You are on page 1of 3

ST.

THOMAS ACADEMY
Sto. Tomas, Batangas
2nd Sem- SY 2018-2019

GABAY SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


GRADE 11- CORE SUBJECT

PAKSA: Aralin 7- Gamit ng Wika sa Lipunan (Unangat Ikalawang Pangkat)


BILANG NG SESYON: 3-4 sesyon
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Nauunawaan ang mga konsepto ,elementong kultural,
kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PAMANTAYANG PAGGANAP- Nasusuri ang kalikasan, gamit, at mga pinagdaan ng Wikang
Pambansa sa Pilipinas
MGA DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Layunin ng araling ito na matamo ng bawat mag-aaral ang sumusunod:
1. Nakakakilala sa prinsipyo at teoryang ang wika, ang pinakamahalagang instrumento
sa pakikipagkomunikasyon
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ayon kay
M.A.K Halliday
3. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula
4. Nakapagtatanghal nang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay
halimbawa
5. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamt ng wika
6. Naisasabuhay ang wastong paggamit ng wika sa iba’t ibang larangan
KAGAMITAN: Power point Presentation, Aklat, whiteboard, marker, biswal na kagamitan
SANGGUNIAN: Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino p. 80-94
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Katapatan at Pananagutan sa Paggamit ng Wika
sa Iba’t Ibang Larangan

I. PANIMULA
Sa mga unang taon ng paglaki ng bata, unti-unti niyang natutunan ang wikang ginagamit
ng kanyang magulang at iba pang taong nakasasalamuha niya sa lipunang kanyang
ginagalawan. Mahalagang punto ito sa paglaki ng bata sapagkat dito niya nalilinang ang
kanyang mga katangian. Ginagamit niya ang wika upang matugunan niya ang mga
pangangailangang pisikal, emosyonal at sosyal.

II. PAGGANYAK
Bukod sa pagpapahayag ng mga damdamin o pakikipag-usap saan pa kaya maaring
magamit ang wika? Magagamit lamang ba ito sa loob ng tahanan? Tingnan ang mga larawan at
suriin kung paano ginagamit dito ang wika.

III.

INSTRUKSIYON
A. Pagtalakay sa mga sumusunod:
Ayon kay M.A.K Halliday (1973) sa kanyang Explorations in the Functions of Language.
Hinati ni Halliday ang pitong gamit na ito sa dalawang pangkat.
Gamit ng Wika (unang Pangkat)
1. Pang-Instrumental
2. Pangregulatori
3. Pang-inter-aksyunal
4. Pampersonal
Gamit ng Wika (Ikalawang Pangkat)
1. Pangheuristiko
2. Pang-impormatibo
3. Pang-imahinasyon

IV. PAGSASANAY
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ano ang gamit ng wika? Paano nagkakaiba-iba ang bawat isa?
2. Saan nag-uugat ang gamit ng wika? Bakit napakahalagang pag-aralan ang mga
ito?
B. Tukuyin ang kahalagahan ng gamit ng wika sa mga sumusunod.

Hanapbuhay Pampaaralan Programa/media

Saan pinakamahalaga ang gamit ng wika?

V. PAGPAPAYAMAN
Ipaliwanag sa sarili mong pagkaunawa ang mga pahayag nina Saussure at Durkheim
hinggil sa wika. Pagkatapos, batay sa iyong ipinahayag, pumili k ang dalawang programang
pantelebisyon na masasabi mong kakikitaan ng mga prinsipyo ng dalawang nabanggit na
personalidad.

Programa Pagsusuri ayon sa Pagsusuri ayon sa


Prinsipyo ni Saussure Prinsipyo ni Durkheim

VI. PAGTATAYA
Natutunan mo sa aralin na ang wika ay mahalagang medium sa larangan ng
hanapbuhay. Ipagpalagay na ikaw ay nagnanais magtrabahao, gumawa ka ng isang liham na
humihiling ng trabaho.

Rubric sa pagsulat ng liham


Pamantayan Puntos (5-4) Puntos (3) Puntos (2) Puntos (1)

1. Nilalaman Malinaw at tuwiran May 1-2 ang hindi Higit pa sa 2 ang Walang kalinawan
ang nilalaman ng gaanong malinaw at hindi gaanong at hindi tuwiran ang
panakip liham tuwiran ang malinaw at tuwiran nilalamang
nilalamang ang nilalamang impormasyon ng
impormasyon ng impormasyon ng panakip liham
panakip liham panakip liham
2. Wasto ang mga May 1-2 na hindi Higit pa sa 3 na Hindi wasto ang
Kawastuhan impormasyong wastong hindi wastong mga ibinigay na
ng mga inilagay sa panakip impormasyong impormasyong impormasyon
Impormasyon liham inilagay sa panakip inilagay sa panakip
liham liham
3. Wika Maayos na ginamit May 1-2 na hindi Higit pa sa 2 ang Hindi nagamit ng
ang wika at naging gaanong nagamit ng hindi gaanong maayos ang wika,
magalang at pormal maayos ang wika, nagamit ng maayos hindi naging
may ilang salita na ang wika, may ilang magalang at hindi
hindi naging salita na hindi naging pormal
magalang at pormal naging magalang at
pormal
4. Mekanismo May tamang May 3-4 pagkakamali Higit pa sa 4 mali sa Maraming mali sa
mekaniks (baybay, sa mekaniks (baybay, mekaniks (baybay, mekaniks (baybay,
bantas, gamit ng bantas, gamit ng bantas, gamit ng bantas, gamit ng
malaki at maliit na malaki at maliit na malaki at maliit na malaki at maliit na
titik) titik) titik) titik)

Inihanda ni: Sinang-ayunan ni:

Bb. Alreen Mitzchell Z. San Jose Gng. Lilibeth M. Enriquez


Guro Punong-Guro

Bilang ng mag-aaral na nagkaroon ng kasanayan ___________


Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng kasanayan ___________

You might also like