kahulugan o higit pa
- dahil may dalawang kahulugan ang salita, nakalilito ito at nakapagpapalabo ng pangangatuwiran.
- nagiging dahilan upang mali ang kongklusyong makuha ng mga mambabasa o mga tagapakinig 7.
Pag-apela sa katanyagan o pang-apela sa damdamin – kadalasan itong ginagamit sa pag-eendorso
ng mga produkto o ng isang tao. Tanyag na tao ang ginagamit na taga-endorso ng produkto tulad
ng mga sikat na artista sa kasalukuyan.

MGA PAGPUTOL SA KADENA NG LOHIKA


1. Pangangatuwirang post hoc

3|Page

2. Labis na pagpapadali ng sanhi o kadahilanan


3. Padalos-dalos na paglalahat
4. Maling analohiya
5. Ipinanlilimos ang tanong
6. Hindi sumunod o non sequitur

MGA KATANGIAN NG MABISANG TEKSTONG NANGANGATUWIRAN


1. Dahil binabantayan ang pagkakaayos ng lohika, inaasahan na malinaw na mailalatag ang mga
binalangkas na mga ideya. Mainam na matiyak ang mga batayan ng mga pinaniniwalaan upang
mataya kung wasto o mali ang mga pangangatuwiran nito. Kinakailangang maging kritikal sa
paglalatag ng mga katuwiran.
2. Mahalagang kasangkapang pangretorika ang pabuod at pasaklaw na mga pangangatuwiran. Sa
pamamagitan ng pabuod, makararating sa isang paglalahat ng isang mungkahing paksa hanggang
sa mapalitan ito batay sa takbo ng mga pangangatuwiran.
3. Maaaring halawin o kunin ang mga patunay sa sariling karanasan o karanasan ng mga kakilala.
4. Sa pasaklaw, gumagamit ng silohismo o paglalahat na tanggap ng lahat para pagtibayin ang isang
katotohanan.
Ang silohismo ay isang uri ng pangangatuwiran na nakabatay ang kongklusyon sa dalawang
panukalang pahayag. Nilalaman ng pangunahing panukala ang panaguri ng kongklusyon; inilalarawan
naman ang ikalawang panukala ang simuno ng kongklusyon.
Narito ang mga uri ng silohismo:
▪ Kategorikal – tiyak ang lahat ng proposisyon, walang limitasyon o pasubali
▪ Hypothetical o Ipotetiko – nagsasaad ng kondisyon o maaaring mangyari na binubuo ng
pangunahing proposisyon na hypothetical at ang mga proposisyon at kongklusyon ay minor
lamang.
5. Hindi dapat ipagpalagay na tama na ang isang paniniwala kung marami ang pumapanig dito.
Mainam kung iiwasan din ang pagiging emosyonal sa pagtalakay ng usapin. Maging obhetibo sa
mga gagawing paglalahat.
6. Mahalaga ring makita na malalansag ang mga alternatibong punto ng kabilang panig para higit na
mapagtibay ang panininindigang katuwiran. Magagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
❖ Batakin ang pangangatuwiran sa pinakakatwa nitong kaso.
❖ Ipakita ang pagkakatulad ng pinaninindigang katuwiran sa alternatibong punto upang
makapag-dilemma ang mga mambabasa o tagapakinig.
❖ Maglahad ng iba pang alternatibong punto at ipakitang ang mga ito’y hindi maaaring magamit
ang lahat ng ito maliban sa pinaninindigang argumento.

4|Page

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTONG NANGANGATUWIRAN


1. Pumili ng isang paksang malapit sa puso at malapit sa interes mo. Alamin kung makatuwiran at
mapangangatawanan ang mga opinyong maibibigay.
2. Tiyakin ang lawak ng kontrobersiya ng paksa at ang damdaming aasahan sa mga mambabasa.
3. Isipin ang magiging panig ng mga mambabasa: papanig ba sila o sasalungat?
4. Ipahayag ang opinyon sa pangunahing kaisipan gamit ang mga pahayag na maliwanag,
makabuluhan, at mapaninindigan.
5. Mangalap ng mga patunay, impormasyon, dahilan, at mga pangyayaring maaaring gamiting
sanligan ng pangangatuwiran. Isaisip din ang mga taliwas na kuru-kuro at isulat ang mga patunay na
sasang-ayunan at sasalungat sa iyong paninindigan.
6. Ayusin nang lohikal ang mga pantulong na kaisipan.
7. Tiyaking ang mga gagamiting salita ay makatuwiran at solido gayundin ang lohikal na ugnayan ng
mga ideya.
8. Upang wakasan ang pangangatuwiran ng sanaysay, maghanap ng mga kahinaan ng pamamaraang
ginamit sa panghihikayat at ayusin ang mga ito nang may pagsasaalang-alang sa angkop na tono.

GAWAIN 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Paano mangangalap ng mga ebidensiya?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________ 2.
Kailan maituturing na lihis ang isang pangangatuwiran?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________ 3.
Anu-ano ang mga katangian ng mabisang tekstong na nangangatuwiran?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________ 4.
Paano mapalalakas ang mga pangangatuwirang pinapanigan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________ 5.
Gaano kahalaga ang tekstong pangangatuwiran sa debate?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
GAWAIN 2: Magsaliksik ng isang napapanahong isyu sa kasalukuyan at ibigay ang iyong opinyon ukol
Sa isyung ito. Isulat ito sa loob ng kahon.

5|Page
GAWAIN 3: Pumili ng papanigang pangkat at sagutin ang tanong na nasa loob ng kahon. Talakayin ang
sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangangatuwiran o ebidensiya tungkol sa isyung
pinaguusapan.

Ang mga klase ba sa online ay effective


kaysa sa tradisyonal na face to face?

OO
HINDI

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Dapat na bang magkaroon ng face to face sa susunod na


school year?

OO HINDI

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

TEKSTONG PROSIDYURAL: MGA DETALYENG SUNOD-SUNOD AT MAY KAISAHAN


TEKSTONG PROSIDYURAL
Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng mga pangyayari
upang hindi makalikha ng anumang kalituhan. Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
mula sa una hanggang sa huling detalye ay makatutulong upang higit na maunawaan ang mga
napakikinggan o nababasa.
Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa.
Halimbawa ng tekstong prosidyural ang pagbuo ng isang proseso o laro, resipi sa pagluluto, proseso sa
pagkukumpuni ng mga kagamitang elektikal, ang mga hakbang sa laboratory habang nagsasagawa ng
eksperimento upang makakuha ng magandang resulta, ang pagbibigay ng direksiyon o tuntunin, at
pagbibigay direksiyon o panuto.
Ginagamit ang tekstong prosidyural sa pagpapaliwanag ng isang proseso na maingat na ipinapakita
ang bawat hakbang tinitiyak na walang nakaligtaang hakbang sa kabuuan ng proseso.

6|Page

Halimbawa ng Tekstong Prosidyural

TEKSTONG PROSIDYURAL

- Pagkakasunod-sunod
- Resipi sa pagluluto, proseso sa pagkukumpuni, hakbang sa isang eksperimento, direksiyon sa
isang lugar, panuto
- Proseso
- Hakbang
Layunin ng tekstong prosidyural na magbigay ng mga impormasyon at direksiyon upang matagumpay
na matapos ng mga tao ang mga gawain nang ligtas, epektibo, at sa angkop na pamamaraan.
Maraming mag-aaral ang nagtratrabaho sa mga lugar kung saan gumagamit ng mga manwal hinggil sa
paraan ng paggamit ng makina. Ang mga pagsasanay sa pamamagitan ng tekstong prosidyural ay
makatutulong upang maging matagumpay sila sa pagsunod-sunod ng mga panuto at maging epektibo
sa paggawa ng kanilang mga gawain.
Sa hulwarang pagsusunod-sunod, natataya naman ng mga mambabasa o mga nakikinig ang
pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Nahahati ito sa tatlong uri: 1. Sekwensiyal 2. Kronolohikal 3.
Prosidyural.
Naiiba ang prosidyural sa dalawang uri ng nabanggit dahil binabanggit sa sekwensiyal ang
pagsusunod-sunod na mga pangyayari sa isang salayasay na ginagamitan ng salitang “una”,
“pangalawa”, pangatlo”, susunod, at iba pa. Sa kronolohikal naman ay pinagsusunod-sunod ang mga
mahahalagang detalye ayon sa pagkaganap nito. Karaniwang gumagamit ng mga tiyak na araw o
petsa upang ipabatid sa mga mambabasa o mga tagapakinig kung kalian naganap ang mga naturang
pangyayari. Malimit gamitin ang mga ito sa paggawa ng talaarawan o diary. Samantala sa prosidyural
naman, pinagsusunod-sunod ang mga hakbang o prosesong isasagawa.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TEKSTONG PROSIDYURAL


1. Layunin – ano ang gusto mong matamo sa iyong sulatin?
2. Tagatanggap – Para kanino ka nagsusulat?
3. Pagkakakilanlan – Sumusulat ka ba bilang awtoridad o eksperto sa paksa?

7|Page
MGA KATANGIAN NG MABISANG TEKSTONG PROSIDYURAL
1. Layunin. Ano ang dapat gawin?
2. Mga kagamitan. Nakatala ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng gamit nito sa proseso.
3. Metodo. Ito ang mga pamamaraan o serye ng mga hakbang.
4. Ebalwasyon. Paano masusukat ang tagumpay ng isang pamamaraan o paraan?

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTONG PROSIDYURAL


1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa simple at pangkasalukuyang panahon.
2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili.
3. Ang tinutukoy na pangkalahatan ay ang mambabasa.
4. Gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos.
5. Gumamit ng cohesive devices upang mapagdugtong ang mga teksto.
6. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong pagkakaayos.
7. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan ng mga bagay.

GAWAIN 1: Isulat sa kahon ang iyong mga sagot sa sumsunod na tanong:


1. Ano ang tekstong prosidyural?
2. Saan karaniwang ginagamit ang hulwarang pag-iisa at pagsusunod-sunod?

3. Paano makakatulong ang maayos na paglalahad ng proseso?

4. Paano naiiba ang prosidyural sa sekwensiyal at kronolohikal?

5. Ibigay ang apat na katangian ng Tekstong


Prosidyural?

8 |Page

GAWAIN 2: Pumili ng isang tradisyonal na pagkaing Pinoy. Isulat ang pamamaraan kung paano ito
inihahanda o iniluluto. Pagkatapos, gumawa ng sariling bersiyon ng lutuin sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng iba pang sangkap at pamamaraan.

_______________________________________
(Resipi ng Pagkaing Pinoy”)

Mga Sangkap:

Pamamaraan:
9 |Page
10 | P a g e

You might also like