You are on page 1of 6

DIVINE GRACE SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Ilang-ilang St. Maligaya Park Subd. Novaliches Quezon City
369-47-42 * divine_2k@yahoo.com

LEARNING MODULE NO. 2


Subject: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
All Grade 11
Week: 4-5 Quarter: Fourth

Name: David William Santos Grade level: 11 Strand:STEM


Subject Teacher: Ms. Pajo

I. Panuto at Pokus na Tanong

Magandang umaga! Itong modyul ang iyong gabay sa paggawa sa leskiyon tungkol sa Mga
kasanayan sa Mapanurung Pagbasa at Basahin mong maigi ang bawat pahina at gawin ang
mga hinihingi. Inaasahan na matatapos mo ito sa loob ng isang linggo.

Pokus na tanong na sasagutin mo sa dulo ng modyul na ito:


 Paano ipininta ng manunulat ang katangian ng tauhan? Naging epektibo ba at
makatotohanan ang paglalarawang ito?

II. Expectations

Aralin Pamagat: Matutunan mo ang:


Bilang
Pangako 1. Nakabubuo ng mga paghihinuha tungkol sa
mga pangyayari sa kuwento.
2. Nakikilatis ang bahagi ng kuwento
1
3. Nakabubuo ng isang wakas para sa
seleksyon.

EXPECTED LEARNING COMPETENCIES:

Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa at pag unawa sa iba’t ibang genre ng
Nakapagpapahayag ng reaksyon tungkol sa binasa. 3.Napag-uugnay-ugnay ang mga pangyayari sa kuwento.

LEARNING MODULE 1: WEEK 1– PRACTICAL RESEARCH 1 –


11FREUD, EULER, MARX & EINSTEIN
1
III. Panimulang Pagtataya

Panuto: Bumuo ng silohismo tungkol sa ibinibigay na mga asersyon. Pagkatapos, isulat sa patlang ang
iyong komento kung lohikal o hindi lohikal ang nabuong kongklusyon. Kung hindi lohikal ang iyong sagot,
ipaliwanag mo kung bakit.

1. Pararangalan ang lahat ng tumutulong sa mga nasunugan.

Tumulong si Andre sa mga nasunugan.

Konklusyon: Kaya naman si Andre ay pararangalan


Komento: Lohikal

2. Lahat ng tao ay mortal.

Si Juan ay tao.

Konklusyon:Si Juan ay mortal


Komento: Lohikal

3. Lahat ng nakatira sa iskwater ay mahirap

Mahirap si Mang Pandoy.

Konklusyon:Si Mang Pandoy ay Nakatira sa iskwater


Komento: Hindi lohikal pagkat kahit na lahat nga ng nakatira sa iskwater ay
mahihirap, hindi lahat ng mahirap ay sa iskwater nakatira _

4. Mayaman ang mga taong nagmamay-ari ng minahan.

Mayaman si Clarissa

Konklusyon:Si Clarissa ay isa sa mga taong nagmamay-ari ng minahan Komento:


Hindi lohikal pagkat maski na lahat ng nagmamay ari ng minahan ay mayaman,
hindi lahat ng mayaman ay nagmamay-ari ng minahan

5. Ang apoy ay mapaminsala.

Ang posporo ay lumilikha ng apoy.

Konklusyon:Ang posporo ay mapaminsala


Komento: Hindi Lohikal pagkat ang mga posporo (sa kanilang sarili) ay hindi
magiging mapaminsala kung hindi ito gagamitin upang lumikha ng apoy.

IV. Pagtalakay at mga Gawain

Ilohikal o Minadaling Konklusyon


Ang maling Konklusyon (fallacy) ay maaaring dulot ng mga asersyong ipinalalagay lamang na tama subalit
hindi naman napatunayan. Maaari din itong tawaging minadaling konklusyon (hasty conclusion) na hindi
masusing pinag-isipan.

Isipin natin ang kasong idinulog sa korte---------isang ina ang ipinagharap ng sumbong sapagkat lubos
nitong sinaktan ang kanyang anak. Ayon sa nagsumbong na kaanak, walang habas na pinalo ng
ina ang bata sa iba’t ibang parte ng katawan nito.
Narito ang pahayag ng abogadong tagapagtanggol.

1.Ang mga ina ay likas na nagmamahal sa kanilang mga anak.


2.Sinaktan ng ina ang kanyang anak.

3.Konklusyon

Hindi nais ng nasasakdal na ina na saktan ang kanyang anak.

Sumasasang-ayon ka bas a lohika ng tagapagtanggol? Sapat na bang sabihing “likas na minamahal ng


isang ina ang kanyang anak”? Hindi ba’t dapat pang patunayan pa na nabigla lamang ang ina at hindi
totoong nais niyang saktan ang kanyang anak?

Sa paglalahad ng tekstong argumentatibo, maingat na tinimbang ang lohika ng pagpapahayag-----


at pinatutunayan ito ng mga ebidensiyang makapagpapatotoo sa pahayag.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang seleksyon. Suriin ang ilang isyung nauugnay sa binasa.

Pangako
Si Dr. Joel San Jose ay isang Pilipinong doktor na ngayo’y naninirahan sa California. Siya ay kabilang sa
ating mga kababayang naakit sa anyaya ng makapangyarihang dolyar. Aba, totoo ngang malaki ang
kanyang kinikita!
Nahigitan pa niya ang kanyang kuya Mario na isang inhinyero at ang kanyang Diko Jose na isa namang
abogado. Sa katunayan, kabibili pa lamang niya ng isang magarang tahanan sa syudad mismo ng Los
Angeles.
Pero kahit pala halos nabili na niya ang lahat ng kanyang nais ay parang mayroon pa ring kulang. May
isang bahagi ng kanyang puso na naghahanap ng kung ano na hindi na niya maiintindihan.
Sa pagharap sa salamin ay nahaplos ni Joel ang kanyang buhok na may mangilan-ngilan nang salit ng puti.
“Tumatanda na yata ako, bulong niya”. Pero, heto, nag-iisa pa rin.”

Napangiti siya sa muling pagsulyap sa sarili. “Sana ay may kasama na ako,” at may naalala. “Si Celia!
Kumusta na kaya si Celia?”
Si Celia, o si Doktora Celia Lopez, ay kanyang kababata. Sabay silang lumaki at parehong nag aral ng
pagdodoktor. Ngunit pinili ni Celia ang maglingkod sa kanilang baryo kaysa sa mayamang bansang
kinaroroonan niya ngayon.
Paano nga ba sila naghiwalay? Ah, isang despedida party ang ibinigay sa kanyang kaibigan. Si Ramon ang
pasimuno ng lahat at habang kaumpok niya ang buong barkada ay sige ang panunudyo ng mga ito sa
kanilang dalawa ni Celia.
“Paano iyan, pare ko,” tudyo ni Ramon, “talaga bang maiiwan na lamang kami rito?” Kasabay ng kanyang
tanong ang pagkindat kay Celia na nooy nakangiti.
“Oo ng naman,” dugtong ng isa. “Hindi ba kami makahihigop man lamang ng sabaw?”
“Ano bang kalokohan ang tinutukoy ninyo?” namumulang tugon ni Joel.
“U-uuy! At nagtawanan ang grupo. “Maikakaila ba naman ang malalagkit na titigan ninyo ni Doktora?” lalo
pang panunudyo ni Ramon.
“Ma’nong magsitigil nga kayo,” saway naman ni Celia. “Hindi naman tayo mahal niyan. Tingnan ninyo mas
gusto pa niyang maglingkod sa iban bansa kaysa rito sa atin.”
“Hindi bale,” muling sabad ni Ramon. “Padadalhan ka niyan ng fiance visa pagkaraan ng ilang taon,” At isa
pa uling u-uuy ang sabay-sabay na binigkas ng lahat.
“Ah, hindi,” sagot ni Celia na pulang-pula at hindi makatingin kay Joel. “Ni sa guniguni ay hindi ko
binalak ang pangingibang bansa. Dito ko gustong maglingkod. Gusto kong matulungan ang mahihirap
nating mga kababayan”.
“A-hem!” sa wakas ay sagot ni Joel. “Huwag nga ninyong tuksuhin si Celia. Baka magalit iyan sa atin. Ako
nama’y saglit lamang na magingibang-bansa. Dito ko gustong maglingkod. Gusto kong matulungan ang
mahihirap ang mahihirap nating mga kababayan.”
“Oo nga naman,” nangingiting sagot ni Ramon. “Teka aalis na nga ako at bili ni Mommy ay umuwi ako
nang maaga”. Pero niligid niya ng tingin ang mga kagrupo at tsaka kumindat.
“Teka, aalis na rin ako,” sabi ng isa pa.
“Ako rin, paalam na,” sabi rin ng isa pa. At isa-isang tumalilis ang magbabarkada hanggang sa maiwan na
lamang sina Joel at Celia.
Nagkasarilinan ang dalawa na kapwa nangakong susulat sa isa’t isa. Naaalala pa ni Joel ang mga mata ni
Celia nang gabing ‘yon. Parang nakikiusap, parang nanghihintay ng sasabihin niya. Oh, Celia!

Limang taon na ngayon ang nakalipas mula nang gabing iyon. Sa pagitan ng panahon ay marami-rami
ring sulat ang nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Celia at maging sa kanila ni Ramon. Si Ramon, tulad ni
Celia, ay hindi nakalilimot.
Buhat sa sulat ng mga kaibigan ay nabalitaan ni Joel ang mga pagbabago sa ekonomiya ng bansa, ang
malawakang pagsasara ng mga kompanya, ang mga kalamidad. Nababakas sa mga sulat ni Celia ang pag-
aalala sa mga daing ng kahirapan ng mga kababayan. Pataas nang pataas ang mga bilihin. Lalong
dumarami ang mga mahihirap. Naibalita rin ni Celia ang higit na kakulangan ng mga manggagamot sa
bansa, lalong-lalo na sa mga pook na rural.
Nakadama si Joel ng lihim na pagkalungkot sa mga balitang kanyang natanggap. Sa isang sulok ng
kanyang puso ay parang gusto niyang umuwi. Parang gusto niyang makibahagi, katulad ni Celia.
Isang araw ay binanggit niya sa magulang ang pagnanais niyang umuwi. Tumutol ang kanyang ama,
“Bakit kailangang umuwi ka pa? Ano ang gagawin mo roon?
“Eh, daddy. Parang gusto ko na rin pong mag-asawa,” sagot ni Joel na nasa isip ang kababatang doktora.
“Di dalhin mo siya rito sa Amerika,” sagot ng kanyang ama.
“Hidi po ganoon, Daddy. Gusto po naming maglingkod sa sariling bansa,” biglang nasabi ni Joel. Nagulat
din siya sa kanyang sinambit. Galing ba iyon sa kanyang puso? Oo nga, gusto niyang Kasama si Celia sa
paglilingkod sa baryo.
“Ngunit, anak, hindi ka ba nanghihinayang sa mga pagkakataong ibinigay sayo rito? Bihira ang katulad
mong Pilipino na nagkaroon ng ganyang suwerte sa loob lamang ng maikling panahon. Paano na ang mga
naipundar mo?”
Tumahimik na lamang si Joel. Galit na nag kanyang ama. Datapwat hindi iyon nangangahulugang isinusuko
na niya ang kanyang pangarap. Ibig pa rin niyang umuwi. Minsan ginulantang siya ng isang sulat ni Celia.
“Isang napakalakas na bagyo ang dumating sa ating bayan na sumira na mga pananim at mga kabuhayan.
Marami ang nasalanta. Gayundin ang mga nasugatan. Isa rito ang kababata nating si Ramon. Siya’y
tinamaan ng lumilipad na yero habang tinutulungan niyang iligtas ang isang pamilyang nadaganan ng
kanilang gumuhong bahay.

Noon ay dagsa ang mga taong nasugatan na dinala sa ospital na aking pinaglilingkuran. Dahil sa kakulangan
ng doktor ay hindi agad siya nalapatan ng kaukulang lunas. Huli na nang mabatid kong siya ay binawian ng
buhay dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya.
Hanggang ngayon ay parang sinisisi ko ang aking sarili sapagkatni hindi ko man lang natulungan ang ating
matalik na kaibigan.”

Nakagat nang mariin ni Joel ang kanyang labi sa nabasa. Biglang nagbalik sa kanyang isip ang panahon ng
kanilang kamustahan.
“Joel, Celia,” sabi bi Ramon sa kanilang dalawa. “Basta pag naospital ako , pag nagkasakit ako , kayong
dalawa ang gagamot sa akin, ha? Ayaw ko0 ng ibang doktor”.
Iyon ay noong bata pa silang naghahabi ng pangarap kung ano ang ang kanilang kinabukasan.
Parang nakita ni Joel ang mukha ni Ramon. Nagsusumamo ito, “Basta ipangako mo, Joel, kayo ni Celia ang
gagamot sa akin.”
Hindi nakatulog si Joel noong gabing iyon. Pabiling-biling siya. At nang umaga na , hawak niya ang
telepono.
“Hello, Philippine Airlines. When is the soonest flight to Manila? Please book me at the earliest time
possible”

At sa sarili ay nakadama ng gaan sa puso si Joel. Umuwi siya! Uuwi na siya sa kanyang bansa, at sa piling
ni Celia!
GAWAIN 2

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng 3-5
pangungusap.

1.Ang seleksyong ito ay tipong naratibo na may bahid ng argumentatibo. Bakit? Ipaliwanag
Ang kwentong ito ay ubod ng mga pananarinaring pangkukumbinsi. Sa katunayan ay sa kauna-unahang bahagi palang ng
istorya’y may banggit na nang pagka-akit ni Dr. Joel sa pagiging mariwasa niya sa Estados Unidos. Sa daloy ng kuwento,
pilit ikinukumbinsi nang bida ang kaniyang sarili at ng mga taong nasa paligid niya na mas magandang siya ay manatili
sa USA pagkat doon siya makakakamit ng tagumpay; doon mas giginhawa ang kaniyang buhay. May mga tao rin gaya
nina Celia at ang kaniyang mga kaibigang nanatili sa Pilipinas na umuudyok sa pagkanais ni Joel na umuwi sa ating
bansa; ngunit ng mamatay ang kaniyang kaibigang (na namatay dahil sa kakulangan ng mga doktor sa Pilipinas,) ito ay
naging puwersa na nagpilit sa kanya na umuwi sa Maynila sa kabila ng pagkayamot ng kanyang ama.

2.Ano ang pananaw ng mga tauhan tungkol sa kanilang propesyon?


Mataas ang tingin ng mga tauhan sa kani-kaniyang propesyon sa kuwento. Sina Joel at Celia ay mga doctor at
kinararangal nilang maging mangagamot. NAniniwala sila na isang nobelong trabaho ang makapagligtas ng buhay ng mga
tao. Subalit, kahit ganito ang pananaw ni Joel, mas pinahalagahan niya ang perang kaniyang matatamo sa
pagtatatrabaho sa ibang bansa kaysa sa paninilbi sa sarili niyang bayan.

3.Kung may pagkakataong ikaw ay makakapangibang-bansa, gugustuhin mo bang maglingkod sa mga


dayuhan? Ipahayag mo ang iyong pananaw tungkol dito.
Sa aking pananaw kung lantarang ilalahad ko ang aking opinion, mas maganda ang mga oportunidad na matatamo ko sa
ibang bansa. Ngunit hindi ko nais maglingkod para sa mga dayuhan. Ang kabalintunaan nito ay nag-uugat sa
kadahilanang, bilang isang tao, kailagan kong magkaroon ng hanapbuhay ngunit bilang isang Pilipinong nais maglingkod

sa kaniyang inang bayan, nais kong manatili rito kahit na mababa lang ang aking sasahurin. Ngunit kung dadating sap
unto na mangangailangan ko ng pera (at kung iisipin ko ito sa pragmatikong pamamaraan) pipilitin ko ang sarili kong
manilbihan sa ibang bansa pagkat kailangan ko ring pag-aralin ang aking mga nakababatang mga kapatid

V.
Ang tekstong Ginabayang
argumentatibo Paglalahat
ay naglalayong manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran o
pagbibigay-argumento sa isang paksa. Isang paraan ng pagpapatunay sa katotohanan ang
pangangatwiran. Layunin din nitong patunayan ang isang nosyon, konsepto, o ideya na nagsisilbing paraan
para umangat sa iba. Mga halimbawa ng tekstong argumentatibo ang editorial o mga artikulo sa
pahayagan na nagpapamalas ng mga katwiran hinggil sa napapanahong isyu o usapin.

VII. Post Test

Panuto: Patotohanan ang pangungusap sa pamamagitan ng argumentong pabuod.


“Palubha nang palubha ang epekto ng climate change.” Isulat ang iyong paliwanag sa hiwalay
na papel.

End/
CLIMATE CHANGE
Bawat taon nagkakaroon ng panibagong tala ng pagtaas ng temperatura ang bumagsak sa
nakaraang at patuloy na ginagawang mas mainit at mas mainit ang ating planeta. Taon-taon, ang
mga bagong icecap sa hilaga at timog na polo ng ating planeta at patuloy ang pagtaas ng lebel ng
tubig sa ating mga karagatans. Sa katotohanan ay, ngayong taon na ito, isang napakalaking tipak ng
yelo ang humiwalay sa Antarctica; ang pagkagambala ng yelo at pag-init ng buong mundo ang
nagdala ng kasindaksindak na balita na ito at tayong mga tao ay bahagyang responsable para dito.

Ngunit, ano nga ba ang climate change at ano ang epekto nito sa ating mundo? Ang climate change
ay isang kontemporaryong isyung hanggang ngayon ay wala sino man sa ating daigdig ang
nakakaalam ng malinaw at epektibong lunas rito. Ang climate change ay nag-uugat sa iba’t ibang
dahilan ngunit ang pinaka malaking maysala sa kung bakit ito nangyayari ay tayong mga tao. Dahil
sa mga smoke-bleching vehicles, mga pabrika at iba’t ibang mga aktibidad na nagdudulot sa
pagkatibong ng Carbon Dioxide o CO2 sa himapapawid na nagdudulat ng iba’t ibang negatibong
epekto sa ating klima. Hindi lamang tayong mga tao ang naapektuhan ng climate chang ekundi pati
narin ang mga iba’t ibang nilalang sa mundo gaya ng mga halaman at kahayupan.

Patuloy na lumalala ang lagay ng klima ng ating mundo. Ang isa sa mga malawak na gubaft sa ating
mundo, ang gubat ng Amazon sa Brazil, ay nakaranas ng wildfire at isang napakalaking bahagi nito
ang nasunog at nasira; at hindi lang ang Amazon ang nakararanas ang gubat na nakaranas ng
wildfire sa mundo, naroon rin ang California wildfire na naganap nang simula ng 2021. Napakalaki ng
epekto nito sa klima natin pagkat ang Amazon ang taga-gawa ng 20% ng oxygen sa ating daigdig; at
dahil ang Amazon rin ang humihithit ng Carbon Dioxide nang ating mundo.

Ngunit, pagbasehan na lamang natin ang mga kaganapang sa Pilipinas nang naganap. Marami na
tayong mga bagyong napagdaanan ng nakaraang dekada at marami narin tayong mga pagbabagong
hinarap. Ang dating summer capital ng ating bansa ay hindi na kasing-lamig ng nakaraang panahon.
Nang nakaraang taon lamang ay nagkaroon ng wildfires sa Benguet at maraming pagkaaktaong
paulit-ulit tayong niragasa ng El Nino at La Nina. MArami sa ating mga kababayang mga magsasaka
ang nahihirapan na ring magpatubo ng iba’t ibang mga pananim dahil sa panahon at sa kalidad ng
lupa na naapektuhan rin ng panahon; higit pa dito, naapektuhan rin ang mga pandagat nating mga
ecosystem.

Tayong mga tao rin ang may dulot ng climate change at tayo rin dapat ang umayos nito. Kabilang
tayo sa henerasyon ng mga nabigyan ng kakayahang baguhin ang mundo dahil tayo ay binigyan ng
pagkakataong makagamit ng makabagong teknolohiya ngunit tayo rin ang huli sa ating mga
henerasyon na kayang pigilan ang climate change; kailangan na nating kumilos bago mahuli ang
lahat. Kung wala sa ating henerasyon ang kikilos maglalaho ang magandang kinabukasan. Pag ito ay
hahanapan natin ng lunas nang mas maaga, marami tayong mga maiiwasang masasamang
kaganapan sa hinaharap at amraming mga henerasyong ating maisasalba.

You might also like