You are on page 1of 33

PAG-OORGANISA AT

PAGSUSURI NG
DATOS
PAGPAPAYAMAN AT PAG-OORGANISA NG
DATOS: CHARACTER SKETCH
Abot-tanaw
Pagakatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral
ang sumusunod:
1. Natutukoy ang mga elemento ng isang character sketch;
2. Naipaliliwanag ang katangian ng character sketch bilang isang
akademikong sulatin;
3. Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya ng pagpaparami ng datos
o detalye para sa character sketch;
4. Natitiyak ang pagkakaiba ng kongkreto at abstraktong salita;
5. Napag-iiba-iba ang mga paraamn ng pagsasaayos ng datos; at
6. Nakasususulat ng isang character sketch.
CHARACTER SKETCH
-isang anyo ng sanaysay na
naglalarawan o nagsasalaysay
tungkol sa isang tao, hayop, bagay
o lugar tungo sa isang impresyon
o kakintalan, o kaya’y insight o
kabatiran.
Ang isang character sketch ay
nagsisimula sa paghahanay ng
mga naoobserbang datos tungkol
sa paksa at pagkatapos,
pinatitingkad ang isang mas
malalim o di-lantad na katangian
nito.
Kung TAO ang paksa, hindi
natatapos ang sanaysay sa
paglalarawan ng pisikal na katangian
ng paksa. May movement o galaw
ang sanaysay mula sa mga
kongkretong datos patungo sa isang
abstraktong kaisipan.
Maari ding maging paksa ang HAYOP,
BAGAY, o LUGAR sa katuwirang may
panlabas at panloob na katangian din
ang mga ito.
HAYOP- mga kaayang-ayang ugali nito
BAGAY- ang personal na silbi nito sa isang
tao
LUGAR- ang natatanging kahalagahan nito
sa isang pamayanan.
Sa pagpili ng paksa, isaalang-alang
ang DALAWANG BAGAY
Una, pumili ng paksa na pamilyar
sa manunulat
Para magawa ito, kailangang kilalang-
kilala ng manunulat ang paksa upang
mapalitaw niya ang katangian o
kalikasan ng paksa na maaring hindi
madaling makita ng iba.
Pangalawa, pumili ng paksa na
makabuluhan sa lipunan.
Karaniwang nagsisimula ang pagpili ng paksa sa kung
ano ang pamilyar at malapit sa manunulat, ang
ibubungang sanaysay ay kailangang magkaroon ng
silbi sa higit na nakararaming mambabasa o sa
lipunan.
Halimbawa,
Maaring paksain ang isang paboritong lugar sa
lalawigan pero maari ding ipakita nito ang
kahalagahan ng pangangalaga sa pamanang
pangkultura
Samakatuwid, bagaman
nagsisimula ang pagsulat sa
personal na danas, nagtatapos
ito lagi sa panlipunan, sa kung
ano ang makabuluhan sa
nakararami.
PAGPAPARAMI NG DATOS SA
CHARACTER SKETCH
Dalawang aspekto ng pagsulat ang mahalaga sa
Character Sketch
1. Ang kasapatan ng datos
2. Ang organisasyon o pagsasaayos ng mga datos
na ito.
Nakasalalay nang malaki sa dalawang aspekto ito
kung makakabot sa mambabasa ang kakintalan o
kabatirang nais palitawin ang manunulat tungkol
sa paksa.
Ilang estratehiya sa Pagpaparami ng
datos sa konteksto ng personal na
sanaysay tulad ng CHARCTER SKETCH:
1. paglilista
2.Pagmamapa
3. Malayang pagsulat
Ang layunin ng estratehiyang ito ay ang
magpalitaw ng mga datos o detalyeng
magagamit sa pagdebelop ng paksa ng sulatin.
PAGLILISTA
Inililista ang anumang salita o
parirala na may kaugnayan sa paksa
at hindi kailangang maging mahigpit
sa paglilista
PROSESO
1. Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang
paksa ng character sketch.
2. Sa ilalim na nito, sumulat ng anomang salita o
pariralana pumapasok sa isip kaugnay ng
paksa.
3. Maari ding maglista ng mga salita o pariralang
may kaugnayan, hindi lamang sa paksa kundi
maging sa mga salita o pariralang nailista na.
4. Huwag masyadong mag-isip. Iwasan din munang mag-edit.
Ang susi sa paggamit ng estratehiyang ito ay ang bilis ng
paglilista. Ang mahalaga ay ang tuloy-tuloy at mabilisang
paglilista.
5. Ang paliwanag tungkol sa estratehiyang ito, kapag may
presyur sa pagsusulat tulad ng tuloy-tuloy na paglilista,
lumalabas ang ilang impormasyon o detalye nang hindi
inaasahan.
6. Orasan ang paglilista. Gawin lamang ang paglilista sa loob
ng limang minuto.
PAGMAMAPA

Ang Pagmamapa ay tulad din ng


paglilista. Ang kaibahan lamang
mas naipakikita sa estratehiyang
ito ang koneksiyon ng mga
detalye o aytem sa listahan sa
isa’t isa.
MALAYANG PAGSULAT
- Tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa
anyong patalata. Tulad sa paglilista, kontrolado
rin ang oras ng pagsasagawa bg estratehiya
upang maging mabisa ito at makapagpalitaw
ng mga detalye tungkol sa paksa.
PROSESO
1. Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang paksa.
2. Tiyakin na walang anomang sagabal sa pagsulat bago
magsimula
3. Siguraduhin ding maoorasan ang proseso.
4. Sa pagsisimula, sumulat ng mga parirala o
pangungusap na may kaugnayan sa paksa.
5. Sa mga sususnod, isulat lang ang kung anomang
pumasok sa isip. Huwag munang mag-edit. Hindi rin
kailangang sumunod sa wastong gamit ng bantas.
6. Kung walang pumapasok na salita o detalye sa
isip, ulit-ulitin lang ang huling sa lita isinulat;
puwede ring maglagay ng sunod- sunod na tuldok.
7. Hangga’t maari, huwag iaangat ang lapis o bolpen
mula sa papel.
8. Mahalagang tuloy-tuloy at mabilis ang pagsulat.
9. Ang prinsipyo ay katulad din sa estratehiya ng
paglilista- lumiitaw ang nakatagong kaalaman
kapag may presyur sa pagsulat.
10. Pagkatapos ng ehersisyong ito, balikan ang
nasulat at bilugan ang mga detalyeng hindi
akalain na maiisulat. Maaring dito ibatay ang
pagdebelop ng sulatin.
11. Orasan ang malayang pagsulat. Gawin
lamang ito sa loob ng limang minuto.
Tandaan din na ang estratehiyang
ito ay panimulang ehersisyo lamang
para makapaglalabas ng mga detalye
at ideya kung paano idedebelop ang
paksa. Pagkatapos na inisyal ng mga
estratehiyang ito, kailangang
mananaliksik pa ang estudyante.
PAGSASAAYOS NG MGA DATOS
SA CHARACTER SKETCH
Kailangang mabigyan ng kaayusan
ang mga datos upang makatulong
sa pagpalitaw ng kaintalan o
bkabatirang nais palitawin
tungkol sa paksa, at upang
maintindahan ng mambabasa ang
sulatin.
May Ibang paraan ng pagsasaayos
ng mga detalye na tatawaging
orasan, paputok at sayaw.
ORASAN- ay isang tiyak na galaw. Sa
pagsasaayos ng ng mga detalye para sa
isang Character sketch. Maaring magsimula
sa detalye o pangyayaring pinakaunang
naganap na susundan ng iba pang detalye
o pangyayaring lumilitaw o naganap ayon
sa daloy ng panahon.
PAPUTOK
- Ay isang bagay na sinisindihan o
ginagawang aktibo para lumilikhang
isang malakas na ingay. Sa pagsasayos ng
isang character sketch batay sa paputok,
nagsisimula sa isang mahalagang
pangyayari at kasunod nito, ilalahad
naman ang mga bunga o resulta ng
pangyayaring ito.
SAYAW
- Tinawag na sayaw ang estratehiyang
ito dahil ang manunulat ay puwedeng
gumamit ng detalye o pangyayari mula sa
iba’t ibang lugar at panahon. Ang
magbibigay ng kaisahan sa mga datos na
ito ay ang paksa o temang nais idebelop
sa sulatin.
Tandaan na ilan lamang ito sa
mga paraan ng pagsasaayos ng
mga datos. Maaring marami pang
ibang paraan na maisip habang
nagiging mas bihasa na sa
pagsulat.
Pagsulat ng BIONOTE o Pagpapakilala
sa Sarili (o Pagpapakilala sa Indibidwal)
Parang isang anyo rin ng character sketch
ang bionote.
-Isa itong anyo ng sulatin na
pumapaksa sa sarili o sa ibang tao, maikli
lamang, at karaniwang may tonong
pormal. May iba’t ibang sitwasyong
nangangailangan ng bionote.
Ilan dito ang sumusunod:
1. para ipakilala ang may-akda ng isang aklat o
artikulo sa isang journal;
2. para ipakilala ang isang natatanging
indibidwal sa isang natatanging indibidwal sa
isang akalat na pang general reference tulad
ng encyclopedia;
3. para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang
kumperensiya o seminar;
4. para ipakilala ang isang panauhing pandangal sa
isang pormal na pagtitipon at;
5. para iipakilala ang isang natatanging indibidwal
na bibigyan ng parangal.
Ilan lamang ito sa mga posibleng konteksto o
dahilan para sumulat ng isang bionote. Sa bawat
konteksto, iba-iba ang magiging nilalaman at
estilo nito.
Unang halimbawa, para ipakilala ang
may-akda ng isang artikulo sa isang
journal, maikli lamang ito at
karaniwang bumabanggit sa mga
kredensiyal ng may-akda na
magpapatunay na karapat-dapat
siyang magsulat tungkol sa paksa ng
kaniyang artikulo.
Ikalawang halimbawa, para ipakilala ang
isang natatanging indibidwal sa isang
natatanging indibidwal sa isang akalat na pang
general reference na aklat, mahalagaang
komprehensibong listahan ng mga
impormasyon na magpakilala sa indibidwal
upang maging kapaki-pakinabang ang bionote
sa iba’t ibang sitwasyong pagagamitan nito.
Ang bawat bionote ay naglalaman ng mga
sumusunod:
1. Personal na impormasyon
a. Petsa ng kapanganakan
b. Lugar ng kapanganakan
c. Kategoryang kinabibilangan (kung artsista,
direktor, manunulat, pintor, mananayaw, at
iba pa)
d. Magulang
e. Iba pang kaanak na nasa larangan ng sining
2. Mga Nagtapos sa Pag-aaral
3. Mga Natapos na training-workshop
4. Mga likhang sining
5. Mga natamong pagkilala at gawad
Ikatlong halimbawa, sa bionote na
nagpakilala sa tagapagsalita sa isang
kumperensiya o seminar, kailangang maikli rin
lang ito at naglalaman ng mga impormasyong
magpapahiwatig na eksperto ang
tagapagsalita sa paksang kaniyang tatalakayin.
Ang bionote ay binabasa bago magbigay ng
presentasyon ang tagapagsalita.

You might also like